Muling pinagtibay ni Education Secretary Sonny Angara ang commitment ng DepEd na gawing mas episyente, makabago, at tumutugon sa pangangailangan ng panahon ang sistema ng edukasyon.
#ecair #depedphilippines #bagongpilipinas
Department of Education (Philippines)
The Department of Education (DepEd; Filipino: Kagawaran ng Edukasyon) is the executive department of the Philippine government responsible for ensuring access to, promoting equity in, and improving the quality of basic education. More on Wikipedia
-
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang halaga ng sabayang pagpapaunlad ng kakayahan ng mga guro at kawani sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa edukasyon upang maging katuwang sa pagpapahusay ng serbisyo at hindi maging kapalit nito.
#ecair #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kinilala ni Education Secretary Sonny Angara ang mga ambag ng ECAIR sa nakalipas na dalawang taon para sa pagpapabuti ng sistema ng basic education sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang halaga ng tamang pagtuturo sa mga kabataan tungkol sa karahasan at ang pagtutulungan ng bawat sektor upang mawakasan ang karahasan sa mga bata.
#endviolenceagainstchildren #depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang opisyal na paglulunsad ng GuroXL, isang customized professional development program, sa ginanap na laptop rollout sa Ynares Center sa Antipolo City.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/20/hindi-lang-bagong-laptop-tech…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Basahin ang opisyal na pahayag ng Department of Education (DepEd) sa paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Republic Act No. 12327 o ang Basic Education Voucher Assistance Act.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang pamamahagi ng 1,441 bagong laptop para sa mga guro at kawani sa Antipolo City, Rizal.
Bahagi ito ng malawakang DepEd Computerization Program (DCP) na naglalayong palakasin ang paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo, pagkatuto, at paghahatid ng mga serbisyo sa edukasyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sama-samang isinulong ng mga bansa sa ASEAN ang mas matibay na pundasyon ng pagkatuto para sa bawat bata.
Sa 49th ASEAN Summit sa Manila, pinagtibay ang ASEAN Declaration on Foundational Learning upang tugunan ang learning gaps, palakasin ang suporta sa mga guro, at tiyaking walang mag-aaral na maiiwan.
Alamin sa ibaba ang mahalagang tulong ng deklarasyon sa pagpapaunlad ng edukasyon sa bansa at sa buong rehiyon.
#asean2026ph #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#safecheck | Sa tahanan, mas napapalapit tayo sa isa’t isa kapag may oras para magkwento at mangumusta. Kahit ang pagbabahagi tungkol sa naging araw ay pagkakataong malaman kung ano ang nagpapasaya, bumabagabag, o mahalaga sa ating kapamilya—mga bagay na hindi natin laging napapansin kahit araw-araw tayong magkasama.
Narito ang ilang gabay mula sa Usapang Pamilya AHA Learning Center para mas maging makabuluhan ang kwentuhan sa maingat na pagtatanong at pakikinig nang may pag-unawa. 💛
#depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bawat bata ay may iba't ibang pangangailangan sa pagkatuto. Mahalagang matukoy ang mga ito nang maaga upang mabigyan sila ng angkop na suporta.
Ito ang layunin ng #projectsabay, isang inisyatiba ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na gumagamit ng artificial intelligence (AI) upang matukoy Grade 2 learners na maaaring may suliranin sa pagkatuto at komunikasyon at nangangailangan ng karagdagang pagsusuri.
Alamin kung paano ito gumagana at paano ito makatutulong sa mas inklusibong edukasyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Inihahanda na ng Department of Education (DepEd) ang nationwide rollout ng mga artificial intelligence (AI) application nito kasunod ng matagumpay na pilot phase na naglayong palakasin ang kaligtasan sa mga paaralan, maagang pagsusuri sa mga batang mag-aaral, at pagpapanatili ng mga estudyante sa silid-aralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/19/ai-tools-iro-roll-out-na-ng-d…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa loob lamang ng 15 minuto, masusuri na ng mga guro kung ang isang mag-aaral ay nangangailangan ng karagdagang tulong sa pag-aaral o pagsasalita gamit ang bagong screening tool ng Department of Education (DepEd) upang matiyak na agad silang makatatanggap ng kaukulang pangangalaga mula sa mga espesyalista, ayon kay Education Secretary Sonny Angara.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/18/mula-2-oras-15-minuto-na-lang…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Hindi lahat ng nagkukwento ay naghahanap agad ng payo. Minsan, ang kailangan muna ay maramdaman na may nakauunawa. 💛
Kapag nakikinig tayo nang walang panghuhusga, mas nagiging komportable ang ating kapamilya na magsabi ng totoong saloobin, pati ng mga bagay na mahirap ikwento.
Narito ang ilang tips sa active listening mula sa Usapang Pamilya ng AHA na pwedeng isabuhay sa ating mga tahanan.
#depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
MGA KUWENTO NG PAG-ANGAT | TINIG NG LEARNERS 🔈
Sa paglahok sa #pisa2025, mas nakilala ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan, natukoy ang mga puwede pa nilang pagbutihin, at napalakas ang kanilang kumpiyansa sa sarili.
Para sa DepEd, higit pa sa isang assessment ang PISA. Isa itong pagkakataon upang masukat at higit pang mapaunlad ang kakayahan ng mga batang Pilipino, at maipakita na kaya nilang makipagsabayan sa mga mag-aaral sa lokal at pandaigdigang antas.
#arangkadasapisa #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Isang inspirasyon ang pagbabago sa kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral ang kasalukuyang nararamdaman sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa, sa ilalim ng flagship Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program ng Department of Education (DepEd).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/17/tagumpay-ng-aral-sa-samar-tam…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nagkaisa ang mga lider ng ASEAN sa pagsuporta sa ASEAN Declaration on Foundational Learning, isang makasaysayang inisyatiba ng Pilipinas na naglalayong palakasin ang pundasyon ng pagkatuto sa pagbasa, matematika, at sosyo-emosyonal na pag-unlad ng mga bata sa rehiyon.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagbabahagi ng mga estratehiya, patuloy na isusulong ng mga bansa sa ASEAN ang dekalidad na edukasyon at mas matatag na kinabukasan para sa bawat mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas #asean2026ph -
DepEd
@DepEd_PH
Inaprubahan ng mga pinuno ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang isang makasaysayang regional policy initiative na pinangunahan ng Pilipinas upang matiyak na ang kabataan sa Timog-Silangang Asya ay magkaroon ng matibay na pundasyon sa literacy, numeracy, at socio-emotional skills.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/16/asean-inaprubahan-ang-inisyat…
#asean2026ph #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
MGA KUWENTO NG PAG-ANGAT | TINIG NG LEARNERS 🔈
Para sa mga mag-aaral, mahalaga ang kanilang pakikilahok sa #pisa2025 sapagkat nakatulong ito sa kanila upang malaman kung ano pa ang kanilang makakaya. Naging tulay rin ito upang mas lalong mag-improve ang kanilang skills at magkaroon ng kumpiyansa sa sarili.
Para sa DepEd, ang PISA ay hindi lamang isang assessment, ito ay ating paraan upang mailabas ang tunay na kakayahan ng bawat batang Pilipino at mapatunayan na kaya nilang makipagsabayan lokal man o international na assessment.
#arangkadasapisa #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas malaking tulong-pinansyal para sa technical professional (TechPro) training ang matatanggap ng mga kwalipikadong Grade 12 public senior high school learner sa buong bansa sa ilalim ng Joint Delivery Voucher Program (JDVP) ng Department of Education (DepEd) simula School Year 2026–2027.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/13/dagdag-pondo-sa-skills-traini…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Para mas mailapit ang learners sa tunay na mundo ng trabaho pagkatapos ng Senior HIgh School, mas pinalalakas ang work immersion, field exposure, at arts apprenticeship. 🧑🏻🍳👩🏻⚕️🧑🏻🎨
Bukod sa pagpapalalim ng karanasan ng mga learner at mas mataas na readiness para sa employment o skills development, pinalalakas din ng guidelines ang mga hakbang upang siguraduhing protektado sila habang nasa workplace. 💼⚙️✅
BASAHIN:
🔗 www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2026_023r.pdf
#clarityovercomplexity #depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Mas maraming pagkakataong maging pamilyar sa iba't ibang trabaho, makapagsasanay ng praktikal na kasanayan, at makakaranas ng aktwal na workplace ang Senior High School learners sa ilalim ng bagong guidelines ng Department of Education (DepEd) para sa work immersion, field exposure, at arts apprenticeship.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/13/deped-shs-work-immersion-mas-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Life of Pi: From Palaro Sprint King to Youth Olympic medalist! ✨
Congratulations, Pi Durden Wangkay, for bagging the bronze in the men’s 200m at the Youth Olympic Games!
Noong 2025 Palarong Pambansa sa Ilocos Norte, tinanghal na Sprint King si Pi Durden Wangkay matapos masungkit ang ginto sa 100m at 200m athletics event.
Mula sa DepEd, maraming salamat sa pagbibigay inspirasyon sa kabataang Pilipino! 🇵🇭
#youtholympics #dakar2026 #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sinimulan ng Department of Education (DepEd) ngayong Huwebes ang nationwide orientation upang i-align ang mga lokal na pamahalaan (LGUs), school heads, at partner agencies hinggil sa pagpapatupad ng bagong Executive Order (EO) No. 130, s. 2026 at DepEd Order No. 014, s. 2026.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/12/flexible-learning-sa-mga-eskw…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#safecheck | Mas madaling magkwento kapag alam nating pakikinggan tayo at igagalang ang ating nararamdaman.
Bago simulan ang #usapangpamilya, balikan ang apat na paalala mula sa AHA Learning Center para maging komportable ang bawat isa na magsalita at makinig.
#depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas ligtas na paaralan para sa bawat batang Legazpeño!
Naglaan ang City Government of Legazpi ng 56 metal detectors para sa lahat ng pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa lungsod.
Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng mga paaralan, patuloy nating palakasin ang mga hakbang para sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral!
#depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Makatatanggap na ng mas malaking subsidiya sa matrikula ang mga pamilyang may anak na nag-aaral sa mga kalahok na pribadong junior high school matapos makuha ng Department of Education (DepEd) ang kauna-unahang pagtaas sa Educational Service Contracting (ESC) grant rates mula noong 2017.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/11/tuition-subsidy-sa-incoming-g…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kasinghalaga ng pagbibigay ng masustansyang pagkain ang pagkakaroon ng ligtas na inuming tubig at malinis na palikuran para sa nutrisyon at pag-aaral ng mga bata, ayon sa Department of Education (DepEd) sa isang pandaigdigang pagtitipon sa Lusaka, Zambia.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/11/malinis-na-tubig-at-kalinisan…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mga ka-ARAL! Silipin ang huling bahagi ng ating #aralmathematics FAQs. 👇🏼
📄 Para sa karagdagang detalye, basahin ang DM 60, s. 2026 at bisitahin ang ARAL Resource Hub: depedph-my.sharepoint.com/personal/cezarina_curada_deped_…
📩 May iba pang tanong? Magpadala ng inquiry sa aralprogram@deped.gov.ph
#aralprogram #depedphilippines #bansangmakabata #everylearnercounts
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
#safecheck | Huwag ipagsawalang-bahala ang anumang banta at agad na ipagbigay-alam sa mga kinauukulan ang mga nakababahalang pahayag o kilos. Mahalaga ring alam ng bata ang ligtas na taong maaari niyang lapitan sa mga ganitong sitwasyon.
Sa maagap na pagkilos, makatutulong tayong maiwasan ang panganib at maprotektahan ang mga bata sa loob at labas ng paaralan.
#depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara ang mass oath-taking ng 5,445 bagong promoted na guro at punong-guro, at bagong hired na mental health personnel sa Pangasinan, bilang bahagi ng kampanya ng administrasyon na kilalanin ang husay sa pagtuturo at palakasin ang kapakanan ng mga mag-aaral.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/09/higit-5400-pangasinan-educato…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inilunsad nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara, kasama si First Lady Louise Araneta-Marcos, nitong Lunes ang pamamahagi ng mahigit 231,000 laptops para sa mga guro sa pampublikong paaralan sa buong bansa, simula sa inisyal na 209 Apple MacBook Neo units sa 10 paaralan sa Dagupan City.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/09/pbbm-angara-ikinasa-na-ang-pa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pinangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama si Education Secretary Sonny Angara, ang turnover ceremony ng mga laptop para sa mga guro sa Dagupan City.
Bahagi ito ng DepEd Computerization Program (DCP) na naglalayong palakasin ang suporta sa mga guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng makabagong kagamitang teknolohiya upang mapagaan ang kanilang trabaho, mapahusay ang pagtuturo, at makapaghatid ng mas dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.
#depedecpprogram #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#safecheck | Mas ligtas na paaralan para sa bawat batang Irigueño!
Namahagi ang Lungsod ng Iriga, sa pangunguna ni Mayor Rex C. Oliva, ng 52 handheld metal detectors para sa 51 pampublikong paaralan at sa Schools Division Office ng Iriga City.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at DepEd, patuloy nating palakasin ang mga hakbang upang mapangalagaan ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at kawani ng paaralan.
#depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#safecheck | Pansinin ang pagbabago sa kilos o pananahimik ng mga bata. Kumustahin sila, pakinggan nang walang panghuhusga, at iparamdam na handa kang umalalay.
Sa simpleng pakikinig at pag-unawa, makatutulong tayo sa kanilang kaligtasan at pag-iwas sa karahasan.
#depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Upang iwasan ang malawakang pagkansela ng klase, tinatapos na ng Department of Education (DepEd) at ng mga katuwang na ahensya ang isang komprehensibong Joint Memorandum Circular (JMC).
Ito ang magtatakda ng mga alituntunin sa pagpapatigil at pagbabalik ng klase sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 130, s. 2026 na kamakailan ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Basahin:
www.deped.gov.ph/2026/11/05/bagong-patakaran-sa-class-sus…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Isinasama ng Department of Education (DepEd) ang mga kampanya sa paghahanda sa El Niño sa mga aktibidad ng higit 35,000 Youth for Environment in Schools Organizations (YES-O) kasabay ng pagpapalakas sa Gulayan sa Paaralan Program (GPP) sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa upang isulong ang pagtitipid ng tubig, urban gardening, at paghahanda sa epekto ng pagbabago ng klima.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/05/deped-pinalakas-ang-paghahand…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order No. 130 upang matiyak ang mas ligtas, angkop, at malinaw na sistema ng pagsususpinde at pagbabalik ng klase.
Sa ilalim nito, mas binibigyan ng papel ang mga LGU sa pagpapasya ng suspensyon ng klase sa kanilang nasasakupan. Dito, pinangangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at kawani habang iniiwasan ang hindi kinakailangang kanselasyon ng klase at pagkawala ng oras sa pag-aaral.
Alamin sa ibaba ang nilalaman ng ng EO No. 130 at kung paano pinangangalagaan ang kaligtasan at tuloy-tuloy na pagkatuto ng bawat mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nanawagan si Education Secretary Sonny Angara para sa mas malawak na suporta sa mga programa ng learning recovery sa kanyang pagbisita sa Visayas nitong Miyerkules.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/04/angara-sa-visayas-suportahan-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Suporta sa pagtuturo at pagtatrabaho, hatid ng upgraded laptops! 💻
Mahigit 172,000 MacBook Neo laptops ang nakatakdang matanggap ng mga guro at kawani ng DepEd sa ilalim ng Computerization Program, bilang suporta sa mas modernong edukasyon at mas produktibong trabaho.
Kaakibat ito ng pagsusulong ng administrasyong Marcos sa pagpapalawak ng internet connectivity, na ngayon ay naabot na ang mahigit 98% ng mga pampublikong paaralan.
Alamin ang mga benepisyo nito para sa ating mga guro at kawani! 👇
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
💻 Mas mahusay na kagamitan para sa mas episyenteng pagtuturo at serbisyo!
Higit 170,000 na MacBook Neo laptops ang ipapamahagi ng DepEd para sa mga guro at kawani sa buong bansa upang suportahan ang mas mahusay na pagtuturo, mas episyenteng trabaho, at mas pinahusay na serbisyo sa edukasyon.
Alamin ang mahahalagang detalye sa ibaba!
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
#safecheck | Habang lumalaki ang ating mga kabataan, may mga tanong at alalahanin silang hindi agad masabi.
Ang pakikinig nang walang panghuhusga ay makatutulong para mas maging bukas silang humingi ng tulong. ❤️
Ito ang diwa ng Project I CARE (Implementation of Child and Adolescent Reproductive Health Engagement) ng Santiago City Information Office: pagtutulungan ng tahanan, paaralan, at komunidad para mas maunawaan at matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
#depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 130, na nagtatatag ng pambansang balangkas sa pagsususpinde at pagbabalik ng klase upang maiwasan ang instructional loss o pagkawala ng oras sa pag-aaral.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/03/pbbm-inilabas-ang-bagong-eo-p…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa isang milestone na hakbang upang pabilisin ang digital education roadmap ng bansa, matagumpay na natapos ng Department of Education (DepEd) ang competitive bidding para sa pinakabagong computerization project nito, kung saan 172,654 na Apple MacBook Neo laptop ang ipamamahagi sa mga guro at kawani ng pampublikong paaralan sa buong bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/03/sulit-upgrade-suportang-paldo…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nais ng Department of Education (DepEd) na palakasin ang Gulayan sa Paaralan Program sa buong bansa upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng masustansyang pagkain para sa mga mag-aaral sa harap ng banta ng Super El Niño.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/11/02/deped-palalakasin-ang-gulayan…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa paggunita ng All Saints’ Day, kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon sa pag-alala sa mga banal na naging inspirasyon sa pamamagitan ng kanilang buhay at mga aral. Nawa’y patuloy nating isabuhay ang pagmamahal, kabutihan, at malasakit sa ating kapwa Pilipino.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPY NATIONAL INDIGENOUS PEOPLES MONTH! 🇵🇭🌿✨
Sa pagtatapos ng buwang ito, binibigyang-pugay natin ang isang dekada ng pagtataguyod ng Indigenous Peoples Education (IPEd) sa mga paaralan na lumilinang sa mayamang kultura, kasaysayan, at karunungan ng mga katutubong pamayanan.
Sa pagbubukas ng ikalawang dekada ng #iped, patuloy ang ating pagpupunyagi. Sama-sama nating pahalagahan ang yaman sa ating pagkakaiba-iba at ipagpatuloy ang paghubog ng mga susunod na henerasyong may pagkilala, paggalang, at pagmamalaki sa mga kultura na pamana sa lahat ng Pilipino.
#depedphilippines #iped #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bahagi ng estratehiya ng DepEd upang matugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan ang pag-upa sa mga pribadong pasilidad bilang agarang solusyon sa pangangailangan ng mga paaralan.
Mas pinalalawak pa ngayon ang hakbang na ito sa pamamagitan ng pag-upa sa mga bakanteng pasilidad ng mga pribadong paaralan upang makatulong na mabawasan ang siksikan sa mga klase at makapagbigay ng mas maayos na espasyo para sa pagkatuto, lalo na sa mga lungsod at rehiyong may mataas na pangangailangan sa silid-aralan.
#classroomleasing #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Gumagamit na ngayon ang Department of Education (DepEd) ng mga kasunduan sa pag-upa ng pasilidad upang tugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan, kasunod ng matagumpay na pagpapatupad nito sa Baliwag City, Bulacan at Marikina City bilang modelo sa pagpapabilis ng pagpapalawak ng pasilidad para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/30/mas-komportableng-silid-arala…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas mabilis na serbisyo, mas matibay na suporta sa mga paaralan! 🏫
Isinusulong ng DepEd ang pagtatatag ng mga bagong School Division Office (SDO) sa iba't ibang bahagi ng bansa upang mailapit ang pamamahala at mapabilis ang mga prosesong administratibo, kabilang ang pagproseso ng sahod ng mga guro.
Sa hakbang na ito, nais matiyak ng DepEd ang mas maagap na suporta sa mga guro at mag-aaral, lalo na sa mga paaralang nasa liblib na komunidad.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Plano ng Department of Education (DepEd) na magtayo ng 13 bagong Schools Division Offices (SDO) at magtalaga ng 15 pansamantalang tanggapan upang mapabilis ang paghahatid ng serbisyo sa mga paaralang nasa malalayong isla at kabundukan sa bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/27/deped-nagpanukala-ng-mga-bago…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#safecheck | Para sa Paaralan
Mahalagang matutunan ng mga mag-aaral ang tamang paggamit ng digital tools at ligtas na pakikipag-ugnayan sa mga social media platform upang mas maging ligtas ang kanilang karanasan online.
Sama-samang hubugin ang paaralang ligtas, mapagmatyag, at handa sa mga hamon ng digital na mundo.
#depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Malayo na ang narating, pero marami pang pangarap ang aabutin. 🔟💪🏼
Sa pagbubukas ng ikalawang dekada ng Indigenous Peoples Education (IPEd), patuloy ang pagsusulong natin ng inklusibong edukasyon na nagbibigay-halaga sa karunungan at karapatan ng bawat katutubong pamayanan. 📚🇵🇭
#depedphilippines #iped #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinakikilos ng Department of Education (DepEd) ang mga guro, tutor, at magulang sa buong bansa upang palakasin ang mathematics learning recovery sa ilalim ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Mathematics Program, habang naghahanda ang mga paaralan na magbigay ng targeted interventions para sa mga mag-aaral na nangangailangan ng karagdagang suporta sa Mathematics.
Basahin ang buong artikulo sa comment section.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Sa matinding init, dapat protektado ang ating mga mag-aaral at kawani. Dapat nating siguruhin ang maayos na environment para sa kanila.
Memo link:
www.deped.gov.ph/2026/10/26/october-26-2026-dm-064-s-2026…
#elniño #depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nakatakdang ilunsad ngayong araw sa Las Piñas National High School ang Hydroponics Plus Project ng Philippine Reclamation Authority (PRA).
Layunin ng proyekto na magtayo ng mga pasilidad sa mga paaralan kung saan matututo ang mga mag-aaral na magtanim nang hindi gumagamit ng lupa.
Suportado rin nito ang Gulayan sa Paaralan Program ng Department of Education (DepEd) at naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa agrikultura, agham, at pangangalaga sa kapaligiran.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa kabila ng mga hamon, patuloy ang mga guro ng Indigenous Peoples Education (IPEd) sa pagsusulong ng edukasyong kumikilala, gumagalang, at nagbibigay-halaga sa pagkakakilanlan, kultura, kasaysayan, at katutubong karunungan.
Saludo po kami sa inyong dedikasyon. Maraming salamat po, mga Ma'am at Sir! 🫡❤️🔥🇵🇭
#depedphilippines #iped #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#safecheck | Para sa Paaralan
May napapansing pagbabago sa kilos o kalagayan ng isang learner? Huwag itong balewalain! Tiyaking may tamang referral sa counseling at iba pang support services upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Sama-sama nating pangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mag-aaral!
#depedphilippines #depedschoolsafety #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
SHARE YOUR INSIGHTS WITH US! 📣
We invite you to share your comments and recommendations on the draft Implementing Rules and Regulations (IRR) of Republic Act No. 12321 otherwise known as The Last Mile and GIDA Schools Act.
You may send your comments via email at legis@deped.gov.ph.
View the draft Guidelines here: www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/RA-12321-IRR.pdf
Together, let’s create a meaningful change for the education sector.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Kasalukuyang nagsasagawa ng School Safety Inspection si Education Secretary Sonny Angara sa Lakan Dula High School sa Maynila.
Sa inspeksyon, ibinahagi ng mga kawani ng paaralan ang kanilang mga hakbang at best practices upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani.
Bahagi ito ng mas malawak na pagsisikap ng Department of Education (DepEd) na palakasin ang kaligtasan at seguridad sa mga paaralan sa buong bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Isinasagawa ang Kaagapay Session sa Lakan Dula High School sa Maynila, kung saan ginagabayan ng mga eksperto ang mga magulang sa pag-unawa at pagtugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak.
Ang Kaagapay Program ay inisyatiba ng DepEd na naglalayong palakasin ang ugnayan ng tahanan at paaralan para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Nakatakda ring magsagawa ng School Safety Inspection si Education Secretary Sonny Angara sa naturang paaralan, bilang bahagi ng mas malawak na pagsisikap ng DepEd na palakasin ang kaligtasan at seguridad sa mga paaralan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Isang malaking hakbang para sa mga pampublikong guro at kawani sa Sulu matapos tanggapin ni Education Secretary Sonny Angara ang opisyal na pag-apruba ng Department of Budget and Management (DBM) para sa paglikha ng 3,627 teaching at teaching-related positions para sa bagong tatag na Schools Division Office (SDO) ng Sulu.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/27/good-news-para-sa-mga-guro-sa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Plano ng Department of Education (DepEd) na magtayo ng 13 bagong Schools Division Offices (SDO) at magtalaga ng 15 pansamantalang tanggapan upang mapabilis ang paghahatid ng serbisyo sa mga paaralang nasa malalayong isla at kabundukan sa bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/27/deped-nagpanukala-ng-mga-bago…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#safecheck | Para sa Paaralan
Maging kaagapay sa pagpapatibay ng programang tumutugon sa kapakanan at kaligtasan ng ating mga mag-aaral.
Tandaan, kung ligtas ang learning environment, mas malayang matuto at umunlad ang bawat bata.
#depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Katutubo, ibinahagi ng ilan sa 16 Exemplary Teachers in Indigenous Peoples Education (IPEd) 2026 ang kahalagahan ng edukasyong kumikilala, gumagalang, at nagbibigay-halaga sa yaman ng bawat katutubong pamayanan. 🇵🇭
#depedphilippines #iped #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
TINGNAN: Dumalo at nagbigay ng mensahe si Education Secretary Sonny Angara ngayong araw sa ginanap na Philippine Conference on Children and Media (PCCM) 2026, sa pangunguna ng National Council for Children's Television (NCCT).
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Secretary Angara ang kahalagahan ng media at information literacy sa mga paaralan at ang papel ng teknolohiya sa paghubog ng edukasyon.
Kasama rin sa nasabing conference sina NCCT Chairperson Dr. Luis P. Gatmaitan, Philippine Association for Communication Educators (PACE) President Reginald H. Gonzales, media industry partners, child rights advocates, development partners, at iba pang opisyal ng NCCT at PACE.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
MAGING LIGTAS SA SUPER EL NIÑO!
Inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon ngayong araw ang DepEd Memorandum No. 064, s. 2026 o ang " Anticipatory Action, Preparedness, and Protective Measures for the 2026-2027 Super El Niño".
Laman ng bagong memorandum ang mga maagang hakbang na naglalayong panatilihing ligtas ang kapaligiran ng mga paaralan, pangalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral at guro, at tiyaking hindi matitigil ang pag-aaral habang nararanasan ang tagtuyot.
Para sa buong detalye, basahin ang memorandum dito: www.deped.gov.ph/2026/10/26/october-26-2026-dm-064-s-2026…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Naglabas ng mga komprehensibong alituntunin si Education Secretary Sonny Angara upang ihanda ang mga paaralan sa inaasahang malakas hanggang sa napakalakas na El Niño, batay sa pormal na pagtaya ng state weather bureau PAGASA na magpapatuloy ito hanggang kalagitnaan ng taong 2027.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/26/paghahanda-sa-halip-na-panic-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Natapos na ng Department of Education (DepEd) ang pagtatayo ng 391 bagong prefabricated school buildings na kayang maitayo sa loob lamang ng ilang linggo sa halip na taon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/23/silid-aralan-sa-loob-lang-ng-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#safecheck | Para sa mga Magulang at Guardian
Alam mo ba ang ginagawa ng anak mo online? Mahalagang maging bukas sa pakikipagkuwentuhan sa mga bata tungkol sa kanilang online activities.
Sa tamang paggabay at bukas na komunikasyon, masusuportahan natin ang ligtas at responsableng paggamit ng internet ng mga bata.
#depedschoolsafety #depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga magulang ng Kawmpang Elementary School sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan nina Pangulong Bongbong Marcos at Secretary Sonny Angara para sa kanilang mga anak.
Hakbang ito upang mas mailapit ang serbisyong medikal sa komunidad at matugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Malaking ginhawa para sa mga guro, mag-aaral, at komunidad ang pagdating ng YAKAP Health Caravan sa Kawmpang Elementary School, na nagbibigay ng mas madaling access sa serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga pamilyang higit na nangangailangan nito.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#safecheck | Para sa mga magulang at guardian
Sa pamamagitan ng simpleng pag-iingat, makatutulong tayo upang maiwasan ang mga aksidente at mapanatiling ligtas ang tahanan at komunidad para sa ating mga anak.
Tandaan na ang kaligtasan ng mga bata ay sama-samang responsibilidad ng bawat pamilya!
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ka-DepEd, fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa umano'y pagtanggal ng Grade 11 & 12.
Muling pinaaalalahanan natin ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nababasa online. Huwag i-follow ang mga page na nagbabahagi ng maling impormasyon at agad i-report ang mga ito.
Sumangguni lamang sa official DepEd Philippines social media accounts para sa mga anunsiyo at impormasyon tungkol sa basic education.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bilang pagkilala sa Scouting Month ngayong Oktubre, pinaiigting ng Department of Education (DepEd) ang programang Scouting sa batayang edukasyon bilang isang mahalagang platform na ko-kurikular.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/21/deped-partners-pinagtibay-ang…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#safecheck | Sa mga magulang at guardian
Nagiging malihim ba ang iyong anak? Iparamdam sa kanya na handa kang makinig, umunawa, at umalalay.
Sa bukas na komunikasyon, maipapakita natin na may ligtas na espasyo at mapagkakatiwalaang nakatatanda siyang malalapitan anumang oras. ❤️
#depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara ang paglulunsad ng YAKAP health caravan sa Kawmpang Elementary School sa Patikul, Sulu, upang maghatid ng direktang serbisyong medikal at pangkalusugan para sa higit 1,600 na mag-aaral, magulang, at mga kawani ng paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/20/pbbm-angara-inilunsad-ang-yak…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#safecheck | Para sa mga Magulang at Guardian
May napansing pagbabago sa anak? Huwag balewalain ito. Maglaan ng panahon para kumustahin o makipagkuwentuhan sa kanila.
Simulan ang bukas na pag-uusap at iparamdam sa kanila na handa kang makinig at umalalay.
#depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nakatakdang maglabas ng mga panuntunan si Education Secretary Sonny Angara na nag-aatas sa lahat ng paaralan sa buong bansa na maghanda para sa inaasahang epekto ng El Niño sa School Year 2026–2027.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/19/deped-naghanda-ng-mga-protoko…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Isinulong ni Education Secretary Sonny Angara sa Senado nitong Biyernes ang iminumungkahing PHP 969.79 bilyong badyet ng Department of Education (DepEd) para sa Fiscal Year 2027, kasabay ng pakiusap na maaprubahan ang karagdagang PHP 147.93 bilyon para sa mga pangunahing programa ng Kagawaran.
Read the article: www.deped.gov.ph/2026/10/17/angara-hiniling-ang-suporta-n…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mahalagang kaagapay sa paghubog ng mabuting asal at values ng mga bata ang pamilya.
Sa #kaagapayprogram, binibigyan natin ang mga magulang at guardian ng praktikal na gabay at kaalaman mula sa mga eksperto upang mas maunawaan at masuportahan ang kanilang mga anak.
Narito ang ilang paalala para sa mas matatag na ugnayan at mas positibong paggabay sa ating mga anak.
#depedschoolsafety #safecheck #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
MENTAL HEALTH CARAVAN NG DEPED, DUMATING NA SA MARIKINA! 🏫 🤗
Masayang sinalubong ng mga mag-aaral, guro, at mga opisyal ng Marikina ang unang stop ng DepEd Mental Health Caravan.
Layunin nitong gawing mas accessible ang mental health programs and initiatives sa mga paaralan sa buong bansa.
Dito, may makikinig, may tutulong, at may karamay ka rito. ❤️
#mentalhealth #depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
May kaagapay ang ating mga paaralan sa pagpapanatili ng kaligtasan! 🛡️
Sa ilalim ng DepEd–DILG Joint Memorandum Circular (JMC), maaaring tumulong ang barangay tanods sa school security at maging katuwang ng mga eskwelahan sa pagtugon sa mga panganib.
#depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinalalawak ng Department of Education (DepEd) ang network ng learner-led peer facilitation sa pamamagitan ng My Buddy System, kasabay ng structured counseling at mga check-in ng mga guro, upang makabuo ng mas ligtas at mapagsuporta na kapaligiran sa mga paaralan bilang bahagi ng mental health and psychosocial support framework nito.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/16/deped-inilunsad-ang-my-buddy-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW | Ipinipresenta ni Education Secretary Sonny Angara sa Senado ang panukalang ₱969.79 bilyong budget ng Department of Education (DepEd) at mga attached agencies nito para sa Fiscal Year 2027.
Tampok sa pagtalakay ang mga priyoridad na programa at panukalang pondo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral, guro, at paaralan sa buong bansa.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Alam ba ng ating anak na maaari siyang lumapit sa atin kapag may online threat?
Ang anomang banta o content na may kinalaman sa violence ay dapat seryosohin. Ngunit bago tayo mag-react, makinig muna tayo at alamin ang buong kuwento.
Turuan ang mga bata na huwag mag-forward o mag-amplify ng threatening content at huwag harapin nang mag-isa ang ganitong sitwasyon. Ipaalala sa kanila na ang pagsasabi sa magulang ay hindi pagsusumbong. Ito ay isang hakbang tungo sa kaligtasan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang pagpapalawak ng mga programa ng Department of Education (DepEd) para sa kalusugang pangkaisipan at kapakanan ng mga mag-aaral sa buong bansa, kasabay ng pagdiriwang ng Mental Health Awareness Month at National School Safety Week.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/15/angara-pinatibay-ang-mental-h…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW | Nagsimula nang magsidatingan sa DepEd Central Office ang 339 School Counselor Associates mula sa National Capital Region (NCR) para sa kanilang panunumpa ngayong araw.
Pangungunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang seremonya. Magiging bahagi ang mga School Counselor Associates ng pagpapatibay ng mga serbisyo sa paggabay at pagsuporta sa mga mag-aaral, bilang bahagi ng mga hakbang ng DepEd para sa mas ligtas at mapagkalingang paaralan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW | Nagsasama-sama ngayong araw ang mga registered guidance counselors, learners, parents, at teaching and non-teaching personnel sa Mental Health Caravan sa Marikina Elementary School upang palakasin ang kamalayan at suporta para sa mental health at well-being ng school community.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Alam ba ng ating anak na maaari siyang lumapit sa atin kapag may online threat?
Ang anomang banta o content na may kinalaman sa violence ay dapat seryosohin. Ngunit bago tayo mag-react, makinig muna tayo at alamin ang buong kuwento.
Turuan ang mga bata na huwag mag-forward o mag-amplify ng threatening content at huwag harapin nang mag-isa ang ganitong sitwasyon. Ipaalala sa kanila na ang pagsasabi sa magulang ay hindi pagsusumbong. Ito ay isang hakbang tungo sa kaligtasan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bilang bahagi ng National School Safety Week, pinangunahan nina Education Secretary Sonny Angara at Interior Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla ang isang joint school safety audit at safety drill sa Bangkal High School.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/14/deped-at-dilg-nagsanib-puwers…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inilabas ng Department of Education (DepEd), sa pamamagitan ng Literacy Coordinating Council (LCC), ang guidelines para sa 2026 National Literacy Awards (NLA), bilang pagkilala sa mga partner na tumutulong sa pagsusulong ng literacy sa mga komunidad.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/14/angara-inilunsad-ang-2026-nat…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Isang Safety Drill ang isinagawa sa Bangkal High School, sa Makati City, ngayong hapon bilang bahagi ng Joint Audit ng DepEd at DILG.
Pinangunahan nina Education Secretary Sonny Angara at DILG Secretary Jonvic Remulla, layunin ng aktibidad na palakasin ang kahandaan, pagtugon, at koordinasyon ng mga paaralan at awtoridad sa panahon ng emergencies.
#depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Isang Safety Drill ang isinagawa sa Bangkal High School, sa Makati City, ngayong hapon bilang bahagi ng Joint Audit ng DepEd at DILG.
Pinangunahan nina Education Secretary Sonny Angara at DILG Secretary Jonvic Remulla, layunin ng aktibidad na palakasin ang kahandaan, pagtugon, at koordinasyon ng mga paaralan at awtoridad sa panahon ng emergencies.
#depedschoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#safecheck | Napapansin ba natin kapag may pinagdaraanan ang ating anak?
Bilang mga magulang, tayo ang ilan sa mga unang taong maaaring makapansin ng pagbabago sa ating anak, sa kanilang mood, kilos, pakikisalamuha, o paraan ng pakikipag-usap.
Huwag hintaying maging crisis ang behavior changes. Kumustahin at tanungin natin sila. Ang pagiging present, pakikinig, at pag-alalay ay bahagi ng pagprotekta sa ating mga anak.
#depedsafeschools #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nagkaloob ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) ng scholarship sa unang batch ng 230 kawani ng mga pampublikong paaralan bilang bahagi ng hakbang upang tugunan ang kakulangan ng mga lisensyadong guidance counselor at mental health professional sa basic education.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/13/deped-at-ched-nagbigay-ng-sch…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#safecheck | Alam ba natin kung ano ang napapanood ng ating mga anak online?
Hindi lahat ng batang nakakakita ng violent content ay nangangahulugang magiging violent. Ngunit bilang mga magulang, mahalagang pag-usapan at unawain natin ang kanilang nakikita online.
Ang parental guidance ay hindi lamang tungkol sa pagbabawal. Ito rin ay tungkol sa pagtuturo sa mga bata kung paano gumawa ng ligtas at responsableng choices online.
#schoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bilang bahagi ng pambansang hakbang upang patatagin ang ligtas, inklusibo, at mapagkalingang kapaligiran para sa mga mag-aaral, pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang opisyal na paglulunsad ng National School Safety Week sa Cainta Elementary School.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/12/deped-naglunsad-ng-national-s…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinuri ni Education Secretary Sonny Angara ang natatanging katapangan ng isang bayaning mag-aaral at ang mga natamong tagumpay ng apat na medalist sa pandaigdigang kompetisyon sa pormal na paggawad ng Department of Education (DepEd) Awards, kasabay ng pagbubukas ng National School Safety Week sa Cainta Elementary School.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/12/angara-pinarangalan-ang-bayan…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Bilang bahagi ng pagbubukas ng National School Safety Week, pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang pagbigkas ng “Panata ng Buong Komunidad para sa Mas Ligtas na Paaralan” sa flag ceremony ng Cainta Elementary School.
Nakiisa sa aktibidad ang mga mag-aaral, guro, magulang, opisyal ng lokal na pamahalaan, at iba pang katuwang ng DepEd upang pagtibayin ang sama-samang pananagutan sa pagtataguyod ng ligtas at mapagkalingang kapaligiran para sa bawat mag-aaral.
Isinagawa rin ang panunumpa sa mga paaralan sa buong bansa.
#depedphilippines #nationalschoolsafetyweek -
DepEd
@DepEd_PH
LIGTAS NA PAARALAN, PARA SA BAWAT BATA!
Ngayong Oktubre 12–16, sama-samang isusulong ng DepEd at ng buong komunidad ang kaligtasan ng bawat mag-aaral sa pagdiriwang ng National School Safety Week!
Layunin nitong palakasin ang mga hakbang sa pag-iwas sa mga paglabag sa karapatan ng mga mag-aaral, palawakin ang kaalaman sa mga safety protocol, at hikayatin ang aktibong pakikilahok ng mga stakeholder para sa ligtas, inklusibo, at protektadong kapaligiran ng pagkatuto para sa bawat bata.
Para sa buong detalye, basahin ang memorandum dito: www.deped.gov.ph/2026/10/09/october-9-2026-memorandum-obs…
#nationalschoolsafetyweek #safeschools #depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW | Sa pangunguna nina DepEd Secretary Sonny Angara, TESDA Secretary Kiko Benitez, at CHED Chairperson Shirley Agrupis, kasama si PRC Chairperson Charito Zamora, inilunsad sa 4th Joint Education Trifocal Management Committee (JETMC4) ang Localized Access, Pathways, and Institutional Transitions (LAPIT) Index at Integrated Ladderized Education-to-Employment Pathways (ILEEP).
Kasalukuyang ipinapaliwanag ni DepEd Assistant Secretary at Education and Workforce Development Group (EWDG) Executive Director Delfin Villafuerte ang mga pangunahing layunin ng mga naturang inisyatiba.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
WARNING AGAINST UNAUTHORIZED SOLICITATIONS USING THE NAMES OF DEPED OFFICIALS
Mariing pinabubulaanan ng DepEd ang anumang panghihingi o paniningil ng pera gamit ang pangalan ng mga opisyal nito, partikular kaugnay ng procurement transactions.
Pinapayuhan ang sinumang makatanggap ng ganitong solicitation na huwag magbigay ng anumang bayad, itabi ang ebidensya, at agad itong i-report sa DepEd, PNP, o NBI para sa kaukulang imbestigasyon.
Nananatiling nakatuon ang DepEd sa integridad, transparency, at accountability sa lahat ng procurement at opisyal na transaksyon.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Kasabay ng pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Month, pinasinayaan ng Department of Education (DepEd) ang bagong apat na silid-aralan sa Banti Elementary School, na magbibigay ng mas ligtas at permanenteng pasilidad para sa 152 mag-aaral, kung saan 132 sa kanila ay mula sa Indigenous Peoples (IP) communities.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/07/deped-naghatid-ng-mas-ligtas-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
May mga bagay bang nakikita ang ating anak online na hindi niya masabi?
Minsan, hindi agad nasasabi ng mga bata kapag may nakita silang nakakatakot, nakaka-pressure, o hindi angkop online. Kaya mahalagang maramdaman nilang ligtas silang magsabi sa atin.
Maging open tayo sa kanila. Turuan silang mag-block, mag-report, at magsabi sa trusted adult kapag may online interaction na hindi tama.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Upang magamit ng mga mag-aaral ang kanilang lakas sa pagpapaunlad ng sarili at disiplina, personal na ininspeksyon ng mga opisyal ng Department of Education (DepEd) ang pagsasanay sa sports sa Ligas I Elementary School nitong Martes.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/06/deped-pinalakas-ang-sports-pr…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Magkakaroon na ng direktang access sa libreng primary healthcare ang mga komunidad ng paaralan sa buong bansa matapos gawing mga community health hub ang mga pampublikong paaralan sa ilalim ng isang makasaysayang kasunduan sa pagitan ng DepEd, DOH, DILG, at PhilHealth ngayong Martes.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/06/libreng-healthcare-sa-mga-pub…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Alam ba natin kung gaano na kahaba ang screen time ng ating mga anak?
Ang paggamit ng gadgets at internet ay bahagi na ng pag-aaral, pakikipagkaibigan, at entertainment ng mga bata. Kaya mahalagang hindi lamang natin bilangin ang screen time, kundi unawain din kung ano ang ginagawa nila online.
#safecheck #safeschools #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Lumagda ngayong araw ang Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), PhilHealth, at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa isang Joint Memorandum Circular para sa pagtatatag ng YAKAP School Health and Protection Program (YAKAP-SHP).
Pinangunahan ang paglagda nina Education Secretary Sonny Angara, DILG Secretary Jonvic Remulla, DOH Secretary Edwin Mercado, at PhilHealth Acting President and CEO Beverly Ho.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Upang maprotektahan ang mga mag-aaral at makabuo ng mas ligtas na kapaligiran sa pag-aaral, pinalalawak ng Department of Education (DepEd) sa buong bansa ang Kaagapay Program.
Layunin nitong magbigay ng mga praktikal na gabay sa mga magulang, tagapangalaga, at caregiver upang maiwasan ang bullying, maitaguyod ang positibong disiplina, at mapatibay ang paghubog ng mabubuting asal.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/05/kaagapay-program-ng-deped-par…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara ang humigit-kumulang 10,000 guro sa isang masayang pagtitipon para sa pagtatapos ng National Teachers’ Month 2026, kasabay ng pagkilala ng ika-10 anibersaryo ng pagpapatupad ng Indigenous Peoples Education (IPEd) Program.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/05/pbbm-angara-pinangunahan-ang-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nagsimula na ang pagdiriwang ng National Teachers' Day sa Smart Araneta Coliseum ngayong araw.
Nakatakdang dumalo sa pagdiriwang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Education Secretary Sonny Angara, at iba pang opisyal ng DepEd at pamahalaan.
Iba't ibang pagtatanghal at mga sorpresa rin ang inihanda ng DepEd, NTMCC, at ng ating mga partners para sa ating mga guro.
#ntd2026 #depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Basahin ang opisyal na pahayag ng Department of Education hinggil sa pagpanaw ng dalawang mag-aaral kasunod ng insidenteng naganap sa Cauayan South Central School sa Isabela.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
PARENTS AT GUARDIANS, KAAGAPAY KAYO!
Ang Kaagapay Program ng DepEd ay naglalayong suportahan ang mga magulang, tagapag-alaga, at mga pinagkatiwalaan ng responsibilidad para sa pagpapalaki ng isang batang mag-aaral sa paghikayat ng positibong disiplina at pagbuo ng mga pagpapahalaga sa mga paraang naaayon sa learner protection at guidance frameworks ng DepEd.
Sa programang ito, itinataguyod natin ang ligtas, mapagkalinga, at inklusibong kapaligiran sa pag-aaral.
Para sa iba pang detalye, basahin ang DepEd Memorandum No. 002, s. 2026: www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DM_s2026_002r.pdf
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Isinulong nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara ang mga pangunahing inisyatibo para sa kapakanan ng mga guro, nutrisyon ng mga mag-aaral, at kaligtasan sa mga paaralan sa kanilang pagbisita sa Isabela habang ipinagdiwang ang National Teachers’ Month.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/02/pbbm-angara-isinulong-ang-kag…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Binisita rin nina Pangulong Bongbong Marcos at Education Secretary Sonny Angara ang Patul Elementary School upang kumustahin ang programang Home-Grown School Feeding (HGSF).
Patuloy na pinalalakas ng DepEd ang nasabing programa upang makapaghatid ng masustansyang pagkain sa mga mag-aaral habang sinusuportahan ang mga lokal na magsasaka at kooperatiba.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW:
Dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang oath-taking ceremony ng 4,125 newly promoted teachers and school heads ng DepEd Cagayan Valley Region ngayong araw.
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang panunumpa na dinaluhan din ni House Speaker Faustino “Bodjie” Dy, Santiago City Mayor Alyssa Sheena Tan, at mga opisyal ng lungsod at LGU Isabela.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang mass oath-taking ng 1,814 pampublikong guro at punong-guro sa Davao Region nitong Huwebes, bilang bahagi ng hakbang ng administrasyong Marcos na wakasan ang pagkaantala sa promosyon ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/10/01/angara-pinangunahan-ang-mass-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nagtipon-tipon ang mga stakeholder sa sektor ng edukasyon sa ilalim ng Teacher Education Council (TEC) upang parangalan ang mga guro at isulong ang mga inisyatibang naglalayong patatagin ang edukasyon ng mga guro sa bansa. Isinagawa ang pagtitipon sa ginanap na "Celebrating Teacher Excellence: A National Teachers' Month 2026 Celebration" sa Manila.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/30/pbbm-angara-pinangunahan-ang-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Upang mapanatili ang makasaysayang tagumpay ng Pilipinas sa 2025 Programme for International Student Assessment (PISA), naglunsad ang Department of Education (DepEd) ng mga pagbisita sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa upang patatagin ang mga lokal na support network at suportahan ang pangmatagalang pag-unlad sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/30/deped-naglunsad-ng-pagbisita-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-angat ng scores ng mga Pilipinong mag-aaral sa Reading, Science, at Mathematics sa #pisa2025, na bunga ng pagtutulungan ng paaralan, komunidad, pamahalaan, at education partners.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara ang bansa sa pagpaparangal sa mga natatanging guro sa pampublikong paaralan na kabilang sa mga tumanggap ng 2026 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos awards sa isang seremonya sa Malacañan Palace.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/29/pbbm-angara-pinarangalan-ang-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsisikap ng mga guro, magulang, paaralan, komunidad, at education partners na naging bahagi ng pag-angat ng performance ng Pilipinas sa #pisa2025.
#depedphilippines #bagongpilipinas See less -
DepEd
@DepEd_PH
Sa bawat pagsasalo-salo, nabubuo ang mas matibay na koneksyon sa pamilya. 🍽️👨👩👧👦
Ngayong #kainangpamilyamahalaga Day, hinihikayat ng DepEd ang mga magulang at guardian na maglaan ng oras para magsalo-salo, magkumustahan, at makinig sa kanilang mga anak.
Tandaan na ang simpleng kumustahan ay lumilikha ng mas malalim na ugnayan sa pamilya at daan upang bumuo ng mas suportadong environment para sa mga bata.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pagdiriwang ng Kainang Pamilya Mahalaga Day, binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang halaga ng sabay-sabay na pagkain bilang pagkakataon upang makapagkumustahan, makapagkuwentuhan, at higit na mapalalim ang ugnayan ng pamilya.
Sa simpleng pagsasalo, mas naipadarama natin sa ating mga anak na sila ay mahalaga, ligtas, at laging may tahanang masasandalan. 🍽️👨👩👧👦
#kainangpamilyamahalaga #depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang pagpaparangal sa isang dedikadong guro mula sa komunidad at sa isang nangungunang education technology firm sa ginanap na DepEd Heroes awards ceremony sa President Corazon C. Aquino National High School.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/28/grassroots-teacher-at-edtech-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara ang pambansang pagkilala sa mga guro, mag-aaral, magulang, pinuno ng lokal na pamahalaan, at mga pampubliko at pribadong katuwang na naging susi sa makasaysayang pag-angat ng Pilipinas sa 2025 Programme for International Student Assessment (PISA).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/28/pbbm-at-angara-pinuri-ang-mga…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Kasama natin ngayon sa President Corazon “Cory” C. Aquino National High School sa Pasay City ang mga paaralang lumahok sa #pisa2025.
Kikilalanin ngayong araw ng DepEd ang dedikasyon at pagsisikap ng mga paaralan, guro, magulang, at mag-aaral na naging bahagi ng paghahanda at matagumpay na pakikilahok ng Pilipinas sa PISA 2025.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pinarangalan ng Department of Education bilang bagong DepEd Heroes sina Teacher Allan Delos Reyes at Frontlearners President Leo De Velez at Chief Executive Officer Maria Elaine De Velez para sa kanilang serbisyo at ambag sa pagpapaunlad ng edukasyon.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Mas malaking suporta para sa bawat paaralan! 📚
Ka-DepEd, tinatayang ₱61.02 bilyon ang ilalaan para sa operasyon ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa sa ilalim ng panukalang 2027 National Expenditure Program (NEP)—higit doble kumpara sa 2022.
Layunin ng patuloy na pagtaas ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na mas matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat paaralan.
Mas sapat na pondo, mas maayos ang learning environment at mas mahusay ang suporta para sa ating mga guro at mag-aaral.
Dahil bawat pisong inilalagak sa edukasyon ay pamumuhunan sa kinabukasan ng bawat batang Pilipino.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
May mga pagkakataong ang kailangan lang natin ay isang taong makikinig.
Sa bagong episode ng Kuya Kim Cares, may paalala si Kuya Kim tungkol sa pagiging present para sa ating mga kaibigan, lalo na kapag may pinagdadaanan sila.
#kuyakimcares #depedphilippines #bagongpilipinasThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW | #pisathursday: Supporting Learning Environments
Nagsasama-sama ang education stakeholders upang talakayin ang #pisa2025 results on Supporting Learning Environments at pag-usapan ang mga konkretong hakbang para mapalakas ang supportive classrooms, safe and inclusive schools, at engaging home learning environments.
Katuwang sa talakayan ang One National Parent-Teacher Association Philippines (ONE PTA PH), National Association of Public Secondary School Heads (NAPSSHI), National Association of Public Secondary School Heads (NAPSSPHIL), Philippine Schools District Supervisors’ Association (PSDSA), Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA), Civil Society Network for Education Reforms (E-Net Philippines), at Teachers Inc.
Ang pag-angat sa PISA ay kaakibat ng pagtiyak na bawat learner ay may ligtas, supportive, at engaging na learning environment kung saan siya maaaring matuto at umunlad.
Tuloy ang usapan. Tuloy ang pagkilos. Tuloy ang pag-arangkada! 🚀
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Umabot na sa 47,439 work immersion slots ang inilaan ng mga katuwang na kumpanya para sa mga mag-aaral ng Senior High School (SHS), na kumakatawan sa 94.9% ng 50,000-slot target ng Department of Education (DepEd), kasunod ng pambansang paglulunsad ng 2026 National Work Immersion Fair.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/23/deped-umabot-sa-halos-95-ng-s…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinuri ni Education Secretary Sonny Angara ang Kongreso sa pagpapatibay ng Basic Education Voucher Assistance Act, kasabay ng pagtiyak na handa ang Department of Education (DepEd) na ipatupad ang pinalawak na programa ng subsidiya sa pamamagitan ng mas pinatibay nitong sistema ng tulong sa mga pribadong paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/23/angara-batas-sa-pinalawak-na-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kapag patuloy na kumakalat online ang mga video ng karahasan, ang isang insidente at nagiging paulit-ulit na pinsala. Maaari nitong muling buksan ang trauma at gawing pangkaraniwan sa paningin ng mga bata ang karahasan.
Nagpapasalamat ang DepEd sa Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mabilis na pagtugon laban sa harmful contents. Ipinapakita ng kanilang pagkilos na ang learner protection ay dapat ding umaabot sa digital spaces.
#depedphilipppines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ang isang ligtas na paaralan ay hindi lamang mabilis na tumutugon sa panganib—natututo rin ito mula sa bawat insidente upang matukoy at maisara ang mga puwang sa seguridad.
Lubos na pinasasalamatan ng DepEd ang Philippine National Police (PNP) sa agarang pag-secure sa Banga National High School, pagtulong sa mga biktima, at sa patuloy na imbestigasyon.
Ang bawat ebidensya at aral mula sa imbestigasyon ay mahalaga sa pagbuo ng mas angkop at maagap na seguridad sa mga paaralan. Dahil ang tunay na sukatan ng isang matatag na tugon ay hindi lamang kung gaano tayo kabilis kumilos matapos ang insidente, kundi kung paano natin mapipigilang maulit ito.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ang kaligtasan sa paaralan ay nagsisimula sa pagtutulungan ng buong komunidad. Kung malinaw ang papel ng bawat isa, mabilis ang koordinasyon, at madaling maabot ang proteksyon at suportang kailangan ng mga bata.
Nagpapasalamat ang DepEd sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagpapatibay ng ugnayan ng national agencies at lokal na komunidad. Sa ganitong pagtutulungan, ang kaligtasan ng mga mag-aaral ay hindi lamang responsibilidad ng paaralan, nagiging pananagutan ito ng buong komunidad.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mula sa agarang psychosocial support hanggang sa tuloy-tuloy na paggabay at financial assistance, mabilis na umagapay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga mag-aaral at pamilyang naapektuhan ng shooting incident sa Banga National High School.
Lubos ang pasasalamat ng DepEd sa DSWD at sa mga social worker na personal na tumugon sa pangangailangan ng bawat pamilya. Sa gitna ng matinding pagsubok, ang maagap at makataong pag-alalay ay mahalagang bahagi ng kanilang paghilom at pagbangon.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Ang paggaling matapos ang karahasan ay hindi natatapos sa emergency room. Kailangan ding matugunan ang traumang dinadala ng mga mag-aaral, guro, at buong school community.
Kinikilala at pinasasalamatan ng DepEd ang mahalagang ambag ng Department of Health (DOH) sa isang mas buo at makataong recovery—may lunas para sa pisikal na sugat at suporta para sa mental at emotional well-being nf ng mga mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nanawagan si Education Secretary Sonny Angara sa mga magulang at guardian na mahigpit na bantayan ang online activities ng kanilang mga anak, kasabay ng pakiusap sa mga guro na magsilbing mapagkalingang “foster parents” sa paaralan, habang binigyang-diin na lalong nagiging vulnerable ang mga kabataan sa mga nakasasamang impluwensiya sa internet.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/22/angara-nanawagan-ng-vigilance…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) ang pasasalamat nito sa House of Representatives kasunod ng pag-apruba sa plenaryo ng panukalang PHP975.96 bilyong badyet ng ahensya para sa Fiscal Year 2027, na bumubuo sa 13.55% ng kabuuang PHP7.2-trillion national budget.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/22/panukalang-2027-deped-budget-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na malaki ang halaga ng maliliit na pagpapakita ng malasakit sa bawat bata.
Pagtawag sa kanilang pangalan, pagbibigay ng atensyon, at pag-celebrate ng kanilang tagumpay. Ito ang mga simpleng paraan para maiparamdam sa bawat learner na mahalaga sila.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Dala ni Education Secretary Sonny Angara sa kanyang pagbisita sa mga guro ang isang simpleng paalala: ugaliing kumustahin ang bawat learner.
Mula sa pagtatanong tungkol sa kanilang pamilya hanggang sa pangungumusta sa araw-araw nilang pagpasok sa paaralan, bawat pag-uusap ay makatutulong para mas makilala sila at maunawaan ang suportang kailangan nila.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na patatagin ang kaligtasan sa mga paaralan kasunod ng mga kamakailang insidente ng pamamaril, naghahanda na ang Department of Education (DepEd) na ilunsad ang School Digital Safety Campaign para sa mga mag-aaral, guro, at magulang.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/21/deped-ilulunsad-ang-school-di…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa kanyang pagbisita at pakikipagtagpo sa mga guro, hinikayat ni Education Secretary Sonny Angara ang mga guro at DepEd staff na maglaan ng mas maraming oras sa pakikipag-usap at pakikinig sa mga mag-aaral.
Kasabay ng pag-angat sa academics, mahalagang bumuo ng school community kung saan bawat bata ay pinapakinggan, inuunawaan, at may nalalapitan.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Ibinahagi ni Education Secretary Sonny Angara ang pakikipagtulungan ng DepEd sa DILG at PNP upang masuri at mapalakas ang mga polisiya at hakbang para sa seguridad sa paaralan, at matugunan ang mga kakulangan sa pagpapatupad nito.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Sa gitna ng naganap na insidente sa Banga, South Cotabato, muling binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang pagtutok sa mental health at kapakanan ng mga kabataan.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Matapos mapaulat ang shooting incident sa South Cotabato, agad na nakipag-ugnayan ang DepEd sa paaralan, katuwang ang SDO at Regional Office upang mabilis na makatugon sa insidente. Dumating din sa lungsod ang ating DepEd official para sa koordinasyon at paghahatid ng paunang tulong.
Agad ding nagtungo sa South Cotabato si Education Secretary Sonny Angara upang personal na tutukan ang sitwasyon at makipag-ugnayan sa mga apektadong pamilya at school community.
Patuloy ang koordinasyon ng DepEd sa mga awtoridad at katuwang na ahensya para sa imbestigasyon at sa patuloy na suporta sa paghilom at pagbangon ng komunidad.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Personal na binisita ni Education Secretary Sonny Angara ang Banga National High School nitong Sabado kasunod ng trahedya ng pamamaril sa paaralan upang pangunahan ang mga agarang aksyon at magpaabot ng tulong sa mga naapektuhang pamilya at tauhan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/19/angara-nanawagan-ng-multi-sec…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Agad na nagtungo si Education Secretary Sonny Angara sa Banga National High School sa South Cotabato matapos ang naganap na shooting incident nitong Biyernes.
Kasama ang mga DepEd official at kinatawan ng LGU, personal na nagpaabot ng pakikiramay ang Kalihim sa mga pamilya ng mga biktima at sa buong school community. Nakipagdayalogo rin siya sa mga pamilya, guro, at kawani ng paaralan upang tiyakin ang paghahatid ng suporta.
Tiniyak rin ng Kalihim ang koordinasyon sa mga katuwang na ahensya at awtoridad para sa patuloy na pagtugon at suporta sa pagsasagawa ng Psychological First Aid at psychosocial support para sa mga indibidwal na nangangailangan nito.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Nagmungkahi si Education Secretary Sonny Angara ng paglikha ng Joint School Safety Task Force kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) upang magsagawa ng site-specific security audit sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/19/angara-nagmungkahi-ng-inter-a…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Opisyal na pahayag ng Department of Education (DepEd) hinggil sa naganap na shooting incident sa Banga National High School sa Banga, South Cotabato.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
PAALALA: Piliin natin ang malasakit.
Kaugnay ng naganap na shooting incident sa isang paaralan sa South Cotabato, nananawagan ang DepEd sa media, content creators, at publiko na huwag mag-post, magbahagi, o magpalaganap ng mga sensitibong video, larawan, at materyal tungkol sa insidente.
Sa panahong ito, higit na kailangan ng mga mag-aaral, guro, pamilya, at school community ang privacy, pag-unawa, at suporta.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Basahin ang opisyal na pahayag ng Department of Education (DepEd) kaugnay ng napaulat na shooting incident sa isang paaralan sa South Cotabato.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang mahalagang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng learning outcomes, kasabay ng pagsasabing nakatulong ang aktibong pakikilahok ng mga komunidad sa mga naitalang pag-angat ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2025, mula sa mga pamahalaang panlalawigan at lungsod, at bayan hanggang sa mga barangay.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/18/angara-malakas-na-suporta-ng-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
BAKIT MAHALAGA ANG BAWAT LEARNER NA UMAABOT SA LEVEL 2?
Ang PISA Level 2 ay baseline proficiency —isang mahalagang pundasyon para magamit ng learners ang kanilang natutuhan sa mga simpleng sitwasyon sa tunay na buhay.
Ayon sa OECD, kung bawat 15-year-old sa Pilipinas ay makakaabot sa Level 2, tinatayang maaari itong magkaroon ng malaki at pangmatagalan na ambag sa ekonomiya ng bansa.
Kaya mahalaga na ang bawat learner ay umaabot sa Level 2. At bawat hakbang pataas ay pagbubukas ng mas malaking potensyal para sa kinabukasan.
#depedphilippines #bagongpilipinas #arangkadasapisa -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng pinagsamang serbisyong pangkalusugan at nutrisyon sa kanyang pagbisita sa Sta. Barbara Central School ngayong Huwebes.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/17/pbbm-pinangunahan-ang-yakap-c…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kaligtasan ang laging priyoridad natin, pero mahalaga ring maprotektahan ang learning time ng ating mga mag-aaral.
Sa panukalang Executive Order, hinihikayat ang mas specific na pagtukoy sa mga lugar na aktuwal na apektado ng kalamidad o anumang emergency.
Hindi inaalis ang awtoridad ng LGU na magsuspinde ng klase. Sa halip, pinalalakas ang koordinasyon ng LGU, DRRMO, at education authorities upang ang desisyon ay nakabatay sa tunay na kondisyon sa bawat lugar.
Ligtas ang learners. Protektado ang learning time. Tuloy ang pagkatuto kung ligtas ang paaralan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nag-apela ang Department of Education (DepEd) sa mga local government unit (LGU) na maging tiyak at sigurado sa pagsuspinde ng mga klase upang makatulong sa pagprotekta sa oras ng pag-aaral, lalo na kapag nag-iiba ang sitwasyon sa mga bayan, barangay, o paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/17/deped-nakiusap-sa-lgus-na-mag…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Tinipon ngayong araw ng Department of Education (DepEd) ang education leaders, experts, at stakeholders para sa 2025 PISA National Conversation: On Doing Better at Science.
Kasalukuyang tinatalakay ang resulta ng #pisa2025 sa Science at ang mga susunod na hakbang para higit pang mapalakas ang science education sa bansa.
Kasama sa talakayan ang mga DepEd Education Program Supervisors mula sa iba’t ibang rehiyon, gayundin ang mga kinatawan mula sa Department of Science and Technology–Science Education Institute, Philippine Space Agency, UP National Institute of Science and Mathematics Education, UP College of Education, Assessment, Curriculum and Technology Research Centre, Philippine Science High School System, Private Education Assistance Committee, Biology Teachers Association of the Philippines, at iba pang education partners.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nagsimula na ang Yaman ng Kalusugan (YAKAP) Caravan sa Sta. Barbara Central School sa Sta. Barbara, Pangasinan ngayong araw.
Nakatakdang inspeksyunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang programa at pangunahan ang School-Based Feeding Program (SBFP) sa paaralan.
Bahagi ang programa ng layunin na palakasin ang suporta sa ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng accessible healthcare, targeted nutrition, at ligtas at maayos na learning environment.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Upang punan ang agwat sa pagitan ng pinag-aaralan sa silid-aralan at ng nagbabagong pangangailangan ng merkado, nakipag-alyansa nitong Martes ang Department of Education (DepEd) sa higit 170 pinuno at kinatawan mula sa pamahalaan, industriya, at mga estratehikong sektor ng ekonomiya.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/16/deped-mga-pinuno-ng-industriy…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang pangangailangan na ipagpatuloy ang mga nakatutok na programang akademiko tulad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/15/angara-aral-program-higit-na-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Umarangkada tayo, hindi lang sa Reading at Science, kundi sa Mathematics din! 📐
+16 POINTS — Mula 355 noong 2022, umakyat sa 371 ang Mathematics score ng Pilipinas sa #pisa2025.
Mas marami rin ang learners na umabot sa PISA Level 2 o mas mataas, patunay ng pundasyong kasanayan sa pag-unawa sa mga sitwasyon, paglutas ng problema, at paggamit ng Math sa pang-araw-araw na buhay.
Magandang hakbang ang pag-angat na ito, pero tuloy ang ating trabaho. Sama-sama pa nating palalakasin ang pagkatuto sa Mathematics ng bawat batang Pilipino!
#depedphilippines #bagongpilipinas #arangkadasapisa -
DepEd
@DepEd_PH
Maliban sa Reading gains natin sa #pisa2025, may magandang balita rin sa Science! 🔬🇵🇭
Mula 356 noong 2022, umakyat sa 373 ang Science score ng Pilipinas noong 2025—+17 points.
Kasabay nito, mas maraming learners ang umabot sa PISA Level 2 o mas mataas, na nagpapakita ng pag-unlad sa kanilang kaalaman at kasanayang pang-agham.
Mahalaga ang mga kasanayang ito upang maunawaan ang mundo, magsuri ng impormasyon, at gumawa ng mga desisyong nakabatay sa ebidensya.
Patuloy at sama-sama pa nating palalakasin ang mga nakamit na gains tungo sa mas matatag na pagkatuto ng bawat Pinoy learner.
#depedphilippines #bagongpilipinas #arangkadasapisa -
DepEd
@DepEd_PH
Nagsagawa ang Department of Education (DepEd) ng isang pambansang drive para sa kalusugan sa 91 pampublikong paaralan ngayong Lunes upang maghatid ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa mahigit 47,000 na target na benepisyaryo bilang bahagi ng multi-agency Handog ng Pangulo service caravan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/14/deped-pinalawak-ang-health-ac…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nakiisa ang Department of Education sa Handog ng Pangulo sa Kalinga Sports Center, Tabuk City, ngayong araw.
Kasama ang DOH, PhilHealth, at PSA, hatid ng pamahalaan ang accessible na health services at impormasyon sa pamamagitan ng YAKAP Program, para sa ating mga learner, guro, magulang, school personnel, at komunidad.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Maligayang kaarawan, PBBM! 🎉
Ipinapaabot ng buong Department of Education ang taos-pusong pagbati kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang kaarawan.
Nagpapasalamat kami sa inyong patuloy na pagbibigay-priyoridad sa edukasyon at sa inyong suporta sa mga programa at repormang naglalayong higit pang mapabuti ang pagkatuto at kapakanan ng bawat batang Pilipino.
Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas, at karunungan sa inyong paglilingkod sa sambayanang Pilipino.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Reminder ni Kuya Kim: walang cool points sa pang-eetsa-pwera.
Be the reason someone feels welcome, seen, and safe to be themselves. 😊
#kuyakimcares #depedphilippines #safeschoolsThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
DepEd
@DepEd_PH
May pondo, may authorized positions, at tuloy ang hiring ng mga guro sa 2027.
Nilinaw ng DepEd at DBM na ang proposed FY 2027 budget ay may P31.22 billion para punan ang 64,530 authorized teaching positions. Ang focus ngayon ay mapabilis ang hiring at deployment ng qualified teachers sa mga paaralang higit na nangangailangan.
Kasabay ng pag-angat ng Pilipinas sa PISA 2025, tuloy ang suporta sa ating mga guro.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Maraming taon. Maraming hakbang. Maraming katuwang.
Ang pag-angat ng Pilipinas sa #pisa2025 ay bunga ng maraming taon ng pagkatuto, pagpapatupad ng iba’t ibang interventions, at sama-samang pagkilos sa loob at labas ng paaralan.
May ambag dito ang ating learners, teachers, schools, families, LGUs, education partners, at ang mga programa at repormang isinulong sa iba’t ibang panahon.
Hindi ito kuwento ng isang programa o ng isang tao. Kuwento ito ng sama-samang trabaho at patuloy na pagtutulungan para sa mas mahusay na pagkatuto ng bawat batang Pilipino. 💪📚🇵🇭
#depedphilippines #bagongpilipinas #arangkadasapisa -
DepEd
@DepEd_PH
Maraming taon. Maraming hakbang. Maraming katuwang.
Ang pag-angat ng Pilipinas sa #pisa2025 ay bunga ng maraming taon ng pagkatuto, pagpapatupad ng iba’t ibang interventions, at sama-samang pagkilos sa loob at labas ng paaralan.
May ambag dito ang ating learners, teachers, schools, families, LGUs, education partners, at ang mga programa at repormang isinulong sa iba’t ibang panahon.
Hindi ito kuwento ng isang programa o ng isang tao. Kuwento ito ng sama-samang trabaho at patuloy na pagtutulungan para sa mas mahusay na pagkatuto ng bawat batang Pilipino. 💪📚🇵🇭
#depedphilippines #bagongpilipinas #arangkadasapisa -
DepEd
@DepEd_PH
USAPANG DEPED | Bahagi ng patuloy na reporma para sa pagpapaunlad ng edukasyon ang pagkuha ng mga kuwalipikadong guro na magiging kaagapay natin sa pagpapahusay ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Kaugnay nito, narito ang mahalagang paglilinaw tungkol sa pondo at hiring ng mga public school teacher para sa 2027.
Para sa iba pang detalye, basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/10/deped-dbm-may-p31-2-billion-p…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nanguna ang Pilipinas bilang pinakamabilis umunlad na bansa sa Reading sa buong mundo. Isa rin tayo sa mga nangungunang umunlad sa pangkalahatan sa 2025 Programme for International Student Assessment (PISA).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/11/deped-ph-nanguna-sa-buong-mun…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Hinikayat ni Education Secretary Sonny Angara ang mga pamilya na mas aktibong makibahagi sa edukasyon ng kanilang mga anak matapos ipakita ng resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2025 ang kahalagahan ng suporta ng pamilya, regular na pagpasok sa paaralan, at positibong pananaw ng mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/11/angara-pisa-2025-results-may-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Online man o in person, treat people the way you want to be treated.
Hindi natin alam kung anong ang pinagdadaanan ng isang tao. Kaya kung may chance tayong makinig, mangumusta, o magbigay ng konting space and understanding, why not?
At dito pa lang, nagsisimula ang usapan. Episode 2 coming soon!
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Online man o in person, treat people the way you want to be treated.
Hindi natin alam kung anong ang pinagdadaanan ng isang tao. Kaya kung may chance tayong makinig, mangumusta, o magbigay ng konting space and understanding, why not?
At dito pa lang, nagsisimula ang usapan. Episode 2 coming soon!
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#1 IMPROVER TAYO SA READING! 📖
Sa #pisa2025, Pilipinas ang may pinakamalaking improvement sa Reading! Umangat ng 20 points ang ating score mula sa 347 noong 2022.
Mas marami na rin ang umaabot sa PISA Level 2—mula 24% naging 31%. Anong ibig sabihin? Mas maraming learners ang may foundational skills sa pagbasa at pag-unawa na mahalaga para magtagumpay sa paaralan at sa buhay.
Malaking hakbang ito para sa ating learners -- salamat sa sama-samang suporta ng ating mga guro, pamilya, at buong education community.
Isang tagumpay na sama-sama nating nakamit. Sama-sama rin nating ipagpapatuloy.
#depedphilippines #bagongpilipinas #arangkadasapisa -
DepEd
@DepEd_PH
MAY PAG-ANGAT SA PAGKATUTO. DAPAT MAY KALIGTASAN DIN. 🛡️📱
Ipinapakita ng resulta ng #pisa2025 na ang online safety ay mahalagang bahagi ng learner well-being at pagkatuto.
Kaya patuloy na kumikilos ang DepEd—mula sa mas malinaw na guidelines sa cyberbullying, digital citizenship at values education, hanggang sa pakikipagtulungan sa mga magulang at katuwang na ahensya para sa mas mabilis na pagtugon sa online threats.
Ligtas na learners. Ligtas na learning environment. Sama-sama nating protektahan.
#safeschools #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bilang pagpapatibay sa kampanya nito laban sa karahasan sa mga paaralan, pinalalakas ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng mga panuntunan laban sa online harassment, kasabay ng babala na papatawan ng mabibigat na parusang disiplina ang mga malubhang kaso ng cyberbullying sa ilalim ng mga bagong pinag-isang alituntunin.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/10/angara-inatasan-ang-deped-na-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nilinaw ng Department of Education (DepEd) at Department of Budget and Management (DBM) na hindi totoong “zero funding” para sa hiring ng public school teachers ang proposed Fiscal Year (FY) 2027 National Budget. Sa katunayan, may nakalaang P31.220 billion para punan ang 64,530 authorized teaching positions.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/10/deped-dbm-may-p31-2-billion-p…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
THE POWER OF FILIPINO LEARNERS 💪
The remarkable gains of Filipino learners are gaining global recognition. Andreas Schleicher, OECD Director for Education and Skills, highlighted the Philippines as the fastest-improving country in Reading performance.
This recognition affirms the progress we are making—and the potential of Filipino learners to go even further.
Let’s keep the momentum going. 🙌🏻
#depedphilippines #bagongpilipinas #arangkadasapisa -
DepEd
@DepEd_PH
Matapos ang makasaysayang performance sa 2025 Programme for International Student Assessment (PISA), ilalapit pa lalo ng Department of Education (DepEd) ang benepisyo nito sa mga paaralan sa pamamagitan ng rollout ng PISA for Schools, isang OECD assessment service na nagbibigay ng school-level results na maaaring ihambing sa international performance.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/09/deped-mas-ilalapit-sa-mga-paa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Amidst generally declining international trends, the Philippines’ improved its scores in science, mathematics, and reading in the 2025 cycle of the Programme for International Student Assessment (PISA).📈
OECD Policy Analyst Rodrigo Castañeda Valle recognized the country’s significant gains during the national launch of the #pisa2025 results at Caloocan City Science High School.
#depedphilippines remains committed not only to sustaining these gains, but to further strengthening our programs and policies to secure a better future for every Filipino child. 🇵🇭💡
#bagongpilipinas #arangkadasapisa -
DepEd
@DepEd_PH
🌏 OECD, KINILALA ANG PAG-ANGAT NG PILIPINAS SA INTERNATIONAL ASSESSMENT!
Ang pagkilala ng Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD) ay mahalagang validation ng pag-unlad ng ating education system—patunay na kapansin-pansin ang ating mga hakbang tungo sa mas mahusay na pagkatuto.
Hindi lamang ito pagkilala, kundi pagpapatibay na nasa tamang direksiyon ang ating mga reporma at suporta para sa learners.
Tuloy ang trabaho. Tuloy ang suporta. Para sa bawat learner. 🇵🇭
#depedphilippines #bagongpilipinas #arangkadasapisa -
DepEd
@DepEd_PH
Kayang-kaya umangat ng batang Pinoy, lalo’t sama-sama tayo! 🇵🇭
Kinilala ni Education Secretary Sonny Angara ang pinakamalakas na performance sa Reading, Mathematics, at Science sa PISA 2025 mula nang unang lumahok ang bansa noong 2018.
Kasabay ng pag-unlad na ito ang hamon na mas mapabuti pa ang performance ng mga mag-aaral. Mahalaga rito ang mas matibay na pagtutulungan ng mga paaralan, pamilya, LGU, private sector, at iba pang education partners.
Malinaw ang mensahe ng resulta: kayang-kaya nating umangat. At kung sama-sama ang buong bansa, mas malayo pa ang mararating natin.
#depedphilippines #bagongpilipinas #arangkadasapisa -
DepEd
@DepEd_PH
Umarangkada ang Pilipinas! Iyan ang magandang balita na inanunsyo ni Education Secretary Sonny Angara sa paglabas ng resulta ng 2025 Programme for International Student Assessment (PISA) nitong Martes.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/08/pilipinas-umaarangkada-na-ang…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
MALINAW ANG PISA 2025 RESULTS: UMANGAT ANG PAGKATUTO! 📈🇵🇭
Ipinapakita ng #pisa2025 results ang malinaw na pag-angat sa performance ng ating mga learners—bunga ng malawakang suporta at mga pinaigting na reporma sa edukasyon. 🙌
Patuloy na pagtutuunan ng Kagawaran ang pagpapabuti ng learning outcomes at pagsuporta sa mga guro at paaralan.
Sama-sama pa nating ipagpapatuloy ang pag-arangkada tungo sa mas mahusay na pagkatuto! 🚀📚
#depedphilippines #bagongpilipinas #arangkadasapisa -
DepEd
@DepEd_PH
BREAKING: PILIPINAS, KABILANG SA MOST IMPROVED SA MATH
Ibinahagi rin ni Secretary Angara na kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamalaking pag-angat sa long-term trend sa Mathematics, ayon sa OECD.
#depedphilippines #pisa2025 -
DepEd
@DepEd_PH
BREAKING: SUNOD NA HAKBANG NG DEPED: PALAKASIN PA ANG SUPORTA SA PAARALAN, GURO
Ayon kay Secretary Angara, patuloy na tututukan ng DepEd ang cyberbullying, palalakasin ang community support, at paiigtingin ang mga hakbang upang mabawasan pa ang learning gaps ng mga estudyante.
#pisa2025 #depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
BREAKING: PINOY LEARNERS, MAGANDA ANG ATTITUDE AT BEHAVIOR SA PAG-AARAL
Binigyang-diin ni Secretary Angara ang magandang performance ng Filipino learners sa ilang indicators ng attitude at behavior sa pag-aaral, kabilang ang goal setting, perseverance, help-seeking, at curiosity.
#depedphilippines #pisa2025 -
DepEd
@DepEd_PH
BREAKING: MAS KAUNTI ANG NAKARARANAS NG BULLYING SA PILIPINAS — 2025 PISA
Iniulat din ni Secretary Angara na bumaba ang bilang ng learners na nagsabing nakaranas sila ng iba’t ibang anyo ng bullying kumpara sa mga nakaraang PISA cycles.
#pisa2025 #depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
BREAKING: SCIENCE PERFORMANCE NG PINAS, PATAAS
Ayon kay Secretary Angara, positibo rin ang long-term trend ng Pilipinas sa Science kahit maraming bansa ang nakapagtala ng pagbaba.
#depedphilippines #pisa2025 -
DepEd
@DepEd_PH
BREAKING: PINAS, PINAKAMALAKING PAG-ANGAT SA READING
Binigyang-diin ni Secretary Angara na kabilang ang Pilipinas sa may pinakamalaking positibong trend sa Reading, ayon sa OECD.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
BREAKING: PILIPINAS, NAKAUNGOS NG MAS MARAMING BANSA
Ayon kay Secretary Angara, mas marami ring bansa ang nalampasan ng Pilipinas sa tatlong PISA domains batay sa mean scores kumpara noong 2022.
#pisa2025 #depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
BREAKING: LAHAT NG PISA SCORES NG PINOY LEARNERS, TUMAAS
Ibinahagi ni Secretary Angara na nakapagtala ang Pilipinas ng 373 sa Science, 371 sa Mathematics, at 367 sa Reading-lahat mas mataas kumpara noong 2022.
#depedphilippines #pisa2025 -
DepEd
@DepEd_PH
BREAKING: MAS MARAMING LEARNERS, TUMAAS ANG PROFICIENCY LEVEL
Ayon kay Secretary Angara, mas marami nang Filipino learners ang umabot sa Level 2 pataas sa Science, Mathematics, at Reading.
#pisa2025 #depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
BREAKING: PILIPINAS, UMANGAT SA INTERNATIONAL ASSESSMENT
Iniulat ni Education Secretary Sonny Angara na tumaas ang scores ng Pilipinas sa tatlong domains sa 2025 Programme for International Student Assessment (PISA) kumpara sa 2022.
#pisa2025 #depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
PILIPINAS, UMARANGKADA SA PROGRAMME FOR INTERNATIONAL STUDENT ASSESSMENT (PISA) 2025! 🚀
Lumabas na ang #pisa2025 results: malinaw ang ating progreso sa pagkatuto. 🎉
Isang mahalagang tagumpay na bunga ng sama-samang pagsisikap ng ating mga guro, school leaders, learners, magulang, local government units, at iba pang katuwang sa edukasyon. 🙌🏻
Patunay ito na kapag sama-sama, may pag-unlad na makikita at maipagmamalaki natin sa mundo. 🇵🇭🌏
#depedphilippines #bagongpilipinas #arangkadasapisa -
DepEd
@DepEd_PH
GAANO NA KALAYO ANG NARATING NATIN SA PAGKATUTO?
Ngayong araw, alamin kung ano ang ipinapakita ng #pisa2025 results tungkol sa ating mga learner —ang mga pag-unlad na dapat ipagdiwang at ang mga hamong dapat nating patuloy na tugunan.
Sama-sama nating abangan ang naging resulta ng ating mga pagsisikap at pagtutulungan tungo sa mas mataas na kalidad ng edukasyon. 🇵🇭
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Iniharap ni Education Secretary Sonny Angara sa House Committee on Appropriations ngayong Lunes ang panukalang PHP975.96 bilyong badyet ng Department of Education (DepEd) para sa Fiscal Year 2027, kasabay ng pakiusap na maglaan ng karagdagang PHP145.19 bilyon para pondohan ang mga kritikal na programang hindi naisama sa baseline budget.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/07/pinakamaikling-budget-hearing…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pamamagitan ng pondong inilaan para sa bawat batang Pilipino, sisiguraduhin ng DepEd na tuloy-tuloy ang reporma para sa mas maayos, mas ligtas, mas mahusay, at mas inklusibong edukasyon.
Ito rin ay bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing pangunahing prayoridad ang edukasyon ng ating kabataan at siguruhin ang maayos na kapakanan ng ating kaguruan.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Iniharap ni Education Secretary Sonny Angara sa House Committee on Appropriations ngayong Lunes ang panukalang PHP975.96 bilyong badyet ng Department of Education (DepEd) para sa Fiscal Year 2027, kasabay ng pakiusap na maglaan ng karagdagang PHP145.19 bilyon para pondohan ang mga kritikal na programang hindi naisama sa baseline budget.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/07/angara-iniharap-ang-p975-b-bu…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Iprinepresenta ni Education Secretary Sonny Angara sa Kongreso ang panukalang ₱975.96 bilyong budget ng Department of Education para sa 2027, kasama ang mga attached agency nito.
Layon ng panukalang budget na higit pang palawakin at palakasin ang mga programa at serbisyong para sa mga mag-aaral, guro, at paaralan sa buong bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang opisyal na pambansang pagbubukas ng 2026 National Teachers’ Month nitong Sabado sa isang masayang kick-off program, upang sama-samang kilalanin ang mahalagang papel ng mga guro sa ilalim ng temang "Teacher, Ikaw Naman."
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/05/teacher-ikaw-naman-angara-pin…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinarangalan ni Education Secretary Sonny Angara ang dalawang guro mula sa pampublikong paaralan sa ginanap na 2026 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos awards noong Biyernes, kung saan pinuri niya ang kanilang makabuluhang pamumuno at may-malasakit na pagtuturo sa batayang edukasyon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/05/angara-pinarangalan-ang-2026-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Dumarating na ang mga guro sa Limketkai Atrium, Cagayan de Oro City para sa National Teachers Month Kick-off Program.
Nakatakdang pangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang programa ngayong araw, kasama ang LGU, at ating mga partner.
#depedphilippines #bagongpilipinas #nationalteachersmonth2026 -
DepEd
@DepEd_PH
ANNOUNCEMENT: Maaaring i-adjust ang schedule ng Performance o Progress Report distribution hanggang September 18, 2026. 📄
Happy #nationalteachersmonth, mga ka-DepEd!
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kuya Kim Cares Episode 1 is here! ✨
DepEd Philippines is proud to partner with Kuya Kim to bring good vibes and heartwarming reminders that can make a big difference in our everyday lives.
At sa episode na ito, may tip si Kuya Kim paano maging green flag sa iyong school, pati na rin sa bahay.
Dahil sa DepEd, naniniwala tayo na kindness aura is the new rizz. 💅
#kuyakimcares #kindnessmatters #mentalhealthawareness #depedphilippinesThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
DepEd
@DepEd_PH
Tinipon ng Department of Education (DepEd) ang mga pinuno ng Boy Scouts at Girl Scouts, kasama ang mga katuwang sa sektor ng edukasyon, upang patatagin ang mga umiiral na alituntunin sa scouting sa mga paaralan.
Layunin nitong gawing mas inklusibo, nakatutok sa paghubog ng pagkatao, at angkop sa kasalukuyang pangangailangan ng mga mag-aaral ang nasabing programa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/04/deped-isinusulong-ang-pagrere…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kasunod ng pagpapatuloy ng hakbang ng Department of Education (DepEd) na palawakin ang mga oportunidad sa career advancement ng mga guro, nakatakdang makatanggap ng salary adjustment ang humigit-kumulang 93,000 kawani ng mga pampublikong paaralan sa pamamagitan ng PHP8.68 bilyong pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Basahin:
www.deped.gov.ph/2026/09/04/deped-palalawakin-ang-career-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Teacher Rocel C. Dela Cruz ng Carlos F. Gonzales High School na mahalaga ang school safety drill upang maihanda ang mga guro at learners sa maayos na pagtugon sa oras ng krisis.
Sa tamang paghahanda, mas magiging maagap ang pagtugon at mas napoprotektahan ang bawat isa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
We never stop learning, lalo na pagdating sa kaligtasan.
Sa National Simultaneous School Safety Drill, hinikayat ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang pakikilahok ng komunidad at bawat isa sa safety drill bilang isang pagkakataon upang matuto kung paano maghanda, kumilos, at tumugon sa oras ng emergency.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa isinagawang National Simultaneous School Safety Drill, binigyang-diin sa mensahe ni Education Secretary Sonny Angara ang kahalagahan ng paghahanda para sa mga emergency situation bilang hakbang upang mapanatili ang kaligtasan ng mga learner sa loob ng paaralan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ka-DepEd, inilabas na ang pondo para sa salary adjustments ng mga reclassified teaching at school head positions sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) System. 🎉
Isang malaking hakbang sa pagkilala at pagpapahalaga sa ating mga guro at school heads at sa kanilang patuloy na pag-unlad.
Salamat din kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at DBM, sa patuloy na suporta at pagpapahalaga sa ating education personnel! ❤️
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ikinagagalak ng DepEd ang paglalabas ng pondo para sa salary adjustments ng 93,344 reclassified teaching at school head positions sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) System.
Nagpapasalamat tayo sa administrasyon ni Pangulong Marcos at sa DBM sa patuloy na pagbibigay-priyoridad at suporta sa kapakanan ng ating mga guro.
Basahin ang buong pahayag sa ibaba.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ng Department of Education (DepEd) ang National Simultaneous School Safety Drill ngayong Huwebes sa mga pampubliko at pampribadong paaralan sa buong bansa upang patatagin ang kahandaan sa emergency at tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/03/deped-nanguna-sa-pambansang-s…
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Kasalukuyang nagaganap ang National Simultaneous School Safety Drill sa buong bansa, kabilang ang Carlos F. Gonzales High School, Division of Bulacan bilang host school na dinaluhan ni DILG Secretary Jonvic Remulla, DepEd Undersecretary Malcolm Garma, at Assistant Secretary Jocelyn Andaya.
Sa pagsasagawa ng safety drill na ito, pinalalakas ng DepEd ang paghahanda at response capacity ng mga paaralan sa mga insidenteng may pag-atake at emergency na naaayon sa School Safety Contingency Plan upang masiguro ang kaligtasan, dignidad, psychosocial well-being, at pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga mag-aaral.
#depedphilippines #schoolsafety #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Your online Kuya is here. And yes, may pag-uusapan tayo.
No long lectures. Just simple reminders and honest talk about things that matter.
Abangan sa Biyernes, September 4.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
USAPANG DEPED | Sa pagsusulong ng mas ligtas na mga paaralan, binibigyang-priyoridad ng DepEd ang mental health at well-being ng ating mga mag-aaral.
Alamin ang ilan sa ating mga hakbang na binuo katuwang ang mental health experts upang matiyak na ligtas at angkop sa mga mag-aaral ang pagsasagawa ng school safety drills.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inilatag ni Education Secretary Sonny Angara kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga emergency na hakbang para sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga mag-aaral matapos nilang siyasatin ang mga paaralang napinsala ng baha sa Tarlac, Zambales, at Pampanga.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/02/pbbm-angara-ininspeksyon-ang-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nanawagan si Education Secretary Sonny Angara sa mga punong-guro, guro, at disaster response coordinator ng mga pampublikong paaralan sa bansa na isama ang bagong hazard assessment tool sa kanilang mga gawain sa disaster preparedness upang mas maprotektahan ang mga mag-aaral mula sa pagkaantala ng pag-aaral dulot ng sakuna.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/02/angara-sa-school-heads-gamiti…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na itutuloy ang National Simultaneous School Safety Drill sa Setyembre 3, kung saan nakatutok ito sa kahandaan ng mga paaralan para sa kaso ng active threat kasabay ng pagtiyak sa kapakanan ng mga kalahok.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/09/01/deped-magsasagawa-ng-nationwi…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng pampublikong paaralan na palakasin ang mga protokol para sa pag-iwas, pagsubaybay, at pag-uulat ng dengue at leptospirosis sa gitna ng pagdami ng mga kaso ng sakit dulot ng malalakas na ulang habagat at mga bagyo.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/31/deped-pinatindi-ang-mga-proto…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinakilos ni Education Secretary Sonny Angara ang mga pamilya bilang pangunahing depensa ng bansa laban sa mga banta sa loob ng kampus sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga programa upang gawing katuwang ang mga magulang at guardian sa pagprotekta sa mga mag-aaral, paghubog ng kagandahang-asal, at pagsugpo sa bullying.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/31/angara-sa-mga-magulang-pamily…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Basahin ang opisyal na pahayag ng Department of Education hinggil sa insidenteng kinasasangkutan ng mga mag-aaral ng Pinget National High School sa Baguio City.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Upang higit pang mapalawig ang malaking pag-unlad sa pagbasa noong SY 2025–2026, pagtitibayin pa ng #depedphilippines ang pagpapatupad ng #aral Program. 📘🍎
Batay sa independent evaluation ng Youth Impact at World Bank, nagpakita ang ARAL Program ng positibong resulta sa pag-unlad ng reading proficiency ng mga learner.
Malaki na ang ating naging progreso, ngunit patuloy pa rin tayo sa ating misyong isulong ang learning recovery sa bansa. 📈
Narito ang buong ulat: www.youth-impact.org/insights/aral-oped
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Kasunod ng malaking pag-unlad sa pagbasa noong School Year (SY) 2025–2026, kung saan nabawasan ng 4.5 milyon ang mga mag-aaral na nahihirapang magbasa at nasa 2.5 milyong mag-aaral ang umabot sa tamang antas para sa kanilang baitang, isinusulong ngayon ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatibay sa pagpapatupad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program batay sa resulta ng isang bagong independent impact evaluation.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/28/angara-patitibayin-ang-aral-p…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas mabilis at mas akmang desisyon para sa kaligtasan ng learners!
Ibinahagi ni Usec. Malcolm Garma, kung paano makatutulong ang Project LIGTAS+ sa mga LGU sa pagdedesisyon sa suspensyon ng klase.
Dahil nakaayon sa aktuwal na sitwasyon ng paaralan ang datos mula sa platform, mas maagap at angkop ang mga hakbang para sa kaligtasan ng learners at school communities lalo na sa panahon ng kalamidad.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Salamat sa ating mga Pinoy scientist!
Ipinagmalaki ni Education Secretary Sonny Angara ang mga social scientist at data scientists na katuwang ng DepEd sa pagbuo ng Project LIGTAS+, ang bagong AI-enabled multi-hazard analytics at risk management platform ng DepEd.
Sa pamamagitan ng LIGTAS+, mas naaayon sa pangangailangan ang pagtugon upang mapalakas ang school safety at disaster preparedness.
#projectligtas #schoolsafety #depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
One map. Every school. Every hazard. 🏫🛡️
Narito na ang LIGTAS+, isang AI-powered platform na nagbibigay ng real-time at school-specific na hazard i tungkol sa mga hazard at panganib sa bawat paaralan.
Mas mabilis, tiyak, at naaayon sa pangangailangan ang pagtugon upang higit na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga learner habang sinisiguro ang tuloy-tuloy na pagkatuto.
🔗 I-access ang LIGTAS+ dito: ligtas.cair.ph
#projectligtas+ #schoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Pinabilis ni Education Secretary Sonny Angara ang pagre-recruit at pagtatalaga ng 10,000 School Counselor Associates (SCA) sa buong bansa upang suportahan ang mental health ng mga mag-aaral matapos ang mga kamakailang insidente ng karahasan sa mga kampus.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/27/deped-target-na-maitalaga-ang…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nagpahayag si Education Secretary Sonny Angara ng buong suporta para sa Senate Bill No. 2426, o ang panukalang Comprehensive School Safety Act, na inihain ni Senate Committee on Basic Education Chairman Senator Bam Aquino.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/27/angara-sinuportahan-ang-compr…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Maraming salamat sa Philippine Pediatric Society, Inc. (PPS), Philippine Psychiatric Association (PPA), at Philippine Society for Child and Adolescent Psychiatry (PSCAP) sa pagbabahagi ng kanilang mahahalagang pananaw at rekomendasyon sa ating School Safety Drills.
Kasama ang ating mga katuwang na eksperto, patuloy na isusulong ng DepEd ang mga safety drill na ligtas, makatao, at nakasentro sa kahandaan at kapakanan ng bawat bata at kawani.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pinangunahan ng Department of Education (DepEd) ang paglulunsad ngayong araw ng Project LIGTAS+ (Learning Institution Geohazard Tracking and Assessment for Safety), isang AI-enabled multi-hazard analytics at risk management platform na binuo ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) katuwang ang Education Center for AI Research (ECAIR).
Layunin ng Project LIGTAS+ na mapabilis ang paghahanda, matukoy agad ang mga lugar na maaaring maapektuhan, at makapagpatupad ng angkop na mga hakbang bago pa man dumating ang sakuna.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inihayag ni Education Secretary Sonny Angara ang pagpapatupad ng isang hybrid campus security framework kung saan pagtutulungan ng mga school guard, barangay tanod, patrol ng pulisya, at mga makabagong surveillance tool ang pagpapanatili ng kaligtasan sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/25/angara-hybrid-security-model-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Hinihiling ng Department of Education (DepEd) ang isang permanenteng at nakalaang line-item allocation sa pambansang badyet para sa Fiscal Year 2027 upang matugunan ang mga kakulangan sa kaligtasan sa basic education system.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/24/deped-humiling-ng-nakalaang-2…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inilahad ni Education Secretary Sonny Angara ang estratehiya ng Department of Education (DepEd) sa pagtugon sa sakuna sa isang situation briefing na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Pampanga, kasunod ng malawakang pinsala sa mga pasilidad ng edukasyon na dulot ng pinalakas na habagat at mga bagyo kamakailan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/24/angara-mahigit-9500-silid-ara…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Basahin ang advisory hinggil sa pagpapaliban ng Nationwide Simultaneous School Safety Drill for Active Attack Incidents sa susunod na linggo.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nakikipag-ugnayan ang Department of Education (DepEd) sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng DOH at DSWD, gayundin sa mga guidance counselor associations, upang palawakin ang peer counseling program sa mga paaralan.
Layunin ng programa na bigyang-kakayahan ang mga kabataan na maging mas aktibong katuwang sa pag-abot, pakikinig, at pag-unawa sa kanilang kapwa mag-aaral—at makatulong sa pagbuo ng mas ligtas, maalaga, at supportive na school environment.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pagpapanatili ng ligtas na paaralan, bahagi ng ating pananagutan ang responsableng pagbabahagi ng impormasyon online.
Sa bawat post, larawan, o video na ibinabahagi, isipin natin ang epekto nito sa mga learner, guro, at pamilyang maaaring apektado ng isang insidente.
Basahin ang artikulo ni Cecile Baltasar ng The Philippine Star tungkol sa responsableng pagbabahagi ng impormasyon: philstarlife.com/news-and-views/230080-think-twice-before…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bilang suporta sa direktiba ni Education Secretary Sonny Angara, nagkaisa ang mga pamayanan ng paaralan sa ilalim ng Department of Education (DepEd) Zamboanga City na palakasin ang kanilang shared governance network at lokal na pakikipag-ugnayan para patatagin ang seguridad sa kampus at tiyakin ang kapakanan ng mga mag-aaral at guro, kasunod ng naganap na karahasan sa isang paaralan sa lungsod kamakailan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/21/mga-komunidad-ng-paaralan-ng-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ilang linggo na ang nakalipas nang makipagpulong si Education Secretary Sonny Angara kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang upang talakayin ang pagpapalakas ng school safety at kahandaan sa pagharap sa mga banta sa seguridad ng ating mga kabataan.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng bawat sektor sa pagprotekta sa kabataan. Kaya naman, patuloy na pinalalakas ng DepEd ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya at katuwang upang matiyak ang ligtas at supportive na learning environment.
#schoolsafety #depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Personal na ininspeksyon ni Education Secretary Sonny Angara ngayong Huwebes ang mga pampublikong paaralan sa Negros Island Region (NIR) upang suriin ang mga protocol sa kaligtasan ng kampus, alamin ang kondisyon ng mga pasilidad, at direktang makipag-ugnayan sa mga guro at mag-aaral.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/20/angara-nakipag-ugnayan-sa-sch…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Bumisita sa Bais City National High School sa Negros Oriental ngayong araw si Education Secretary Sonny Angara upang makita ang pagpapatupad ng school safety measures sa paaralan.
Nakipagdayalogo rin si Sec. Angara sa mga guro at mag-aaral upang mapakinggan ang kanilang mga concern at pananaw sa pagpapaigting ng kaligtasan at well-being sa paaralan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Matapos mapaulat ang insidente ng active shooting sa Zamboanga City, agad na nakipag-ugnayan ang DepEd sa paaralan, awtoridad, SDO at LGU para matukoy at maihanda ang mga kinakailangang tugon.
Personal ding nagtungo si Education Secretary Sonny Angara sa Zamboanga City upang makinig, makipagdayalogo, at maghatid ng suporta sa school community.
Sa gitna ng pangamba at pagdadalamhati, patuloy ang pagkilos ng DepEd katuwang ang mga ahensya ng pamahalaan para sa pagbibigay ng tamang suporta.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang mga emergency intervention effort sa Zamboanga City nitong Miyerkules kasunod ng nangyaring pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School.
Nanawagan din siya sa buong komunidad na magpatupad ng whole-of-nation approach para sa kaligtasan sa mga kampus at sa kapakanan ng kabataan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/19/angara-iginiit-ang-pagkakaisa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nagtungo si Education Secretary Sonny Angara sa Ateneo de Zamboanga University upang makipagpulong sa pamunuan ng paaralan.
Kasama ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng DSWD at DOH at mga organisasyon, isasagawa na rin ang Psychological First Aid at psychosocial support sa mga mag-aaral, pamilya, at school personnel na nangangailangan nito.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nasa Zamboanga City ngayong araw si Education Secretary Sonny Angara, kasama sina Ateneo de Zamboanga University President Fr. Guillrey Anthony M. Andal, SJ, mga opisyal ng LGU Zamboanga City, at PNP para sa situation briefing kasunod ng naganap na insidente ng pamamaril sa pribadong paaralan.
Kasama ang iba pang opisyal ng DepEd, nagpaabot si Sec. Angara ng pakikiramay sa paaralan, komunidad, mga pamilya ng mga biktima, at iba pang indibidwal na naapektuhan ng insidente.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Ka-DepEd, sa panahon ng pagsubok, piliin natin ang malasakit at paggalang.
Nananawagan ang Department of Education (DepEd) sa media, vloggers, content creators, at sa publiko na iwasang mag-post, magbahagi, o magpalaganap ng mga video, larawan, at iba pang sensitibong materyal kaugnay ng naganap na pamamaril sa isang pribadong paaralan sa Zamboanga City.
Sa panahong ito, igalang at protektahan natin ang mga biktima at kanilang mga pamilya. Huwag na nating dagdagan ang bigat na kanilang nararamdaman sa muling pagpapakalat ng mga sensitibong nilalaman.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Basahin ang opisyal na pahayag ng Department of Education (DepEd) sa napaulat na insidente ng pamamaril sa isang pribadong paaralan sa Zamboanga City.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pag-abot ng pinalawak na School-Based Feeding Program (SBFP) sa 4.6 milyong benepisyaryo—kabilang ang lahat ng mag-aaral sa Kindergarten at Grade 1—pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang mga paraan upang maipamahagi sa mga paaralan ang mga angkop na labis na gulay, batay sa mga alituntunin sa food safety at ng programa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/17/deped-naghahanap-ng-paraan-pa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ngayong Lunes ang paggawad ng Department of Education (DepEd) Heroes Award sa pumanaw na 15-anyos na Boy Scout na si Chris Lorenz Fabian, isang mag-aaral sa Grade 10 mula sa San Jose National High School (SJNHS) sa Tacloban City, pati na rin sa mga guro at kawani ng paaralan dahil sa kanilang pambihirang tapang sa gitna ng pamamaril sa kanilang kampus noong Hunyo 22.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/17/angara-pinarangalan-ang-nasaw…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ang Alternative Learning System (ALS) ay isa sa mga programa ng #depedphilippines na naglalayong matulungan ang mga out-of-school youth at adults na ipagpatuloy ang kanilang edukasyon — tulad ng salt vendor na si Lola Lolita.
Matapos mahinto sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay, nagpasya siyang bumalik sa eskwelahan noong 2019. Sa kabila ng mga pagsubok tulad ng kanyang katarata, isang aksidenteng iniwan siyang bedridden ng isang taon, pati na rin ang pandemya, nakapagtapos siya ng Junior High School sa pamamagitan ng ALS. Tinuloy niya ito hanggang Senior High School, at ngayon ay isa na siyang college student sa University of Rizal System - Angono.
Ang buong kuwento ni Lola Lolita, panoorin sa video:
🎥 www.facebook.com/reel/1135639778878736
#kuwentongdeped #alternativelearningsystem #seniorhighschool #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Naglunsad ang Department of Education (DepEd) ng mabilisang disaster response operations at naglatag ng mga agarang pangangailangan sa pagbangon kasunod ng matinding abala sa klase dulot ng habagat, na pinalakas ng Bagyong Maymay.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/14/deped-nagsagawa-ng-clearing-o…
#depedphilippines #bagongpilipinasbagongmukha -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ng Department of Education Schools Division Office (SDO) ng General Santos City ang muling pagbubukas ng mga face-to-face na klase sa mga pampublikong paaralang elementarya at sekundarya nitong Huwebes, Agosto 13.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/14/deped-pinangunahan-ang-ligtas…
#depedphilppines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Paalala, Ka-DepEd! 📢
Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng ATM payroll card bilang collateral sa loan.
Maging mapanuri at gumamit lamang ng lehitimo at awtorisadong loan facilities.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Malugod na tinanggap ni Education Secretary Sonny Angara ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na alisin ang expiration period ng service credits na natatanggap ng mga guro sa pampublikong paaralan tuwing naglilingkod sa halalan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/12/angara-pinuri-ang-pag-alis-ng…
#depedphilppines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Binisita ni Education Secretary Sonny Angara, kasama si Cong. Roman Romulo, ang Santolan Elementary School sa Pasig City ngayong araw upang tingnan ang sitwasyon ng paaralan matapos itong pansamantalang magsilbing evacuation center nitong mga nakaraang araw dahil sa pananalasa ng Habagat.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
USAPANG DEPED | Ka-DepEd, patuloy na pinahahalagahan ng Department of Education (DepEd) ang kapakanan at kagalingan ng ating mga guro at kawani.
Kaugnay nito, narito ang paglilinaw sa pag-avail ng Wellness Leave ng mga guro sa panahon ng class days, alinsunod sa DepEd Order No. 002, s. 2026.
Basahin ang buong detalye dito:
www.deped.gov.ph/2026/08/10/august-10-2026-memorandum-cla…
#depedphilippines #bagongpilipinas #usapangdeped -
DepEd
@DepEd_PH
Kasunod ng matagumpay na paglulunsad ng nationwide roadshow sa Bacolod City para sa Visayas cluster, dinala ng Department of Education (DepEd) ang 2026 Adopt-A-School Program (ASP) Caravan sa Mindanao nitong Martes upang higit pang mapalakas ang suporta ng pribadong sektor para sa kaligtasan at seguridad ng mga pampublikong paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/11/deped-pinalawak-ang-adopt-a-s…
#depedphilppines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinaigting ng Department of Education (DepEd) ang emergency learning measures nito habang naaantala ang klase sa Metro Manila at ilang lalawigan dahil sa malalakas na ulan dulot ng Southwest Monsoon, kasabay ng paalala sa schools at field offices na gamitin ang Education in Emergencies framework upang maprotektahan ang learners, teachers, at school personnel.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/10/deped-pinaigting-ang-emergenc…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
🔴🟠🟡🟢
Upang matiyak ang kaligtasan ng mga learner, teacher, at school personnel, habang tuloy ang pagkatuto, pinaaalalahanan ng #depedphilippines ang mga paaralan na gamitin ang ating Education in Emergencies framework.
Sa ilalim ng 4H safety protocol, maaaring HINTO, HINGA, HINAY o HAYO ang ipatupad batay sa kaligtasan, kahandaan ng learners, available resources, at lokal na kondisyon.
Stay safe and dry, mga ka-DepEd! ☔️
#bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
BASAHIN: Situation Report hinggil sa epekto ng #bagyongmaymay at #habagat, ayon sa pinakahuling datos ngayong Agosto 9, 2026, 5:00 PM.
#depeddrrms #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang inagurasyon ng tatlong bagong pasilidad na may kabuuang 48 silid-aralan sa Marcial O. Rañola Memorial School (MORMS) ngayong Biyernes, upang wakasan ang matagal nang tatlong-shift na sistema ng klase para sa halos 7,000 mag-aaral nito.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/08/angara-pinasinayaan-ang-48-cl…
#depedphilppines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
The Department of Education wishes to address the recirculating April 2023 PTV News report regarding the proposed merger of Araling Panlipunan and MAPEH into "SIKAP."
We clarify that this news item reflects outdated discussions from 2023 and does not represent current policy. Furthermore, under the revised K to 10 (MATATAG) Curriculum, Makabansa is a distinct, foundational learning area for Key Stage 1 (Grades 1 to 3)—it is NOT a combination or merger of Araling Panlipunan and MAPEH. Rather, it uses a holistic, transdisciplinary approach to foster self-awareness, cultural appreciation, and civic understanding in young learners.Starting in Grade 4, Araling Panlipunan and MAPEH (Music & Arts, PE & Health) continue to be taught as separate and distinct learning areas.
We urge the public to practice critical thinking, check context, and verify release dates before sharing content online.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Approved na ang hanggang 7-year loan repayment!
Ka-DepEd, mas pinalawak na ang loan repayment period hanggang 7 taon sa ilalim ng DepEd Order 020, s. 2026, alinsunod sa BSP Circular No. 1239. Layunin nitong mabawasan ang buwanang hulog at makapagbigay ng mas malaking financial relief sa ating mga kawani.
Tugon din ito sa panawagan ng ating mga guro at personnel upang mas mapagaan ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay habang patuloy na naglilingkod sa edukasyon.
Para sa kumpletong detalye, basahin ang DO 020, s. 2026: www.deped.gov.ph/2026/08/07/august-7-2026-do-020-s-2026-r…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inaprubahan ni Education Secretary Sonny Angara ang pagpapalawig sa maximum loan repayment period para sa mga tauhan ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng Automatic Payroll Deduction System (APDS) mula sa limang taon tungong pitong taon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/07/angara-ginawang-7-taon-ang-lo…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ikinagalak ni Education Secretary Sonny Angara ang pagsabatas ng Republic Act No. 12322 na nag-update sa probisyon ng Enhanced Basic Education Act of 2013, o Republic Act No. 10533, kaugnay ng mga pamamaraan ng pagtuturo sa basic education.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/07/angara-itinaguyod-ang-bagong-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang mass oath-taking ceremony ng 5,354 bagong promote at reclassified na mga guro at school heads sa Camarines Sur Freedom Sports Complex nitong Biyernes, na nagmarka ng mahalagang milestone para sa career progression sa rehiyon ng Bicol.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/07/angara-pinangunahan-ang-mass-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang Oath-Taking Ceremony ng 5,354 na bagong na-promote at na-reclassify na mga guro at school heads mula sa limang distrito ng Camarines Sur.
Binigyang-diin ng DepEd at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Sur ang kanilang patuloy na pagtutulungan upang suportahan ang pag-unlad ng mga guro at school heads at higit pang mapataas ang kalidad ng edukasyon sa lalawigan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nagsimula nang magsidatingan sa Camarines Sur Freedom Sports Complex ang mga bagong na-promote at na-reclassify na mga guro at school heads mula sa limang distrito ng Camarines Sur para sa kanilang oath-taking ceremony ngayong araw.
Pangungunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang seremonya bilang pagkilala sa kanilang promosyon at patuloy na paglilingkod sa Kagawaran ng Edukasyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa ARAL TutorKo, mas madali at malinaw ang sistema para sa mga guro at paaralan ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program — mula tutor application hanggang session monitoring! 💻
Para sa mga interesadong mag-apply bilang #aral Tutor, maaari nang gamitin ang bagong web-based platform na ito:
🔗 apply.araltutorko.org
Para naman sa general access, bisitahin:
🔗 main.araltutorko.org
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Inilunsad ng Department of Education (DepEd) nitong Miyerkoles sa Putatan Elementary School ang ARAL TutorKo, isang web-based tutoring management platform na layong gawing mas mabilis, maayos, at efficient ang tutor application, onboarding, deployment, attendance monitoring, at session tracking sa ilalim ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/06/deped-inilunsad-ang-aral-tuto…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Hinimok ni Education Secretary Sonny Angara ang mga komunidad na harapin ang mabigat na katotohanan ng pagdami ng baril na malapit sa mga bata, habang binibigyang-diin ang magkasamang pananagutan ng mga tahanan at paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/05/deped-nanawagan-ng-mas-mahigp…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nilagdaan na nina Education Secretary Sonny Angara at Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng R.A. 12199 o Early Childhood Care and Development (ECCD) System Act.
Sa ceremonial signing na ginanap sa Quezon City Reception House, in-operationalize ang estratehiya ng pamahalaan sa pagpapalawak ng access sa kalusugan, nutrisyon, at de-kalidad na maagang edukasyon para sa mga batang mula pagsilang hanggang 8 taong gulang.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mga ka-DepEd, naririnig namin ang inyong mga saloobin. Nais man naming agad maibigay ang hiwalay na kompensasyon sa mga gurong magsisilbing #aral Tutors, kinakailangan nito ng malinaw na legal authority at kaukulang pondo.
Kaya naman humihingi ang #depedphilippines ng gabay at suporta mula sa Kongreso, at patuloy tayong makikipag-ugnayan sa concerned agencies upang palakasin at gawing patas ang pagpapatupad ng ARAL — hindi lamang para sa mga learner, kundi pati sa mga guro.
#bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Kinikilala ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang ating mga DepEd teachers na buong pusong naglaan ng oras at pagsisikap bilang ARAL Tutors upang matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagbasa at pagsulat.
Bilang pagkilala sa mahalagang tungkuling ito, nais naming matiyak na malinaw sa inyo ang mga benepisyo at kompensasyong maaari ninyong matanggap, alinsunod sa ARAL Program Act at umiiral na mga patakaran.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Naglaan ang Department of Education (DepEd) ng PHP2,289,250,000 sa ilalim ng School Innovation and Improvement Fund (SIIF) para sa Fiscal Year (FY) 2026 upang bigyan ng direktang pondo ang mga pampublikong paaralang hindi pa fiscally autonomous para sa mga proyektong pang-literacy at numeracy.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/04/deped-naglaan-ng-p2-28-b-inno…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinuri ni Education Secretary Sonny Angara ang Philippine National Police (PNP) sa mabilis na pag-aresto sa mga indibidwal na nasa likod ng mga gawa-gawang banta online sa seguridad ng mga paaralan.
Binigyang-diin ng Kalihim na may kaakibat na parusang legal at administratibo ang mga ganitong uri ng panloloko online, bilang bahagi ng pangkalahatang pagtutulungan ng lipunan para sa kaligtasan ng mga kampus.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/08/03/angara-pinuri-ang-pnp-sa-pagd…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Basahin ang opisyal na pahayag ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) kaugnay sa hiwalay na procurement ng lapel at laptops para sa ating mga guro.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na bukod sa pagtatapos sa pag-aaral, dapat ding kilalanin ang mga praktikal na kasanayan sa pang-araw-araw na buhay.
Ito ay matapos kilalanin ng Department of Education (DepEd) at UNICEF Philippines ang 313 Alternative Learning System (ALS) learners mula sa Misamis Oriental na matagumpay na nagpamalas ng mahahalagang life skills sa ilalim ng pilot ALS Micro-Certification initiative.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/31/als-learners-sa-misamis-orien…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inihayag ni Education Secretary Sonny Angara na inihahanda na ng Department of Education (DepEd) ang mga pangunahing tanggapan nito para sa pagpapatupad ng Republic Act No. 12321, o ang Last Mile and Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) Schools Act.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/29/angara-inihahanda-na-ng-deped…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pagtatapos ng Nutrition Month, nakipagkasundo ang Department of Education (DepEd) at Abbott upang matulungang masolusyunan ang malnutrisyon ng mga bata sa bansa sa pamamagitan ng Nutrition and Growth Champions Program.
Ang nasabing programa ay isang inisyatibong naglalayong patibayin ang screening laban sa malnutrisyon at pagpapalawak ng kaalaman sa nutrisyon sa mga paaralan at komunidad.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/31/angara-namuno-sa-pagtutulunga…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Partner for Better Schools.
Mas madali nang makahanap ng paaralan o programang nais suportahan sa bagong Adopt-A-School Program Platform ng DepEd. Tampok dito ang mas maayos na donor matching, real-time project monitoring, at mas episyenteng pagproseso ng tax incentives para sa mga kwalipikadong partner.
Tuklasin ang mga bagong feature ng platform at alamin kung paano maging bahagi ng mas maraming oportunidad para sa ating mga pampublikong paaralan at mga mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Upang higit pang palawakin ang pakikilahok ng pribadong sektor at matugunan ang kakulangan sa mga pasilidad sa batayang edukasyon, inilunsad ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes ang bago nitong Adopt-A-School Program (ASP) Platform sa Visayas leg ng pambansang ASP roadshow.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/30/deped-inilunsad-ang-adopt-a-s…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mahigpit na pinoprotektahan ng Department of Education (DepEd) ang integridad ng Senior High School Voucher Program (SHS-VP).
Malinaw ang mensahe: mananagot sa batas ang sinumang aabuso sa mga programang pang-edukasyon ng pamahalaan.
Patuloy na poprotektahan ng DepEd ang pondo ng bayan at titiyaking ang tulong sa edukasyon ay mapupunta sa mga mag-aaral na tunay na nangangailangan.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Kinumpirma ni Education Secretary Sonny Angara na sinentensiyahan ng Regional Trial Court sa National Capital Region noong Hulyo 28, 2026 ang isang indibidwal na nagtangkang mandaya sa Senior High School Voucher Program (SHS-VP) ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga pekeng billing statement.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/29/rtc-hinatulan-ang-akusado-na-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas pinalapit ang oportunidad, mas pinadali ang unang hakbang. 💼
Sa pamamagitan ng mga Job Fair, nagkaroon ng pagkakataon ang mga graduating Senior High School students na makilala ang mga employer at mga serbisyong makatutulong sa kanilang paghahanap ng trabaho.
Kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan at mga katuwang na organisasyon, patuloy nating pinapalawak ang access sa mga oportunidad at pinapadali ang paglipat ng ating mga graduates mula sa paaralan tungo sa mundo ng trabaho.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Mahigit 80,000 guro at school heads ang umangat na! 🎉
Sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP), mas maraming guro ang nabibigyan ng nararapat na promosyon, pagkilala, at mas malinaw na landas sa kanilang propesyon.
Sa suporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patuloy nating pinauunlad ang mga programa para sa kapakanan ng mga guro, upang mas marami pa ang umangat at matiyak na walang maiiwan.
#sona2026 #depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Patuloy na isinusulong ng DepEd at ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga repormang nagbibigay ng konkretong benepisyo sa bawat mag-aaral at guro.
Ngayong 2026 State of the Nation Address (SONA), patuloy ang pagpapaunlad ng basic education, mula sa mas pinalakas na suporta para sa mga guro at mag-aaral hanggang sa maraming silid-aralan at digital learning resources
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Ipinaalala ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), ang kahalagahan ng shared responsibility ng buong lipunan sa paggabay sa ating mga mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nanawagan si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) na mas paigtingin pa ng bawat isa, bilang komunidad, ang pag-protekta sa ating mga mag-aaral mula sa mga nakapipinsalang impluwensya.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Itinampok din ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ang tulong ng public-private partnerships (PPPs) sa pagtatayo ng classrooms.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-halaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ang pagtutulungan ng iba't ibang ahensya upang mapabilis ang pagtatayo ng classrooms.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ibinahagi rin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), ang paghahanda para sa pagpasok ng unang batch ng sampung libong School Counselor Associates sa mga pampublikong paaralan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), siniguro ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga barangay, PNP, at DepEd para sa kaligtasan at emergency response ng mga paaralan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Tampok din sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang patuloy na pagsasagawa ng mas pinalawak na School-Based Feeding Program (SBFP) at kung paano ito nakatutulong sa nutrisyon at pag-aaral ng ating mga mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), na ang edukasyon pa rin ang nananatiling prayoridad ng administrasyon at kanya ring binigyang-diin ang kahalagahan ng lifelong learning at patuloy na self-improvement.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinahalagahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), ang patuloy na pagpapalakas ng Senior High School (SHS) curriculum na nakatuon sa work immersion.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), binalikan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang pangako ng administrasyon sa agarang promosyon ng ating mga guro.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Tampok sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang naging magandang bunga ng naganap na Nationwide Job Fair nitong nagdaang Labor Day, Mayo 1.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-halaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ang programang "Sa ’Pinas, Ikaw ang Ma’am at Sir" (SPIMS), isang reintegration initiative na nag-uugnay sa repatriated OFWs at oportunidad sa pagtuturo sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
⚠️PAALALA: Mag-ingat sa mga scammer na nagpapanggap na kinatawan ng DepEd Central Office at ginagamit ang pangalan ng matataas na opisyal upang manghingi ng pera.
Tandaan, hindi humihingi ng pera o GCash ang DepEd para sa anumang kaso. Sumangguni agad sa inyong Schools Division Office o kinauukulang tanggapan para i-verify ang anumang kahina-hinalang mensahe o tawag.
Manatiling mapagmatyag. Huwag magpaloko sa mga scammer.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Upang matugunan ang matagal nang kakulangan sa mental health services ng mga mag-aaral, pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang opisyal na pagpapatupad ng pambansang recruitment para sa 10,000 posisyon ng School Counselor Associate I (SCA I) sa buong Kagawaran ng Edukasyon (DepEd).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/24/angara-pinabilis-ang-hiring-n…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Patuloy na pinagtitibay ng Department of Education (DepEd) ang mabuting pamamahala, pananagutan, at tamang paggamit ng pondo para sa kapakanan ng bawat mag-aaral, guro, at paaralan.
Bawat reporma ay hakbang tungo sa mas mahusay, mas tapat, at mas responsableng serbisyo publiko.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas pinabuti ng Department of Education (DepEd) ang pagsunod sa mga rekomendasyon ng Commission on Audit (COA) matapos nitong maresolba ang 83% ng mga nakabinbing audit findings noong 2025, mula sa 52% noong nakaraang taon, sa gitna ng pagpapatupad ng mga reporma sa pamamahala sa ilalim ni Education Secretary Sonny Angara.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/24/deped-nakamit-ang-clean-audit…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pagbangon para sa bawat bata 💙
Noong Hunyo 8, niyanig ng malakas na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao. Kasabay ng pinsala, naapektuhan din ang pag-aaral ng maraming bata.
Mahigit isang buwan pa lang ang lumipas, unti-unti nang bumabangon ang mga apektadong paaralan. Sa Romana C. Acharon Central Elementary School sa GenSan, itinatayo na ang limang prefabricated Learning Continuity Spaces, mga silid-aralang naghihintay sa pagbabalik ng mga bata.
Patuloy ang ating pagtugon hanggang sa bawat bata ay makabalik sa ligtas na silid-aralan.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Attention, teacher-coaches and student achievers!
Sa Government Assistance and Subsidies – Training and Upgrading Knowledge for Learners, Teachers, and Achievers in Schools (GAS-TUKLAS), mas maraming mag-aaral at teacher-coaches ang mabibigyan ng pagkakataong maipakita ang kanilang husay at maipagmalaki ang Pilipinas sa mga pambansa at pandaigdigang kompetisyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Inilabas ni Education Secretary Sonny Angara ang mga alituntunin para sa pilot implementation ng Government Assistance and Subsidies-Training and Upgrading Knowledge for Learners, Teachers, and Achievers in Schools (GAS-TUKLAS) Program para sa School Year (SY) 2026–2027.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/23/angara-naglabas-ng-gas-tuklas…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni First Lady Louise Araneta-Marcos ang inspeksyon sa mga disaster-resilient prefabricated Learning Continuity Spaces (LCS) ng Department of Education (DepEd) sa Romana C. Acharon Central Elementary School.
Binigyang-diin sa aktibidad ang mabilis na paglalatag ng imprastraktura ng administrasyon upang muling maibalik ang face-to-face classes matapos ang mapaminsalang lindol na nakasentro sa Sarangani.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/21/first-lady-deped-ininspeksyon…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pormal nang inilunsad nina Education Secretary Sonny Angara at Australian Foreign Affairs Minister Penny Wong ang AUD40 milyon (PHP1.6 bilyon) Education Quality for Inclusive Prosperity (EQUIP) program sa Mariano Marcos Memorial High School sa Maynila.
Layunin ng makasaysayang limang taon na pagtutulungan na maihanay ang senior high school system ng bansa sa mga makabagong pangangailangan ng industriya.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/21/angara-inilunsad-ang-p1-6b-de…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara, kasama sina Australian Foreign Minister Senator Penny Wong at TESDA Secretary Kiko Benitez, ang opisyal na paglulunsad ng Education Quality for Inclusive Prosperity (EQUIP) Program sa Mariano Marcos Memorial High School sa Maynila.
Layon ng EQUIP na suportahan ang Strengthened Senior High School (SHS) Curriculum sa pamamagitan ng work immersion, industry partnerships, career guidance, at skills certification upang mas maihanda ang mga Senior High School learners para sa mga oportunidad sa iba't ibang industriya.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara, kasama ang iba pang miyembro ng Gabinete, ang isang on-ground assessment sa mga labis na napinsalang paaralan sa Davao Occidental.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/20/angara-gabinete-pinabilis-ang…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pormal na lumagda rin ngayong araw ang DepEd, Commission on Higher Education(CHED), at TESDA sa Revised Joint Memorandum Circular para sa Board of Curriculum Standards and Discipline at Sector Skills Councils at Guidelines for Learning Initiatives for Nurturing Guidance Associates and Counselors Program (LINGAP) for DepEd personnel.
Sinundan din ito ng paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng tatlong education agencies at Analytiks, Inc. para sa Phase 1 ng Project TAHANAN, bilang bahagi ng patuloy na pagtutulungan para sa pagpapatupad ng naturang inisyatiba.
#depedphilippines #bagongpilipinas See less -
DepEd
@DepEd_PH
Inilunsad ngayong araw sa 3rd Joint Education Trifocal Management Committee meeting ang inisyatibang One Education Cluster na naglalayong patibayin sa ilalim ng iisang sistema ang mga reporma sa basic education, higher education, technical-vocational education, at workforce development.
Magiging operational ang sistema ng One Education Cluster sa pamamagitan ng Education Workforce and Development Group (EWDG) kung saan kabilang ang DepEd, CHED, at TESDA pati na rin ang DEPDEV, DOLE, at DMW.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/17/deped-ched-tesda-inilunsad-an…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pinangunahan nina DepEd Secretary Sonny Angara, TESDA Secretary Kiko Benitez, at CHED Chairperson Shirley Agrupis ang paglulunsad ng One Education Cluster kasabay ng idinaraos na 3rd Joint Education Trifocal Management Committee (JETMC) Meeting sa Baler, Aurora.
Nakatakda ring ilunsad ngayong araw ang iba pang education initiatives tulad ng Education Reform Fellowship at Project UGNAY ng ECAIR.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Hindi lamang nakatuon sa mga active attack drills ang Department of Education (DepEd) kundi binibigyang-prayoridad din nito ang pagpapalawak ng mga programa sa mental health at sistema ng pag-uulat para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/16/deped-tututok-din-sa-mental-h…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa paglulunsad ng National Safe Schools Summit and Safety Drill, inihayag ng Philippine National Police - Special Action Force sa pamumuno ni Acting Director PBGen Paul Kenneth Lucas ang buong suporta sa Department of Education sa pagpapatupad ng mga inisyatiba na nagsusulong sa seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani sa paaralan.
Larawan mula PNP Special Action Force Facebook Page
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mahalaga para kay Csyrich Amorin ng Manila Science High School, ang pagsasagawa ng active threat simulation drill upang maihanda sa sitwasyon ang mga mag-aaral at masiguro ang kaligtasan ng lahat sa panahon ng panganib.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Maligayang Kaarawan, Sec. Sonny!🎉
Salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at buong-pusong pamumuno sa pagsusulong ng dekalidad at inklusibong edukasyon para sa bawat batang Pilipino.
Hangad namin ang mas marami pang biyaya, mabuting kalusugan, at tagumpay sa inyong patuloy na paglilingkod.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ibinahagi ni Teacher Mary Jill Marzan ang halaga ng pagiging kalmado at handa ng mga guro sa oras ng emergency upang maging mabuting halimbawa at magabayan ang mga mag-aaral sa tamang pagtugon sa anumang panganib.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan, mga paaralan, at iba’t ibang sektor upang matiyak ang kaligtasan at kahandaan ng bawat learner sa National Safe Schools Summit and Safety Drill.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Isinagawa ng Department of Education (DepEd) ngayong Miyerkules ang pilot implementation ng mga simulation drill para sa active threat sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. Layon nitong subukin ang mga emergency response protocol at paigtingin ang seguridad sa loob ng mga campus.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/15/deped-naglunsad-ng-nationwide…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara nitong Martes na ang pamumuhunan sa pagpapaunlad ng sports ay isang mahalagang estratehiya upang itaguyod ang well-being at disiplina ng mga mag-aaral, gayundin sa pagbuo ng mas ligtas at mapagkalingang mga komunidad ng paaralan sa buong bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/14/pbbm-angara-pamumuhunan-sa-sp…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara, kasama si National Academy of Sports Executive Director Francis Carlos Diaz, ang inspeksyon sa mga pasilidad ng National Academy of Sports (NAS) sa New Clark City.
Kasama sa isinagawang inspeksyon ang paghahanda para sa full operationalization ng Phase 2 facilities ngayong SY 2026–2027, kabilang ang Gymnastics Hall, Sports Performance Building, at Staff Residences.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pamamagitan ng learner-centered, future-oriented, at evidence-based na mga hakbang, patuloy na kumikilos ang DepEd kasama ang buong education sector upang matugunan ang learning crisis sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kinilala ng Department of Education (DepEd) ang Filipino learners, coaches, mentors, at schools na nagbigay-karangalan sa bansa matapos mag-uwi ng multiple championship titles, podium finishes, at special awards sa international robotics at science competitions.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/13/deped-kinilala-ang-ph-student…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinaigting ng Department of Education (DepEd) ang mga hakbang sa rehabilitasyon ng mga paaralang naapektuhan ng Bagyong Inday at Habagat, habang patuloy ding pinatatatag ang kahandaan ng mga paaralan at komunidad na nasa paligid ng Bulkang Kanlaon, alinsunod sa Education in Emergencies (EiE) Policy upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at ang tuloy-tuloy na pagkatuto sa panahon ng sakuna.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/13/deped-tinutukan-ang-maagang-r…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Basahin ang opisyal na pahayag ng Kagawaran ng Edukasyon kaugnay ng pagkasawi ng isang Grade 4 learner mula sa Trece Martires City, Cavite.
Basahin din ang opisyal na pahayag ng Hugo Elementary School-Annex dito: www.facebook.com/share/p/1LsLphSvsp/
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary at Philippine Qualifications Framework-National Coordinating Council (PQF-NCC) Chair Sonny Angara ang paglagda sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Lifelong Learning Development Framework (LLDF) Act o Republic Act No. 12313.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/10/pqf-council-sa-pamumuno-ni-an…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Taus-puso tayong nagpapasalamat sa patuloy na tiwala at suporta ng publiko sa pamumuno ni Education Secretary Sonny Angara bilang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.
Masisilbing inspirasyon ang pagkilalang ito upang higit pa nating paghusayan ang serbisyo para sa edukasyon at kinabukasan ng mga Pilipinong mag-aaral.
Bisitahin ang resulta ng survey dito: www.facebook.com/share/p/1UgMDTDQ11/
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng Department of Education (DepEd) sa transparency at mahigpit na pamantayang piskal, pinalakas ni Education Secretary Sonny Angara ang institutional oversight o pangangasiwa sa pambansang localized classroom building program.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/10/deped-pinalakas-ang-pangangas…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ibinahagi ni Angelo Ballinan, Grade 3 learner ng Pulilan Central School, kung paano nakatutulong ang sapat at masustansiyang pagkain upang mas maging masigla at makapagpokus siya sa pag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-halaga ni Ms. Revelyn Maniego, Principal ng Pulilan Central School, ang malaking ambag ng School-Based Feeding Program sa pagpapabuti ng kalusugan, pagpasok, at pagkatuto ng mga learners.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ipinagmalaki ni Education Secretary Sonny Angara ang pinalawak na saklaw ng School-Based Feeding Program para sa SY 2026–2027 upang mas marami pang learners ang mabigyan ng sapat na nutrisyon at mas magandang pagkakataong magtagumpay sa pag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbibigay-priyoridad sa kalusugan at nutrisyon ng mga batang learners upang mas makapag-aral sila nang mabuti.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ibinahagi ni Pangulong Bongbong Marcos ang layunin ng pamahalaan sa pagpapatupad ng pinalawak na School-Based Feeding Program para sa SY 2026–2027 sa kick-off ng programa sa Pulilan Central School.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas maraming public school learners ang inaasahang makikinabang sa mas ligtas at mas maaasahang milk feeding matapos ilabas ng Department of Education (DepEd) at Department of Agriculture (DA) ang mga bagong panuntunan upang higit pang palakasin ang School-Based Feeding Program (SBFP).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/09/deped-at-da-mas-pinalakas-ang…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara ang paglunsad ng nationwide expansion ng School-Based Feeding Program (SBFP) nitong Miyerkules sa Pulilan Central School.
Ang pagpapalawak ng programa ay mahalagang hakbang sa mga pagsisikap ng administrasyon upang tugunan ang problema ng gutom sa loob ng silid-aralan at ang paglaganap ng malnutrisyon sa mga kabataan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/08/pbbm-angara-inilunsad-ang-pin…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr., kasama sina Education Secretary Sonny Angara at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang kick-off ng School-Based Feeding Program (SBFP) at Milk Feeding Activity sa Pulilan Central School sa Bulacan.
Personal ding nakibahagi ang mga opisyal sa paghahain ng masustansyang pagkain at gatas sa mga mag-aaral, gayundin sa pamamahagi ng school bags at storybooks bilang suporta sa kanilang kalusugan at pagkatuto.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Dumating na si Education Secretary Sonny Angara sa Pulilan Central School sa Bulacan para inspeksyunin ang mga school safety measures na ipinatutupad sa paaralan.
Bahagi ito ng pinalakas na kampanya ng DepEd upang matiyak na ligtas at maayos ang school environment para sa pag-aaral ng mga learners.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Salamat sa laban, Alex! 🇵🇭🎾
Kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagpupugay sa iyong kahanga-hangang kampanya sa 2026 Wimbledon.
Ang iyong tapang, dedikasyon, at hindi pagsuko sa bawat laban ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat learner-athlete at kabataang Pilipinong patuloy na nangangarap at nagsisikap.
Patuloy mong pinatutunayan na sa sipag, tiyaga, at pananalig sa sariling kakayahan, walang pangarap na imposibleng maabot.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinalalawak ng Department of Education (DepEd) ang pagtugon nito sa mga komunidad na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao sa pamamagitan ng mga karagdagang hakbang para sa mga displaced learners at education personnel.
Kabilang dito ang PHP10 milyong pondo para sa EduKahon program, ang pagpapadala ng 100 EduKahon learning kits sa mga evacuation center, at pagpapalawak ng financial relief measures para sa mga apektadong kawani.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/06/deped-naghatid-ng-karagdagang…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara ang pangako ng Department of Education (DepEd) na maghatid ng ligtas at mapagkalingang kapaligiran sa pagbabalik ng face-to-face classes sa San Jose National High School (SJNHS) sa Tacloban City nitong Lunes.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/06/angara-tiniyak-ang-ligtas-na-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kasunod ng mga kamakailang insidente ng pagpapakalat ng maling impormasyon, mapaminsalang prank, at bomb threat sa mga paaralan, nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga mag-aaral, magulang, at publiko na ang mga gawaing ito ay itinuturing na seryosong paglabag sa ilalim ng DepEd Order No. 006, s. 2026, o ang Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment (ESMLE).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/03/deped-nagbabala-labas-sa-fake…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kasabay ng pagpapalawig ng Department of Education sa seguridad ng mga paaralan, hinikayat ni Education Secretary Sonny Angara ang mga paaralan sa buong bansa na higit pang palakasin ang papel ng Parent-Teacher Associations (PTAs) bilang mahalagang katuwang sa pangangalaga sa kapakanan ng mga mag-aaral at kaligtasan ng mga paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/03/angara-aktibong-pta-mahalagan…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nagpatupad ang Department of Education ng mas mahigpit na guidelines upang tugunan ang mga paglabag sa seguridad ng paaralan, kabilang ang pagturing sa bomb threats at pagdadala ng nakamamatay na armas bilang matinding paglabag na may kaukulang mabigat na parusa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/02/deped-pinatibay-ang-disiplina…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
📢 SAVE THE DATE!
Ngayong Hulyo 6, samahan ang Department of Education sa paglulunsad ng School-Based Feeding Program (SBFP) for SY 2026–2027.
Layunin ng inisyatibang ito na mapabuti ang nutrisyon, kalusugan, at overall well-being ng mga batang mag-aaral, lalo na sa kanilang kritikal na taon ng paglaki. Bahagi rin ito ng mas malawak na hangarin ng pamahalaan na tugunan ang kakulangan sa early childhood care at nutrisyon, lalo na sa mga underserved communities.
Abangan ang pagbubukas ng programa dito sa DepEd Philippines ngayong Lunes.
Tara, simulan ang hakbang para sa mas malusog na kinabukasan ng bawat batang Pilipino! -
DepEd
@DepEd_PH
Basahin ang opisyal na pahayag ng DepEd kaugnay ng insidente sa Cabaluay National High School sa Zamboanga City.
#depedphilippines -
DepEd reposted
Philippine News Agency
@pnagovph
HAPPENING NOW: Palace Press Officer Claire Castro holds a press briefing in Malacañang on Wednesday (July 1, 2026).
Castro says Marcos will extend PHP1-M cash assistance to the families of the victims of the recent Tacloban school shooting.
PHP150,000 each will be given to the families of the 3 students who died in the incident while those who were hurt will receive PHP50,000. | Darryl John Esguerra
#integratedstatemedia
#ism
#philippinenewsagency -
DepEd
@DepEd_PH
Pinuri ni Education Secretary Sonny Angara ang pagpasa ng Kongreso sa Basic Education Voucher Assistance Act, isang makasaysayang panukala para maging institusyonal ang mga voucher sa pribadong paaralan mula Kindergarten hanggang Grade 12 at nagpapalawak ng eligibility para sa mga pamilyang middle-middle-income.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/07/01/deped-pagluwag-sa-mga-silid-a…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ikinatuwa at pinasalamatan ni Education Secretary Sonny Angara ang pag-apruba ng Civil Service Commission (CSC) sa Qualification Standards (QS) para sa mga bagong posisyong nilikha sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 12080, o ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/30/angara-pinalakas-ang-mental-h…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Isinasagawa sa Baler Convention Center ang health education lecture na “Beyond the Lesson Plan: Recognizing Early Warning Signs Among Learners and Nurturing Teacher Well-Being” bilang bahagi ng School Safety program ng Department of Education.
Pinangungunahan ni Ms. Judy Ann Julio, RPm, Health Education and Promotion Officer (HEPO) ng Aurora Memorial Hospital, ang sesyon para sa mga guro mula sa walong distrito ng Aurora.
Tinalakay sa sesyon ang mga maagang senyales na dapat mabantayan ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral, partikular ang mga may kaugnayan sa mental health at psychosocial well-being.
#depedphilippine -
DepEd
@DepEd_PH
Nagpasalamat ang Department of Education (DepEd) sa mga lokal na pamahalaan (LGU) at mga katuwang mula sa pribadong sektor para sa kanilang maagap na suporta sa pagpapalakas at pag-upgrade ng mga hakbangin sa seguridad sa mga paaralan sa buong bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/29/deped-nagpasalamat-sa-suporta…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Tuluy-tuloy ang ipinatutupad na komprehensibong psychosocial first aid (PFA) ng Department of Education (DepEd) upang gabayan sa paghilom ang komunidad ng San Jose National High School (SJNHS), kasabay ng patuloy na paggaling ng mga biktima ng nagdaang trahedya.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/27/deped-psychosocial-support-sa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nagkaroon ng diyalogo si Education Secretary Sonny Angara sa mga magulang, guro, mag-aaral, at alumni sa Parañaque National High School nitong Biyernes upang personal na pakinggan ang kanilang mga pananaw at mga suhestiyon patungkol sa pagpapatatag ng mga panuntunang pangseguridad at pangkaligtasan ng mga mag-aaral.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/26/angara-pinangunahan-ang-safet…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inilunsad ni Education Secretary Sonny Angara ang isang malawakang School Safety Campaign upang higit pang patatagin ang pagpapatupad ng mga hakbang para sa proteksyon ng mga mag-aaral at seguridad sa mga kampus sa buong bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/26/angara-naglatag-ng-komprehens…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., iniatas ni Education Secretary Sonny Angara ang isang malawakang pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan upang higit pang palakasin ang mga hakbang para sa kaligtasan ng mga paaralan kasunod ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/25/deped-nagpakilos-ng-rapid-res…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral ay isang pananagutan na pinagtutulungan ng paaralan, pamilya, komunidad, at pamahalaan.
Sa pamamagitan ng pagiging mapagmatyag, mapagkalinga, at maagap, sama-sama nating mapananatiling ligtas, maayos, at angkop sa pagkatuto ang ating mga paaralan.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Trigger Warning: Sensitive Content
HAPPENING NOW: Nakiramay si Education Secretary Sonny Angara, kasama ang mga opisyal ng DepEd, sa mga pamilya ng mga learner na nasawi sa insidente sa San Jose National High School ngayong araw.
Siniguro naman ng DepEd ang patuloy na pagbibigay ng kinakailangang tulong at suporta upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilya ng mga learner na nasawi sa insidente.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Kasunod ng insidente sa San Jose National High School, agad na kumilos ang DepEd upang matiyak ang mabilis na pagtugon at agarang suporta para sa mga apektadong learners at guro.
Agad nating tinutukan ang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad at pagbibigay ng kinakilangang suporta sa mga guro at learners. Personal ding nagtungo si Education Secretary Sonny Angara upang tutukan ang sitwasyon at tiyakin ang agarang tulong.
Tuloy-tuloy ang pagbibigay natin ng priyoridad sa sitwasyon at pagbibigay ng tamang suporta.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Personal na nakipagpulong si Education Secretary Sonny Angara sa mga guro at personnel ng San Jose National High School, sa Tacloban City upang kumustahin ang kanilang kalagayan kasunod ng naganap na insidente sa paaralan.
Tiniyak ni Sec. Angara ang agarang pagbibigay ng psychosocial support para sa mga guro at kawani, gayundin ang pagtatalaga ng mga guidance counselor upang matulungan at magabayan ang mga mag-aaral sa pagharap sa epekto ng insidente.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nasa San Jose National High School sa Tacloban na si Secretary Sonny Angara upang makipagpulong sa mga opisyal ng LGU, PNP, at DepEd field offices ukol sa nangyaring insidente kahapon.
Nanawagan siya sa pulisya na siguraduhin ang kaligtasan sa paaralan at iba pang mga lugar upang maiwasan ang repeat incident o paggaya ng iba pang mga mag-aaral dito.
Nagpapasalamat din siya sa agarang aksyon ng mga LGU officials, mga pulisya, SDO Tacloban, at DepEd Eastern Visayas Region.
Inaasahan din ang pagbisita ni Secretary Angara ngayong araw sa mga naapektuhang mga mag-aaral at kanilang mga pamilya. -
DepEd
@DepEd_PH
Tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara ang hakbang sa pagpapaigting ng security protocols sa mga paaralan kasunod ng insidente sa San Jose National High School sa Tacloban City.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng DepEd sa Philippine National Police (PNP), Department of Health (DOH), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matiyak ang mabilis na pagtugon at pagbibigay ng kinakailangang suporta sa mga apektadong mag-aaral at mga guro.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Read the official statement of DepEd regarding the shooting incident that occurred at San Jose National High School in Tacloban City on the morning of June 22, 2026.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Happy 128th Anniversary, ka-DepEd! 🎉❤️
Salamat sa 128 taon ng suporta at pakikiisa sa pagtataguyod ng edukasyon para sa bawat Pilipino.
Mula sa mga lungsod hanggang sa pinakamalalayong komunidad, patuloy na nagsisilbing tulay ang DepEd tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat learner sa pamamagitan ng dedikasyon at malasakit ng ating mga guro at kawani.
Ngayong taon, higit pa sa isang ahensya, ipinagdiriwang natin ang DepEd bilang isang komunidad na nagkakaisa para sa iisang layuning hubugin ang susunod na henerasyon at itaguyod ang kinabukasan ng bansa.
#deped128 #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinabilis ni Education Secretary Sonny Angara ang pagpapatayo ng mga silid-aralan ng Department of Education (DepEd) kasunod ng pagkakabuo ng apat na disaster-resilient Learning Continuity Spaces (LCS) sa Quezon, Bulacan, Davao del Norte, Davao de Oro, at Bohol.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/19/angara-pinabilis-ang-rollout-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinayagan na ng Department of Education (DepEd) ang pagbabalik ng operasyon ng mga public school sa ilang apektadong lugar sa Region XII (SOCCSKSARGEN) kasunod ng June 8 Sarangani earthquake.
Ito ay habang nagpapatuloy ang safety inspections, learning continuity measures, at mental health and psychosocial support (MHPSS) services para sa affected learners, teachers, at school personnel.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/19/deped-karamihan-ng-public-sch…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas matibay. Mas komportable. Mas inklusibo.
May bagong plastic-and-steel learner desks na ang Calaccad National High School sa Tabuk City. Waterproof, di nabubulok, di inaanay, at akma para sa kanan o kaliweteng mag-aaral.
Hakbang upang mas maging komportable at makapag-focus ang mga learners sa pag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Muling pinagtibay ni Education Secretary Sonny Angara ang commitment ng Department of Education (DepEd) na patuloy na palakasin ang mga programa para sa kaligtasan, kapakanan, at holistikong paghubog ng mga mag-aaral, habang kinikilala ang Scouting bilang mahalagang katuwang sa pagtuturo ng disiplina, paglilingkod, at kahandaan sa mga kabataang Pilipino.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/18/angara-nanawagan-na-palakasin…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pagkakabuo ng 67.93-kilometrong Doña Remedios Trinidad-Dingalan Bypass Road, tuluyan nang natuldukan ang matagal nang hamon sa transportasyon, na nagbigay-daan sa mas mabilis at maginhawang biyahe para sa buong komunidad.
Itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang bagong bypass road ay nagsisilbing pangunahing ugnayan at daan para sa mga malalayong Last Mile Schools, kabilang ang Talamsi I at Talamsi II Elementary Schools.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/18/bagong-bypass-road-ng-dpwh-na…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas maayos na classroom, mas masiglang pagkatuto!
Mas magiging komportable at mas maaliwalas ang pag-aaral ng mga learner sa Santor Elementary School sa Bongabon, Nueva Ecija sa natapos na 1-storey classroom building. Dagdag na pasilidad para sa mas magandang learning environment at mas epektibong pagkatuto.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bagong silid-aralan, bagong pagkakataon para matuto!
Mas magiging komportable at maayos na ang pag-aaral ng mga learner ng Malengen Elementary School sa Libungan, North Cotabato sa bagong 1-storey, 2-classroom school building. Isang hakbang ito tungo sa mas magandang learning environment at mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bagong upuan at mesa, hakbang sa mas maayos na pagkatuto!
Mas komportable na ang pag-aaral ng mga learners ng Lacnog Integrated School sa Tabuk City, Kalinga, dahil sa mga bagong upuan at mesa. Bago ang disenyo na mas angkop sa kanan o kaliweteng mga mag-aaral, alinsunod na rin sa Neutral Desk Act.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas pinalakas pa ni Education Secretary Sonny Angara ang mga patakaran para sa localized classroom building program. Ito ay kasabay ng pagsisimula ng mga proyektong pang-imprastraktura ng 79 na katuwang na local government units (LGUs) upang masolusyunan ang kakulangan sa mga pasilidad sa paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/16/pananagutan-sa-pagpapatayo-ng…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bagong disenyo para sa mas komportableng pag-aaral!
Nagagamit na ang bagong wood and steel desks sa Magdug National High School sa Governor Generoso, Davao Oriental.
Akma para sa kanan o kaliweteng mag-aaral, at gawa ng Persons with Disabilities (PWDs). Isang hakbang para sa mas inklusibong edukasyon at mas maraming oportunidad para sa lahat.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bagong classroom, bagong oportunidad para matuto!
May dagdag na 1-storey, 2-classroom na ngayon ang Cadapli Elementary School sa Bangar, La Union, upang mas masuportahan ang pag-aaral ng mga learner at mabigyan sila ng mas magandang lugar para matuto.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kumusta, Teacher? 🧑🏻🏫
Habang nagsisimula ang Instructional Block, nais naming marinig ang inyong karanasan at feedback sa naging pagpapatupad ng Opening Block.
Sagutan ang survey dito:
docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScJAT-n6AGD921Ub3LZXJ7F5…
Hindi gagamitin ang inyong sagot laban sa inyo, at walang access ang mga school heads o supervisors sa kung sino ang nagbigay ng bawat sagot. Mahalaga ang inyong boses para mas mapabuti pa ang suporta sa learners, teachers, at schools. 🗣️
#threetermschoolcalendar #clarityovercomplexity #bagongpilipinas #depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inspeksyon sa Malapatan National High School sa Sarangani nitong Lunes upang personal na masuri ang pinsalang idinulot ng magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 8.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/15/pbbm-nag-inspeksyon-sa-sarang…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa bagong Lesson Planning policy, mas simple at mas madali na ang paggawa ng lessons kaya mas mapagtutuunan ng pansin ng mga guro ang kanilang pangunahing tungkulin—ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa kabataang Pilipino. 👩🏻🏫
Layunin din nitong pagaanin ang trabaho ng mga guro sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng AI at paghikayat na gawing collaborative ang pagbuo ng mga lesson plan sa halip na maghanda nang kanya-kanya. 🤝🏼📄💻
BASAHIN:
🔗 www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2026_016r.pdf
#clarityovercomplexity #depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Mas magkakaroon ng oras ang mga guro sa pampublikong paaralan na tumutok sa kanilang mga mag-aaral sa halip na sa paperwork matapos maglabas ang Department of Education (DepEd) ng mas simple at mas flexible na framework sa paggawa ng lesson plan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/15/deped-pinasimple-ang-lesson-p…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Dagdag na classroom, mas mas maayos na pag-aaral!
May bagong 1-storey, 2-classroom school building ang Mindoro Integrated School sa Bangar, La Union, na magagamit ng mas maraming learners para sa mas komportableng pag-aaral at pag-abot ng pangarap.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pormal na pinasinayaan ng Department of Education (DepEd) ang kauna-unahang Alternative Learning System (ALS) Community Learning Center (CLC) na pinondohan ng DepEd sa Barangay Sto. Niño, Sablayan, Occidental Mindoro.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/12/angara-isinulong-ang-inklusib…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Taos-pusong pasasalamat mula sa Kagawaran ng Edukasyon! ❤️
Ang inyong malasakit, tapang, at agarang pagkilos para sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral ay higit pa sa tungkulin—ito ay tunay na serbisyo mula sa puso.
Saludo kami sa inyo, aming mga guro at school heads.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas maayos na classroom, mas ganadong pag-aaral!
Natapos na ang 1-storey, 2-classroom school building sa Gayamat Primary School. Hakbang upang mas maging komportable ang ating mga guro at mag-aaral habang nagkaklase.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Taos-pusong pasasalamat mula sa Kagawaran ng Edukasyon! ❤️
Ang inyong malasakit, tapang, at agarang pagkilos para sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral ay higit pa sa tungkulin—ito ay tunay na serbisyo mula sa puso.
Saludo kami sa inyo, aming mga guro at school heads.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bilang bahagi ng pagsisikap na pabilisin ang education recovery, pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara ang isang nationwide mobilization para magpamahagi ng mahahalagang kagamitan sa pagkatuto sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan. Ito ay bilang pagpapakita ng pangako ng pamahalaan sa pagpapalakas ng foundational literacy at digital learning.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/11/pbbm-angara-pinangunahan-ang-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinaigting ng Department of Education (DepEd) ang mga hakbang upang matugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan sa bansa sa pamamagitan ng pagpapabilis ng paggamit ng pondo para sa classroom construction sa ilalim ng 2026 budget. Sa iba't ibang mekanismo ng implementasyon, libu-libong silid-aralan sa buong bansa ang mayroon nang nakalaang pondo, nasa procurement stage, kasalukuyang itinatayo, o nasa huling yugto ng pagproseso ng pondo.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/11/angara-pinalalakas-ang-deped-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Personal na nakiisa si President Ferdinand Marcos Jr., kasama sina Education Secretary Sonny Angara at Mayor Francis Zamora sa pamamahagi ng school supplies, school bags, at tablets para sa mga mag-aaral ng San Juan City.
Ang proyektong ito ay bunga ng pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan at ng Office of the President upang matiyak na may sapat na suporta ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral.
Kasabay nito, isinagawa rin ang oryentasyon para sa mga benepisyaryo ng Bagong Pilipinas Presidential Merit Scholarship Program, bilang bahagi ng pagpapaunlad ng suporta sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Dagdag na silid-aralan para sa mas pinaunlad na pagkatuto!
May bagong 2-storey, 6-classroom school building na ang Anulid Elementary School sa Alcala, Pangasinan. Malaking tulong ito para sa mga guro at sa pag-aaral ng ating mga learners.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pormal nang nilagdaan ng Department of Education (DepEd) at ng lokal na pamahalaan ng Bayugan City ang isang makasaysayang kasunduan upang mapabilis ang lokalisadong seguridad sa pagkain.
Inaasahang magsisilbi itong ehemplo para sa susunod na pakikipag-ugnayan ng ahensya sa iba pang mga lokal na pamahalaan sa buong bansa para sa pagpapalawak ng School-Based Feeding Program (SBFP).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/10/deped-at-bayugan-city-nagkais…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bilang bahagi ng mabilis at magkakaugnay na pagtugon ng pamahalaan sa magnitude 7.8 earthquake na yumanig sa Mindanao, bumisita nitong Miyerkules sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara sa dalawang pampublikong paaralan sa General Santos City upang personal na suriin ang sitwasyon at tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/10/pbbm-angara-ininspeksyon-ang-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ininspeksyon nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara nitong Miyerkules ang dalawang bagong tayong gusali sa San Francisco High School (SFHS), na nagmamarka sa pagtatapos ng rehabilitasyon isang taon matapos ang malaking sunog sa campus.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/10/pangako-nina-pbbm-at-angara-n…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nasa General Santos City ngayong hapon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama sina Education Secretary Sonny Angara at DPWH Secretary Vince Dizon, upang personal na inspeksyunin ang pinsala ng lindol sa ilang paaralan sa lungsod.
Bahagi ang pagbisita ng hangarin ng Pangulo na tiyakin ang agarang assessment sa pinsala upang mabilis ding matugunan ang kinakailangang aksyon at matiyak na ligtas na makakabalik ang mga mag-aaral sa eskwela.
#depedphilippines #bagongpilipinas
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kanina pormal na isinagawa ng SM Prime, kasama ang Department of Education (DepEd) sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara, at Department of Public Works and Highways (DPWH), ang turnover at inagurasyon ng bagong Narra Building ng San Francisco High School sa Quezon City.
Ang apat na palapag na gusali na may 24 na silid-aralan ay donasyon ng SM Prime bilang tugon sa sunog na tumama sa paaralan noong Hunyo 2025, na nagdulot ng pagkasira ng ilang pasilidad at pagkaantala ng mga klase.
Patunay ang proyekto na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor, masisiguro ang pagkakaroon ng ligtas at maayos na mga espasyo sa pag-aaral para sa mga mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ka-DepEd, narito ang pinakabagong ulat sa bilang ng mga apektadong pampublikong paaralan matapos ang 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Nagpapatuloy ang inspeksyon at assessment sa mga paaralan upang agad matukoy ang mga kinakailangang hakbang para sa repair at rehabilitasyon.
Tinitiyak din ng DepEd na ligtas ang mga gusali at pasilidad bago muling makabalik sa klase ang ating mga mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, agad na kumilos ang DepEd upang tiyakin ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, guro, at kawani.
Mula sa rapid inspections at damage assessments hanggang sa emergency support para sa mga paaralan, tuloy-tuloy ang ating pagtugon habang nagpapatuloy ang validation sa mga apektadong lugar sa pangunguna ni Education Secretary Sonny Angara.
Patuloy nating ilalagay sa unahan ang kaligtasan ng bawat paaralan bago ang pagpapatuloy ng klase.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, agad na kumilos ang DepEd upang tiyakin ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, guro, at kawani.
Mula sa rapid inspections at damage assessments hanggang sa emergency support para sa mga paaralan, tuloy-tuloy ang ating pagtugon habang nagpapatuloy ang validation sa mga apektadong lugar sa pangunguna ni Education Secretary Sonny Angara.
Patuloy nating ilalagay sa unahan ang kaligtasan ng bawat paaralan bago ang pagpapatuloy ng klase.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Agad na pinakilos ni Education Secretary Sonny Angara ngayong Lunes ang mga structural engineer ng Department of Education (DepEd) upang siyasatin ang mga paaralan sa mga lugar na niyanig ng lindol sa Mindanao, bilang pagtiyak sa kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani bago magpatuloy ang mga klase.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/08/angara-pinakilos-ang-deped-en…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa ating mga kababayan sa Mindanao na apektado ng lindol at tsunami warning, ingat po tayong lahat.🙏🏻
Sa ganitong emergency, HINTO muna ang klase at learning activities habang may banta sa kaligtasan.
Sumunod sa abiso ng Office of the President, Presidential Communications Office, LGUs, NDRRMC/OCD, PHIVOLCS, at iba pang awtoridad.
Kapag ligtas na, makikipag-ugnayan ang DepEd sa schools at LGUs para sa learning continuity measures.
Sa emergency, HINTO muna. Kaligtasan ang una.⛑️
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Education (DepEd) sa mga regional at division offices sa mga paaralan na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na naitala sa Sarangani, Mindanao at mga karatig probinsya ngayong umaga, June 8.
Basahin ang opisyal na pahayag ni Education Secretary Sonny Angara kaugnay nito.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Balik eskwela na ngayong araw!
Kasama ninyo ang #depedphilippines sa panibagong taon ng pagkatuto, pagtuklas, at pag-abot ng mga pangarap. Hangad natin ang maayos, at matagumpay na balik-eskwela para sa bawat mag-aaral, guro, magulang, school staff, at buong komunidad.
May tanong o concern tungkol sa pagbubukas ng klase? Makipag-ugnayan sa ating OBE Hotlines o bumisita sa pinakamalapit na OBE Public Assistance Command Center, Regional o Division Office, o paaralan sa inyong lugar.
Tingnan ang mga hotline dito: www.facebook.com/share/p/1H86vMxA7Q/
#obe2026 #bagongpilipinas #balikeskwela2026 -
DepEd
@DepEd_PH
Inilalatag ng Department of Education (DepEd) ang malawakang mga reporma at support measures ngayong School Year 2026-2027, na inaasahang makikinabang ang mahigit 26 milyong mag-aaral, higit 45,000 paaralan, at halos 900,000 guro sa buong bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/07/deped-naglunsad-ng-malalaking…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Salamat, Brigada Eskwela Heroes! ❤️
Taos-pusong pasasalamat sa ating mga guro, mag-aaral, magulang, local officials, government agencies, at education partners na boluntaryong nakibahagi sa #brigadaeskwela2026.
Ang inyong oras, lakas, at malasakit ay patunay na kapag sama-sama, mas marami tayong magagawa para sa edukasyon.
Dahil sa ating bayanihan, mas ligtas, mas maayos, at mas handa ang ating mga paaralan para sa pagbabalik-eskwela.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
‼️ PAALALA: Hindi obligadong gumastos ang mga guro mula sa sariling bulsa para sa paghahanda ng paaralan.
Pinahahalagahan ng #depedphilippines ang kusang pagtulong ng mga guro, pero malinaw na hindi dapat sa personal na bulsa nakaasa ang school readiness.
Mahigpit na ipinatutupad ang No Collection Policy, at pinalalakas ang suporta sa pamamagitan ng School MOOE, tulong mula sa LGUs, partners, volunteers, at iba pang government agencies.
Ang #brigadaeskwela ay hindi fundraising activity — ito ay whole-of-community effort para ihanda ang mga paaralan para sa learners. 🏫
#brigadaeskwela2026 #schoolreadiness #parasaguro #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Mas maginhawang pag-aaral, mas maliwanag na kinabukasan!
May bago nang 1-storey, 2-classroom school building ang Angeles Elementary School sa Atimonan, Quezon. Malaking tulong para sa mas komportableng pag-aaral ng mga learner.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas handang paaralan, mas maayos na balik-eskwela!
Inilunsad ng DepEd, sa pangunguna ni Education Secretary Sonny Angara ang Project HANDA upang mas mabilis na matukoy ang pangangailangan ng mga paaralan at maihatid ang kinakailangang suporta bago ang pagbubukas ng bagong school year.
Sa pamamagitan ng data-driven na pagpaplano, mas target at mas mabilis na maipapamahagi ng DepEd ang mga kagamitan at pondo sa mga paaralang higit na nangangailangan.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Naglabas si Education Secretary Sonny Angara ng bagong guidelines upang matulungan ang mga paaralan na maipagpatuloy ang teaching and learning bago, habang, at pagkatapos ng emergencies habang inuuna ang kaligtasan at well-being ng learners, teachers, at school personnel.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/05/angara-naglabas-ng-emergency-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Matagumpay na inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang isang estratehikong inisyatiba sa pagsasanay para sa mga guro ng Kindergarten hanggang Grade 10 at Senior High School (SHS) sa lalawigan ng Sulu.
Layunin nitong direktang mapataas ang marka at kakayahan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng epektibong pagpapatupad ng Revised K-10 Curriculum at Strengthened SHS curriculum.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/05/mga-guro-sa-sulu-sumalang-sa-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bagong silid-aralan para sa pag-abot ng mga pangarap!
Nakumpleto na ang bagong 1-storey, 2-classroom school building sa Marcial B. Villanueva National High School sa San Francisco, Quezon. Dagdag pasilidad ito upang mas maraming kabataan ang mabigyan ng pagkakataong makapag-aral nang maayos at ligtas.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas maayos na classroom, mas magandang pagkatuto!
Mas magiging komportable at produktibo ang pag-aaral ng mga learner sa Polillo National School Extension sa Polillo, Quezon sa tulong ng bagong 1-storey, 2-classroom school building.
Tugon ito sa kakulangan sa silid-aralan at sa pagbuo ng mas magandang learning environment para sa ating mga mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bagong silid-aralan, bagong oportunidad para matuto!
Sa Burnay Elementary School sa Talavera, Nueva Ecija, natapos na ang konstruksyon ng bagong 1-storey, 2-classroom school building. Isang mahalagang hakbang upang mabigyan ang mga mag-aaral ng mas maayos, at mas angkop na kapaligiran para sa pagkatuto.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sinuportahan ni Education Secretary at Teacher Education Council (TEC) Chairperson Sonny Angara nitong Miyerkules ang pagpapatupad ng bagong scholarship program na tutulong sa 720 mag-aaral sa buong bansa na naghahangad maging guro.
Pinangunahan ni Secretary Angara ang seremonyal na pagpirma sa Memorandum of Agreement (MOA ) sa pagitan ng TEC at ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education ng Commission on Higher Education (CHED-UniFAST) kasabay ng unang TEC Council Meeting para sa taong ito.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/03/angara-sinuportahan-ang-p103-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara nitong Miyerkules ang pagbubukas ng isang makabago, child-friendly at high-tech na Information and Communications Technology (ICT) Learning Resource Center sa Jacinto Zamora Elementary School sa Pandacan, Maynila.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/03/bagong-ict-learning-resource-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas maraming espasyo, mas maraming pagkakataong matuto!
Natapos na ang konstruksyon ng bagong 1-storey, 2-classroom school building sa Aliaga Central School sa Nueva Ecija. Isang mahalagang hakbang upang mabigyan ang mga mag-aaral ng mas komportable, at mas angkop na lugar para sa kanilang pagkatuto at pag-abot ng kanilang mga pangarap.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Maayos at ligtas na ang silid-aralan!
Bagong-bihis at mas ligtas na ang silid-aralan sa Bagakay Elementary School sa Toledo City matapos makumpleto ang rehabilitasyon nito. Sa bawat inaayos na classroom, mas nabibigyan ng pagkakataon ang mga bata na makapag-aral nang maaliwalas at ligtas.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas pinalalakas ng Department of Education (DepEd) ang suporta para sa mga pampublikong paaralan bago ang pagbubukas ng klase, habang muling ipinaalala sa mga field office at school leaders na hindi inaatasan o inaasahan ang mga gurong gumastos mula sa sariling bulsa para sa paghahanda ng mga silid-aralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/02/deped-pinapalakas-ang-suporta…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara nitong Martes ang pag-inspeksyon sa mga pasilidad para sa seguridad at mga programa sa pagbasa sa Kapitbahayan Elementary School para sa Brigada Eskwela ngayong taon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/02/pbbm-angara-pinangunahan-ang-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Personal na pinangunahan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara ang Brigada Eskwela 2026 sa Kapitbahayan Elementary School sa Navotas City.
Ininspeksyon ng Pangulo ang mga bagong CCTV cameras na ikinabit sa paaralan upang higit na mapalakas ang seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral. Nakibahagi rin siya sa isang storytelling session para sa mga Grade 1 learner.
Nakiisa rin sa aktibidad si Labor Secretary Francis Tolentino bilang bahagi ng partnership sa ilalim TUPAD program. Kasama rin si DSWD Secretary Rex Gatchalian para sa pagpapatupad ng “Tara, Basa! Tutoring Program,” isang inisyatiba upang mapaunlad ang literacy skills ng mga batang mag-aaral.
#brigadaeskwela2026 #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara nitong Lunes ang mass oath-taking ng 956 na bagong-promote na guro at pinuno ng paaralan sa rehiyon ng Caraga ngayong araw, Hunyo 1.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/01/angara-pinangunahan-ang-mass-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara nitong Lunes ang sabay-sabay na pambansang paglulunsad ng Brigada Eskwela ngayong taon mula sa Agusan del Norte.
Kaalinsabay nito, pinalawak din ang kampanya para sa kahandaan ng mga paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay ng panandaliang trabaho para sa mga lokal na komunidad.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/06/01/angara-pinangunahan-ang-natio…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Dati, isang pangangailangan. Ngayon, isang katuparan.
Sa Manambulan Elementary School sa Davao City, ganap nang natapos ang konstruksyon ng isang 2-storey, 8-classroom school building na magbibigay ng mas ligtas, mas maayos, at mas angkop na kapaligiran para sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinuri ni Education Secretary Sonny Angara ang Agusan del Sur sa pagtatakda ng panibagong benchmark sa pagho-host ng Palarong Pambansa, at sinabing ipinakita ng lalawigan kung paano maitataas ng mga lokal na pamahalaan ang antas nito sa pamamagitan ng inobasyon, malasakit sa mga atleta, at world-class na pasilidad.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/31/angara-pinuri-ang-agusan-del-…
#depedphilippines #bagongpilipinas #palarotuagsur2026 #2026palarongpambansa -
DepEd
@DepEd_PH
Opisyal na inanunsyo ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes na sa Quezon City gaganapin ang 2027 Palarong Pambansa, kung saan magbabalik sa National Capital Region (NCR) ang hosting matapos ang ilang taon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/29/deped-quezon-city-host-ng-pal…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Dati, isang sira-sirang silid. Ngayon, isang mas matibay na tahanan ng mga pangarap.
Sa Pinahiw Elementary School sa Aglipay, Quirino, ganap nang natapos ang bagong 2-classroom school building na magbibigay ng mas maayos, ligtas, at mas angkop na lugar para matuto at mangarap ang mga mag-aaral.
Mas maayos na silid-aralan. Mas maraming pangarap ang mabubuo at maaabot.
#depedphilippines #bagongpilipinas #classroomngpag-asa -
DepEd
@DepEd_PH
Mas pinatibay pa ng Department of Education (DepEd) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang pagtutulungan para sa Brigada Eskwela 2026.
Sa pamamagitan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD), mabibigyan ng pansamantalang trabaho ang halos 240,000 manggagawa sa buong bansa habang tumutulong sa paghahanda ng mga pampublikong paaralan sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 8.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/30/240000-tupad-workers-aalalay-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na ang mga pandaigdigang training at scholarship ay mahahalagang pamumuhunan sa sistema ng edukasyon sa bansa.
Ayon kay Angara, napakahalaga na mabigyan ng karanasan sa ibang bansa ang mga guro sa pampublikong paaralan upang mas mapataas pa ang kalidad ng kanilang pagtuturo.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/30/deped-isinulong-ang-global-sc…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Matagumpay na naihatid ng Department of Education (DepEd) ang makabago at interactive na edukasyon sa mga Last Mile Schools (LMS) sa pamamagitan ng isang internasyonal na proyekto. Ayon sa mga guro at mag-aaral mula sa mga liblib na komunidad, kapansin-pansin ang pag-angat sa marka at mas naging ganado ang mga bata sa mga talakayan sa klase.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/29/solar-powered-learning-tools-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Malugod na tinanggap ni Education Secretary Sonny Angara ang pag-apruba ng Department of Budget and Management (DBM) sa paglikha ng 22,268 bagong non-teaching positions sa Department of Education (DepEd) para sa Fiscal Year 2026.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/29/angara-pinuri-ang-pag-apruba-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ipinagmalaki ng Department of Education (DepEd) ang pagbabago sa personal at propesyonal na buhay ng mga gurong Pilipino na lumahok sa Korea-Philippines Teacher Exchange Programme (KPTEP).
Binigyang-diin ng Kagawaran na ang karanasan sa ibang bansa ay nagbubunga ng mga makabagong paraan ng pagtuturo sa mga lokal na paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/28/deped-ipinagmalaki-ang-tagump…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pormal nang pinakilos ni Education Secretary Sonny Angara ang 2026 National Oplan Balik Eskwela (OBE) upang pabilisin ang proseso ng enrollment, tugunan ang mga hinaing ng publiko, at makipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at pribadong sektor para sa maayos na pagbubukas ng klase sa Hunyo 8, 2026.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/28/inter-agency-oplan-balik-eskw…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Para kay Sittie Zhairah Amer, isang batang spiker mula sa Davao, ang bawat laro sa Palarong Pambansa ay hindi lamang pagsubok ng husay. Isa rin itong patunay na kayang dalhin ng mga kabataang atleta ang kanilang pangarap at pagkakakilanlan sa pinakamalalaking entablado ng palakasan sa bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/27/batang-muslim-athlete-bitbit-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kasunod ng serye ng orientations sa iba’t ibang panig ng bansa, magpapatuloy ang pagsuporta ng #departmentofeducation sa mga guro upang masiguro ang maayos na rollout ng mga reporma sa sistema ng pagkatuto sa darating na pasukan. 🤝🏼🏫
Bisitahin ang LS GUIDEBOOK para sa karagdagang impormasyon:
📓 sites.google.com/deped.gov.ph/lsguide/home
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Upang maging maayos ang pagpapatupad ng mga bagong polisiya sa susunod na school year, mahalagang malinaw at kumpleto ang impormasyong natatanggap ng mga guro. 👍🏼
Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa ating Learning Systems Policy Reforms orientations — lagi’t lagi, para sa kalidad na edukasyon ng kabataang Pilipino! 📚
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Matagumpay na natapos ng Department of Education (DepEd) ang serye ng nationwide orientations para sa Learning Systems Reform Policies upang ihanda ang mga guro at school heads sa lahat ng rehiyon para sa maayos at unipormeng implementasyon ng mga pangunahing reporma sa edukasyon sa darating na school year.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/26/deped-nakumpleto-na-ang-natio…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
SUPORTA’T PAPURI SA ATLETANG PILIPINO
Sa Opening Ceremonies ng 2026 Palarong Pambansa, binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara na buo ang suporta ng pamahalaan sa susunod na henerasyon ng sport heroes ng bansa.
#palarongpambansa #palarotuagsur -
DepEd
@DepEd_PH
Pormal na binuksan ng Department of Education (DepEd), katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Agusan del Sur, ang Palarong Pambansa 2026 nitong Linggo ng gabi sa harap ng mahigit 16,000 delegado, hudyat ng pagsisimula ng pinakamalaking pambansang kompetisyong pampalakasan para sa mga mag-aaral at patunay ng patuloy na pamumuhunan ng administrasyon sa kabataang Pilipino.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/25/palaro-2026-sa-first-time-hos…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang malawakang panunumpa sa tungkulin ng 1,559 bagong promoted na mga guro at pinuno ng paaralan sa Caraga region nitong Linggo, na lalong nagpapatibay sa agenda ng administrasyon para sa reporma sa edukasyon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/25/angara-pinangunahan-ang-mass-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: 2026 Palarong Pambansa Opening Ceremony.
www.facebook.com/share/v/1haTg1LDco/ -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nagsimula nang magsidatingan sa Agusan Valley Convention Center ang mga newly promoted teachers at school heads sa ilalim ng Expanded Career Progression Program mula sa iba’t ibang bahagi ng CARAGA para sa kanilang Oath-Taking Ceremony ngayong alas-4 ng hapon.
Pangungunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang kanilang panunumpa, na sasaksihan ni Special Assistant to the President Antonio Ernesto Lagdameo.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Idineklara ng Department of Education (DepEd), katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Agusan del Sur bilang host, ang
ganap na kahandaan para sa pagbubukas ng 2026 Palarong Pambansa, kung saan mahigit 13,000 delegado ang magtitipon para sa pinakamalaking pambansang kompetisyong pampalakasan para sa mga mag-aaral sa bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/23/mahigit-13000-delegado-sasaba…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ibinida ni Education Secretary Sonny Angara na nakatakdang magbukas ang 2026 Palarong Pambansa na may mas maraming oportunidad para sa mga batang atletang Pilipino.
Ito ay gagawing posible sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga bagong sports, pagpapalawak ng representasyon, at pagpapatupad ng mga bagong polisiya sa kompetisyon, kasabay ng malawakang paghahanda ng Agusan del Sur para sa pambansang palaro.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/22/angara-2026-palarong-pambansa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pinakamalaking pagtitipon ng mga pinuno ng edukasyon sa buong mundo, isinulong ng Department of Education (DepEd) ang pagpapalakas ng mga pandaigdigang inisyatiba at rehiyonal na kooperasyon para sa Foundational Learning sa katatapos lang na Education World Forum (EWF) na ginanap sa London mula Mayo 17-20, 2026.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/22/deped-isinulong-ang-foundatio…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
2026 CSE-PPT IS WAVING! 👋🏼📝
Alam n’yo bang SHS graduates ang pinakamataas na share ng passers sa 2025 Civil Service Exam? 11,895 o 31% ng 38,068 examinees ang pumasang SHS graduates, kumpara sa sa 14% ng college graduates at may earned college units!
Kaya naman inaanyayahan ang mga Senior High School at Junior High School graduate na mag-apply para sa 2026 CSE-PPT — ang unang hakbang para sa mga nais pumasok sa serbisyong pampubliko. 🫡🇵🇭
Para sa listahan ng requirements at iba pang detalye, basahin:
🔗 DM 032, s. 2026 - www.deped.gov.ph/2026/05/19/may-19-2026-dm-032-s-2026-enj…
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Inatasan ni Education Secretary Sonny Angara ang Department of Education (DepEd) field offices at mga paaralan na suportahan ang kwalipikadong Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS) learners at completers sa pag-apply para sa Career Service Examination–Pen and Paper Test (CSE-PPT) sa Agosto 9, 2026.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/20/angara-hinimok-ang-jhs-at-shs…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinasalamatan ng Department of Education (DepEd) ang pamahalaang panlalawigan ng Agusan del Sur para sa “Libreng Sakay” transportation program at libreng tourism activities para sa mga delegado ng ika-66 na Palarong Pambansa, na ayon sa Kagawaran ay patunay ng malasakit at mainit na pagtanggap sa mga student-athlete.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/19/angara-saludo-sa-libreng-saka…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Upang lalo pang mapalakas ang kalidad ng pamumuno sa mga paaralan sa buong bansa, matagumpay na idinaos ng Department of Education (DepEd) ang Fiscal Year (FY) 2025 National Assessment for School Heads (NASH)– Batch 2 Actual Assessment.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/19/halos-24000-na-nagnanais-magi…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
May kabuuang 32,916 na bagong teaching positions ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) sa darating na School Year 2026–2027, na malugod na tinanggap ni Education Secretary Sonny Angara upang matugunan ang mga pangangailangan sa silid-aralan at mapagaan ang workload ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/18/higit-32k-bagong-teaching-pos…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nakiisa kamakailan ang Department of Education (DepEd) sa paglulunsad ng Assisted Video Consultation (AVC) Room sa Labney Integrated School. Sa pamamagitan nito, maihahatid ang mga serbisyong digital telehealth upang matiyak na ang mga mag-aaral at ang kanilang mga pamilya ay magkaroon ng agarang access sa mga medikal na konsultasyon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/18/digital-consultation-abot-kam…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Tinatayang 1,000 garnished salary loan accounts ng mga teaching at non-teaching personnel ang target na maabot ng Loan Assistance Program ng DepEd at Land Bank of the Philippines.
Sa ilalim ng programa, maaaring mag-avail ang mga kwalipikadong personnel ng mas maayos na loan arrangements, alinsunod sa umiiral na assessment at guidelines. Layunin nitong magbigay ng karagdagang support mechanisms para sa mga empleyado ng ahensya na may kasalukuyang financial obligations, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong sa kanilang kapakanan at financial well-being.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Alinsunod sa adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaguyod ang kapakanan ng mga guro at kawani sa bansa, inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na magsisimula na ang pagbibigay ng Mid-Year Bonus para sa higit isang milyong kwalipikadong personnel ngayong araw, Mayo 15, 2026.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/15/pbbm-tiniyak-ang-mid-year-bon…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Makatatanggap ng financial relief ang 1,000 pampublikong guro at non-teaching personnel na nahaharap sa mabibigat na salary deductions dahil sa loan sa ilalim ng bagong kasunduan ng Department of Education (DepEd) at ng Land Bank of the Philippines.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/14/mas-magaan-na-loan-program-pa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Isa si Teacher Alexander sa mga benepisyaryo ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Pag-IBIG Fund.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/14/guro-mula-nueva-ecija-nagkaro…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas bukas, mas malinaw, mas may pananagutan! 📊📚
Sa pamamagitan ng DepEd Procurement Information Hub, mas madaling masusubaybayan ng publiko at iba’t ibang stakeholders kung paano ginagamit at inilalaan ang resources ng DepEd.
Layunin nito na tiyaking mas mabilis at mas mahusay na naihahatid sa mga mag-aaral ang mahahalagang pangangailangan tulad ng textbooks at mga silid-aralan.
Isang hakbang ito para sa patuloy na pagtataguyod ng responsable, at epektibong pamamahala sa sektor ng edukasyon.
Basahin ang PR: www.deped.gov.ph/2026/05/13/angara-pinagtibay-ang-transpa…
Bisitahin ang dashboard:airtable.com/appomOegVtuSkp2dS/shroSagZfZzKXp2mo
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Inanunsiyo ni Education Secretary Sonny Angara na pinagaan ng Department of Education (DepEd) ang pasanin sa gastusing pangkalusugan ng mga mag-aaral, guro, at mga magulang sa pamamagitan ng programang Yaman ng Kalusugan (YAKAP) Caravan na direktang naghahatid ng libreng serbisyong medikal sa mga paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/13/deped-pinagaan-ang-gastusing-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Itinatag ni Education Secretary Sonny Angara ang isang centralized Procurement Information Hub upang magbigay ng visibility sa mga aktibidad ng procurement sa Central Office ng Department of Education (DepEd).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/13/angara-pinagtibay-ang-transpa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Isinagawa ng Department of Education (DepEd) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nationwide orientation hinggil sa learning systems reforms, na layong makatulong sa learning recovery, pagpapalawak ng oportunidad para sa kabataan, at pangmatagalang pag-unlad sa rehiyon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/12/deped-nagsagawa-ng-mga-oryent…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara nitong Lunes ang pagpapakilala ng isang bagong mahalagang lifeline para sa mga mag-aaral sa ginanap na nationwide rollout ng pinalakas na Learners TeleSafe Contact Center Helpline (#33733), na ngayon ay mayroon nang direktang koneksyon sa National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/11/angara-deped-telesafe-helplin…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Bilang suporta sa kalusugan at kapakanan ng mga guro, mag-aaral, at kanilang mga pamilya, nagsagawa ang Department of Education (DepEd), katuwang ang PhilHealth, ng YAKAP at Kalinga Caravan sa General Tiburcio de Leon National High School.
Layunin nitong mailapit sa school community ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan, kabilang ang mental health at psychosocial support.
Kasabay rin itong isinagawa sa ilang paaralan sa Visayas at Mindanao.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Ininspeksyon ni Education Secretary Sonny Angara ang Learners Support Center sa General Tiburcio de Leon National High School bilang bahagi ng pagpapatibay ng Department of Education (DepEd) sa pagbibigay ng ligtas at suportibong espasyo para sa mga mag-aaral.
Layunin ng pasilidad na magbigay ng psychosocial support at iba pang serbisyong tutugon sa kapakanan, kaligtasan, at pangangailangan ng mga learner.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ngayong Biyernes ang Partners’ Appreciation Program upang kilalanin ang mga tapat at matagal nang katuwang ng Department of Education (DepEd) na tumutulong sa pagpapalawak ng oportunidad para sa mga guro, mag-aaral, at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng reform agenda ng Kagawaran.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/08/angara-hinimok-ang-pribadong-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas pinatibay ng Department of Education ang proteksyon para sa mga pamilyang Pilipino sa paglulunsad ng Project LIGTAS+, isang makabagong risk intelligence platform na layuning protektahan ang mga mag-aaral mula sa pinsalang dulot ng mga kalamidad.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/08/project-ligtas-ng-deped-inilu…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
To ensure quality education and learner protection, private institutions that offer Senior High School are now REQUIRED to apply for Government Recognition starting this School Year 2026-2027. 🏫
See the following links for more details:
🔗 www.facebook.com/share/p/19QgU6maK2/
🔗 DO 012 s.2026: www.deped.gov.ph/2026/05/06/may-6-2026-do-012-s-2026-gove…
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Inatasan ni Education Secretary Sonny Angara ang lahat ng private institutions na nag-aalok ng Senior High School (SHS) na gawing pormal na Government Recognition ang kanilang mga provisional permit pagsapit ng School Year 2027–2028.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/07/angara-pinalakas-ang-quality-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bilang pagpapatunay sa husay at kahandaan sa pagtatrabaho ng mga produkto ng K to 12 Program, hindi bababa sa 1,148 Senior High School (SHS) graduates ang matagumpay na natanggap agad sa trabaho o hired on the spot sa isinagawang nationwide Labor Day job fairs.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/07/higit-1100-shs-graduates-hire…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Batay sa resulta ng mga End-of-School-Year (EOSY) assessment para sa SY 2025-2026, umangat ang antas ng kakayahan sa pagbasa at matematika ng kabataang Pilipino! 📚🔢
Malaki na ang ating naging pag-usad, ngunit patuloy pa rin tayo sa ating misyong isulong ang learning recovery sa bansa. Makakaasang palalakasin pa ng #depedphilippines ang mga polisiya’t repormang layong itaas ang kalidad ng edukasyon sa #bagongpilipinas. 🤝🏼
BASAHIN: www.deped.gov.ph/2026/05/06/deped-nagtala-ng-pag-angat-sa…
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Agarang suporta para sa mga apektadong paaralan sa Albay.
Patuloy na kumikilos ang Department of Education (DepEd) upang matiyak na naaabot ng kinakailangang tulong at suporta ang mga paaralang naapektuhan ng aktibidad ng Bulkang Mayon.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Naglaan si Education Secretary Sonny Angara ng hindi bababa sa PhP3.715 milyon para sa emergency clean-up at clearing funds at inihanda ang libu-libong learning at safety supplies para sa mga paaralang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay, habang nananatili ito sa Alert Level 3.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/06/angara-nagpakilos-ng-p3-7m-em…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Iniulat ng Department of Education ang positibong resulta sa learning recovery sa buong basic education system, kung saan naitala ang malaking pagbaba sa bilang ng mga struggling learner sa buong bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/06/deped-nagtala-ng-pag-angat-sa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
📣 Save the date, mga ka-DepEd!
Sama-sama, tulong-tulong, makiisa sa Kagawaran ng Edukasyon ngayong Hunyo 1-5, para sa 2026 Brigada Eskwela.
Tutok lang dito sa DepEd Philippines para sa mga updates kaugnay ng aktibidad.
Para sa iba pang detalye, basahin ang DepEd Memorandum No. 27, s. 2026: www.deped.gov.ph/2026/05/05/may-5-2026-dm-027-s-2026-2026…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa Summer Remediation Programs (SRP), ang bawat mag-aaral na nangangailangan ng karagdagang suporta sa pagkatuto ay nakikita, natutulungan, at nabibigyan ng pagkakataong magtagumpay. 📚💪🏼
Mga ka-DepEd, narito ang mga dapat malaman tungkol sa ating SRP para sa taong 2026. ☀️🗓️
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Pinalalakas ng Department of Education (DepEd), katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Agusan del Sur, ang mga hakbang sa kaligtasan, kalusugan, at operasyon para sa 2026 Palarong Pambansa.
Ito ay nakatuon sa kapakanan ng mga mag-aaral at maayos na daloy ng Palaro bago ang pagbubukas nito sa Mayo 24.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/05/deped-agusan-del-sur-pinaigti…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na prayoridad ang kaligtasan ng mga komunidad ng paaralan sa Albay habang nananatili ang Mayon Volcano sa ilalim ng Alert Level 3 dahil sa tindi ng aktibidad nito.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/04/kaligtasan-ng-mga-paaralan-pr…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
❌ Dagdag trabaho
❌ Bawas sa pagkatuto
✅ Pagsasaayos ng sistema
Ang #threetermschoolcalendar ay bahagi ng mas malawak na reporma sa edukasyon na layuning gawing mas malinaw ang daloy ng pagkatuto at pagtuturo. 🗓️👩🏻🏫
#clarityovercomplexity #depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Aktibong nakikipag-ugnayan ang Department of Education (DepEd) sa mga stakeholder upang muling ipaliwanag ang mga pangunahing katangian ng three-term school calendar na ipatutupad simula School Year 2026–2027.
Ito rin ay upang bigyang-diin na layunin ng repormang ito na isaayos ang paggamit ng oras para sa pagtuturo at pagkatuto sa mga paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/04/deped-binigyang-diin-ang-istr…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pahayag ng Department of Education sa pagpanaw ni Carl Niño Acosta, isang kampeong gymnast na nagbigay ng karangalan at naging inspirasyon sa marami.
#depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Nagkaroon ng malaking advantage sa paghahanap ng trabaho ang Senior High School (SHS) graduates sa buong bansa dahil sa pagbubukas ng Department of Education (DepEd) at Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga espesyal na Green Lane sa mga Labor Day Job Fair para pabilisin ang kanilang pagpasok sa workforce.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/05/01/pag-eempleyo-sa-shs-grads-pin…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Sa pagtutulungan ng Department of Education at Department of Labor and Employment - DOLE, nagkaroon ng Green Lane para sa mga Senior High School graduates sa isinasagawang Nationwide Job Fair ngayong Labor Day.
Mahigit 230,000 job opportunities ang iniaalok sa buong bansa, na may mas mabilis na access para sa mga SHS graduates sa iba’t ibang job fair sites.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Tuloy tuloy ang Department of Education (DepEd) sa pagbibigay ng subsidiya para sa underprivileged learners sa pribadong sektor sa darating na pasukan, kung saan target ang mahigit 2.4 milyong benepisyaryo sa ilalim ng pinalawak na programang Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (E-GASTPE).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/30/angara-pinalawak-ang-subsidy-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mabuhay ang manggagawang Pilipino! 🇵🇭
Ngayong ika-164 na Araw ng Paggawa, kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa pagpupugay sa sipag, dedikasyon, at malasakit ng bawat manggagawang Pilipino na nagsisilbi para sa pag-unlad ng bansa.
Kinikilala rin natin at pinasasalamatan ang mga manggagawa na katuwang ng DepEd sa pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon para sa kabataang Pilipino.
#laborday2026
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Opisyal na inilunsad ni Education Secretary Sonny Angara nitong Huwebes ang M7X Ready School Program, isang inisyatibong layong gawing institusyonal ang kahandaan sa lindol at protektahan ang sektor ng edukasyon mula sa banta ng mapaminsalang magnitude 7.0 na lindol o ang “The Big One.”
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/30/angara-pinangunahan-ang-m7x-p…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang commitment ng Department of Education (DepEd) sa paggamit ng artificial intelligence (AI) upang pabilisin ang operasyon sa mga paaralan at direktang tugunan ang mga hamong kinakaharap ng mga guro at mag-aaral araw-araw.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/30/angara-isinusulong-ang-ai-sol…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Heads up, Senior High graduates! Ito na ang sign mo para simulan ang iyong career journey! 💼✨
Handog ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Nationwide Job Fair, isang oportunidad para makahanap ng trabaho at makapagsimula agad!
I-ready na ang inyong valid credentials at huwag palampasin ang oportunidad na naghihintay sa’yo.
Alamin ang pinakamalapit na petsa at venue sa inyong lugar dito: www.facebook.com/share/p/18qFMKh1ne/
Tara na, simulan na ang iyong career journey!
#jobfair #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
‼️ Isang paalala, mga ka-DepEd - hindi obligado ang mga pribadong paaralan na sundin ang #threetermschoolcalendar sa darating na School Year 2026 - 2027. 🗓️
Basahin ang DO 009, s. 2026 sa official DepEd website para sa karagdagang impormasyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ginawaran ni Education Secretary Sonny Angara ang Gokongwei Brothers Foundation (GBF) ng DepEd Hero Award, bilang pagkilala sa malaking ambag nito sa pagpapabuti ng buhay ng mga mag-aaral at guro sa pamamagitan ng science, technology, engineering, at mathematics (STEM) education at tuloy-tuloy na suporta sa mga guro.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/29/angara-pinarangalan-ang-gokon…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Para sa mga mag-aaral na biglang naantala ang buhay dahil sa sakit o kahirapan, ang Alternative Learning System (ALS) ay nagsisilbing isang mahalagang kanlungan kung saan muling binubuo ang mga pangarap.
Isa na rito ang dating ALS student na si Aldwin Balintec na minsan nang pinatagil ng karamdaman, ngunit ngayon ay isa nang mobile teacher na determinado sa pagsagip sa iba mula sa anino ng kawalan ng edukasyon na minsan din niyang pinagdaanan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/28/dating-als-learner-nagbalik-b…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Bongbong Marcos sa dedikasyon at buong pusong serbisyo ng mga gurong Pilipino, sa idinaos na mass oath-taking ng mga newly promoted teachers at school heads sa Western Visayas.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos ang matibay na suporta ng pamahalaan sa mga guro at ang tuloy-tuloy na pagpapabuti ng sistema ng edukasyon sa bansa, sa ginanap na mass oath-taking ng ECP promotees sa Western Visayas.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa harap ng mga bagong ECP promotees, tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos ang patuloy na pagpapaigting ng suporta para sa kapakanan at pag-unlad ng mga guro.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ibinahagi ni Pangulong Bongbong Marcos ang tagumpay ng ECP System mula nang ilunsad ito noong 2025, sa harap ng mga na-promote na guro at school heads ng Western Visayas.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa mass oath-taking ng mga newly promoted teachers at school heads sa Western Visayas, inilatag ni Pangulong Bongbong Marcos ang malinaw na layunin ng ECP System na suportahan ang career progression ng ating mga guro.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara nitong Lunes ang isang makasaysayang mass oath-taking para sa 8,009 na mga bagong-promote na guro at school heads mula sa Western Visayas na ginanap sa Villareal Stadium, Roxas City.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/27/pbbm-angara-pinangunahan-ang-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Isang makasaysayang sandali para sa edukasyon.
Mahigit 8,000 newly promoted teachers at school heads mula sa iba’t ibang bahagi ng Western Visayas ang sabay-sabay na nanumpa sa mass oath-taking na pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara.
Saksi sa kanilang panunumpa sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nagsimula nang magsidatingan ang mga newly-promoted teachers at school heads mula sa iba’t ibang bahagi ng Western Visayas na nakatakdang manumpa ngayong araw.
Inaasahang mahigit 8,000 ang darating na mga na-promote sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) Program.
Pangungunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang seremonya at sasaksihan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kung naghahanap ka ng makabuluhang activity na pwedeng simulan ngayong summer, ito na ‘yun! ☀️📚
Para sa mga interesado maging #aral Tutor, narito ang kailangan ninyong malaman.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Isa si Teacher Alexander P. Driz ng Zaragoza National High School, SDO Nueva Ecija, sa mga benepisyaryo ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
Matapos ang 32 taong pagtuturo, natupad din ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan sa Palayan City Township Project sa Nueva Ecija nang dahil sa 4PH.
Katulad ni Teacher Alexander, maaari ka ring maging benipisyaryo ng abot-kayang pabahay ng pamahalaan sa pamamagitan ng 4PH at nang Pag-IBIG Fund.
Basahin ang kaugnay na artikulo: www.facebook.com/share/p/18nXuXWnEV/
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Nagsimula na ang mga school heads sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa ng serye ng orientation bilang paghahanda ng Department of Education (DepEd) sa mga mahahalagang reporma sa pagtuturo at pagkatuto para sa School Year 2026–2027.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/24/angara-nag-utos-ng-nationwide…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inaasahang makikinabang ang mga guro sa pampublikong paaralan at mga kawani ng edukasyon sa mas mabilis na proseso at mga espesyal na pribilehiyo sa pabahay.
Ito ay matapos makuha ng Department of Education (DepEd) ang prayoridad na access sa mga gaganaping nationwide housing fair ng Home Development Mutual Fund, o mas kilala bilang Pag-IBIG Fund.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/24/deped-at-pag-ibig-pinalawak-a…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas magaan na trabaho, mas mabilis na tulong sa nutrisyon sa ating learners!
Sa pamamagitan ng SIGLA (System for Intelligent Growth and Learner Anthropometry), isang AI-assisted tool and mobile phone application, magiging madali para sa mga guro ang pagtukoy sa tangkad at BMI ng mga mag-aaral.
Binuo ng Education Center for AI Research (ECAIR), tugon ito ng DepEd upang mabilis na maagapan ang kalusugan ng mga mag-aaral habang mas pinadadali ang sistema para sa ating mga guro.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Pinaigting ni Education Secretary Sonny Angara ang teknikal na suporta sa field offices ng Department of Education (DepEd) upang pabilisin ang pagpapalawak ng Learning Continuity Spaces (LCS) sa buong bansa.
Ito naglalayong magbigay ng ligtas at maayos na lugar para sa pag-aaral sa mga komunidad na madalas tamaan ng kalamidad.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/23/angara-pinalakas-ang-suporta-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inanunsyo ni Education Secretary Sonny Angara na maaari nang simulan ng mga lalawigan ang procurement para sa mga proyekto ng pagpapatayo ng silid-aralan, kasunod ng opisyal na paglagda sa mga supplemental Memorandum of Agreement (MOA) sa ilalim ng Classroom Building Program ng Department of Education (DepEd).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/22/angara-nagbigay-ng-go-signal-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Sa pangunguna nina Education Secretary Sonny Angara, TESDA Secretary Kiko Benitez, at CHED Chairperson Shirley Agrupis, isinagawa ngayong araw ang joint launch ng Project TAHANAN.
Ang Project TAHANAN ang harmonized data system ng Philippine Education Cluster na mag-uugnay sa magkakahiwalay na datos ng mga ahensya.
Sa tulong ng SEAMEO INNOTECH at ECAIR, layunin nitong ayusin ang matagal nang fragmentation sa data systems, tiyakin ang secure interoperability, at palakasin ang evidence-based policymaking bilang suporta sa digital transformation at data-driven governance ng bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pormal nang sinimulan ang unang organizational meeting ng Education and Workforce Development Group (EWDG) upang talakayin ang mga operational processes at strategic priorities nito para sa 2026–2028.
Layunin nito na ihanay ang mga inisyatiba ng mga ahensya sa ilalim ng 10-year National Education and Workforce Development Plan (NEWDP), na magsisilbing gabay sa pagpapatupad ng mga reporma at rekomendasyong nakasaad sa EDCOM II National Plan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ilulunsad ng Department of Education (DepEd) ang isang artificial intelligence (AI)-assisted na sistema upang mabawasan ang mabigat na administrative workload ng mga guro, partikular sa pagsusuri ng nutrisyon ng mga mag-aaral.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/22/angara-pinababawasan-ang-trab…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa #aral, kasama ang mga guro na gagabay at magtuturo sa ating mga bata! 📚
Malinaw sa ilalim ng DO 18, s. 2025 na ang ARAL tutors ay binubuo ng mga guro, para-teachers, pre-service teachers, at iba pang sinanay na indibidwal. Lahat ay may sapat na training at kakayahan.
Hindi ito dagdag na klase lang, ito ay pagtutok at tiyak na pagkatuto para matulungan ang bawat batang maabot ang kasanayang nararapat sa kanilang antas.
Sama-sama, tulong-tulong upang walang batang maiwan sa pag-unlad.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Isinusulong ni Education Secretary Sonny Angara ang paggamit ng education mapping hanggang sa antas ng barangay upang mas matukoy ang learning gaps at mas maituon ang mga programa at pondo sa mga komunidad na higit na nangangailangan, bilang bahagi ng pagpapalakas ng data-driven reforms ng Department of Education (DepEd).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/21/angara-sinusulong-ang-educati…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mula Mayo 6 hanggang Hunyo 3, 2026, magbubukas ng pinto ng pagkakataon ang Department of Education (DepEd) para sa mga mag-aaral na naiiwan sa aralin sa pamamagitan ng pinalawak na summer remediation programs.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/21/deped-pinalawak-ang-summer-pr…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inaasahang mas gaganda ang mga gamit at pasilidad sa mga pampublikong paaralan matapos i-optimize ng Department of Edukasyon (DepEd) ang paggamit ng Special Education Fund (SEF).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/20/deped-pinalakas-ang-special-e…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pormal na binuksan ni Education Secretary Sonny Angara noong Linggo ang 2026 National Festival of Talents (NFOT), kung saan binigyang-diin ang pagtutulak ng pamahalaan na palawakin ang mga oportunidad para sa mga mag-aaral na malinang ang kasanayang akma sa mga trabaho sa hinaharap.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/20/angara-ibinida-ang-creativity…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa opening ceremony ng #2026nfot, kinilala ni Education Secretary Sonny Angara ang kakayahan ng kabataang Pilipino na mag-isip, lumikha, at magbigay-solusyon sa mga hamon ng kasalukuyan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Iginiit ni Education Secretary Sonny Angara na higit sa kompetisyon, ang #2026nfot ay pagdiriwang ng talento, galing, at kakayahan ng kabataang Pilipino.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pagbubukas ng #2026nfot, binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang kahalagahan ng paghubog sa creativity ng kabataan para sa makabagong pagkatuto at inobasyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pormal nang sinimulan ang National Festival of Talents 2026 sa Roxas City, Capiz sa pamamagitan ng isang makulay na parada na tampok ang mga delegasyon mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Nakatakdang magtagisan ng husay ang mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan sa mga susunod na araw.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Matagumpay na pinalawak ng Department of Education (DepEd) ang suporta nito sa reintegration ng mga overseas Filipino workers (OFWs), kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga gurong nais muling magturo sa mga paaralan sa bansa.
Basahin:
www.deped.gov.ph/2026/04/19/deped-mas-maraming-ofw-teache…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
THE #nspc CROWN IS BACK IN CALABARZON! 👑
Narito ang listahan ng OVERALL WINNERS sa 2026 National Schools Press Conference.
Mula sa #depedphilippines, taos-pusong pasasalamat at pagpupugay sa lahat ng campus journalists, school paper advisers at coaches, at mga sumuporta sa matagumpay na pagdaraos ng #2026nspc. 👏🏼
#mapanurimapanindiganmapanagutan
#bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Matagumpay na naisara na ang 2026 National Schools Press Conference (NSPC) sa Ormoc City nitong Biyernes, kung saan nagsama-sama ang pinakamahusay na campus journalists ng bansa sa isang linggong pagdiriwang ng kahusayan, disiplina, at kapangyarihan ng pagkukuwento.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/17/calabarzon-muling-nangibabaw-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Siniguro ni Education Secretary Sonny Angara na kasama ang mga Philippine Schools Overseas (PSOs) sa malawakang pagpapatupad ng mga reporma sa edukasyon, upang matiyak na makikinabang din ang mga Pilipinong mag-aaral sa ibang bansa sa mga bagong polisiya ng Department of Education (DepEd).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/17/angara-tiniyak-na-kasama-ang-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Isang mainit na pagbati sa mga kinilalang Most Outstanding Campus Journalist at Most Outstanding School Paper Adviser sa #2026nspc! 🏆
Kayo ang patunay na simula pa lang sa kampus, buhay ang #mapanurimapanindiganmapanagutan na pamamahayag sa bansa. 📰
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Kapag malinaw ang oras, mas nagiging posible ang mas maayos na pagtuturo. 🗓️🧑🏻🏫
Ang #threetermschoolcalendar ay bahagi ng mas malawak na reporma para sa mas maayos at malinaw na sistema sa edukasyon. Sa halip na madalas na maputol ang klase dahil sa iba’t ibang gawain, mas nagkakaroon ng mas mahabang instructional periods kung saan mas nakakapag-focus ang guro at learners.
#clarityovercomplexity #depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
BASAHIN:
🔗 DepEd Order: www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2026_009r.pdf
🔗 FAQs: depedph-my.sharepoint.com/personal/joshua_sales_deped_gov… -
DepEd
@DepEd_PH
Pinaigting ng Department of Education (DepEd), katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), ang pagtatayo at pagsasaayos ng mga pasilidad ng paaralan sa buong bansa upang direktang matugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan, kasunod ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng dalawang ahensya.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/16/deped-at-dpwh-pinagtibay-ang-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#2026nspc SPOTLIGHT: Mapapalitan na ba ng AI ang mga campus journalist? 🤔
Sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, naninindigan ang kabataang mamamahayag sa kanilang tungkulin na itaguyod ang katotohanan — bagay na hindi kailanman magagawa ng AI. ✍🏼🎙️📺📸
Para sa iba pang kuwentong #nspc, manatiling nakatutok sa #depedphilippines social media channels.
#mapanurimapanindiganmapanagutan
#bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Gumagamit na ng artificial intelligence (AI) ang Department of Education (DepEd) upang gabayan ang paglalatag ng PhP1-bilyong halaga ng mga Library Hub sa bansa.
Ito ay upang matiyak na makakarating ang programa sa mga paaralan at mag-aaral na pinaka-nangangailangan nito.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/16/angara-ikakasa-ang-p1-b-libra…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara ngayong Miyerkules ang pormal na paglulunsad ng nationwide expansion ng mga reintegration fairs para tulungan ang mga gurong Pilipino na nawalan ng trabaho sa ibang bansa na muling makapasok sa lokal na workforce.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/15/ofws-nagbabalik-para-magturo-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Personal na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkules ang mass oath-taking ng 2,121 na mga bagong promote na guro at school head sa Eastern Visayas, isang malaking hakbang para iangat ang kalagayan ng mga kawani ng edukasyon sa bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/15/pbbm-pinangunahan-ang-mass-oa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#2026nspc SPOTLIGHT: Bakit nga ba mahalaga ang kabataang mamamahayag? 🤔
Para sa mga kalahok ng 2026 National Schools Press Conference, ang campus journalism ay ang kanilang paraan upang palakasin ang boses ng kabataan at makilahok sa mga isyu ng bansa. 🗣️🇵🇭
Para sa iba pang kuwentong #nspc, manatiling nakatutok sa #depedphilippines social media channels.
#mapanurimapanindiganmapanagutan
#bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Personal na binisita ni Pangulong Bongbong Marcos kasama si Education Secretary Sonny Angara ang isinasagawang Bayanihan para sa Balikbayang Mangagawa: National Reintegration Network Regional Fair sa Leyte National High School Gymnasium.
Katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW), layunin ng programa na mailapit sa mga nagbalik-bansang OFW ang mga serbisyo at oportunidad, kabilang ang pagkakataon na makapaglingkod sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagtuturo.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nagsidatingan na sa Tacloban City Convention Center ang mga newly promoted na guro at school heads mula sa iba’t ibang panig ng Eastern Visayas para sa kanilang mass oath-taking ngayong araw.
Mahigit 2,000 educators ang inaasahang lalahok sa seremonya, na pangungunahan ni Education Secretary Sonny Angara at dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinamadali ni Education Secretary Sonny Angara ang pagpapalabas ng pondo para sa Learning Continuity Spaces (LCS) upang magpatayo ng mga classroom na matibay sa sakuna, lalo na sa mga paaralang nangangailangan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/14/angara-pinabilis-ang-pagpapat…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Hinimok ni Education Secretary Sonny Angara ang mga campus journalists sa pagbubukas ng 2026 National Schools Press Conference (NSPC) na manatiling nakatuon sa katotohanan at pananagutan sa gitna ng mabilis na pagbabago sa media landscape dulot ng artificial intelligence.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/14/deped-sa-mga-campus-journalis…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas malaking pondo ang inilaan ng DepEd para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng mga pampublikong paaralan sa ilalim ng 2026 budget.
Layunin nitong mapalakas ang pang-araw-araw na operasyon ng mga paaralan at mapabuti ang kalidad ng serbisyo para sa mga mag-aaral.
Isang pagtupad sa pangako ni Pangulong Bongbong Marcos na pagbibigay priyoridad sa pangangailangan ng mga paaralan.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Inanunsyo ni Education Secretary Sonny Angara ang malaking dagdag sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng mga pampublikong paaralan para harapin ang tumataas na gastusin at mapahusay ang kalidad ng operasyon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/13/angara-nagdagdag-ng-pondo-par…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nagsimula na ang Balikbayang Manggagawa: A National Reintegration Network Regional Fair para sa ating mga repatriated OFWs at kanilang mga pamilya!
Katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW), tampok sa mga DepEd booths ang iba’t ibang programang kabilang ang Sa ’Pinas, Ikaw ang Ma’am at Sir (SPIMS), Accreditation and Equivalency (A&E) Test, SHS Voucher Program, Teacher Education Scholarship Program, at Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT) Review Incentive Package.
Alamin sa ibaba ang pinakamalapit na regional fair venue sa inyong lugar!
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Inihayag ng Department of Education (DepEd) na handa na ito para sa 2026 National Schools Press Conference (NSPC), na gaganapin mula Abril 13 hanggang 17 sa Ormoc City, Leyte, kasabay ng mga repormang naglalayong mas mapalakas ang suporta sa mga mag-aaral, guro, at paaralan habang pinananatili ang kahusayan sa campus journalism.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/10/angara-all-systems-go-para-sa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinayagan ni Education Secretary Sonny Angara ang mga private school na magkaroon ng mas maluwag na pagpapatupad ng klase at teacher training habang hinaharap ng mga paaralan ang pagtaas ng gastos sa kuryente dulot ng national energy emergency.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/09/angara-flexible-na-learning-d…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Muling napatunayan ang hindi matatawarang katatagan ng mga Pilipino ngayong panahon ng pagtatapos, sa mga kwento ng tagumpay ng mga mag-aaral na dumaan sa matinding pagsubok sa buhay bago nakamit ang kanilang diploma.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/09/pangalawang-pagkakataon-nagbu…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
TINGNAN: Sinimulan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang unang serye ng orientation sessions sa mga pangunahing reporma sa sistema ng pagkatuto ngayong Miyerkules sa Quezon City.
Bahagi ito ng direktiba ni Education Secretary Sonny Angara upang matiyak na malinaw na nauunawaan ng mga school head at guro ang mga bagong polisiya, kasabay ng paghahanda para sa darating na school year.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang serye ng orientation sessions sa buong bansa para sa mga school leader at guro upang gabayan ang pagpapatupad ng mahahalagang reporma sa sistema ng pagkatuto, kabilang ang paglipat sa three-term school calendar simula School Year 2026–2027.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/08/angara-pinag-utos-ang-nationw…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
TINGNAN: Upang talakayin ang pagpapabilis ng classroom construction na kasalukuyang isinasagawa ng DepEd, nakipagpulong si Education Secretary Sonny Angara kay Senator Bam Aquino ngayong araw.
Katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga lokal na pamahalaan, layon ng inisyatibang ito na mabigyan ang ating mga mag-aaral ng ligtas, maayos, at sapat na espasyo para sa pagkatuto. Naging bahagi rin sa pulong ang pagtalakay sa Classroom Acceleration Program Act na isinusulong ni Sen. Bam Aquino sa Senado.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
TINGNAN: Sa pangunguna ni Education Secretary Sonny Angara, isinagawa nitong Martes ang ika-67 Executive Committee Meeting ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd).
Tinalakay sa pulong ang tatlong taong pondo at plano ng DepEd strands upang maging mas epektibo ang pamamahala sa pananalapi ng mga paaralan at mga opisina ng Kagawaran, gayundin ang pagpapatatag ng digital infrastructure, at pagtitiyak na may sapat na suporta para sa mga kawani.
Kasama rin sa mga pinag-usapan ang mga polisiya para sa Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (E-GASTPE) program at learning and training delivery modality upang tumugon sa energy conservation protocol na itinakda ni Pangulong Marcos.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara nitong Miyerkules ang mahalagang papel ng mga umiiral na tax incentives sa pagtulong sa mga paaralan at pribadong sektor na makayanan ang tumataas na presyo ng petrolyo, transportasyon, at operasyon sa gitna ng patuloy na hidwaan sa Middle East.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/08/angara-suportado-ang-tax-brea…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kinumusta ng Department of Education (DepEd) ang kalagayan ng mga gurong Pilipino at mahigit 23,000 mag-aaral sa 27 Philippine Schools Overseas (PSOs) sa Middle East sa pamamagitan ng isang “Online Kumustahan” nitong Martes.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/07/deped-umalalay-sa-mga-pinoy-s…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
6️⃣ DAYS TO GO ✨
Handa na ba ang mga kalahok ng #2026nspc? May mensahe si Jiggy Manicad ng News5 para sa inyo!
Tumutok sa official social media channels ng #depedphilippines para sa updates kaugnay ng 2026 National Schools Press Conference.
#nspc #mapanurimapanindiganmapanagutan #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) nitong Lunes ang mga inisyatiba para sa muling pagtanggap at paghahanapbuhay ng mga overseas Filipino worker (OFW) teachers at kanilang mga pamilya sa idinaos na inter-agency Bagong Pilipinas Bayanihan Para sa Balikbayang Manggagawa National Reintegration Network and Job Fair.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/06/deped-pinaigting-ang-reintegr…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Isang panel discussion ang ginaganap para sa “Sa Pinas, Ikaw ang Ma’am at Sir (SPIMS)” na dinaluhan nina Usec. Fatima Lipp Panontongan at Usec. Wilfredo Cabral, kasama ang mga returning OFW teachers mula Luzon, Visayas, at Mindanao. Tinalakay sa sesyon ang kanilang mga karanasan sa pagbabalik-turo at ang suportang ibinigay ng pamahalaan sa kanilang reintegration.
Layunin nitong maipakita ang kahalagahan ng programa sa pagbibigay ng oportunidad sa mga gurong Pilipino mula abroad, at makakalap ng mga rekomendasyon para sa patuloy na pagpapabuti ng implementasyon nito.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
And the #2026nspc countdown begins ⏳👀✈️
ISANG LINGGO na lang bago ang pinakamalaking pagtitipon ng mga campus journalist sa bansa! Bago magtungo sa Ormoc City ang ating mga ka-#nspc, narito ang isang mensahe mula sa batikang mamamahayag at dokumentarista na si Howie Severino. 🤓
#mapanurimapanindiganmapanagutan
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nakiisa ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara, sa Bayanihan para sa Balikbayang Manggagawa bilang suporta sa adbokasiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Isang one-stop shop ang inisyatibong ito para sa mga repatriated OFWs, na naglalayong magbigay ng reintegration assistance, mga oportunidad sa trabaho at kabuhayan, scholarship, social protection, at psychosocial support, kung saan kabilang ang DepEd bilang bahagi ng National Reintegration Network.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kaway-kaway, mga student journalist — #nspc season na! ✍🏼📷🎤
Bago magsama-samang muli ang pinakamahuhusay na mamamahayag pangkampus sa bansa, alamin ang mga detalye ng National Schools Press Conference 2026.
#2026nspc #mapanurimapanindiganmapanagutan
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Maligayang Pasko ng Pagkabuhay, Ka-DepEd! ❤️🙏
Ngayong araw, ipinagdiriwang ng ating mga kapatid na Kristiyano ang muling pagkabuhay ni Hesus, isang simbolo ng pag-asa, tagumpay ng kabutihan, at panibagong buhay.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang muling sumibol sa ating mga puso ang pag-asa, pagmamahal, at pananampalataya.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ngayong Sabado de Gloria, maglaan ng sandali para sa taimtim na panalangin at pagninilay sa mga aral ng Diyos na nagbibigay-liwanag sa ating landas.
Nawa’y manaig sa ating mga puso ang kapayapaan at pag-ibig na hatid ng Mahal na Araw.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ngayong Biyernes Santo, sama-sama nating pagnilayan at isabuhay ang mga aral ng pananampalataya at pagmamahal sa Diyos.
Hangad ng DepEd ang mapayapa, taimtim, at makabuluhang paggunita ng Mahal na Araw para sa bawat pamilyang Pilipino.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ngayong Huwebes Santo, nawa’y maging inspirasyon sa atin ang wagas na pag-ibig at kabutihan ng Diyos sa pagbabahagi ng malasakit at pag-asa sa kapwa.
Sa banal na paggunita ng araw na ito, hangad natin ang isang mapayapa at makabuluhang pagninilay ngayong Mahal na Araw.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Basahin ang anunsyo ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) kaugnay ng pagsasagawa ng orientation sa mga guro, principal, at education stakeholders para sa pagpapatupad ng Three-Term School Calendar sa School Year 2026-2027.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mula sa isang 33-anyos na inang kasabay ng kanyang anak sa pag-aaral ng alpabeto, hanggang sa isang abogadong may kapansanan sa paningin na nagbalik sa kanyang dating paaralan, naging makulay ang graduation season ngayong taon dahil sa mga kuwento ng katangi-tanging katatagan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/04/01/deped-binigyang-pugay-ang-mga…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kinilala ni Education Secretary Sonny Angara ang mga pagsisikap ng guro sa buong bansa kasabay ng pormal na pagtatapos ng Taong-Panuruan 2025–2026, habang muling pinagtitibay ang layunin nitong itaas ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at palawakin ang inklusibong pagkatuto.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/31/angara-binigyang-pugay-ang-mg…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Opisyal nang lumahok ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Education (DepEd), sa Governance Committee ng School Meals Accelerator (SMA) matapos ang ginanap na inaugural meeting sa Rome, Italy noong Marso 26 hanggang 27, 2026.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/31/pilipinas-pormal-nang-naging-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa ngalan ng Kagawaran ng Edukasyon, taos-pusong nagpapasalamat si Secretary Sonny Angara sa ating mga guro, sa bawat araw na pinipili ninyong magturo, gumabay, at maniwala sa kakayahan ng bawat batang Pilipino.
Kaisa ninyo ang pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa patuloy na pagpapalakas ng suporta at pagkilala sa inyong mahalagang papel sa pagpapatupad ng mga repormang pang-edukasyon.
Basahin ang buong mensahe ni Sec. Angara sa ibaba.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Congratulations, Batch 2026! 🎓
Isang taos-pusong pagbati mula sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa lahat ng nagsipagtapos para sa School Year 2025–2026. Ang inyong ipinamalas na lakas ng loob at determinasyon upang makapagtapos ay nararapat na ipagmalaki.
Ikinararangal ng DepEd na maging gabay tungo sa inyong pangarap. Sa pagharap sa panibagong yugto ng buhay, dalhin ninyo ang liwanag ng kaalaman at higit pa itong pag-alabin para higit na pag-unlad.
Muli, pagbati sa inyong tagumpay!
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nakamit ng Department of Education (DepEd) ang pag-apruba mula sa Department of Budget and Management (DBM) para sa reclassification ng 914 pending applications para sa mga posisyon ng School Principal.
Basahin:www.deped.gov.ph/2026/03/30/deped-nasiguro-ang-promosyon-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Hinamon ni Education Secretary Sonny Angara nitong Lunes ang mga magtatapos sa buong bansa na panatilihin ang kanilang katatagan sa kanilang paglabas sa basic education system, habang nagdaraos ng end-of-school-year (EOSY) ceremonies sa halos 48,000 pampublikong paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/30/angara-sa-class-of-2026-katat…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
ANG THREE-TERM SCHOOL CALENDAR AY HINDI STANDALONE SOLUTION
Ang pagpapatupad ng bagong calendar ay bahagi ng mas malawak na reporma para patuloy na pataasin ang kalidad ng edukasyon sa pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos. 📚🇵🇭
#threetermschoolcalendar #depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Hindi maiiwasan ang class disruptions bunga ng mga kalamidad, holiday, at iba pang hindi inaasahang kaganapan. Hangad ng #threetermschoolcalendar na tugunan ang epekto nito sa pamamagitan ng mas organisadong teaching period at nakatakdang panahon para sa make-up classes. 🗓️👌🏼
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Matagumpay na nakakuha agad ng trabaho ang hindi bababa sa 1,488 graduates ng Senior High School (SHS) at mga mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) sa ginanap na nationwide rollout ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/27/higit-1400-graduates-ng-shs-a…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas magaang workload, mas maraming oras para sa mahahalagang gawain.
Teachers, alamin ang mga pagbabago sa inyong pagtuturo sa ilalim ng #threetermschoolcalendar! 🧑🏻🏫🗓️
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara nitong Huwebes ang mahalagang papel ng agrikultura sa pagpapabuti ng nutrisyon ng mga mag-aaral at sa pagpapalakas ng mga lokal na komunidad, kasabay ng kanyang pakikipagpulong sa mga kooperatiba ng mga magsasaka sa Batangas.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/26/angara-itinutulak-ang-mas-mat…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Personal na nakipagdayalogo si Education Secretary Sonny Angara sa mga magsasaka at guro sa Tangway Integrated School sa Lipa City, Batangas.
Kasama ang SEARCA, binigyang-diin ng DepEd ang mahalagang papel ng mga magsasaka sa school feeding program, at tinalakay ang mga hamon sa produksyon, logistics, at kinakailangang suporta mula sa pamahalaan upang higit itong mapalakas.
Binisita rin nila ang iba’t ibang tanim sa paaralan at nagsagawa ng tree planting bilang bahagi ng pagsusulong ng farm-to-school initiatives.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Idinaos ang groundbreaking ceremony ng unang Midrise school building sa probinsya ng Batangas, sa pangunguna nina Executive Secretary Ralph Recto, Education Secretary Sonny Angara, at DPWH Sec. Vince Dizon, kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan, sa KLL Annex, Lipa City, Batangas.
Nakadisenyo ang 8-storey, 36-classroom building na inaasahang mapapakinabangan ng mga mag-aaral ng Lipa National Integrated Science High School, Lipa City Senior HS, at Lipa NHS.
Isang mahalagang hakbang ang proyekto sa pagpapaunlad ng edukasyon sa probinsya at pagtugon sa tumataas na enrollment at kakulangan ng sapat na pasilidad.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nakibahagi si Education Secretary Sonny Angara sa pagbubukas ng Diversion Road sa Lipa-Padre Garcia Bypass Road ngayong araw.
Pinangunahan nina Executive Secretary Ralph Recto, kasama sina DSWD Sec. Rex Gatchalian, DPWH Sec. Vince Dizon, at Lipa City Mayor Eric Africa ang inagurasyon ng proyekto na layuning mapagaan ang biyahe at mapabilis ang daloy ng trapiko sa Lipa at mga karatig na bayan.
Bahagi ang proyektong ito ng “Matatag na Batangas Tungo sa Bagong Pilipinas” agenda, isang hakbang tungo sa mas maayos na imprastraktura, pinalakas na edukasyon, epektibong serbisyong panlipunan, at mobility para sa probinsya.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Opisyal nang pinasinayaan sa pangunguna nina Education Secretary Sonny Angara at Executive Secretary Ralph Recto, ang bagong school building sa Padre Valerio Malabanan Elementary School, sa Lipa City, Batangas.
Kasabay nito, idinaos rin ang YAKAP Caravan sa paaralan, kung saan handog ng DepEd at PhilHealth ang libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga guro, mag-aaral, at kanilang mga pamilya.
Bahagi ang aktibidad na ito ng pinalawig na programa ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos na maisulong ang maayos na kalusuguan sa mga paaralan at patuloy na mapaunlad ang mga imprastraktura.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nakiisa si Education Secretary Sonny Angara sa Ribbon Cutting Ceremony ng bagong DSWD Region IV-A Building kasama sina Executive Secretary Ralph Recto, DSWD Secretary Rex Gatchalian, at iba pang opisyal, sa Lipa City, Batangas.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng “Matatag na Batangas Tungo sa Bagong Pilipinas” na nagtatampok sa mga inisyatiba ng mga ahensya ng pamahalaan sa imprastraktura, edukasyon, social welfare at mobility sa probinsya.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Dumalo si Education Secretary Sonny Angara sa Ribbon Cutting Ceremony ng bagong Lipa-Mataas na Kahoy Bypass Road sa Batangas.
Bahagi ang programa ng “Matatag na Batangas Tungo sa Bagong Pilipinas” na nagtatampok sa mga inisyatiba ng mga ahensya ng pamahalaan sa imprastraktura, edukasyon, social welfare at mobility.
Pinangunahan ang programa nina Executive Secretary Ralph Recto, kasama sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, DPWH Secretary Vince Dizon, Congressman Ryan Recto, at Lipa City Mayor Eric Africa at iba pang opisyal ng pamahalaan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
PAG-AAYOS NG SISTEMA, HINDI PAGBABAGO NG STANDARDS 🏫
Isang paglilinaw, mga ka-DepEd! Sa ilalim ng #threetermschoolcalendar na papalit sa kasalukuyang apat na grading period sa S.Y. 2026-2027, hindi magbabago ang curriculum at bilang ng school days.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
MYTH VS. FACT: THREE-TERM SCHOOL CALENDAR 🗓️
Kasunod ng rekomendasyon ng Economic and Development Council, inaprubahan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpapatupad ng #threetermschoolcalendar sa mga pampublikong paaralan simula S.Y. 2026-2027.
Ano nga ba ang ibig sabihin nito para sa mga learner at mga guro? Linawin ang mga maling akala at alamin ang iba pang detalye sa post na ito. ❌✅
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Nagpahayag ng suporta ang mga magulang, guro, at school leaders sa paglipat ng Department of Education (DepEd) sa three-term school calendar.
Ito ay makatutulong para mas maging maayos ang takbo ng pagtuturo at mabigyan ng mas maraming oras ang mga guro na magturo.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/25/reporma-sa-three-term-school-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nakiisa si Education Secretary Sonny Angara sa pagbubukas ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair 2026, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), sa Batasan Hills National High School.
Layunin ng programa na tulungan ang mga first-time job seekers sa paghahanap ng trabaho, kung saan alok ng mga partner companies at government agencies ang higit 1,800 job vacancies kasama na rito ang Special Program for Employment of Students.
Naroon din ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang magbigay ng libreng serbisyo tulad ng pagproseso ng mga kinakailangang dokumento gaya ng ID, clearances, at iba pang employment requirements.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinalalawak ng Department of Education (DepEd) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa hindi bababa sa dalawang paaralan sa bawat rehiyon sa buong bansa upang matulungan ang mga nagtapos ng Senior High School (SHS) at Alternative Learning System (ALS) na mas madaling makalipat mula sa pag-aaral patungo sa trabaho.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/25/deped-dole-pinalalawak-ang-ba…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
May gabay ka sa iyong pagsisimula. ✨
Sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, mas malinaw ang iyong unang hakbang, mas malapit ang oportunidad, at may suportang naghihintay. Dito, pinagsasama natin ang mga employer at ahensya ng pamahalaan para ilapit ang trabaho sa iyo.
Sa bisa ng First Time Jobseekers Assistance Act na inakda ni Secretary Sonny Angara, libre na rin ang pagkuha ng mga pre-employment requirements.
Ito ang layunin ni Pangulong Bongbong Marcos: alisin ang mga hadlang at buksan ang mas maraming oportunidad para sa kabataang Pilipino. 🇵🇭
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Happening Now: Sabay-sabay nang nagsimula sa buong bansa ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair 2026, sa pangunguna ng Department of Education (DepEd), katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Pinagsasama ng one-stop shop ang mga employer at ahensya ng pamahalaan upang ilapit ang oportunidad sa mga magtatapos na Senior High School learners.
Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin ang mga hadlang sa pagpasok sa trabaho at gawing mas accessible ang mga oportunidad para sa kabataang Pilipino.
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Nakatakdang ilunsad ng Department of Education (DepEd) ang kanilang pinakamalawak na School-Based Feeding Program (SBFP) matapos itong mapaglaanan ng makasaysayang PhP25.6 bilyong pondo para sa School Year 2026-2027.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/24/4-6m-mag-aaral-sasagipin-sa-g…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Naglabas ng opisyal na pahayag ang Department of Education (DepEd) nitong Martes upang linawin ang nakatakdang transisyon patungo sa three-term school calendar simula sa School Year 2026-2027.
Ayon sa DepEd, ang repormang ito ay isang hakbang upang mapakinabangan nang husto ang oras ng pagtuturo at matugunan ang madalas na abala sa mga klase.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/23/deped-nilinaw-ang-paglipat-sa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa na panatilihing simple at matipid ang mga seremonya sa pagtatapos ng school year bunsod ng nararanasang sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng petrolyo.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/23/simpleng-graduation-rites-ipi…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Eid Mubarak! 🌙✨
Kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon sa masayang pagdiriwang ng Eid'l Fitr kasama ang ating mga kapatid na Muslim.
Nawa’y maghatid ang makabuluhang okasyong ito ng panibagong pag-asa, kagalakan, kapayapaan, at masaganang biyaya sa bawat tahanan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas naging madali para sa graduating TVL student na si Eajid ang pagkuha ng requirements at na-hire on the spot pa dahil sa One-Stop Shop ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na dinala ng DepEd sa Talisay City, Cebu.
Sa ilalim ng First Time Jobseekers Assistance Act, na isinulong ni Education Secretary Sonny Angara bilang pangunahing may-akda, napagaan na ang pagkuha ng mga kinakailangang dokumento para sa mga newly graduates.
Bahagi ito ng layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., padaliin ang pagkuha ng employment documents at ilapit sa kabataan ang mga trabahong tugma sa kanilang kakayahan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Lubos ang pasasalamat ng graduating Grade 12 learner na si Trexie sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair dahil nabigyan siya ng malinaw na tulong sa pagkuha ng employment requirements at nakahanap agad siya ng trabaho.
Sa Bagong Pilipinas, malinaw ang direksyon na gabayan ang kabataan at ilapit sa kanila ang mga oportunidad para sa mas maayos na pagsisimula sa mundo ng trabaho.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Hindi lang diploma kundi trabaho agad ang makukuha ng mahigit 1,700 Senior High School (SHS) graduates sa pagpapatuloy ng nationwide pilot rollout ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na pinangunahan ng Department of Education (DepEd).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/20/bagong-pilipinas-serbisyo-fai…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Malaking tulong para kay James, isang graduating TVL student, na hindi na niya kailangang bumiyahe para makuha ang requirements sa pag-aapply ng trabaho. Sa idinaos na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Panabo City, agad siyang natanggap sa kumpanyang kanyang inaplayan.
Sa Bagong Pilipinas, libreng ibinibigay ang mahahalagang dokumento at pinapadali ang mga proseso bilang suporta sa mga kabataang nagsisimula pa lamang ng kanilang karera.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Hired on the spot ang graduating Grade 12 student na si Angelica sa idinaos na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Talisay City National High School, na malaking tulong sa kanyang pag-iipon para sa kolehiyo.
Ito ang layunin ng Bagong Pilipinas, mapadali ang mga proseso at mailapit sa mga kabataan ang mga oportunidad sa trabaho na angkop sa kanilang kakayahan at kasanayan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inilunsad ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa tatlong pangunahing pampublikong paaralan sa Metro Manila upang alisin ang matitinding hadlang sa pinansyal at burukrasya na kinakaharap ng mga magtatapos na mag-aaral ng Senior High School (SHS).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/19/employability-ng-mga-shs-grad…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes ang mga bagong tayong prefabricated classrooms sa Mariveles National High School– Alasasin Annex.
Ipinakita rito kung paano gumagamit ang Department of Education (DepEd) ng mabilisang solusyon sa pagpapatayo ng mga silid-aralan upang agad na matugunan ang kakulangan ng classrooms sa bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/19/pbbm-deped-inilunsad-ang-pref…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pinangunahan nina Pangulong Bongbong Marcos at Education Secretary Sonny Angara ang paglulunsad ng YAKAP at Kalinga Caravan sa Mariveles, Bataan.
Hatid ng caravan ang libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga guro at mag-aaral kabilang ang medical consultations, laboratory tests, pamamahagi ng gamot, at vision screening.
Katuwang ang PhilHealth, layunin ng programa na palakasin ang kalusugan ng guro at mag-aaral at maisulong ang preventive healthcare sa mga paaralan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nakiisa sina Pangulong Bongbong Marcos at Education Secretary Sonny Angara sa ceremonial turnover ng 300 tablets para sa mga Grade 7 learners ng Mariveles National High School – Alasasin Annex.
Bahagi ito ng inisyatiba ng Bataan Provincial School Board na maglalaan ng kabuuang 9,660 tablets para sa 66 public junior high schools sa probinsya para sa SY 2026–2027, na pinondohan sa pamamagitan ng Special Education Fund.
Kasunod nito, iprinisinta rin ng DepEd SDO Bataan ang Xepto Learning Management System (XLMS), isang digital learning platform na may kasamang assessments, analytics dashboards, at learning resources na nakaangkla sa kultura at konteksto ng mga komunidad sa Bataan.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Personal na ininspeksyon nina Pangulong Bongbong Marcos at Education Secretary Sonny Angara ang mga bagong install na prefabricated modular classrooms sa Mariveles National High School – Alasasin Annex.
Mula sa donasyon ni First Lady Louise Araneta-Marcos at ng Next Gen Foundation, isa ang mga classroom na ito sa mga solusyong isinusulong ng DepEd upang mas mapabilis ang pagtugon sa kakulangan ng silid-aralan sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tiniyak ng Kagawaran ng Edukasyon na ang bawat learner ay may ligtas at maayos na lugar para magpatuloy sa pag-aaral.
Isa sa mga konkretong hakbang ng DepEd ang Learning Continuity Spaces (LCS) upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon at suportahan ang pag-unlad ng bawat learner.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nagsagawa kamakailan ang Department of Education (DepEd) ng Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) at Kalinga Caravan sa Marcelo B. Fernan-Polambato Elementary School sa Bogo City, upang mailapit ang mga pangunahing serbisyong medikal sa mga mag-aaral, guro at komunidad ng paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/18/yakap-at-kalinga-health-carav…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: The Foreign Affairs Secretary and Chair of the UNESCO Commission of the Philippines (UNACOM) administers the oath of new members and leads the body’s organizational meeting.
For the UNACOM Education Committee, CHED Chair Shirley Agrupis has been elected chairperson. She is joined by committee members DepEd Secretary Sonny Angara, TESDA Secretary Kiko Benitez, and Rep. Roman Romulo.
UNACOM serves as an active national partner of UNESCO, going beyond its original advisory and liaison roles to disseminate information, provide policy feedback, and help define and expand programs and priorities in education, culture, science, and communication at the national level in response to evolving needs and contexts.
#depedphilippines #ched #tesda #dfa #unacom #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang paglulunsad ng mga bagong Learning Continuity Spaces (LCS) sa Davao del Norte Regional Sports Academy, isang hakbang upang magtatag ng modernisadong depensa laban sa mga pagkagambala sa edukasyon sa rehiyon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/17/marcos-admin-naghatid-ng-mga-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ibinahagi ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga newly-promoted teachers at school heads ng Cebu Province, ang tulong na naibibigay ng Expanded Career Progression (ECP) sa propesyunal na landas ng mga guro.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos ang halaga ng tungkulin na ginagampanan ng mga guro sa paghubog ng mga kabataan, sa ginanap na oath-taking ceremony ng mga newly-promoted teachers at school heads ng Cebu Province.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa idinaos na mass oath-taking ng mga na-promote na guro at school heads sa Cebu province, inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpapahalaga ng pamahalaan sa kapakanan ng mga guro at ang pangako ng patuloy na suporta at pagkilala sa kanilang serbisyo sa edukasyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd reposted
Philippine News Agency
@pnagovph
Tuloy-tuloy ang trabaho ng pamahalaan para pagaanin ang buhay ng bawat Pilipino. Kabilang dito ang mga programang sumusuporta sa sektor ng edukasyon.
#bagongpilipinas
#edukasyonparasalahat
#integratedstatemedia
#ism
#philippinenewsagencyThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
DepEd
@DepEd_PH
Matapos ang maraming taon bilang Teacher 1, na-promote na rin ang 57 beteranong guro mula sa Cebu bago ang kanilang pagreretiro.
Kabilang sila sa 3,325 na mga guro at pinuno ng paaralan mula sa buong lalawigan na nanumpa sa isang mass promotion ceremony sa IEC Convention Center Cebu nitong Lunes, kung saan winakasan na ang ilang dekadang pagkabinbin sa karera.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/16/dekada-ng-pagkapako-sa-ranggo…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara ang mass oath-taking ng mga bagong na-promote na guro at school heads ng Cebu Province.
Nasa kabuuang 3,325 personnel ng probinsya ang matagumpay na nagkamit ng promotion na bahagi ng hakbang ng pamahalaan at DepEd na matiyak ang career progression sa sektor ng edukasyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ipinamahagi ng Department of Education (DepEd) ang mga bagong Learning Continuity Spaces (LCS) sa mga pampublikong paaralan sa Bogo City at Masbate upang tugunan ang kakulangan sa silid-aralan dulot ng mga nakaraang sakuna.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/16/deped-pinalakas-ang-disaster-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Personal na ininspeksyon nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Louise Araneta-Marcos, at Education Secretary Sonny Angara ang bagong tayong Learning Continuity Space (LCS) sa Marcelo B. Fernan–Polambato Elementary School sa Bogo City, Cebu.
Bahagi ito ng mabilis na tugon ng DepEd upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral na naapektuhan ng kalamidad.
Kasabay ng inspeksyon, binisita rin nila ang YAKAP Caravan, na nagdala ng libreng serbisyong medikal para sa mga mag-aaral at guro. Namahagi rin ang Pangulo ng mga school bag bilang dagdag na suporta sa pag-aaral ng mga bata.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Ka-DepEd, fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa umano’y pagtanggal ng Grade 11 at 12 para sa School Year 2026-2027.
Muling pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nababasa online. Huwag i-follow ang mga page na nagbabahagi ng maling impormasyon at agad i-report ang mga ito.
Sumangguni lamang sa official DepEd Philippines social media accounts para sa mga anunsiyo at impormasyon tungkol sa basic education.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Muling ipinaalala ni Education Secretary Sonny Angara sa mga bagong na-promote na guro at school heads ng Talisay City ang hangarin ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos na patuloy na bigyang-priyoridad ang kapakanan at propesyonal na pag-unlad ng mga guro sa pamamagitan ng ECP.
#depedphilippines
#bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa panunumpa ng mga bagong ECP promotees sa Talisay City, hinikayat ni Education Secretary Sonny Angara ang mga guro na gamitin ang kanilang promosyon bilang inspirasyon upang higit pang mapahusay ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
#depedphilippines
#bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa ginanap na oath-taking ceremony ng mga ECP promotees sa Talisay City, ibinahagi ni Education Secretary Sonny Angara ang pagsasakatuparan ng Expanded Career Progression (ECP) program sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos.
#depedphilippines
#bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara nitong Huwebes ang mass oath-taking ng 418 bagong promoted na mga guro at school heads mula sa Talisay City.
Bahagi ito ng hakbang ng Department of Education (DepEd) upang wakasan ang matagal nang problema sa mabagal na pag-unlad ng career sa loob ng ahensya.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/13/deped-pinabilis-ang-promosyon…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara, ang oath-taking ng mga newly promoted teachers at school heads sa Talisay City, Cebu.
Saksi ang buong DepEd Region VII sa mahalagang okasyong ito kung saan 418 personnel ang matagumpay na nakakuha ng promotion sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP)—isang hakbang na sumusuporta sa patuloy na propesyonal na pag-unlad ng mga guro at kumikilala sa kanilang husay at dedikasyon sa serbisyo.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang kahalagahan ng mga aklat sa pagpapahusay ng pang-unawa at kasanayan ng mga Pilipinong mag-aaral, sa pormal na pagbubukas niya ng Philippine Book Festival (PBF) 2026 nitong Huwebes.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/12/deped-isinusulong-ang-panitik…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Narito na ang #philippinebookfestival Calendar of Events!
Silipin ang buong schedule, huwag palampasin ang mga libreng aktibidad.
Magtungo sa Megatrade Hall, SM Megamall mula Marso 12–15 para ma-experience ang saya ng Philippine Book Festival.
Kitakits!
#philippinebookfestival #pbf2026 #magbasatayo #aklatparasalahat #nbdb #depedphilippines
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Opisyal na pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang pagbubukas ng Philippine Book Festival 2026 sa Megatrade Hall, SM Megamall.
Layunin ng Philippine Book Festival na ipagdiwang at itaguyod ang panitikan at malikhaing akda ng mga Pilipino. Itinatampok ng festival ang paniniwala na ang mga kuwentong Pilipino ay nararapat maisulat, mailathala, at maibahagi sa buong mundo.
Tampok din ngayong taon ang iba’t ibang libreng workshops, meet-and-greet with authors, book launches, book signings, at contests.
#pbf2026 #magbasatayo #aklatparasalahat #nbdb #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mga Ka-DepEd, fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa umano’y suspensyon ng klase tuwing Huwebes at Biyernes.
Muling pinaaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita online. Huwag i-follow ang mga page na nagpapakalat ng maling impormasyon
at agad itong i-report.
Para sa tama at opisyal na anunsiyo tungkol sa basic education, sumangguni lamang sa official DepEd Philippines social media accounts.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Hinimok ni Education Secretary Sonny Angara ang mga mag-aaral na pangunahan ang pagbuo ng mga solusyong teknolohikal para sa mga lokal at pandaigdigang hamon sa pormal na pagbubukas ng 2026 National Science and Technology Fair (NSTF) ngayong Miyerkules.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/11/deped-hinimok-ang-mga-mag-aar…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nanawagan si Education Secretary Sonny Angara sa mahigit 1,300 alkalde sa bansa na magkaisa upang tugunan ang krisis sa kakulangan ng silid-aralan, kasabay ng paglalatag ng isang multi-channel roadmap upang mapunan ang 165,000 classroom deficit sa buong Pilipinas.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/10/deped-katuwang-ang-mga-lgu-sa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinapahusay ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng Lifelong Learning Development Framework (LLDF) Act o Republic Act 12313 upang mabigyan ng pagkakataon ang bawat Pilipino na patuloy na matuto at umunlad, anuman ang edad o pinagmulan.
Layunin ng batas na kilalanin pati ang mga kasanayang natutunan sa trabaho o community training at maikredit ito sa pormal na edukasyon o sertipikasyon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/10/deped-pinapahusay-ang-panuntu…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Trigger Warning: May sensitibong impormasyon ang sumusunod na pahayag.
📄 Basahin ang opisyal na pahayag ng Kagawaran ng Edukasyon kaugnay ng insidente sa Taguig City.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
Basahin ang opisyal na pahayag ng SDO Taguig and Pateros.
-
DepEd
@DepEd_PH
Para palakasin ang pundasyon ng sistema ng edukasyon sa bansa, opisyal na nilagdaan ng Department of Education (DepEd) at Department of Budget and Management (DBM) nitong Lunes ang isang makasaysayang kasunduan para sa pagtatatag ng mga Teacher Education Excellence Center (TEEC) sa buong bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/09/deped-at-dbm-magtatayo-ng-tea…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Upang mabawasan ang pagkonsumo ng enerhiya at higit na magamit nang wasto ang pampublikong kagamitan, sinimulan ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes ang pagpapatupad ng mga istriktong protocol sa pagtitipid ng fuel at mandatoryong flexible work arrangement para sa mga kawani nito.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/09/deped-magpapatupad-ng-pagtiti…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inilabas na ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang DepEd Memorandum No. 018 s. 2026 o ang gabay para sa implementasyon ng Energy Conservation Protocols at Flexible Work Arrangements sa mga tanggapan at opisina.
Basahin ang DM 018 s. 2026, dito: www.deped.gov.ph/2026/03/08/march-8-2026-dm-018-s-2026-im…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ka-DepEd, bilang pagtugon sa Memorandum Circular No. 114, na naglalayong mapababa ang konsumo ng kuryente at fuel sa mga tanggapan ng pamahalaan, ipatutupad ang mga sumusunod na protocol at 4-day work arrangement sa mga opisina.
Narito na ang mga gabay na dapat sundin. Basahin ang mahahalagang impormasyon sa ibaba.
Para sa kumpetong detalye basahin ang DepEd Memorandum No. 018 s, 2026: www.deped.gov.ph/2026/03/08/march-8-2026-dm-018-s-2026-im…
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
May patakaran na ang AI sa ating mga paaralan!
Ipinakikilala ng Kagawaran ng Edukasyon ang “Foundational Guidelines on Artificial Intelligence (AI) in Basic Education.”
Hindi natin ipinagbabawal ang teknolohiya–tinuturuan natin ang bawat isa kung paano ito gamitin nang tama at responsable.
Layunin natin:
✅ Guro at mag-aaral na "AI-ready"
✅ Protektado ang integridad ng pag-aaral
✅ Walang maiiwan sa digital na pagbabago
Sabay-sabay nating hubugin ang mga mag-aaral na handa sa hinaharap habang pinoprotektahan ang kanilang kapakanan at integridad ng edukasyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Ipinaalala ni Education Secretary Sonny Angara sa mga ECP promotees ng Davao Region ang kaakibat na responsibilidad ng promotion sa pagpapaunlad at pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon para sa bawat batang Pilipino.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ibinahagi ni Education Secretary Sonny Angara sa mga bagong promoted teachers at school heads ng Davao Region ang layunin ni Pangulong Bongbong Marcos na mapabuti ang kapakanan at career growth ng mga guro sa pamamagitan ng Expanded Career Progression (ECP) System.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa kanyang mensahe sa oathtaking ceremony ng ECP promotees sa Davao Region, tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara ang patuloy na suporta ng DepEd at pamahalaan para sa pag-unlad ng kakayahan at kapakanan ng mga Pilipinong guro.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd reposted
Philippine News Agency
@pnagovph
WATCH: President Ferdinand R. Marcos Jr., in a video message on Friday (March 6, 2026), gives updates on government contingency measures to address the impact of oil price increase amid the ongoing tensions in the Middle East. | Ruth Abbey Carlos
-
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang mahalagang papel ng mga guro sa paghubog ng disiplina, integridad, at pagpapahalaga ng kabataang Pilipino, sa idinaos na oathtaking ceremony para sa ECP promotees sa Davao Region.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ka-DepEd, sama-sama nating ipagdiwang ang tagumpay ng ating mga Pilipinong mag-aaral!
Narito ang mahahalagang updates para sa #eosyrites2026. 🎓✨
Isasagawa ang End-of-School-Year (EOSY) Rites para sa SY 2025–2026 sa Marso 30–31, 2026.
Tampok ngayong taon ang temang “Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao.” Ipinapakita nito ang patuloy na pangako ng DepEd sa holistic education, ang paghubog sa mga mag-aaral na hindi lamang mahusay sa akademiko, kundi may kakayahan, mabuting pagkatao, at dedikasyon sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino.
📄 Para sa kumpletong detalye at gabay, basahin ang DepEd Memorandum No. 015, s. 2026:
www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DM_s2026_015r.pdf
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang Ceremonial Oath-Taking ng 2,649 na mga guro mula sa Davao Region na ginanap sa Nabunturan National Comprehensive High School.
Ito ay bilang tanda ng kanilang pag-angat sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) program at isang mahalagang yugto sa kanilang propesyonal na paglalakbay.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/06/davao-educators-ipinagdiwang-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Isinusulong ni Education Secretary Sonny Angara ang mga mahahalagang reporma sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa private school partners upang mas mapabuti ang pagpapatupad ng voucher program.
Inatasan din niya ang Management Committee ng Kagawaran na higit pang paigtingin ang classroom observation system sa ilalim ng Teacher Growth and Performance framework.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/05/deped-isinusulong-ang-reporma…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Isang makasaysayang pagtitipon ang ginaganap ngayong araw sa Davao Region kung saan 2,649 promotees mula Teacher II hanggang Teacher VII, Master Teacher I hanggang Master Teacher V, at School Principal I hanggang School Principal IV ang sabay-sabay na nanumpa sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) System.
Pinamahalaan ang seremonya ni Secretary Sonny Angara, katuwang ang lahat ng Schools Division Offices sa Region XI, bilang bahagi ng pagbibigay ng mas malinaw at patas na oportunidad sa mga guro at lider ng paaralan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Dumarating na ang mga guro at school heads mula sa iba’t ibang bahagi ng Region XI para sa oath-taking ceremony ng mga na-promote sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) Program.
Sa kabuuan, 2,649 guro at school heads ang manunumpa ngayong araw sa pangunguna ni Education Secretary Sonny Angara.
Sa ilalim ng ECP, binibigyan ang mga guro at school heads ng mas malinaw na landas para sa kanilang pag-angat sa propesyon.
#depedphilippines
#bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Patuloy ang pagkakaroon ng global competitive advantage ng mga estudyanteng Pilipino matapos pagtibayin ng Department of Education (DepEd) at Ministry of Education ng Republic of Korea ang kasunduan para sa pagtuturo ng wikang Korean sa mga piling pampublikong high school sa bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/04/deped-pinalawak-ang-oportunid…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sinubukan muna. Pinag-aralan. Pinagplanuhan.
Ang Strengthened Senior High School (SSHS) curriculum ay unang ipinatupad sa 891 pilot schools noong SY 2025–2026 bago ang nationwide rollout sa SY 2026–2027.
Phased ang implementation. Hindi ito pag-aalis ng SHS — ito ay pagpapalakas nito.
👉 I-scroll ang bawat art card at basahin ang captions para sa mas malinaw na detalye.
#depedphilippines #bangonpilipinas #shsreform #strongershsbrighterfutures #futurereadyshs
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Magandang balita, mga ka-DepEd!
Inaprubahan na ang 5,335 teacher reclassification applications na naproseso sa ilalim ng mga naunang guidelines kabilang ang ERF, MEC Order No. 10, s. 1979, at DepEd Order No. 97, s. 2011.
Patunay ito ng matibay na pangako ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos at ng DepEd, sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara, na walang gurong maiiwan sa pag-unlad.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Alinsunod sa pagsisikap na pabilisin ang learning recovery, muling binuhay ng Department of Education (DepEd) ang leadership training para sa mga opisyal nito upang palakasin ang kapasidad ng Kagawaran na maipagpatuloy ang mga pangmatagalang reporma.
Pormal na nakipagkasundo nitong Martes ang DepEd sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara sa Development Academy of the Philippines (DAP) at Asian Institute of Management (AIM) para magsagawa ng mga kursong pamumuno para sa mga educators.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/03/kakayahan-ng-mga-educators-sa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa isa pang milestone sa pagsulong ng karera ng mga guro sa pampublikong paaralan, natanggap ng Department of Education (DepEd) ang pag-apruba ng 5,335 aplikasyon para sa reclassification na naproseso sa ilalim ng mga naunang alituntunin tulad ng ng Equivalents Record Form (ERF), MEC 10 s. 1979 at DO 97 s. 2011, bago ang pagpapatupad ng Expanded Career Progression (ECP) System.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/03/deped-nasaayos-na-ang-pag-apr…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
📣 MGA GURONG PILIPINO SA GITNANG SILANGAN:
Sa gitna ng kawalan ng katiyakan sa ibang bansa, bukas ang pintuan ng DepEd—sa pangunguna ng DMW-NRCO—para sa iyo!
Hiling namin na ligtas kang makakauwi sa piling ng iyong pamilya. Maaari mong ipagpatuloy ang iyong propesyon dito sa Pilipinas.
Narito ang mahahalagang dapat tandaan kung balak mo nang magturo muli sa Pilipinas.
📌 I-swipe para sa mga FAQs at kumpletong detalye!
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Kaugnay ng sitwasyon sa seguridad sa ilang bahagi ng Gitnang Silangan, muling pinagtitibay ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang kahandaan nitong suportahan ang Filipino teachers na maaaring maapektuhan at nagbabalak nang umuwi sa Pilipinas.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/03/02/deped-tiniyak-ang-suporta-sa-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Muling pinagtibay ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang pangako nito sa data-driven at evidence-based reforms sa ginanap na National Basic Education School Research Congress noong Pebrero 27–28, 2026 sa University of Saint Louis Tuguegarao (USLT).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/28/deped-binigyang-diin-ang-evid…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Para kay Teacher Kristine Crisseda “KC” Mangareng, Teacher I sa Longos National High School sa Malabon City, hindi lang nangyayari sa loob ng classroom ang pagkatuto. Para sa kanya, ang edukasyon ay may kasamang malasakit, serbisyo, at pagtulong sa kapwa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/27/deped-hero-kc-mangareng-at-pr…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinuri ng Department of Education (DepEd) ang paglulunsad ng National Artificial Intelligence Center for Research and Innovation (NAICRI), sa pangunguna ng Department of Science and Technology (DOST), alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang long-term AI ecosystem ng bansa at tiyakin ang responsableng integrasyon ng artificial intelligence sa basic education.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/26/deped-sinusulong-ang-responsi…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inilatag ng Department of Education (DepEd), sa pamamagitan ng Education Center for AI Research (ECAIR), ang national framework nito para sa pagpapalawak ng artificial intelligence sa pampublikong edukasyon sa AI Impact Summit na ginanap sa Bharat Mandapam Convention Centre, New Delhi, India.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/26/deped-at-edtech-hub-inilatag-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nagbigay ng suporta si Education Secretary Sonny Angara sa Department of Science and Technology (DOST) sa ginaganap na ceremonial launch ng National Artificial Intelligence Center for Research and Innovation (NAICRI), na bahagi ng pagpapatupad ng National Artificial Intelligence Strategy for the Philippines (NAIS-PH).
Bilang katuwang ng DepEd, itinuturing ang NAICRI bilang isang stratehikong oportunidad para sa sektor ng edukasyon na makatutulong sa research, analytics, at digital learning innovation ng ating mga mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kilalanin ang ating DepEd Hero! 👏❤️
Para kay Teacher Kristine, ang pagtuturo ay hindi lamang isang propesyon, ito ay isang misyon na nagmumula sa puso.
Noong 2018, itinatag niya ang Project Ulayaw: Above and Beyond, isang NGO na nagsimula bilang isang munting inisyatiba kasama ang kanyang mga learners. Mula rito, lumawak ang kanyang adbokasiya at ngayon ay pinamumunuan niya ang iba’t ibang outreach programs na nagdadala ng edukasyon sa mga batang pasyente sa ospital at nagbibigay-suporta sa mga batang nasa institutional care.
Sa bawat batang kanyang naaabot, hatid niya ang mensahe ng malasakit at pag-asa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kilalanin ang ating DepEd Hero! 💙✨
Pinatunayan ni Teacher Jeric, ang nasa likod ng Jerics Channel at Jerics Channel 2.0. na kapag binigyang-halaga ang nutrisyon ng mga learners, nagbubunga ito ng malaking pagbabago.
Sa pamamagitan ng kanyang sinimulang school feeding program, matagumpay na tumaas ang attendance at bilang ng enrollees sa kanilang paaralan. Higit pa rito, muling nabuhay ang pag-asa at motibasyon ng mga batang pumasok at mangarap.
Isang tunay na halimbawa ng guro at content creator na may pusong tunay na naglilingkod.
#depedheroes #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mula sa simpleng pagtulong, naging isang adbokasiyang nakapagpabago ng buhay ang school-based feeding program ni Teacher Jeric Maribao.
Itinatag niya ito sa kanyang paaralan para matulungan ang mga batang nagugutom matapos ang pandemya. Sa ngayon, daan-daan na ang natutulungan nito.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/25/deped-hero-jeric-maribao-bini…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Personal na namahagi ng hot meals si Education Secretary Sonny Angara sa mga mag-aaral ng Malinta Elementary School nitong Miyerkules bilang bahagi ng School-Based Feeding Program (SBFP) at pinangunahan ang turnover ng mga donasyong ICT equipment sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng DepEd sa IT & Business Process Association of the Philippines (IBPAP) at mga miyembro nitong kumpanya.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/25/angara-pinuri-ang-deped-lgu-p…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Kasama ang IT & Business Process Association of the Philippines (IBPAP) at lokal na pamahalaan ng Valenzuela, nakiisa si Education Secretary Sonny Angara sa turnover ceremony ng mga laptop at desktop donation mula sa Sherwater Health Advisors, Ascendion Digital Solutions, at Ernst & Young Global Services.
Kabilang sa mga paaralan na benepisyaryo ng mga donasyong laptop ang Pio Valenzuela Elementary School, Santiago A. De Guzman ES, Lawang Bato ES, at Malinta ES.
Bibisitahin din ni Sec. Sonny Angara at ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang bagong tayong Computer laboratory sa Malinta ES.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Personal na namahagi si Education Secretary Sonny Angara ng hot meals sa mga mag-aaral ng Malinta Elementary School, ngayong araw.
Mula sa inisyatiba ng DepEd SDO Valenzuela at lokal na pamahalaan ng Valenzuela, ang aktibidad ay bahagi ng school-Based Feeding Program (SBFP) gamit ang combination modality kung saan ang mga benepisyaryo ay tumanggap ng hot meals habang ang iba pa ay binigyan ng Nutritious Food Products (NFPs).
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bukod sa pagtugon sa classroom shortage, ibinahagi rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga programa ng pamahalaan na nakatutok sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at kapakanan ng mga guro at mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Matapos ang paglagda sa kasunduan ng DepEd at LGUs para sa Nationwide Classroom Building Program, ipinaalala ni Pangulong Bongbong Marcos ang maayos at tapat na paggamit sa pondo na ipinagkatiwala ng publiko.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nanawagan si Education Secretary Sonny Angara para sa mas malakas na pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor, sa kanyang pagdalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Editors and Economic Opinion Leaders Forum 2026 sa Makati City, ngayong araw.
Itinampok ni Secretary Angara ang mahalagang papel ng Public-Private Partnerships (PPPs) sa paggamit ng pribadong pamumuhunan at kadalubhasaan upang matugunan ang mga kakulangan sa imprastraktura at pag-aaral.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/24/angara-ibinida-ang-public-pri…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Dumalo si Education Secretary Sonny Angara sa ASEAN Editors and Economic Opinion Leaders Forum kasama ang ibang senior policymakers at global investors bilang bahagi ng pagbubukas ng ASEAN 2026 Chairship ng Pilipinas, ngayong araw.
#depedphilipppines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos ang pangangailangan ng agarang aksyon katuwang ang mga city government sa bansa upang tugunan ang malaking classroom shortage sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa idinaos na MOA signing ng DepEd at mga LGU para sa Nationwide Classroom Building Program, pinasalamatan ni Education Secretary Sonny Angara ang mga Mayor sa pagbubukas ng oportunidad na maging katuwang ng DepEd sa pagtugon sa kakulangan ng classroom sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nakiisa ang city governments sa buong bansa sa Department of Education (DepEd) at sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang sama-samang hakbang upang pabilisin ang pagpapatayo ng mga silid-aralan.
Ito'y matapos lumagda ang city mayors mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao sa isang memorandum of agreement (MOA) kasama ang DepEd sa Malacañan Palace nitong Lunes.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/23/mayors-nakikiisa-kay-pbbm-at-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Iprinisinta ng 149 mayors kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kasunduang nilagdaan kasama ang Department of Education (DepEd), sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara, para pabilisin ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa buong bansa.
Sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act, pinatatag ang DepEd–LGU partnership upang tugunan ang kakulangan sa silid-aralan at matiyak ang ligtas at sapat na pasilidad para sa bawat mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Mas pinalalakas na ugnayan ng DepEd at mga lokal na pamahalaan para sa mas epektibong pagtatayo ng mga silid-aralan!
Sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement ng DepEd at 149 na lungsod mas mapapabilis at matutukan ang pagpapatayo ng mga pasilidad para sa pangangailangan ng ating mga Pilipinong mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pormal nang nilagdaan ni Education Secretary Sonny Angara at ng mga city mayor mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang makasaysayang kasunduan na magpapabilis sa konstruksyon ng mga silid-aralan sa buong bansa.
Nagpasalamat ang Kalihim sa pakikiisa ng mga lokal na pamahalaan at nagpahayag ng kumpiyansa na sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act, higit pang mapatitibay ang ugnayan ng DepEd at LGUs upang mapabilis ang paghahatid ng mas maayos at sapat na pasilidad para sa mga mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Simula na ang pagtutulungan para sa mas maayos na kinabukasan ng ating mga mag-aaral!
Ngayong araw, pormal na lalagdaan ng Department of Education at ang mga lungsod sa bansa ang Memorandum of Agreement para sa Nationwide Classroom Building Program.
Isang pagsasanib-puwersa ng DepEd at mga lokal na pamahalaan sa pagpopondo, pagpapatayo, at pagpapanatili ng mga silid-aralan sa buong bansa, para sa mas ligtas at mas maayos na kapaligiran ng ating mga mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Dumarating na sa Malacañang ang mga mayor mula sa iba’t ibang lungsod upang lumagda sa kasunduan kasama ang Department of Education (DepEd), sa pangunguna ni Education Secretary Sonny Angara.
Layunin ng kasunduan na pabilisin ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa buong bansa. Matatandaang noong Pebrero 11, nauna nang lumagda ang 81 probinsya sa parehong inisyatiba.
Sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act, pinalalakas ang ugnayan ng DepEd at mga lokal na pamahalaan upang matugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sama-sama sa iisang layunin para sa kinabukasan ng kabataan! 🇵🇭🤝
Kasama ang mga lungsod sa bansa, uumpisahan natin ang pagtatayo ng mas ligtas, mas matibay, at mas maaliwalas na mga silid-aralan para sa bawat Pilipinong mag-aaral.
Tumutok sa DepEd Philippines para sa "Constructing Our Future: MOA Signing of DepEd and Cities for the Nationwide Classroom Building Program."
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nagkakaisang layunin para sa edukasyon!
Ang mga lungsod naman ang makakasama natin para sa paglagda ng makasaysayang pagtutulungan para sa pagtatayo ng mga silid-aralan sa bansa.
Abangan mamaya ang Constructing Our Future: MOA Signing of DepEd and Cities for the Nationwide Classroom Building Program.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
BUKAS NA! 🇵🇭🏫✨
Sama-sama nang kikilos ang mga lungsod at DepEd upang pagtibayin ang makasaysayang partnership na magpapabilis sa pagpapatayo ng mga silid-aralan sa buong bansa!
Isang hakbang na mas mabilis. Isang pagkilos na mas matibay. Isang kinabukasang mas maaliwalas para sa bawat batang Pilipino! 📚🔥
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
2 araw na lang. 🇵🇭🏫
Sa Pebrero 23, magsasama ang mga lungsod at DepEd para pagtibayin ang partnership na magpapabilis sa pagpapatayo ng mga silid-aralan sa buong bansa.
Sa Lunes na! Isang konkretong hakbang para sa mas maayos na pagkatuto. ✨📚
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
3 araw na lang bago ang DepEd x Cities MOA Signing para sa Nationwide Classroom Building Program. 🇵🇭🏫
Matapos ang paglagda ng mga probinsya at DepEd sa kasunduan para sa pagpapabilis ng pagpapatayo ng mga silid-aralan, mga lungsod naman ang magpapahayag ng kanilang pakikiisa sa Pebrero 23.
Mas pinalalakas. Mas pinapabilis. Mas pinapalapit ang maayos na silid-aralan para sa bawat bata.
Sama-sama tayo sa pagbuo ng mas matibay na kinabukasan. ✨📚
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) ang kahalagahan ng mas matibay na pagkakahanay ng mga institusyong pang-edukasyon, training providers, mga katuwang sa industriya, at mga ahensya ng pamahalaan sa paglahok ng Pilipinas sa ika-16 na ASEAN Qualifications Reference Framework Committee (AQRFC) Meeting.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/20/deped-nanawagan-para-sa-mas-m…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-halaga ni Pangulong Bongbong Marcos ang tungkulin na ginagampanan ng mga guro sa pagsisimula at pagsasakatuparan ng mga pagbabago para sa pag-unlad ng bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd reposted
Manila Bulletin News
@manilabulletin
Manila Bulletin Headline for February 20, 2026.
manilabulletin.pressreader.com
Grab a copy at your favorite newsstand today or read it all on our website at www.mb.com.ph
You can follow us on X
@manilabulletin, Instagram: @manilabulletin, Threads: @manilabulletin YouTube: youtube.com/user/TheManilaBulletin/, our Viber community: invite.viber.com?g2=AQBWrycZl%2BEHY0qSQMA42C4OVnU8%2B0IsO…, and subscribe to our newsletter here: newsletter.mb.com.ph/subscribe
You may also join our Facebook community page if you wish to share any stories and photos: www.facebook.com/groups/6069210456532643/ -
DepEd
@DepEd_PH
Nangako si Pangulong Bongbong Marcos, na tutumbasan ang serbisyong ibinibigay ng mga guro sa patuloy na pagpapalawak ng oportunidad sa promosyon, sa ginanap na oathtaking ng mga guro at school heads mula Bulacan at Pampanga.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa idinaos na oathtaking ng newly promoted teachers and school heads, kinilala ni Pangulong Bongbong Marcos ang kasipagan ng mga guro sa paglilingkod.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ramadan Mubarak!
Kaisa ang buong Kagawaran ng Edukasyon ng ating mga kapatid na Muslim sa paggunita sa Banal na Buwan ng Ramadan simula ngayong Pebrero 19, 2026.
Hangad natin ang isang mapayapa at makabuluhang paggunita ngayong taon.
#ramadan2026 #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes ang halos 2,000 bagong na-promote na mga guro at school leaders sa Central Luzon, kasabay ng pinaigting na pagpapatupad ng pamahalaan sa career progression program na naglalayong palawakin ang oportunidad sa promosyon sa sektor ng edukasyon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/19/pbbm-binigyang-pugay-ang-halo…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Personal na binisita ngayong araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama si Secretary Sonny Angara, ang Minuyan Elementary School sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang YAKAP Caravan sa paaralan na naglalayong isulong ang pangangalaga sa kalusugan, nutrisyon, at kabuuang kapakanan ng mga guro at mag-aaral.
Kasabay nito, namahagi rin ang Pangulo ng mga school bag bilang suporta sa kanilang pag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pinangunahan nina Pangulong Bongbong Marcos at Education Secretary Sonny Angara ang mass oathtaking ng mga newly promoted teachers at school heads sa Bulacan at Pampanga sa San Jose del Monte Sports Complex, ngayong araw.
Ito ay bahagi pa rin ng patuloy na pagpapalakas ng suporta ng pamahalaan at DepEd sa career progression ng mga guro sa buong bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas
#depedphilippines
#bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Hinikayat ni Education Secretary Sonny Angara ang pribadong sektor na maging bahagi ng pagtugon sa kakulangan ng 165,000 silid-aralan sa buong bansa at pagbuo ng modernong mga pampublikong paaralan, sa idinaos na Philippine Business for Education (PBEd) leadership forum sa Makati City.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/18/angara-nagpasaklolo-sa-pribad…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Dumalo si Secretary Sonny Angara sa 2026 leadership forum ng Philippine Business for Education (PBEd) kasama ang Department of Finance, Department of Economy, Planning and Development, mga PBEd Board Members at Trustees, advisers, at mga business leaders.
Ibinahagi ni Sec. Angara ang strategic roadmap ng DepEd na nakatuon sa Public-Private Partnerships (PPP) para sa classroom infrastructure, digitalization, at decentralization na layong palakasin ang pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor, i-modernize ang mga paaralan, at gamitin ang teknolohiya upang mapabuti ang kalagayan ng bawat mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Tinitiyak ng Kagawaran ng Edukasyon ang maingat at maayos na proseso sa pagpapatupad ng mga bagong reporma sa edukasyon. Ang mungkahing Trimester System ay samasailalim na sa mga konsultasyon upang matiyak na mapakikinggan ang pananaw ng ating mga guro at stakeholders.
Layunin natin ang isang repormang pinag-isipan, pinakinggan, at binuo para sa mas maayos na sistema ng edukasyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Nauunawaan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pangamba ng ating mga guro, stakeholders, at mga mambabatas hinggil sa mungkahing Trimester System. Hangad ng mungkahing ito na masuportahan ang reporma sa edukasyon habang patuloy na pinauunlad ang buong sistema.
Basahin ang opisyal na pahayag sa ibaba.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inihayag ni Education Secretary Sonny Angara na lubusan ang pagkalinga ngayon sa lahat ng pampublikong guro sa bansa, lalo na ang mga benepisyong tinatanggap mula sa pamahalaan.
Ayon kay Sec. Angara, ito ay bahagi na rin ng direktiba ni Pangulong R. Marcos Jr. na unahin ang kapakanan ng mga public school teachers na bahagi ng pagpapabuti sa sistema ng edukasyon sa bansa.
Basahin: Mga public school teacher, todo alaga ng Marcos admin
Link: www.deped.gov.ph/2026/02/16/mga-public-school-teacher-tod…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Nasa Iligan City, Lanao del Norte, ngayong araw si Education Secretary Sonny Angara para bisitahin ang ilang pampublikong paaralan sa lugar.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
TINGNAN: Bilang pasasalamat ngayong Araw ng mga Puso, nagsagawa ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), katuwang ang ating mga education partners, ng isang espesyal na Valentine’s treat para sa mga guro sa San Mateo, Rizal.
Sa pangunguna ni Usec. Fatima Lipp Panontongan at DepEd R-4A Calabarzon RD Alberto Escobarte, handog ng DepEd ang iba’t ibang wellness services para sa ating mga teachers, kabilang ang hairdressing, make-up application, manicure, pedicure, facial massage, at iba pang pampering treatments.
Nagpapasalamat tayo sa ating mga partners na nakasama natin sa pagsasakatuparan ng aktibidad para sa ating mga guro.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Happy Valentine’s Day, Ka-DepEd! ❤️✨
Ang tunay na pagmamahal sa serbisyo ay nagsisimula sa pag-aalaga sa sarili. Kaya naman, handog ng Department of Education (DepEd) sa araw ng mga puso ang Wellness Leave!
Ito ay bahagi ng patuloy na pagbibigay-priyoridad ng DepEd at administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa mental health at pangkalahatang kalusugan ng ating mga kawani.
Alamin ang mahahalagang detalye sa ibaba kung paano ma-avail ang Wellness Leave.
Para sa iba pang impormasyon, basahin ang DepEd Order No. 002 s. 2026: www.deped.gov.ph/2026/02/13/february-13-2026-do-002-s-202…
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Ka-DepEd, narito na ang DepEd Order No. 002, s. 2026 o Guidelines on the Grant of Wellness Leave for Department of Education Personnel.
Alamin ang mga patakaran, saklaw, at proseso ng pag-avail ng Wellness Leave.
Basahin ang buong DepEd Order dito: www.deped.gov.ph/2026/02/13/february-13-2026-do-002-s-202…
#depedphilippines #depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Nagkaloob ang Department of Education (DepEd) ng hanggang limang araw na wellness leave kada taon para sa mga teaching at non-teaching personnel nito, bilang bahagi ng hakbang upang suportahan ang kanilang mental health at pangkalahatang kapakanan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/13/deped-nagkaloob-ng-5-araw-na-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Isinusulong ng Department of Education (DepEd) ang mga reporma sa school calendar, kabilang ang panukalang paglipat sa trimester system.
Ito ay bahagi ng holistic na approach upang matiyak ang wastong distribusyon ng oras na sumasaklaw sa academic, co-curricular, at extracurricular activities.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/13/deped-isinusulong-ang-trimest…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
📢 Para sa ating mga Local Leaders at LGUs!
Maging bahagi ng solusyon upang mas mapabilis ang konstruksyon at masiguro ang kalidad ng bawat silid-aralan.
Bahagi ito ng Nationwide Classroom-Building Program na nagtataguyod ng magkatuwang na responsibilidad sa pagpopondo, pagtatayo, at maintenance ng mga pasilidad.
Alamin ang mahahalagang detalye tungkol sa bagong nilagdaan na Memorandum of Agreement sa pagitan ng DepEd at LGUs, at kung paano maaaring maging bahagi ng proyekto ang inyong lugar.
#depedphilippines #bagongpilipinasPost not available here, view on X
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Basahin ang opisyal na pahayag ng Kagawaran ng Edukasyon, kaugnay ng pagkamatay ng isang Kindergarten learner mula sa Maguindanao del Sur.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pamamagitan ng partnership ng DepEd x UP Resilience Institute (UPRI) NOAH Center, nagagamit ang siyensiya upang gawing mas handa at mas ligtas ang bawat paaralan.
Mula risk assessment hanggang early warning systems, isinasalin ang agham sa konkretong proteksyon para sa learners at teachers na agad naramdaman ng mga taga Iligan City.
Ganito gumagana ang science kapag naisasalin sa tamang impormasyon, tamang oras, at tamang aksyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Nagpahayag ng buong suporta ang mga gobernador at guro sa pinalawak na pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) sa local government units (LGUs) upang mapabilis ang pagpapatayo ng mga silid-aralan.
Ito ay kasunod ng paglalaan ng Php9.6 bilyon para sa first tranche ng classroom building program sa ilalim ng 2026 national budget.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/12/governors-teachers-suportado-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kapag edukasyon ang inuuna, buong bayan ang umaangat!
Suportado ng DepEd, sa pamumuno ni Sec. Sonny Angara, ang hakbang ni Pangulong Bongbong Marcos na bigyang-priyoridad ang edukasyon at kapakanan ng mga bata.
Ang pagsama ng edukasyon at child welfare sa 21 priority bills na inaprubahan sa ikatlong Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ay malinaw na mensahe: kabataang Pilipino ang nasa puso ng Bagong Pilipinas.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang layunin ng kasunduan na matiyak ang pagkakaroon ng ligtas, maayos, at maginhawang mga silid-aralan para sa bawat Pilipinong mag-aaral sa naganap na MOA signing ng DepEd at mga probinsya para sa Nationwide Classroom Building Program sa Malacanang.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-halaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang halaga ng bagong kasunduan ng DepEd at LGUs ng mga probinsya upang mas mabilis na maihatid sa mga mag-aaral ang kinakailangang mga silid-aralan.
#depedphilippines #bagonggpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Buong suporta ang Department of Education (DepEd) sa desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyang-priyoridad ang mahahalagang panukala para sa edukasyon at child welfare and protection.
Kabilang dito ang mga panukalang batas sa pagpapabilis ng pagtatayo ng mga silid-aralan, laban sa online na seksuwal na pang-aabuso sa mga bata, at sa pagpapalawak ng education assistance.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/11/deped-suportado-si-pbbm-sa-pa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa kanyang talumpati sa MOA signing ng DepEd at ng mga probinsya para sa Nationwide Classroom Building Program, iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kinakailangang agarang aksyon upang mabilis na matugunan ang classroom shortage sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkules ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at mga local government units (LGUs), na kinakatawan ng nasa lagpas 90% ng probinsya sa bansa, upang pabilisin ang classroom construction at tugunan ang patuloy na kakulangan ng mga silid-aralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/11/pbbm-deped-at-lgus-tulong-tul…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang gampanin ng mga lokal na pamahalaan upang mapabilis ang patugon sa kakulangan ng silid-aralan sa bansa sa kanyang mensahe sa paglagda ng kasunduan ng DepEd at Provincial Governors para sa Nationwide Classroom Building Program.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Tulong-tulong ang bawat sektor! 🤝🇵🇭
Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, lahat ay may ambag sa pagtatayo ng mas magandang kinabukasan ng mga mag-aaral. Mas maraming sektor na kabahagi, mas mapabibilis natin ang pagtatayo ng mga silid-aralan sa buong bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa kanyang mensahe sa ginanap na MOA signing para sa Nationwide Classroom Building Program, tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara ang patuloy na pagtutulungan upang maihatid sa mga Pilipinong mag-aaral ang dekalidad na edukasyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas matibay na pundasyon para sa mas maginhawang kinabukasan ng mga Pilipinong mag-aaral! 💪🏫
Sa ilalim ng makasaysayang pagtutulungan ng DepEd at mga probinsya, titiyakin natin ang mabilis na paghahatid ng ligtas at epektibong pasilidad sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
#depedphiippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Aktibong partisipasyon ng mga lokal na pamahalaan, para sa mas tiyak na implementasyon! 🤝🏫
Sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement ng DepEd at 82 probinsya, mas mabilis at matutukan ang pagpapatayo ng mga pasilidad na nakaayon sa pangangailangan ng mga paaralan.
#depedphiippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa kanyang mensahe sa ginanap na MOA signing para sa Nationwide Classroom Building Program, kumpiyansa si Education Secretary Sonny Angara na malaki ang pagbabagong maidudulot ng pagtutulungan ng DepEd at mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa classroom shortage sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nagkakaisang layunin para sa edukasyon! 🤝🏫
Pirmado na ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Education at 82 probinsya para sa Nationwide Classroom Building Program.
Sa ilalim ng bagong MOA, sisimulan ang malawakang hakbang para tugunan ang kakulangan ng silid-aralan sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Isang makasaysayang kasunduan para sa edukasyon! 🤝🇵🇭
Opisyal nang lalagdaan ngayong araw ng Department of Education at 82 provincial governors ang Memorandum of Agreement para sa Nationwide Classroom Building Program.
Sa ilalim ng kasunduan, magtutulong ang DepEd at mga provincial government sa pagpopondo, pagtatayo, at maintenance ng mga silid-aralan sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sama-sama para sa nagkakaisang misyon!
Sisimulan na natin ang pagbuo ng mas ligtas at mas maayos na mga silid-aralan para sa mga Pilipinong mag-aaral! 🏫✨
Tunghayan ang Constructing Our Future: MOA Signing of DepEd and Provinces for a Nationwide Classroom Building Program ngayong araw.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa kanyang mensahe sa idinaos na oath-taking ceremony para sa mga newly promoted personnel ng DepEd NCR, ibinahagi ni Pangulong Bongbong Marcos ang konkretong suporta na ibinibigay ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga guro at pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa kanyang mensahe sa idinaos na oath-taking ceremony para sa mga newly promoted personnel ng DepEd NCR, muling binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang pangako sa kanyang nakaraang SONA, kasabay ng pagbabahagi ng patuloy na pagtutok ng pamahalaan sa career progression ng mga guro.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinapalakas ng Department of Education (DepEd) ang pakikipagtulungan nito sa mga karatig-bansa sa Timog-Silangang Asya upang mas mapabilis ang paggamit ng digital technology na may artificial intelligence (AI) sa basic education.
Layunin nito na makatulong ang teknolohiya sa mas epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral at mapagaan ang trabaho ng mga guro.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/10/deped-nakikipagtulungan-sa-as…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bukas na!
Sama-sama sa pagtatayo ng mas maginhawang kinabukasan para sa mga Pilipinong mag-aaral! 🤝🏫
Saksihan ngayong darating na Pebrero 11, ang pormal na paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Kagawaran ng Edukasyon at mga probinsya sa buong bansa para sa Classroom Building Program.
Abangan ang programa sa opisyal na Facebook Page, YouTube Channel, at website ng DepEd Philippines.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ka-DepEd, makiisa sa pagdiriwang ng Safer Internet Day (SID) for Children Philippines!
May temang “Ako, Ikaw, Tayo: Konektado at Protektado Laban sa OSAEC at CSAEM,” binibigyang-tuon ng pagdiriwang ngayong taon ang kahalagahan ng sama-samang pagtutulungan ng buong bansa upang lumikha ng mas ligtas na digital space para sa kabataang Pilipino.
Magkaisa tayo upang itaguyod ang online safety sa pamamagitan ng paghihikayat ng responsableng paggamit ng internet at pagtugon sa mga hamon at oportunidad ng digital world para sa mga batang Pilipino.
#sidph2026
#saferinternet4kids
#depedphilippines
#bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
🇵🇭 Sama-sama nating itinatayo ang pundasyon ng kinabukasan.
Sa Pebrero 11, lalagdaan sa Malacañang ng DepEd at mga Provincial Government ang isang makasaysayang kasunduan upang pabilisin ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa buong bansa.
Dahil sa bawat silid-aralang maitatayo, mas maraming pangarap ang magkakaroon ng espasyo. At mas maliwanag na kinabukasan ang mabubuo para sa mga mag-aaral na Pilipino. 📖✨
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa kanyang mensahe sa oath-taking ceremony para sa mga newly promoted personnel ng DepEd NCR, ipinaalala ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga guro ang kanilang bahagi sa paghubog ng mga Pilipino na may tunay na pagmamahal sa bayan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa kanyang mensahe sa idinaos na oath-taking ceremony para sa mga newly promoted personnel ng DepEd NCR, binigyang-halaga ni Pangulong Bongbong Marcos ang mahalagang tungkulin ng mga guro sa paghubog ng disiplina at gawi ng mga Pilipinong mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Tulong-tulong tayo sa pagtatayo ng mas matibay at mas maginhawang kinabukasan! 🤝🏫
Ngayong Miyerkules, huwag palampasin ang pormal na paglagda ng kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at mga probinsya sa buong bansa para sa Classroom Building Program, hakbang tungo sa mas maayos at dekalidad na edukasyon.
Abangan ang programa sa opisyal na Facebook Page, YouTube Channel, at website ng DepEd Philippines.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
PAALALA SA PUBLIKO ⚠️
Fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa umano'y suspensyon ng face-to-face classes dahil sa Nipah virus.
Muling pinaaalalahanan ang publiko na maging maingat at mapanuri sa mga impormasyong nababasa online. Huwag i-follow ang mga page na nagbabahagi ng maling impormasyon at agad i-report ang mga ito.
Para sa opisyal na mga anunsiyo at impormasyon tungkol sa basic education, sumangguni lamang sa official DepEd Philippines social media accounts.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inilunsad nitong Lunes, sa pangunguna ni Education Secretary Sonny Angara, ang Classroom Leasing Initiative ng DepEd sa Pila, Laguna.
Isa itong pansamantalang solusyon na binuo kasama ang mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor upang agad na mabawasan ang siksikan sa mga pampublikong paaralan habang patuloy ang pagtatayo ng mga permanenteng silid-aralan sa bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/09/deped-inilunsad-ang-classroom…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Kasalukuyang nasa Calamba Elementary School si Education Secretary Sonny Angara upang personal na obserbahan at patuloy na suportahan ang Binhi Reading Program.
Bukod sa program observation, namahagi rin ang DepEd ng laptops para sa mga learners at guro ng paaralan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pinangunahan ni Secretary Sonny Angara ang inagurasyon ng kauna-unahang Classroom Leasing Project ng DepEd sa Don Manuel Rivera Memorial Integrated National High School sa Pila, Laguna.
Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, layunin ng proyekto na tugunan ang kakulangan sa silid-aralan at higit pang mapabuti ang karanasan sa pagkatuto ng bawat batang Pilipino.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara nitong Huwebes ang pagkilala sa mga public school educators matapos ang oath-taking ng 2,915 newly promoted teachers at school leaders mula sa National Capital Region (NCR).
Binibigyang-diin nito ang tulak ng administrasyon na pabilisin ang matagal nang naantalang career progression sa sektor ng edukasyon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/06/pbbm-admin-pinapabilis-pa-ang…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pinangasiwaan ni Secretary Sonny Angara ang panunumpa ng mga bagong na-promote na guro at school heads ng National Capital Region.
Saksi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., layon ng programa na kilalanin ang dedikasyon at palakasin ang kanilang kapasidad sa pamumuno at pagtutok sa patuloy na pag-unlad ng edukasyon sa mga paaralan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Dumating na si Education Secretary Sonny Angara sa Makati Coliseum upang pamunuan ang panunumpa ng higit 2,900 guro at teachers ng National Capital Region.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Dumating na ang mga guro at school heads ng National Capital Region sa Makati Coliseum.
Nakatakdang pangunahan ngayong araw nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Secretary Sonny Angara, ang oath-taking ceremony ng mga bagong na-promote na personnel sa rehiyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng TESDA Skills Passport Mobile Application sa Makabagong San Juan Theatre, ngayong araw.
Nagsisilbi itong mahalagang hakbang sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na patibayin ang ugnayan ng edukasyon at trabaho sa pamamagitan ng digitalization at mas matibay na koordinasyon ng mga ahensya.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/05/deped-suportado-ang-digital-r…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Pangungunahan ni Pangulong Bongbong Marcos at Secretary Kiko Benitez, kasama si Secretary Sonny Angara, ang opisyal na paglulunsad ng TESDA Skills Passport Mobile App, isang digital platform para sa training records, trabaho, at scholarships ng mga mag-aaral at manggagawa.
Layunin ng bagong digital platform na mas mapadali ang access sa impormasyon at mapaigting ang kahandaan sa trabaho ng mga Pilipinong mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Mas pinaigting ng Department of Education (DepEd) ang mga hakbang para matapos ang mga hindi pa kumpletong classroom projects sa buong bansa, kasabay ng paghahanda na palawakin ang mga opsyon sa pagpapatupad simula 2026 upang matugunan ang kakulangan sa pasilidad sa mga paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/05/deped-pinapabilis-ang-pagtapo…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPENING NOW: Kasalukuyang nakikipagdayalogo si Education Secretary Sonny Angara sa mga mayor ng National Capital Region upang hikayatin ang partisipasyon ng mga local government units sa pagtugon sa classroom shortage sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Inilahad ng Department of Education (DepEd) ang mga plano nito para sa mas matibay at mas epektibong sistema ng edukasyon sa ginanap na National Planning Conference.
Ibinatay ang mga policy directions, strategic priorities, at implementation roadmaps mula sa mga rekomendasyon ng Final Report ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/04/deped-pinaiigting-ang-mga-rep…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Taos-pusong nagpapasalamat ang Department of Education sa Society of Jesus Educational Apostolate (SJEA) sa kanilang patuloy na suporta sa mga repormang itinutulak ng Kagawaran.
Kasama ang Jesuit schools at universities, patuloy nating isinusulong ang makabuluhan, makatao, at pangmatagalang reporma para sa bawat Pilipinong mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa kanyang talumpati sa 42nd National Social Action General Assembly of Caritas Philippines, ibinahagi ni Education Secretary Sonny Angara na pinalalakas ng Department of Education (DepEd) ang pakikipag-partner sa Simbahan at mga civil society group upang maabot ang underserved learners dahil sa kahirapan at kakulangan sa oportunidad, bilang bahagi ng mas malawak na reporma sa edukasyon.
Basahin:www.deped.gov.ph/2026/02/03/deped-pinalalalim-ang-ugnayan…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kuwentong ARAL | Kilalanin si Kendra, isang mag-aaral ng San Roque Elementary School sa Navotas City.
Para kay Kendra, mas naging magaan ang pagkatuto dahil alam niyang hindi siya nag-iisa. Ito ay dahil nagkaisa ang kanyang paaralan at mga magulang upang bigyan siya ng patuloy na suporta. Sa pagtutulungang ito, na pinalalakas ng ARAL Program, unti-unti ring tumitibay ang kanyang kumpiyansa.
Ito ang isa sa mga layunin ng ARAL Program: ang makapaglikha ng isang kapaligirang nagbubuklod sa guro, magulang, at komunidad para sa bawat bata, dahil mas nagiging posible ang pag-unlad kapag sama-sama ang paggabay.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sila ang mukha ng pag-asa at pag-unlad.
Higit pa sa kasanayan sa loob ng silid-aralan, ang tagumpay ng ating mga Tech-Voc student ay bunga ng pagkakaisa ng paaralan, industriya, at komunidad. Sa pamamagitan ng masusing training at work immersion, sinisiguro nating ang bawat mag-aaral ay hindi lang handa sa trabaho, kundi handang mag-ambag sa pagbuo ng mas matatag na nasyon.
Kapag nagtutulungan ang lahat, ang teknikal na kaalaman ay nagiging susi sa pagbabago ng buhay at pag-angat ng bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas #techvoc
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Pormal na pinagtibay ng Department of Education (DepEd) at Open Ownership ang mga pagsisikap tungo sa transparency, integridad, at risk detection sa public funds sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng paglagda ng isang memorandum of agreement ngayong Pebrero 2.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/02/deped-pinapatibay-ang-educati…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nauunawaan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang panawagan para sa 10-year payment sa salary loans upang gumaan ang buwanang kaltas. Gayunman, ang usapin ng loan ay saklaw ng patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang DepEd sa mga partner upang humanap ng paraan o suporta na makatutulong para sa kapakanan ng ating mga guro at kawani.
Basahin ang buong DepEd Advisory sa ibaba.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
TINGNAN: Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Education (DepEd) at Open Ownership, sa pangunguna nina Education Secretary Sonny Angara at Atty. Emily Manuel, para sa bukas at responsableng paggastos ng pondo ng bayan.
Sa ilalim ng kasunduan, susuriin ang mga procurement awards upang makita ang mga impormasyong maaaring mapakinabangan at kung paano higit na mapauunlad ang polisiya at proseso ng procurement sa loob ng ahensya, kasama na rin ang capacity-building para sa mga kawani na namamahala nito.
Ito ay hakbang ng ahensya at ng pamahalaan upang mapaunlad ang transparency at accountability sa DepEd.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng International Day of Education, binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na nakapokus sa mag-aaral ang agenda ng reporma ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), lalo na sa early grades kung saan inihahanda ang pundasyon ng pag-aaral.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/02/02/boses-ng-mag-aaral-gabay-ng-r…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa paglulunsad ng EDCOM 2 Final Report sa Senado, nagpasalamat si Education Secretary Sonny Angara sa EDCOM 2 sa pagbibigay ng malinaw at mahalagang gabay upang mas maiayon ang mga reporma sa tunay na pangangailangan ng sektor ng edukasyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa paglulunsad ng EDCOM 2 Final Report sa Senado, pinuri ni Sen. Allan Peter Cayetano ang EDCOM 2 sa pagbibigay ng malinaw na direksyon at komprehensibong rekomendasyon tungo sa makabuluhang reporma sa edukasyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa paglulunsad ng EDCOM 2 Final Report sa Senado, binigyang-halaga ni Sen. Bam Aquino ang gampanin ng mga mambabatas, education agencies, paaralan, at iba pang katuwang sa sektor ng edukasyon upang maisakatuparan ang mga layunin para sa sistema ng edukasyon sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa idinaos na EDCOM 2 Final Report Launch sa Senado, iginiit ni Sen. Joel Villanueva ang kahalagahan ng patuloy na suporta sa early childhood development at literacy bilang pundasyon ng panghabambuhay na pagkatuto ng mga bata.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa idinaos na EDCOM 2 Final Report Launch sa Senado, inihayag ni Senator Loren Legarda ang tunay na layunin na maramdaman ng publiko ang pagbabago sa pamamagitan ng mga repormang ipapatupad sa edukasyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa idinaos na paglulunsad ng EDCOM 2 Final Report sa Senado, nagpahayag ng kumpiyansa si Senator Win Gatchalian na sa pamamagitan ng maayos na pagpapatupad ng mga rekomendasyon nito, makakamit ng mga Pilipinong mag-aaral ang dekalidad na edukasyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang ganap na pagpapatupad ng mga matagal nang inirerekomendang reporma sa basic education.
Ito ay kasabay ng pagsulong ng mga structural reform na sinusuportahan ng pinakamalaking budget sa kasaysayan ng ahensya, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at pamumuno ni Education Secretary Sonny Angara.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/30/rekord-na-pondo-mga-makasaysa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa idinaos na paglulunsad ng EDCOM 2 Final Report sa Senado, binigyang-diin ni EDCOM 2 Exective Director Karol Mark Yee ang halaga na matiyak na magtutuloy-tuloy ang mga reporma sa edukasyon sa tulong pamahalaan, mga opisyal, at institusyon upang makita ang pagbabago.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa idinaos na paglulunsad ng EDCOM 2 Final Report sa Senado, ipinaalala ni Education Secretary Sonny Angara ang tungkulin ng DepEd at mga kasama sa sektor ng edukasyon na matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga reporma para sa kinabukasan ng mga Pilipinong mag-aaral at ng bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nanawagan ang Department of Education (DepEd) ng sama-samang pagkilos ng buong gobyerno upang tugunan ang krisis sa pagkatuto ng bansa. Ito ay kasabay ng pormal na pagtanggap ng DepEd sa Final Report ng EDCOM 2 at ang pagsumite ng National Education and Workforce Development Plan (NatPlan) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang seremonya sa Malacañang Palace nitong Huwebes.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/29/deped-nananawagan-ng-sabayang…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kailangan ang sama-samang aksyon ng buong gobyerno, pribadong sektor, at komunidad laban sa learning crisis!
Kasama ang Kongreso, DBM, CHED, TESDA, DOH, DSWD, DILG, at marami pang iba, tinatanggap ng DepEd ang hamon ng EDCOM 2 Report at National Education and Workforce Development Plan (NatPlan) upang:
✅ Palakasin ang early childhood care, lalo na sa nutrisyon ng mga batang 0-5 taong gulang.
✅ Palakasin ang ugnayan ng edukasyon at mga oportunidad sa trabaho.
✅ I-modernize ang sistema ng pagtuturo at paglilisensya ng mga guro.
✅ Magkaisa sa pagpaplano, badyet, at accountability.
Tuloy-tuloy ang reporma. Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. at ni Secretary Sonny Angara, naniniwala tayong kaya magtagumpay kung magtutulungan.
Magkakapit-bisig na isulong ang dekalidad at makabuluhang edukasyon para sa lahat!
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules ang malaking pagbabago sa Senior High School (SHS) technical-vocational program, mula sa static na kurikulum tungo sa mas dynamic at data-driven na modelo na nakaayon sa aktuwal at kasalukuyang pangangailangan ng industriya.
Ito ay kasabay ng pagtitipon ng mga lider mula sa pamahalaan at pribadong sektor sa National Tech-Voc Summit sa Quezon City.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/29/data-driven-at-industry-led-n…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Maraming salamat, EDCOM II, sa malinaw na direksyon para sa edukasyon. 🇵🇭
Pinagtitibay ng EDCOM II Final Report na ang mga repormang kasalukuyang ipinatutupad ay nakaayon sa mga rekomendasyong inilatag ng Komisyon at tumutugon sa mga tunay na hamon ng basic education.
Ngayon, malinaw ang panawagan: magkaisa tayo upang mas mabilis na maisulong ang mas mahusay na edukasyon. Sa DepEd, patuloy kaming makikinig, kikilos at maninindigan upang masiguro na ang bawat batang Pilipino, ngayon at sa hinaharap, ay may pagkakataong matuto, umunlad, at magtagumpay.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Ibinahagi ni Education Secretary Sonny Angara, sa Mayor’s Dialogue on Accelerating Classroom-building sa San Juan City ngayong Miyerkules, ang mga repormang magpapabilis sa pagtatayo ng mga silid-aralan at mag-iibsan ng kakulangan sa mga pampublikong paaralan sa tulong ng mga lokal na pamahalaan.
Tinalakay sa dayalogo, na dinaluhan ng mahigit 200 opisyal ng LGU, ang mas malinaw na ugnayan ng DepEd at LGU, mga update sa mga proyektong public–private partnership, at mga opsyon upang pangunahan ng mga lokal na pamahalaan ang pagtatayo ng mga silid-aralan gamit ang pondo ng pambansang pamahalaan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/28/mas-mabilis-na-classroom-deli…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kilalanin ang ating DepEd Heroes! 🫡🇵🇭
Bilang isa sa mga naunang partners ng DepEd sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Sonny Angara, naging mahalagang katuwang ang Khan Academy Philippines Inc. sa pagbibigay ng libre, localized, at world-class na EdTech platform para sa Filipino learners at teachers.
Isang pagpupugay sa mga lider ng Khan Academy PH—sina Atty. Geraldine Sunshine-Acuña, Atty. Myrish Cadapan-Antonio, at Ms. Denise Fabella—sa kanilang patuloy na pagsusumikap para sa quality education for all.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Pangungunahan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang susunod na dekada ng reporma sa edukasyon kasunod ng paglulunsad ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na pinamagatang, “Turning Point: A Decade of Necessary Reforms (2026–2035),” habang isinasakatuparan ni Education Secretary Sonny Angara ang paglalatag ng mga kongkretong reporma at aksyon para sa mga paaralan, guro, at mag-aaral.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/27/reporma-sa-deped-pinagtibay-n…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Itinampok ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes ang lumalawak na partnership nito sa Khan Academy Philippines, na sumusuporta sa pag-angat sa learner performance at suporta sa mga guro gamit ang mga paggamit ng libreng digital learning platform sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Ayon sa DepEd, umabot na sa mahigit 711,000 learner-beneficiaries at 12,153 guro sa higit 2,700 pampublikong paaralan ang naaabot ng Khan Academy Philippines, mula sa paunang pilot na 30 paaralan noong nagsimula ang partnership. Patuloy ang paglawak ng programa sa buong bansa, na nagbibigay ng libreng software access at teacher training nang walang dagdag na gastos sa pamahalaan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/26/deped-kinilala-ang-papel-ng-k…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nagkaisa ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na pabilisin at palakasin ang mga reporma sa edukasyon, partikular sa early learning, inclusive education, at literacy recover, sa ikalawang joint meeting ng Education Trifocal Agencies.
Para masigurong magkakaugnay at tuloy-tuloy ang mga reporma, bumuo ang mga ahensya ng mga Permanent Working Groups (PWGs) na tututok sa pagpapatupad ng mga pangunahing reporma sa susunod na dalawang taon. Pangunahing layunin ng mga grupong ito na gawing mas maayos ang paglipat ng mga mag-aaral—mula early childhood, patungong basic education, at hanggang higher education o technical training.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/26/deped-isusulong-and-early-chi…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bilang bahagi ng agenda sa edukasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pinangunahan nina Education Secretary Sonny Angara at House Majority Leader Sandro Marcos nitong Biyernes ang sabayang panunumpa ng 789 pampublikong guro sa Ilocos Norte na nakatanggap ng career upgrades sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) system ng Department of Education (DepEd).
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/23/pbbm-gabay-umarangkada-na-789…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Lahat ay pwede nang magbalik-aral, anytime!
Bata man, kabataan, o nakatatanda–ang bagong Enhanced ALS ay para sa iyo.
Bahagi ito ng patuloy na reporma ng DepEd at pamahalaan na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang bawat Pilipino na makapag-aral, kahit anong edad o sitwasyon. Suportado ito ni Pangulong Marcos Jr. at ni Secretary Sonny Angara, upang ang ALS ay maging tunay at lehitimong paraan ng edukasyon para sa lahat.
Mababasa ang bagong guidelines sa: www.deped.gov.ph/2026/01/19/january-19-2026-do-001-s-2026…
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang pinalawak na Alternative Learning System (ALS) na layong palakasin ang flexible learning pathways para sa out-of-school children, youth, at adults, habang mas inaayon ang programa sa formal K to 12 curriculum at sa kailangang employability at life skills.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/22/pinalawak-na-alternative-lear…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinagtibay ng Department of Education (DepEd) ang bagong memorandum of agreement (MOA) kasama ang mga local government units (LGUs) upang pabilisin ang pagtatayo, pag-aayos, at pagpapaganda ng mga pampublikong silid-aralan gamit ang 2026 national budget.
Inaasahang makatutulong ito upang mabawasan ang siksikan sa mga silid-aralan at mapabuti ang kalagayan ng pag-aaral para sa mga estudyante at guro.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/21/deped-at-lgus-magtatatag-ng-k…
#depedphilippines #bagongpilipin -
DepEd
@DepEd_PH
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara nitong Martes ang turnover ng bagong 4-storey, 16-classroom building sa Santiago Elementary School at ang oath-taking ceremony ng mga promoted teachers sa ilalim ng ng Expanded Career Progression (ECP) System, sa General Trias City, Cavite.
Ito ay bahagi ng pinaigting na hakbang ng Department of Education (DepEd) para matugunan ang pangangailangan ng mga paaralan sa mga lumalaking urban areas at maisulong ang career progression ng mga guro.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/20/bagong-classrooms-tuloy-tuloy…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
SHARE YOUR INSIGHTS WITH US! 📣
Be part of shaping a stronger future for lifelong learning.
The Philippine Qualifications Framework - National Coordinating Council (PQF-NCC), composed of DepEd, TESDA, CHED, PRC, DOLE, DTI, and DILG, is developing the Implementing Rules and Regulations (IRR) of Republic Act No. 12313, also known as the “Lifelong Learning Development Framework Act.”
We invite you to share your comments and suggestions on the draft IRR. Please send your feedback on or before 30 January 2026 to legis@deped.gov.ph and pqf.secretariat@deped.gov.ph.
Thank you.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pangunguna ni Education Secretary Sonny Angara, sisimulan na ng DepEd ngayong Pebrero ang pamamahagi ng bamboo-made na school furniture sa piling pampublikong paaralan.
Ito ay bahagi ng pagpapatupad ng polisiya sa ilalim ng Executive Order No. 879, s. 2010, na nagsasabing 20% ng school furniture ay dapat gawa sa bamboo.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/19/public-schools-tatanggap-ng-b…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa Ramon Torres Louisiana National High School sa Barangay Ma-ao, Bago City, Negros Occidental, pinagtitibay ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng koordinasyon ng paaralan, mga magulang, barangay officials, at kapulisan.
Bago matapos ang 2025, nagsagawa ang paaralan ng taunang Children’s Rights, Anti-Bullying, at Drug Abuse Prevention Program na dinaluhan ng mga mag-aaral, guro, magulang, at community partners upang talakayin ang mga isyung may kaugnayan sa bullying, peer pressure, at ilegal na droga.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/17/mas-matibay-na-ugnayan-ng-paa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Itinampok ng inquirer.net ang procurement gains ng DepEd sa taong 2025 sa ilalim ni Secretary Sonny Angara, isang hakbang tungo sa mas mabilis, mas malinaw, at mas tumutugong paggamit ng pondo para sa edukasyon.
Sa patnubay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na isinasaayos natin ang sistema upang maalis ang mga hadlang sa paghahatid ng mga programa at serbisyo. Nagsisimula pa lamang tayo, at patuloy pa itong pagbubutihin upang matiyak na ang suporta ay direktang nararamdaman ng mga guro at mag-aaral, saan mang bahagi ng bansa.
Basahin ang buong news article dito: newsinfo.inquirer.net/2167997/deped-posts-procurement-gai…
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
YOUR VOICE MATTERS TO US! 📣
We invite you to share your comments and suggestions on the draft Guidelines on Flexible and Alternative Classroom Observations for Teacher Development and Performance Evaluation.
Together, let’s ensure that classroom observation guidelines are responsive and focused on the professional growth and well-being of our teachers.
You may send your comments via email at bhrod.hrdd@deped.gov.ph
View the draft Guidelines here: www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/v2_1.Draft-Guidelines…
Thank you, Ka-DepEd.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Usapang ECP: Sa loob ng 31 taon, inialay ni Teacher Marcelina ng DepEd Tayo Benguet ang kanyang buhay sa pagtuturo, sa pagbibigay ng inspirasyon at paghubog ng mga kabataan.
Sa kabila nito, may mga panahong tila malayo ang inspirasyon para sa kanya. Ngunit sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP), ang matagal niyang paglilingkod ay kinilala.
Ito ang layunin ng ECP: kilalanin ang karanasan, bigyang-halaga ang paglilingkod, at tiyaking may malinaw na pag-angat ang ating mga guro. 🇵🇭
Basahin ang buong article dito: pia.gov.ph/news/benguet-teacher-promoted-after-20-years-t…
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Kilalanin ang Father-Daughter New Lawyer Duo ng Region II
Isa sa mga kwentong talaga namang nakaka-inspire ay ang tagumpay ni Atty. Ferdinand Narciso, na habang naglilingkod sa publiko ay pumasa sa Bar Exams kasabay ang kanyang anak na si Mary Joyce Narciso.
Ipinagmamalaki ng Kagawaran ng Edukasyon si Atty. Ferdinand at ang 118 pang bagong abogado na matagumpay na nakapasa sa 2025 Bar Examinations.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Muling iginiit ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na nananatiling sentro ng agenda ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa reporma sa edukasyon ang pagpapatibay ng early childhood education, kasabay ng pagpasok ng Revised K to 10 Curriculum sa huling yugto ng pilot implementation para sa School Year 2025–2026.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/15/mas-matibay-na-pundasyon-ng-m…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Masisiguro ng Department of Education (DepEd) na magpapatuloy ang pag-aaral ng mga estudyanteng naapektuhan ng kalamidad at matinding panahon, sa pamamagitan ng mas pinalakas at mas pinalawak na paggamit ng DepEd TV bilang alternatibong paraan ng pagkatuto.
Bilang bahagi ng revitalization ng DepEd TV, makikipagtulungan ang DepEd sa Knowledge Channel Foundation, Inc. at Solar Learning upang isama ang mga programang nakaayon sa kurikulum sa broadcast-based instruction.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/15/deped-tv-tinitingnang-learnin…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Malugod naming tinatanggap ang resulta ng survey ng Tangere, isang salamin ng tiwala ng mga Pilipino at paalala ng aming pananagutan. Sa DepEd, patuloy kaming makikinig at magsisikap na mapahusay ang paglilingkod para sa bawat guro at mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
Basahin ang opisyal na pahayag ni Sec. Sonny Angara dito.
-
DepEd
@DepEd_PH
Alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas maging mabilis, transparent, at tugon sa pangangailangan ng publiko ang paggastos ng gobyerno, nagtala ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng makabuluhang progreso sa procurement noong 2025, sa unang buong taon ni Secretary Sonny Angara sa DepEd.
Noong 2025, nagastos na ng DepEd ang 99.3% ng nakalaang pondo para sa procurement gamit ang 2024 funds. Dahil dito, naging aktuwal na programa, kagamitan, at serbisyo ang budget na direktang nakatutulong sa pagkatuto sa silid-aralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/14/angara-pinaarangkada-ang-proc…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Isinulong ni Education Secretary Sonny Angara ang paglulunsad ng Php105.7-bilyong public-private partnership (PPP) para sa pagtatayo ng 16,459 bagong silid-aralan sa mga lugar na may pinakamalaking pangangailangan upang tuldukan ang siksikan sa mga silid-aralan at wakasan ang mabagal na pag-usad ng school infrastructure.
Kamakailan, nakuha nina Sec. Angara at ng DepEd team ang pag-apruba ng Public-Private Partnership for School Infrastructure Project Phase III (PSIP III) mula sa Economy and Development Council (ED Council) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/13/mas-maraming-silid-aralan-par…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ka-DepEd, inaprubahan na ng Economy and Development Council na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Public-Private Partnership for School Infrastructure Project (PSIP) Phase III.
Sa tulong ng PSIP III, mas mapalalakas ang programa ng DepEd sa pagtatayo ng mga education facilities—isang priyoridad ni Sec. Sonny Angara—upang mabawasan ang siksikan sa paaralan, mapataas ang kalidad ng pagkatuto ng mga mag-aaral, at mapabilis ang paghahatid ng mga silid-aralan kumpara sa tradisyunal na procurement.
Pinatitibay din ng PSIP III ang pamamahala sa imprastraktura sa pamamagitan ng mas mahigpit na performance standards, upang matiyak ang mas maayos at de-kalidad na pagpapatupad ng mga proyekto sa edukasyon.
Kaugnay nito, inilabas na rin ng DepEd ang indicative list ng mga paaralan sa Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, NCR, at CAR na inaasahang makikinabang sa proyekto.
www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/Deped-Announcement-on…
*Ang mga paaralang nakalista at ang impormasyong tungkol sa bawat isa ay maaari pang baguhin at maaaring ma-update ng Department of Education.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Pinalalawak ng Department of Education (DepEd) ang school-based mental health at anti-bullying support sa pamamagitan ng pormal na paglahok ng mga magulang, guardians, at caregivers bilang mga katuwang sa pagprotekta sa mga mag-aaral sa ilalim ng pagpapatupad ng Kaagapay Program.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, pinatitibay ng reporma ang support system sa paligid ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng aktibong paglahok ng pamilya.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/12/expanded-mental-health-servic…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa paglulunsad ng Project agap.ai, ibinahagi ni Education Secretary Sonny Angara ang magandang hangarin ng programa para sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa idinaos na paglulunsad ng Project agap.ai, ibinahagi ni Pangulong Bongbong Marcos ang tulong na maibibigay ng proyekto sa milyon-milyong Pilipino kabilang ang mga mag-aaral, guro, at mga magulang.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa idinaos na paglulunsad ng Project agap.ai, kinilala ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagsisikap ng DepEd at mga education partners upang mapaunlad ang sistema ng edukasyon sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pasasalamat kay Pangulong Bongbong Marcos at sa bumubuo ng economic team, sa pag-apruba ng Public-Private Partnership (PPP) for School Infrastructure Project Phase III (PSIP III).
Layunin ng PSIP III na matutugunan ang malaking kakulangan sa classroom sa bansa at mapabuti ang learning environment sa buong Luzon.
Sa pagtutulungan ng DepEd at ng iba’t ibang pribadong sektor sa bansa, inaasahan natin na magiging mas maayos at mas mabilis na ang konstruksiyon ng mga paaralan sa bansa.
Samantala, nagpapasalamat ang DepEd sa Public-Private Partnership (PPP) Center, Department of Finance (DOF), Asian Development Bank (ADB), Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), PwC at Gulapa Law na sumusuporta sa PSID III.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa ginanap na paglulunsad ng Project agap.ai, binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos ang layunin ng proyektong nakatuon sa AI na mapakikinabangan ng bawat Pilipino.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa paglulunsad ng Project agap.ai, binigyang-halaga ni Pangulong Bongbong Marcos ang responsibilidad na magabayan ang mga mag-aaral sa tamang paggamit ng Artificial Intelligence o AI.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binibigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na pinakikinggan nito ang mga saloobin ng mga guro pagdating sa classroom observation. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, malinaw na priyoridad ng kagawaran ang kapakanan at kapayapaan ng mga guro.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/09/angara-reporma-sa-classroom-o…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Gagabayan at ia-upskill ang mga mag-aaral, guro, magulang, at school leaders sa responsable at makabuluhang paggamit ng artificial intelligence sa basic education, matapos pangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara ang paglulunsad ng Accelerating Governance and Adaptive Pedagogy through Artificial Intelligence o Project agap.ai ngayong Biyernes.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/09/future-ready-educaition-pbbm-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Lubos na nakikiramay ang Department of Education sa pamilya, mga kasamahan, at mga mag-aaral ni Teacher Agnes Buenaflor ng Pedro E. Diaz High School. Sa panahong ito ng matinding pagdadalamhati, nakikiisa ang DepEd sa buong komunidad ng paaralan at patuloy na magbibigay ng kinakailangang suporta, kabilang ang psychosocial care para sa mga mag-aaral at kawani.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
BASAHIN: Final situation report hinggil sa Magnitude 6.4 na lindol sa Manay, Davao Oriental, ayon sa pinakahuling datos ngayong Enero 8, 2026, 5:00 PM.
#depeddrmms #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa tulong ng record budget allocation na Php1.015 trilyon para sa basic education, palalawakin ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang School-Based Feeding Program (SBFP) sa 2026 na inaasahang mapakikinabangan ng humigit-kumulang 4.6 milyong mag-aaral sa buong bansa.
Ito ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na tugunan ang malnutrisyon at mapabuti ang pagpasok at pananatili ng mga bata sa paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/08/sa-2026-record-budget-deped-p…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
BASAHIN: Situation Report hinggil sa aktibidad ng Bulkang Mayon, ayon sa pinakahuling datos ngayong Enero 7, 2026, 5:00 PM.
#depeddrrms #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Iniulat ng Department of Education (DepEd), sa pamamagitan ni Secretary Sonny Angara, ang malinaw na pagbuti ng kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa ilalim ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program, batay sa mga resulta ng assessment na nagpapakita ng malaking pagbaba sa bilang ng mga hirap magbasa sa iba’t ibang baitang.
Kasabay nito, inilaan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Php8.93 bilyon sa proposed 2026 national budget upang ganap na mapalawak ang programa sa buong bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/07/deped-aral-program-promising-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang P1.015 Trillion 2026 Budget ng DepEd — ang pinakamalaki sa kasaysayan ng ating bansa.
Ayon sa Pangulo, ang pondong ito ay patunay na sa Bagong Pilipinas, edukasyon ang ating prayoridad. Ito ay pamumuhunan sa talino at galing ng Pilipino.
Tiniyak naman ni Sec. Sonny Angara na susulitin ng DepEd ang tiwalang ito.
✅ Mas maraming classroom.
✅ Mas maraming libro.
✅ Mas mataas na suporta sa teachers
"Walang maiiwan." Yan ang ating pangako.
#depedphilippines #bagongpilipinasPost not available here, view on X
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Sa pamumuno ni Education Secretary Sonny Angara, agad inaksyunan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang isyu at iregularidad sa sistema ng Senior High School Voucher Program (SHSVP).
Bukod sa paghahain ng legal na kaso laban sa mga indibduwal na umabuso sa sistema, tinutukan din ng DepEd ang pagsasaayos ng sistema ng SHSVP upang hindi na maulit ang ganitong uri ng korapsyon at matiyak na ang bawat pondong inilalaan sa program ay mapakikinabangan ng mga mag-aaral na nangangailangan nito.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Sa idinaos na press briefing kasama ang Malacanang Press Corps (MPC) ngayong araw, ibinahagi ni Education Secretary Sonny Angara ang bagong sistema na ipapatupad upang mapabilis ang konstruksyon ng mga classroom sa bansa.
#depedphilippines
#bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa idinaos na press briefing kasama ang Malacanang Press Corps (MPC) ngayong araw, binigyang-halaga ni Education Secretary Sonny Angara ang maitutulong ng pinakamalaking budget sa edukasyon para sa promosyon ng daang libong guro sa bansa.
#depedphilippines
#bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa press briefing kasama ang Malacanang Press Corps (MPC), nagpahayag ng pasasalamat si Education Secretary Sonny Angara kay Pangulong Marcos at Kongreso sa pagbibigay priyoridad sa edukasyon sa alokasyon ng 2026 budget.
#depedphilippines
#bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinaiigting ng Department of Education (DepEd) ang mas mahigpit na controls at accountability measures sa Senior High School Voucher Program, kasabay ng patuloy na legal action laban sa mga irregular at fraudulent na subsidy claims, bilang bahagi ng tuloy-tuloy na reporma sa ilalim ng pamumuno ni Education Secretary Sonny Angara.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/06/angara-mga-sangkot-sa-ghost-s…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pagsisimula ng bagong taon at matapos maipasa ang 2026 national budget, binigyang-diin ni Secretary Sonny Angara na patuloy ang pagsisikap ng Department of Education (DepEd) upang matiyak na handa ang sistema at maayos ang koordinasyon sa mga paaralan sa buong bansa.
Layunin nitong masiguro ang tuloy-tuloy na pagkatuto at mapangalagaan ang kapakanan ng mga mag-aaral at guro habang nagpapatuloy ang mga klase.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/06/deped-pagtitibayin-ang-learni…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pormal na paglagda ng General Appropriations Act (GAA) para sa Fiscal Year (FY) 2026, kinilala ni Pangulong Bongbong Marcos ang paglalaan ng pamahalaan ng pinakamalaking alokasyon ng budget para sa edukasyon at ang mga programa na paglalaanan nito.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa paglagda ng General Appropriations Act (GAA) para sa Fiscal Year (FY) 2026, binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos ang tuon ng 2026 budget para sa edukasyon, kalusugan at paglikha ng trabaho.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pormal na paglagda sa General Appropriations Act (GAA) para sa Fiscal Year (FY) 2026, ipinaalala ni Pangulong Bongbong Marcos ang mahalagang pagkakataon na maisakatuparan ang mga reporma sa pamahalaan upang maibalik ang tiwala sa pamahalaan.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Isang panalo para sa bawat batang Pilipino. 🇵🇭❤️
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 2026 National Budget, kung saan nakamit ng sektor ng edukasyon ang pinakamataas na alokasyon sa kasaysayan.
Ang Department of Education (DepEd), kasama ang mga attached agencies nito, ay pinagkalooban ng P1.015 trilyon upang ipagpatuloy ang mga repormang tumutugon sa pangangailangan ng mga guro at mag-aaral sa buong bansa.
Nagpapasalamat ang DepEd sa Kongreso at sa Pangulo sa tiwala at suporta sa edukasyon. Dahil dito, milyun-milyong pangarap ang patuloy nating maitataguyod, saan man panig ng bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Upang masiguro ang tuloy-tuloy na programa sa edukasyon, nangako ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na susulitin ang makasaysayang budget sa edukasyon ngayong taon. Ito’y matapos ang pormal na paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pambansang budget ng 2026, na nagmarka bilang unang pagkakataon na naabot ng Pilipinas ang benchmark ng UNESCO para sa paggasta sa edukasyon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2026/01/05/pbbm-nilagdaan-na-ang-2026-na…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ikinagagalak ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara, ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa General Appropriations Act (GAA) para sa Fiscal Year (FY) 2026. Lubos din ang aming pasasalamat sa suporta ng Kongreso sa pagsulong at pag-apruba ng pinakamataas na badyet para sa sektor ng edukasyon.
Makakaasa ang publiko na ang budget na inilaan sa edukasyon ay tunay na mapakikinabangan ng mga mag-aaral, guro, at mga paaralan sa bansa.
Basahin ang buong pahayag sa ibaba.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ka-DepEd, simulan ang bagong taon sa pamamagitan ng panalangin para sa kalakasan, gabay, at karunungan. Tandaan na ang bawat bagong simula ay isang pagkakataon upang bumuo ng mas maganda, mas matatag, at mas makabuluhang taon. 🙏🤍✨
#newyear2026 #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Happy New Year, ka-DepEd! 🎉🌟
Magpasalamat sa mga aral at karanasan ng nagdaang taon. Dalhin ang masasayang alaala at salubungin ang bagong taon nang ligtas at puno ng pag-asa! 🤍
#newyear2026 #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ka-DepEd, bago matapos ang 2025, nais naming ipaabot ang taos-pusong pasasalamat. 🫶
Sa mga learners, teachers, personnel, at education partners na naging katuwang ng DepEd sa pagsasakatuparan ng mga reporma sa edukasyon.
Sa pamumuno ni Sec. Sonny Angara, marami tayong napagtagumpayan ngayong taon. Ikinagagalak naming patuloy kayong makasama sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa mga Pilipinong mag-aaral, sa susunod na taon. ☺️❤️
#newyear2026 #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pamumuno ni Education Secretary Sonny Angara, patuloy na isinulong ng Department of Education (DepEd) ang mga repormang nagpapabuti sa kalagayan ng mga paaralan.
Mula sa pagpapalakas ng senior high school tracks, mas maayos na pagtutugma ng kurikulum at assessment, hanggang sa pagpapalawak ng mga programang naghahanda sa mga mag-aaral para sa mundo ng trabaho sa buong bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/31/wrapped-2025-angara-target-an…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kasunod ng pagpapatibay ng General Appropriations Bill ng Kongreso nitong Lunes, Disyembre 29, naniniwala ang Department of Education (DepEd) na ang bahagi nito sa 2026 national budget ay makatutulong sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng sektor ng edukasyon.
Ang alokasyon para sa DepEd, na may suporta ng mga mambabatas at ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ay magbibigay-daan sa pagpapatupad ng mga reporma sa sektor. Sa ilalim ng pamumuno ni Education Secretary Sonny Angara, layon ng ahensiya na matiyak na ang pondo ay maisasalin sa mga serbisyong direktang napapakinabangan ng mga guro at mag-aaral.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/30/pbbm-at-kongreso-nagkaisa-sa-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kaisa ang buong Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa paggunita sa kabayanihan ni Dr. Jose Rizal ngayong Disyembre 30, sa pagdiriwang ng Rizal Day.
Sa ika-129 na anibersaryo ng kanyang pagpanaw, ating alalahanin hindi lamang ang kanyang sakripisyo, kundi isabuhay ang mga aral na kanyang iniwan: ang malalim na pagmamahal sa bayan, paninindigan sa katotohanan, at pananalig sa kapangyarihan ng edukasyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa unang buong taon ni Education Secretary Sonny Angara, naging priyoridad ng Department of Education ang pagpapatupad ng mga repormang may malinaw at kongkretong tugon sa mga pangangailangan at hamong kinakaharap ng sektor ng edukasyon. Nakatuon ang mga hakbang na ito sa pagpapalakas ng kapakanan ng mga guro at sa pagbangon ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa buong bansa.
Isinasagawa ang mga repormang ito alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaas ang antas ng sektor ng edukasyon at tiyaking may agarang at konkretong epekto ang mga ito sa mga guro at mag-aaral.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/29/wrapped-2025-mga-direktiba-ni…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pagtatapos ng 2025, muling binalikan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro at education stakeholders na masigasig na tumutulong para suportahan ang mga mag-aaral, paaralan, learning community, at mga reporma sa edukasyon.
Sa pangunguna ni Education Secretary Sonny Angara, kinilala ng DepEd Heroes ang mga indibidwal at grupo na tumindig sa mga sandaling hindi man palaging napapabalita, ngunit may malinaw at konkretong epekto sa mga paaralan at komunidad sa buong bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/26/dawn-of-deped-heroes-angara-p…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
PASKO NA! ✨🎁🎄
Ipadama natin ang tunay na diwa ng Kapaskuhan, ang pagbibigayan, pagmamahalan, at malasakit sa isa’t isa. ☺️❤️
Ka-DepEd, maraming salamat sa regalo ng pagkakaisa at sama-samang pagsisikap para sa sektor ng edukasyon. Nawa’y maging masaya, puno ng pag-asa, at pagmamahal ang inyong pagdiriwang ng Kapaskuhan kasama ang inyong mga mahal sa buhay.
#christmas2025 #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
📢 Inilabas na ang guidelines para sa Bayang Bumabasa Initiative! 📢
Sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 111, s. 2025, maaari nang simulan ng 131 priority schools ang pagproseso ng kanilang aplikasyon para sa hanggang PHP 1 Million Grant na gagamitin sa pag-angat ng antas ng pagbasa ng mga mag-aaral. 🏫📚
Para sa School Heads ng mga nasabing paaralan, makipag-ugnayan agad sa inyong Division SGOD.
📄 BASAHIN ANG BUONG GUIDELINES AT LISTAHAN NG MGA PAARALAN DITO: 👉 www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DM_s2025_111r.pdf
#bayangbumabasa #bawatbatamakababasa #parasabayangbumabasa #depedphilippines -
DepEd
@DepEd_PH
Sa loob ng maraming taon, tahimik na suliranin sa pampublikong edukasyon ang pagpili ng mga guro sa pagitan ng promosyon at pananatili sa silid-aralan. Madalas, ang pag-angat sa ranggo ay nangangahulugan ng paglayo sa aktuwal na pagtuturo.
Sa pamumuno ni Sonny Angara, sinimulan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagwawasto ng ganitong kalakaran sa pamamagitan ng Expanded Career Progression (ECP) System. Makikita ang epekto nito sa mga kuwento nina Gng. Maribel M. Torreña ng Sultan Kudarat at Gng. Evita Rose L. Busil ng Capiz.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/24/sa-expanded-career-progressio…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Usapang ECP | Halos dalawang dekada ang hinintay ni Teacher Ofelia bago maramdaman ang bawat pag-angat sa propesyong matagal na niyang pinaglilingkuran. Sa kabila nito, hindi siya tumigil sa paglilingkod.
Ngayon, hindi na sya ulit naghintay ng mahabang taon, dahil kamakailan lamang, Teacher VI na siya.
Sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara, pinalalakas natin ang Expanded Career Progression (ECP) upang gawing mas malinaw at mas mabilis ang pag-angat ng mga guro. Dahil karapat-dapat lamang na suklian natin ang puso at serbisyo nila. ✨💙
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Mula nang maupo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., umabot na sa 145,983 teacher promotion ang naitala sa buong public school system, tanda ng pinaigting na reporma ng pamahalaan upang matugunan ang matagal nang backlog sa promosyon at maibalik ang sigla sa propesyon ng pagtuturo.
Sa pagpapatupad ng Expanded Career Progression (ECP) sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara, ramdam na ang pagbabagong ito sa mga silid-aralan sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa Vigan City, dalawang beteranong guro ang kamakailan ay umangat sa ranggo matapos ang maraming taong paghihintay. Ito ay isang konkretong patunay kung paanong ang pambansang reporma ay nagiging lokal na tagumpay.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/23/breaking-through-2-guro-sa-vi…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bilang isa sa pinakamalalaking employer ng pamahalaan, ang Department of Education (DepEd) ay may halos 900,000 public school teachers sa buong bansa. Dahil dito, ang matagal na pagkaantala sa promosyon ay naging suliraning ramdam sa iba’t ibang henerasyon ng mga guro.
Upang tugunan ito, isinabatas ang Expanded Career Progression (ECP) for Teachers sa pamamagitan ng Republic Act No. 12288 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at ipinatupad sa pamumuno ni Education Secretary Sonny Angara.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/22/clearing-the-backlog-mga-guro…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Basahin ang opisyal na pahayag ng Kagawaran ng Edukasyon, kaugnay ng pagkamatay ng isang DepEd Schools Division Superintendent.
Maaari rin basahin ang opisyal na pahayag ng Schools Division of Masbate Province dito: www.facebook.com/share/p/1Cehwk77w1/
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Php20K SRI for all eligible DepEd Employees!
Ka-DepEd, makatatanggap ang lahat ng eligible DepEd employees ng Php20,000 na Service Recognition Incentive (SRI), alinsunod sa AO No. 40 o “Authorizing the Grant of Service Recognition Incentive to Government Employees for Fiscal Year 2025” na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos.
Isa itong pagkilala ng pamahalaan sa mahalagang kontribusyon at dedikasyon ng mga kawani ng pamahalaan sa buong bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sisimulan na ng Department of Education (DepEd) ang paglalabas ng mga year-end incentives para sa mga kawani nito.
Saklaw nito ang Service Recognition Incentive (SRI), Productivity Enhancement Incentive (PEI), Collective Negotiation Agreement (CNA) incentive para sa mga kwalipikadong personnel, at gratuity pay para sa mga contract-based workers.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/20/deped-sinisimulan-na-ang-pagb…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa loob ng halos isang taon matapos itatag ng Department of Education (DepEd) ang Education Center for AI Research (ECAIR), ibinahagi ni Education Secretary Sonny Angara na ipinapakita na ng mga paunang resulta kung paano maaaring gamitin ang artificial intelligence upang suportahan ang praktikal at data-driven na reporma sa public school system, nang hindi nadaragdagan ang pasanin ng mga guro at paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/19/ai-research-initiative-ni-ang…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa direksyon ni Pangulong Bongbong Marcos na siguruhing walang guro ang magreretiro na Teacher 1, agad na sinimulan ng DepEd sa pamumuno ni Sec. Sonny Angara, ang hakbang upang maramdaman ng mga guro ang career advancement habang aktibo pa silang nasa serbisyo.
Sa pamamagitan ng Expanded Career Progression (ECP) system, opisyal nang na-promote ng Department of Education (DepEd) ang 16,025 teachers. Mayroon pang 41,183 teachers na na-process at naipasa na sa Department of Budget and Management (DBM) para sa susunod na batch ng promosyon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/17/angara-16000-guro-promoted-na…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nanawagan si Education Secretary Sonny Angara nitong Huwebes sa mga local government na mas aktibong makibahagi sa paghahatid ng mga silid-aralan at sa pagbabantay sa paggamit ng pondo para sa edukasyon.
Ito ay kasabay ng kanyang pakikipagdayalogo sa Mayors for Good Governance (M4GG), habang naghahanda ang pamahalaan sa pagpapatupad ng bilyon-bilyong pisong school infrastructure projects sa susunod na taon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/18/angara-nakipagpulong-sa-mayor…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang mas malinaw na pagtutok ng pamahalaan sa preventive health care sa mga paaralan, kasabay ng pormal na paglulunsad ng Department of Education (DepEd) ng National Vision Screening Program (NVSP) para sa mga kindergarten learner sa buong bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/17/preventive-health-policy-ni-p…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kilalanin ang ating DepEd Heroes!
Si Atty. Blake S. Feken mula Makati ay isang dedikadong legal professional na aktibong nagtataguyod ng proteksyon at kapakanan ng mga paaralan sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng kanyang pro-bono na inisyatiba na Bayanihan sa Pagpapatitulo sa mga Paaralan, tinutulungan niya ang mga paaralan na masiguro ang kanilang lupa.
Isang tunay na halimbawa ng serbisyo at dedikasyon para sa edukasyon!
#depehero #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kilalanin ang ating DepEd Hero!
Si Jayboy Magdadaro, 15 taong gulang mula sa Jubay Integrated School sa Cebu Province, ay nagpakita ng ‘di matatawarang tapang at malasakit nang dumaan ang mapaminsalang bagyong Tino.
Nang pinakamatinding tamaan ng bagyo ang Villa Lara, iniwan ni Jayboy ang sariling kaligtasan at naging bayani para sa kanyang komunidad.
Isang siyang tunay na halimbawa ng kabayanihan at malasakit sa kapwa!
#depehero #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kilalanin ang ating DepEd Hero!
Si Capt. Edcel Viraque mula Southern Leyte ay isang dedikadong Master Mariner na higit pa sa trabaho sa dagat ang malasakit sa edukasyon.
Sa Mauylab Multi-Grade Elementary School, kung saan principal ang kanyang asawa, pinangunahan niya ang iba't ibang proyekto upang muling buhayin at pagandahin ang paaralan.
Isang tunay na halimbawa ng malasakit at serbisyo sa paaralan!
#depehero #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kuwentong ARAL | Bilang ARAL tutor sa Tabaco City, Albay, naniniwala si Teacher April na ang pagkatuto ay umuunlad kapag may tamang gabay at malasakit. 📖✨
Para sa kanya, mahalagang maramdaman muna ng mga mag-aaral na sila ay pinakikinggan at pinaniniwalaa. Kaya sa kanyang mga sesyon, inuuna niya ang paghubog ng isang espasyong nagbibigay-lakas at nagtitiwala sa kakayahan ng bawat bata.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Mas pinaiigting ng Department of Education (DepEd) ang mga reporma sa basic education upang malinang ang creative at work-ready na mga Pilipino.
Sa Parnuay: The 3rd Creativity in Philippine Higher Education Summit, ibinahagi ni Secretary Sonny Angara ang malinaw na direksiyon ng DepEd na palakasin ang foundational learning, palawakin ang creative skills sa K to 12, at ayusin ang daloy mula basic education papunta sa kolehiyo at trabaho. Ito ay sang-ayon sa hangarin ni Pangulong Bongbong Marcos na tutukan ang creativity, culture, at skills ng mga mag-aaral.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/16/angara-reporma-para-palawakin…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pangunguna ng Department of Education (DepEd), nakatakda muling ilungsad ang revitalized DepEd TV sa pamamagitan ng pinalakas na partnership kasama ang Knowledge Channel Foundation Inc. at Solar Pictures, Inc.
Ito ay bahagi ng education agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mas malawak at patas na akses sa dekalidad na edukasyon sa buong bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/15/edtech-push-ni-pbbm-deped-tv-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Happy holidays, ka-DepEd! 🎁🎄
Para sa kaalaman ng bawat isa, narito ang mga petsang dapat tandaan para sa pagsisimula ng Christmas break at resumption of classes sa susunod na taon.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Itinutulak ng Department of Education (DepEd) ang isang mas strategic na 2026 budget agenda upang palakasin ang Inclusive Education programs at mapalawak ang patas na access sa pagkatuto sa buong bansa.
Ito ay alinsunod sa direksyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tiyakin ang pantay na oportunidad sa edukasyon para sa lahat ng bata.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/13/deped-may-mas-malawak-na-incl…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara, pinalalakas ng DepEd ang disaster preparedness at response programs sa 2026 proposed budget. Ito ay tugon sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing ligtas, inclusive, at climate-resilient ang mga paaralan.
Ayon sa Kalihim, mahalaga ang pagtaas ng pondo matapos ang serye ng higit 20 bagyo at malalakas na lindol ngayong 2025 na nagdulot ng mass class suspensions at lumalaking pangangailangan sa school rehabilitation.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/12/angara-deped-sinusulong-ang-s…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ipinahayag ni Secretary Sonny Angara ang kanyang suporta sa inagurasyon ng kauna-unahang fully air-conditioned na pampublikong paaralan sa San Pedro City, Laguna.
Ito aniya'y malinaw na patunay na nasa tamang direksyon ang pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa basic education.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/12/makabago-at-komportableng-sil…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Patuloy na pinalalakas ng DepEd ang digitalization matapos bigyang-diin ni Secretary Sonny Angara ang lumalawak na papel ng information technology at business process management (IT-BPM) industry sa modernisasyon ng mga silid-aralan sa pampublikong paaralan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa turnover ceremony sa Rizal Elementary School sa Taguig, nagkaloob ang Cognizant Technology Solutions Philippines Inc. (CTSPI) ng 906 laptops, kung saan 80 units ang nakalaan para sa host school.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/11/angara-kinilala-ang-ambag-ng-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas malawak na edukasyon para sa lahat!
Sa ilalim ng reporma ni Sec. Sonny Angara, mas tumaas na ang budget para sa voucher programs ng DepEd. Layunin ng Kagawaran na siguraduhing mababawasan ang siksikan sa mga public schools at tiyaking ang bawat pisong inilaan ay makarating sa mga totoong benepisyaryo.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Sa kanyang pagdalo sa American Chamber of Commerce of the Philippines (AmCham) General Membership Meeting, ibinahagi ni Secretary Sonny Angara ang mga kasalukuyang hakbang ng DepEd upang mapaunlad ang sistema ng edukasyon sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa kanyang pagdalo sa American Chamber of Commerce of the Philippines (AmCham) General Membership Meeting, binigyang-halaga ni Secretary Sonny Angara ang mga kasanayan na kinakailangang matutunan ng mga mag-aaral upang makasabay sa kinakailangan ng mga industriya.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa kanyang pagdalo sa American Chamber of Commerce of the Philippines (AmCham) General Membership Meeting, binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang halaga ng partisipasyon ng bawat sektor upang maisakatuparan ang mga reporma sa edukasyon.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Hinimok ni Secretary Sonny Angara ang mga miyembro ng American Chamber of Commerce of the Philippines (AmCham) na palawakin ang pakikipagtulungan sa Department of Education (DepEd) para sa mas matibay na ugnayan ng pag-aaral at pagtatrabaho.
Sa General Membership Meeting ng AmCham nitong Miyerkules, ibinahagi ni Sec. Angara na pinabibilis ng DepEd ang mga repormang nakaayon sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na bumuo ng mas handa at mas competitive na workforce sa pamamagitan ng mas matibay na industry partnerships at mas angkop na education pathways.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/10/angara-pinagtibay-ang-amcham-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa ikaapat na batch ng #depedheroes, binibigyang-pugay natin ang tapang at malasakit ni Teacher Elmer C. Sugarol mula sa Antonio Pichon Jr. Elementary School sa Davao City—isang gurong hindi nag-atubiling unahin ang kaligtasan ng kanyang mga mag-aaral sa gitna ng lindol.
Sa gitna ng kaguluhan, binuhat niya ang isang learner with disability pababa ng tatlong baitang upang masigurong ligtas ito.
Isang pagpupugay sa kanyang katapangan at tunay na puso para sa serbisyo!
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inaasahang mas marami pang mag-aaral at guro sa pribadong paaralan ang maaabot ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) sa 2026, kasunod ng mas pinagtibay na policymaking at reporma sa ilalim ni Education Secretary Sonny Angara.
Nakapaloob sa panukalang PhP41.18-bilyong pondo, na inaprubahan na ng Senado at isasailalim pa sa pagsusuri ng bicameral committee. Mas mataas ito ng PhP670 milyon kumpara sa alokasyon noong 2025.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/09/plano-ni-angara-sa-2026-mas-m…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ngayong araw, Disyembre 8, ipinagdiriwang natin ang Pista ng Immaculate Conception ng Mahal na Birheng Maria—ang Principal Patroness ng Pilipinas.
Nawa’y magsilbing inspirasyon at paalala ang banal na pagdiriwang na ito ng ating pananampalataya, pag-asa, at kabutihang-loob. 🙏💙
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
PAALALA SA PUBLIKO ⚠️
Fake news ang kumakalat na post tungkol sa umano’y pagtanggal ng Christmas Party sa mga paaralan.
Nilinaw ng DepEd na wala itong inilalabas na anunsiyo tulad nito. Pinapaalalahanan ang publiko na maging mapanuri at i-report ang mga page na nagpapakalat ng maling impormasyon.
Para sa opisyal na updates, bisitahin lamang ang verified DepEd Philippines social media accounts at website.
Makikita sa link na ito ang opisyal na paglilinaw hinggil sa iba pang kumakalat na fake news kaugnay nito:
www.deped.gov.ph/2025/12/07/paalala-sa-publiko-fake-news-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Maraming salamat sa Philippine Elementary School Principals Association (PESPA)!💙
Taos-puso naming pinahahalagahan ang inyong tiwala sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara. Alam namin na ang mga repormang isinusulong natin ay mas magiging epektibo dahil kasama namin kayo sa bawat hakbang.
Makakaasa po kayo na itutuloy natin ang isang pamamahalang tapat, may puso, at tunay na nakatuon sa bawat batang Pilipino at sa lahat ng kawani ng DepEd. 💙✨
Basahin ang buong statement dito: www.facebook.com/share/p/1A2vhMTqC7/
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Maraming salamat sa Philippine Association of Schools Superintendents, Inc.! 🙌
Pinahahalagahan namin ang inyong kumpiyansa sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara, lalo na sa kanyang pagsusulong ng tapat at makatarungang pamamahala sa DepEd.
Makakaasa po kayo na itutuloy natin ang mga nasimulan nating mabubuting pagbabago. Naniniwala kami na sa ating pagtutulungan, matutupad natin ang hangarin na mabigyan ang mga bata at guro sa bawat division ng maayos at de-kalidad na serbisyo. 💙✨
Basahin ang buong statement dito: www.facebook.com/share/p/17KCvxm32c/
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Buong puso kaming nagpapasalamat sa NAPESS-PHIL! 🙌
Nakakagalak pong makita na ang National Association of Public Schools District Supervisors, Elementary and Secondary Principals and Teachers of the Philippines (NAPESS-PHIL) ay buong tiwalang nagbibigay ng suporta sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara.
Makakaasa po kayo na patuloy nating itataguyod, nang tapat at buong malasakit, ang de-kalidad at makabuluhang edukasyon para sa lahat. 💙✨
Basahin ang buong statement dito:
www.facebook.com/share/p/19qwFZhuG5/
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Padayon, Association of DepEd Directors! 🙌
Malaking bagay ang inyong pagtitiyak ng tiwala at pagkakaisa sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara.
Ang inyong suporta ay nangangahulugang magkakahawak-kamay tayong nagsisikap para matupad ang ating kolektibong misyon na iangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Tuloy-tuloy lang po tayo! 💙📚✨
Basahin ang buong statement dito: www.facebook.com/share/p/17YxjtLfbB/
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nakiisa si Education Secretary Sonny Angara sa Balik Sigla, Bigay Saya: Pamaskong Handog ng Presidente Year 4, ang taunang gift-giving initiative ng Office of the President sa Malacañang.
Kasabay nito, nagsagawa ang Department of Education (DepEd) ng sabayang pamaskong selebrasyon sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa ngayong Sabado.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/06/deped-nakiisa-sa-nationwide-r…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Kinilala ng Department of Education (DepEd) ang malawak na suporta mula sa iba’t ibang sektor sa edukasyon at pribadong sektor, kung saan hindi bababa sa 18 organisasyon ang nagpahayag ng tiwala sa pangmatagalang reporma ng ahensya sa ilalim ng pamumuno ni Education Secretary Sonny Angara.
Kaakibat din ng mga pahayag na ito ang pag-usad ng mas malawak na agenda para itaguyod ang Bagong Pilipinas vision ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Basahin:
www.deped.gov.ph/2025/12/06/mga-samahan-sa-edukasyon-prib…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa FFCCCII sa pagpapahayag ng suporta sa reporma at pamumuno ni Secretary Sonny Angara.
Ang inyong pagkilala sa integridad, transparency, at sistema-based approach ng DepEd ay mahalagang tulong sa patuloy nating pagsisikap na iangat ang edukasyon sa bansa. 🇵🇭✨
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Maraming salamat po sa inyong suporta!
Malaking bagay ang tiwalang ibinigay ng mga pangunahing business at education groups sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara, lalo na sa kanyang pagsulong ng tapat at responsableng pamamahala.
Ipinapakita ng inyong suporta na hindi kami nag-iisa sa layuning iangat ang kalidad ng edukasyon. Mas buo ang aming loob na ituloy ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos dahil kasama namin kayo sa bawat hakbang.
Basahin ang buong statement dito: www.facebook.com/OnePBEd/posts/1306423271519165
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binibigyang-diin ng Department of Education (DepEd) ang mas pinaigting na pagtutok ng administrasyon ni Pangulong Marcos sa learning recovery, matapos inspeksyunin ni Sec. Sonny Angara ang pagpapatupad ng School-Based Feeding Program (SBFP) at Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) sa dalawang pampublikong paaralan sa Las Piñas.
Binisita ni Sec. Angara ang Moonwalk Elementary School at Talon Elementary School, na kapwa kinilala dahil sa pag-angat ng kanilang literacy outcomes at maayos na delivery ng feeding services.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/05/angara-bumisita-sa-las-pinas-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pinalalim na partisipasyon ng LGUs para sa mabilis na pagtugon sa learning gaps!
Tulad ng sinabi ni Sec. Sonny Angara, mas ramdam ng LGUs ang pangangailangan ng ating mga paaralan, kaya naman makabubuti ang kanilang direktang pakikibahagi sa mga programang nakatutok sa learning recovery na bahagi ng hangarin ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sa ilalim ng bagong Special Education Fund (SEF) guidelines, pinalawak na ang paggamit nito sa early-grade literacy, feeding programs, at academic recovery—mas inklusibo, at mas suportado na ang ating mga paaralan!
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Kilalanin ang ating #depedheroes!
Sa ikaapat na batch ng DepEd Heroes, binibigyang-pugay natin ang kabayanihan nina Mark Elyxter Borila, Marco San Alegro, Jared Alicaya, John Vincent Teñido, at Christian Jay Maglasang mula sa Davao del Norte Regional Sports Academy—mga kabataang hindi nagdalawang-isip tumulong sa isang kaklase sa gitna ng lindol.
Sa oras ng panganib, ipinakita nila ang malasakit at teamwork na likas sa mga tunay na atleta, buhat-buhat ang kanilang kaklase na may injury upang masigurong makalayo ito sa panganib.
Isang pagpupugay sa kanilang tapang at kabutihang nagbigay-inspirasyon sa marami!
#depedphilippines
#bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Hinimok ni Education Secretary Sonny Angara ang mga local government unit (LGU) na magkaroon ng mas malaking papel sa learning recovery na itinutulak ni Pangulong Bongbong Marcos, kasabay ng pagpapalabas ng bagong guidelines na nagpapalawak sa episyenteng paggamit ng Special Education Fund (SEF) para sa early-grade literacy, feeding programs, at academic recovery.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/04/lgus-kaagapay-ni-angara-sa-li…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bilang bahagi ng direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na siguruhin ang mas patas na oportunidad sa edukasyon, inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang Bayang Bumabasa Initiative (BBI).
Sa ilalim ng programa, ang bawat napiling paaralan ay makatatanggap ng hanggang P1 milyon na pondo para magpatupad ng mga reading program na nakaayon sa lokal na konteksto ng kanilang komunidad.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/04/from-highlands-to-islands-dep…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nagpasalamat ang Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules sa paglulunsad ng BDO HOPE Mastercard bilang praktikal at makabuluhang paraan kung saan makatutulong ang publiko sa pagpapatayo ng mga classroom sa bansa.
Sama-samang binuo ng BDO Unibank Inc., Friends of Hope Inc. (HOPE), at DepEd ang proyekto para magbigay daan sa tuloy-tuloy na pagpopondong manggagaling mismo sa paggamit ng bagong credit card. Sa bawat pagswipe nito ay direktang makatutulong sa paggawa ng mga kinakailangang classroom sa mga pampublikong paaralan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/04/bdo-hope-mastercard-tutulong-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ang bilin ng Pangulong Marcos: alagaan ang mga guro.
Kaya sa 2026, gamit ang mas malaking pondo ng DepEd, palalawakin pa natin ang ating hanay ng mga guro, school heads, at counselor associates. Layunin nito na mas gumaan ang trabaho ng kaguruan at mas maging maayos ang pagpapatakbo ng ating mga paaralan, para mas matutukan ang pinakamahalaga: ang pagkatuto ng bawat bata.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Sa idinaos na 11th ADB International Education and Skills Forum, nanawagan si Sec. Sonny Angara para sa mas pinaigting na pagtutulungan sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon para sa kinabukasan ng mga mag-aaral.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa idinaos na 11th ADB International Education and Skills Forum, pinuri ni ADB Senior Director of Human and Social Development Ayako Inagaki ang mga repormang isinusulong ng DepEd sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nagpasalamat si Education Secretary Sonny Angara sa private school associations ng bansa matapos ang kanilang pahayag na sumusuporta sa reporma at 2026 budget ng Department of Education.
Binigyang-diin ni Sec. Angara na ang pagtutulak ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos para palakasin ang parehong pampubliko at pribadong paaralan ay nakabatay sa realidad na hindi uusad ang sistema kung walang matibay na private education sector.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/03/peac-nagpahayag-ng-suporta-ka…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inihahanda ng Department of Education (DepEd) ang isa sa pinakamalaking hiring ng mga bagong guro para sa 2026, kasunod ng pag-apruba ng administrasyong Marcos sa budget para sa higit 30,000 bagong classroom teachers.
Itinulak ni Secretary Sonny Angara ang mas agresibong pagdaragdag ng guro bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang suporta sa teaching workforce.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/03/angara-pinakamalaking-recruit…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa paglulunsad ng Tatak Pinoy Program ng DTI, binigyang-halaga ni Education Secretary Sonny Angara, na may akda at sponsor ng Tatak Pinoy Act, ang gampanin ng DepEd sa paghubog ng mga mag-aaral na magiging bahagi ng Tatak Pinoy na industriya at magsusulong ng bansa.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa Tatak Pinoy Act, bisitahin ang:
🔗 www.tatakpinoy.net
🔗 www.tatakpinoy.com.ph/home
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sama-sama para sa Bayang Bumabasa! 🤝📚
Sa tulong ng Comprehensive Rapid Literacy Assessment, natukoy na natin kung saan naroon ang mga batang higit na nangangailangan ng suporta sa pagbabasa.
Ngayon, sa pormal na paglulunsad ng Bayang Bumabasa Initiative, mas maabot na natin sila. Dadalhin natin ang mas malalim na tulong sa mga paaralan, guro, at mag-aaral na matagal nang naghihintay ng suporta.
Dahil sa Bayang Bumabasa, sinisiguro natin na walang batang maiiwan, at ang lahat ay may pagkakataong maabot ang kanilang pangarap. 🌟📖
#depedphilippines #bagongpilipinasThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
DepEd
@DepEd_PH
Sa panayam ng programang Dos por Dos ng DZRH, ibinahagi ni Education Secretary Sonny Angara ang hangarin ni Pangulong Bongbong Marcos na masimulan ang tunay na reporma sa sektor ng edukasyon sa kanyang termino.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Higit pang pinagtibay ng Department of Education (DepEd) ang papel nito sa pagsusulong ng Tatak Pinoy Law, na isang mahalagang ambag ng basic education sector sa long-term competitiveness at innovation goals ng bansa.
Sa paglulunsad ng Tatak Pinoy Program ngayong araw, binigyang-diin ni Sec. Sonny Angara, na siyang pangunahing may-akda at sponsor ng Tatak Pinoy Law, na nagsisimula sa silid-aralan ang layunin ng Tatak Pinoy na lumikha ng skilled, creative, at mas globally competitive na manggagawang Pilipino.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/02/pbbm-angara-aktibong-sinusulo…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
PABATID SA PUBLIKO
Ibinaba na ng Malacañang ang desisyon na i-dismiss ang isang Schools Division Superintendent ng MIMAROPA mula sa serbisyo, kasama ang cancellation of eligibility, forfeiture of retirement benefits, at perpetual disqualification from government employment.
Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., hindi palalampasin ang sinumang nang-aabuso sa sistema.
Sa liderato ni Secretary Sonny Angara, hindi titigil ang DepEd hangga’t hindi napapanagot ang sinumang nagpapatakbo ng korapsyon sa loob ng serbisyo publiko.
Bukas ang DepEd sa anumang sumbong tungkol sa anumang iregularidad, pang-aabuso o korapsyon. I-report at makipag-ugnayan sa walangkorapsyon@deped.gov.ph.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pamumuno ni Sec. Sonny Angara, winakasan ng Department of Education ang dekadang pagkaantala ng procurement ng mga textbook para sa mga paaralan.
Ibinalita ng DepEd ang pagpasa at pag-procure ng 105 titles sa loob lamang ng isang taon o katumbas ng 289% na pagtaas sa textbook procurement.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/02/textbook-procurement-ng-deped…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa panayam ng programang Dos por Dos ng DZRH, binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na pangmatagalang solusyon ang kailangan upang harapin ang mga matagal nang suliranin ng edukasyon.
Kaya naman, isinusulong ng DepEd ang mga programang tunay na tumutugon sa mga hamon, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na itaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Mas maraming batang busog. Mas maraming batang handang mangarap.
Sa 2026, mas lalo pa nating papalawakin ang School-Based Feeding Program, matapos aprubahan ng Kongreso ang PhP28.66 bilyong pondo para rito, higit doble kumpara noong 2025.
Sa tulong nito, maaabot natin ang 4.49 milyong mag-aaral at mapapalawig ang feeding program sa 200 araw. Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gawing priyoridad ang kapakanan at nutrisyon ng bawat batang Pilipino.
#sbfp #depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Mas papalawakin pa ng Department of Education (DepEd) ang implementasyon ng School-Based Feeding Program (SBFP) kasunod ng pag-apruba ng Senado sa PhP28.66 bilyong pondo para sa 2026, higit doble ng alokasyon noong 2025.
Target ng mas malaking budget na maabot ang 4.49 milyong mag-aaral at pahabain ang feeding duration sa 200 araw, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palakasin ang early childhood care and development.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/12/01/mas-malawak-at-mas-targeted-n…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
BASAHIN: Final Report hinggil sa epekto ng Typhoon Verbena at ng Shearline, ayon sa pinakahuling datos ngayong Nobyembre 29, 2025, 2:00 PM.
#depeddrrms #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bumida ang Pilipinas sa 14th ASEAN School Games na isinagawa sa Brunei Darussalam, matapos masungkit ang makasaysayang 4th place finish at mag-uwi ng 43 medalya. Mas mataas ito kumpara sa 6th place performance ng bansa noong nakaraang taon.
Nagpaabot ng pasasalamat at pagbati si Education Secretary Sonny Angara sa karangalang ibinigay ng delegasyon, na aniya’y patunay ng tapang, disiplina, at husay ng mga batang atletang Pilipino.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/11/29/angara-pinuri-ang-4th-place-f…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Good news, mga ka-DepEd! 🌾✨
Sa tulong ng Department of Agriculture, ihahatid na natin ang murang bigas at iba pang agricultural products direkta sa ating mga paaralan, para mas abot-kamay at abot-kaya ang inyong mga pangangailangan.
Layunin nitong pagaanin ang pang-araw-araw, habang tumutulong din sa ating mga magsasaka. Serbisyong ramdam, serbisyong para sa bawat Pilipino. 🇵🇭💙
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Dream. Strive. Achieve! ❤️🇵🇭
Narito na ang official medal tally ng 14th ASEAN Schools Games sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam.
Tagumpay ang Philippine delegation na maiangat ang overall rank ng bansa sa ikaapat na puwesto mula sa ikaanim noong nakaraang edisyon.
Pinangunahan ng Atheltics ang pagbibigay ng medalya sa bansa sa kanilang 9 golds, 9 silver, at 3 bronze medals.
Tagumpay rin ang Pinas na mabawi ang korona sa Basketball matapos ang makapigil-hiningang laban ng Girls at Boys Basketball na nagbigay ng dalawang (2) gintong medalya para sa bansa.
Walong (8 ) bronze naman ang naisumite ng Pencak Silat, pito (7) mula Swimming, dalawa (2) mula sa Badminton, at dalawang (2) bronze at isang (1) silver mula sa wushu.
Maituturing na ito ang pinakamagandang performance ng Pilipinas mula nang sumali sa ASG.
Congratulations, Philippine Team!
#asg2025
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Tagumpay para sa mas ligtas at mas maayos na paaralan. 🏫✨
Sa nagdaang budget deliberation ng Senado, naipasa ang pinakamalaking budget sa sektor ng edukasyon. Kabilang dito ang P29.06B para sa imprastruktura.
Higit ito sa pondo; ito ay pagpapatibay ng pangakong magkaroon ang bawat bata ng ligtas, matatag, at maayos na silid-aralan.
Narito kung saan ilalaan ang 2026 Basic Education Facilities budget. 🇵🇭
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Tagumpay para sa edukasyon. 🇵🇭 ✨
Bilang isa sa aming matibay na katuwang sa Senado, taos-puso kaming nagpapasalamat kay Senator Win Gatchalian sa kanyang walang-sawang pagsusumikap para maipaglaban ang mga repormang tunay na ramdam ng aming mga guro, magulang, at mag-aaral.
Dahil sa inyong malasakit, mas nagiging posible ang mga paaralang ligtas, makabago, at higit na makatao, para sa bawat batang Pilipino.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
PH Boys Basketball Team, Naghari sa ASG 2025! 🏀👑🇵🇭
Undefeated hanggang dulo ang Philippine Team matapos ang umaatikabong laro laban sa koponan ng Malaysia, 90-86, sa Boys’ Basketball event ng 14th ASEAN Schools Games (ASG) sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam.
Maagang ipinaramdam ng PH team ang bagsik ng Pinoy athletes sa basketball sa unang tatlong quarters ng laban, ngunit nakabawi ang Malaysia sa huling quarter, dahilan para umabot sa overtime.
Sa huli, pinatunayan ng PH team na sila ang tunay na hari ng hardcourt sa Southeast Asia at muling isinulat ang kasaysayan ng ASG!
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Golden Moments for Pinay Hoops: Reclaiming Basketball Glory! 🏀🥇🇵🇭
Tagumpay ang Philippine Team na maibalik sa bansa ang kampeonato sa Girls’ Basketball sa 14th ASEAN Schools Games (ASG) matapos ang makapigil-hiningang laban kontra Thailand, 55-54, sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam.
Nagpamalas ng matinding lakas, diskarte, at solidong teamwork ang koponan na hindi natinag sa defending champion na Thailand. Isang panalong magpapatunay na kaya ng Pinoy ang maghari sa larangan ng sports!
#asg2025 #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
From Silver in Palaro to Record-Breaking Gold in ASG! 🥇
Historic win ang naitala ni Ma. Lhynette Libranda ng National Capital Region matapos masungkit ang gintong medalya sa Girls’ 100m Hurdles sa 14th ASEAN School Games sa Bandar Seri Begawan, Brunei.
Maagang binasag ni Lhynette ang 6-year-old ASG record na itinala ng Singapore sa kanyang oras na 14.20 sa semi-final round at nagtala ng bagong personal best na 13.82 sa finals upang manguna laban sa Indonesia na nakakuha ng silver, at Vietnam para sa bronze.
Bago ang panalong ito, ipinakita na ni Libranda ang kanyang husay sa 2025 Palarong Pambansa sa Ilocos Norte bilang silver medalist sa parehong event, patunay ng kanyang tuloy-tuloy na pag-unlad bilang elite hurdler.
#asg2025 #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
📌ASG 2025 Medal Standings as of November 27, 7:00 AM
Pitong medalya ang nadagdag sa medal tally ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 14th ASEAN Schools Games (ASG) sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam.
Nagningning ang PH Athletics Team sa historic gold performance ni Ma. Lhynette Libranda sa Girls’ 100-meter Hurdles. Nagbigay din ng karangalan ang Boys’ 4x400-meter Relay team matapos makuha ang silver medal.
Hindi rin nagpahuli ang PH Swimming Team na nag-uwi ng dalawang bronze medals sa Boys at Girls 200-meter Butterfly.
Samantala, ipinakita ng Pencak Silat team ang kanilang husay nang masungkit ang tatlong bronze medals sa Seni Tunggal (Male), Tanding (Male) Class B, at Tanding (Female) Class E events.
Patuloy na pinatutunayan ng mga atletang Pilipino ang kanilang galing at determinasyon dala ang inspirasyon at pagmamahal para sa bayan. 🇵🇭✨
#asg2025 #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
DOUBLE GOLD MEDALIST FOR PH! 🥇🥇
Matapos manguna sa Athletics 800-meter run boys nitong linggo, muling pinatunayan ni Anthony Cariaso ng National Capital Region ang kanyang lakas at bilis nang mangibabaw sa 1500-meter run boys para sa kanyang ikalawang gintong medalya sa 14th ASEAN Schools Games (ASG) sa Bandar Seri Begawan, Brunei.
Kinilala rin si Anthony dahil sa kanyang record-breaking race sa Secondary Boys 1500-meter run ng Palarong Pambansa 2025 sa Ilocos Norte matapos makapagtala ng kahanga-hangang oras na 4:00.53, na nagbura ng dating Palaro record na 4:01.9 na itinakda ng Western Visayas noong 2019 sa Davao City.
#asg2025 #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bol-anon Pride Bags PH’s 7th Gold! 🥇🇵🇭
Namayagpag sa Girls’ 800-meter run event si Ma. Emely Balunan ng SDO Bohol, Central Visayas, para makuha ang ikapitong gold medal ng bansa sa nagpapatuloy na 14th ASEAN Schools Games (ASG) sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam.
Angat ang tatag at husay ni Emely sa kanyang oras na 2:19.08 minutes para sa unang pwesto habang sumunod naman sa kanya ang pambato ng Indonesia sa 2:19.78, at Malaysia sa oras na 2:20.18 minutes para sa ikatlong pwesto.
Noong Mayo, naiuwi rin ni Emely ang gold medal sa 800-meter dash sa Palarong Pambansa 2025.
#asg2025 #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
IKAANIM NA GOLD! 🥇⚡
Nangibabaw ang bilis at husay ni Franceine Jhobie Rosario matapos masungkit ang ikaanim ng gintong medalya ng Pinas sa Athletics 200-meter run sa 14th ASEAN Schools Games (ASG) sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam.
Hataw si Franceine sa kanyang oras na 24.77 seconds na sinundan ng silver medalist mula Indonesia sa 24.90 seconds, at Malaysia sa 25.16 para sa bronze.
Ito na ang ikalawang medalya ni Franceine na naka-silver din sa 4x100m relay girls event ng ASG 2025, nitong Lunes.
#asg2025 #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
📌ASG 2025 Medal Standings as of November 26, 7:00 AM
Hindi natinag ang Pilipinas sa rank 3 ng Medal Tally sa 14th ASEAN Schools Games (ASG) sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam.
Patuloy na nagpapamalas ng tatag at liksi ang PH Athletics team na nakapagtala ng panibagong 3 gintong medalya mula sa Girls’ 200-meter at 800-meter run, gayundin sa Boys’ 1500-meter run.
Nagdagdag rin ang grupo ng dalawang silver mula sa Boys’ 200-meter run at Triple Jump, at dalawa pang bronze para sa Boys’ Triple Jump at Discus Throw.
Samantala, dalawang bronze ang naiambag ng Swimming team mula sa Boys’ 200-meter Individual Medley at 100-meter Backstroke.
#asg2025 #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Isang panalo para sa bawat batang Pilipino! 🇵🇭✨
Naispasa na sa Senado ang historic 2026 DepEd budget, ang pinakamalaking pondo sa kasaysayan ng edukasyon. Tanda ito ng tiwala sa mga repormang isinusulong ni Sec. Sonny Angara, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Dahil dito, mas handa na ang DepEd na maghatid ng mas mabilis at makabuluhang serbisyo para sa bawat guro at mag-aaral. Maraming salamat po sa inyong tiwala!
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Inaprubahan na ng Senado ang historic 2026 budget ng Department of Education, ang pinakamataas sa kasaysayan.
Isang malinaw na pahayag ito ng tiwala sa mga reporma at direksiyong tinatahak ng DepEd sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin at itaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/11/25/senado-approved-ang-historic-… -
DepEd
@DepEd_PH
Maraming salamat sa tiwala, Senate of the Philippines!🌟
Ang pinakamalaking budget sa kasaysayan ng edukasyon ay patunay ng inyong kumpiyansa sa direksyong tinatahak ng DepEd sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara, alinsunod sa mga prayoridad at direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos para tugunan ang krisis sa edukasyon.
Dahil sa inyong suporta, mas lalawak pa ang pag-asa at oportunidad para sa bawat mag-aaral at guro.
Tinitiyak namin na ang bawat piso ay gagamitin upang maabot ang bawat batang nangangarap, saan man sila naroroon sa bansa.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
TINGNAN: Nagpahayag ng kanilang suporta ang mga senador nitong Lunes sa katatapos na pagtalakay ng 2026 DepEd budget, isang makasaysayang pondo para sa pagpapalakas ng edukasyon sa bansa.
Ang kanilang mga pahayag ay malinaw na pagpapakita ng kumpiyansa sa mga repormang isinusulong ng DepEd sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos.
Lubos na nagpapasalamat ang DepEd sa Senado sa patuloy na pakikipag-ugnayan at pagtaguyod sa mga repormang naglalayong ihatid ang mas mahusay, makabuluhan, at makatarungang edukasyon para sa bawat batang Pilipino.
#depedphilippines #bagongpilipinas
DepEd
@DepEd_PH
-
DepEd
@DepEd_PH
Ang DepEd, sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara, ay itinataguyod ang transparency bilang mahalagang bahagi ng maayos at tapat na pamamahala. Isa sa mga inisyatibang isinusulong nito ay ang Project Bukas, na naglalayong ibahagi sa publiko ang mahahalagang datos sa edukasyon upang matiyak na ang pondo ay tunay na napakikinabangan ng mga mag-aaral at guro.
Basahin ang buong artikulo sa link na ito:
manilastandard.net/tech/314672218/deped-rolls-out-open-da… -
DepEd
@DepEd_PH
BRONZE MULA SA SWIMMING! 🥉
Nakamit ni La Union Pride Anton Paulo Dominick Della ang unang Bronze Medal ng bansa sa 400m Individual Medley event sa 14th ASEAN Schools Games (ASG) sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam.
Naitala ni Anton ang oras na 4:42.04 para sa bronze medal habang nakuha naman ng Thailand ang gold at silver medal para sa naturang event.
Mula Region I, unang humakot ng gintong medalya si Anton sa 400-meter Individual Medley at 400-meter, 800-meter, at 1500-meter Freestyle events ng Palarong Pambansa 2025.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
📌 Unofficial Medal Tally as of November 24, 7:00 AM:
FLEXING PH ATHLETICS PROWESS IN BRUNEI 💪⚡🇵🇭
Namayagpag ang Philippine Athletics team sa ikatlong araw ng 14th ASEAN Schools Games 2025 sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam.
Bumida ang PH teams sa boys category ng Long Jump, 400-meter hurdles, 800-meter at 3000-meter run para ang unang apat na gold ng bansa.
Nagdagdag naman ng 3 silver ang girls’ 400-meter hurdles at 3000-meter run, at boys’ 800-meter run.
Naitala rin ng Pinas ang unang record-breaker para sa Athletics ng ASG, matapos ang impressive performance ni Jhun Ian Cañalita sa boys’ 3000-meter run.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
IKALAWANG SILVER MULA SA ATHLETICS!🥈
Nasungkit ni Loraine Aubrey Batalla ng SDO Calamba, CALABARZON Region, ang ikalawang silver ng bansa sa Athletics 400-meter Hurdles Girls sa 14th ASEAN Schools Games (ASG) sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam.
Naipamalas ni Loraine ang mas magandang resulta ngayong taon mula sa unang beses na pagsali kung saan nakuha niya ang Bronze Medal sa ASG 2024 sa Danang, Vietnam.
#asg2025 #depedphilippines #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
ANOTHER GOLD FOR PH! 🥇🇵🇭
Tagumpay si Ivan Cabanda ng National Capital Region (NCR) na makuha ang ikalawang ginto ng bansa, matapos ang impresibong panalo sa Athletics 400-meter Hurdles Boys sa 14th ASEAN Schools Games sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam.
Kamakailan lamang ay nakuha rin ni Ivan ang gold medal sa U18 Boys 400m Hurdles sa SEA U18 Athletics championships.
#asg2025 #bagongpilipinas #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
GOLD PARA SA PINAS! 🥇
Wagi si Efosa John Paul Aguinaldo ng Philippine Team matapos maangkin ang unang ginto para sa bansa sa Athletics Long Jump – Boys Finals ng 14th ASEAN Schools Game sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam.
Naitala ni Efosa ang distansya na 7.26 meters para sa gold medal. Nakuha naman ng Malaysia ang silver na may 6.92 meters at bronze para sa Singapore na may 6.84 meters.
#asg2025 #labanpilipinas #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
FIRST MEDAL FOR THE PH! 🇵🇭
Nasungkit ni Chrisia Mae Tajarros ang unang medalya para sa bansa, matapos makuha ang silver medal sa athletics 3000-meter run sa 14th ASEAN Schools Games sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam.
Naitala ni Tajarros ang oras na 10:18.86 para sa second-place finish. Dinomina naman ng Vietnam ang laban sa oras na 10:13.12, habang nakuha ng Indonesia ang bronze sa 10:34.66.
Mula Eastern Visayas Region, si Chrisia ang unang nagkamit ng gold medal sa nakaraang Palarong Pambansa 2025 - Ilocos Norte.
#asg2025 #philippineteam #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Pormal na sumabak na sa kompetisyon ang 200-member Philippine delegation sa pagbubukas ng 14th ASEAN Schools Games (ASG) nitong Huwebes. Ito ay isang patunay sa patuloy na suporta ng Department of Education (DepEd) at Philippine Sports Commission (PSC) sa paghubog ng kabataang atleta.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/11/21/deped-buo-ang-suporta-sa-team…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Isinagawa ng Department of Education (DepEd) ang kauna-unahang Classroom Summit ngayong araw, na dinaluhan ng mga ahensya ng gobyerno, private contractors, lokal na pamahalaan, at mga development partners.
Layon nitong tugunan ang mga pagkaantala sa konstruksyon ng mga silid-aralan at paigtingin ang flexibility, innovation, transparency, accountability, at good governance sa edukasyon at imprastruktura.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/11/20/deped-inilunsad-ang-stride-at…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Muling binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos na edukasyon pa rin ang priyoridad ng gobyerno. Ito ay matapos personal na bisitahin ng Pangulo kasama si Sec. Sonny Angara ang sitwasyon ng mga paaralan sa Albay at pangunahan ang pagbubukas ng upgraded PhilSports Complex sa Pasig.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/11/19/pbbm-edukasyon-ang-prayoridad…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Patuloy ang pagpapaigting ng Department of Education (DepEd) ng mga hakbang sa rehabilitasyon at learning continuity efforts sa mga paaralan na lubhang naapektuhan ng Super Typhoon Uwan at Typhoon Tino.
Nitong Martes, ininspeksyon ni Pangulong Bongbong Marcos at Sec. Sonny Angara ang isa sa mga sinalantang paaralan sa Cararayan-Naga Elementary School sa Tiwi, Albay.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/11/18/deped-regional-offices-nilata…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd), sa pamumuno ni Sec. Sonny Angara, ang pangmatagalang reporma sa basic education sa nationwide Management Committee (MANCOM) Meeting sa Puerto Princesa City, ngayong araw.
Tinalakay sa ManCom Meeting ang learning continuity, system integrity, at kahandaan ng mga paaralan lalo na sa mga lugar na madalas tamaan ng sakuna.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/11/17/deped-isinusulong-ang-pangmat…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Sa pamumuno ni Sec. Sonny Agara, agad kumilos ang Department of Education (DepEd) upang hindi maapektuhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral na biktima ng magkasunod na bagyong Tino at Uwan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Isa sa hakbang ng DepEd ang partnership kasama ang PLDT Inc., Smart Communications at Central Visayan Institute Foundation (CVIF) upang palawakin ang pagpapatupad ng Dynamic Learning Program (DLP). Layon nitong maipagpatuloy ang edukasyon sa pamamagitan ng ligtas at flexible na pag-aaral.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/11/13/deped-pinalawak-ang-dynamic-l…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Bumisita si Education Secretary Sonny Angara sa Negros Occidental nitong Martes upang maghatid ng agarang tulong sa mga komunidad at paaralan na apektado ng Bagyong Tino.
Bilang kinatawan ni Pangulong Bongbong Marcos, pinuntahan ni Sec. Angara, kasama ang iba pang mga opisyal ng pamahalaan ang mga bayan ng Binalbagan, Moises Padilla, La Castellana, at Lungsod ng La Carlota, kung saan nakipagpulong siya sa mga evacuee at local stakeholders.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/11/12/angara-naghatid-ng-tulong-con…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Protect yourselves from Diploma Mills!
CHED, DepEd, PRC, TEC, and EDCOM 2 have joined forces to launch the Philippine Teacher Education Registry (PhilTER)—the sole authority for legitimate teacher education programs nationwide.
This is the rule: If a program is not listed on PhilTER, it is NOT considered legitimate for licensure examinations, hiring, or career progression.
Don't risk your investment! Before you enroll, check before you commit!
➡️ Verify your program NOW: tec.gov.ph/philter -
DepEd
@DepEd_PH
Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang agarang tugon sa tinatayang 312 pampublikong paaralan na napinsala ng Super Typhoon Uwan, kung saan kabilang ang Bicol at CALABARZON sa mga rehiyong pinakamatinding naapektuhan.
Siniguro rin ni Sec. Sonny Angara na nakatuon ang DepEd sa agarang proteksyon ng mga estudyante, guro, at kawani ng paaralan, gayundin ang learning continuity sa mga apektadong lugar.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/11/10/deped-312-paaralan-napinsala-…
#uwanph #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
#walangpasok: Dahil sa inaasahang epekto ng Super Typhoon #uwanph, inanunsyo na ng Malacañang ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa NCR, CAR, at Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, VI, VII at VIII at Negros Island Region mula Nobyembre 10-11, 2025.
Suspendido rin ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa NCR, CAR, at Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, at VIII bukas, Nobyembre 10, 2025.
Basahin ang official memorandum dito: www.facebook.com/share/p/1FzWoUKhph/
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Maging handa at alerto sa paparating na bagyo.
Basahin ang ulat sa paghahanda ng DepEd para sa Bagyong #uwanph, hanggang ngayong Nobyembre 8, 6:00 PM.
#depeddrrms #depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nakikiisa ang DepEd sa pamayanang Muslim at sa buong bansa sa paggunita ng Sheikh Karim’ul Makhdum Da, bilang pagpupugay sa misyonerong nagpasimula ng Islam sa Pilipinas at nagtayo ng unang Mosque sa bansa.
Ayon kay Sec. Sonny Angara, na siyang pangunahing may akda ng Republic Act No. 12228, kinikilala ng batas hindi lamang ang mahalagang yugto sa kasaysayan kundi pati ang kapangyarihan ng pananampalataya at pagkatuto upang pag-isahin ang mga mamamayan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/11/08/deped-nakikiisa-sa-paggunita-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Iniatas ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang pagpapatupad ng mga hakbang sa rehabilitasyon at learning continuity kasunod ng malawakang pinsalang idinulot ng Bagyong Tino sa mga paaralan sa ilang rehiyon, habang naghahanda ang DepEd sa pagdating ng Bagyong Uwan.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/11/07/deped-pinagulong-ang-agarang-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nakipagsanib-puwersa ang Department of Education (DepEd) sa Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) at Solar Pictures, Inc. upang muling palakasin ang DepEd TV at palawakin ang mga learning strategies para matugunan ang learning loss kapag may kalamidad.
Ayon kay Sec. Sonny Angara, ang inisyatibong ito ay tugon sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na gawing responsive ang edukasyon sa mga hamon ng panahon.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/11/06/deped-pinaigting-ang-laban-sa…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos at ng Economy and Development (ED) Council ang Project for Learning Upgrade Support and Decentralization o PLUS-D.
Ito ay isang pambansang inisyatiba sa edukasyon na layuning tugunan ang learning losses at bigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga rehiyon at paaralan sa pagpapatupad ng mga reporma.
Ayon kay Undersecretary for Strategic Management Ronald Mendoza, sa pamamagitan ng PLUS-D mapalalakas ang implementasyon ng mga reporma sa edukasyon sa bansa.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/11/05/mas-mabilis-na-learning-recov…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Ka-DepEd, narito na ang official memorandum kaugnay ng paglalabas ng 2025 Year-End Bonus at Cash Gift para sa mga eligible na empleyado ng Kagawaran ng Edukasyon.
Basahin ang memorandum: www.deped.gov.ph/2025/11/04/november-4-2025-memorandum-re…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nakikipag-ugnayan ang DepEd sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang magtakda ng iisang malinaw at maagap na patnubay sa pagsuspinde ng klase. Ito ay bilang pagkilala na bawat kanseladong araw ng pagpasok ay may pangmatagalang epekto sa pagkatuto ng mga bata.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/11/04/para-sa-kaligtasan-at-kinabuk…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Binibigyang-diin ng DepEd ang panawagan para sa sapat na pondo upang matugunan ang suliranin sa edukasyon kabilang ang functional literacy.
Sa suporta ng Pangulo, mga ahensya ng pamahalaan at partners, tinitiyak natin na ang bawat pondong ilalaan sa sektor ng edukasyon ay magagamit sa pagkatuto ng bawat Pilipinong mag-aaral.
Basahin ang buong pahayag sa ibaba.
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Tiwala ang DepEd na mananatiling priyoridad ang edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pinakamalaking pondo sa ilalim ng national budget alinsunod sa Konstitusyon.
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na kinakailangang may sapat na pondo ang Kagawaran na tumutugma sa malawak na gastusin at responsibilidad nito.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/11/03/deped-nananawagan-ng-sapat-na…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
Nitong Oktubre 30, may bagong simula para sa Lungsod ng Carmona.
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang inagurasyon ng Schools Division Office (SDO) ng Lungsod ng Carmona. Isang hakbang ng DepEd upang masiguro ang mabilis na pagtugon at pagbibigay ng serbisyo sa mga paaralan, mag-aaral, at guro ng lungsod.
Basahin: www.deped.gov.ph/2025/10/31/mas-mabilis-na-aksyon-sa-mga-…
#depedphilippines #bagongpilipinas -
DepEd
@DepEd_PH
ADVISORY
28 April 2024 - In view of the latest heat index forecast of the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) and the announcement of a nationwide transport strike, all public schools nationwide shall implement ASYNCHRONOUS CLASSES/DISTANCE LEARNING on April 29 and 30, 2024.
Likewise, teaching and non-teaching personnel in all public schools shall not be required to report to their respective stations.
However, activities organized by Regional and Schools Division Offices, such as Regional Athletic Association Meets and other division or school level programs, to be conducted on the aforementioned dates may push through as scheduled, provided that measures for the safety of all participants have been carefully considered.
Finally, private schools shall not be covered by this advisory but shall have the option to implement the same.
Thank you. -
DepEd
@DepEd_PH
ADVISORY
In order to allow learners to complete pending assignments, projects, and other requirements as the end of school year is fast-approaching, all public schools nationwide shall implement ASYNCHRONOUS CLASSES/DISTANCE LEARNING on April 15-16, 2024.
Likewise, teaching and non-teaching personnel in all public schools shall not be required to report to their respective stations.
However, activities organized by Regional and Schools Division Offices, such as Regional Athletic Association Meets and other division or school level programs, to be conducted on the aforementioned dates may push through as scheduled.
Finally, private schools shall not be covered by this advisory but shall have the option to implement the same.
Thank you.
[Note: The official memorandum has been sent to the regional and schools division offices.] -
DepEd
@DepEd_PH
HAPPY BEST FRIEND DAY, BESHIES! ❤️
Shoutout sa mga kaibigan natin na laging masasandalan at kasama natin sa bawat kasiyahan at hamon ng buhay. Thank you for the gift of friendship! -
DepEd
@DepEd_PH
LAHAT TAYO AY KAISA PARA SA INKLUSIBONG MUNDO! 🏳️🌈
Kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon sa selebrasyon ng Pride Month ngayong Hunyo! -
DepEd
@DepEd_PH
Magandang umaga, Pilipinas! Halina’t sabay-sabay nating salubungin ang unang araw ng SY 2020-2021!
PANOORIN: www.facebook.com/watch/?v=385179225989017
Sama-sama tayo sa ating hangarin na maipagpatuloy ang edukasyon sa gitna ng anumang hamon dahil ang #handangisip, #handabukas!Post not available here, view on X
DepEd
@DepEd_PH
Undersecretary Jesus Mateo: Ang PAAC [Public Assistance Action Center] ay tinayo noong Hunyo pa lang. Siyempre, gusto natin na ma-address ang mga concerns and issues ng mga magulang at mag-aaral.
-
DepEd
@DepEd_PH
WELCOME TO SCHOOL YEAR 2020-2021! 😊
Salubungin natin ang pagbubukas ng klase na punong-puno ng pagtutulungan, pag-asa, at kasikhayan.
Maligayang pagbabalik eskwela! 🖋📚🤓
#handangisip #handabukas #sulongedukalidad #depedphilippines #depedtayo -
DepEd
@DepEd_PH
National Enrollment for SY 2020-2021
(as of 28 September 2020, 8:00 am)
Total: 24.66M or 88.80% of SY2019-2020
Public: 22.46M or 99.50%
Private:2.14M or 49.90%
ALS: 393,163 or 53.13% of SY2019-2020
#handangisip #handabukas #sulongedukalidad #depedphilippines #depedtayo -
DepEd
@DepEd_PH
Pormal na magbubukas ang School Year 2020-2021 sa 5 Oktubre 2020, Lunes, at magtatapos sa 16 Hunyo 2021, Miyerkules. Ang taong-panuruan ay maglalaman ng 200 school days ayon sa itinakda ng batas.
#handangisip #handabukas #sulongedukalidad #depedphilippines #depedtayo -
DepEd
@DepEd_PH
ICYMI: DepEd and Knowledge Channel signed a new partnership agreement to further efforts at improving the quality of education in the Philippines
#sulongedukalidad #leonorbriones
#depedtayo #depedphilippines
DepEd
@DepEd_PH
Among the programs featured in the new agreement is a 10- to 12-month certificate course for teachers teaching in the primary grades (K-3).
-
DepEd
@DepEd_PH
IMPORTANT ANNOUNCEMENT: Online application for the Senior High School Voucher Program has been extended.
Applicants may still apply online until 11:59 PM on Friday, June 7, through the OVAP at ovap.peac.org.ph. -
DepEd
@DepEd_PH
For SY 2018-19, learners who completed Kindergarten in SY 2017-18 shall be allowed to enroll in Grade 1, given that they turned five years old within that school year.
Read more: www.deped.gov.ph/press-releases/public-private-schools-ap… -
DepEd
@DepEd_PH
Procedures on Procurement of Filipino Literature Reading Materials (FLRMs) and Supplementary Learning Resources (SLRs) were highlighted during the talk of Director of Procurement Management Service Joel S. Erestain.
-
DepEd
@DepEd_PH
HN: NBDB Director of Information and Research Management System, Anthony Balisi gives orientation on the requirements for National Book Development Board (NBDB) Registration.
-
DepEd
@DepEd_PH
The online application for the SHS Voucher Program for SY 2017-2018 is still on! Apply now until February 10, 2017. www.deped.gov.ph/orders/do-66-s-2016
-
DepEd
@DepEd_PH
1.7 mil kids die from diarrhea & pneumonia each year. A good handwashing habit can significantly prevent
these deaths. #globalhandwashingday -
DepEd
@DepEd_PH
QUEZON CITY | #walangpasok Classes (all levels/public and private) are suspended August 13, 2016 Saturday | via @qclocalgovt
-
DepEd
@DepEd_PH
Esperanza Senior High School in Misamis Oriental - all set for June 13
www.facebook.com/notes/864809650925655/ #gokto12 -
DepEd
@DepEd_PH
Magandang araw po! For any commendations, concerns, or complaints, contact us: action@deped.gov.ph | 02 6361663 | 6331942 | +63 9194560027
-
DepEd
@DepEd_PH
Day 4 of #brigadaeskwela at Tapaz Central Elementary School in Capiz. #brigadaeskwela #gokto12
-
DepEd
@DepEd_PH
Always be updated about DepEd. Like us on FB www.facebook.com/DepEd.Philippines/
-
DepEd
@DepEd_PH
Secretary Luistro during the Brigada Eskwela kickoff program at Sta. Cruz Pingkian High School in Nueva Vizcaya
-
DepEd
@DepEd_PH
Here is the list of DepEd Oplan Balik Eskwela hotline numbers: #balikeskwela2016
-
DepEd
@DepEd_PH
DPWH commits repair and maintenance of roads leading to schools, painting of pedestrian lanes and lane markings #balikeskwela2016
-
DepEd
@DepEd_PH
(Cont.) DPWH to install traffic sign boards and other forms of assistance such as cleaning and painting of classrooms #balikeskwela2016
-
DepEd
@DepEd_PH
Department of Energy assures public of adequate supply of electricity this coming June for the opening of classes #balikeskwela2016
-
DepEd
@DepEd_PH
DOH: to provide standby emergency response teams, disease surveillance, propositioned medicines and supplies #balikeskwela2016
-
DepEd
@DepEd_PH
OCD-NDDRMC: to include DRRM in school year-round program/activities and provide disaster preparedness EICs to schools #balikeskwela
-
DepEd
@DepEd_PH
DTI launches "Gabay sa Pamimili ng School Supplies" and "Diskwento Caravan" in preparation for the opening of school year #balikeskwela
-
DepEd
@DepEd_PH
NOW: DepEd reactivates Oplan Balik-Eskwela at Bulwagan ng Karunungan. It will be fully operational from 6am to 6pm until June 18, 2016.
DepEd
@DepEd_PH
Oplan Balik Eskwela hotline numbers: 636-1663; 632-1361; 633-9346; 633-7255; 638-7529; 635-9817; 632-1365; 633-2120 #balikeskwela2016
DepEd
@DepEd_PH
The public can also text or email their concerns to 0919-456-0027 and action@deped.gov.ph. #balikeskwela2016
-
DepEd
@DepEd_PH
Let's be one community in preparing our schools for the new school year! Brigada Eskwela 2016 na!
#brigadaeskwela -
DepEd
@DepEd_PH
Brigada Eskwela'16 na! Here are some tips which you can do to make every classroom learner-friendly:
#brigadaeskwela -
DepEd
@DepEd_PH
The new Senior High School (SHS) Help Desk is here to assist you! We are live starting today, from 9AM to 6PM.
-
DepEd
@DepEd_PH
The results for the online application of SHS Voucher Program are already out! Visit: ovap.deped.gov.ph #gokto12
-
DepEd
@DepEd_PH
The results for the online application of SHS Voucher Program are already out! Visit: ovap.deped.gov.ph #gokto12
-
DepEd
@DepEd_PH
Labanan natin ang Dengue! Makilahok sa Brigada para sa Kalinisan! www.deped.gov.ph/press-releases/deped-doh-dswd-team-comba…
-
DepEd
@DepEd_PH
DepEd, DOH, DSWD team up to combat dengue in schools nationwide www.deped.gov.ph/press-releases/deped-doh-dswd-team-comba…
-
DepEd
@DepEd_PH
CAMARINES NORTE | #walangpasok Classes in ALL LEVELS are suspended tomorrow, Dec. 8, 2014 (Gov. Edgardo Tallado) | via @PIAalerts
-
DepEd
@DepEd_PH
NATIONAL CAPITAL REGION | #walangpasok Classes in ALL LEVELS are suspended tomorrow, Sept. 15, 2014 | via @Abi_Valte
Abi Valte
@Abi_Valte
(1) ES Ochoa has suspended classes in all levels, public & private for tom, 9/15/2014 in the ff. areas: NCR, Zambales, Tarlac, N. Ecija...
-
DepEd
@DepEd_PH
Keep refreshing this link for the updated list of areas where class suspensions have been announced due to #luisph: www.facebook.com/notes/352546172520793/
-
DepEd
@DepEd_PH
List of class suspension - September 15, 2014 #walangpasok #luisph www.facebook.com/notes/352546172520793/
-
DepEd
@DepEd_PH
As of 3:50PM: List of areas where class suspensions have been declared: www.facebook.com/notes/deped-philippines/class-suspension… #walangpasok
-
DepEd
@DepEd_PH
What are the rules on class suspension? Read here: t.co/1U3PWnhNp4
-
DepEd
@DepEd_PH
Pursuant to Proc. No. 115-A, s. 1966, July is Schools Safety & Accident Prevention Month. www.gov.ph/1966/11/17/proclamation-no-115-a/
-
DepEd
@DepEd_PH
Vaugirard Scholarship Program to provide grants to deserving public school grads. Details here www.dlsu.edu.ph/scholarships/vaugirard/default.asp
-
DepEd
@DepEd_PH
DepEd has launched Library Locator Map. Visit: www.deped.gov.ph/index.php/resources/maps/deped-libraries #goeducation
-
DepEd
@DepEd_PH
Magandang araw po! For any questions, concerns, or complaints, contact us: action@deped.gov.ph | 02 636 1663, 02 633 1942 | 63 919 456 0027
-
DepEd
@DepEd_PH
Here is the list of requirements for the Australian Awards Scholarships. Details: www.deped.gov.ph/index.php/news-updates/announcements/sch… #goeducation
-
DepEd
@DepEd_PH
Keep checking the @rapplerdotcom bulletin board for class suspensions: Monday, August 19 www.rappler.com/bulletin-board/36711-august-19-class-susp… #walangpasok



























































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































