FACEBOOK DOWN?
TINGNAN: Maraming social media user ang nakakaranas ng pagkalog out sa Facebook at Messenger ngayong Huwebes ng gabi.
Hindi rin makapagpadala at makatanggap ng mensahe sa nasabing social media app.
#facebookdown #dzmmradyopatrol630
DWPM
DWPM (630 AM, "DZMM Radyo Patrol 630") is a radio station in Quezon City, Philippines. Owned by Philippine Collective Media Corporation and operated by Media Serbisyo Production Corporation—a joint venture with ABS-CBN Corporation, the station broadcasts a talk radio format. The station's studio is located at the ABS-CBN Broadcasting Center in Quezon City, while its transmitter is located along F. Navarette Street in Obando, Bulacan. More on Wikipedia
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa memorandum na may petsang April 22, inatasan ng Environmental Management Bureau ang mga operator na isumite ang kanilang contingency plans sa loob ng 15 araw. Ito’y kasunod ng sunog na sumiklab sa isang landfill sa Navotas.
#denr #landfill #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa Quezon City Police District, anim na PUPC at apat na tauhan ng Philippine National Police ang sakay ng police mobile na bumibiyahe sa Payatas Road patungo sa Quezon City jail nang mangyari ang aksidente.
#qc #policemobile #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PANOORIN: Inilagay na si Sen. Ronald Dela Rosa sa "protective custody" matapos ang inihaing mosyon ni Sen. Rodante Marcoleta.
Samantala, na-cite in contempt naman ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation na nakitang humabol kay Dela Rosa. l via Angela Babad / DZMM -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa botong 13-9-2, itinalaga bilang bagong Senate President si Alan Peter Cayetano.
9 na senador naman ang bumoto para kay Sen. Vicente 'Tito' Sotto III.
Si Sen. JV Ejercito at si Sen. Migz Zubiri ang nag-abstain.
#senate #alancayetano #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Pinapurihan ni AFP chief Gen. Romeo Brawner Jr. ang 1st Infantry Division sa mahalagang papel nito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Binigyang-diin niya ang sakripisyo at dedikasyon ng mga sundalo, lalo na sa muling pagbangon at pagpapatatag ng rehiyon matapos ang Marawi conflict.
#afp #1stinfantrydivision #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Mahigit 4.4 milyong pasahero na ang natulungan ng service contracting program ng pamahalaan, kasama ang subsidiya, fare discounts, at libreng sakay para mapagaan ang gastos sa transportasyon.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa DOTr, tuloy ang suporta sa mga commuter at operator upang mapanatiling abot-kaya at tuloy-tuloy ang serbisyo.
#dotr #servicecontractingprogram #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PANOORIN: Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Quezon City Police District matapos ang pamamaril sa bahagi ng Timog Avenue ngayong Martes ng hapon.
Dalawa ang naitalang sugatan matapos ang pamamaril na agad dinala sa East Avenue Medical Center.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakita ang isang biktima sa passenger seat, habang ang isa naman ay nakahandusay na sa kalsada.
Bumuo na ang QCPD ng Special Investigation Team (SIT) upang makilala ang mga suspek, at upang madiskubre ang motibo sa likod ng krimen.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Anumang impormasyon ay maaaring ipagbigay alam sa pamamagitan ng QC Helpline 122 o kaya ay sa mga malapit na police station.
#qcpd #timogavenue #pamamaril #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PANOORIN: Kita ang grupo ng mga indibidwal na kinakanta ang tila remix na version ng Lupang Hinirang.
Ayon sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), kuha ang video noong Disyembre 2025 sa Amerika.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Dahil dito, hindi maipapatupad ang RA 8491 o ang The Flag and Heraldic Code of the Philippines.
"Considering that Philippine domestic laws cannot be applied extraterritorially, we are
technically constrained from taking appropriate legal action on the incident," saad ng NHCP.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Paalala ng NHCP, maraming paraan upang maipakita ang pagiging makabayan, ngunit dapat itong nakabatay sa batas, dahil ang anumang kapabayaan ay maaaring humantong sa kaukulang parusa.
#nhcp #lupanghinirang #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagbabala ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga Filipino community sa ibang bansa na maging maingat sa mga grupo at network na umano’y nanghihikayat sa mga ito na sumali sa mga grupo ng rebelde.
#ntf #elcac #rebelde #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iginiit ni dating Senador Antonio Trillanes IV na ipagpapatuloy niya ang laban laban sa aniya’y banta sa demokrasya mula sa pamilyang Duterte. Kasabay ito ng pag-usad ng ICC case ni dating Pangulong Duterte at impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Matagumpay na naisagawa sa Saudi Arabia ang maselang operasyon sa magkambal na sina Klea Ann at Maurice Ann Misa matapos ang 13-oras na surgery. Nagbukas ito ng panibagong pag-asa para sa kanilang malayang pamumuhay at mas magandang kinabukasan.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naglatag ang Baguio City ng economic continuity plan upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng pagkain, kuryente, tubig, at suporta sa mga negosyo sa harap ng tumitinding oil crisis.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Layunin nitong mapanatiling matatag ang ekonomiya at mahahalagang serbisyo sa gitna ng epekto ng tensyon sa Middle East.
#baguiocity #economiccontinuityplan #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naglunsad noong Biyernes ang health advocates at ilang mambabatas ng isang nationwide campaign laban sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga namamatay dahil sa pag-inom ng alak, kung saan tinatayang humigit-kumulang 47 Pilipino ang namamatay araw-araw dahil sa alcohol use.
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakuha ng mga awtoridad ang mga ilegal na droga mula sa sports utility vehicle ng mga suspek, kasama ang mga cellphone at isang international driver’s permit. Nahaharap sila sa kasong drug trafficking.
#pnp #drugs #chinesenational #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinabi ng NTF-ELCAC na pormal nitong sinuportahan ang pagpapalawig ng Amnesty Program ng karagdagang 2 taon upang mabigyan pa ng pagkakataon ang mas maraming dating rebelde na makapagsimulang muli at makabalik sa normal na pamumuhay sa lipunan.
#ntfelcac #amnestyprogram -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa ahensya, bawat magsasaka ay nakatanggap ng P10,125 bilang tulong upang makayanan ang pagbaba ng produksyon ng mais dulot ng matinding init at kakulangan ng ulan sa probinsya.
#dswd #assistance #farmers #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre ng mga awtoridad ang tatlong loader machine, tatlong packaging machine, at iba’t ibang kagamitan na pinaniniwalaang ginagamit sa paggawa ng ilegal na sigarilyo.
#nirpo #sigarilyo #illegal #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inaresto ng mga awtoridad ang 20 Chinese sa operasyon ng Bureau of Immigration at Philippine Army noong Abril 22, matapos matuklasan ang hinihinalang illegal mining sa ilang bahagi ng Davao Region.
#davao #illegalmining #pharmy #bi #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ipinagpapatuloy ng Pag-IBIG Fund ang housing fairs sa South Luzon at Visayas upang bigyan ng mas madaling access ang mga Pilipino sa abot-kayang pabahay at financing.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tampok dito ang libo-libong housing units, subsidized loans, at mababang buwanang hulog na makatutulong sa mas maraming pamilya na makamit ang pangarap na sariling tahanan.
#pagibigfund #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tututok ang nalalapit na ASEAN Summit sa pagpapalakas ng energy security, pagpapatatag ng suplay ng pagkain, at proteksyon sa mga mamamayan ng Southeast Asia sa gitna ng krisis sa Middle East, ayon kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro.
#aseansummit -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan kaya mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer Permanent Danger Zone. Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad.
#mayon #phivolcs
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iginiit ni Vice President Sara Duterte na malinis at lehitimo ang pinanggalingan ng lahat ng kanyang yaman, kasunod ng mga alegasyon ng “unexplained wealth” sa nagpapatuloy na impeachment hearing.
#vpsara
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tiniyak ng Malacañang na susunod ito sa utos ng Korte Suprema na magsumite ng komento sa petisyong humihiling na isapubliko ang medical examination report ni Pangulong Marcos, kabilang ang hinihinging hair follicle drug test.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
May 10 araw ang Palasyo para tumugon sa direktiba ng SC.
#malacañang #sc #pbbm #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Arestado ang isang 30-anyos na lalaki matapos umanong mag-imbento ng kidnapping sa Maynila para pagtakpan ang ₱65,000 na nawaldas sa sugal.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inamin ng suspek na ginawa niya ito upang hindi malaman ng kanyang asawa na natalo niya ang perang para sana sa visa processing bilang seaman.
#maynila #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Namahagi si Pangulong Marcos ng bigas sa maliliit na vendor at naglaan ng ₱200,000 bawat barangay sa 19 barangay sa Palayan City para sa edukasyon at kaunlaran.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
May dagdag ayuda rin para sa mga estudyante sa ilalim ng Bagong Pilipinas Barangay Scholars Program.
#bagongpilipinas #pbbm #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ng PHLPost na maaari nang makuha sa loob ng parehong araw ang Postal ID sa ika-5 palapag ng Government Express Center sa SM City Manila.
#phlpost #id #smmanila #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa inilabas na pahayag ng NBI, ang mga naaresto ay sangkot sa ilegal na online scams, partikular ang tinatawag na “love scamming activities,” “pig butchering,” at “cryptocurrency investment fraud.”
#scammers #scamhub #nbi #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga tricycle driver, jeepney driver, Transport Network Vehicle Services (TNVS) driver, service delivery driver, at motorcycle (MC) taxi driver.
#dswd #cashassistance #driver #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naghahanda na ng PNP para sa posibleng pag-turnover ng dating mambabatas na si Zaldy Co sakaling siya ay ma-deport pabalik ng Pilipinas matapos ang kanyang pagkakaaresto sa Czech Republic noong nakaraang linggo.
#zaldyco #pnp #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa datos ng PNP, bumaba ang bilang ng mga violators mula 11,742 na naitala noong Abril 6 hanggang 6,514 na lamang noong Abril 19.
#dilg #safercities #metromanila #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagpahayag ang PNP na titiyakin nila ang transparency at pagsunod sa due process sa paglilitis sa dating kongresistang si Zaldy Co pagbalik nito ng bansa.
Matatandaang nahuli si Co sa Czech Republic noong Abril 17, matapos ang ilang buwang pagtatago nito.
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Mahigit 10 hinihinalang miyembro ng NPA ang namatay sa engkwentro sa Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental, nitong Linggo, ulat ng Philippine Army.
#negrosclash #negrosencounter
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ibinunyag sa korte na umano’y tumanggap si Brice Hernandez, dating engineer ng DPWH, ng humigit-kumulang ₱299 milyon na inilagay sa mga kahon ng toyo at potato chips.
#bricehernandez #malversationcase #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Pormal nang inilunsad ng PH at US ang Balikatan Exercises 2026, na lalahukan ng mahigit 17,000 sundalo mula sa dalawang bansa.
Isasagawa ang mga operasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula Abril 20-Mayo 8.
#balikatan2026 #militarydrills #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Bahagyang tumaas ang trust at performance ratings ni PBBM, samantalang bumaba naman ang performance rating ni VP Duterte, sa unang quarter ng 2026, ayon sa isinagawang survey ng OCTA Research.
#octaresearch #publicopinion #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Napilitang mag-emergency landing sa Iloilo International Airport ang isang PAL flight mula Dumaguete patungong Maynila nitong Abril 19, matapos makaranas ng isyu sa oxygen supply sa loob ng cabin.
Ligtas na nakalapag ang eroplano kasama ang 175 pasahero.
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Arestado ang tatlong high-value drug personalities sa buy-bust operasyon ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency matapos masabat ang tinatayang ₱48 milyong halaga ng hinihinalang shabu.
#shabu #zamboangacity #suspek #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa ulat, mula noong Marso ay naitala ang pitong kaso ng hoarding, isang kaso ng profiteering, at 19 pang paglabag na may kinalaman sa ilegal na pag-iimbak, transportasyon, at pagbebenta ng mga produktong petrolyo.
#pnp #fuel #kaso #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tiniyak ng east zone water concessionaire na Manila Water na may sapat na suplay ng tubig para sa kanilang mga customer sa panahon ng tag-init.
#manilawater #supply #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Binawi na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang suspension order laban sa Monterrazas residential project sa Cebu matapos makumpleto ng developer ang mga itinakdang corrective measures at mabayaran ang mga multa.
#monterrazas #cebu
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inaasahang malaking bawas-presyo sa produktong petrolyo, kung saan bababa ang diesel ng ₱24.94 kada litro, gasolina ng ₱3.41, at kerosene ng ₱2.00.
Hinikayat niya ang mga oil company na ipatupad ito nang buo at walang delay. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Dumarami ang nagkakasakit na residente malapit sa nasusunog na landfill sa Navotas dahil sa masamang kalidad ng hangin. Ilan sa mga nararanasang sintomas ay ubo, sipon, at lagnat matapos ang ilang araw na exposure sa usok.
#navotaslandfill #healthconcern #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Mahahabang pila ng motorcycle taxi at delivery riders ang naitala sa Caloocan at Quezon City para sa ₱5,000 cash aid ng gobyerno.
Ayon sa ulat, umaabot na sa higit isang kilometro ang pila sa Caloocan Sports Complex habang patuloy ang pagdagsa ng mga benepisyaryo.
#ayuda -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ihinain ni Mamamayang Liberal Rep. Leila De Lima ang House Bill No. 8718 or the “Campus Press Freedom Act,” sa Kamara.
#campuspressfreedombill #freedomofexpression #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Binasa ni dating Presidential Political Adviser Ronald Llamas ang naging sagot ni DILG Sec. Jonvic Remulla sa panibagong hamon ng suntukan ni Davao city Mayor Baste Duterte kina Ramil Madriaga, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at MMDA GM Nicolas Torre III.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tinawag na s*pot at dakdak nang dakdak si Duterte ni Remulla.
Giit pa nito, kung gusto nitong pamunuan ang bansa, dapat itong maging parang isang estadista.
#basteduterte #jonvicremulla #suntukan #kwatroalas #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Patuloy ang pagbibigay ng serbisyong medikal at psychosocial ng DOH sa mga residenteng naapektuhan ng sunog sa Navotas landfill. Bagama’t nais nang bumalik ng ilan sa kanilang tahanan, nagbabala ang ahensya sa panganib ng nalalabing usok.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tiniyak din ng DOH ang tuloy-tuloy na koordinasyon sa LGUs at libreng konsultasyon at pagsusuri para sa mga apektado.
#doh #navotaslandfill #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Pumanaw ang isang 11-anyos na atleta matapos makaranas ng choking habang nasa kompetisyon sa BARMM. Sa kabila ng agarang responde ng medical team, idineklara siyang dead on arrival sa ospital.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nangako ang Philippine Sports Commission ng tulong pinansyal at masusing imbestigasyon upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.
#sepaktakraw #barmm #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nasamsam ng pulisya ang 15,000 litro ng diesel sa Valenzuela at Rizal na hinihinalang bahagi ng ilegal na “paihi” operation.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Dalawang suspek ang inaresto matapos mahuling nagbiyahe ng walang dokumentong petrolyo, habang natuklasan ang isang lihim na imbakan na pinaniniwalaang ginagamit sa bentahan ng mas mura ngunit delikadong fuel.
#paihischeme #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inilabas na ang executive order na magsususpinde sa excise tax sa kerosene at LPG sa loob ng tatlong buwan.
Pinirmahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 114 noong Abril 16.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa ilalim ng pinirmahang EO, ibabalik ang excise tax sa oras na ang one month Dubai crude oil price ay bumaba sa US $80 kada barrel.
Nauna nang tinanggal ang excise tax, sa LPG, at Kerosene, na tumapyas ng nasa P 37 sa kada tangke ng LPG at nasa P 5.60 kada litro ng kerosene.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ibinunyag ni dating DPWH engineer Henry Alcantara na halos 30% lang ng pondo sa flood control projects ang napupunta sa mismong trabaho dahil sa umano’y komisyon at iba pang kaltas.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinabi rin niya pagdinig sa Sandiganbayan na nag-deliver siya ng mula ₱1.75-B hanggang ₱1.8-B kay DPWH Undersecretary Roberto Bernardo kaugnay ng ibang infrastructure projects.
#floodcontrolprojects #dpwh #henryalcantara #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ipinahayag ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapalawig ng bisa ng mga driver’s license at iba pang dokumentong mag-e-expire sa Abril o sa susunod na tatlong buwan.
#lto #extended #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Batay sa desisyong inilabas noong Martes, kinatigan ng korte ang pag-amin ng akusado sa mas magaan na kaso. Dahil dito, ipinataw ng Regional Trial Court (RTC) ang parusang apat hanggang anim na taong pagkakakulong.
#doj #ina #babyforsaleonline #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), target nilang makumpleto ang hindi bababa sa 9,000 classrooms ngayong 2026 bilang bahagi ng pagsisikap na bawasan ang mahigit 150,000 na backlog sa mga pasilidad ng paaralan sa bansa.
#dpwh #classrooms #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tinatayang nasa 2 milyong PUV operators at tsuper ang inaasahang makikinabang sa programa. Batay sa datos noong Abril 15, umabot na sa 319,678 benepisyaryo sa NCR ang nakatanggap ng ayuda.
#cashaid #transportsector #dswd
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Patay ang apat na suspek, kabilang ang dalawang dating pulis, matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng Anti-Kidnapping Group sa kahabaan ng Macapagal Avenue sa Parañaque City.
#kidnapping #expulis #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ipinahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na naglabas na ng red notice ang Interpol laban sa wanted na negosyanteng si Atong Ang.
#interpol #rednotice #atongang #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Patuloy na inaapula ng mga awtoridad ang sunog sa Navotas landfill na umabot na sa ika-anim na araw, kung saan 70–80% ng lugar ang apektado.
Pinakamalaking hamon ang pagpasok ng heavy equipment dahil sa kawalan ng daan at pagdepende sa tide ng barge.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa halip na tubig, lupa na ang ginagamit upang mapatay ang apoy. Samantala, patuloy na nalalantad sa mapanganib na usok ang mga residente, na nagdudulot ng problema sa kalusugan at kabuhayan.
#navotaslandfill #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Bumaba ang kaso ng murder, homicide, pananakit, at rape matapos ipatupad ang Safer Cities program, ayon sa PNP. Gayunman, nananatiling problema ang insidente ng robbery kaya inayos ang deployment ng pulisya.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Mahigit 89,000 violators na ang naitala, habang tiniyak ng mga awtoridad na mananatiling makatao at naaayon sa batas ang pagpapatupad ng programa.
#pnp #safercities #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang courtesy resignation ni National Security Adviser Eduardo Año. Ayon sa Malacañang, nagpasya si Año na magretiro matapos ang mahabang panahon ng paglilingkod sa gobyerno at militar.
#nsa #resignation #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa kanyang unang pahayag matapos ang testimonya ni Ramil Madriaga, pinabulaanan ni Bise Presidente Sara Duterte ang alegasyon tungkol sa umano’y espesyal na pagtrato sa kanyang pag-aaral sa law school.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iginiit niyang natapos niya ang kanyang pag-aaral nang walang tulong at tinawag na puno ng kasinungalingan ang mga paratang, ngunit hindi niya direktang sinagot ang iba pang seryosong akusasyon.
#saraduterte #lawschool #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Wagi ang Cignal Super Spikers kontra Creamline Cool Smashers in 4 thrilling sets, 25-19, 19-25, 25-16, 25-16.
Dahil sa pagkapanalong ito, nanatiling buhay ang pag-asa ng Cignal para sa kampeonato.
#cignal #pvl
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iniimbestigahan ng Ombudsman ang hindi bababa sa 26 na miyembro ng House of Representatives kaugnay ng umano’y mga anomalya sa mga proyektong pang-imprastraktura.
#ombudsman #kamara #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakatakdang magpatupad si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mas mababang taripa sa mga inaangkat na pagkain bilang hakbang upang mapababa ang presyo sa lokal na merkado, kasabay ng patuloy na epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.
#pbbm #imported #taripa #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Arestado ang anim na indibidwal, kabilang ang isang menor de edad, matapos sumiklab ang marahas na sagupaan sa isinagawang demolition operation sa Taguig City noong Lunes ng umaga, ayon sa pulisya.
#taguigcity #demolisyon #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Lunes na umiiral pa rin ang kasunduan ng Pilipinas at Iran na nagtitiyak sa ligtas na pagdaan ng mga barkong may bandila ng Pilipinas sa Strait of Hormuz, kahit patuloy na tensyon at mga ulat ng posibleng blockade ng US.
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nakikipag-usap sa mga tsuper kaugnay ng planong transport strike mula Abril 15 hanggang 17, ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza.
#ltfrb #tsuper #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sumuko si Rep. Kiko Barzaga sa mga awtoridad noong Lunes ng gabi matapos maglabas ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court Branch 147 kaugnay ng 8 counts ng cyber libel.
Inirekomenda ng korte ang piyansa na ₱48,000 para sa bawat bilang, o kabuuang ₱384,000. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa Pangulo, ang pansamantalang pagtanggal ng P3.36 kada kilo na excise tax sa LPG ay inaasahang magpapababa ng presyo ng halos P37 sa bawat 11-kilogram na tangke. Samantala, isasailalim din sa suspensyon ang P5.60 kada litro na tax sa kerosene.
#pbbm #excisetax -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Mahigit ₱22.8 milyon na halaga ng mga tanim na marijuana ang sinunog ng mga awtoridad sa loob ng isang linggong eradication campaign sa Cordillera Administrative Region (CAR) noong nakaraang linggo, ayon sa Philippine National Police (PNP).
#pnp #car #marijuana -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inutusan ni US President Donald Trump noong Linggo ang US Navy na harangan ang Strait of Hormuz, ito ay matapos hindi nagkasundo ang dalawang bansa sa nakatakdang kasunduan.
#trump #usnavy #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Batay sa kanilang monitoring, umabot sa 42°C ang heat index sa Cotabato City. Ito rin ang tanging lugar na inaasahang makakaranas ng parehong danger-level heat index ngayong Lunes.
#cotabatocity #heatindex #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nanawagan si Pope Leo sa mga lider at sangkot sa kaguluhan sa Middle East na itigil na ang digmaan, kasabay ng panawagan sa bilyun-bilyong tao sa buong mundo na pairalin ang kapayapaan.
#popeleo #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ang sunog sa Navotas Sanitary Landfill na nagsimula noong Biyernes ng gabi ay under control na, ayon sa mga awtoridad.
Ayon sa Environment Management Bureau–NCR, ang sunog ay lumala dahil sa mainit na panahon, na nagdulot ng makapal na usok o haze sa Metro Manila at Bulacan. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sumiklab ang isang malawakang grass fire na tumupok sa humigit-kumulang 20 ektarya ng lupa sa Mount Asog, na kilala rin bilang Mount Iriga, na sakop ng Iriga City at bayan ng Buhi sa Camarines Sur.
#sunog #camarinessur #grassfire #mountasog #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inaasahang bababa ang presyo ng diesel ng humigit-kumulang ₱20.89 kada litro, ₱8.50 kada litro naman sa kerosene, at ₱4.43 kada litro sa gasolina, ayon sa pagtataya ng Department of Energy (DOE).
#rollback #oilprice #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kabilang sa mga naaresto ay mga lalaking walang suot na pang-itaas, paglabag sa curfew ng mga menor de edad, pag-inom ng alak sa pampublikong lugar, paninigarilyo sa pampublikong lugar at paglabag sa City Traffic Ordinance.
#cebu #ccpo #violators #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ibinahagi ng International Union for Conservation of Nature na kabilang na sa endangered species ang Emperor penguin at Antarctic fur seal dahil sa epekto ng climate change, tulad ng pagkawala ng tirahan at kakulangan sa pagkain.
#iucn #emperorpenguin #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon kay Department of Energy Secretary Sharon Garin, maaaring hindi na muling bumalik sa ₱60 kada litro ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa dahil sa tinatawag na “structural damage” na dulot ng sigalot sa Middle East.
#doe #middleeast #petrolyo #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Pansamantalang sinuspinde ng Manila Police District ang mahigpit na pagpapatupad ng lokal na ordinansa na nagpapataw ng parusa sa mga indibidwal na walang suot na damit pang-itaas sa publiko, kasunod ng mga puna na ito ay “anti-poor.”
#mpd #maynila #oplangalugad -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
NO TO FAKE NEWS!
Nanawagan ang Presidential Communications Office (PCO) at Department of Information and Communications Technology (DICT) sa tech giant na Meta na agad kumilos laban sa mga “mali, mapanlinlang, at nakapagdudulot ng takot” na nilalaman sa social media.
#meta -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakuha ng Gilas Women ang una nitong panalo sa FIBA 3x3 World Cup Qualifier laban sa Singapore, 21-19.
Maagang nakalamang ang Gilas Women, kung saan umabot pa sa pito ang lamang nito, 10-3.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nahabol ng Singapore ang kalamangan ng Pilipinas sa likod ng mga two-point shot nito.
Naselyo naman ng Gilas ang panalo sa pamamagitan ng crucial baskets ni Kacey Dela Rosa.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ito ang unang panalo ng Gilas Women matapos yumukod sa Brazil sa una nitong laro, 13-16.
📷: Samahang Basketbol ng Pilipinas
#fiba3x3 #gilaswomen #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nasunog ang isang handheld mini fan matapos maiwang naka-charge magdamag sa isang bahay sa Caloocan. Nagising ang may-ari nang maramdaman ang apoy at agad itong naapula, ngunit nagtamo siya ng mga paso.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Samantala, nagbabala naman ang BFP laban sa pag-o-overcharge ng mga gadget upang maiwasan ang sunog.
#minifan #sunog #overcharge #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Arestado ang anim na indibidwal matapos umanong mahuli sa aktong pagsasagawa ng oil pilferage sa loob ng isang hotel at resort compound sa San Pablo City, Laguna noong Miyerkules.
Ang kabuuang tinatayang halaga ng mga nakumpiskang item ay umabot sa mahigit ₱3.5 milyon. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
LABANAN ANG FAKE NEWS.
Ilulunsad ng Malacañang ang isang online platform bilang bahagi ng kampanya nito laban sa fake news at maling impormasyon na kumakalat sa internet, kabilang ang mga mali at malisyosong pahayag na may malubhang sakit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
#pco -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Plano ng BOC na ipatupad ang modernisasyon ng mga pantalan sa ilalim ng Customs Processing System (CPS) sa unang quarter ng 2027.
Layunin ng CPS na mapabilis at mapadali ang mga proseso ng pag-import at pag-export, mapatatag ang data integrity, at mabawasan ang korapsyon. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
TULONG NG DSWD.
Nagbigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga tsuper ng public utility vehicle (PUV) sa pamamagitan ng libreng pagkain mula sa programang ‘Walang Gutom Kitchen’ (WGK), kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kabilang ang Pilipinas sa pitong “priority countries” para sa US international food assistance programs, ayon sa US Department of Agriculture (USDA) noong Biyernes.
#us #ph #foodassistance #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa ulat, tatlong kadete ang naaresto matapos ang umano’y hazing na naganap noong Biyernes Santo, kung saan humigit-kumulang 20 mga nakababatang kadete ang nasaktan. Ang mga biktima ay nagtamo ng mga paso matapos gamitan ng muriatic acid at kemikal na drain cleaner.
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Natagpuan na ng mga awtoridad ang mga bangkay ng piloto ng isang Cessna plane na bumagsak sa Dinagat Islands, pati na rin ang kanyang asawa.
#cessnaplane #crash #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PANIBAGONG SAKIT SA BULSA!
Tataas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ng P0.53 kada kilowatt-hour ngayong Abril.
#meralco #bill #taassingil #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang mas mabilis na digitalisasyon ng BIR upang mapadali ang pagbabayad ng buwis bago ang April 15 deadline.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Aniya, dumarami na ang gumagamit ng online transactions kaya kailangan palakasin ang digital systems para mabawasan ang red tape, mapataas ang koleksyon, at mapabuti ang serbisyo sa mga nagbabayad ng buwis.
#bir #itr #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inaresto ng PNP at PDEA ang anim na suspek sa anti-drug operations sa Parañaque at Leyte, kung saan nasamsam ang mahigit P101 milyong halaga ng hinihinalang shabu.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kabilang sa mga nahuli ang mga high-value individuals, at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
#shabu #pnp #pdea #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Aabot sa ₱1.5 bilyon ang inisyal na pondo para sa fuel subsidy program ng pamahalaan para sa mga public utility vehicle, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
Post not available here, view on X
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa ilalim ng subsidy, may ₱10 bawas kada litro ng diesel para sa hanggang 150 litro kada linggo, o katumbas ng hanggang ₱1,500 kada linggo bawat kwalipikadong sasakyan.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa pamahalaan, target na tumagal ang pondo hanggang Hulyo 2026, depende sa aktuwal na paggamit ng mga beneficiaries.
#fuelsubsidy #ltfrb #dzmmradyopatrol630This media couldn't be displayed. See it on the original post. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nanawagan si Energy Secretary Sharon Garin sa publiko at mga ahensya ng gobyerno na magtipid sa paggamit ng enerhiya upang mapanatili ang sapat na suplay ng langis sa bansa.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon kay Garin, bagama’t may tinatayang 50 araw na oil stock ang Pilipinas, maaari itong mabawasan kung hindi makokontrol ang konsumo at magpapatuloy ang hoarding.
Iminungkahi rin niya ang mas regular na energy-saving measures, gaya ng mas madalas na “Earth Hour.”
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Dagdag ni Garin, mahigit 500 gusali ng gobyerno ang ininspeksyon ng DOE at lahat umano ay nagpatupad na ng mga hakbang para sa energy conservation.
#doe #sharongarin #energyconservation
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon kay Department of Energy Secretary Sharon Garin, magkakaroon ng pagtaas sa singil sa kuryente ng ilang electric company, kabilang ang Meralco, ngunit minimal lamang umano ito.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ani Garin, centavos lamang ang inaasahang dagdag-singil at hindi ito kasing laki ng pagtaas sa presyo ng diesel.
Ipinaliwanag niya na ang adjustment ay dulot ng pagtaas ng presyo ng coal.
#doe #sharongarin #meralco #powerrates #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Maaaring umabot sa tinatayang ₱170 bilyon ang mawawalang kita ng pamahalaan kung aalisin ang value-added tax (VAT) sa fuel, depende sa magiging final na disenyo ng panukala.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, maaari pang magbago ang halagang ito batay sa galaw ng presyo ng petroleum products dahil naaapektuhan din nito ang halaga ng VAT na nakokolekta.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakadepende rin ang magiging revenue loss sa kung ang aalisin bang VAT ay sa pump price lamang o pati sa pag-aangkat ng langis.
#vat #fuelprices #oilprices #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, bumibili ang pamahalaan ng sariling suplay ng langis sa pamamagitan ng Philippine National Oil Corporation (PNOC) upang madagdagan ang available na supply sa bansa.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Aniya, target ng PNOC na makakuha ng 318 milyong litro o katumbas ng 2 milyong bariles ng langis. Sa ngayon, 165 milyong litro na ang na-order at nakatakdang dumating mula Malaysia, Singapore, at Oman.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Dagdag ni Garin, nananatili sa humigit-kumulang 50 araw ang oil stock ng bansa, ngunit nilinaw niyang hindi ito nangangahulugang mauubos ang supply matapos ang 50 araw dahil tuloy-tuloy ang replenishment ng mga bagong stock.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
#doe #sharongarin #pnoc #oilsupply #fuelprices #dzmmradyopatrol630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ilulunsad ang isang nationwide service contracting program simula Abril 15 upang mabawasan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa mga commuter at mga manggagawa sa pampublikong transportasyon, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes.
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PANOORIN: Inisa-isa ni Augustus Ferreria, Presidente ng Automobile Association of the Philippines ang iba-ibang pamamaraan para makatipid sa paggastos sa langis.
1/2This media couldn't be displayed. See it on the original post.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kabilang sa mga binanggit ni Ferreria ang ugali ng driver, partikular ang madiing pag-apak sa preno, pati ang timing sa pagpapagasolina upang hindi maging "fumes" ang natitirang gasolina sa mga tangke ng sasakyan.
#oil #tipidtips #dzmmradyopatrol630
2/2 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa DBM, gagamitin ang nasabing pondo para sa fuel subsidies para sa sektor ng transportasyon, tulong sa mga magsasaka at mangingisda, suporta sa kalusugan, at iba pang targeted social protection programs.
#dbm #fuelsubsidy #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
NICE ONE KQ!
Kinilalang Rookie of the Year si Kevin Quiambao sa Korean Basketball League (KBL) matapos ang magandang 2025–26 season niya kasama ang Goyang Sono Skygunners.
#kevinquiambao #kbl #proudpinoy #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
SANA NAMAN MATULOY!
Simula Abril 6 hanggang 8, bumaba ang presyo ng diesel sa ₱7 per liter, ₱3 per liter sa gasolina, at ₱5 per liter sa kerosene.
#rollback #oilprice #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nangako ang PNP na ipagpapatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa sa Metro Manila matapos mahuli ang mahigit 48,000 lumabag sa loob ng tatlong araw.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kabilang sa mga paglabag ang pag-inom at paninigarilyo sa publiko, curfew ng menor de edad, at ingay sa gabi, bilang bahagi ng kampanya para sa mas ligtas na komunidad.
#pnp #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagsagawa ng anti-armor drills at helicopter sling-load operations ang tropang Pilipino at Amerikano sa “Salaknib” exercises sa Fort Magsaysay.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahang militar, koordinasyon, at kahandaan ng dalawang bansa sa pagharap sa iba’t ibang banta, bilang bahagi ng kanilang matagal nang alyansa.
#ph #us #salaknib #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Maayos ang kalusugan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro.
Ito ay kasunod ng mga ulat na may sakit umano ang pangulo.
#bongbongmarcos #health #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
BASAHIN: Nagpapasalamat si House Speaker Faustino Dy III sa hindi paglalabas ng temporary restraining order ng Supreme Court sa inihaing reklamo ni Vice Pres. Sara Duterte ukol sa impeachment proceeding.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Aniya, ipagpapatuloy ng Kamara ang mandato nito, partikular ang paghawak sa impeachment proceedings.
Nakatakda sa Abril 14 ang pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara. l via Mari Ocampo / DZMM, PRTV News
#vpsaraduterte #impeachment #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagbabala ang Department of Foreign Affairs na maaaring maantala ang paglabas ng mga bagong pasaporte simula huling linggo ng Marso 2026 dahil sa isyu sa logistics at supply chain dulot ng tensyon sa pagitan ng United States at Iran.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa ahensya, maaaring tumagal ng 10 hanggang 15 working days ang release habang inaayos ang problema sa printing ng ePassports. Pinapayuhan ang mga aplikante na magplano nang maaga o makipag-ugnayan sa DFA para sa agarang pangangailangan.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inaprubahan ng isang korte sa Maynila ang pagharap ni Ramil Madriaga sa pagdinig ng House Committee on Justice sa Abril 14 kaugnay ng impeachment ni Sara Duterte.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa kanyang affidavit, naghatid umano siya ng ₱33–35 milyong cash sa ilang indibidwal na malapit sa bise presidente. Samantala, naghain ang kampo ni Duterte ng petisyon sa Korte Suprema upang ipawalang-bisa ang proseso ng impeachment.
#saraduterte #bagman #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakapagtala ang PHIVOLCS ng panandaliang lava fountaining at ash clouds sa Bulkang Mayon bandang 8AM-9AM ng umaga ngayong araw, Abril 7.
Nanatiling Alert Level 3 ang bulkan kung saan mataas ang posibilidad ng pag-aalboroto nito.
#mayonvolcano #alertlevel3 #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakikipag-ugnayan ang DILG sa gobyerno ng Vietnam para kumpirmahin ang mga ulat na nasa bansa nila ang wanted businessman na si Atong Ang.
#atongang #manhunt #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naglabas ng subpoena ang Sandiganbayan laban sa records custodian ng DPWH kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control project sa Pandi, Bulacan.
#dpwh #bulacanfloodproject #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sumiklab ang isang malaking forest fire sa Mt. Halcon sa Oriental Mindoro nitong Abril 4 na agad namang tinugunan ng mga awtoridad.
Nahihirapan ang mga BFP na marating ang sentro ng apoy dahil sa matarik na terrain at kawalan ng maayos na trail.
#forestfire #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tiniyak ng PNP na hindi maisasantabi ang human rights sa mas pinaigting na pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa.
Ayon sa ahensya, may malinaw na mga alituntunin at sapat na pagsasanay ang mga personnel upang masigurong makatao ang pagpapatupad ng batas.
#humanrights -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ibinahagi ni DJ JhaiHo ang pagkakaroon niya ng viral pneumonia matapos makaranas ng hirap sa paghinga, dahilan ng kanyang agarang paghingi ng tulong medikal.
#djjhaiho #showbiznews #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
CASH RELIEF ASSISTANCE NG DSWD.
Magsisimula ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa sabayang pamamahagi ng cash relief assistance (CRA) para sa mahigit 328,000 tricycle drivers sa mga lungsod sa labas ng National Capital Region (NCR) simula Abril 8.
#dswd -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ibinahagi ng tagapagsalita ng Philippine Coast Guard na si Commodore Noemie Cayabyab na naitala nila ang halos 3.4 milyong pasahero sa karagatan sa buong bansa mula nang magsimula ang “Oplan Biyaheng Ayos” noong Marso 28.
#pcg #semanasanta #byahengdagat #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagbalik na sa operasyon ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nitong Lunes matapos ang apat na araw na pansamantalang pagsasara para sa rehabilitasyon na isinagawa noong panahon ng Holy Week.
#mrt3 #rehab #holyweek #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
SOLICITATION SCAMS.
Nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) noong Lunes sa publiko laban sa mga kawatan na nanghihingi ng sponsorship at donasyon gamit ang pangalan ng mga lehitimong non-governmental organizations (NGOs).
#nbi #charity #solicitationscam -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MAGANDANG BALITA.
Kabilang sa programa ang isang job fair kung saan may humigit-kumulang 5,000 trabahong iniaalok mula sa 15 pribadong recruitment agencies, 13 lokal na employer, at iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
#ofws #government #jobfair #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Isinasagawa na ang imbestigasyon upang matukoy kung bakit sumadsad ang pampasaherong barko na MV Our Lady of Fatima 3 ilang sandali matapos itong umalis sa Lubang, Occidental Mindoro noong Abril 5, Linggo ng Pagkabuhay.
#pcg #mvourladyoffatima3 #mindoro #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
BISTADONG KALAKARAN SA BFP.
Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla noong Lunes na lahat ng fire safety inspectors ng Bureau of Fire Protection sa Metro Manila ay inalis sa kanilang puwesto bilang bahagi ng malawakang kampanya laban sa korapsyon. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Pinatunayan ng isang 78-anyos na lola na hindi hadlang ang edad sa pag-abot ng pangarap matapos siyang matagumpay na makapagtapos ng Senior High School sa Cagayan.
#seniorhighgradlola #genovevaandaya #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tumaas na sa P 1,600 ang presyo ng 11 kg na liquefied petroleum gas (LPG), batay sa anunsyo ng REGASCO.
Aniya, ito ay bahagi ng utay-utay na pagtataas para sa buwan ng Abril.
Ang pagtaas para sa buwan na ito ay nasa P 16 kada kilo o nasa P 176 sa bawat 11 kg na LPG tank.
#lpg -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagbabala ang LTOP, ACTO, at PISTON na maraming tsuper ang humihinto sa pamamasada dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at limitadong tulong mula sa gobyerno.
#transportcrisis #fuelpricehike #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Natagpuang patay at nakalambitin sa linya ng kuryente ang isang 32-anyos na lalaki sa Brgy. Payatas, Quezon City, nitong Lunes ng umaga, Abril 6, matapos umanong pagtangkaan nitong magnakaw ng kable.
#quezoncitynews #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inaasahang magsusumite ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) ng kanilang pinal na rekomendasyon sa Malacañang bukas, Abril 7, kaugnay sa panukalang fuel excise tax suspension.
#fueltaxsuspension #oilpricehike #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naglabas ng subpoena ang House Committee on Justice laban kay Ombudsman Jesus Remulla upang obligahin itong humarap at magsumite ng kopya ng SALNs ni VP Sara Duterte.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng nagpapatuloy na pagdinig ng Kamara sa mga impeachment complaint laban sa Bise. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Isang magnitude na 5.4 lindol ang yumanig sa katubigang sakop ng Bogo City, Cebu nitong 3:22 p.m., Lunes, Abril 6, ayon sa Phivolcs.
Kabilang ang San Francisco, Cebu at Hilongos at Villaba, Leyte sa naitalang nakaranas ng Intensity IV o ang pinakaapektado nito.
#lindolph -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inihayag ng DILG ang mas mahigpit na pagpapatupad ng “Safer Metro Manila” initiative kabilang ang pagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga kalsada at iba pang pampublikong lugar.
#publicdrinkingban #safermetromanila #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagtungo si Sen. Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan ngayong araw, Abril 6 upang iulat ang kanyang pagbabalik sa bansa matapos ang bakasyon noong Holy Week.
Matatandaang pinayagan siyang bumiyahe sa Hong Kong, Macau, at Japan mula Marso 31 hanggang Abril 5.
#jinggoyestrada -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinabi ni Health Undersecretary Albert Domingo na mula Marso 29 hanggang Abril 2, umabot sa 1,091 ang naitalang road crash injuries mula sa 161 ospital sa buong bansa sa ilalim ng Code White alert ng ahensya.
#doh #aksidente #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iniimbestigahan ang 3 empleyado ng NAIA 3 at maaari silang sampahan ng kaso matapos mawalan ng halos ₱9,000 na cash ang isang Australian national na patungong Cebu habang sumasailalim sa luggage screening sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong nakaraang linggo.
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Layunin ng food security task force na masubaybayan at agad na tugunan ang mga pagkaantala sa suplay ng agrikultura, presyo, at kalakalan na dulot ng energy emergency, ayon kay DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr.
#da #taskforce #energyemergency #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa ilalim nito, ang mga kwalipikadong miyembro na OFW ay maaaring mag-apply upang ma-withdraw ang hanggang 100% ng kanilang regular na ipon sa Pag-IBIG, kabilang ang hulog ng empleyado, hulog ng employer, at kinita nitong dibidendo, kahit hindi pa umaabot sa 20 taong maturity.
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Arestado ang kabuuang 332 indibidwal sa iba’t ibang cybercrime offenses sa isinagawang operasyon ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa unang quarter ng 2026.
#suspek #arestado #pnpacg #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ilang mga bus company na bumibiyahe mula Bicol patungong Metro Manila ay fully booked na hanggang Huwebes, ayon sa pamunuan ng Bicol Central Station.
#bicoltomanila #bus #byahe #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
BALIK ULIT SA LABAN NG BUHAY.
Maraming biyahero na umuwi sa kanilang mga probinsya para sa paggunita ng Semana Santa 2026 ang nagsimula nang bumalik sa Metro Manila noong Linggo ng Pagkabuhay, Abril 5.
#semanasanta #biyahero #backtoreality #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kinukuwestyon ng mga tsuper at transport groups ang pagtugon ng pamahalaan sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel sa bansa sa nakalipas na limang linggo. Anila, hindi sapat ang mga hakbang upang maibsan ang epekto nito sa kanilang kabuhayan.
#fuelpricehike -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa PNP, naging mapayapa at maayos ang takbo ng mga aktibidad sa iba’t ibang lugar habang ginugunita ang Mahal na Araw. May ilan lamang umanong maliliit na insidente na naresolba kaagad, at walang malubhang krimen na naganap sa panahon ng pagdiriwang.
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagbabala si Sen. Panfilo Lacson na maaaring mawalan ng mahigit P320 bilyon ang Pilipinas sa kita ng gobyerno kung sususpindihin ang value‑added tax (VAT), isang panukala bilang tugon sa tumataas na presyo ng gasolina at iba pang bilihin. #vatsuspension #dzmmradyopatrol630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Muling nagtipon ang iba’t ibang manggagamot, albularyo, at herbalist sa Siquijor para sa taunang healing festival, na ginanap habang ginugunita ng marami ang Holy Week.
#siquijor #healingfestival #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Suportado ni Sen. Ping Lacson ang posibleng joint oil at gas exploration ng PH at China sa West Philippine Sea, dahil sa potensyal umano nitong makatulong sa energy supply ng bansa.
#phchinajointexploration #westphilippinesea #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Isang Pinay singer ang umabante sa susunod na round ng Britain’s Got Talent matapos makakuha ng apat na “yes” mula sa mga hurado sa kanyang audition.
Pinahanga ni Kristel Herrera, mula Sampaloc, Manila, ang judges at audience sa kanyang husay sa pag-awit,
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Patay ang isang 38-anyos na dating pulis matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa Valenzuela City nitong Sabado, Abril 4, ayon sa mga awtoridad.
2 suspek ang arestado habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo ng nasabing krimen. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagbabala ang PCO laban sa kumakalat na maling impormasyon tungkol sa suplay at presyo ng enerhiya sa bansa. Ito’y kasunod ng pagkalat ng mga pekeng ulat hinggil sa umano’y “energy lockdown,” na agad nilang pinabulaanan at tinawag na fake news.
#fakenews #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tinawag na “fake news” ng Department of Health (DOH) ang mga kumakalat sa social media na magkakaroon umano ng emergency lockdown simula Abril 10 dahil sa sinasabing “Cicada” variant ng COVID-19.
#doh #wagmaniwalasafakenews #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inihahanda na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang humigit-kumulang 200,000 job opportunities sa ibang bansa para sa mga repatriated na overseas Filipino workers (OFWs).
#ofws #dmw #trabaho #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naitala ni Emmanuel “Jimuel” Pacquiao Jr. ang kanyang unang panalo bilang professional boxer matapos talunin si Darrick Gates sa pamamagitan ng technical knockout noong Sabado sa Pechanga Resort Casino.
#boxing #jimuelpacquiao #win #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Si “Alyas Primo” ay inaresto batay sa warrant of arrest para sa kasong robbery with intimidation at homicide, at hindi direktang kaugnay ng umano’y pagkakasangkot niya sa mga kaguluhan sa protesta noong 2025.
#ganglider #primo #arestado #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ilang lugar sa Puerto Galera ang nakaranas ng ilang oras na pagkawala ng kuryente noong Sabado, sa gitna ng pagdagsa ng libo-libong turista para sa mga aktibidad ng Holy Week.
#puertogalera #brownout #minolosubstation #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Isang magnitude 6.0 na lindol ang tumama sa karagatan malapit sa bayan ng Sarangani sa Davao Occidental noong Sabado at naramdaman din ito sa mga kalapit na lugar, ayon sa PHIVOLCS.
#lindol #sarangani #phivolcs #ph #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Binigyang-diin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula noong Sabado na ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang mapayapang pakikibaka laban sa galit at poot.
#paskongpagkabuhay #manilaarchbishop #josecardinaladvincula #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PAGGUNITA, AT PAG-ALALA TUWING SEMANA SANTA SA BANSA
PANOORIN: Sa bawat probinsya o siyudad sa Pilipinas, iba-iba ang pamamaraan nito ng pag-alala at paggunita ngayong Semana Santa.
1/3This media couldn't be displayed. See it on the original post.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Mula sa prusisyon ng Poong Jesus Nazareno sa Quiapo, hanggang sa pagpapapako sa krus sa San Fernando, Pampanga at self-flagellation, iba-iba ang paraan ng pag-alala sa pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesukristo.
2/3
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iba-iba man ang selebrasyon, iisa lamang ang layon, ang magsisi, at muling manumbalik sa piling ng Panginoon.
#semanasanta #dzmmradyopatrol630
3/3 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Isang fighter jet ng Amerika ang napabagsak mula sa himpapawid ng Iran. Sa ngayon, isa sa dalawang crew member na nag-eject ay matagumpay nang nasagip, habang patuloy pa rin ang paghahanap sa isa pang nawawala.
#iran #fighterjet #us #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Umabot na sa 4,241 ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga dependents na napauwi ng pamahalaan ng Pilipinas mula sa Middle East sa gitna ng digmaan.
#ofws #dmw #middleeast #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
ALAY LAKAD.
Milyun-milyong deboto mula sa Metro Manila at mga karatig-probinsya ang nakiisa nitong Huwebes sa taunang “Alay Lakad” na patungo sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City.
#alaylakad #antipolo #pnp #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sugatan ang hindi bababa sa pitong katao matapos bumagsak ang bahagi ng kisame ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Biyernes Santo, ayon sa kumpirmasyon ng Department of Transportation (DOTr).
#naia1 #dotr #biyernessanto #aksidente #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Batay sa unang apat na araw ng kalakalan ngayong linggo mula Marso 30 hanggang Abril 2, tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Tataas ang diesel ng P15 per liter, P1.20 per liter sa gasolina, at P8 per liter sa kerosene.
#oilpricehike #ph #middleeast -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PAGNINILAY, PANANAMPALATAYA, AT PAGSISISI NGAYONG SEMANA SANTA
PANOORIN: Bilang isang Katolikong bansa, iba-iba ang pamamaraan ng Pilipinas ng pag-alala simula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.
1/2This media couldn't be displayed. See it on the original post.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Alam nyo rin ba na walang ispesipikong linggo ang selebrasyon ng Semana Santa sa bansa? Dahil ito ay nakabase sa Linggo ng Pagkabuhay, o mas kilala bilang Easter Sunday.
Panoorin ang iba pang mas malalim na pagpapaliwanag ukol sa Semana Santa sa video na ito.
#semanasanta
2/2 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Isang 7.4 magnitude na lindol ang tumama sa silangang bahagi ng Indonesia noong Huwebes, na ikinasawi ng hindi bababa sa isang tao. Nagdulot din ito ng mga alon na umabot hanggang 75 centimeters at nagpalabas ng tsunami warning.
#lindol #indonesia #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PANANAMPALATAYA.
Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, marami pa ring pamilyang Pilipino at mga grupo sa Bulacan ang nakiisa sa tradisyon tuwing Huwebes Santo na visita iglesia sa hindi bababa sa pitong simbahan.
#bulacan #visitaiglesia #huwebessanto -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naitala ang pagbuga ng lava fountain mula sa Bulkang Mayon sa Albay nitong Huwebes Santo, Abril 2, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
#bulkangmayon #lava #ocd #phivolcs #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sampung overseas Filipino workers (OFWs) ang ligtas na nakabalik sa Pilipinas mula sa Lebanon noong Huwebes Santo, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), habang patuloy ang digmaan ng Amerika at Israel laban sa Iran.
#lebanon #ofws #dmw #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
“REAL FIGHT.”
Nilinaw ni eight-division world champion Manny Pacquiao na ang nakatakdang rematch laban kay Floyd Mayweather Jr. sa Setyembre 19 ay isang “tunay na laban.”
#mannypacquiao #mayweather #fight #boxing #rematch #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
ANG KULTURA NG SEMANA SANTA SA PILIPINAS
PANOORIN: Ngayong Semana Santa, alamin ang mga kaganapan sa likod ng banal na selebrasyon sa bansa.
1/2This media couldn't be displayed. See it on the original post.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa Pilipinas, na isa sa mga malalaking Roman Catholic countries, taun-taon itong ginugunita, partikular ang iba't-ibang pamamaraan ng pag-alala sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo.
#semanasanta #dzmmradyopatrol630
2/2 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Magsisimula ang LTFRB ng 4-day work week simula Lunes, Abril 6, alinsunod sa energy‑saving policy ng gobyerno na inilatag sa ilalim ng Memorandum Circular 114 ng Malacañang, bunsod ng epekto ng kasalukuyang krisis sa langis at enerhiya.
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Hiniling ng DFA sa Iran na ituring ang mga barkong patungong Pilipinas bilang “non‑hostile," upang masiguro ang ligtas na pagpapadaan ng mga sasakyang may kargang langis at ibang produkto sa Strait of Hormuz.
#straitofhormuz #oilsecurity #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nasa kustodiya ng Bureau of Customs (BOC) ang walong luxury cars na iniuugnay sa dating kongresista na si Zaldy Co, mula sa isang compound sa Maynila matapos ang pagtatapos ng termino ng Independent Commission on Infrastructure (ICI).
#floodcontrolanomaly #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iginiit ni DOLE Undersecretary Benedicto Ernesto Bitonio Jr. na hindi magpapatupad ang DOLE ng pambansang umento sa minimum wage sa darating na Labor Day sa Mayo 1, 2026.
#wagepolicy #dagdagsahod #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa Q1 ng 2026, nakapagsagawa umano ang PNP ng 14,550 anti-narcotics operations sa bansa, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 16,700+ na indibidwal na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga at pagkakasamsam ng ilegal na droga na may ₱11 bilyon ang halaga.
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ng Bureau of Immigration na naka-full force ito ngayong Holy Week dahil inaasahang aabot sa 45,000 international travelers ang aalis araw-araw. Nag-deploy na rin ng dagdag na tauhan para mapabilis ang proseso sa mga paliparan.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Pinayuhan ang mga pasahero na dumating nang hindi bababa sa tatlong oras bago ang flight. Samantala, iginiit ng BI na libre ang eTravel registration at binalaan ang publiko laban sa mga pekeng website na naniningil, na anila’y malinaw na panlilinlang.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nag-inspeksyon ang NCRPO sa mga bus terminal sa Cubao at PITX bilang bahagi ng pinaigting na seguridad ngayong Holy Week. Ayon sa pulisya, nananatiling mapayapa ang sitwasyon sa Metro Manila at wala pang naitatalang banta o insidente ng krimen.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Libo-libong pulis ang naka-deploy para tiyakin ang kaligtasan ng mga biyahero. Pinayuhan din ang publiko na siguraduhing naka-lock at ligtas ang kanilang mga bahay bago umalis.
#ncrpo #holyweek #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tabla sa 1–1 ang laban ng Philippine men’s national football team laban sa host na Tajikistan sa Hisor Central Stadium.
Kahit magkapareho ang kanilang record, bigong makausad ani Plipinas dahil mas mataas ang goal difference ng Tajikistan.
#afcasiancup #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Magtataas ng ₱20 kada kilo ang presyo ng LPG simula ngayong araw, Abril 1, ayon sa Petron Corporation, bunsod ng paggalaw ng presyo nito sa merkado. Sumunod din sa price hike ang iba pang kumpanya tulad ng Solane.
#lpgpricehike #energynews #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ng Department of Transportation ang pagpapatupad ng discounted fares at posibleng libreng sakay sa mga bus sa mga susunod na linggo upang maibsan ang gastos ng mga commuter.
#commuterelief #dotrupdates #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Natuklasan ng mga awtoridad ang isang pinaghihinalaang shabu lab sa Puerto Galera, kasabay ng pinaigting na operasyon ng PRO MIMAROPA laban sa iligal na droga.
#shabulabbust #drugenforcementph #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Ajuy sa Iloilo dahil sa lumalalang krisis sa enerhiya na nakaapekto sa mga pangunahing serbisyo at pangangailangan ng mga residente.
#stateofcalamity #energycrisis #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni ng ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila mula Marso 30 hanggang Abril 6, 2026, kasabay ng inaasahang pagdami ng biyahero ngayong Semana Santa.
#semanasanta2026 #dpwhupdates #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagpahayag ng matinding galit si PBBM matapos mabasa ang viral na liham mula sa isang 11‑taong gulang na batang babae mula sa CamSur, kung saan inilahad ng bata ang umano’y pang‑aabuso ng isang barangay kagawad sa kanya.
#childsafety #camarinessurnews #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Arestado ang dating supervisor ng isang gasolinahan sa Taft Avenue, Maynila matapos umanong tangayin ang tinatayang ₱57 milyong kita ng kumpanya.
#p57mheist #gasstationtheft #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Dumating nang ligtas sa bansa noong Lunes ang kabuuang 99 na Pilipino mula sa Kuwait, habang pinaigting ng pamahalaan ang repatriation efforts sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East.
#kuwait #ofw #middleeast #ph #owwa #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iniulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Lunes na nasa tamang direksyon ang pamamahagi ng fuel subsidy, kung saan humigit-kumulang P651 milyon na ang naipamahagi sa mga benepisyaryo sa buong bansa.
#puv #fuelsubsidy #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang balita na sisimulan ng ahensya ang pamamahagi ng ayuda para sa mga tricycle driver sa mga probinsya pagkatapos ng Semana Santa.
#dswd #fuelsubsidy #tricycledriver #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inatake ng Israel noong Lunes ang mga military facilities ng Iran habang gumanti rin ng pag-atake ang Iran sa Israel, Kuwait at Saudi Arabia.
Dahil sa digmaan sa Middle East, apektado ang global economy at tumaas ang presyo ng petrolyo sa malaking bahagi ng Asya. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
SERBISYO NG KAPULISAN.
Nag-deploy ang Police Regional Office 3 (PRO-3) ng higit sa 13,000 personnel sa buong Central Luzon para sa Semana Santa.
Simula ngayong Marso 30, ilalagay ang regional police office sa full alert status upang masiguro ang maximum police visibility. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
AGAHAN SA PALIPARAN.
Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga biyahero ngayong Semana Santa na dumating sa mga paliparan tatlong oras bago ang nakatakdang flight at tiyaking handa ang mga kinakailangang dokumento upang maiwasan ang abala.
#flights #semanasanta #egovph -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
KASO NI CAPTAIN HOOK.
Inaresto ng pulisya ang dating PBA player na si Mark Reynan Cardona matapos umanong ireklamo ng sexual harassment ng isang babae sa isang bar sa Bonifacio Global City
Nahaharap siya sa mga kaso ng acts of lasciviousness at physical injuries. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PANANAMPALATAYA.
Libu-libong debotong Katoliko ang dumagsa sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno noong Linggo upang gunitain ang matagumpay na pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem, na kilala bilang Linggo ng Palaspas.
#semanasanta #quaipochurch #jesusnazareno -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inihayag ng NTC na sinimulan na nito ang kanilang public assistance operations bilang suporta sa paggunita ng Semana Santa ngayong taon, habang inaasahang libu-libong mga Katolikong Pilipino ang maglalakbay pauwi sa kani-kanilang mga probinsya.
#semanasanta #ntc -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Linggo na isang Filipina overseas Filipino worker (OFW) ang kasalukuyang nakakulong sa Thailand kaugnay ng isang kaso na may kinalaman sa kanyang sanggol.
#dmw #thailand #ofw #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Dagsa ang mga “chance passenger” sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong Linggo, dahil karamihan sa mga biyahe ng bus ay fully booked na para sa mga susunod na araw.
Kinumpirma naman ng mga bus company na fully booked na ang mga biyahe hanggang sa Huwebes Santo. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagkasundo ang MMDA at LTFRB na maglatag ng mga panuntunan para sa carpooling sa Metro Manila bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at pamasahe.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kabilang sa mga iminungkahi ang pagpapatupad ng company-based carpooling o shuttle system gamit ang mga pribadong sasakyan sa ilalim ng special permit. Layunin nitong makatulong sa mga commuter, mabawasan ang trapiko, at mapababa ang konsumo ng gasolina.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nanatiling halos stable ang presyo ng isda at gulay sa Pasig City Mega Market, ngunit inaasahang tataas ito pagsapit ng kalagitnaan ng linggo dahil sa pagtaas ng demand ngayong Holy Week.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa mga vendor, sapat pa ang suplay sa ngayon, ngunit maaaring magbago ang presyo depende sa dating ng kalakal at gastos sa transportasyon. Inaasahan din ng mga mamimili ang paggalaw ng presyo, lalo na’t mas marami ang bumibili ng isda at gulay bilang alternatibo sa karne.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
RAMDAM NA TALAGA ANG INIT.
Naitala sa San Jose, Occidental Mindoro ang aabot sa hanggang 42°C ang heat index o yung init na nararamdaman ng katawan.
#heatindex #mindoro #keepsafe #summer #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nilagdaan ng Pilipinas at France ang isang kasunduan na magbubukas ng oportunidad para sa kanilang mga pwersa na makilahok sa military joint exercises sa teritoryo ng isa’t isa.
#france #pilipinas #jointmilitaryexercises #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, umabot na sa 425 ang bilang ng mga gasoline station na pansamantalang tumigil sa operasyon habang patuloy na tumataas ang presyo ng petrolyo sa buong bansa.
#gasstation #sarado #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) na maaaring magpatupad ang ilang ospital ng taas-singil ng humigit-kumulang 5% dahil sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
#phapi #ospital #oil #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Biyernes na may sapat na suplay ng krudo ang Pilipinas na tatagal hanggang Hunyo 30.
Sinabi ito ng Pangulo matapos siyang makipag-usap kay Ramon Ang, President at CEO ng Petron Corporation.
#krudo #pbbm #supply #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inihayag ng Department of Transportation na tuloy-tuloy at nasa tamang iskedyul ang Metro Manila Subway Project Phase 1, na target magkaroon ng demo run sa unang bahagi ng 2028 at ganap na operasyon pagsapit ng 2031.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon kay DOTr Undersecretary Timothy John Batan, aktibo na ang mga tunnel boring machine at halos kumpleto na ang mga kontrata, habang patuloy ang konstruksyon sa iba’t ibang bahagi ng proyekto.
#metromanilasubwayproject #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Lumagda ang Japan at Pilipinas ng bagong loan na nagkakahalaga ng higit PHP85 bilyon para sa Metro Manila Subway Project Phase 1 at Central Mindanao Highway.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Pinangunahan nina Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro at Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya ang kasunduan, na layong mapabilis ang transportasyon, mabawasan ang trapiko, at mapalakas ang konektibidad at kaunlaran sa bansa.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
#japan #ph #metromanilasubwayproject #centralmindanaohighway #dzmmradyopatrol630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ipinag-utos ng Korte Suprema ang maagang pagsuspinde ng operasyon ng mga hukuman sa Metro Manila nitong Huwebes bunsod ng nationwide transport strike na dulot ng pagtaas ng presyo ng langis.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Pinayagan ang skeleton workforce upang tugunan ang mga agarang kaso tulad ng piyansa at habeas corpus, habang inaabisuhan ang publiko hinggil sa mga pagbabago sa serbisyo.
#koretesuprema #nationwidetransportstrike #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagbabala ang DOH na maaaring magtaas ang presyo ng gamot at hospitalization dahil sa tensyon sa Middle East na posibleng makaapekto sa suplay. Bagama’t wala pang kakulangan sa ngayon, nagsagawa na ang ahensya ng paghahanda upang maiwasan ang krisis.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inaprubahan ng House Committee on Justice ang pagbibigay ng dagdag na seguridad kay Ramil Madriaga, testigo sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte, matapos ang umano’y banta sa kanyang kaligtasan.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Layunin nitong tiyakin ang kanyang seguridad sa pagdalo at pagtestigo sa mga pagdinig.
#housecommitteeonjustice #impeachment #saraduterte #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa National Capital Region Police Office, nakatalaga ang mga ito sa mga lugar na dinarayo ng maraming tao tulad ng mga transport terminal, mga pangunahing kalsada, at mga commercial area.
#pnp #semanasanta #ncr #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong Lunes ang dagdag-sahod na P45 kada araw para sa mga minimum wage earner at P1,000 kada buwan para sa mga kasambahay sa Bicol Region.
#nwpc #sahod #bicolregion #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ipinasa ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) noong Lunes sa Department of Justice (DOJ) ang resulta ng kanilang imbestigasyon kaugnay ng mga anomalya sa flood control project.
#doj #ici #floodcontrolproject #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
May kabuuang 31 na informants ang tumanggap noong Lunes ng cash reward na umaabot sa higit P7.4 milyon mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
#pdea #informants #cashreward #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa pamamagitan ng kanyang abogado, ang negosyanteng pugante na si Charlie “Atong” Ang ay humiling sa Department of Justice na huwag siyang isama sa kasalukuyang kasong dinidinig sa korte sa Maynila na may kaugnayan sa mga nawawalang sabungero.
#atongang #missingsabungeros #doj -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
EPEKTO NG SIGALOT SA MIDDLE EAST.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), umabot sa kabuuang 403 na mga gasolinahan sa buong bansa ang pansamantalang tumigil sa operasyon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
#gasolinahan #sarado #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naglunsad ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR) kaugnay ng reklamong inihain ng mahigit 15 magsasaka laban kay Harry Roque at iba pa.
#harryroque #nbi #landgrabbing #bataan #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Natapos na ang kampanya ng Filipina tennis star na si Alex Eala sa Miami Open noong Lunes ng gabi matapos siyang matalo ng world No. 14 na si Karolína Muchová mula sa Czech Republic, 0-6, 2-6, sa round of 16 tournament.
#alexeala #miamiopen #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon kay Manibela President Mar Valbuena, tinatayang nasa 500,000 na mga driver ng public utility vehicles sa buong bansa ang lalahok sa naturang strike kabilang na ang TNVS, UV Express at motorcycle taxi.
#transportstrike #jeep #puv #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PANOORIN: Inilatag ng entrepreneur na si Carl Balita ang mga pros at cons ng work-from-home setup.
Binanggit ni Balita ang ilan sa mga aktibidad sa bahay na posible ring magdulot ng malakihang gastos.This media couldn't be displayed. See it on the original post.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Matatandaang maraming kumpanya, kabilang ang gobyerno ang nagsagawa ng four-day work setup upang makatipid sa konsumo sa langis, at sa kuryente.
#workfromhome #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa Mukbangayan, binalikan ang naging eksena nina Rep. Paolo Marcoleta at Rep. Gerville Luistro ang naging sagutan sa House Committee on Justice na tumatalakay sa sufficiency in grounds ng impeachment complaint ni VP Sara Duterte.
#vpsaraduterte #dzmmradyopatrol630This media couldn't be displayed. See it on the original post. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) noong Sabado ang pag-aresto sa isang South African national sa Cebu, na wanted sa Kenya dahil sa sexual assault.
#cebu #bi #southafrican #wanted #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Hinamon nina public interest lawyer Atty. Dino De Leon, youth advocate Carlo Flores at Prof. Cleve Arguelles si Rep. Toby Tiangco na maglabas ng ebidensya sa kanyang paratang.
This media couldn't be displayed. See it on the original post.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Giit nila, hindi maganda na puro akusasyon lang na may kapalit ang suporta ng mga kongresista para umusad ang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.
#vpsaraduterte #impeachment #tobytiangco #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kasabay ng pagusad ng proseso sa impeachment complaint vs VP Sara Duterte, binalikan ng public interest lawyer na si Atty. Dino De Leon ang minsang sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, “kung wala kang itinatago, wala kang dapat ikatakot.”
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kaya hinamon niya si VP Duterte na pumirma ng bank secrecy waiver kung wala itong itinatago.
#vpsaraduterte #impeachment #banksecrecywaiver #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ipinaliwanag ni Prof. Cleve Arguelles na ang pondo sana na kinukwestiyon kung kaya may impeachment complaint vs VP Sara Duterte ay pera ng taumbayan.
This media couldn't be displayed. See it on the original post.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
At ngayong may krisis sa presyo ng produktong petrolyo, ang nasabing pondo ay napunta sana sa mga Pilipinong nangangailangan.
#vpsaraduterte #impeachment #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakatakdang magsagawa ang Bureau of Customs (BOC) ng isa pang public auction para sa 11 luxury vehicles na tinatayang nagkakahalaga ng higit P265 milyon.
#luxurycars #boc #auction #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iginiit ng youth advocate na si Carlo Flores na maituturing na krisis sa moralidad kaya kailangan ding tugunan ang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Giit pa niya, nararapat lang na tugunan ito sa krisis sa presyo ng produktong petrolyo.
#vpsaraduterte #petrolyo #impeachment #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Binigyang diin ng public interest lawyer na si Atty. Dino De Leon ang importansya ng pagtalakay sa impeachment complaint ni VP Sara Duterte kasabay ng pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Giit ni De Leon, sa mga ginagamit ang krisis para ilihis ang isyu ng impeachment, ay papayag siyang isantabi ito basta si Duterte ay hindi muna magsisilbi bilang pangalawang pangulo.
#vpsaraduterte #impeachment #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado na muling magbubukas ang voters’ registration sa Antipolo City, Rizal simula ngayong Marso 23.
Bukod sa mga new registrants o first-time voters, tatanggap din ang Comelec ng mga aplikasyon para sa transfer of records. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) noong Sabado na isa pang grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) mula sa apat na bansa ang iuuwi sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang chartered flight sa Marso 23.
#owwa #ofws #middleeast #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ibinigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Biyernes ang 12 mechanical ventilators sa limang pampublikong ospital sa Bohol, upang palawakin ang kapasidad sa critical care at mapabuti ang access sa life-saving treatment sa probinsya.
#pcso #bohol #ventilators -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nasagip ng Philippine Coast Guard ang 32 pasahero mula sa isang bangkang pangisda na nagsimulang lumubog matapos pasukin ng tubig malapit sa Barangay Punta sa Calatagan, Batangas, nitong Huwebes habang papunta sana sa isang swimming trip.
#pcg #batangas #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ng Philippine Airlines (PAL) ang pansamantalang pagsuspinde ng mga flight papuntang Doha sa Qatar at Dubai sa United Arab Emirates (UAE) hanggang April 30, 2026 dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.
#middleeast #phairlines #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kinumpirma ni Philippine Ambassador to Israel Aileen Mendiola na matagumpay na nakabalik sa Pilipinas ang 106 na mga Pilipino mula sa Israel.
#israel #repatriated #ph #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa computations ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines, na nagpapatakbo ng Wholesale Electricity Spot Market, ang pagtaas ay maaaring umabot mula ₱2 hanggang ₱4 bawat kilowatt-hour.
#taassingil #kuryente #dagdaggastos #erc #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
BYE ROBLOX NA NGA BA?
Ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), maaaring samantalahin ang Roblox ng mga kriminal para sa ilegal na gawain, kabilang ang child exploitation at mga ipinagbabawal na transaksyon.
#cicc #roblox #ph #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tinatayang madadagdagan ng humigit-kumulang P15 kada litro ang presyo ng diesel, habang ang gasolina naman ay posibleng tumaas ng P12 kada litro.
#petrolyo #oilpricehike #diesel #gasolina #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MAKAKATIPID SA TOLL.
Batay sa mga adjusted rates, ang mga sasakyang Class 1 ay maaaring makatipid ng hanggang P18 sa bawat end-to-end na biyahe, habang ang Class 2 at Class 3 na sasakyan naman ay maaaring makatipid ng hanggang P47 at P72.
#toll #discount #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
RAMDAM NILA ANG HIRAP.
Nagmartsa patungong Mendiola sa Maynila noong Biyernes ang iba’t ibang organisasyon mula sa iba’t ibang sektor, na pinangunahan ng transport group na PISTON, sa ikalawang araw ng mga protesta dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
#piston -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Pumanaw na ang hollywood at martial arts legend action star na si Chuck Norris sa edad na 86 noong Marso 19 habang nasa ospital sa Hawaii.
Kabilang sa maraming action films niya noong 1980s ay ang “Walker” at “Texas Ranger”.
#chucknorris #rip #hollywood #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
THE KINGS ARE BACK! 💜
Masayang sinalubong ng fans ang pagbabalik ng BTS matapos ang kanilang mandatory military service sa South Korea.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inilabas ng grupo ang music video ng kanilang title track na “Swim” mula sa comeback album na “ARIRANG,” na agad umani ng atensyon ng ARMY sa buong mundo.
#bts #arirang #swim #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
CONCERT READY! 💎
Dumating na sa bansa ang K-Pop boy group na SEVENTEEN para sa kanilang “New_” world tour concert. Idaraos ito sa Philippine Sports Stadium sa Marso 21, kung saan inaasahang dadagsa ang CARATs para salubungin ang grupo.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
#seventeen #new_bulacan #carats #new_worldtour #dzmmradyopatrol630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
TINGNAN: Aarangkada na sa Lunes, Marso 23 ang mas mababang pamasahe sa MRT-3.
Ito ay kasunod ng direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ibaba ang pamasahe sa LRT at MRT.
#mrt #discounted #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Binigyang-diin ng DSWD na ang tamang pagpapalaki ng mga bata sa loob ng tahanan ang susi upang mabawasan ang bullying sa mga paaralan. Ayon kay Secretary Rex Gatchalian, dumarami ang mga kaso kaya pinalalakas ng ahensya ang mga programang nakatuon sa mga magulang,
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
kabilang ang Family Development Sessions. Layunin nitong turuan ang mga pamilya na maging mabuting halimbawa upang maiwasan ang paghubog ng mga batang nagiging bully.
#dswd #bullying #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinuspinde ng Philippine Airlines ang mga byahe nito sa Gitnang Silangan, partikular sa Doha, Qatar at sa Dubai, United Arab Emirates, hanggang Abril 30.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Giit ng PAL, ito ay dahil pa rin sa sigalot sa Middle East, at sinabing prayoridad nila ang seguridad sa mga pasahero, crew at mga eroplano nito.
Maliban sa flights, apektado rin ang PAL Cargo operations.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ang mga apektadong pasahero ay maaaring mag-rebook sa oras na magtuloy ang mga byahe, conversion ng tickets at gawing travel credits, at full refund sa mga pamasahe nito.
#pal #middleeast #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Huwebes na 45 kasalukuyang opisyal at dating opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang haharap sa mga kaso sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y anomalya sa pagbili ng mga firetruck mula 2018 hanggang 2024.
#bfp -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagpatupad ang pamahalaan ng libreng sakay, na nakatulong upang maiwasan ang pagka-stranded ng mga pasahero sa unang araw ng transport strike ng grupong PISTON, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
#mmda #piston #strike #oilpricehike #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inihayag ng Malacañang noong Huwebes na kasalukuyang nire-review ng gobyerno ang mga kondisyon para sa iminungkahing pagbabawas at pansamantalang suspensyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
#excisetax #palasyo #pbbm #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
USAPIN SA KASO NI DISCAYA.
Kinumpirma ni Prosecutor Richard Anthony Fadullon noong Huwebes na apat na kaso ng tax evasion ang isinampa laban kay Pacifico "Curlee" Discaya sa Court of Tax Appeals.
#curleediscaya #taxevasion #kaso #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PARA SA MGA TRICYCLE DRIVERS.
Magkakaroon ng special relief payout day ang DSWD ngayong Marso 20, para sa mga kwalipikadong tricycle driver sa Quezon City na hindi nakakuha ng kanilang ₱5,000 cash relief assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
IMBITASYON NG KAMARA.
Nakatanggap na si Vice President Sara Duterte ng imbitasyon upang dumalo sa pagdinig ng House Committee on Justice sa susunod na Miyerkules, Marso 25, kaugnay ng dalawang reklamong impeachment laban sa kanya.
#vpsara #impeachment #kamara -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
WORLD-CLASS ANG GALAWAN!
Ipinakita ni Filipina tennis star si Alex Eala ang kanyang galing matapos talunin ang veteran player ng Germany si Laura Siegemund.
#alexeala #win #miamiopen #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakatakdang tumestigo si state witness Henry Alcantara sa Sandiganbayan kaugnay ng kasong malversation laban kay dating kongresista Zaldy Co at ilang opisyal ng DPWH-Mimaropa.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inilahad sa korte ang umano’y kickback scheme sa road dike project, habang kinuwestiyon naman ng depensa ang ebidensya at testimonya ng prosekusyon.
#henryalcantara #zaldyco #statewitness #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Hinimok ni Sen. Francis Pangilinan ang pagpasa ng dalawang panukalang batas upang palakasin ang agrikultura at matiyak ang seguridad sa pagkain sa gitna ng banta sa global supply chain.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Layunin ng mga panukala na suportahan ang mga magsasaka at mangingisda, palakasin ang kooperatiba, at paigtingin ang lokal na produksyon.
#kikopangilinan #agriculture #foodsecurity #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagsuspinde ng face-to-face classes ang piling mga unibersidad sa Metro Manila para sa gaganaping jeepney strike ng grupong PISTON at BAYAN sa Huwebes, Marso 19.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ang mga unibersidad na nagsuspinde ay ang sumusunod:
* University of Santo Tomas
* Ateneo De Manila University
* University of the Philippines - Manila
* UP Integrated School
* Polytechnic University of the Philippines
* University of the East (Manila and Caloocan)
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
* National Teachers College
* Lyceum of the Philippines University Manila
* De La Salle Araneta University
#walangftf #strike #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tinapos ng Comelec ang imbestigasyon laban kay Sen. Rodante Marcoleta kaugnay ng umano’y campaign finance violations, ngunit inatasan ang pagsasampa ng kaso laban sa tatlong donor dahil sa hindi pagsusumite ng ulat ng kontribusyon.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa poll body, obligadong mag-report ang mga donor at ang paglabag dito ay maituturing na election offense.
#comelec #rodantemarcoleta #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Magdaraos ng emergency meeting ang International Maritime Organization upang tugunan ang lumalalang krisis sa Strait of Hormuz, kung saan libo-libong barko at mga tripulante ang naiipit dahil sa tensyon sa Middle East.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Isinusulong ang paglikha ng ligtas na maritime corridor para sa kanilang paglikas, habang patuloy na tumataas ang panganib sa pandaigdigang kalakalan at suplay ng langis.
#straitofhormuz #internationalmaritimeorganization #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Halos 55,000 na mga pulis ang ide-deploy sa buong bansa simula Marso 29 upang tiyakin ang seguridad ng mga biyahero ngayong papalapit na ang Holy Week at summer, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.
#pnp #holyweek #summer #biyahero #oplanligtassumvac2026 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inihayag ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso nitong Lunes ang alok na ₱500,000 kapalit ng kusang pagsuko ng driver ng riding-in-tandem na pumatay sa kanyang dating security escort at retiradong pulis na si George Capistrano noong Linggo sa Maynila.
#ridingintandem -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ilang bahagi ng Luzon ay makararanas ng pag-ulan dulot ng northeast monsoon o amihan, ayon sa PAGASA nitong Martes.
Kabilang sa makararanas ng pag-ulan ay ang Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao, at Aurora.
#luzon #amihan #weathernews #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8418 na magbibigay kapangyarihan kay President Ferdinand Marcos Jr. na pansamantalang suspendihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo kapag may pambansa o pandaigdigang krisis sa ekonomiya.
#pbbm -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Dalawang sunog ang sumiklab noong Lunes sa magkahiwalay na lugar sa lungsod ng San Pedro City, Laguna na nakaapekto sa ilang pamilya at nakapinsala sa maraming bahay.
#sunog #laguna #sanpedrocity #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Pinalakas ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang kanilang ugnayan upang paigtingin ang pagtugis laban sa mga ilegal na online lending institutions at iba pang cybercrime operations.
#paocc #cicc -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
TRAVEL TAX.
Inaprubahan ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong alisin ang travel tax o House Bill 8464 sa plenary session noong Lunes.
#kamara #traveltax #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Maaaring umabot sa ₱114 kada litro ang presyo ng diesel ngayong linggo, kahit na nagkasundo ang mga kumpanya ng langis na hatiin sa mas maliliit na dagdag-presyo sa loob ng ilang araw ang malaking pagtaas ng presyo ng fuel na nakatakda sana ngayong linggo.
#doe #diesel #drivers -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa Philippine National Police Maritime Group, nakatanggap sila ng tip tungkol sa umano’y pagbababa ng kontrabando kung saan aabot sa 83 boxes ng sigarilyo ang nasamsam ng mga ito.
#smuggled #sigarilyo #negrosoriental #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa mga opisyal ng Barangay NBBS Kaunlaran sa Navotas City, isang crane truck ang diumano’y papunta sa isang construction site mula sa Bonita Street at lumabas sa C3 Road nang mangyari ang pagtagas ng langis.
#navotascity #oilspill #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
KAKAYAHAN NG NORTH KOREA.
Iniulat ng North Korea na nagsagawa sila ng pag-test sa kanilang “state-of-the-art” na multiple rocket launcher system (MRLS) na may kakayahang magdala ng nuclear weapons.
Ang pag-test nito ay sinaksihan mismo ng kanilang lider na si Kim Jong Un. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinusuri ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi at ng Consulate General sa Dubai ang mga ulat na may mga Pilipino na posibleng kabilang sa mga naaresto dahil sa pagpo-post ng online content na may kaugnayan sa mga kamakailang pag-atake at air defense interceptions sa Dubai.
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MALAKING TULONG.
Magsisimula ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng ₱5,000 cash assistance sa mga public utility vehicle (PUV) drivers na apektado ng pagtaas ng presyo ng petrolyo simula Martes, Marso 17.
#dswd #fuelsubsidy #fivek -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inilarawan ang pagsabog bilang “moderately explosive” at tumagal ng humigit-kumulang isang minuto. Umabot naman sa 5,000 metro ang taas ng ibinugang abo at usok nito.
#bulkangkanlaon #phivolcs #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
RAMDAM NIYO RIN BA?
Bumaba sa 17.1 degrees celsius ang temperatura na naitala sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Science Garden station sa Quezon City.
#pagasa #malamig #ph #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa katatapos lang na Oscars 2026, kinilala ang “One Battle After Another” bilang best picture, habang nakuha naman ni Michael B. Jordan ang best actor para sa pelikulang “Sinners” at best actress naman si Jessie Buckley para sa pelikulang “Hamnet”.
#oscars2026 #award -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MAGHANDA NG EXTRA BUDGET.
Naglabas noong Linggo ang LTFRB ng updated na Fare Guide para sa mga provincial public utility bus, na nagpapakita ng mga bagong aprubadong provisional fare increases na nagsimulang ipatupad noong Marso 14, 2026.
#ltfrb #bus #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
TARA SA BAGUIO!
Bumagsak sa 9 degrees Celsius ang temperatura sa lungsod ng Baguio noong Sabado, ito pinakamababang naitalang temperatura sa bansa ngayong taon.
#amihan #baguiocity #pagasa #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inihayag ng Formula One na kanselado ang Bahrain at Saudi Arabian Grands Prix sa Abril dahil sa tensyon sa Middle East.
#formulaone #bahrain #saudi #cancelled #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga opisyal at tauhan nito na sangkot umano sa mga maanomalyang flood control projects.
#dpwh #graftcorruption #floodcontrol #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Bistado ng Bureau of Customs (BOC) ang isang kargamento na naglalaman ng mga smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱235 milyon mula sa United Arab Emirates na patungo sa Batangas Port.
#boc #smuggled #sigarilyo #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MALAMIG NA PANAHON.
Patuloy na magdadala ng malamig na panahon at bahagyang pag-ulan ang northeast monsoon o amihan, lalo na sa Luzon at Visayas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
#pagasa #luzon #visayas #malamig -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PARA SA MGA TRICYCLE DRIVERS.
Kailangang magpakita ng kanilang driver’s license at photocopy nito ang mga tricycle driver upang makatanggap ng ₱5,000 cash aid mula sa pamahalaan, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
#dswd #tricycledrivers #metromanila -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) na maglalabas ito ng show cause orders at magpapataw ng parusa laban sa mga operator ng ferry na magpapatupad ng labis na pagtaas ng pamasahe sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East.
#dotr #ferrylines #marina -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Makikipagtulungan at magbabantay ang Pilipinas sa imbestigasyon ng Estados Unidos kaugnay sa umano’y kabiguang ipagbawal ang pagpasok ng mga produktong gawa sa forced labor.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa Malacañang, aktibong lalahok ang bansa sa proseso upang matugunan ang mga alalahanin ng US habang patuloy ang pagsusuri sa mahigit 50 trading partners.
#ph #us #forcedlabor #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagpatupad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya dahil sa pagtaas ng presyo ng langis, tulad ng carpooling at online meetings.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Giit ng AFP, hindi maaapektuhan ng mga hakbang na ito ang mahahalagang operasyon sa West Philippine Sea, kabilang ang regular na pagpapatrolya upang mapanatili ang seguridad at presensya ng bansa sa nasabing karagatan.
#afp #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
ONLINE AYUDA PARA IWAS HASSLE.
Tinitingnan ng LTFRB ang online distribution ng fuel subsidy ng pamahalaan para sa mga driver ng public utility vehicles (PUV) upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa world market.
#ltfrb #puv #ayuda #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Darating ngayong weekend ang mga government-chartered flights na sakay ang mga repatriated o pinauwing overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng patuloy na kaguluhan sa Middle East, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
#middleeast #ofws #repatriation -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas sa 5.8% ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong Enero, mula sa 4.4% noong Disyembre ng nakaraang taon.
#psa #unemploymentrate #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inamin ng Philippine Coast Guard (PCG) na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ang kanilang operasyon, ngunit tiniyak na mananatiling prayoridad ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon kay PCG spokesperson Rear Adm. Jay Tarriela, patuloy silang magpapadala ng mga barko upang bantayan ang karagatan at protektahan ang mga civilian convoy, kabilang na ang nakatakdang “Atin Ito” flotilla sa Abril.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Dagdag niya, gagawa ang ahensya ng mga hakbang upang makatipid sa fuel habang pinananatili ang presensya sa lugar.
#pcg #westphilippinesea #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nananatiling buo ang suporta ng militar ng Estados Unidos sa Pilipinas sa kabila ng ulat na inilipat ang ilang missile systems nito mula South Korea patungong Middle East.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon kay AFP spokesperson Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, walang indikasyon na aalisin ng US ang mga military assets nito sa bansa.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Dagdag niya, patuloy pang lumalakas ang alyansa ng Pilipinas at US sa pamamagitan ng joint exercises, EDCA sites, at pinalawak na security cooperation.
#afp #usmilitary #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ligtas ang lahat ng Filipino crew na sakay sa dalawang barkong inatake sa Persian Gulf, malapit sa Strait of Hormuz, ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac.
Dagdag pa ng kalihim, kasalukuyan nang inililipat ang mga tripulante sa isang mas ligtas na pantalan.
#dmw #seafarers -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
REPORT NA.
Sa naturang app, maaari ring i-report ang panic buying, pagho-hoard ng gasolina, hindi pagsunod sa itinakdang presyo, hindi awtorisadong pagtaas ng presyo, pagtangging magbenta ng gasolina, at kakulangan sa supply.
#report #egovph #gasstation #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ng Israel ang panibagong malawakang pag-atake gamit ang 80 fighter jets na tinarget ang Tehran airport.
Ayon sa mga ulat, kabilang sa tinamaan ang Mehrabad International Airport, kung saan nakita ang makapal na usok at apoy matapos ang mga airstrike.
#iran #israel -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Maaaring asahan ang panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).
“Ang sigurado ko diyan ay may increase tayo for next week. Hindi kumakalma yung merkado,” ayon kay DOE Sec. Sharon Garin.
#doe #oilpricehike -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naghain noong Huwebes si Senador Jinggoy Estrada ng kanyang counter-affidavit sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kasong plunder na isinampa laban sa kanya at sa iba pang sangkot sa umano’y maanomalyang flood control projects.
#senjinggoy #doj #floodcontrol -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nabuwag ng National Bureau of Investigation (NBI) at National Meat Inspection Service (NMIS) ang isang ilegal na operasyon ng pagproseso at pagbebenta ng karne ng aso sa Pasay at Makati.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nahuli ang limang Vietnamese nationals matapos ang entrapment operation na nagsimula sa mga ulat tungkol sa pagbebenta ng “hot meat” online.
Kinumpirma ng laboratory test na ang karne ay mula sa aso.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa mga awtoridad, labag sa batas sa Pilipinas ang pagkatay at pagbebenta ng dog meat dahil sa panganib sa kalusugan at isyu ng animal cruelty. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang sangkot sa ilegal na kalakalan.
#nbi #nmis #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Lumabas sa paunang pag-aaral ng Socioeconomic Research Bureau ng Kamara na maaaring magbago ang takbo ng pulitika sa bansa kapag naisabatas ang Anti-Political Dynasty Bill.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon kay Rep. Zia Alonto Adiong, mahigit kalahati ng mga lokal na posisyon sa pamahalaan ay hawak ng mga pamilyang politikal.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ipinapakita rin ng datos na posibleng mabakante ang higit 5,000 elective positions kapag ipinatupad ang limitasyon hanggang second-degree na kamag-anak, na magbibigay umano ng mas maraming pagkakataon sa mga bagong lider.
#antipolitcaldynastybill #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) na magpapatupad sila ng four-day onsite work week simula ngayong araw, Marso 9, bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan para sa energy conservation.
#sss #gsis #fourdayworkweek -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Patuloy na nakaaapekto ang Amihan o Northeast Monsoon sa Luzon, habang ang trough ng isang Low Pressure Area (LPA) naman ang nagdudulot ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao, ayon sa ulat ng PAGASA.
#pagasa #weather #ph #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inihayag ng Malacañang noong Linggo na napapanahon ang pagbabawas ng excise tax sa langis dahil inaasahang tataas ang presyo ng produktong petrolyo bunsod ng nagpapatuloy na sigalot sa Middle East.
#pbbm #fuel #middleeast #excisetax #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Isang maswerteng mananaya mula sa South Cotabato ang naging instant milyonaryo matapos manalo ng ₱39-M sa Lotto 6/42 jackpot.
Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office na ang nanalo mula sa General Santos City ay nakuha ang winning combination na 33-32-18-01-10-04. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagtago na ang 18 ex-marines na nagsabing nagsilbi silang mga bagman para sa dating mambabatas na si Zaldy Co dahil sa umano’y banta sa kanilang mga buhay.
#exmarines #nagtatago #upi #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Humigit-kumulang 1,000 miyembro ng Japan military ang lalahok sa "Balikatan" exercises kasama ang mga Amerikano, Pilipino, at iba pang kaalyadong bansa mula Abril hanggang Mayo.
#balikatan #afp #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kinumpiska ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang libo-libong pakete ng ilegal na sigarilyo sa iba’t ibang operasyon sa Luzon ngayong buwan. Tinatayang umabot sa P43 milyon ang katumbas na tax liabilities ng mga nakumpiskang produkto.
#luzon #sigarilyo #bir #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Umabot sa 2,649 na guro sa pampublikong paaralan ang na-promote sa Davao Region sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) program, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang tiyakin ang kapakanan ng mga guro sa pampublikong paaralan.
#promote #teacher -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
CONGRATULATIONS, ALEX! 🎾
Matagumpay na nakapasok sa third round ng Indian Wells si Alex Eala matapos talunin ang Ukrainian na si Dayana Yastremska sa isang tatlong-set na laban, 7-5, 4-6, 7-5. Pinakita ng Pilipina ang tibay at determinasyon sa isang matinding tennis marathon.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagpakitang-gilas si EJ Obiena matapos masungkit ang gintong medalya sa ISTAF Indoor Berlin sa Berlin, matapos maitala ang season-best na 5.78 meter sa pole vault.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tinalo niya sa tiebreak ang Norwegian na si Simen Guttormsen upang maselyuhan ang panalo. Ang tagumpay na ito ay patunay ng patuloy na mahusay na porma ni Obiena sa international competitions.
#ejobiena #istaf #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinabi ng National Security Council na may ilang sensitibong impormasyon na nai-leak matapos mahuli ang mga indibidwal na umano’y nag-eespiya para sa China, ngunit hindi ito nagdulot ng seryosong banta sa pambansang seguridad.
Post not available here, view on X
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Samantala, sinabi ng Philippine Navy na sarado na ang kaso laban sa tatlong suspek, habang nanawagan ang mga awtoridad sa publiko at mga kawani ng gobyerno na maging mapagbantay laban sa mga tangkang recruitment para sa espionage.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MATINDING INIT.
Inaasahang mas mararamdaman ang init ng panahon sa mga susunod na linggo, kaya hinihikayat ang publiko na uminom ng sapat na tubig, iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw, at mag-ingat laban sa posibleng epekto ng matinding init.
#pagasa #heatindex -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ang 59-anyos na suspek, na kinilalang si William, ay pumasok sa basketball court ng gusali ng condominium bandang alas-8 ng gabi at biglang namaril sa mga taong naglalaro sa court. Sa ngayon ay patuloy ang manhunt operation sa suspek.
#pulis #condo #pamamaril #basketballcourt -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakumpiska ng Bureau of Customs - Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang tatlong inabandonang inbound parcel na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱29.71 milyon sa Pasay City.
#naia #droga #boc #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
BALIK KULUNGAN.
Muling nahuli ng Bureau of Corrections (BuCor) noong Huwebes ang isang person deprived of liberty (PDL) na tumakas mula sa Sablayan Prison and Penal Farm noong nakaraang araw.
#pdl #bucor #penalfarm #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
TRILLANES LABAN SA KANILA.
Naghain ng kasong perjury sa Department of Justice (DOJ) si Antonio Trillanes IV laban sa 18 na dating miyembro ng Marines dahil sa kanilang pahayag na umano’y tumanggap siya ng $2 milyon na sinasabing para sa mga imbestigador ng ICC.
#trillanes -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na ang mga umuwing Pilipino ay nakatanggap ng financial assistance, accommodation and transport services, medical assistance, at psychosocial support.
#dmw #ofws #middleeast #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inihain ng House Committee on Justice noong Huwebes ang isang notice na nag-uutos kay VP Sara Duterte na magsumite ng kanyang tugon sa loob ng 10 araw kaugnay ng dalawang impeachment complaint na isinampa laban sa kanya.
#vpsara #impeachmentcomplaint #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Pumalo sa 2.4% ang inflation rate sa Pilipinas noong Pebrero, mula sa 2% noong Enero, ayon sa datos ng PSA. Inaasahan din ang pagtaas ng inflation sa mga susunod na buwan dahil sa epekto ng digmaan sa Middle East, na maaaring magdulot ng pagmahal ng langis at iba pang bilihin.
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang umano’y ₱14.7 milyong bribery scheme na kinasasangkutan ni Bureau of Fire Protection (BFP) chief Jesus Fernandez kaugnay ng procurement ng 132 ambulansya noong 2024.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa DILG, minanipula umano ang bidding process upang paboran ang isang supplier at nakatanggap si Fernandez ng kickback sa ilang payout meetings. Nagsampa na ng kasong kriminal at administratibo ang ahensya sa Office of the Ombudsman laban sa BFP chief at sa supplier.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ng 90 araw ang lisensya ng driver ng isang Toyota Vios na huminto sa gitna ng North Luzon Expressway (NLEX) upang pulutin ang patay na hayop sa kalsada.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naglabas din ng show-cause order ang ahensya sa driver at rehistradong may-ari ng sasakyan at inilagay sa alarm status ang kotse habang isinasagawa ang imbestigasyon.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa LTO, maaaring ituring na reckless driving at obstruction of traffic ang insidente na nangyari noong Pebrero 26.
#lto #nlex #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inihayag ng Malacañang na bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-aralan ang panukalang four-day work week kung lalala ang sigalot sa pagitan ng Israel at Iran. Pero ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi pa ito pormal na napag-uusapan.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nauna nang iminungkahi ni Sen. Sherwin Gatchalian ang mas maikling work week at work-from-home setup upang makatipid sa gasolina, habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa rehiyon.
#oilprice #4dayworkweek #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Muling iginiit ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang panawagang buwagin ang Sangguniang Kabataan (SK) habang naghahanda ang pamahalaan para sa Barangay at SK Elections sa Nobyembre 2026.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa kanya, mataas ang attrition rate ng mga opisyal ng SK at marami ang hindi na aktibo matapos ang isa hanggang dalawang taon sa puwesto.
Iminungkahi rin niya na maaaring italaga na lamang ang mga opisyal sa halip na ihalal.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa kabila nito, tiniyak ng DILG ang maayos at mapayapang pagsasagawa ng halalan, lalo na sa mga itinuturing na hotspots.
#sk #sangguniangkabataan #bske2026 #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ang mga naaresto sa mga operasyon noong Pebrero 27 at 28 ay kinabibilangan ng No. 1 most wanted person ng Taguig City, dalawa sa top five most wanted sa Agusan del Sur at Davao City, No. 7 MWP ng Maynila, at No 8 MWP ng Davao City.
#mwp #pnp #wanted #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iniulat ng Department of National Defense (DND) noong Linggo na handa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumulong sa humanitarian at evacuation operations sakaling lumala pa ang tensyon sa Middle East.
#afp #middleeast #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
BAWI TAYO SA SUSUNOD!
Hindi nakamit ng Gilas Pilipinas ang panalo kontra Australia sa katatapos lang na FIBA World Cup Asian Qualifiers noong Linggo sa MOA Arena. Nagtapos ang laban sa score na 93-66.
#gilaspilipinas #fiba #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa kabila ng matinding babala ni US President Donald Trump, muling nakarinig ng mga pagsabog sa Jerusalem, Dubai, Doha, at Manama habang nakikipaglaban ang mga air defense system ng Israel at mga bansa sa Gulf laban sa airstrikes at drones mula sa Iran.
#iran #us #trump #war -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Wagi ang FEU Lady Tamaraws laban sa Adamson Lady Falcons sa kanilang laban nitong nakaraang Linggo, Marso 1 sa Smart Araneta Coliseum.
Nakuha ng Lady Tamaraws ang panalo sa loob ng 4 sets, 22-25, 30-28, 25-17, 25-20.
#feuladytamaraws
#aduladyfalcons
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Magsisimula na ngayong Lunes, Marso 2 ang pagtalakay ng House Committee on Justice sa apat na verified impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte, ayon sa mga opisyal ng Kamara.
#vpsara #impeachment #kamara #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Isang Pilipinong caregiver sa Israel ang nasawi sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East, ayon sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
#israel #war #pbbm #victim #pinaycaregiver #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
TOTAL BAN SA VAPE.
Nais ni Health Secretary Ted Herbosa na ganap na ipagbawal ang mga vape products sa bansa dahil sa mga toxic and addictive substances nito na sobrang delikado.
#doh #vape #ban #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Limang volcanic earthquakes ang naitala ng Bulkang Kanlaon noong Sabado at naglabas din ang bulkan ng 2,880 tonelada ng sulfur dioxide.
Sa ngayon ay nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon.
#bulkangkanlaon #phivolcs #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PHILIPPINES VS AUSTRALIA!
Muling maglalaban ang Gilas Pilipinas at Australia para sa 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin ngayong Linggo ng gabi, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
#ph #australia #fiba #gilaspilipinas #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PANSAMANTALANG PAGLAYA NI MANGUSIN.
Nakalaya noong Sabado ang vlogger na si Norman Mangusin, na kilala rin bilang “Francis Leo Marcos,” matapos siyang makapagpiyansa kaugnay ng kasong unjust vexation na isinampa laban sa kanya, kinumpirma ng BJMP.
#normanmangusin #vlogger -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagpakawala ng mga missile ang Iran sa ilang Arab Gulf cities noong Sabado, na nagdulot ng malalakas na pagsabog at takot sa mga residente.
Ayon sa state media ng UAE, isang tao ang nasawi sa Abu Dhabi.
Kabilang sa mga inatake ng Iran ay ang Kuwait, Qatar, UAE, at Bahrain. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagdaos ng kilos-protesta ang mga mangingisda at mga residente sa baybayin ng Laguna de Bay upang tutulan ang iminungkahing proyekto ng mga windmill sa Talim Island, na ayon sa kanila ay nagbabanta sa kanilang mga komunidad at sa likas na yaman at biodiversity ng isla.
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naglunsad ang Amerika at Israel ng magkasamang pag-atake sa Iran noong Sabado ng umaga, na tinawag ng Israel na pre-emptive strike laban sa mga banta mula sa Tehran.
Ayon sa mga ulat, kabilang sa mga target ay ang malalaking pasilidad ng militar at estruktura ng pamahalaan. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagsagawa ng anim na araw na joint military exercises ang Pilipinas, Estados Unidos at Japan sa Bashi Channel malapit sa Batanes, sa unang pagkakataong lumampas ang Multilateral Maritime Cooperative Activities (MMCA) sa South China Sea.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang koordinasyon sa komplikadong kapaligirang pandagat. Nagpahayag ng pagtutol ang China at sinabing nakaaapekto ito sa kapayapaan sa rehiyon.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Samantala, iginiit ng militar ng Pilipinas na isinagawa ang mga operasyon sa loob ng teritoryo at himpapawid ng bansa.
#ph #us #japan #jointdrills #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tumaas ng 7.9% ang kabuuang export ng Pilipinas nitong Enero at umabot sa USD7.1 bilyon mula sa USD6.6 bilyon noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nanguna pa rin ang electronic products na may higit USD4 bilyon na kita o 56.5 porsyento ng kabuuang export. Sumunod ang ginto at makinarya at transport equipment. Nanatiling pinakamalaking merkado ang Estados Unidos, kasunod ang Hong Kong, Japan, China, at South Korea.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa Catalan health department, sinabi na ang pasyente – na ngayon ay gumaling na – ay walang naging kontak sa mga baboy o sa mga pig farms. Dahil dito, naniniwala ang ilang eksperto na ang sakit ay posibleng maipasa sa pamamagitan ng human-to-human transmission.
#spain #who -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Mas madali nang ma-access ng pubiko ang mga programa at serbisyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos ilunsad ng kagawaran ang ‘Pamilya sa Bagong Pilipinas’ (PBP) Hub sa ilang sangay ng SM Supermalls sa Metro Manila.
#pbp #sm #dswd #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinabi ni Asec Arnel de Mesa na ang hakbang ay kasunod ng mga kahilingan ng mga magsasaka para sa tulong ng gobyerno upang maiwasan ang hindi makatwirang presyo ng sibuyas bago ang ani sa Marso.
#sibuyas #da #fti #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Magsasagawa ng state visit sa Pilipinas ang Pangulo ng South Korea na si Lee Jae Myung sa Marso 3–4 ayon sa Malacañang.
Inaasahang tatalakayin sa pagbisita ni President Lee ang defense, ekonomiya at iba pang international na isyu.
#southkorea #president #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Hindi bababa sa 133 barangay ang naapektuhan ng ashfall at iba pang epekto ng pagputok ng Mt. Kanlaon matapos ang moderately explosive eruption nito noong Huwebes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
#bulkangkanlaon #ashfall -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
CYBER LIBEL.
Magsasampa ng cyber libel complaint si dating Senador Manny Pacquiao laban sa naarestong vlogger na si Norman Mangusin, na mas kilala sa pangalang Francis Leo Marcos, kaugnay ng umano’y mga mapanirang pahayag at pang-iinsulto laban sa kanya at sa kanyang ina. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iginiit ng Malacañang na hindi kukunsintihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang anumang abuso sa kapangyarihan na nagdulot ng pagkamatay ng mga suspek sa operasyon kontra droga.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dapat magsumite ng kumpletong detalye at ebidensya ang mga nag-aakusa upang makapagsagawa ng imbestigasyon ang mga ahensya tulad ng NBI at PNP.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Binigyang-diin ng Palasyo na hindi isinusulong ng Pangulo ang extrajudicial killings at dapat pairalin ang due process sa kampanya laban sa ilegal na droga.
#pbbm #antidrugsops #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinira ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit ₱22 milyong halaga ng pinatuyong marijuana sa isang operasyon sa Taba-aw, Poblacion, Kibungan, Benguet.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Aabot sa 190,000 gramo ng tuyong dahon, tangkay, at may bunga ng marijuana ang natuklasan sa tatlong magkakahiwalay na lugar sa loob ng kagubatan. Matapos maitala at makuhanan ng sample para sa pagsusuri, agad itong sinunog sa mismong lugar.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Patuloy namang hinihikayat ng mga awtoridad ang publiko na makipagtulungan sa kampanya laban sa ilegal na droga.
#benguet #marijuana #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power, inilunsad ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines ang “Katipunan Formation Program for Good Citizenship” upang tugunan ang lumalalim na pagkadismaya at panlalamig ng ilan sa lipunan.
Post not available here, view on X
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Hinimok ng mga obispo ang mga Pilipino na harapin ang tinawag nilang “limang K” — korapsyon, kahirapan, kriminalidad, kasinungalingan, at kataksilan — sa pamamagitan ng panalangin, paninindigan, at pananagutan.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Layunin ng programa na buhayin ang diwa ng EDSA sa pamamagitan ng pagbabago ng konsensya at pagkilos para sa kabutihang panlahat.
#cbcp #edsa #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MAGING MAPANURI SA PAGBILI NG GADGET!
Isang 20-anyos na babae ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagbebenta ng mga substandard na cellular phone, tablet, at laptop na nagkakahalaga ng ₱1.9-M sa Ipil, Zamboanga Sibugay.
#gadget #substandard #zamboanga #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nangako ang Philippine National Police (PNP) na maghahain ng kaso laban sa mga sangkot matapos masagip ng Women and Children Protection Center (WCPC) ang 18 menor de edad sa tatlong magkakahiwalay na operasyon na isinagawa noong Pebrero 18 at 19.
#pnp #childabuse #wcpc -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MAY BAGONG MILYONARYO!
Dalawang mananaya mula sa Pangasinan ang maghahati sa ₱45-M jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw noong Sabado ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
#lotto #milyonaryo #pangasinan #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ipinagpaliban ng NASA ang paglulunsad ng unang manned moon mission matapos magkaroon ng problema sa daloy ng helium papunta sa upper stages ng SLS rocket.
#nasa #moon #rocket #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Wala pang inaaprubahang family visit para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte habang isinasagawa ang kanyang paglilitis sa International Criminal Court (ICC), ayon sa pahayag ng kanyang pamilya nitong Linggo, Pebrero 22.
#duterte #icc #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
TRAHEDYA SA RIZAL LANDFILL.
Tatlong katao ang naiulat na nawawala matapos gumuho ang isang landfill sa Rodriguez noong Biyernes, ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan.
#landfill #rodriguezrizal #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tatlong lalaking Grade 7 student ang agad na nasawi matapos masagasaan ng dalawang truck ang sinasakyan nilang tricycle sa isang bahagi ng Sayre Highway sa Barangay Kitulaan, Kapalawan, Cotabato province noong Biyernes, Pebrero 20.
#cotabato #aksidente #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ni Floyd Mayweather Jr. na babalik siya sa mundo ng boxing ngayong summer.
“I still have what it takes to set more records in the sport of boxing," ayon kay Mayweather.
#mayweather #boxing #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nanawagan ang BOC na makipag-ugnayan sa mga apektadong shipping lines para alisin ang kanilang mga bakanteng container.
Makakatulong ito para mabawasan ang siksikan ng containers sa Manila South Harbor at Manila International Container Terminal.
#boc #containers -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ibig sabihin, maaari nang isama si Phillips sa mga international tournaments bilang local at hindi na ituturing na naturalized player. Malaking dagdag-lakas ito sa frontcourt ng Gilas, lalo na sa rebounding at depensa.
#mikephillips #champ #gilaspilipinas #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa DOH, layunin ng ZBB na tiyaking wala nang babayaran ang mga kuwalipikadong pasyente sa mga pampublikong ospital, dahil sinasaklaw na ng PhilHealth at iba pang tulong-gobyerno ang kanilang gastusin sa pagpapagamot.
#doh #zbb #pbbm #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nasamsam sa dalawang Indian nationals ang 44 kilo ng hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱233.2 milyon.
#laguna #cocaine #indiannationals #pdea #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PBBM SA NAGA CITY.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Sabado ang turnover ng humigit-kumulang ₱500 milyon para sa renovation at retrofitting ng Jesse M. Robredo Coliseum (JMRC) sa Naga City.
#pbbm #nagacity #bicol #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kumpiyansa si Manila 6th District Representative Bienvenido "Benny" Abante Jr. na makakakalap ang Kamara ng sapat na bilang upang maipasa sa Senado ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Aniya, 105 boto lamang mula sa 311 mambabatas ang kailangan upang umusad ito, at naniniwala siyang higit pa rito ang kanilang makukuha. Iginiit ni Abante na hindi dapat maapektuhan ng pagtakbo ni Duterte sa 2028 ang usapin ng pananagutan bilang bise presidente.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Samantala, tinawag naman ni Rep. Joey Salceda na isang “misguided gamble” ang maagang pag-anunsyo ng kanyang kandidatura.
#repabante #saraduterte #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naging matipid ang tugon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. nang hingan ng tugon sa pagdedeklara ni Vice President Sara Duterte na tatakbo ito sa pagkapangulo sa 2028.
Aniya, personal na desisyon ito ni Duterte.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa kanyang pagbisita sa Naga City, iginiit ng Pangulo na hindi siya makikisangkot sa usaping pulitika at nakatuon lamang sa inspeksyon ng mga proyektong kontra-baha sa Sagop Creek.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Hindi rin ito nagkomento sa posibilidad na maging running mate ni Duterte ang kanyang kapatid na si Imee Marcos, at muling binigyang-diin na hindi pa panahon para pag-usapan ang eleksyon.
#pbbm #saraduterte #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang P200 milyong halaga ng umano’y ilegal na sigarilyo at mga makinang gamit sa pag-manufacture nito sa isang bodega sa Tanza, Cavite.
Post not available here, view on X
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, posibleng sindikato ang nasa likod ng operasyon at nakapagsagawa na ng anim na raid sa iba’t ibang bodega.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagbabala rin ang pamahalaan sa mga retailer na mananagot ang mahuhuling nagbebenta ng ilegal na sigarilyo habang iniimbestigahan ang posibleng koneksyon ng mga sangkot sa ilang politiko at protektor sa gobyerno.
#illegalcigarettes #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naghahanda ang mga pamilya ng mga biktima ng umano’y extrajudicial killings sa pagsisimula ng pagdinig sa International Criminal Court (ICC) na magpapasya kung haharap sa paglilitis si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng hindi bababa sa 76 pagkamatay sa kanyang drug war.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Habang umaasa ang ilan sa pananagutan at hustisya, may mga Pilipino pa ring naniniwalang dapat sa lokal na korte litisin ang dating pangulo.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Giit ng mga kaanak ng biktima, mahalaga ang pagdinig bilang hakbang tungo sa pananagutan matapos umanong mabigo ang sistemang panghukuman sa bansa na magsagawa ng kredibleng imbestigasyon.
#icc #drugwar #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
TINGNAN: Isang maikling tugon ang pinost ni Sen. Bam Aquino bilang sagot sa posibilidad umano ng kanyang pagtakbo bilang bise-presidente ni Vice Pres. Sara Duterte.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kabilang ang pangalan ni Aquino sa lumutang matapos ang kumpirmasyon ni Duterte sa kanyang pagtakbo bilang pangulo sa 2028.
Nauna nang nabanggit ni Sen. Risa Hontiveros na posibleng sa katapusan ng taon o sa umpisa ng 2027 maiaanunsyo ang presidential candidate ng oposisyon.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
📷: Bam Aquino / Facebook
#bamaquino #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakatakdang maglabas ng resolusyon ang Political Finance and Affairs Department ng Comelec kaugnay sa umano’y paglabag ni Sen. Rodante Marcoleta sa disclosure rules sa kanyang 2025 Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iniulat niyang gumastos siya ng P139.9 milyon sa kampanya ngunit walang idineklarang donasyon, kahit mas mababa ang kanyang net worth na P51.9 milyon.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iginiit ni Marcoleta na ang ilang kontribusyon ay natanggap bago pa siya opisyal na maging kandidato, batay sa Peñera doctrine. Patuloy na hinihintay ang pinal na desisyon ng Comelec sa usapin.
#senrodantemarcoleta #soce #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagkasundo ang DICT at Meta na palakasin ang pagtukoy at pagtanggal ng child exploitation content, online scam, phishing, at deepfake sa Facebook.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Layunin ng kasunduan na mapabilis ang pagre-report sa mga awtoridad at maprotektahan ang mga Pilipino laban sa maling impormasyon at digital fraud, bagamat wala pang malinaw na detalye kung paano tutukuyin ang mapanlinlang na nilalaman.
#dict #meta #onlinescam #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Magdaraos ng kilos-protesta ang iba’t ibang organisasyon sa Pebrero 25 sa EDSA Shrine at People Power Monument upang gunitain ang ika-40 anibersaryo ng People Power.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Layunin ng pagtitipon na panagutin sina President Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte at iba pang opisyal sa umano’y katiwalian. Inaasahan ang malawakang partisipasyon mula sa iba’t ibang sektor, ayon sa BAYAN at Sanlakas.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Isang bahagi ng national highway sa liblib na Barangay Ned sa Lake Sebu, kung saan may isinasagawang coal mining operations, ay nanatiling hindi madaanan ng kahit anong uri ng sasakyan matapos itong masira dahil sa mga landslides.
#landslide #southcotabato #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
SUNOG SA CALOOCAN.
Mahigit sampung bahay ang nilamon ng apoy sa isang residential area sa Barangay 32, Caloocan City ngayong Pebrero 16.
Tinatayang aabot sa 20 pamilya ang apektado ng insidente. Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog sa lugar.
#bfp -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Narekober ng Pilippine Coast Guard (PCG) ang tatlong bangkay sa tapat ng Baluk-Baluk Island, Basilan noong Linggo, dahilan upang umakyat sa 57 ang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 noong nakaraang buwan.
#pcg #deathtoll #mvtrishakerstin #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
KARAHASAN SA GAZA.
Ayon sa mga awtoridad, karamihan sa mga nasawi ay nagpapahinga o natutulog sa kanilang mga tent sa northern at south Gaza ng mangyari ang pag-atake.
#israel #hamas #attack #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MANAGOT ANG KURAKOT!
Ayon sa mga organizer, ang martsa ay magsisilbi ring paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power, na layong ipaalala ang diwa ng demokrasya at panagutin ang pamahalaan sa paggamit ng pondo ng bayan sa maling paraan.
#tindigpilipinas #trillionpesomarch -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
CONGRATSS, TALLULAH!
Gumawa ng kasaysayan ang 17-anyos na alpine skier na si Tallulah Proulx matapos ang kanyang pagsali sa women’s giant slalom event sa Olimpia delle Tofane sa Cortina.
"[I'm the] first Filipina. Yeah it's so crazy. I'm so happy," ayon kay Proulx. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Umabante na sa susunod na round ng WTA 1000 event si Alex Eala matapos manalo kontra sa Amerikanang si Hailey Baptiste sa ikalawang set ng kanilang Round of 64 match. Naitala ang score na 6-4, 0-1 pabor kay Eala nang itigil ang laban.
#alexeala #win #wta #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nadiskubre sa physical examination na nakatago ang shabu sa loob ng 2 bible na binalutan ng plastic at duct tape. Aabot sa 8,145 grams ang timbang ng nasabing droga.
#naia #drugs #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Isang Anzac-class frigate ng Royal Australian Navy (RAN), ang HMAS Toowoomba (FFH-156), ang nakaangkla sa Naval Operating Base Subic sa Zambales para sa mga interoperability exercises, ayon sa Philippine Fleet (PF) nitong Sabado.
#australia #ph #navy #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pormal nang nilagdaan ng Pilipinas at Italy ang isang bagong kasunduan sa bilateral defense cooperation, matapos ang mahigit isang taong masusing pagrepaso nito.
#ph #italy #agreement #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Isasama na ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa programa ng pamahalaan na Lifeline Rate Subsidy Program, na nagbibigay ng diskwento sa singil sa kuryente, simula ngayong buwan.
#pbbm #subsidy #kuryente #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakamit ni Filipino-Italian alpine skier na si Francis Ceccarelli ang ika-54 na puwesto sa kanyang debut sa men's giant slalom discipline sa 2026 Milano Cortina Winter Olympics.
#franciscecaarelli #winterolympics #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Itinanggi ni Senador Bong Go ang anumang pagkakasangkot niya sa tinaguriang “war on drugs” ng kanyang dating amo na si Rodrigo Duterte, matapos mabanggit ang kanyang pangalan sa dokumento ng prosekusyon ng ICC kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa dating pangulo.
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isasama na ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa Lifeline Rate Subsidy Program upang makakuha ng diskwento sa bayarin sa kuryente.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa pamahalaan, ang mga kwalipikadong pamilya na may konsumo na 50 kWh pababa kada buwan ay maaaring hindi na magbayad ng kuryente, habang maaari ring magparehistro ang iba pang mahihirap na pamilya batay sa pamantayan ng Philippine Statistics Authority.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naglabas ang International Criminal Court (ICC) ng dokumentong naglalaman ng mga paratang na crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng umano’y mga pagpatay noong siya ay alkalde ng Davao at sa kampanya kontra droga bilang pangulo.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kabilang sa pinangalanang umano’y co-perpetrators sina Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, Vitaliano Aguirre II, at iba pang dating opisyal.
#icc #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PATI BA NAMAN SA JAPAN!?
Nangyari ang insidente noong Huwebes sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Japan, sa karagatang sakop ng Nagasaki Prefecture, humigit-kumulang 89.4 nautical miles ng isla ng Meshima.
#chinesefishingvessel #japan #eez #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kabilang ang mga nasa permanent, temporary, casual, contractual, coterminous, substitute, provisional positions, Contract of Service, at Job Order personnel, ayon sa Memorandum Circular (MC) Blg. 01, s. 2026 ng Civil Service Commission (CSC).
#deped #wellnessleave -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa isang pahayag, sinabi ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno na ang mga ilegal na droga na nagkakahalaga ng ₱56.95-M at may bigat na humigit-kumulang 37,968 grams ay nasamsam mula Pebrero 3 hanggang 6.
#boc #kush #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ipadadala ang pinaka-advanced at pinakabagong mga barko ng Philippine Navy sa “Balikatan” exercise kasama ang United States military na gaganapin ngayong taon.
Ang Balikatan ngayong taon ay posibleng idaao mula Abril hanggang Mayo.
#balikatan #ph #us #navy #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony para opisyal na simulan ang konstruksyon ng Metro Manila Subway Project sa Kalayaan Avenue at Bonifacio Global City.
Inaasahang magsisilbi ang MMSP-BGC station sa mahigit 200,000 pasahero kada araw.
#pbbm -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
TINGNAN: Naglunsad ang Sangguniang Kabataan ng Barangay 178 sa Caloocan City ng pamamahagi ng condoms at HIV testing ngayong Biyernes, isang araw bago ang Araw ng mga Puso.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa mga opisyal, layunin ng aktibidad na magpalawak ng kaalaman ukol sa pagpigil sa pagkalat ng HIV, at magbigay-kaalaman sa pangangalaga ng katawan.
Itinaon rin ang pamamahagi ng condoms ngayong International Condoms Day.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa datos ng World Health Organization, ang Pilipinas ang may pinakamalaking pagtaas ng bilang ng HIV cases sa rehiyon ng Asia-Pacific.
📷: SK Barangay 178
#condoms #hiv #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Plano ng Philippine Army na paigtingin ang kakayahan sa air defense at drone operations upang suportahan ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept sa buong teritoryo at 200-nautical mile EEZ ng bansa.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon kay Col. Louie Dema-ala, magiging mahalaga ang mga bagong kakayahang ito para sa reconnaissance at combat missions, batay na rin sa karanasan sa paggamit ng drones sa digmaan ng Russia at Ukraine.
#philippinearmy #comprehensivearchipelagicdefenseconcept #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Dumalo sa DOJ si Ramon Revilla Jr. upang magsumite ng kanyang counter-affidavit kaugnay ng mga reklamong isinampa laban sa kanya tungkol sa ghost flood control projects.
Kabilang sa mga kinakaharap niyang kaso ay plunder at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ipapadala sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro ang mga mahahatulan sa mga kasong may kinalaman sa flood control projects, ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang.
#bucor #sablayanprison #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Si Emma Amit, 51 anyos, ay isinugod sa ospital matapos kumain ng nakalalasong Zosimus aeneus na alimango, na mas kilala bilang “Devil Crab.” Makalipas ang dalawang araw, siya ay binawian ng buhay.
#devilcrab #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
BAKIT NAKALOCK?
Ilang life jacket sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3 ay nakalagay umano sa mga naka-lock na kabinet, ayon sa isang nakaligtas sa insidente.
#lifejacket #mvtrishakerstin3 #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
HUSTISYA.
Inihayag ng Registry ng International Criminal Court (ICC) na naipadala na nito ang daan-daang bagong aplikasyon mula sa mga indibidwal na nagnanais makilahok sa nagpapatuloy na mga paglilitis laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
#duterte #warondrugs #victims -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Matapos ang dikitang laban sa unang apat na sets (25-20, 25-16, 22-25, 25-17), naipakita ng PLDT ang mas matatag na depensa at mas epektibong opensa upang makuha ang panalo.
#pldt #capital1 #pvl
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Pumanaw na ang beteranang aktres na si Vangie Labalan. Ayon sa kanyang anak na si Carlo, binawian ng buhay ang kanyang ina bandang tanghali ng Pebrero 12 habang nasa Australia, matapos itong isugod at ma-confine sa isang ospital.
#vangielabalan #restinpeace #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nilinaw ng ilang senador na hindi layunin ng Senado na takutin ang China, kundi ipakita ang nagkakaisang paninindigan sa soberanya ng bansa.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iginiit ng mga mambabatas ang kahalagahan ng diplomasya at dayalogo upang mapagaan ang tensyon sa gitna ng usapin sa West Philippine Sea.
#westphilippinesea #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naghain ng resolusyon ang tatlong kongresista ng Makabayan bloc upang imbestigahan ang umano’y operasyon at koneksyon ng convicted sex offender na si Jeffrey Epstein sa Pilipinas.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Layunin ng imbestigasyon na alamin kung may mga lokal na ahensya o serbisyo na ginamit upang linisin ang online na imahe ni Epstein at kung may posibleng kaugnayan ito sa sexual exploitation, human trafficking, at iba pang krimen.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inaasahang magrerekomenda ang Kongreso ng mas mahigpit na batas upang maiwasang magamit ang bansa sa ganitong uri ng ilegal na gawain.
#makabayanbloc #jeffreyepstein #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinabi ng Malacañang na inaasahan ang pagbaba ng ranggo ng Pilipinas sa Corruption Perceptions Index 2025 matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malawakang imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Bumagsak ang bansa sa ika-120 puwesto mula ika-114 noong nakaraang taon. Iginiit ng Palasyo na patuloy ang kampanya laban sa korapsyon habang nakatuon din ang administrasyon sa pagpapalakas ng ekonomiya sa gitna ng mabagal na paglago,
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
pagtaas ng unemployment, at pagkaantala ng ilang proyekto ng pamahalaan.
#corruptionperceptionsindex2025 #corruption #floodcontrolscam #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakatakdang idaos ang ikatlong Trillion Peso March sa Pebrero 25 kasabay ng paggunita sa People Power Revolution. Pangungunahan ito ng Caritas Philippines at iba’t ibang civil society groups bilang panawagan laban sa korapsyon.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Magkakaroon ng serye ng aktibidad mula Pebrero 22 hanggang 25 sa iba’t ibang bahagi ng EDSA, kabilang ang misa na pamumunuan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas,
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
habang binibigyang-diin ng mga organizer ang pagsusulong ng rule of law at pananagutan ng mga sangkot sa katiwalian.
#trillionpesomarch #edsa #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PULIS ANG PASIMUNO?
Ang reklamo ay unang isinampa ng isang bagong recruit, sinundan ng mga pahayag mula sa 18 kaklase, at kalaunan ay 110 pang iba. Lahat ng biktima ay sumasailalim sa medikal na pagsusuri habang iniimbestigahan kung may iba pang mga opisyal na sangkot.
#barmm -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nahuli ng pulisya ang 15 katao, kabilang ang tatlong Chinese nationals, at nasamsam ang tinatayang ₱91 milyon na halaga ng umano’y smuggled at ilegal na sigarilyo sa loob ng tatlong araw na operasyon.
#cidg #sigarilyo #smuggled #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki dahil sa umano’y pagpapanggap bilang pari upang manloko ng mga tao sa pamamagitan ng panghihingi ng donasyon online.
Ang suspek ay nahaharap sa kaso identity theft sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act ng 2012. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ipinahayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto noong Lunes ang kanyang suporta sa pagpasa ng anti-political dynasty law, at iginiit na hindi dapat nakasentro sa iilang indibidwal lamang ang kapangyarihan.
#mayorvicosotto #antidynastylaw #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
BANTA SA BUHAY NI GOV.
Iniulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na iniimbestigahan na nila ang ulat na death threat laban kay Cebu Governor Pam Baricuatro, matapos nitong isiwalat na may umano’y ₱2.5 milyong patong sa kanyang buhay.
#deaththreat #cebugov #pnp -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PINSALA NI BASYANG SA MINDANAO.
Ilang mga bahagi ng kalsada at tulay ang nananatiling hindi pa madaanan, habang hindi pa rin naibabalik ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Mindanao matapos ang pananalasa ng Bagyong Basyang.
#mindanao #bagyongbasyang #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Limang suspek ang naaresto at iba't ibang heavy equipment at mga materyales na may kaugnayan sa pagmimina ang nakumpiska sa isang ilegal na minahan sa Barobo, Surigao del Sur.
#illegalmining #surigaodelsur #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
KUSH SA CENTRAL MAIL EXCHANGE CENTER.
Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na nasabat kamakailan ng mga awtoridad ang 40 inbound parcels na naglalaman ng hinihinalang high-grade marijuana o “kush” na tinatayang nagkakahalaga ng ₱14.833 milyon sa Pasay City.
#pasaycity -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inatasan noong Linggo ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mas pinaigting na crackdown laban sa mga may kinalaman sa kalakaran sa ilegal na sigarilyo.
#sigarilyo #pnp #smuggled #illegal #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MAGPAREHISTRO NA!
Magpapatuloy sa ngayong Pebrero 9 ang voter registration sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2026.
#barmm #comelec #voters #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa kauna-unahang pagkakataon, lalahok ang Philippine Navy sa 3rd International Fleet Review (IFR26) na pangungunahan ng Indian Navy, gayundin sa Multilateral Naval Exercise (MILAN) 2026.
#phnavy #india #internationalfleet #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ilang bahagi ng Bicol Region ang binaha dahil sa malalakas na pag-ulan na naranasan noong weekend.
Naitala ang pag-apaw ng ilog sa Labo at Basud sa Camarines Norte na naging dahilan ng pagbaha. Ilang barangay din sa Catanduanes ang binaha.
#baha #bicolregion #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
WALA SI ATONG SA CAMBODIA.
Itinanggi ng Cambodian Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation ang mga ulat na nagtatago sa Cambodia si Atong Ang.
Ayon sa Cambodian foreign ministry, wala silang anumang record na nagpapakitang naroroon o pumasok sa bansa si Ang. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa pinakahuling datos, sinabi ng NDRRMC na ang mga apektadong pamilya ay binubuo ng 232,550 katao na naninirahan sa 517 barangay sa Region 6, Negros Island Region, Region 7, at Caraga.
#bagyongbasyang #ndrrmc #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinabi ni House tourism committee vice chair at Palawan 3rd District Rep. Gil Acosta Jr. noong Sabado na mayorya ng mga mambabatas sa House of Representatives ang sumusuporta sa panukalang alisin ang travel tax na ipinapataw sa mga Pilipinong umaalis ng bansa.
#traveltax -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Umakyat na sa 12 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Basyang, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Kabilang sa mga nasawi ay sa lugar ng Mindanao, Cagayan de Oro City, Lanao del Norte, Caraga region, Surigao del Sur at Agusan del Norte.
#bagyongbasyang #ocd -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakamit ni Filipino Olympic pole vaulter EJ Obiena ang kanyang ikalawang gintong medalya ngayong 2026, matapos magwagi sa kompetisyon sa Tianjin, China.
1/2
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nanguna si Obiena sa men’s pole vault final sa 12th Asian Indoor Athletics Championships na isinagawa sa Tuanbo Sports Center noong Sabado.
Nilampasan ng Pilipinong pole vaulter ang taas na 5.70 metro sa iisa lamang na attempt, kaya’t naiuwi niya ang gintong medalya.
2/2 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nanindigan si Senate President Pro Tempore at chairman ng Blue Ribbon Committee Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ebidensya ang nagtuturo kina dating Senate President Francis “Chiz” Escudero at kina Sen. Joel Villanueva at Sen. Jose “Jinggoy” Estrada
Post not available here, view on X
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Matatandaang nag-leak ang kopya ng naturang draft report kung saan pinakakasuhan ng malversation, direct bribery sina dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., Escudero, Villanueva, Estrada, dating Caloocan City Rep. Mitch Cajayon-Uy
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
at iba pa.
Sinabi rin ni Lacson na na-konsulta na ang ibang mga miyembro ng komite at nagkasundo silang maguhin ang ilang bahagi nito pero sineguro niyang hindi binabago ang sustansya nito.
Tanging mga salita ang binago upang magamit ang mga salita ng wasto, giit ni Lacson.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa Lunes maaaring ibalik ni Lacson sa mga miyembro ng kamite ang isinaayos na kopya.
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa Office of Civil Defense, umabot na sa walong katao ang nasawi dahil sa epekto ng bagyong Basyang, kabilang ang mga biktima ng landslide, baha, at pagkalunod.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Libu-libong pamilya ang naapektuhan at inilikas sa iba’t ibang lugar habang nagdulot din ng matinding pagbaha at pinsala sa imprastruktura ang bagyo bago ito humina bilang low-pressure area.
#bagyongbasyang #basyangph #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ng Department of Agriculture na magkakaroon na ng “Benteng Bigas Meron BBM Na” program sa Tawi-Tawi bilang bahagi ng nationwide expansion nito, alinsunod sa mga layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa food security at abot-kayang presyo ng bilihin.
#da -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
KARAGDAGANG AMBULANSYA.
Nag-turn over ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng mga patient transport vehicles (PTVs) sa limang local government units (LGUs) at sa Lung Center of the Philippines.
#pagcor #ptvs #lgus #lungcenterph #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinabi ng DMW na nakikipag-ugnayan ito sa DOLE at iba pang mga ahensya upang magbigay ng mga job opportunities, livelihood program at posibleng pagsasagawa ng mga job fair.
#cambodia #humantrafficking #dmw #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
NO MORE BOSS IRONMAN?
Inirekomenda ng Land Transportation Office (LTO) noong Huwebes ang pagsuspinde ng Boss Ironman Motorcycle Challenge (BIMC), matapos maitala ang ilang traffic violations at mga insidente ng aksidente sa kalsada.
#bossironman #lto #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ito ay matapos maglabas ng arrest warrant ang Regional Trial Court (RTC) Branch 14 ng Cebu laban kay Espinosa at ilan pang iba kaugnay sa kasong pagpatay. Ayon sa awtoridad, walang inirekomendang piyansa sa kaso ni Espinosa.
#kerwinespinosa #nbi #dzmmradyopatrol630l -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
DENIED.
Nagpasya ang Third Division ng Sandiganbayan na mananatili si Revilla sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas habang dinidinig ang kanyang kasong may kaugnay ng umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
#bongrevilla #sandiganbayan -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Arestado ang anim na Chinese national habang 65 Pilipino ang nasagip sa isinagawang raid sa hinihinalang iligal na pabrika ng sigarilyo sa Mexico, Pampanga.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakumpiska sa operasyon ang malaking halaga ng sigarilyo, makina, at kagamitan sa produksyon na tinatayang nagkakahalaga ng ₱400 milyon.
Ayon sa mga awtoridad, walang kaukulang permit ang operasyon at posibleng sangkot sa mas malawak na illegal tobacco trade sa bansa.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Patuloy ang imbestigasyon laban sa mga may-ari at sangkot sa operasyon.
#tobaccotrade #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagbigay ng testimonya si Oriental Mindoro Gov. Humerlito “Bonz” Dolor sa Sandiganbayan kaugnay ng P289-milyong road dike project sa Naujan na umano’y ginamitan ng substandard na materyales.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa kanya, natuklasan sa inspeksyon na mas maikli ang steel sheet piles kumpara sa itinakda sa kontrata.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kaugnay nito, nahaharap sa kasong malversation at graft ang siyam na opisyal ng DPWH-Mimaropa at iba pang sangkot, kabilang ang dating kongresistang si Zaldy Co na nananatiling pinaghahanap.
#sandiganbayan #roaddike #orientalmindoro #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ipinag-utos ni Tourism Secretary Christina Frasco ang pagtanggal ng lahat ng tourism materials na naglalaman ng kanyang larawan matapos siyang punahin ni Sen. Raffy Tulfo sa umano’y labis na pagpapakita ng sarili.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iginiit ni Frasco na hindi siya nagsasagawa ng self-promotion at nilinaw na wala siyang planong tumakbo sa anumang pambansang posisyon sa halalan sa 2028. Ayon sa kanya, bahagi lamang ng kanyang tungkulin ang pagiging visible sa publiko.
#dot #tourism #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sumuko sa pulisya noong Lunes ang ikaapat na suspek sa pagpatay sa pulis na si Diane Marie Mollenido at sa kanyang walong taong gulang na anak.
Ang ika-apat na suspek ay kapatid ng isa pang suspek sa krimen na isang dismissed na pulis.
#murder #mollenido #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MAGANDANG PANIMULA!
Nakuha ni Filipina tennis star Alex Eala ang kanyang unang panalo laban kay Zeynep Sonmez ng Turkey na isang matibay na panimula sa WTA 500 Mubadala Abu Dhabi Open.
Makakalaban ni Eala si Aliaksandra Sasnovich para sa second round ng Abu Dhabi Open. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Isinagawa ng DOJ nitong Lunes ang unang pagdinig para sa preliminary investigation kaugnay ng reklamong plunder na inihain laban kina Senador Jose “Jinggoy” Estrada at dating senador Ramon Revilla Jr. na may kaugnayan sa umano’y anomalya sa mga flood control projects.
#doj -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
AI LOVE SCAM NGAYONG PEBRERO.
Ang karaniwang target ng love scams ay ang mga naghahanap ng foreign partners, financially stable professionals, mga babaeng pinipilit o inaasahang magpakasal na, at mga solo parent na naghahanap ng partner.
#lovescams #ai #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Namahagi ng mga food packs ang DSWD, sa pamamagitan ng Field Office nito sa Negros Island Region para sa mga pamilya na apektado ng pagbaha dahil sa shear line.
Umabot sa 320 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha mula sa 24 barangay sa Bacolod City.
#dswd #baha #negrosisland -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nasamsam ng mga operatiba ng anti-narcotics ang hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng ₱39.1 milyon mula sa isang pasaherong dumating mula Brazil sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa Philippine National Police (PNP).
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagtala ng mga bagong career-high rankings ang ilang manlalaro sa pinakabagong WTA Top 100.
Kabilang dito si Filipina tennis star Alex Eala, na umakyat sa ika-45 pwesto—ang pinakamataas niyang ranggo sa WTA sa ngayon.
#wta #alexeala
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naaresto noong Enero ang lahat ng 10 katao na kabilang sa top 10 most wanted persons ng Taguig City police.
Kabilang sa mga kaso nila ang statutory rape, mga paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kabilang ang illegal possession of dangerous drugs.
#taguigcity -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagwagi ng Best New Artist sa 2026 GRAMMY Awards ang singer-songwriter na si Olivia Dean.
Ilan sa nga kantang pinasikat ni Olivia Dean ay ang “Dive”, “Man I Need”, at “A Couple Minutes” na umani ng milyon-milyong streams at nagpatunay sa kanyang husay sa pop music.
#grammys -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
pamamaga ng maliliit na pouches sa loob ng bituka.
“Kamusta po kayo? Sana’y nasa mabuti kayong kalagayan. Ako naman, eto, nagre-recover na rin,” ayon kay Pang. Marcos.
Samantala, nabanggit rin ng Pangulo na ito’y nasa soup-only diet, dahilan ng biglaang pagkapayat nito.
#pbbm -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
IBALIK ANG PERA NG BAYAN.
Nakakuha ang AMLC ng freeze order laban sa mga ari-arian ng dalawang kontratista na nakakuha ng karamihan sa “ghost” flood control projects sa Bulacan, pati na rin sa mga ari-arian ng isang negosyante at ng iba pang mga indibidwal na sangkot.
#amlc -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa PCG, hindi naman pinigilan ng CCG ang mga mangingisdang Pilipino sa karagatan. Patuloy ang pagbabantay ng PCG para makapangisda nang payapa ang mga Pilipino sa West PH Sea.
#ccg #pcg #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinabi ng Malacañang na hindi pa napag-uusapan sa ngayon ang panukalang pag-amyenda sa 1987 Constitution kasunod ng pahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na susuportahan nito ang mga hakbang para baguhin ang Saligang Batas.
Post not available here, view on X
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, bagay na sinang-ayunan din ng ilang mambabatas sa Kamara.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Gayunman, nilinaw ng Palasyo na kung may mga konkretong hakbang na ang Kongreso kaugnay ng Cha-cha, handa itong pag-aralan ng Pangulo sa tamang panahon. l via Christian Bascones / DZMM, PRTV News
#charterchange #chacha #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Bumanat si Rep. Terry Ridon, Chairman ng House Committee on Public Accounts, sa pagdidiin ng Korte Suprema sa pagkakaroon ng agarang impeachment proceeding.
Ayon kay Ridon, mayroon ring ibinabang mandato ang Korte Suprema ukol sa malinaw na timelines sa mga hawak nitong kaso.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
“So ibig sabihin to speak it to Congress that impeachment is an expeditious matter, I think they should look at themselves as well on whether or not they are able to comply with this particular 24-month period to resolve cases within their court,” Ridon said.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa kabila ng ibinabang desisyon ng Korte Suprema ukol sa unang impeachment complaint laban kay Bise-Presidente Sara Duterte, iginiit ni Ridon na gagawin ng Kongreso ang mandato nito.
#terryridon #supremecourt #impeachment #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
SINDIKATO SA CUSTOMS?
Ilang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ang iniimbestigahan dahil sa umano’y pagkakasangkot sa pag-smuggle ng sigarilyo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱1.2 bilyon, na nasamsam sa Lungsod ng Batangas noong nakaraang buwan.
#boc #smuggled #sigarilyo -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng ahensya ng gobyerno na magsumite ng progress report ng kanilang mga kasalukuyang proyekto tuwing dalawang linggo, at nagbabala sa mga opisyal laban sa pagsusumite ng mga pekeng report.
#pbbm #report #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Plano ng Asian Development Bank (ADB) na pondohan ng hanggang $3 bilyon ang mga tourism investments sa buong Southeast Asia hanggang 2030.
#adb #asean #tourism #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PUNTA NA!
Maghahatid ng abot-kaya at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan ang bagong bukas na wellness center ng Department of Health (DOH) sa isang shopping mall sa Tacloban City.
Ang DOH wellness clinic na matatagpuan sa Robinsons North Tacloban sa Abucay, Tacloban City. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
ELEKSYON SA ANTIPOLO.
Ang election period ay mula Pebrero 12 hanggang Marso 29. Isasagawa ang special election upang punan ang puwestong nabakante matapos pumanaw si Romeo Acop dahil sa atake sa puso noong Disyembre 20, 2025.
#antipolo #comelec #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
HULI KAYO!
Sinibak noong Biyernes ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang tatlong opisyal ng Pampanga 2nd District Engineering Office matapos umanong tangkain ng mga ito na mangotong o humingi ng kickback mula sa mga infrastructure projects. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinampahan na ng kasong robbery ang anim na pulis na inaresto kaugnay ng mga insidente ng panghohold-up sa Makati noong Enero 24 at 28.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Bukod sa mga naunang reklamo, may lumutang pang biktima mula Pasay na nagsabing hiningan siya ng P50,000 at tinangayan ng mga alahas ng mga suspek.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nasa restrictive custody at preventive suspension na ang mga pulis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at nakatakda ring harapin ang mga kasong administratibo.
#policenews #robbery #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ipinakita ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ginanap na “Walang Gutom Kusinero Cook Off Challenge” sa Las Piñas City na kayang gawing masarap, masustansya, at abot-kaya ang lutuing Pinoy kahit sa maliit na budget.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Gumamit ang mga benepisyaryo ng pagkain mula sa ₱3,000 food credits ng Walang Gutom Program upang lumikha ng mga kakaibang putahe, kabilang ang dinuguang puso ng saging na nagwagi sa regional level.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Layunin ng programa na labanan ang gutom at palawakin pa ang tulong sa hanggang 750,000 benepisyaryo pagsapit ng 2026.
#dswd #walanggutomprogram #cookoffchallenge #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinabi ng Department of Health na posibleng matagal nang nasa Mindanao ang Nipah virus ngunit maliit ang tsansang magdulot ito ng malawakang outbreak dahil sa mababang antas ng hawaan.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon kay DOH spokesperson Asec. Albert Domingo, umiikot ang virus sa mga hayop at hindi karaniwang naipapasa sa tao.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Pinayuhan ng DOH ang publiko na iwasan ang paglapit sa mga may sakit na hayop, tiyaking maayos ang pagkakaluto ng karne, at manatiling alerto ngunit huwag mag-panic.
#doh #nipahvirus #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iniulat ng Philippine Navy ang pagtaas ng bilang ng mga barko ng Tsina na namonitor sa West Philippine Sea mula Enero 18 hanggang 25.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon kay Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, 55 sasakyang-pandagat ng Tsina ang naitala sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Escoda Shoal, at Pag-asa Island.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ang pagdami ng mga barko ay nangyari sa gitna ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina kaugnay ng mga isyu sa karagatang sakop ng bansa.
#philippinenavy #westphilippinesea #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
ABERYA TALAGA.
Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, nahaharap ang vlogger sa temporary 90-day suspension, habang ang sasakyan naman ay isinailalim sa alarm upang maiwasan ang anumang transaksyon sa LTO.
#lto #aberyathingz #roadrage #viral #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
ILLEGAL TERMINALS.
Palalakasin ng LTFRB ang operasyon nito upang maipasara ang mga ilegal na terminal ng pampublikong transportasyon para sa safety concerns, kung saan magde-deploy sila ng mga “mystery passengers” upang magsagawa ng monitoring.
#ltfrb #illegalterminal -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
BALASAHAN SA DPWH.
Nagpatupad si Public Works Secretary Vince Dizon ng reshuffles sa 12 regional district offices ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kung saan nagtalaga siya ng 12 regional directors at 11 assistant regional directors sa mga bagong posisyon. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PANANAMBANG KAY MAYOR.
Tatlong suspek ang napatay matapos nilang pagbabarilin ang convoy ni Shariff Aguak, Maguindanao del Sur Mayor Akmad Ampatuan noong Linggo ng umaga, Enero 25.
Nakaligtas naman si Mayor Akmad Ampatuan dahil ang kanyang sasakyan ay isang armored SUV.
#mayor -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
NO TO ILLEGAL MINING.
Aabot sa ₱30.8 milyon na halaga ng heavy equipment at mineral ores ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang illegal mining sa Misamis Oriental na ikinaaresto ng 24 na suspek.
#illegalmining #misamisoriental #chinese #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tinanggap ng Philippine Coast Guard (PCG) noong Linggo ang 15 nakaligtas at dalawang nasawing tripulante ng M/V Devon Bay sa isang turnover operation na isinagawa sa pagitan ng PCG at China Coast Guard (CCG) sa Tambobong, Pangasinan.
#pcg #ccg #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
CELLPHONE SA KULUNGAN?
Kinumpiska ng Bureau of Immigration ang mga cellphone, sigarilyo, at iba pang kontrabando sa isang raid na isinagawa sa mga pasilidad ng ahensya sa Taguig at Muntinlupa.
#bi #detention #kontrabando #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
BANTAYAN ANG ATIN.
Pinalakas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang presensya nito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng monitoring patrol sa Malampaya Natural Gas Power Project.
#afp #malampaya #wps #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ibinulgar ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor ang isa na namang umano’y substandard na flood control project matapos gumuho ang isang road dike sa Barangay San Andres sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro.
#floodcontrolproject #orientalmindoro #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Bistado ng mga awtoridad ang aabot sa ₱1-M halaga ng smuggled na sigarilyo sa Pangasinan noong Enero 24.
Inaresto ng Dagupan City police ang 2 katao matapos mahuli silang nagde-deliver ng 2 box na naglalaman ng smuggled na sigarilyo.
#pangasinan #sigarilyo #smuggled -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
SAKUNA SA INDONESIA.
Aabot sa 7 katao ang namatay at 82 ang nawawala matapos ang landslide na tumama sa lalawigan ng West Java sa Indonesia, ayon sa disaster mitigation agency.
Malalakas na mga pag-ulan ang tumama sa West Bandung region na nagdulot ng matinding landslide. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MAGANDANG BALITA SA SEKTOR NG TRANSPORTASYON.
Malaking bahagi ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) na may 12 stations ay inaasahang isasagawa ang full operations pagsapit ng ikalawang quarter ng 2027.
#mrt7 #dotr #transportation #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa Department of Agriculture (DA), tinatayang 15 milyong kabahayan ang makikinabang sa proyekto na “Benteng Bigas Meron (BBM) Na!” ngayong 2026.
#da #bbm #bentengbigas #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
KAMPANYA NG DOH LABAN SA TIGDAS.
Mahigit isang milyong bata sa Mindanao at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nabakunahan laban sa tigdas at rubella sa loob lamang ng unang linggo ng “Ligtas Tigdas” immunization campaign ng Department of Health (DOH). -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
OPORTUNIDAD SA TIMOR-LESTE.
Tinitingnan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga posibleng kasunduan para paunlarin ang kooperasyon sa labor migration sa pagitan ng Pilipinas at Timor-Leste.
#timorleste #ph #dmw #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
KANYA-KANYANG PAGHAHANDA NA SILA.
Inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon nitong Sabado ang kanyang mga plano na magsagawa ng mga site visit at inspeksyon sa mga proyektong pang-imprastraktura sa Visayas at Mindanao sa darating na linggo. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nasamsam ng Bureau of Internal Revenue at Regional Highway Patrol Group-NCR ang mahigit 600,000 pakete ng ilegal na sigarilyo na kargado ng ilang truck sa Metro Manila.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa BIR, walang tax stamps ang mga produkto at tinatayang mahigit ₱516 milyon ang nawawalang buwis, kasama na ang mga multa at surcharge. Dalawang Chinese national ang naaresto kaugnay ng ilegal na bentahan.
#bir #hpgncr #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
BENTENG BIGAS SA AKLAN.
Kabilang sa mga benepisyaryo ng programa ang mga minimum wage earners, magsasaka at mangingisda, mga senior citizen, solo parent, mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), mga taong may kapansanan, at mga transport sector workers.
#bbm -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
BLACK HAWK NG PINAS.
Mas pinalakas pa ang Philippine Air Force (PAF) nang opisyal nitong tanggapin ang limang bagong S-70i "Black Hawk" utility helicopters sa isang sabayang turnover at blessing ceremony sa Villamor Air Base sa Pasay City noong Biyernes.
#blackhawk #paf -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) nitong Biyernes na negatibo sa HIV o human immunodeficiency virus ang Russian vlogger na si Nikita Chekhov.
Naaresto siya noong Miyerkules dahil sa pagbabanta niyang sadyang ikakalat ang HIV habang nasa Pilipinas.
#russianvlogger #hiv -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
SOLUSYON SA PROBLEMA NG BALIKBAYAN BOXES.
Target ng Bureau of Customs (BOC) na maipadala sa loob ng dalawang buwan ang libu-libong “balikbayan” boxes na naiwan sa isang pantalan sa Maynila sa mga pamilya ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
#boc #balikbayanboxes #ofw -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naghain ng reklamo ang isang transport group sa Office of the Ombudsman laban kay LTFRB Region 3 Director Richard Albano at ilan sa kanyang mga tauhan.
Ayon sa reklamo, pinagbabayad umano ang mga aplikante ng TNVS ng hanggang ₱200,000 bawat slot ng mga kawani ng LTFRB.
#ltfrb -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
KARAHASAN SA LANAO DEL NORTE
Kinondena ng Philippine Army nitong Biyernes ang isang pananambang na isinagawa ng Dawlah Islamiyah-Maute Group sa Munai, Lanao del Sur, na ikinasawi ng apat na sundalo.
#ambush #sundalo #lanaodelnorte #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Dalawa sa 21 Pilipinong seafarer na sakay ng isang cargo vessel ng Singapore na tumaob malapit sa Scarborough Shoal ang kumpirmadong nasawi, habang nagpapatuloy ang search and rescue operations para sa mga nawawala pa.
#chineseembassy #rescue #pinoyseafarers #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inilipat sa Pebrero 9 ng Sandiganbayan ang naka-iskedyul na arraignment noong Biyernes ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. kaugnay ng mga kasong malversation at graft na may kinalaman sa umano’y ₱92.8 milyong ghost flood control project sa Bulacan.
#bongrevilla -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nasagip ng Philippine National Police–Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang dalawang sanggol sa magkahiwalay na entrapment operations sa Quezon City at Batangas City matapos umanong ibenta ng kani-kanilang ina online.
Post not available here, view on X
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ang mga bata ay agad na isinailalim sa protective custody ng mga social worker. Nahaharap ang mga ina sa kasong Trafficking in Persons at Child Trafficking habang patuloy na binabantayan ng PNP ang dumaraming kaso ng bentahan ng sanggol sa internet.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Dumating si Nikita Chekhov sa bansa bilang turista noong Enero 15. Ilang sandali matapos ang kanyang pagdating, nag-upload siya ng mga videos na kinunan sa Taguig City, kung saan gumawa siya ng pahayag na balak niyang magkalat ng HIV habang siya ay nananatili sa bansa.
#russian -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
TULONG NG DSWD.
Inanunsyo ng DSWD nitong Huwebes na ipatutupad nito ang cash-for-work (CFW) program para sa 1,323 pamilyang apektado ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, bukod pa ito sa ipinapamahaging pagkain at non-food items.
#dswd #cashforwork #lgu #mayon -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MAGDUSA ANG MAY KASALANAN.
Walang special treatment na ipagkakaloob sa mga high-profile na persons deprived of liberty (PDLs) na masasangkot sa mga kaso ng “ghost” flood control projects, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Huwebes.
#bjmp #qc #kulungan -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PAGBABA NG KRIMEN SA METRO MANILA.
Bumaba ng 24% ang mga focus crimes sa buong Metro Manila sa unang 20 araw ng 2026, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Anthony Aberin nitong Huwebes.
#ncrpo #crimerate #ph #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
TRAFFIC SA DAVAO.
Ayon sa TomTom Traffic Index, nananatiling pinaka-traffic na lungsod sa Pilipinas ang Davao City. Nabanggit din sa ulat na ang Pilipinas ang pinaka-traffic-congested na bansa sa Asya, na may congestion rate na 45%.
#davaocity #traffic #tomtomtrafficindex -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
RAMDAM NIYO RIN BA ANG LAMIG?
Bukod sa malamig na panahon na higit na nararamdaman tuwing gabi at madaling araw, nagdudulot din ang Amihan ng pag-ulan sa Cordillera, Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, ilang bahagi ng Bicol region, Samar, at Caraga. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
WALA NA SA BANSA SI ATONG ANG?
Ayon sa pahayag ng whistleblower na si Julie Patidongan, sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Huwebes na pinaniniwalaang ang wanted na negosyanteng si Atong Ang ay maaaring nasa Cambodia o Thailand.
#atongang -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Parami nang parami ang umaasa sa Artificial Intelligence at internet bilang unang takbuhan sa sintomas ng karamdaman dahil sa bilis at dali ng paggamit nito.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ngunit iginiit ng mga doktor na bagama’t nakatutulong ang AI sa pagbibigay ng paunang impormasyon, hindi ito kapalit ng tamang pagsusuri ng isang doktor.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa mga eksperto, ang labis na pagtitiwala sa AI ay maaaring magdulot ng maling diagnosis, pagkaantala ng gamutan, at mas seryosong panganib sa kalusugan.
#ai #health #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iprinisinta ng Office of the Ombudsman ang ika-anim na saksi sa bail hearing ng siyam na opisyal ng DPWH-Mimaropa na akusado sa kasong malversation kaugnay ng P289-milyong road dike project sa Oriental Mindoro.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagpatotoo ang opisyal ng Land Bank hinggil sa proseso ng paglalabas ng bayad sa mga kontratista, bagama’t hindi niya natukoy kung sino ang tumanggap ng pondo o kung sinong opisyal ang nag-apruba ng bayad.
#dpwhmimaropa #orientalmindoro #bailhearing #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tinuligsa ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang minority report na inilabas nina Sen. Imee Marcos at Rodante Marcoleta, na aniya’y hindi dumaan sa tamang proseso at nagpapakita ng kawalan ng respeto sa komite at sa Senado.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iginiit ni Lacson na dapat sana’y dumalo na lamang ang mga senador sa mga pagdinig at doon inilatag ang kanilang ebidensiya. Sinabi rin ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang naturang ulat ay para lamang sa media.
#senpinglacson #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
NASAAN SI ATONG ANG?
Sinabi ng Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) nitong Lunes na nakatanggap sila ng mga tip tungkol sa posibleng kinaroroonan ng wanted na si Charlie “Atong” Ang.
#atongang #tips #wanted #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
VIRAL NA TRICYCLE DRIVER NG QC!
Iba't ibang paglabag ang nakita ng Land Transportation Office (LTO) noong Lunes laban sa drayber at may-ari ng isang tricycle na nag-counterflow at naging viral sa social media.
#viral #lto #tricycledriver #counterflow #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MAS MARAMING JOB FAIR.
Inihayag ni DOLE–Bureau of Local Employment (BLE) Director Patrick Patriwirawan Jr. na umakyat 2,356 ang bilang ng mga employment fair noong 2025, mula sa 1,900 noong 2024 at 1,600 noong 2023.
#dole #jobfair #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
DEBRIS NG CHINA.
Sa isang advisory, tinukoy ng PhilSA ang dalawang posibleng drop zone: 22 nautical miles ang layo mula sa Puerto Princesa, Palawan, at 14 nautical miles ang layo mula sa Tubbataha Reefs Natural Park.
#china #debris #rocket #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre ng mga operatiba ang 140 master case ng iba’t ibang tatak ng sigarilyo na nakatago sa ilalim ng mga niyog, na ginawa upang hindi mapansin ng mga awtoridad.
#smuggled #sigarilyo #davaodelsur #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sinabi ni PCG spokesperson para sa West Philippine Sea na si Commodore Jay Tarriela na ide-deploy ng ahensya ang 97-meter at 44-meter na mga barko, gayundin ang mga sasakyang panghimpapawid, upang maprotektahan MAE-1.
#pcg #security #gas #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang mga concerned LGUs at iba pang partner organizations ng humanitarian assistance na nagkakahalaga ng ₱11.4 milyon sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Ada.
#dswd #tulong #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tinukoy at kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na mayroong 14 na "ghost" flood control projects silang nadiskubre.
1/2
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
“Sa kasalukuyan po, labing apat po 'yung projects na identified na ng Department of Justice na kami po ay kumbinsido na ghost projects," ayon kay DOJ officer-in-charge Sec. Fredderick Vida.
#doj #floodcontrol #ghostproject #dzmmradyopatrol630
2/2 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sumuko na sa mga awtoridad si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. noong Lunes, Enero 19. Dumating si Revilla sa Camp Crame sa Quezon City bandang alas-9 ng gabi.
Kinumpirma ng PNP na boluntaryong sumuko si Revilla.
#revilla #pnp #ghostfloodcontrol #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
GULO SA BILANGGUAN NG GUATEMALA.
Inakusahan ng interior minister ng Guatemala ang mga gang sa kanilang bansa na siyang pumatay sa pitong pulis noong Linggo bilang ganti sa pagtanggi ng gobyerno na ilipat ang mga lider ng gang sa isang bilangguan.
#guatemala #gang #pulis -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang humigit-kumulang ₱202 milyong halaga ng mga pekeng sapatos, iba pang produkto, at makinarya sa mga operasyon na isinagawa sa Bulacan at Pampanga noong Sabado. Arestado rin ang 4 na Chinese nationals.
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit ₱8.4 milyong halaga ng humanitarian assistance sa mga LGU sa lalawigan ng Albay upang matulungan ang mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
#dswd #mayon #lgu #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
BAGONG ETHICS COMPLAINT?
Maaaring mapahaba pa ang suspensiyon ni Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga dahil sa posibleng paghahain ng panibagong reklamo sa ethics laban sa kanya, ayon kay Tingog Rep. Jude Acidre.
#repbarzaga #nup #ethicscomplaint #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
AKSYON NG DEPED.
Inihayag ng Department of Education na pinatitibay nito ang foundation learning bilang bahagi ng mga hakbang upang tugunan ang patuloy na pagbaba ng antas ng kasanayan ng mga estudyante.
#deped #edcom2 #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Muling ipagpapatuloy ngayong Lunes ng Senate Blue Ribbon committee ang pagdinig hinggil sa umano’y mga iregularidad sa mga flood control project.
Inaasahang mas paiigtingin ng mga mambabatas ang imbestigasyon sa mga tinaguriang ghost project.
#floodcontrol #dpwh -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PANATA.
Humigit-kumulang 1.9 milyong deboto ang nakiisa sa solemn foot procession noong Sabado, bisperas ng Kapistahan ng Santo Niño de Cebu, ayon sa Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office.
#cebu #santoniño #prusisyon #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Matapos makulong ng ilang buwan, ipina-deport na ng awtoridad ang Russian vlogger na Vitaly Zdorovetskiy noong Sabado, Enero 17.
Si Zdorovetskiy ay idineklarang undesirable alien matapos ang kanyang mga ginawang pangha-harass sa mga Pilipino para lang sa paggawa ng content. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Umabot na sa 35 ang kumpirmadong nasawi sa landslide sa Binaliw landfill sa Cebu City.
Sa latest update mula sa rescue operation, 3 labi pa ang nakuha noong Sabado ng hapon. Sa ngayon ay inaalam pa ang kanilang pagkakakilanlan. Patuloy naman na hinahanap pa ang 1 nawawala. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Posibleng wala na sa bansa si Charlie “Atong” Ang ayon sa whistleblower na si Julie Patidongan. Si Ang itinuturong nasa likod ng pagkawala at umano’y pagpatay sa hindi bababa sa 19 na sabungero.
#atongang #sabungero #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Hindi bababa sa dalawang katao ang naiulat na nasawi matapos ang matinding pag-ulan at pagbaha na dulot ng Bagyong Ada na tumama sa Bicol region.
Ayon sa mga awtoridad, natabuhan ng lupa at bato ang 2 biktima matapos ang maganap ang landslide sa Matnog, Sorsogon.
#bagyongada -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 135 km east northeast ng Virac, Catanduanes, o 395 km east ng Infanta, Quezon. Taglay ng bagyo ang maximum sustained winds na 75 kph malapit sa gitna at may pagbugsong lakas na umaabot sa 90 kph.
#dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Huling namataan ng PAGASA ang Tropical Storm Ada nitong Sabado ng umaga sa malapit sa dalampasigan ng Baras, Catanduanes.
Post not available here, view on X
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
• Natitirang bahagi ng Camarines Norte
• Natitirang bahagi ng Camarines Sur
• Masbate
• Eastern Samar
• Samar
• Biliran
• Northern Leyte
• Northern Cebu, kabilang ang Bantayan at Camotes Islands
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Samantala, magpapatuloy ang malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas at Southern Luzon hanggang Lunes.
#pagasa #bagyongada #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
BAGONG MILYONARYO!
Isang mananaya mula sa Metro Manila ang nanalo ng ₱15.8-M jackpot sa draw ng SuperLotto 6/49 noong Huwebes.
Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ang nanalo ay mula sa Marikina City at nakuha ang winning combination na 14-24-10-05-15-11. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
May kabuuang 207 kawani ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kabilang ang mga mula sa mga attached agencies nito, ang kasama sa mga pumasa sa 2025 Bar Examinations.
#dilg #newattorney #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at iba pang law enforcement agencies ang tatlong indibidwal sa isinagawang joint interdiction operation sa PAIR-PAGS Center sa loob ng NAIA Complex sa Pasay City.
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iniligtas ng mga awtoridad ang isang Chinese national na umano’y dinukot at ilegal na ikinulong ng kapwa niya mga Chinese national sa loob ng isang condominium unit sa Barangay 13, Roxas Boulevard, Pasay City noong Biyernes, Enero 16.
#chinese #kidnap #pasay #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PARA SA LAHAT NG ENFORCER DYAN.
Maaaring managot ang mga traffic enforcer at mga deputized agent na hindi kikilalanin ang government-issued electronic driver’s license (eDL), ayon sa Land Transportation Office (LTO).
#lto #elicense #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
“Bakit naman niya ipagsasapalaran ang sarili niya sa pagsuko? Marami pa siyang natitirang judicial remedies. Hindi naman dapat siyang tinutugis na parang isang kriminal. Wala pa naman tayong trial at declaration of guilt para kay Mr. Ang,” ayon kay atty Gabriel Villareal.
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nakataas ang Signal No. 2 sa:
Luzon: eastern portion ng Camarines Sur, Catanduanes, Albay, at Sorsogon
Visayas: Northern Samar, northern portion ng Eastern Samar, at northeastern portion ng Samar
#bagyongada #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papatapos na ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure kaugnay ng umano’y katiwalian sa flood control projects.
Post not available here, view on X
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa ngayon, inihahanda na ang mga ulat at ebidensiya para sa Department of Justice at Office of the Ombudsman, na nagresulta sa pagsasampa ng mga kaso, pag-aresto sa 16 katao, at pag-freeze ng humigit-kumulang P20 bilyong halaga ng mga ari-arian.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Bahagyang bumaba sa 20.1 porsiyento ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom noong Nobyembre, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Mas mababa ito kumpara sa 22 porsiyento noong Setyembre, ngunit nananatiling mataas lalo na sa Mindanao na may 26.7 porsiyento. Ipinakita rin ng survey na 51 porsiyento ng mga pamilya ang naglalarawan sa kanilang sarili bilang mahirap.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Isinagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng personal na panayam sa 1,200 katao sa buong bansa.
#sws #survey #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MAGANDANG BALITA.
Umabot sa 17 stations ng EDSA Busway ang mayroon na ngayong libreng WiFi, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng Department of Transportation (DOTr).
#freewifi #dict #dotr #edsabusway -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PAGHIHIGPIT NG AMERIKA.
Sinuspinde ng administrasyon ni US President Donald Trump ang pagproseso ng mga immigrant visa para sa mga aplikante mula sa 75 bansa, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng Washington laban sa immigration.
#us #prestrump #visa #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Hindi bababa sa 32 kato ang naitalang nasawi matapos ang pagbagsak ng isang crane sa isang ginagawang high-speed rail project passenger train sa Thailand noong Enero 14.
#thailand #train #crane #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iniulat ng mga awtoridad noong Huwenes na umakyat na sa 25 ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa Binaliw Landfill sa Cebu City. Patuloy ang rescue operation para sa 11 katao nawawala.
#cebu #landfill #landslide #adayofmourning #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MAGANDANG KASUNDUAN.
Sa ilalim ng programa, maglalaan ang Japan ng ¥900 milyon o humigit-kumulang ₱337 milyon upang tumulong sa pagpapalakas ng kakayahan ng Department of National Defense (DND) na ipagtanggol ang Pilipinas sa anumang banta. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
EPEKTO NG BAGYONG ADA.
Karamihan sa mga na-stranded na pasahero at cargo trucks ay nagmula sa Eastern Visayas, Central Visayas, Bicol at northeastern Mindanao.
#bagyongada #stranded #ports #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang kumpiyansa sa planong pamumuhunan ng DAMAC Digital sa Pilipinas, kabilang ang pagtatayo ng pinakamalaking data center sa bansa na may hanggang 250 MW na kapasidad sa Laguna.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa Pangulo, makatutulong ito upang maging data center hub ang Pilipinas sa rehiyon at palakasin ang digital economy, lumikha ng trabaho, at ihanda ang bansa sa pangangailangan ng hinaharap.
#pbbm #damacdigital #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PAGHIHIGPIT NG AMERIKA.
Kasama ito sa kanilang ipinatutupad na mahigpit na immigration policy. Kabilang sa mga dahilan ng pagbawi ng visa ay ang overstays, driving under the influence, assault at theft.
#us #visa #presdonaldtrump #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
VIRAL NA DRIVER.
Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang may-ari at driver ng isang itim na Volkswagen Jetta na viral sa social media dahil sa umano’y hindi awtorisadong paggamit ng blinkers at sirena para makalampas sa traffic. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
'SERBISYO CARAVAN' SA DUBAI.
Pinangunahan ni First Lady Liza Marcos ang pagbubukas ng third leg ng “Bagong Bayani ng Mundo: OFW Serbisyo Caravan” sa Dubai, bilang bahagi ng pagsisikap ng administrasyon na maghatid ng mas mabilis na serbisyo ng pamahalaan para sa mga OFWs. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Umabot sa record na 66,669,287 pasahero ang gumamit ng EDSA Busway noong 2025,ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Sinabi ni Acting DOTr Secretary Giovanni Lopez na ipagpapatuloy ng kagawaran ang modernisasyon ng EDSA Busway para sa kapakinabangan ng mga commuter. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tumungo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa United Arab Emirates para sa 3-day visit kung saan sasaksihan niya ang paglagda sa trade and defense deals ng dalawang bansa.
Kabilang sa mahahalagang kasunduan na lalagdaan ay ang Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA). -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
GOOD NEWS!
Inanunsyo ng Meralco na bababa ng ₱0.16 kada kilowatt-hour (kWh) ang singil sa kuryente dahil sa mas mababang transmission costs at pagbaba ng presyo ng kuryente mula sa spot market at contracts.
#meralco #bawassingil #enero #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
AKSYON NG PRC.
Binawi ng Professional Regulatory Commission (PRC) ang professional license ng dating DPWH engineer na si Henry Alcantara dahil sa kanyang pagkakasangkot sa isyu ng korupsiyon sa mga flood control project sa Unang Distrito ng Bulacan.
#henryalcantara -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
SHABU SA NAIA.
Tinatayang nagkakahalaga ng ₱114.5 milyon na shabu ang nasamsam at tatlong suspek ang naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Complex sa Pasay City.
#naia #shabu #suspek #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang Davao City dahil sa mababang paggamit ng kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) noong 2024, na binanggit na ang ilan sa kanilang mga proyekto at aktibidad ay hindi naipatupad ng maayos.
#davaocity #coa -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
VIOLATION NI LEVISTE?
Iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste kaugnay ng umano’y paglabag sa prangkisa ng isang solar energy firm na iniuugnay sa kanya, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Sabado.
#repleviste #spnec -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
BAGYO NA NAMAN?
Maaaring mabuo ang isang low pressure area sa timog-silangan ng Mindanao ngayong Lunes at posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes.
#bagyo #january #ada #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kabilang sa mga naaresto ay 68 Bangladeshi nationals, 14 Chinese at isang Indian. Inaresto sila dahil sa kanilang ginagawang retail trade activities na ipinagbabawal sa ilalim ng batas ng Pilipinas.
#foreignnationals #baclaran #retail #bi #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Tinupok ng apoy ang aabot sa 80 bahay sa Barangay Tinago, Cebu City noong Sabado ng umaga. Sugatan naman ang isang lalaki.
Aabot sa 400 indibidwal ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog na itinaas sa third alarm. Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
TRAHEDYA SA CEBU LANDFILL.
Umakyat na sa 4 ang nasawi sa nangyaring landslide sa Binaliw landfill sa Cebu City noong Huwebes habang 34 katao pa ang patuloy na hinahanap ng mga rescuer.
#landfill #landslide #cebu #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Posibleng tumagal hanggang 6 na buwan ang aktibidad ng Bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado.
Humigit-kumulang 20,000 residente ang inilikas na mula sa six-kilometer permanent danger zone (PDZ).
#bulkangmayon #bicol -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naitala ang magnitude 6.4 na lindol sa karagatan ng Sarangani noong Sabado, ayon sa Phivolcs. Tumama ang lindol sa lalim na 10 kilometers malapit sa Balut Island.
#lindol #sarangani #balutisland #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MILYON-MILYONG PANATA.
Umabot sa 9,640,290 milyong deboto ang nakiisa sa Pista ng Poong Jesus Nazareno sa Maynila. Ito ang pinakamaraming deboto na naitalang lumahok sa kasaysayan ng pista.
Tumagal naman ang Traslacion ng halos 31 oras bago ito nakabalik sa Quiapo Church. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa tala ng Department of Health, 390 sa mga deboto ang sugatan, habang ang iba naman ay nakaramdam ng pagkahilo, hypertension at hypotension habang nasa prusisyon ng Poong Jesus Nazareno.
#traslacion2026 #panata #doh #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Plano ng Bureau of Corrections (BuCor) na magdagdag ng 2,000 mga bagong posisyon para sa ahensya.
Mula sa authorized position na 8,589 noong 2025, gagawin itong 10,589 sa taong 2028. Karamihan sa mga kailangan ng ahensya ay ang entry-level personnel.
#bucor #personnel -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ng Department of Transportation na umabot na sa 90.76% ang Right-of-way (ROW) acquisition para sa Metro Manila Subway Project (MMSP).
Ilan sa mga properties na nagkaroon ng matagal na negosasyon ay ang Varilla Properties, White Plains, Corinthian Gardens, at Metrowalk. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
ABISO MOTORISTA!
Ang lisensya ng motoristang may traffic violation ay mamarkahan sa ilalim ng alert status at bibigyan ng 15 working days para i-settle ito.
#lto #dotr #lisensya #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naitala noong Biyernes ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang minor phreatomagmatic eruption ng Taal Volcano.
Umabot sa 900-meter ang binugang usok ng Taal Volcano. Sa ngayon ito ay nananatili sa Alert Level 1.
#taalvolcano #minoreruption -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kinilala ang journalist na si Aremilito Son, 54. Siya ay inatake sa puso sa habang nasa "Pahalik" sa imahen ng Poong Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand. Siya ay isinugod sa ospital ngunit kalaunan ay pumanaw.
#traslacion2026 #photojournalist #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MATAGAL NA TRASLACION.
Mahigit 24 oras na umusad ang Traslacion. Isa sa pinkamatagal sa nakalipas na dekada.
Sinabi ng mga opisyal ng simbahan na ang agresibong pag-uugali ng ilang deboto ng Jesus Nazareno ay isa sa maging dahilan sa mabagal na paggalaw ng Traslacion. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng DepEd Project agap.ai, na layong gamitin ang artificial intelligence upang mapaunlad ang edukasyon at pambansang kaunlaran.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa Pangulo, magiging susi ang AI sa paglago ng ekonomiya, paghahanda ng mga guro at mag-aaral, at pagpapatibay ng etikal at responsableng paggamit ng teknolohiya. Inaasahang maaabot ng AI training program ng DepEd ang hanggang 1.5 milyong Pilipino
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Mariing itinanggi ni Education Secretary Sonny Angara ang mga usap-usapang magkakaroon ng malaking pagbabago sa Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa kanya, kapwa kinumpirma ng Executive Secretary at ng Presidential Management Staff na walang nalalapit na Cabinet shakeup.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Dagdag ni Angara, hindi siya makapagbibigay ng sariling assessment sa kanyang performance at iginiit na patuloy siyang nagsisilbi sa tiwala ng Pangulo at ng taumbayan.
#sonnyangara #cabinetshakeup #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
SERBISYO AT PANATA.
Ayon kay NCRPO Chief Maj. Gen. Anthony Aberin, pinahintulutan ang mga pulis na sumama sa prusisyon sa kondisyon na tutulong sila sa pagpapanatili ng kaayusan, maayos na daloy ng prusisyon, at kaligtasan ng mga deboto.
#poongjesusnazareno #traslacion #pulis -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nasawi ang isang empleyado ng isang private landfill sa Cebu City matapos maganap ang isang landslide sa kanilang lugar.
ayon sa inisyal na imbestigasyon, na-trap sa loob ng gumuhong staff building ang biktima. Na-rescue naman ang 8 iba pa at dinala sa ospital.
#landslide -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Papangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang isang araw na job fair para sa mga displaced workers mula sa dalawang kumpanya sa Clark Freeport Zone.
Aabot sa 867 empleyado ang nawalan ng trabaho mula sa Charter Link Clark at La Rose Noire Philippines. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Huwebes na pinawawalang-bisa niya ang mga interest para sa unpaid premiums at contributions ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
#philhealth #pbbm #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Kabilang sa mga nasabat na sasakyan noong Enero 8 ay isang Rolls-Royce, tatlong Cadillac Escalades, dalawang unit ng Lexus, isang Mercedes-Benz, at isang Toyota Sequoia.
#zaldyco #luxurycars #bgc #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
PANATA SA TRASLACION.
Sa Traslacion ng Poong Nazareno ngayong Enero 9, inaasahang dadagsa ang mga deboto para makilahok at saksihan ang panatang hindi nawawala sa buhay ng mga Pilipino.
#traslacion2026 #poongnazareno #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inamin ni BIR Commissioner Charlito Mendoza na malamang hindi naabot ang P3.2 trilyong tax collection target para sa 2025, kahit umabot sa humigit-kumulang P3.1 trilyon ang nakolekta—ang pinakamataas sa loob ng dalawang dekada.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa kanya, bumagal ang koleksiyon sa ikalawang kalahati ng taon dahil sa pagbaba ng paggastos ng gobyerno.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Para sa 2026, target ng BIR ang hanggang P3.5 trilyon o higit pa, at nananatiling kumpiyansa si Mendoza na maaabot ito sa pamamagitan ng mas pinaigting na kampanya sa pangongolekta ng buwis.
#bir #taxcollection #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Naghain sina Rep. Leila de Lima at Rep. Edgar Erice ng petisyon sa Korte Suprema upang ideklarang labag sa Konstitusyon ang unprogrammed appropriations sa 2026 national budget.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa kanila, nananatili pa rin ang mahigit P100 bilyon sa naturang pondo kahit may veto na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa P92.5 bilyon, at maaari umano itong magsilbing discretionary fund na bukas sa katiwalian.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Samantala, iginiit ng Malacañang na ang 2026 GAA ang “pinakamalinis” na spending law na naipasa.
#2026gaa #leiladelima #edgarerice #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ipinatupad ng Department of Human Settlements and Urban Development ang mas proactive na pakikipag-ugnayan sa mga homeowners’ association bilang bahagi ng people-centered na programa ng administrasyong Marcos.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon kay Secretary Jose Ramon Aliling, palalakasin ang open-door policy ng ahensya upang matulungan at kilalanin ang mahalagang papel ng HOAs sa pagpapaunlad ng mga komunidad, kabilang ang mas malinaw na mga patakaran at mas aktibong partisipasyon sa nation-building.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
-
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Pinagtibay ng Commission on Audit ang desisyon na ibasura ang P97.65 milyong sobrang separation pay na ibinigay sa 79 dating rank-and-file na empleyado ng Philippine National Construction Corp.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Ayon sa COA, labis at hindi makatuwiran ang benepisyo lalo’t nalulugi ang PNCC noong mga panahong iyon.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Nilinaw rin ng komisyon na isang government-owned corporation ang PNCC at saklaw ng audit ng estado, at pananagutin ang mga opisyal at benepisyaryong sangkot sa disallowed na bayad.
#coa #separationpay #pncc #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
ZODIAC SIGNS NG CANCER AT LEO, SWERTE NGAYONG 2026
PANOORIN: Swerte ang mga Cancer sa unang kalahati ng taon at Leo naman sa "second half" ng 2026, ayon kay International Consulting Astrologer Luanne Manlapaz.This media couldn't be displayed. See it on the original post.
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Panoorin sa video ang forecasts ni Manlapaz sa iba't-ibang zodiac signs, kabilang ang mga swerteng aktibidad, at ang mga bagay na dapat iwasan ngayong Year of the Fire Horse.
#firehorse #zodiacsign #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
ABERYA SA SOMBRERO ISLAND.
Matagumpay na na-rescue ng Philippine Coast Guard ang 23 katao matapos na magkaproblema at lumubog ang kanilang sinasakyang bangka sa Sombrero Island, San Pascual, Masbate noong Enero 3.
#sombreroisland #masbate #pcg #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na nakapagtala sila ng kabuuang 720 kaso mula Disyembre 21, 2025 hanggang alas-4 ng umaga ng Enero 5, 2026, mas mababa kaysa sa 834 na kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
#doh #paputok #pasko #bagongtaon #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
"RIDICULOUS"
Ito ang naging pahayag ni Senador Joel Villanueva sa kanyang paghain ng counter-affidavit noong Lunes sa kasong isinampa sa kanya ng National Bureau ng Investigation (NBI) kaugnay sa anomalya sa flood control projects.
#senvillanueva #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
MAS MALAWAK NA ZERO BALANCE BILLING.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, ang mga city hospital at provincial hospital ay tutulungan ng pondo mula sa national government.
#doh #lgu #hospitals #zerobalancebilling #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Iniulat ng mga awtoridad na 1 ang patay habang 1 naman ang nawawala matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangka dahil sa lakas ng alon sa Caramoan, Camarines Sur noong Linggo.
#aksidentesadagat #easterlies #shearline #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) noong Linggo na aabot sa 4,203 administrative cases ang kanilang naresolba noong 2025.
Sa 6,529 involve na PNP personnel, 3,124 dito ay natanggal sa serbisyo, habang 3,403 naman ang pinatawan ng penalty, suspension, at demotion. -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
JACKPOT SA LANGIS.
Inanunsyo ni US President Donald Trump na pinapayagan niyang pumunta ang iba't ibang American oil companies sa Venezuela para makita ang malaking reserbang crudo nito.
#langis #us #venezuela #prestrump #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
VIOLATION TICKET SA BAGONG TAON.
Nasampolang tiketan ang ilang e-trike drivers noong Linggo ng Land Transportation Office (LTO) matapos silang dumaan sa mga major thoroughfares sa Metro Manila na kung saan pinagbabawal silang dumaan.
#lto #ban #dzmmradyopatrol630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
CONGRATS, YASMIEN!
Inanunsyo ni Yasmien Kurdi na sasalubungin nila ng kanyang non-showbiz husband na si Rey Soldevilla Jr., ang isa pang karagdagan sa kanilang pamilya dahil buntis ang aktres sa kanilang pangalawang anak.
#yasmienkurdi #secondbaby #radyo630 -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Sa kulam ni Doris? O sa kagat ni Alvin?
Pili na!
Advance Happy Halloween mga ka-serbisyo!
@alvinelchico @DorisBigornia -
DZMMRadyoPatrol630
@Radyo630
Alam na kung anong meron bukas ha? Si Samantha Bernardo naman ang ating makakasama!
Mula alas-12 ng tanghali hanggang 1:30 ng hapon, samahan natin si @mor1019jhaiho sa programang BONGGA KA JHAI!
#radyo630 #teleradyoserbisyo #bonggakajhai #samanthabernardo




















































































































































































































































































































































































































































































































































