BREAKING NEWS: Dumating na sa Pilipinas si US President Donald Trump para sa kaniyang pakikilahok sa ASEAN - US Special Summit
kung saan inaasahang tatalakayin ang ugnayan ng Estados Unidos at mga bansa sa Southeast Asia.
May nakatakda rin siyang bilateral meeting kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang Palace upang talakayin ang mga usaping may kinalaman sa ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.
📸: ASEAN 2026 PH
#net25newsandinformation #donaldtrump #asean2026ph #aseanusspecialsummit #philippinesusrelations
Net 25
Net 25, stylized as NET25, is a Philippine free-to-air television network owned and operated by the Eagle Broadcasting Corporation. The network is named for its flagship station in Metro Manila, DZEC-TV, which is carried on UHF Channel 25 on analog terrestrial TV and UHF Channel 28 on digital terrestrial TV and has carried by major cable and satellite operators in the country. The station's broadcast facilities are located at the EBC Building, #25 Central Ave., New Era, Quezon City. More on Wikipedia
-
NET25
@NET25TV
-
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Lumapag na sa Villamor Air Base ang Air Force One na sinasakyan ni U.S. President Donald Trump para sa kaniyang pagbisita sa Pilipinas.
Nakaabang na ang ilang opisyal ng pamahalaan at kinatawan ng Estados Unidos para salubungin ang U.S. President, kabilang sina: House Majority Leader Sandro Marcos, Executive Secretary Ralph Recto, Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez, U.S. Ambassador to the Philippines Lee Lipton at Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano. | via Madz Moratillo
📹: MPC pool
#net25newsandinformation #asean2026ph #donaldtrump #airforceone #villamorairbase -
NET25
@NET25TV
Nagbabalak bumalik sa Bangladesh sa Disyembre si dating Prime Minister Sheikh Hasina sa kabila ng hatol na kamatayan na ipinataw sa kaniya kaugnay ng marahas na pagsupil sa mga kilos-protesta noong 2024.
Sa panayam ng Agence France-Presse (AFP), sinabi ni Hasina na handa siyang harapin ang panganib sa kaniyang pagbabalik. Tumakas siya patungong India noong Agosto 2024 matapos mapatalsik sa puwesto kasunod ng student-led uprising na nagwakas sa kaniyang 15-taong pamumuno.
📸: Reuters
#net25newsandinformation #bangladesh #sheikhhasina -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Pinangunahan ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa P. Lazaro ang huling pulong ng ASEAN Foreign Ministers sa Maynila, sa ilalim ng chairship ng Pilipinas ngayong 2026.
Sinuri ng mga foreign ministers ang mga programa para sa ASEAN Community at tinalakay ang mga dokumentong ihaharap sa 49th ASEAN Summit. Kabilang sa mga napag-usapan ang maritime operation, artificial intelligence, online scams at paghahanda sa epekto ng climate change.
📸: ASEAN 2026 PH
#net25newsandinformation #asean2026ph #asean -
NET25
@NET25TV
Lumampas sa $1 trilyon ang kalakalan ng China at ASEAN noong 2025, ayon kay Chinese Premier Li Qiang sa 28th ASEAN-China Summit sa Maynila.
Sinabi ni Li na patuloy ang paglago ng kalakalan sa kabila ng tensiyon sa politika at paghihigpit sa pandaigdigang kalakalan.
Samantala, iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat manaig ang international law at mapayapang pagresolba sa mga alitan, lalo na sa usapin ng South China Sea. Binigyang-diin niyang dapat umayon sa international law at UNCLOS ang isinusulong na Code of Conduct sa pinagtatalunang karagatan.
📸: Reuters
#net25newsandinformation #asean2026ph #chinaasean #southchinasea -
NET25
@NET25TV
Nagdeklara ng state of calamity sa buong lalawigan ng Basilan dahil sa matinding tag-init dulot ng El Niño.
Ayon kay Basilan Governor Mujiv Hataman, ilang barangay na ang nakararanas ng kakulangan sa water supply. Apektado na rin ang programa ng lalawigan para sa mga magsasaka.
Bumili na ang lokal na pamahalaan ng drilling machine upang makatulong na matiyak ang sapat na supply ng tubig at maiwasan ang mas malaking epekto ng tagtuyot sa produksyon ng pagkain.
#net25newsandinformation #stateofcalamity #basilan #elnino #tagtuyot #taginit #foodproduction #watersupply -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Pinagunahan nina Japanese Prime Minister Sanae Takaichi at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 29th ASEAN-Japan Summit ngayong Martes, Nobyembre 17, sa PICC, Manila.
📷: ASEAN PHILIPPINES 2026
#net25newsandinformation #asean2026 #aseansummit #japan #philippines -
NET25
@NET25TV
MGA PAGKAING PINOY, BIDA SA ASEAN SUMMIT
TINGNAN: Iba’t ibang pagkaing Pilipino mula Luzon, Visayas at Mindanao ang inihahain sa International Media Center para sa 49th ASEAN Summit.
Kabilang sa mga pagkaing tampok ay ang empanada, pancit palabok, Cebu lechon, kaliya puso at chicken pianggang. Mayroon ding mga pagkaing bahagi ng Slow Food movement.
Ipinakikilala ang mga pagkaing ito sa mga international journalist na nagko-cover ng summit. Kabilang sa mga chef na naghanda ng mga putahe ay sina Francis Lacson at Miggy Cabel Moreno, na kapwa kinilala ng MICHELIN Guide.
📸: Department of Tourism - Philippines
#net25newsandinformation #aseansummit2026 #filipinocuisine -
NET25
@NET25TV
ENROUTE TO MANILA
TINGNAN: Sumakay na si US President Donald Trump sa Air Force One sa Maryland na maghahatid sa kaniya sa Pilipinas para dumalo sa ASEAN Summit ngayong Martes, Nobyembre 17.
Ayon sa ASEAN organizers, inaasahang darating si Trump sa bansa mamayang 5:30 ng hapon.
📷: White House
#net25newsandinformation #asean #donaldtrump #usa #philippines -
NET25
@NET25TV
Nakaranas ng aberya ang ilang banking app at online banking services sa Estados Unidos nitong Lunes ng hapon, Nobyembre 16, ayon sa downdetector.com.
Kabilang sa mga naapektuhan ang Bank of America, JPMorgan Chase at ang money transfer app na Zelle.
Ayon sa JPMorgan Chase, nagkaroon ng problema dahil sa software bug sa kanilang computer systems. Tiniyak naman ng bangko na walang kaugnayan sa cyberattack ang insidente.
#newsandinformation #usa #banks #digitalbanking #softwarebugs #cyberattack -
NET25
@NET25TV
Nanawagan si UN Secretary-General Antonio Guterres sa mga bansa na magpatupad ng mahigpit na patakaran sa paggamit ng mga sandatang pinatatakbo ng artificial intelligence (AI) na kayang pumili at umatake ng target nang walang utos ng tao.
Sa pulong sa Geneva, Switzerland, tatalakayin ng 128 bansa ang pagbuo ng kasunduang magtatakda ng mga limitasyon o pagbabawal sa paggamit ng mga naturang armas upang maiwasang ipaubaya sa mga makina ang pagpapasya kung sino ang aatakehin at papatayin sa digmaan.
📸: Reuters
#net25newsandinformation #unitednations #artificialintelligence #killerrobots #worldnews -
NET25
@NET25TV
MABUHAY ANG P-POP 🇵🇭🎶
Pasok ang P-pop icons na SB19 at BINI sa listahan ng mga nominado sa Best Asian Pop Music Performance category ng Grammy Awards
Nominado ang SB19 para sa kantang “Visa,” habang ang BINI naman ay para sa “Unang Kilig.”
Nagpasalamat ang dalawang grupo sa kanilang mga fans sa pagkilalang natanggap nila.
Samantala, kabilang din ang SB19 sa mga artist na magtatanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa Abril 2027.
📷: SB19, BINI / FB
#net25newsandinformation #sb19 #bini #grammyawards #bestasianpopmusicperformance #ppop #visa #unangkilig #entertainmentnews -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Nagpupulong ang mga lider ng iba't ibang bansa sa 4th Asia Zero-Emission Community Leaders’ Meeting upang talakayin ang pagsusulong ng mas malinis na enerhiya habang pinananatiling sapat at abot-kaya ang suplay nito sa rehiyon.
📸: ASEAN 2026 PH
#net25newsandinformation #asean2026ph -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang isang Malaysian at isang Pilipino matapos ang buy-bust operation sa Bongao, Tawi-Tawi noong Sabado, Nobyembre 15. Nauwi sa palitan ng putok ang operasyon nang mapansin umano ng dalawa ang mga operatiba at tangkaing tumakas sakay ng bangka.
Narekober sa kanila ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱13.4 milyon. Dalawang babae naman ang nasugatan matapos tamaan ng ligaw na bala.
📸: PDEA
#net25newsandinformation #tawitawi #illegaldrugs -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Hinimok ni US First Lady Melania Trump ang mga first lady ng ASEAN na gabayan ang mga bata sa paggamit ng teknolohiya at tiyaking ligtas sila laban sa mga karahasan online.
Ibinahagi niya ang mensaheng ito sa pamamagitan ng isang video na ipinalabas noong Lunes, Nobyembre 16, sa isang pagtitipon sa Maynila na isinagawa kasabay ng 49th ASEAN Summit. Bahagi ito ng Fostering the Future Together Global Coalition, isang inisyatiba ni Melania Trump.
📹: MPC Pool
#net25newsandinformation #asean2026ph #melaniatrump #fosteringthefuturetogetherThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
EARTHQUAKE ALERT: Niyanig ng 4.4 magnitude na lindol ang General Luna, Surigao del Norte kaninang 10:01 a.m., Nobyembre 17.
📷: PHIVOLCS
#net25newsandinformation #surigaodelnorte #lindol #earthquake -
NET25
@NET25TV
Target ng Pilipinas na mapababa ang taripa sa mga produktong ine-export sa Estados Unidos. Ayon kay Department of Trade Secretary Cristina Aldeguer-Roque, tatalakayin ito sa pagpupulong nila ni US President Donald Trump sa Miyerkules, Nobyembre 18, sa 49th ASEAN Summit.
Layunin nitong mas makasabay sa mga produkto ng ibang bansa ang mga produktong Pilipino. Inaasahan ding mapalawak nito ang exportation sa US at iba pang merkado.
Matatandaang nagpataw ang administrasyong Trump ng 19% reciprocal tariff sa ilang produktong Pilipino noong Hulyo 2025. Sinundan pa ito ng hiwalay na 12.5% taripa noong Hulyo 2026.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #dot #usa #philippines #export #tarrifs -
NET25
@NET25TV
Nagkasundo ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at China na palakasin ang pagtutulungan laban sa transnational crimes, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa 29th ASEAN-China Summit na pinangunahan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese Premier Li Qiang, tinalakay ng mga lider ang mga hakbang laban sa mga scam hub at human trafficking sa rehiyon.
Napag-usapan din ang mga pangunahing isyu tulad ng artificial intelligence, sektor ng kalusugan, pangangalaga sa kultura at kaligtasan sa karagatan. Nais din ng dalawang panig na palawakin ang kalakalan, palakasin ang supply chains at suportahan ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
Samantala, nagpapatuloy ang pag-uusap ng China at ASEAN tungkol sa Code of Conduct (COC) sa South China Sea. Tiniyak ng dalawang panig na naaayon ito sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at inaasahang matatapos ang usapan sa 2027.
#net25newsandinformation #philippines #china #transnationalcrimes #economy #asean -
NET25
@NET25TV
Ilang kaanak ng mga raliyistang inaresto sa Muntinlupa City ang pinayagang bumisita sa kanilang mga mahal sa buhay na nakadetine sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, nitong Lunes, Nobyembre 16.
Ayon sa mga paralegal, nasa kustodiya ng pulisya ang 275 na indibidwal, kabilang ang 19 na menor de edad at 17 na mamamahayag. Patuloy namang naghihintay ang iba pang kaanak at abogado na makapasok sa kampo.
#net25newsandinformation #campbagongdiwa #muntinlupa #taguig -
NET25
@NET25TV
TAXI MODUS SA MGA AIRPORT, NAKAPAMBIBIKTIMA PA RIN!
Kaugnay ng mga ulat ng umano’y “taxi modus” sa NAIA Terminal 3, pinaalalahanan ni Atty. Zona Russet Tamayo ng LTFRB-NCR ang mga pasahero na sumakay lamang sa mga awtorisadong taxi sa mga itinalagang sakayan sa airport.
Sa panayam sa Responde sa Primetime, binigyang-diin niyang may mga partikular na taxi na pinapayagang mag-operate sa mga paliparan.
Maging mapanuri bago sumakay, mga ka-RESPONDE!
#respondesaprimetime #net25 -
NET25
@NET25TV
Magsisimula sa Nobyembre 23 ang plenary budget hearings ng Senado para talakayin ang 2027 General Appropriations Bill (GAB) o panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, target nilang matapos ang pagtalakay sa loob ng lima hanggang walong araw. Plano rin ng Senado na maipasa ang bersyon ng Senado bago ang Disyembre 17. Layunin din ng mga senador na maiwasan ang pagkaantala sa pagpapatibay ng pambansang budget, matapos na maaprubahan lamang ang 2026 budget noong Disyembre 29 ng nakaraang taon.
Dahil walang sesyon sa Nobyembre 30 bilang paggunita sa Bonifacio Day, inaasahang magtatrabaho ang mga senador sa Disyembre 2, kasabay ng Pasay Day, upang maabot ang target na schedule.
📸: Senate of the Philippines
#net25newsandinformation #senate #2027nationalbudget -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 6th ASEAN-Australia Summit kung saan tinalakay ng mga lider ang pagpapalawak ng kooperasyon sa kalakalan, edukasyon at climate action.
Nagsimula ang pakikipagtulungan ng Australia at ASEAN noong 1974, kaya ito ang kauna-unahang naging dialogue partner ng samahan.
📸: ASEAN 2026 PH
#net25newsandinformation #aseansummit2026 #australia -
NET25
@NET25TV
Nasungkit ng BTS ang tatlong parangal sa 2026 Nickelodeon Kids’ Choice Awards na ginanap sa Los Angeles, California nitong weekend.
Ayon sa Nickelodeon, nanalo ang grupo sa Favorite Music Group or Duo, Favorite Album para sa ARIRANG, at Favorite Song para sa SWIM.
Ikalimang beses nang nagwagi ang BTS sa kategoryang Favorite Music Group or Duo, matapos ang apat na sunod-sunod na panalo mula 2020 hanggang 2023.
Naghahanda naman ang grupo para sa Asian leg ng kanilang ARIRANG World Tour, kabilang ang kanilang concert sa Pilipinas sa Marso 2027.
📷: BTS
#net25newsandinformation #nickelodeon #kca2026 #bts #arirang #philippinearena #arirangworldtour #manila #asiatour -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Dumating na sa bansa si New Zealand Foreign Minister Winston Peters ngayong Lunes ng hapon, Nobyembre 16, para lumahok sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.
📷: PCO
#net25newsandinformation #asean #asean2026 #philippines #newzealand -
NET25
@NET25TV
Nasa 30.15 kilo ng hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng ₱159.79 milyon ang nakuha ng apat na mangingisda sa karagatan ng Aparri, Cagayan, may 40 nautical miles mula sa Barangay Sanja. Isinuko nila sa mga awtoridad ang 26 na pakete ng hinihinalang ilegal na droga, na nakita nilang palutang-lutang habang nangingisda.
Iniimbestigahan na ng PNP at PDEA ang pinagmulan at posibleng destinasyon ng kontrabando, pati na ang mga nasa likod ng tangkang pagpapasok nito sa bansa. Dinala na rin sa crime laboratory ang mga nakuhang pakete para sa pagsusuri at kumpirmasyon ng laman ng mga ito.
📸: Reuters
#net25newsandinformation #cagayan #aparri #cocaine -
NET25
@NET25TV
Apat na Taiwanese na nahaharap sa kasong online fraud ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Mandaue City, Cebu noong Oktubre 29. Naglabas ng arrest warrants laban sa kanila ang Taiwan New Taipei District Prosecutors’ Office noong Agosto 20, kasunod ng kahilingan ng Taipei Economic and Cultural Office.
Samantala, inaresto rin ng BI ang isa pang Taiwanese sa Parañaque noong Nobyembre 4 dahil sa umano’y pagpapatakbo ng illegal online gambling operation. Nauna namang nadakip sa Cagayan ang isa pang Taiwanese dahil sa umano’y panloloko sa isang kababayan gamit ang pekeng overseas employment scheme.
📸: Bureau of Immigration Philippines
#net25newsandinformation #bureauofimmigration #onlinefraud #taiwan -
NET25
@NET25TV
PROTECT OUR LANDS, REJECT PAX SILICA
PANOORIN: Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang mag-aaral ng Bulacan State University Main Campus ngayong Lunes, Nobyembre 16, para tutulan ang Pax Silica kasabay ng pagbisita ni US President Donald Trump sa bansa. | via Melody Romero
📹: Monica Therese Deldoc Mante
#net25newsandinformation #asean2026 #asean #donaldtrump #paxsilicaThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Pormal nang sinampahan ng reklamong administratibo ng National Police Commission (NAPOLCOM) Region IV-A ang hepe ng Lucena Police na si PLTCOL Ryan M. Hernandez at walo pang pulis kaugnay ng umano’y iregularidad sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Cotta noong Oktubre 30.
Kabilang sa mga reklamong kinakaharap nila ang grave misconduct, grave dishonesty at grave neglect of duty sa ilalim ng Doctrine of Command Responsibility.
Samantala, inalis na rin sa puwesto si Hernandez bilang hepe ng Lucena Component City Police Station. Pinalitan siya ni PLTCOL Marcelito Platino habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso. | via Martin Banaag
📸: NAPOLCOM IVA
#net25newsandinformation #lucenacity #napolcom #calabarzon -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Dumating na si South Korean President Lee Jae Myung sa Pilipinas ngayong Lunes, Nobyembre 16, para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.
📷: ASEAN PHILIPPINES 2026
#net25newsandinformation #asean #asean2026 #philippines #korea -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Nakipagpulong ang member states ng ASEAN kay Chinese Premier Li Qiang sa PICC, Pasay City ngayong Lunes, Nobyembre 16.
📷: ASEAN PHILIPPINES 2026
#net25newsandinformation #asean #asean2026 #brazil #philippines #statevisit #bilateralrelations -
NET25
@NET25TV
Kinilala ang P-pop girl group na BINI bilang Favorite Global Music Star sa 2026 Nickelodeon Kids’ Choice Awards na ginanap sa United States noong Nobyembre 14 (Nov. 15, PH time).
Tinalo ng BINI ang iba pang nominado, kabilang sina Taylor Swift, Tyla, Karol G at Zara Larsson. Sila rin ang kauna-unahang Filipino, Southeast Asian at non-Korean act na nanalo sa naturang kategorya.
Tumanggap din ang grupo ng Most Influential Southeast Asian Artiste–Female award sa 2nd Jupiter Music Awards sa Vietnam nitong weekend.
📸: BINI_ph / IG
#net25newsandinformation #bini #ppop #nickelodeonkidschoiceawards #jupitermusicawards -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Biglang nagliyab ang isang sasakyan habang bumibiyahe sa Barangay Maloong, San Jose, Lamitan City, Basilan, nitong Linggo, Nobyembre 15.
Ayon sa ulat, patungo sana sa Lamitan City ang sakay ng nasunog na sasakyan nang mangyari ang insidente.
Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente. Nagpapaalala naman ang BFP sa mga motorista na regular na ipasuri ang electrical wiring ng kanilang mga sasakyan upang maiwasan ang mga ganitong insidente. | via Grace Alconaba
#net25newsandinformation #basilan #lamitancity #fire -
NET25
@NET25TV
Nanawagan ang 1Sambayan coalition sa bagong BIR Commissioner na si Rolando Ligon Jr. na kumilos bago ang Disyembre 2 upang matiyak na makokolekta ng gobyerno ang tinatayang ₱203 bilyong estate tax ng pamilya Marcos.
Ayon sa 1Sambayan, limang taon na mula nang magpadala ang BIR ng written demand sa mga tagapagmana ni Marcos noong Disyembre 2, 2021. Kailangan umano magpadala ng ahensya ng panibagong demand upang matiyak ang paniningil ng buwis.
Sa ulat, noong 1991, ₱23.29 bilyon ang estate tax na ipinataw sa estate ni Marcos Sr. ngunit dahil sa naipong interes at multa, umabot na ito sa halos ₱203 bilyon noong Disyembre 2021.
Binigyang-diin ng grupo na dapat makolekta ang buwis na ito dahil pera ito ng taumbayan at mahalagang matiyak na pantay ang pagpapatupad ng batas dahil isa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga tagapagmana at co-administrator ng estate.
📷: Bongbong Marcos
#net25newsandinformation #estatetax #buwis #marcos #1sambahayan #politicalgroup #bir -
NET25
@NET25TV
Magkakaroon ng kauna-unahang pagpupulong sina US President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping sa Shenzhen, China sa susunod na linggo.
Ayon sa White House, magkikita ang tatlong lider sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit. Tatalakayin ni Trump ang pagbabawas ng mga nuclear weapons maging ang ukol sa digmaan sa Iran.
Bago magtungo sa China, darating si Trump sa Pilipinas sa Martes upang dumalo sa ASEAN Summit.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #usa #russia #china #president #apecsummit #bilateralrelations #donaldtrump #vladimirputin #xijinping #asean -
NET25
@NET25TV
Walang napahamak sa 17 Pilipinong tripulante ng tanker na Atlantic Asphalt nang bumangga ito sa isang pampasaherong barko sa Mississippi River, Estados Unidos, noong Nobyembre 13.
Ayon sa Department of Migrant Workers o DMW, posibleng nagkaroon ng problema sa pagpipiloto ng tanker bago ang insidente.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Estados Unidos ang sanhi ng banggaan.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #filipino #seafarer #usa #mississippi #atlanticasphalt #tanker #boatincident -
NET25
@NET25TV
MGA PAMPASAHERONG JEEP, HINARANG NG LTO
TINGNAN: Ilang tsuper ang hinarang ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) sa Welcome Rotonda. Wala pang inilalabas na opisyal na detalye ang ahensya hinggil sa dahilan ng operasyon.
#net25newsandinformation #lto #welcomerotonda #jeepneyThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
LALAKI, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA BAMBAN, TARLAC
TINGNAN: Hinuli ang isang lalaki dahil sa pagbebenta umano ng hinihinalang shabu sa isang poseur-buyer sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Bamban Municipal Police Station sa Tarlac.
Narekober sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 0.60 gramo. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng pulisya habang dinala sa Crime Laboratory ang mga nakumpiskang ebidensya para sa pagsusuri. | via Ismael Mateo
#net25newsandinformation #bamban #tarlac #antidrugoperation -
NET25
@NET25TV
MGA INSIDENTE NG PAGNANAKAW NG MOTORSIKLO, DUMARAMI
Dumudulog sa mga awtoridad ang mga motorista na ninakawan ng motorsiklo at inaalarma ang publiko na mag-ingat dahil posibleng nakaw ang mabibili nilang motor. Nakausap ng Responde sa Primetime si Lykha mula Valenzuela na handang magbigay ng pabuya sa sinumang makakatulong na mahanap ang kaniyang motorsiklo.
Panoorin ang interview:
www.youtube.com/watch?v=gQkgBLr8oiU&t=1447s
#net25 #respondesaprimetime -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Nakaantabay ang pulisya sa Liwasang Bonifacio para sa ikinasang kilos-protesta ng ilang grupo laban sa Pax Silica at korapsyon. | via Jim Tejano
#net25newsandinformation #asean2026 #kilosprotesta #liwasangbonifacio -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Nagtipon ang iba’t ibang grupo sa Liwasang Bonifacio, Manila bilang bahagi ng kanilang multi-sectoral protest kasabay ng pagbubukas ng 49th ASEAN Summit and Related Summits. | via Jim Tejano
#net25newsandinformation -
NET25
@NET25TV
Aabot ng 20 hanggang 25 days matapos ang huling pagdinig ng depensa bago maglabas ng desisyon ang Senate impeachment court sa kaso ni Vice President Sara Duterte, ayon sa tagapagsalita ng korte.
Gagamitin ang panahong ito para magsumite at magsuri ng mga dokumento ang magkabilang panig bago magpasya ang mga senator-judge kung hahatulan o i-aabsuwelto ang bise presidente.
Isa na lamang ang natitirang alegasyon laban kay Duterte — ang umano’y pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na yaman at hindi idineklarang ari-arian sa kanyang SALN.
📸: Reuters
#net25newsandinformation #saraduterte #impeachmenttrial -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang plenary session ng 49th ASEAN Summit and Related Summits ngayong Linggo, Nobyembre 15.
📷: ASEAN 2026 PH
#net25newsandinformation #asean #asean2026 -
NET25
@NET25TV
SOBRANG WORTH IT
PANOORIN: Matagal nang hinihintay ni Luna, isa sa mga hardcore fans ng My Chemical Romance ang muling pagtatanghal ng banda sa Pilipinas.
#net25newsandinformation #mychemicalromance #mcr #mcrmys #philippinearena -
NET25
@NET25TV
Sinuspinde ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang passenger ship safety certificate (PSSC) ng MV Georgia 1 matapos sumadsad ang barko sa Port of Surigao sa Surigao City nitong Huwebes ng madaling araw, Nobyembre 13.
Ang MV Georgia 1 ay may rutang San Ricardo, Southern Leyte–Surigao City, na nag-uugnay sa mga biyahero sa dalawang lalawigan.
Ayon sa MARINA, nakaranas ang barko ng biglaang bugso ng hangin at malalakas na agos ng tubig habang minamaniobra para dumaong sa pantalan. Dahil dito, napunta ito sa mababaw na bahagi ng karagatan at sumadsad.
Nagsasagawa na ng underwater inspection ang ahensya para masuri ang kondisyon ng barko. Mananatiling suspendido ang safety certificate nito hanggang matiyak na ligtas na itong maglayag muli.
Binigyang-diin ng MARINA na hindi dapat isakripisyo ang kaligtasan ng mga pasahero para maipagpatuloy ang operasyon ng mga barko.
📷: MARINA
#net25newsandinformation #marina #mvgeorgia1 #surigaocity #maritimesafety #seatransport -
NET25
@NET25TV
Kinilala bilang World's Best Cheese ang isang kesong mula sa France na 24-month aged, matapos magwagi sa isang pandaigdigang kompetisyon sa Spain.
Gawa ito sa unpasteurized na gatas ng kalabaw mula sa rehiyon ng Comté at inilarawang may mala-nut na lasa, madaling madurog at masalimuot na timpla.
Ayon sa mga hurado, namukod-tangi ang keso sa mahigit 5,330 kalahok mula sa 45 bansa. Kabilang sa mga finalist ang mga produkto mula sa Italy, Switzerland at Spain.
Isa sa 14 na hurado na si Spanish cheese expert Rafael Domínguez González ang nagpahayag ng paghanga sa kakaibang katangian ng nagwaging keso.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #worldbestcheese #france #cheese #foodnews #spain -
NET25
@NET25TV
Naibenta sa halagang $5 milyon sa auction ang isang bracelet na may nakakabit na 197.80-carat na Romanov sapphire, na bahagi ng dating koleksiyon ng pamilya Romanov.
Hugis cushion ang malaking sapphire na nakalagay sa bracelet na likha ng kilalang French jeweler na Cartier. Una itong tinayang maibebenta sa halagang $2.5 milyon, ayon sa Sotheby’s.
Itinuturing na natatanging bahagi ng kasaysayan ang alahas dahil nagmula ito sa koleksiyon ng pamilya Romanov, ang huling dinastiya ng mga namuno sa Russia hanggang sa pagbagsak ng monarkiya noong 1917.
Noong 1927, ibinenta ng mga Sobyet ang mga alahas ng Romanov sa American socialite na si Ganna Walska.
📷: CNN
#net25newsandinformation #romanovsapphire #sothebys #auction #luxuryjewelry #worldnews -
NET25
@NET25TV
ATENEO DE DAVAO BULLYING INCIDENT, INIIMBESTIGAHAN
Iniimbestigahan ng Ateneo de Davao Junior High School ang umano’y pambubully at pisikal na pang-aabuso sa isang estudyante noong Nobyembre 5.
Ayon sa paaralan, dismissed na ang estudyanteng napatunayang responsable, habang patuloy ang imbestigasyon sa posibleng pagkakasangkot ng iba pang mag-aaral.
Nakikipag-ugnayan na rin ang paaralan sa PNP Davao kaugnay ng insidente.
#respondesaprimetime #net25 #responde #alexsantos -
NET25
@NET25TV
Sinabi ni Thai Foreign Minister Sihasak Phuangketkeow na nagpahayag ng interes ang Myanmar na muling makilahok sa mga pulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ayon kay Sihasak, nakita niya ang kagustuhan ng Myanmar na makipag-ugnayan muli sa ASEAN matapos ang kaniyang pakikipagpulong kay Pangulong Min Aung Hlaing at iba pang opisyal.
Iminungkahi rin ng Thailand na makilahok na muli ang foreign minister ng Myanmar sa mga pulong ng ASEAN sa antas ng mga foreign minister. Gayunman, wala pang napag-usapang partikular na hakbang para maisakatuparan ito.
Hindi isinama ang Myanmar sa mga high-level meeting ng ASEAN mula nang maganap ang kudeta militar noong 2021 na nagpatalsik kay Aung San Suu Kyi at nagbunsod ng nagpapatuloy na digmaang sibil.
📷: AFP
#net25newsandinformation #asean #myanmar #thailand #minaunghlaing #southeastasia -
NET25
@NET25TV
Naibalik na sa pamahalaan ang ₱866.38 milyon na pondo mula sa maanomalyang flood control projects, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Ayon kay DOJ Undersecretary Raul Vasquez, nagmula sa mga nagpanukala sa Bulacan case ang naturang halaga na naideposito na sa Bureau of the Treasury hanggang Oktubre 2026.
Patuloy namang hinihikayat ng DOJ ang mga indibidwal na sangkot sa mga kaso na isauli ang mga nakuhang pondo upang maging kuwalipikado sa Witness Protection Program. Nilinaw ng ahensya na walang itinakdang target na halaga ng pagsasauli.
Sa kabuuan, 29 na kaso na ang hinawakan ng DOJ kaugnay ng flood control scandal, kabilang ang mga kasong malversation, graft, at tax evasion.
📷: PNA
#net25newsandinformation #floodcontrolscam #doj #bulacan #governmentfunds #corruptioncases -
NET25
@NET25TV
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magsasagawa ang Pilipinas ng mga bilateral meeting sa limang bansa sa gitna ng 49th ASEAN Summit na pangungunahan ng bansa.
Ayon sa DFA, kabilang sa mga bansang makikipagpulong sa Pilipinas ang Estados Unidos, Japan, Brazil, South Korea, at Australia.
#net25newsandinformation #dfa #asean2026 #bilateralmeeting -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Canadian Prime Minister Mark Joseph Carney bilang bahagi ng 49th ASEAN Summit and Related Summits ngayong Sabado, Nobyembre 14.
📷: MPC Pool
#net25newsandinformation #aseansummit #bilateralrelations -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Iniutos ni Chief Justice Rodil V. Zalameda na ibaba sa half-mast ang mga watawat sa lahat ng korte sa bansa noong Biyernes, Nobyembre 13, bilang pakikiramay sa pagpanaw ni Judge Joseph Wee Sit at pagpupugay sa mga hukom na nasawi habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Si Judge Wee Sit ay presiding judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 2 sa Isabela City, Basilan. Binaril siya ng mga lalaking sakay ng motorsiklo habang nagmamaneho sa Barangay Tumaga, Zamboanga City, noong Nobyembre 12.
Samantala, nakikipagtulungan na ang Office of the Judiciary Marshals sa mga awtoridad para matukoy ang mga nasa likod ng pamamaslang. Inatasan din ni Zalameda ang mga kinauukulang opisyal ng hudikatura na magbigay ng tulong sa pamilya ng nasawing hukom.
📸: Philippine Supreme Court Public Information Office
#net25newsandinformation #supremecourt #justice #philippines -
NET25
@NET25TV
Hindi muna makalalaro nang mahigit dalawang linggo si Golden State Warriors basketball star Stephen Curry matapos magtamo ng injury sa oblique abdominal muscle.
Maagang nag-exit si Curry sa kanilang laban kontra Houston Rockets matapos makaramdam ng pananakit sa unang quarter. Agad siyang sumailalim sa MRI upang matukoy ang kaniyang injury.
Inaasahang hindi siya makalalaro sa susunod na mga laban ng Warriors kontra San Antonio Spurs, New Orleans Pelicans, Dallas Mavericks, Memphis Grizzlies, Boston Celtics, Sacramento Kings at Portland Trail Blazers.
📷: NBA
#net25newsandinformation #stephencurry #goldenstatewarriors #nba #sportsnews -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Magpapatuloy ang road reblocking at asphalt overlay sa southbound EDSA, mula Caloocan hanggang Quezon City, sa Nobyembre 13–15 bilang bahagi ng EDSA Rehabilitation Project Phase 2 ng DPWH.
Inaasahang muling bubuksan ang mga kinukumpuning bahagi pagsapit ng alas-5 ng umaga sa Nobyembre 16, bago ang 49th ASEAN Summit. Mananatiling bukas ang iba pang lane kaya pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat at gumamit ng alternatibong ruta.
📸: DPWH
#net25newsandinformation #edsa #dpwh #trafficadvisory #aseansummit2026 -
NET25
@NET25TV
Pansamantalang pinatigil ang mga flight sa buong United States dahil sa aberya sa telecommunications system na ginagamit ng mga air traffic control center.
Ayon sa mga opisyal, wala pang indikasyong may kinalaman ito sa anumang sadyang pag-atake at wala ring naiulat na panganib sa kaligtasan ng mga pasahero.
Batay sa datos ng aviation analytics firm na Cirium, nasa 481 flight na ang nakansela o hindi nakalipad sa loob ng tatlong oras mula sa kanilang scheduled departure, hanggang alas-4:40 ng hapon noong Biyernes (Eastern Time). Naging sanhi rin ito ng pagkaantala sa biyahe ng maraming pasahero sa buong bansa.
📸: Reuters
#net25newsandinformation #unitedstates #aviation #systemoutage #flightadvisory -
NET25
@NET25TV
THREE CHEERS FOR D-DAY 🎉🎉🎉
Ngayong Sabado, Nobyembre 14 ang pinakaaabangang concert ng My Chemical Romance sa Philippine Arena!
MCRMYs, check niyo na ang event schedule, site map, at entry guidelines para sa matiyak ang ligtas at masayang concert experience mamaya!
📷: Pulp Live World
#net25newsandinformation #mychemicalromance #philippinearena #phconcerts #musicnews #entertainmentnews -
NET25
@NET25TV
Tinututulan ng mga recruitment group at overseas Filipino workers (OFWs) ang panukalang $4 o katumbas ng ₱240 hanggang ₱250 na border security fee na balak ipataw ng Bureau of Immigration (BI) sa mga international traveler.
Ayon kay Loreto Soriano ng Migration and Policy Development Center, dagdag-pasanin ito sa mga OFW na umuuwi sa Pilipinas para magbakasyon o mag-renew ng kontrata.
Kinuwestiyon din niya ang pahayag ng BI na mga dayuhang employer ang sasagot sa bayarin dahil karaniwang sinasagot lamang ng mga ito ang pamasahe sa deployment, hindi ang pabalik na biyahe ng mga manggagawa.
Giit naman ng recruitment consultant na si Emmanuel Geslani, hindi dapat dagdagan ang gastusin ng mga OFW dahil may umiiral na mga batas na nagpoprotekta sa kanila laban sa mga bayaring may kaugnayan sa recruitment at trabaho.
📷: PNA
#net25newsandinformation #ofw #bureauofimmigration #bordersecurityfee #migrantworkers #philippines -
NET25
@NET25TV
EARTHQUAKE ALERT: Niyanig ng 4.2 magnitude na lindol ang Cateel, Davao Oriental kaninang 7:58 a.m., Nobyembre 14.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang instrumental intensity I sa Nabunturan, Davao de Oro.
📷: PHIVOLCS
#net25newsandinformation #lindol #davaooriental #davaodeoro -
NET25
@NET25TV
Itinalaga si Vice Admiral Alan Javier bilang bagong Flag-Officer-in-Command (FOIC) ng Philippine Navy, ayon sa Department of National Defense (DND).
Bago ang pagkakatalaga, nagsilbi si Javier bilang commander ng Western Command. Pinamunuan din niya ang Western Naval Command at naging Chief of Naval Staff.
Bilang ika-42 pinuno ng Philippine Navy, kabilang sa kaniyang mga prayoridad ang pagpapanatili ng kahandaan sa operasyon, pagsusulong ng modernisasyon, paglilinang ng kakayahan ng mga tauhan, at pagpapatibay ng pakikipagtulungan sa mga kaalyadong bansa.
Pinalitan niya si Vice Admiral Jose Ma Ambrosio Ezpeleta na nagretiro matapos ang mahigit 35 taon sa serbisyo militar.
📷: RTVM
#net25newsandinformation #philippinenavy #alanjavier #dnd #ferdinandmarcosjr #nationalsecurity -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Dumating na sa bansa si Canadian Prime Minister Mark Carney ngayong Sabado, Nobyembre 14, para sa 49th ASEAN Summit. | via Madelyn Villar-Moratillo
📷: ASEAN 2026 PH
#net25newsandinformation #asean #aseansummit #philippines #statevisit #bilateralrelations -
NET25
@NET25TV
TINATAMAD O BUSY LANG TALAGA SA LIFE? 😅
#mainfeed!
So, ano nga ba ang mga dahilan kung bakit nagiging sedentary ang lifestyle natin?
Ikaw, gaano ka ka-active sa isang araw? 🤔
Comment na and share your thoughts! 👇
youtu.be/_k3pOf5_f_0 -
NET25
@NET25TV
Ipinaliwanag ni Secretary Ernesto V. Perez, Director General ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), ang patakarang isang valid ID na lamang ang kailangan sa mga transaksyon sa mga tanggapan ng gobyerno. Tinalakay rin ang pagpapatupad nito sa mga ahensya at local government units, ang paggamit ng National ID bilang patunay ng pagkakakilanlan, at ang multang ₱500,000 sa mga lalabag sa polisiya.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/T6cIjTXTk1w -
NET25
@NET25TV
WHEN IT COMES TO HAPPINESS, LET'S TALK MATERIAL THINGS VS PEOPLE! ✨
#hearmeout!
Ikaw, saan mo mas natatagpuan ang tunay na kasiyahan? 🤔
Share your thoughts, at ang definition mo sa tunay na kasiyahan! 👇🏻
youtu.be/GphMZA4nRUo -
NET25
@NET25TV
Tinalakay ni Salvador L. Sagadal, MPA, Head ng Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi sa Komisyon sa Wikang Filipino ang kasaysayan ng pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa at ang pagkakaiba ng Tagalog at Filipino. Tampok din ang paggunita sa ika-90 anibersaryo ng KWF.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/BK9BfJrrD9g -
NET25
@NET25TV
AFFORDABLE FOOD TRIP SA BULACAN! ☕️🍽
Nagsimula ang #negosyongmalupet ni Ann kasama ang kaniyang mga pinsan, at mas lalo pang lumago ang Scoops & Brew nang katuwang na niya ang asawang si Chris. Ngayon, mayroon na silang dalawang sariling branches sa Bulacan at pangarap pang mas mapalawak ang kanilang negosyo! 💯✨
#net25 #net25entertainment #lovetonipetandeverythaaang #tonipetgaba #loveanover #scoopsandbrew #chrisandanneustaquio #negosyongpinoy #ltemasayangumagamarilao
youtu.be/9_rWp7IFjkw -
NET25
@NET25TV
BABALA SENSITIBONG BALITA
PANOORIN: Nasawi ang tatlong taong gulang na bata matapos mabangga at maipit sa ilalim ng jeepney sa Barangay Poblacion D, Rosario, Batangas, sa kuha ng CCTV.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver at nabangga ang isang tricycle at ang batang noon ay nasa bangketa kasama ang kaniyang tiyahin. Isinugod sa ospital ang mga biktima, ngunit binawian ng buhay ang bata makalipas ang isang oras.
Dahil sa insidente, sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) CALABARZON nang 90 araw ang lisensiya ng driver bilang preventive measure. Inilagay rin sa alarm ang jeepney habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. | via Martin Banaag
📹: LTO CALABARZON
#net25newsandinformation #roadaccident
#rosariobatangas #lto -
NET25
@NET25TV
Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga panuntunang nag-aatas sa delivery at logistics companies na protektahan ang kanilang riders laban sa matinding init.
Kabilang sa mga hakbang ang pagbibigay ng libreng inuming tubig, rest area na may lilim, regular na hydration breaks, personal protective equipment at first-aid assistance. Kailangan ding ipaalam sa mga rider ang kasalukuyang heat index.
Maaari ring bawasan, baguhin ang iskedyul o pansamantalang ihinto ng mga kumpanya ang delivery operations kung mapanganib na ang init para sa mga manggagawa.
📸: Reuters
#net25newsandinformation #dole #deliveryriders #heatstress #workersafety -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Nagtapos ang kilos-protesta ng mga estudyante sa kahabaan ng Kalaw-Taft Avenue, kung saan nagtipon ang mga grupo mula sa UP Manila, Technological University of the Philippines (TUP), University of the Philippines (UP), Adamson University at San Beda College.
Sa kabila ng pagtatapos ng kanilang pagkilos sa Taft, sinabi ng mga nagprotesta na magpapatuloy ang kanilang mga panawagan laban sa Pax Silica at iba pang mga isyung kanilang tinututulan.
Samantala, batay sa mga ulat, magtatayo naman ng protest camp sa Liwasang Bonifacio ang mga estudyante mula sa iba't ibang unibersidad. Plano nilang manatili roon hanggang Nobyembre 16 upang ipagpatuloy ang kanilang mga panawagan. | via Erin Fionah Santos
📷: Hannah Dominique Santos
#net25newsandinformation #kilosprotesta #paxsilica #liwasangbonifacio -
NET25
@NET25TV
BABALA SENSITIBONG BALITA
TINGNAN: Nasawi ang dalawang babae habang sugatan naman ang isa pa matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Barangay Upper Ulip, Monkayo, Davao de Oro, pasado alas-2 ng hapon nitong Huwebes, Nobyembre 12.
Ayon sa ulat ng Monkayo Municipal Police Station, nangyari ang aksidente sa isang palikong bahagi ng kalsada malapit sa Landing 14. Nawalan umano ng kontrol sa pagliko ang nagmamaneho dahilan upang mahulog ang motorsiklo sa bangin.
Agad na dinala sa pagamutan ang nakaligtas na sugatang biktima. Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. | via Haydee Jipolan
📸: Jay Penario
#net25newsandinformation #davaodeoro #monkayo #aksidente -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Bitbit ang panawagang “Lupa sa magsasaka, hindi sa Pax Silica,” nagsagawa ng kilos-protesta ang mga estudyante ng University of the Philippines Manila sa gitna ng Taft Avenue ngayong Biyernes, Nobyembre 13.
Tinututulan ng mga nagpoprotesta ang panukalang Pax Silica dahil sa pangambang maapektuhan nito ang mga lupain at kabuhayan ng mga magsasaka at katutubo. Nanawagan sila ng pagkilala sa karapatan ng mga magsasaka sa lupa.
Dahil sa kanilang pagkilos, pansamantalang nahirapang makadaan ang ilang sasakyan sa naturang intersection. | via Hannah Dominique Santos
#net25newsandinformation #upmanila #paxsilica
#kilosprotesta #magsasaka #asean2026This media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Bitbit ang panawagang “Lupa sa magsasaka, hindi sa Pax Silica,” nagsagawa ng kilos-protesta ang mga estudyante ng University of the Philippines Manila sa gitna ng Taft Avenue ngayong Biyernes, Nobyembre 13.
Nanawagan ang mga nagpoprotesta ng pagkilala sa karapatan ng mga magsasaka sa lupa. Makikita rin ang mga poster na nakadikit sa lugar habang nagpapatuloy ang kanilang pagkilos. Dahil dito, pansamantalang nahirapang makadaan ang ilang sasakyan sa naturang intersection. | via Hannah Dominique Santos
#net25newsandinformation #upmanila #paxsilica #kilosprotesta #magsasaka #taftavenue -
NET25
@NET25TV
MGA BAGONG PINUNO NG PANGUNAHING AHENSIYA NG PAMAHALAAN
TINGNAN: Nagkaroon ng pagbabago sa pamunuan ng ilang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa pangongolekta ng buwis, customs operations at investment promotion.
Itinalaga si dating BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza bilang bagong pinuno ng Bureau of Customs (BOC), habang si dating BOC Commissioner Ariel Nepomuceno naman ang bagong presidente at CEO ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Inilipat naman si dating BCDA President Joshua Bingcang bilang Director General ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA), kapalit ni Tereso Panga. Samantala, si Rolando T. Ligon Jr. ang bagong Commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR), na papalit kay Mendoza.
#net25newsandinformation #bir #boc #bcda #peza #governmentappointments -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Nagsagawa ng magkakahiwalay na kilos-protesta ang mga estudyante mula sa ilang unibersidad sa Maynila ngayong Biyernes, Nobyembre 13, upang ipahayag ang pagtutol sa planong Pax Silica.
Nagtipon ang mga estudyante ng Far Eastern University (FEU) sa tapat ng main gate ng unibersidad sa Morayta dakong alas-2:15 ng hapon at nakatakdang magmartsa patungong Mendiola. Nagsagawa rin ng campus walkout ang mga estudyante ng University of the Philippines Manila bilang bahagi ng protesta.
Nanawagan din ang mga student group sa University of Santo Tomas, De La Salle University at iba pang pamantasan na makiisa sa mga pagkilos laban sa naturang inisyatiba.|via Hannah Dominique Santos
📸: Earlo Bringas, Marlon Trinidad
#net25newsandinformation #paxsilica #kilosprotesta #manila #studentprotest -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Commission on Audit (COA) Chairperson Gamaliel A. Cordoba bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema, ayon sa Malacañang.
Papalitan ni Cordoba si Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, na nakatakdang magretiro sa Nobyembre 16. Bago ang pagkakatalaga, kabilang siya sa mga nominado ng Judicial and Bar Council para sa bakanteng posisyon. | via Madz Moratillo
#net25newsandinformation #supremecourt #gamalielcordoba #coa -
NET25
@NET25TV
MCRmy, HANDA NA BA ANG EMO HEARTS NATIN?! 🖤
Bukas, sabay-sabay nating kakantahin sa Philippine Arena ang mga kantang naging soundtrack ng buhay natin! 🎸
MY CHEMICAL ROMANCE, WE CAN’T WAIT TO SEE YOU!! 🔥🥀
#mcrmanila #mcrphilippinearena #mcrcountdown #1daytogo -
NET25
@NET25TV
Nagpahayag ng pagkadismaya ang lead vocalist ng LANY na si Paul Klein matapos tuluyang kanselahin ang kanilang sold-out concert sa Cebu dahil sa safety concerns sa venue.
Sa kaniyang Instagram story, sinabi ni Klein na papunta na siya sa venue nang matanggap ang balita tungkol sa pagbagsak ng humigit-kumulang apat na talampakang bakal na debris mula sa bubong ng arena. Nalungkot si Paul dahil maraming fans ang naglaan ng oras upang mapanood ang kanilang concert.
Binigyang-diin ni Klein na mas mahalaga ang kaligtasan ng fans at ayaw niyang may mapahamak sa kanilang concert. Nangako rin siyang babalik sila sa Pilipinas at umaasang makakasama muli ang kanilang mga fans.
Kinumpirma ng concert promoter na Live Nation Philippines ang kanselasyon at sinabing ibabalik ang bayad sa lahat ng nakabili ng ticket.
📸: Paul Klein / IG
#net25newsandinformation #lany #paulklein #lanyincebu #concertupdate -
NET25
@NET25TV
BREAKING: Naglabas ang Makati Regional Trial Court ng extradition warrant of arrest laban kay KOJC leader Apollo Quiboloy at dalawa pang indibidwal, kasunod ng petisyong inihain ng pamahalaan ng Estados Unidos.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), naglabas din ang korte ng Hold Departure Order laban sa tatlo upang hindi sila makaalis ng bansa.
Bibigyan naman sila ng 15 araw upang magsumite ng verified answer matapos matanggap ang kaukulang summons. | via Earlo Bringas
#net25newsandinformation #doj #apolloquiboloy #humantrafficking #hdo #holddepartureorder #makatirtc -
NET25
@NET25TV
Kapag tumaas ang kita ng mga magsasaka, mas malaki ang kanilang kakayahang bumili ng pangunahing pangangailangan, na nakatutulong sa pag-ikot ng pera sa lokal na ekonomiya.
#net25 #theoperator #agriculture #filipinofarmers #localproduction #economicgrowth
youtu.be/7XjAgGsap7w -
NET25
@NET25TV
Pinatunayan ng mga kaibigan ni Atty. Mans Carpio na ang malaking halaga ng credit card transaction ni Carpio ay hindi para sa personal na gastos nito.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #manscarpio #impeachment #vpsaraduterte
youtu.be/VFI1EATcHNg -
NET25
@NET25TV
Pinaigting ng Philippine National Police ang seguridad sa mga pangunahing lugar sa bansa dahil sa inaasahang pagdami ng mga bibiyahe sa long weekend kaugnay ng ASEAN Summit.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #pnp #aseansummit #longweekend #seguridad -
NET25
@NET25TV
Patay ang isang 37-anyos na lalaki matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Bacoor, Cavite. Naaresto naman ang isa sa apat na suspek sa hot pursuit operation ng pulisya sa Las Piñas City.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/t4cs5qtDIVk -
NET25
@NET25TV
Naglabas ang Makati Regional Trial Court ng extradition warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy at dalawa pang indibidwal, kabilang si Earlo Bringas.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #apolloquiboloy #extraditionwarrant #makatirtc -
NET25
@NET25TV
KAILANGAN BANG MAGBAGO MUNA BAGO MAG-START OVER? 🤔
#hearmeout!
Para sa 'yo, para sa bagong simula, ano ang mas mahalagang dapat baguhin?
Comment na! 🫵
youtu.be/4flE7j19ts8 -
NET25
@NET25TV
OIL PRICE ROLLBACK ULIT?!
Asahan ang hanggang P5 kada litro na rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, base sa apat na araw na trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS).
#net25newsandinformation #oilprice #diesel #gasoline #rollback #pricehike -
NET25
@NET25TV
Maagang nagpatupad ng price rollback ang ilang kumpanya ng liquefied petroleum gas (LPG) bago ang nakatakdang buwanang adjustment dahil sa pagbaba ng presyo nito sa international market. ₱44 ang ibinawas ng Petron Gasul at Fiesta Gas sa bawat 11-kilong tangke, habang ₱4 kada kilo naman ang rollback ng Solane.
Samantala, magpapatupad ng lingguhang bawas-presyo ang Regasco, na nagsimula sa ₱2 kada kilo. Ayon kay Regasco President Arnel Ty, pinayagan ng Department of Energy ang maagang rollback na isasama sa nakatakdang price adjustment sa Disyembre kung magpapatuloy ang pagbaba ng presyo sa pandaigdigang merkado.
📸: Reuters
#net25newsandinformation #lpgpricerollback #lpgprices #presyonglpg #lpg -
NET25
@NET25TV
Pinaiimbestigahan ng Sandiganbayan Third Division sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kung bakit pinayagang manatili sa Quezon City Jail na lampas sa visiting hours ang personal aide ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Kinuwestiyon ni Associate Justice Karl Miranda si QC Jail Supt. Maria Lourdes Pacion tungkol ang pagpayag ng BJMP na pumasok si Arvin de Guzman para bantayan ang kalagayan ni Romualdez.
Kailangan umano ng dating House Speaker ng regular na pag-monitor ng blood pressure, pag-inom ng gamot at paggamit ng CPAP machine tuwing gabi.
Tinanong din ni Miranda kung bakit hindi mga nurse ng kulungan ang nag-aalaga kay Romualdez at kung paano tinutulungan ang ibang bilanggo na may kaparehong pangangailangan.
#net25newsandinformation #sandiganbayan #martinromualdez #investigation #specialtreatment -
NET25
@NET25TV
Handa ang pamahalaan na sumailalim sa audit kaugnay ng ₱22.9 bilyong pondong inilaan sa pagho-host ng Pilipinas sa 48th at 49th ASEAN Summit and Related Summits ngayong taon.
Ayon kay Palace press officer Claire Castro, ginamit ang pondo sa pagsasaayos ng mga pangunahing venue, gaya ng Philippine International Convention Center at Coconut Palace, maging sa pagpapaganda ng mga paliparan at paghahanda para sa pamamahala ng trapiko at seguridad.
Sa kasalukuyan, may 393 pulong na may kaugnayan sa ASEAN ang natapos na, habang may 164 pang idaraos sa mga susunod na araw.
Tiniyak ni Castro na ilalahad ng pamahalaan kung saan napunta ang pondo at susuriin ng Commission on Audit (COA) ang mga gastusin.
#net25newsandinformation #asean #asean2026 #auditing #philippines #governmentfunds #nationalbudget #hosting -
NET25
@NET25TV
BASAHIN: Apektado ng nararanasang global Microsoft 365 service outage ang Philippine Judiciary 365 (PJ365) ng Korte Suprema.
Dahil dito, posibleng maantala ang pagtugon ng hukuman sa mga email at iba pang mga transaksyon.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Korte Suprema sa Microsoft para maibalik sa normal na operasyon ang lahat ng serbisyo ng PJ365.
📷: Supreme Court
#net25newsandinformation #supremecourt #microsoftoutage #serviceoutage -
NET25
@NET25TV
Pinag-aaralan ng Korte Suprema ang pagpatay kay Basilan Regional Trial Court Branch 2 Presiding Judge Joseph Wee Sit, na binaril sa Tumaga-Putik Road, Barangay Tumaga, Zamboanga City nitong Huwebes, Nobyembre 12.
Ayon sa Korte Suprema, nakikipag-ugnayan ito sa mga law enforcement agency upang matukoy ang mga responsable sa krimen.
Inatasan naman ni Chief Justice Rodil Zalameda ang Office of the Court Administrator na makipag-ugnayan sa pamilya ni Sit at magbigay ng pinansiyal na tulong. Binigyang-diin din ng Korte Suprema ang kahalagahan ng kaligtasan at kalayaan ng mga hukom sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
#net25newsandinformation #supremecourt #judgejosephsit #zamboangacity #justice -
NET25
@NET25TV
Magsasagawa ng bilateral meeting sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Maynila sa susunod na linggo, ayon kay Department of Foreign Affairs-ASEAN Office Executive Director Dominic Imperial.
Inaasahan umanong darating si Trump sa Pilipinas sa Nobyembre 17. Dadalo rin ang US President sa ASEAN-US Special Summit kasama ang mga lider ng Southeast Asia upang talakayin ang mahahalagang usaping panrehiyon.
Bukod kay Trump, inaasahan din ang bilateral meeting ni Marcos sa mga lider ng Australia, Brazil, Japan, at South Korea. Hindi pa inilalabas ng DFA ang opisyal na agenda ng pagpupulong ni Marcos at Trump.
📷: PCO
#net25newsandinformation #asean2026 #marcos #donaldtrump #philippinesusrelations #diplomacy -
NET25
@NET25TV
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dadalo si US President Donald Trump sa ASEAN-US Special Summit sa Nobyembre 17 na bahagi ng tatlong araw na pagpupulong ng mga lider ng ASEAN at kanilang mga dialogue partners sa Pilipinas.
Gaganapin ang 49th ASEAN Summit mula Nobyembre 16 hanggang 18 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City. Tatalakayin ang mga usaping panrehiyon at pandaigdig, kabilang ang sitwasyon sa Myanmar.
Makikibahagi rin sa mga pagpupulong ang mga lider mula sa iba't ibang bansa, kabilang ang China, Japan, South Korea, India, Australia, New Zealand at Russia. Kabilang sa mga pangunahing aktibidad sa Nobyembre 17 ang 29th ASEAN Plus Three Summit at 21st East Asia Summit.
Magtatapos ang pagtitipon sa pormal na paglilipat ng ASEAN chairmanship sa Singapore, bago ang ASEAN-US Special Summit na dadaluhan ni Trump.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #asean2026 #donaldtrump #ferdinandmarcosjr #philippines #aseanussummit -
NET25
@NET25TV
Maaaring isama ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pahayag ng ASEAN Chair ang update sa negosasyon para sa Code of Conduct (COC) sa South China Sea sakaling hindi matapos ang pag-uusap sa loob ng nakatakdang panahon, ayon sa mga diplomatikong sangay ng ASEAN.
Maaari ring maglabas ng hiwalay na pahayag ang ASEAN, depende sa pagkakasunduan ng mga partido. Inaasahang ilalabas ang ASEAN Chair’s Statement sa huling araw ng summit.
Nauna nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Theresa Lazaro na target ng ASEAN na matapos ang negosasyon sa isang epektibo at makabuluhang COC sa ilalim ng pamumuno ng Pilipinas.
Halos 17 taon nang isinasagawa ang negosasyon para sa kasunduang naglalayong magtakda ng mga tuntunin sa mapayapang pagresolba ng mga sigalot sa South China Sea.
📷: PCO
#net25newsandinformation #asean #southchinasea #codeofconduct #coc #philippines #diplomacy -
NET25
@NET25TV
Kinansela ng Senate impeachment court ang nakatakdang paglilitis ngayong Biyernes, Nobyembre 13, matapos hilingin ng kampo ni Vice President Sara Duterte na alisin ang nasabing trial date dahil wala na silang nakatakdang testigo na ihaharap.
Pinayagan naman ito ni Presiding Officer Sen. Francis “Chiz” Escudero, na nagsabing ibabawas ang naturang araw sa inilaan na trial dates ng depensa.
Ayon kay Sison, nasa walo hanggang sampung testigo pa ang natitira sa kanilang panig. Kabilang sa mga hindi na ihaharap ang Quezon City prosecutor na si Vimar Barcellano, matapos pumayag ang prosecution na kilalanin ang pagiging tunay ng mga kaugnay na pampublikong dokumento.
Nauna na ring hindi na itinuloy ang testimonya ng isang opisyal ng BPI at 15 pang opisyal ng mga bangko.
Itinakda naman sa Nobyembre 19 ang susunod na paglilitis. Patuloy na tinatalakay ng impeachment court ang Article II na may kaugnayan sa umano’y unexplained wealth ni VP Sara.
📷: PNA
#net25newsandinformation #vpontrial #saraduterte #senateimpeachmentcourt #impeachmenttrial -
NET25
@NET25TV
Kinumpirma ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Charlito Martin R. Mendoza na tinanggap niya ang pagkakatalaga sa kaniyan bilang bagong Bureau of Customs (BOC) chief.
Sa pahayag nitong Huwebes, Nobyembre 12, kinumpirma rin ni Mendoza na si Rolando T. Ligon Jr. ang papalit sa kaniya bilang BIR Commissioner.
#net25newsandinformation #bir #boc #charlitomartinmendoza #rolandoligonjr #arielnepomuceno -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: As of 2:00 a.m. ngayong Biyernes, Nobyembre 13, walang namomonitor na Low Pressure Area (LPA) ang PAGASA na posibleng maging bagyo.
📷: PAGASA
#net25newsandinformation #pagasa #weatherupdate #lpa #bagyo #philippinesweather -
NET25
@NET25TV
PINOY PRIDE! 🇵🇭🏃🏽♂️
Nasungkit ni Pi Durden Forward Wangkay ang bronze medal sa men’s 200-meter final ng Youth Olympic Games sa Dakar, Senegal, matapos magtala ng personal best na 21.36 segundo.
Nakuha ni Ropafadzo Mzondo ng Zimbabwe ang gold medal sa 21.04 segundo, habang silver medal naman ang napunta kay Deuquan Farrell ng Guyana na nagtala rin ng 21.36 segundo. Nanaig si Farrell sa photo finish sa lamang na 0.004 segundo.
Ito ang ikalawang medalya ng Pilipinas sa kasalukuyang YOG, kasunod ng silver medal ni Naomi Marjorie Cesar sa women’s 800-meter final.
📷: POC MEDIA
#net25newsandinformation #youtholympicgames #pidurdenwangkay #teamphilippines #philippinesports -
NET25
@NET25TV
Uupo si Department of Finance (DOF) Undersecretary Rolando T. Ligon Jr. bilang bagong Commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kapalit ni Charlito Martin R. Mendoza na tinanggap ang pagkakatalaga bilang susunod na Bureau of Customs (BOC) chief.
Kasalukuyang pinamumunuan ni Ligon ang Revenue Operations Group ng DOF (ano itong DOF?) na nangangasiwa sa BIR at BOC. Isang tax lawyer at Certified Public Accountant (CPA) si Ligon na humawak na rin ng iba't ibang posisyon sa pamahalaan.
Nagtapos siya ng Juris Doctor sa Ateneo de Manila University, nag-aral ng international business, trade, and tax law sa Harvard Law School, at nagtapos ng accounting degree sa De La Salle University.
#net25newsandinformation #bir #rolandoligonjr #dof #bureauofcustoms -
NET25
@NET25TV
Lima ang nasawi at 17 ang sugatan matapos gumuho ang isang gusali sa Brooklyn, New York City.
#net25newsandinformation #brooklyn #newyorkcity #buildingcollapse
youtu.be/jUylvcGhF4A -
NET25
@NET25TV
Pormal nang naghain ng resignation si Indonesia Vice President Gibran Rakabuming sa People’s Consultative Assembly kasunod ng kontrobersiya sa kaniyang educational qualifications. #net25newsandinformation #indonesia #gibranrakabuming #resignation
youtu.be/PV5jSpw0MRM -
NET25
@NET25TV
Naghatid ang OVP ng mahigit 2,600 relief bags at 2,600 food bags sa mga residenteng apektado ng El Niño at iba pang kalamidad sa Puerto Galera, Oriental Mindoro. #net25newsandinformation #matangagilaprimetime #ovp #orientalmindoro #puertogalera #reliefoperations #elnino
-
NET25
@NET25TV
Tampok ang dating kasambahay na nagtayo ng sariling beauty business, kasama ang mga negosyanteng nagsusulong ng simple at praktikal na skincare.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #skincarebusiness #beautyentrepreneur #entrepreneurship #successstory -
NET25
@NET25TV
Umapela si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pasensya sa publiko dahil sa flight disruptions, matinding trapiko at pansamantalang paghinto ng operasyon ng ilang vendor dahil sa ASEAN Summit.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #aseansummit2026 #ferdinandmarcosjr #malacanang #trafficadvisory
youtu.be/CK1nX2OTv6I -
NET25
@NET25TV
ISYU PO BA ANG PAGPUNTA SA CHINA?
PANOORIN: Tinanong ni Senador Robin Padilla ang prosekusyon kung bakit isyu sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang pagpunta sa China ng ilang testigo ng depensa.
Ayon kay Padilla, maging siya ay nagpupunta rin sa naturang bansa at kadalasan ay hindi na niya matandaan o matukoy kung saan siya nagpunta roon. Kaya aniya, hindi dapat maging problema kung bumisita rin sa China ang mga testigo sa impeachment trial.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/K8zkZv-GKsw
#net25newsandinformation #senate #impeachment #indaysaraduterte #vpsara #chinaThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Humarap si Chadrin Parian bilang testigo ng defense team sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Huwebes, Nobyembre 12.
Magbibigay siya ng testimonya tungkol sa pagbili ni Atty. Manases Carpio ng Nike shoes na nagkakahalaga ng ₱256,882.50.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/K8zkZv-GKsw
#net25newsandinformation #senate #impeachment #indaysaraduterte #unexplainedwealth -
NET25
@NET25TV
SASAKYAN, NAHULOG SA BANGIN
PANOORIN: Nahulog sa bangin ang isang sasakyan matapos umanong masilaw sa headlights ng kasalubong na tricycle ang driver nito sa Barangay Boston, San Miguel, Catanduanes, nitong Miyerkules, Nobyembre 11. | via Melody C. Romero
📹: Leo Tejada Bernal
#net25newsandinformation #catanduanes #sanmiguel #roadaccident #vehicularaccidentThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Humingi ng paumanhin ang BINI member na si Mikha Lim matapos masuspinde nang 90 days ang kaniyang driver's license dahil sa umano'y paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
Sa pahayag niya sa kanyang social media account, inamin ni Mikha na walang dahilan upang bigyang-katwiran ang kaniyang ginawa at tinanggap ang responsibilidad sa paglabag. Tinawag din niya itong isang learning experience at nangakong magiging mas maingat at responsable sa pagmamaneho.
Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order laban sa singer at inatasan siyang magsumite ng sinumpaang paliwanag hanggang Nobyembre 20, 2026. Kabilang sa mga posibleng paglabag na iniimbestigahan ang Anti-Distracted Driving Act at reckless driving.
📸: Mikha Lim
#net25newsandinformation #binimikha #mikhalim #lto #roadsafety -
NET25
@NET25TV
Another milestone for Olivia Dean! Kinilala ang Grammy-winning singer bilang Apple Music Artist of the Year for 2026.
Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat si Olivia sa kaniyang fans at ibinahagi na naging espesyal ang taon na ito para sa kaniya.
Kilala siya sa mga kantang “Man I Need,” “So Easy (To Fall in Love)” at “The Hardest Part.” Nakatakda rin siyang magtanghal sa Enero 14 sa Philippine Arena.
📸: Olivia Dean / IG
#net25newsandinformation #oliviadean #applemusic -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Umabot sa tinatayang ₱4.509 bilyon ang mga transaksiyon sa bangko na iniugnay kay dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez mula Hunyo 2022 hanggang Setyembre 2025, ayon sa isang financial investigator ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pagdinig sa Sandiganbayan.
Ayon kay Atty. Jan Mark Busa, Bank Officer IV ng AMLC, ito ang ikalawang pinakamataas na antas ng transaksiyon sa anim na panahong sinuri ng konseho. Sinabi rin niyang kapansin-pansing bumaba ang aktibidad matapos bumaba si Romualdez sa puwesto bilang Speaker.
#net25newsandinformation #amlc #martinromualdez #sandiganbayan -
NET25
@NET25TV
NUMBER CODING SA MAKATI, SUSPENDIDO SA NOBYEMBRE 16-18
TINGNAN: Suspendido ang number coding scheme sa Makati City mula Nobyembre 16 hanggang 18, 2026, kaugnay ng pagsasagawa ng lungsod sa 49th ASEAN Summit.
Pinapayuhan ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe at patuloy na sumunod sa mga batas-trapiko para maiwasan ang abala sa kalsada.
📸: My Makati / FB
#net25newsandinformation #makaticity #numbercoding #aseansummit -
NET25
@NET25TV
Umabot na sa 210.13 meters ang water level ng Angat Dam nitong Huwebes, Nobyembre 12, ang pinakamataas na naitala nito ngayong taon, ayon sa PAGASA. Mas mataas ito ng 0.35 meter kumpara sa 209.78 meters noong Miyerkules, Nobyembre 11.
Gayunman, nagbabala ang PAGASA na posibleng magdala ng mas kaunting ulan ang umiiral na very strong El Niño hanggang sa unang kalahati ng 2027. Dahil dito, patuloy na mino-monitor ng mga water concessionaire ang suplay at naghahanda ng mga hakbang upang mapanatili ang serbisyo sa mga susunod na buwan.
Paalala rin sa publiko na magtipid sa tubig, ayusin ang mga tumutulong gripo at iwasang mag-aksaya nito kahit sapat pa ang suplay sa ngayon.
#net25newsandinformation #angatdam #pagasa #elniño #watersupply -
NET25
@NET25TV
PH MCRMYs, READY TO SCREAM YOUR HEART OUT?! 🤘🖤
Two days na lang bago mag-ingay ang mga emo hearts! Get ready to sing your lungs out, scream every lyric, and rock out with My Chemical Romance!
MCRMYs, ano'ng kanta ang siguradong isisigaw ninyo sa top of your lungs kapag nagsimula nang tumugtog ang MCR? DROP YOUR ANTHEM BELOW! 🎸🔥
Philippine Arena, LET’S MAKE THIS ONE FOR THE BOOKS! 🖤
#net25newsandinformation #mychemicalromance #mcrmanila #mcrphilippinearena #mcrcountdown -
NET25
@NET25TV
Tinalakay ni Atty. Salvador “Paolo” Panelo ang naging testimonya ni Atty. Suzette Balucanag-Punay sa impeachment hearing, kung saan kinumpirma nito ang pagtanggap ni VP Sara ng ₱2.14-milyong return of capital mula sa GenCorp. Ipinaliwanag din ni Panelo ang panig ng depensa kaugnay ng financial interest ng Bise Presidente sa kumpanya at ang usapin ng aktibong pakikilahok sa pagpapatakbo nito.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/1Nw1zrGC_Sk -
NET25
@NET25TV
Tinalakay ni Von Hernandez, Vice President ng Oceana, ang epekto ng matinding init at pag-init ng tubig-dagat sa kalusugan, huli, at kabuhayan ng mga mangingisda. Kabilang din sa mga usapin ang posibleng paglipat ng mga isda sa ibang lugar at ang pangangailangan ng pangmatagalang tulong at alternatibong kabuhayan para sa mga mangingisda.
| Ano Sa Palagay N’yo? #net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/Gy1fArgQZdI -
NET25
@NET25TV
Gaganapin ang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump sa sidelines ng ASEAN Summit sa susunod na linggo.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #ferdinandmarcosjr #donaldtrump #aseansummit2026
youtu.be/18Xo7fUXMXA -
NET25
@NET25TV
Uutang ang Pilipinas ng $250 milyon sa World Bank upang palakasin ang employability ng mga skilled Filipino workers. Ayon sa Department of Finance, inendorso na nito sa World Bank ang loan financing ng bansa. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/JX-8Lq1hi3M -
NET25
@NET25TV
Batay sa datos ng regional offices ng Department of Agriculture, umabot na sa ₱9.99 bilyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa matagal na tagtuyot.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #elnino #agriculture #da
youtu.be/6flziNFoc88 -
NET25
@NET25TV
Nasagip ng dalawang rider ng motorsiklo ang isang sanggol matapos makitang gumagapang sa gitna ng kalsada bandang 11:00 ng gabi sa West Avenue, Quezon City.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/pT1-cQp9p4g -
NET25
@NET25TV
ACTIVE INCOME MUNA BAGO PASSIVE INCOME? ALAMIN KUNG BAKIT! ✨
#hearmeout!
Bakit mahalagang maintindihan muna ang active income bago tuklasin ang passive income? 💸
At paano makakatulong ang financial knowledge sa mas maayos na pag-manage ng pera? 🤔
I-comment mo na ang mga nalalaman mo! 🫵
youtu.be/eiwicIsBabM -
NET25
@NET25TV
ON-CALL HELPER NI ROMUALDEZ
TINGNAN: Ipinakita ng Sandiganbayan Third Division ang mga kuha ng CCTV sa New Quezon City Jail-Male Dormitory, kung saan makikita si Arvin de Guzman na umano’y on-call helper ni dating House Speaker Martin Romualdez na pinapapasok ng BJMP para mag-assist sa kongresista.
Ipinatawag ng anti-graft court ang mga opisyal ng BJMP upang sagutin ang obserbasyon ng korte sa mahigit 200 CCTV camera sa pasilidad na hindi gumagana. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #martinromualdez #cctv #bjmp #sandiganbayan -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Tinanong ni Sen. Pia Cayetano ang prosekusyon kung kailangan bang isantabi ng isang magulang ang pagtulong sa anak dahil lamang isa siyang public official.
Ayon kay Cayetano, hindi dapat agad ituring na living beyond their means o maluho ang isang opisyal dahil sa pagbili ng mga gamit para sa anak na atleta, lalo na't kailangan ng mga atleta ang suporta ng kanilang mga magulang.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/K8zkZv-GKsw
#net25newsandinformation #senate #impeachment #indaysaraduterte #vpsaraThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Binatikos ni Sen. Pia Cayetano ang uri at paraan ng pagtatanong ng prosekusyon sa witness na si Chadrin Parian at sa usaping pagsuporta ng mga magulang at public official sa mga atletang Pinoy na sumasabak sa mga kompetisyon.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/K8zkZv-GKsw
#net25newsandinformation #senate #impeachment #indaysaraduterte #vpsaraThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
IMPEACHMENT TRIAL, ITUTULOY SA NOBYEMBRE 19
JUST IN: Adjourned na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Huwebes, Nobyembre 12. Itutuloy ang pagdinig sa susunod na Huwebes, Nobyembre 19, alas-10:00 ng umaga.
#net25newsandinformation #vpsarasaraduterte #impeachmenttrial #senate -
NET25
@NET25TV
VILLAR, NILINAW NA HINDI KATUMBAS NG SALES ANG NET INCOME
PANOORIN: Tinalakay ni Sen. Camille Villar ang paglago ng sales ng GenCorp Industries Inc. sa pagdinig ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte noong Nobyembre 11.
Sa pagtatanong kay Atty. Suzette Balucanag-Punay, corporate counsel ng GenCorp, nilinaw ni Villar ang pagkakaiba ng kabuuang benta at net income ng kumpanya. Sinang-ayunan naman ng testigo na hindi nangangahulugang mataas ang net income kahit umabot sa daan-daang milyon ang sales ng isang negosyo.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/K8zkZv-GKsw
#net25newsandinformation #impeachmenttrial #senate #camillevillar #saraduterteThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
‘HINDI PO AKO MAGSISINUNGALING’
NEWS UPDATE: Tiniyak ni Atty. Anel Martin Antero sa impeachment court na hindi siya magsisinungaling para kina Atty. Manases Carpio at Vice President Sara Duterte.
Sa pagtatanong ni Atty. Lindon Bacquel ngayong Huwebes, Nobyembre 12 sa impeachment trial, sinabi ni Antero na nanumpa siya bilang testigo at abogado kaya hindi siya magsisinungaling para kay Carpio o Duterte.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/K8zkZv-GKsw
#net25newsandinformation #senate #impeachment #indaysaraduterte #vpsara #chinaThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
BEAUTY, CONFIDENCE, AT PANGARAP NA WALANG HADLANG! ✨ Hindi naging hadlang ang alopecia kay Halle Berry Gomez para abutin ang kaniyang pangarap na maging runway model. Sa kabila ng mga pagsubok at cyberbullying, natutunan niyang yakapin ang sarili at ipagpatuloy ang kaniyang passion sa modelling! 💖
#net25 #net25entertainment #lovetonipetandeverythaaang #tonipetgaba #loveanover #halleberrygomez #alopeciaawareness #runwaymodel #selflove #ltecreativekabarangays
youtu.be/Y1ixAqcrj9U -
NET25
@NET25TV
3D FLOWERS, SIGNATURE ART NI JANINA! 🎨🇵🇭 Ibinahagi ni Janina Marie Torres kung paano niya nadiskubre ang 3D painting at nagkaroon ng sariling artistic style. Mula sa embossed flowers, tumatanggap na rin siya ng customized designs na nagbibigay-buhay sa bawat obra! ✨
-
NET25
@NET25TV
Inaresto ng British authorities ang isang senior US Army member na pinaghihinalaang nagbigay ng sensitibong impormasyon sa Russian Intelligence Service.
#net25newsandinformation #usarmy #unitedkingdom #russia #espionage
youtu.be/YoVUsZPaXyY -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Hindi na ipatatawg ng depensa bilang testigo si Atty. Paul Roderick Ysmael, Senior Vice President ng BPI, ayon kay Atty. Michael Poa.
Sinabi ni Atty. Poa, hindi na nila kailangan ang testimonya ni Ysmael dahil ang gagawin lamang nito ay kumpirmahin ang liham ni Poa. Layunin umano nitong makatipid sa oras ng pagdinig.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/K8zkZv-GKsw
#net25newsandinformation #senate #impeachment #indaysaraduterte #vpsara -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: NEWS UPDATE: Tinanong ni Senador Robin Padilla si Atty. Michael Poa tungkol sa isang ari-arian sa Island Garden City of Samal na umano'y hindi isinama sa deklarasyon sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Poa, Barangay Matanos at hindi Barangay San Isidro ang nakasaad na address sa mother title ng lupa.
Ito rin umano ang lugar na inilagay ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang SALN.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/K8zkZv-GKsw
#net25newsandinformation #senate #impeachment #indaysaraduterte #vpsara -
NET25
@NET25TV
DAY 43
Humarap si Atty. Anel Martin S. Antero, ang ikalimang witness ng defense team sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Huwebes, Nobyembre 12.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/K8zkZv-GKsw
#net25newsandinformation #senate #impeachment #indaysaraduterte -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang isang hukom ng Regional Trial Court (RTC) Branch 2 sa Isabela City, Basilan matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagmamaneho ng kaniyang SUV sa Tumaga-Putik Road, Brgy. Tumaga, Zamboanga City, bandang 5:25 a.m. nitong Huwebes, Nobyembre 12.
Batay sa paunang imbestigasyon, papunta sana sa pantalan si Judge Joseph Wee Sit upang bumiyahe patungong Basilan nang dikitan ng dalawang suspek ang kaniyang sasakyan at pitong beses na paputukan.
Anim na tama ng bala umano ang tinamo ng hukom. Idineklarang patay si Wee Sit habang ginagamot sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga salarin at ang motibo sa ipamamaril. | via Ely Dumaboc
#net25newsandinformation #rtc #judge #crimenews #policenews #zamboangacity -
NET25
@NET25TV
Pupunta sa Pilipinas si Chinese Premier Li Qiang upang dumalo sa ASEAN Summit, kasama ang iba pang mga lider ng bansa, kabilang si US President Donald Trump.
Ayon sa Chinese Foreign Ministry, layunin ng pagdalo ni Li na palakasin ang ugnayan at pagtutulungan ng China at mga bansang kasapi ng ASEAN sa larangan ng teknolohiya, enerhiya at ekonomiya.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #asean #philippines #china #bilateralrelations -
NET25
@NET25TV
Kinumpirma ng National Privacy Commission (NPC) na nakatanggap ito ng ulat ng data breach mula sa sampung ahensya ng pamahalaan.
Kabilang dito ang Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Labor and Employment (DOLE), Bureau of Internal Revenue (BIR), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Department of Justice (DOJ)Securities and Exchange Commission (SEC), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS), Presidential Commission on Good Government (PCGG) at Philippine Coast Guard (PCG).
Sinimulan na ng NPC ang imbestigasyon sa paghack ng personal na datos at tiniyak na susuriin ang epekto nito sa mga apektadong indibidwal.
#net25newsandinformation #npc #databreach #dataleak #governmentagencies #pagcor #dti #doj #dole #phivolcs #pcg #pcgg #bir -
NET25
@NET25TV
HONOR GUARD, NAHIMATAY HABANG SINASALUBONG ANG SLOVAK PRESIDENT
PANOORIN: Nawalan ng malay ang isang miyembro ng honor guard noong Miyerkules, Nobyembre 11, habang dumarating si Slovak President Peter Pellegrini sa Elysee Palace sa Paris, France.
Agad itong nilapitan ng mga staff at ni French President Emmanuel Macron bago buhatin at ilayo sa lugar.
Ayon sa lokal na media, hindi pa batid ang kalagayan ng guwardiya at ang dahilan ng bigla nitong pagbagsak.
📹: Reuters
#net25newsandinformation #paris #france #elyseepalace #honorguard #slovakpresidentThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Ipinakita ng Iran ang bagong missile base ng Islamic Revolutionary Guard Corps o IRGC.
#net25newsandinformation #iran #irgc #missilebase
youtu.be/UDva2GgNmUs -
NET25
@NET25TV
Pangunahing venue ang PICC ng 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Nobyembre 15 hanggang 17, kaya mahigpit ang seguridad sa buong CCP Complex. #net25newsandinformation #matangagilaprimetime #aseansummit2026 #picc #ccpcomplex
youtu.be/i5kDUVfRGgY -
NET25
@NET25TV
Sa ika-42 araw ng impeachment trial, itinanggi ng witness ang shareholdings o ownership interest ni Vice President Sara Duterte sa Gencorp at Metro City Chow Foods Corporation, na may operasyon sa Davao City.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #impeachmenttrial #saraduterte #gencorp #metrocitychowfoods
youtu.be/Ge9XDTAz1t8 -
NET25
@NET25TV
Ayon kay Oil Industry Management Bureau Director Atty. Rino Abad, posibleng bumaba muli nang malaki ang presyo ng petrolyo kasunod ng paghina ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. #net25newsandinformation #matangagilaprimetime #oilpricerollback #fuelprices #doe
-
NET25
@NET25TV
Sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, mataas ang trust at performance ratings ni VP Sara Duterte. Isinagawa ang face-to-face survey sa 1,200 adults mula 8 Setyembre hanggang 4 Oktubre.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #octaresearch #tugonngmasa #pbbm #saraduterte
youtu.be/mC9IE3MoC3M -
NET25
@NET25TV
Nakaligtas ang isang driver matapos mahulog sa ilog ang kaniyang sasakyan, gamit ang escape trick na napanood niya sa anime na “Detective Conan.” #net25newsandinformation #detectiveconan #japan #anime #rescue
youtu.be/4C-y2BIaeEs -
NET25
@NET25TV
Isang malaking ginhawa sa mga residente ng Sitio Minoro, Barangay Bula, Mambusao, Capiz matapos magkaloob ang Iglesia ni Cristo sa pakikipagtulungan ng Felix Y. Manalo Foundation Inc. ng kauna-unahang water system sa kanilang komunidad.
Bago pa man ang banta ng Super El Niño, matagal nang pinapasan ng mga residente ang pag-akyat sa bundok at pagpila ng madaling araw para lamang makakuha ng malinis na tubig, kaya naman bukod sa bagong pasilidad ng patubig, nag-abot din ang programa ng mga care packages at mga balde upang tuluyang maibsan ang kanilang pang-araw-araw na paghihirap.
#worldwidelingapsamamamayan #specialcoverage #careforhumanity #fymfoundation
youtu.be/-Z4RjxbFkT0 -
NET25
@NET25TV
Saksi ang iba't ibang liblib na komunidad sa Africa, kabilang ang Liberia, Uganda, at Malawi, sa tuloy-tuloy na pagpapalawak ng programang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo sa pakikipagtulungan ng Felix Y. Manalo Foundation Inc., sa pamamagitan ng pagkakabit ng mga water pump upang matiyak ang sapat at ligtas na inuming tubig sa kabila ng matinding banta ng tagtuyot dulot ng Super El Niño at upang maibsan ang hirap ng paglalakad ng malalayong distansya.
#worldwidelingapsamamamayan #specialcoverage #careforhumanity #fymfoundation
youtu.be/oFk2GLi7zCs -
NET25
@NET25TV
INSPIRATIONAL BOTTLED LONGGANISA STORY! 🌭❤️
Sa kabila ng sunod-sunod na pagsubok sa buhay at negosyo, hindi sumuko si JB Delim. Nagsimula sa ₱1,000 na puhunan at kaniyang hilig sa pagluluto, ang JK’s Cabanatuan Longganisa ay unti-unting nakabangon at patok na rin online!
Kilalanin ang kuwento ng kaniyang pagpupursige, pagbangon, at patuloy na pagsisikap sa pagnenegosyo! ✨
youtu.be/an3PXGv1uxA -
NET25
@NET25TV
SWEET TOOTH ALERT! ✨ #girlcode!
Basta may ube at white chocolate lang ang mayroon ka diyan, makakagawa ka na ng creamy dessert! 💜🍫 Dessert lover ka ba? If yes, sabayan mo na kami sa paggawa nito! 😋
youtu.be/-mLsQi0C47k -
NET25
@NET25TV
PAUSE MUNA, BESTIE! ✋🏻 #hearmeout!
Mag-isip isip ka muna bago magdesisyon o kumilos! Sa mundong laging nagmamadali, minsan nakakalimutan nating hindi lahat kailangang madaliin. Isang impulsive decision, puwedeng may malaking epekto! Kaya bago mag-react, magdesisyon, o gumawa ng hakbang, pause muna. Think before you act! 🧠💭
youtu.be/G-F-g0-wBDY -
NET25
@NET25TV
UNDERSTANDING WOMEN 101! 💭 #mainfeed!
Complictad ba talaga ang girls o baka 'di lang talaga sila naiintindihan? 😭 Minsan, isang tanong lang pero ang daming ibig sabihin! Paano nga ba basahin ang kanilang signals, intindihin ang kanilang emotions, at alamin kung ano talaga ang nasa isip nila? Ikaw, kaya mo bang i-decode ang nararamdaman ng mga babae? 👇🏻😂
youtu.be/CAd-8FydOKg -
NET25
@NET25TV
Ayon sa WMO, magpapatuloy ang mataas na temperatura hanggang Disyembre. Naitala ang 1.47°C na global average temperature mula Enero hanggang Setyembre, kaya posibleng mapasama ang 2026 sa apat na pinakamaiinit na taon. #net25newsandinformation #saganangmamamayan #wmo #globaltemperature #climatechange
youtu.be/KtsxRw_0O7Q -
NET25
@NET25TV
Hinimok ng DOE ang publiko na i-report ang mga gasolinahang hindi nagpapatupad ng price rollback. Nagsasagawa rin ito ng biglaang inspeksyon at nagbabala ng parusa sa mga lalabag.
#net25newsandinformation #saganangmamamayan #doe #pricerollback #fuelprices
youtu.be/DlVHbxUM2_0 -
NET25
@NET25TV
Upang wakasan ang pang-araw-araw na panganib at pangamba ng mga mag-aaral at residente sa pagtawid sa mga sirang kahoy na tulay tuwing umuulan, nagpatayo ang Iglesia Ni Cristo sa pakikipagtulungan ng Felix Y. Manalo Foundation Inc. ng isang bagong footbridge sa Kasokoso, Uganda. Sa pamamagitan ng pangmatagalang proyektong ito, hindi lamang mas pinaligtas ang daanan patungo sa eskwelahan at pamilihan, kundi binigyan din ng maaasahan at matatag na pundasyon ng pag-asa ang buong komunidad.
#worldwidelingapsamamamayan #specialcoverage #careforhumanity #fymfoundation
www.youtube.com/watch?v=jY9bR4NVbkA -
NET25
@NET25TV
Ibinunyag ni Navotas City District Representative Toby Tiangco na may P27.47 bilyong halaga ng allocation na nakapangalan kay dating House Speaker Martin Romualdez.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #martinromualdez
youtu.be/hEuMHS60cZo -
NET25
@NET25TV
Tinalakay ni Dir. Rino Abad, Oil Industry Management Bureau Director ng Department of Energy, ang mga dahilan ng hindi pagsunod ng ilang oil company sa inianunsyong rollback sa presyo ng produktong petrolyo. Kabilang din sa mga usapin ang batayan sa pagkukuwenta ng presyo, patuloy na inspeksyon sa mga gasolinahan, at kalagayan ng suplay ng langis sa bansa.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/Wv9V-_k1QH4 -
NET25
@NET25TV
Ayon sa DEPDev, inaasahang makatutulong ang paghahanda ng pamahalaan upang maiwasan ang malaking epekto ng Super El Niño sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #depdev #superelnino #presyongbilihin
youtu.be/iP7K_-nlGPA -
NET25
@NET25TV
WIN UP TO ₱50,000 WITH PAG-IBIG MPL!
Pag-IBIG Fund launches two raffle promos offering 540 cash prizes for qualified Multi-Purpose Loan borrowers and employer representatives.
The raffle draws are set for December 14, 2026, and February 14, 2027.
For the complete raffle mechanics and announcements, visit the Pag-IBIG Fund website or official Facebook page.
net25.com/news/pagibig-mpl-raffle-promos-cash-prizes-2026 -
NET25
@NET25TV
Hinimok ng PNP ang mga motorista na makipagtulungan sa mga awtoridad at sumunod sa mga patakaran sa trapiko kaugnay ng ASEAN Summit.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #pnp #trafficregulations #aseansummit2026
youtu.be/JeYA8zVPLl8 -
NET25
@NET25TV
Isasagawa ang isang araw na tigil-pasada bilang protesta sa pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas. #net25newsandinformation #matangagilasatanghali #piston #transportstrike #donaldtrump
youtu.be/jNXgJ5ih3eg -
NET25
@NET25TV
Tinalakay ni Atty. Romulo “Romy” Macalintal, election lawyer, ang umano’y paglabag sa karapatan ng mga botante dahil sa pagpapaliban ng barangay at SK elections. Binanggit din ang pangamba na maaaring maging precedent ang desisyon ng Korte Suprema sa pagpapaliban ng halalan.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/_A4EJRSJ8OY -
NET25
@NET25TV
Tinalakay ni Atty. Romulo “Romy” Macalintal, election lawyer, ang umano’y paglabag sa karapatan ng mga botante dahil sa pagpapaliban ng barangay at SK elections. Binanggit din ang pangamba na maaaring maging precedent ang desisyon ng Korte Suprema sa pagpapaliban ng halalan.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/_A4EJRSJ8OY -
NET25
@NET25TV
PATOK NA CAR WASH AT CAFÉ SA BRGY. SUN VALLEY, KUMUSTAHIN NATIN! 🚗☕️
Pinagsama ni Melai Navarro ang car wash at café sa isang #negosyongmalupet na hindi lang kumikita, kundi nagbibigay rin ng oportunidad sa iba! Mas nakakabilib, may libreng matutuluyan pa ang kanilang mga empleyado at trabaho para sa mga working students. Kilalanin ang negosyanteng may malasakit sa kaniyang mga tauhan at alamin ang kuwento sa likod ng kaniyang negosyo! 💡✨
youtu.be/6mxnYRujE48 -
NET25
@NET25TV
Magbubukas ang mga shopping mall sa Metro Manila mula 11 a.m. hanggang 11 p.m. simula November 16 hanggang December 25. Layunin ng adjusted mall hours na makatulong sa pagpapagaan ng daloy ng trapiko sa Metro Manila habang papalapit ang holiday season. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/8rkFG2WM7B8 -
NET25
@NET25TV
SOAPER NANAYS, SUMABAK SA LABAHAN! 🧺🥊
May pasabog na entrance at matinding kuskusang magaganap sa ating #labarangay challenge! Kilalanin ang dalawang palaban na nanay ng Brgy. Sun Valley na maghaharap sa isang labanang labahan!
Sino kaya ang mag-uuwi ng titulong Summa Cum Laundry? 😂🏆
youtu.be/gN87PYtbaRU -
NET25
@NET25TV
Pinatunayan ni Engineer John Kenneth Enumerables na ang property ng asawa ni VP Sara Duterte sa Island Garden City of Samal ay nakadeklara sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #saln #vpsaraduterte #duterte -
NET25
@NET25TV
Inihain na ng DOJ ang extradition request ng U.S laban kay Apollo Quiboloy at sa dalawang kapwa akusado na sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento #apolloquiboloy
youtu.be/DDDg0MpUsMI -
NET25
@NET25TV
Ipinataw ng Third Division ng Sandiganbayan ang 90-day preventive suspension laban kay dating House Speaker Martin Romualdez. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento #martinromualdez
youtu.be/KmktB7hk3wc -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Sinabi ni Atty. Suzette Balucanag-Punay na ang dating may-ari ng Jollibee Matina Crossing ay ang Southern Bee Foods Corporation. Aniya, walang shareholdings at interes si Duterte sa Southern Bee, at wala ring interes sa Jollibee Matina Crossing branch.
Bagama’t tinutulan ito prosekusyon, sinabi naman ni Senate Presiding Offcer Chiz Escudero na maaaring usisain ang naturang usapin sa kanilang cross-examination.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/kz3Uf36Wb9Y
#net25newsandinformation #senate #impeachmenttrial #indaysaraduterte #vpsara #defenseteam #unexplainedwealth -
NET25
@NET25TV
ABISO SA MGA MOTORISTA: Suspendido ang expanded number coding scheme mula Nobyembre 16 hanggang 18 matapos ideklarang special non-working days sa National Capital Region.
Kaugnay ito ng pagdaraos ng 49th ASEAN Summit and Related Summits.
📷: MMDA
#net25newsandinformation #mmda #aseansummit #numbercodingscheme #motorista -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Sinabi ni Atty. Suzette Balucanag-Punay na walang kaugnayan si Vice President Sara Duterte sa Jollibee branch sa Abreeza Mall sa Davao City.
Ang naturang branch ay iniulat na pinatatakbo ng Gencorp Industries Inc., kumpanyang dati nang idineklara ni Duterte sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/kz3Uf36Wb9Y
#net25newsandinformation #senate #impeachmenttrial #indaysaraduterte #vpsara #defenseteam #unexplainedwealthThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Itinanggi ni Atty. Suzette Balucanag-Punay ang nakasaad sa forensic report na may 20% pagmamay-ari si Vice President Sara Duterte sa GenCorp at may ₱250,000 na bayad na kapital.
Ayon kay Balucanag-Punay, mali ang naturang impormasyon dahil hindi ito tugma sa mga opisyal na rekord ng kumpanya.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/kz3Uf36Wb9Y
#net25newsandinformation #senate #impeachmenttrial #indaysaraduterte #vpsara #defenseteam #unexplainedwealthThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Hinimok ng Department of Energy (DOE) ang mga motorista na isumbong ang mga gasolinahang hindi sumusunod sa ipinag-utos na bawas-presyo sa langis.
Ayon sa DOE, nagsasagawa ang ahensya ng biglaang inspeksyon sa mga gasolinahan para matiyak na naipatutupad ang mga itinakdang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo. Ang mga mapatutunayang lumalabag ay maaaring patawan ng parusa kung hindi nila maipaliwanag ang hindi pagsunod sa kautusan.
Maaaring magsumbong ang publiko sa 8888 hotline o sa “Gas Station Concerns” feature ng eGovPH app.
#net25newsandinformation #doe #gasoline #overpricing #pricehike #gasstation #oilprices -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Nilinaw ni Atty. Suzette Balucanag-Punay na walang shares si Vice President Sara Duterte sa GenCorp Industries, Inc. noong 2022 hanggang 2023.
Sinabi rin niyang wala ring hinawakang posisyon si VP Sara sa kumpanya sa naturang panahon.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/kz3Uf36Wb9Y
#net25newsandinformation #senate #impeachmenttrial #indaysaraduterte #vpsara #defenseteam #unexplainedwealth -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Naghain sina Sen. Rodante Marcoleta, dating Rep. Mike Defensor, at dalawa pa nilang kapwa akusado ng mosyon para humingi ng pahintulot sa korte na magsumite ng demurrer to evidence kaugnay ng kinakaharap nilang kasong plunder.
May kaugnayan ang kaso sa umano’y hindi pagdedeklara ng ₱75 milyong campaign contributions.
Inatasan naman ng Sandiganbayan Third Division ang prosekusyon na magsumite ng komento sa mosyon sa loob ng limang araw.
#net25newsandinformation #rodantemarcoleta #mikedefensor #plunder #undeclaredcontributions #campaigncontributions #sandiganbayan -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Pinadalhan ng Sandiganbayan Third Division ng subpoena sina BJMP Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion, BJMP medical officer Dr. Henry Fabro, at ang CCTV officer ng Quezon City Jail sa Payatas upang tumestigo sa pagdinig bukas, Nobyembre 12.
Kasunod ito ng inspeksyon ng Sandiganbayan sa kulungan, kung saan natuklasang hindi gumagana ang mahigit kalahati ng mga CCTV camera. Wala rin umanong gumaganang camera na nakatutok sa lugar kung saan naroon ang selda ni dating House Speaker Martin Romualdez.
#net25newsandinformation #sandiganbayan #bjmp #cctv #martinromualdez #investigation -
NET25
@NET25TV
MGA KA-NET25, SANG-AYON BA KAYO?
Nanawagan ang isang researcher mula sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na i-update na ang paraan ng pagtukoy sa poverty threshold o halagang kailangan ng isang tao para hindi maituring na mahirap.
Ayon kay Dr. John Paolo Rivera, hindi na napapanahon ang ₱96 kada araw na batayan dahil 2011 pa ito huling kinuwenta.
Dapat ding isaalang-alang ang pagkakaiba ng gastusin sa Metro Manila at sa mga probinsya para mas tumugma ang batayan sa kasalukuyang presyo ng mga bilihin at pang-araw-araw na pangangailangan ng mga Pilipino.
#net25newsandinformation #povertythreshold #pids #arawangsahod #dailywage #filipino #economu -
NET25
@NET25TV
PAG-IBIG FUND, MAMAMAHAGI NG ₱50K CASH PRIZES SA MPL BORROWERS AT EMPLOYER REPRESENTATIVES
TINGNAN: Magbibigay ang Pag-IBIG Fund ng hanggang ₱50,000 cash prizes sa mga miyembrong manghihiram sa ilalim ng Multi-Purpose Loan (MPL) at sa mga fund coordinator at employer representative na tumutulong sa mga manggagawa na makakuha ng kanilang benepisyo.
Kabuuang 540 cash prizes ang ipamamahagi sa dalawang raffle draws na gaganapin sa Disyembre 2026 at Pebrero 2027. Kabilang sa mga premyo ay ₱50,000, ₱25,000, ₱15,000 at ₱5,000.
Awtomatikong magkakaroon ng raffle entries ang mga kuwalipikadong miyembro at employer representative nang hindi na kailangang magparehistro.
📷: Pag-IBIG Fund
#net25newsandinformation #pagibigfund #dhsud #megawide #expanded4ph #housingprogram #pabahay #raffle #raffledraw
www.facebook.com/share/p/1A8DeVA8w9/ -
NET25
@NET25TV
Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo ng Uplift program na gamitin ang natatanggap na ayuda para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Kasunod ito ng pagkalat ng mga social media post kung saan may ilang benepisyaryo na bumibili ng mga gadget gamit ang natanggap na ₱2,000 cash assistance.
Ayon sa DSWD, dapat maging responsable ang mga benepisyaryo sa paggamit ng ayuda dahil marami pang pamilyang nangangailangan ng tulong pinansyal.
Nagbabala rin ang ahensya laban sa mga scam na nangangakong nagbibigay ng ayuda kapalit ng processing fee, personal na impormasyon at one-time password.
#net25newsandinformation #ayuda #gadgets #dswd #upliftprogram -
NET25
@NET25TV
DAY 42: Ngayong Miyerkules, Nobyembre 11, humarap sa impeachment trial bilang testigo si Atty. Suzette Balucanag-Punay, ang corporate counsel for Gencorp Industries, Inc. at Metro City Chow Foods Corporation.
Siya ay kabilang sa mga testigo ng kampo ni Vice President Sara Duterte upang tugunan ang alegasyon na hindi maipaliwanag na yaman ng bise.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/kz3Uf36Wb9Y
#net25newsandinformation #senate #impeachmenttrial #indaysaraduterte #vpsara #defenseteam #unexplainedwealth -
NET25
@NET25TV
Hindi pa nakikita ng Malacañang na kailangan ang pagdedeklara ng nationwide state of calamity dahil sa El Niño, ayon kay PCO Usec. Claire Castro.
Sinabi ni Castro na natutugunan pa naman sa ngayon ang pangangailangan ng mga mamamayan. Kabilang sa mga hakbang ng gobyerno ang paggamit ng solar-powered irrigation systems, pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka at cloud seeding sa mga lugar na posibleng makaranas ng tagtuyot.
Ito ay sa kabila ng babala ng PAGASA na magpapatuloy ang El Niño hanggang katapusan ng taon at mararamdaman ang matinding epekto nito hanggang sa unang kalahati ng 2027, kabilang ang tagtuyot at mas mataas na temperatura.
#net25newsandinformation #stateofcalamity #nationwide #elnino #tagtuyot -
NET25
@NET25TV
Idinaos sa Abu Dhabi, United Arab Emirates, ang pag-uusap ng tatlong bansa upang talakayin ang posibleng pagwawakas ng digmaan sa Ukraine at seguridad sa Europa.
#net25newsandinformation #trilateraltalks #ukrainewar #unitedstates #russia #ukraine
youtu.be/0Se8vfUzqj0 -
NET25
@NET25TV
Inakusahan ng France ang Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran na nasa likod umano ng cyberattacks sa mga supermarket sa bansa noong Oktubre. #net25newsandinformation #france #iran #irgc #cyberattacks #cybersecurity
youtu.be/lpUY7bwiSQM -
NET25
@NET25TV
Umaasa si Senate President at Presiding Officer Chiz Escudero na matatapos agad ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Nakadepende umano ito sa magiging takbo ng presentasyon ng depensa laban sa mga alegasyon ng prosekusyon.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #chizescudero #saraduterte #impeachmenttrial
youtu.be/u9tFFXHzHC8 -
NET25
@NET25TV
Nasamsam ng Bureau of Customs at National Bureau of Investigation ang mahigit ₱500 milyong halaga ng hinihinalang smuggled agricultural products sa isang warehouse sa Valenzuela City.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #bureauofcustoms #nbi #smuggling #agriculturalproducts
youtu.be/YXyK4RHeIFg -
NET25
@NET25TV
NATURE LOVER KA BA? THIS HIDDEN GEM IS WORTH EXPLORING! 🌿
Tara na’t samahan si Ara Mina sa pag-explore ng Mt. Camisong! Silipin ang breathtaking views at natural beauty nito na siguradong magpapasabi sa’yo ng “WOW, ANG GANDA!” 🌿
youtu.be/3dLEqzwVfV0 -
NET25
@NET25TV
MAISY KAY & LEVENT GIEGER, MAY CORE MEMORY SA LANY'S SOFT WORLD TOUR PERFORMANCE! 💖
Bigtime guests, bigtime kuwentuhan! From the stage of LANY's Soft World Tour at the Philippine Arena to their unforgettable experience in the Philippines, get to know Maisy Kay and Levent Geiger as they share their performance highlights, favorite moments, and memorable encounters with Filipino fans! 🤩
What made their Philippine visit extra special? ✨
youtu.be/fQUMmG1nvJA -
NET25
@NET25TV
Inabangan ang natatanging kuwento at mensahe ng pelikulang “Project Sunburst,” isang musical docu-drama na tumatalakay sa pananampalataya at relihiyon. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/71dLjrzlu-g -
NET25
@NET25TV
Mula sa dating No. 17 ay umangat si Eala ng dalawang spots sa No. 15 sa WTA World Rankings. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/3yBdhSBGuPs -
NET25
@NET25TV
Bababa ng P4.10 kada litro ang diesel habang P3.70 naman sa kerosene. Pinakamalaki naman ang ibinaba ng gasoline na nasa P16.80 kada litro.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #oilpricerollback
youtu.be/DTaoOwW1I-Q -
NET25
@NET25TV
Tumaas ng ₱20 hanggang ₱30 kada kilo ang presyo ng carrots, talong, patatas, luya, kamatis at repolyo sa ilang pamilihan.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #presyonggulay #foodprices #inflation
youtu.be/uOSKZOSkigg -
NET25
@NET25TV
MGA BUS, PINAYAGAN NANG DUMAAN SA CULIAT BRIDGE II
TINGNAN: Maaari nang dumaan ang mga bus sa eastbound at westbound lanes ng Culiat Bridge II sa Congressional Avenue simula noong Nobyembre 7.
Kasunod ito ng pagkukumpuni sa nasunog na tulay noong Hulyo 11. Batay sa isinagawang testing at road assessment ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ligtas na itong daanan ng mga bus.
Hindi pa rin pinapayagan ang mga truck habang nagpapatuloy ang pagsusuri ng DPWH sa kakayahan ng tulay na suportahan ang bigat ng mga ito.
📸: DPWH
#net25newsandinformation #culiatbridgeii #dpwh #quezoncity -
NET25
@NET25TV
STILL STUCK ON LANY 💙🎤
Hindi pa rin maka-move on ang ilang LANY fans pagkatapos ang dalawang araw na sold-out shows ng kanilang “soft” World Tour sa Philippine Arena nitong weekend. 🥹
📷: Live Nation PH
#net25newsandinformation #philippinearena #soldout #softworldtour #lany #concert -
NET25
@NET25TV
TATLONG SUSPEK SA PANLOLOOB NG CONVENIENCE STORE SA BATANGAS, ARESTADO SA TAGUIG
TINGNAN: Naaresto sa Barangay Bambang, Taguig City ang tatlong suspek sa panloloob sa isang convenience store sa Barangay Quiling, Talisay, Batangas.
Nadakip ang mga ito sa follow-up at dragnet operations ng pinagsanib na puwersa ng Talisay MPS, Sto. Tomas CCPS, RMFB 4A at Taguig PNP.
Narekober din sa operasyon ang dalawang motorsiklong ginamit umano sa krimen at isang ID na nakatulong sa pagkakakilanlan ng mga suspek. | via Martin Banaag
📸: Batangas PPO
#net25newsandinformation #batangas #taguigcity #crimenews -
NET25
@NET25TV
VOTER REGISTRATION IS NOW OPEN!
Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Nobyembre 10, ang voter registration para sa 2028 national and local elections.
Bukas ang pagpaparehistro para sa mga bagong botante at iba pang kuwalipikadong magparehistro hanggang Hulyo 30, 2027.
#net25newsandinformation #comelec #voterregistration #halalan2028 #2028elections -
NET25
@NET25TV
Darating sa Pilipinas ang Brazilian President na si Luiz Inácio Lula da Silva sa Nobyembre 14 hanggang 15 para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.
Ayon sa Presidential Communications Office, inimbitahan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dumalo sa plenary session ng ASEAN Summit bilang Guest of the Chair.
Inaasahan ding magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider upang talakayin ang pagpapalawak ng trade at investment, at pagtutulungan sa agrikultura, enerhiya, science and technology, depensa at iba pang larangan. | via Madelyn Moratillo
📷: Reuters
#net25newsandinformation #brazil #asean2027 #aseansummit #bilateralmeeting #philippines -
NET25
@NET25TV
🚨 4 DAYS BEFORE THE EMO TAKEOVER! 🚨
Hindi na namin kayang mag-“Wait” dahil malapit na nating makasama ang My Chemical Romance sa Philippine Arena!🎸
Time to bring out the eyeliner at black outfits para sa isang legendary concert! 😭 🖤
#net25newsandinformation #mcr #philippinearena #mychemicalromance #mcrmanila #mcrcountdown -
NET25
@NET25TV
Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sa pamamagitan ng Presidential Security Group (PSG), ang seguridad ng mga head of state na dadalo sa 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Pilipinas mula Nobyembre 16 hanggang 18, 2026.
Ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, nakahanda na ang security preparations at plano ng AFP katuwang ang Philippine National Police (PNP).
Inaasahang dadalo sa pagtitipon ang mahigit 10,000 delegado, kabilang ang mga lider ng ASEAN member states at dialogue partners gaya ng United States, China, Japan, South Korea, India, Australia, New Zealand at Russia. Magpapakalat naman ang PNP ng 19,869 personnel para magbantay sa mga venue, hotel na tutuluyan ng mga delegado at mga rutang kanilang daraanan. | via Vic Somintac
📸: Reuters
#net25newsandinformation #afp #aseansummit2026 #psg #pnp #philippines -
NET25
@NET25TV
Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala itong planong makipag-away sa China sa gitna ng tensiyon sa West Philippine Sea. Ito ay kasunod ng pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi dapat awayin ng Pilipinas ang China.
Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang paninindigan ng militar sa mga pinag-aagawang teritoryo ay hindi paghahanap ng gulo kundi pagtatanggol sa teritoryo at soberanya ng bansa alinsunod sa batas at international law.
Patuloy din umanong hinaharap ng Pilipinas ang presensya ng Chinese Navy at Coast Guard sa loob ng 200-nautical-mile Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa, batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). | via Vic Somintac
📸: AFP
#net25newsandinformation #afp #westphilippinesea #china #saraduterte -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Humarap sa impeachment court ang Davao City accountant na si Vingelin Bajan ngayong hapon, Nobyembre 10.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/3DEaJeP7-54
#net25newsandinformation #senate #impeachmentcourt #defenseteam #indaysaraduterte -
NET25
@NET25TV
WELCOME TO THE PH 🇵🇭, ANGELINA JOLIE!
TINGNAN: Dumating na sa bansa ang Hollywood actress na si Angelina Jolie ngayong Martes, Nobyembre 10.
Lalahok ang aktres sa isasagawang ASEAN 2026 Inclusive Growth Summit bukas, Nobyembre 11.
📷: X/Lyntwig , Paranaque CTO
#net25newsandinformation #angelinajolie #philippines #aseansummit #asean2026 -
NET25
@NET25TV
SECOND WITNESS NG DEFENSE TEAM
TINGNAN: Nanumpa sa Senate impeachment court si Engr. John Kenneth Enumerables bilang ikalawang testigo ng kampo ni Vice President Sara Duterte ngayong Martes, Nobyembre 10.
PANOORIN ANG LIVESTREAM: www.youtube.com/live/3DEaJeP7-54
#net25newsandinformation #senate #impeachmentcourt #defenseteam #indaysaraduterte -
NET25
@NET25TV
Sinabi ni Vice President Sara Duterte na naglunsad ng mental health program ang Office of the Vice President (OVP) dahil kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Binanggit ito ng bise sa Filipino community sa Hong Kong.
Ayon kay VP Sara, kumuha sila ng mga eksperto matapos mapansing naaapektuhan ang mga empleyado ng OVP sa mga batikos laban sa kanya. Aniya, may ilan sa mga ito na umiiyak at natatakot.
#net25newsandinformation #ovp #mentalhealthprogram -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Binigyan ng Department of Transportation (DOTr) ng tatlong opsyon ang mga pasaherong maaapektuhan ang flights dahil sa pagdating at pag-alis ng mga lider ng iba't ibang bansa para sa 49th ASEAN Summit.
Ayon sa DOTr, maaaring magpa-rebook nang walang bayad, humingi ng full refund, o kumuha ng travel fund na magagamit sa susunod na booking.
Pinapayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa karagdagang detalye.
Sinabi naman ng DOTr na mahigit 300 flights ang maaapektuhan ng aktibidad.
#net25newsandinformation #dotr #flights #aseansummit #travel -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Tetestigo ngayong Martes, Nobyembre 10, si Navotas Rep. Toby Tiangco para sa bail petition hearing ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Kaugnay ito sa kasong plunder ng dating lider ng Kamara na nag-ugat sa umano'y maanomalyang kickback scheme ng flood control projects. | via Tjay Mendoza
#net25newsandinformation #tobytiangco #bailhearing #kamara #martinromualdez #floodcontrol #kickbacks #infraprojectsThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
₱500-M SMUGGLED AGRI-PRODUCTS, NASAMSAM SA VALENZUELA CITY
TINGNAN: Sandamakmak na smuggled agricultural products ang nasabat ng mga awtoridad sa isang cold storage facility sa Valenzuela City.
Kabilang dito ang mga sibuyas, carrots at iba pang produkto, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱500 milyon. | via Earlo Bringas
#net25newsandinformation #valenzuelacity #agriculturalproducts #smuggledproducts #investigation #boc -
NET25
@NET25TV
Tinalakay ni Atty. Chelsea Ariza, public interest lawyer, ang bagong panuntunan ng Korte Suprema para sa proteksyon ng mga batang testigo. Kabilang sa mga usapin ang paggamit ng video conference at recorded interviews, mga pagkakataong hindi na kailangang personal na humarap sa korte ang bata, at mga hakbang upang matiyak na hindi naiimpluwensyahan ang kanilang mga salaysay.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/pffscOho2WA -
NET25
@NET25TV
Nagsagawa ang isang AI agent ng brain injection sa isang daga gamit ang robotic surgical system sa isang experiment na pinangunahan ni Gabriel Ocana-Santero, co-founder ng Exin Therapeutics. Ginamit ng Claude Sonnet 5 sa procedure sa ilalim ng supervision ng isang lisensiyadong beterinaryo. Gayunman, hindi pa napapatunayan kung naging epektibo ang gene therapy sa pagbabawas ng seizures ng daga.
| Ano Sa Palagay N’yo? #net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/0AdNVjiAxrI -
NET25
@NET25TV
Nasagip ang isang agila matapos masabit sa puno sa Laong-Laan, Sampaloc, Manila. Maingat itong iniligtas nina Winnie Balbuena at Francis Gravador na nagtatrabaho malapit sa lugar at agad na ipinagkatiwala sa Manila Zoo para matiyak ang kaligtasan at maayos na pangangalaga rito.
| Ano Sa Palagay N’yo? #net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/gaGf8IHup4Y -
NET25
@NET25TV
Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 19,869 tauhan para tiyakin ang seguridad sa 49th ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #aseansummit2026 #pnp #security
youtu.be/23f_g-WyiPM -
NET25
@NET25TV
Ayon sa American banking giant na Citi, nakararanas na ang Pilipinas ng stagflation, na pinagsasama ang mabagal na paglago ng ekonomiya at mataas na presyo ng mga bilihin. #net25newsandinformation #matangagilasatanghali #stagflation #citi #philippineeconomy #inflation
-
NET25
@NET25TV
PAANO MAPANANATILING SWEET ANG PAGSASAMA NG MAG-ASAWA? 💞
#mainfeed!
Married na, pero paano mapapanatiling strong ang connection? 👩❤️👨
Sa dami ng responsibilities, busy schedules, at everyday challenges, paano nga ba mapapanatili ang pagmamahalan ng mag-asawa?
Ikaw, paano mo napananatili ang connection mo sa iyong asawa? 👀
youtu.be/3uYGTesfU9k -
NET25
@NET25TV
Nagsasagawa ng independent investigation ang board of directors ng NVIDIA matapos lumabas ang mga ulat na target umano ng foreign intelligence effort ang CEO nitong si Jensen Huang.
#mnainewsbitesize #net25newsandinformation #nvidia #jensenhuang #artificialintelligence #foreignintelligence
youtu.be/j_4ox-VNfZE -
NET25
@NET25TV
Tinawag ng Iranian Revolutionary Guard Corps na “wordplay” ang Task Force Iron Gate ng US na naglalayong hadlangan ang paggalaw ng armas, teknolohiya at iba pang materyales papasok at palabas ng Iran.
#mnainewsbitesize #net25newsandinformation #iran #unitedstates #irongate #irgc -
NET25
@NET25TV
Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, makatutulong ang partisipasyon ni US President Donald Trump sa nalalapit na pagpupulong ng mga lider ng ASEAN at magpapakita ng pagpapahalaga ng Amerika sa rehiyon.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #aseansummit #donaldtrump #usaseanrelations #josemanuelromualdez
youtu.be/RSzkxYdWsoc -
NET25
@NET25TV
Nag-alok ang Estados Unidos ng hanggang $20 milyon na pabuya para sa impormasyon tungkol sa nuclear program ng Iran, kabilang ang mga siyentipiko, teknolohiya at kaugnay na organisasyon. #mnainewsbitesize #net25newsandinformation #us #iran #nuclearprogram #rewardsforjustice
-
NET25
@NET25TV
Sa unang araw ng fair sa Bacolod City, 6,000 potential homebuyers ang nagparehistro para sa mga housing unit na inialok ng mga accredited developer sa tulong ng Pag-IBIG Fund at DHSUD.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #visayashousingfair2026 #pagibigfund #dhsud #bacolodcity #housing
youtu.be/MpqF42A70vc -
NET25
@NET25TV
Bumagal sa 2.1% ang economic growth ng Pilipinas o Gross Domestic Product (GDP) nitong ikatlong quarter ng taon. #net25newsandinformation #matangagilasatanghali #economicgrowth #gdp #philippineeconomy
youtu.be/qVyQqgKqMAg -
NET25
@NET25TV
Tinalakay ni Jun De Leon, President ng Laban TNVS, ang apela ng Move It kaugnay ng ₱500-milyong multa at ang posibleng epekto nito sa libu-libong rider. Kabilang sa mga isyung tinalakay ang limitasyon ng LTFRB sa bilang ng mga pinapayagang bumiyahe at ang magiging kalagayan ng mga rider na maaaring mawalan ng hanapbuhay.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/2rXvw_gww8w -
NET25
@NET25TV
Nagbigay ng pahayag si Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez hinggil sa pagsusulong ng Pax Silica sa kabila ng pagtutol ng mga Pilipino. Tinalakay rin ang suporta ng mga mambabatas sa US sa pagbibigay ng tulong pinansyal ng Amerika para sa militar ng Pilipinas.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/7BIEv7CFsnM -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Nagsagawa ng ocular inspection ang Third Division ng Sandiganbayan sa Quezon City Jail sa Payatas upang alamin kung sumusunod ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa commitment order ng korte kaugnay ng pagkakadetine ni dating House Speaker Martin Romualdez. | via Tjay Mendoza
-
NET25
@NET25TV
Nakatanggap na ang PNP ng 500 leads kaugnay ng paghahanap kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa para maipatupad ang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC). Dumami ang mga impormasyon matapos mag-alok ng ₱50-milyong pabuya ang pamahalaan para mahuli ang senador.
Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., sinuri ng mga pulis ang mga lugar kung saan umano nakita si Dela Rosa, mula Mindanao hanggang Luzon. Bumuo na rin ang PNP ng tracking team para tutukan ang paghahanap sa senador.
Iniuugnay si Dela Rosa sa ICC case na may kaugnayan sa drug war. Iniimbestigahan din ang umano’y pagtakas niya mula sa Senado matapos ang insidente ng pamamaril.
📸: Reuters
#net25newsandinformation #batodelarosa #icc -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: In-adjourn na ni Senate impeachment court Presiding Officer Sen. Chiz Escudero ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes, Nobyembre 9. Sinimulan ng kampo ng depensa ang presentasyon ng kanilang ebidensya at unang testigo na si Davao City Assessor Engr. Jaime Adalin.
Magpapatuloy ang paglilitis bukas, Nobyembre 10, alas-10 ng umaga.
#net25newsandinformation #impeachmenttrial #vpsara #senate
#impeachmentschedule #indaysaraduterte -
NET25
@NET25TV
INNOVATION THAT WE LITERALLY NEED! 💡🌿
Ibinahagi ng Filipino innovator na si Eleanor “Lea” Olegario ang kaniyang mga imbensyong EGG (Ethylene Gas Grabber) at Honeycomb. Ang EGG ay tumutulong na patagalin ang freshness ng mga prutas at gulay, habang ang Honeycomb naman ay nakatutulong sa pag-absorb ng ilang air toxins at hindi kanais-nais na amoy.
youtu.be/goxmPRAFWyg -
NET25
@NET25TV
INAB-ABESANG: LASANG CORDILLERA NA MAY TAMIS NG TRADISYON! 🍠🥥
Ipinakilala sa atin ni Chef Richgail “RG” Enriquez-Diez ang Inab-Abesang, isang tradisyunal na kakanin mula Besao, Mountain Province. Pinagsasama nito ang kamote, malagkit, gata ng niyog, at muscovado sugar para sa isang malinamnam at manamis-namis na pagkaing perfect pang-agahan o pangmeryenda ng buong pamilya! 😋
youtu.be/A9_iz8jomXc -
NET25
@NET25TV
Sugatan ang isang kilalang motorcycle racer at vlogger matapos pagbabarilin ng apat na armadong lalaki sa Antipolo. Kalmado umanong tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #antipolo #motorcycle #motorcycleracer #vlogger #pamamaril
youtu.be/tPhL4Zl0Yws -
NET25
@NET25TV
Umabot sa third alarm ang sunog na sumiklab sa mga kabahayan sa Tioco Riverside, Tondo, Maynila, kaninang madaling araw.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #sunog #tondomaynila #thirdalarm #fireincident #manila
youtu.be/GLZs-xaMsBA -
NET25
@NET25TV
Puspusan na ang paghahanda ng mga awtoridad para sa 49th ASEAN Summit na gaganapin sa Pilipinas. Mahigit 20 lider mula sa mga bansang kasapi ng ASEAN ang inaasahang dadalo.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #aseansummit #philippines #asean #asean2026 #summitpreparations
youtu.be/weuLhWpS1ho -
NET25
@NET25TV
Sinagot ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang pahayag ng prosekusyon na ang bise presidente mismo ang maituturing nilang “best evidence” sa impeachment trial.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #impeachmenttrial #vpsaraduterte #saraduterte #prosekusyon #defenseteam
youtu.be/jqLQjTNB86k -
NET25
@NET25TV
Pasok na sa semifinals ng Hong Kong Tennis Open ang Filipina tennis superstar na si Alex Eala.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #alexeala #hongkongtennisopen #philippines #tennis #filipinoathlete
youtu.be/F9r9p6PwoaM -
NET25
@NET25TV
Sumailalim sa house arrest ang dating pangulo ng Paraguay na si Santiago Peña matapos siyang alisin sa puwesto ng Senado. Nagtipon naman ang mga raliyista sa labas ng kaniyang bahay.
HASHTAGS: #net25newsandinformation #matangagilaweekend #formerparaguaypresident #santiagopeña #paraguay #housearrest #politicalnews
youtu.be/jg-Q_JOKqXQ -
NET25
@NET25TV
Ineskortan ng border police ang 10,000 tupa sa Pamir Plateau sa China patungo sa kanilang pastulan.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #china #pamirplateau #sheep #borderpolice #chinanews
youtu.be/Qmx605hDr2c -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Bibisita sa New Quezon City Jail-Male Dormitory ang Sandiganbayan Third Division Justices kasunod ng mga ulat sa umano'y personal assistant ni dating House Speaker Martin Romualdez | via Tjay Mendoza
#net25newsandinformation #sandiganbayan #bjmp #newqcjail #martinromualdez #surpriseinspection -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Nasa ₱27.43 bilyong halaga ng mga proyekto ang nakapangalan kay dating House Speaker Martin Romualdez bilang proponent sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act, ngunit wala ang mga ito sa National Expenditure Program, ayon kay DPWH Programming Division Chief Peter Paul Cortes.| via Tjay Mendoza
#net25newsandinformation #2025gaa #nationalbudget #infraprojects #martinromualdez -
NET25
@NET25TV
Nauwi sa trahedya ang dalawang tren matapos magbanggaan sa Giza, Egypt nitong Linggo, Nobyembre 8. Apat ang nasawi at 88 ang sugatan, ayon sa Health Ministry. Ilang bagon din ang nadiskaril dahil sa lakas ng impact.
Galing Giza at patungong Fayoum ang isang tren nang bumangga ito sa likurang bahagi ng tren na biyaheng Cairo to Aswan. Patuloy namang ginagamot sa mga ospital ang mga sugatang biktima habang iniimbestigahan na ng awtoridad ang sanhi ng aksidente. Iniutos din ni Egyptian President Abdel Fattah al-Sisi ang agarang imbestigasyon upang matukoy kung may nagpabaya.
📸: Reuters
#net25newsandinformation #egypt #traincollision #giza #worldnews -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Huling namataan ang Bagyong Samuel sa layong 1,370 km Silangan Hilagang-Silangan ng extreme Northern Luzon, ayon sa PAGASA.
Sa forecast track, inaasahang mabagal na kikilos ang bagyo sa loob ng susunod na 12 oras bago ito tuluyang makalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas ng madaling araw, Nobyembre 10.
Sinabi rin ng state weather bureau na wala itong direktang epekto sa lagay ng panahon ng bansa.
📷: DOST-PAGASA
#net25newsandinformation #bagyo #pagasa #samuelph -
NET25
@NET25TV
MAHIGIT P16/LITER ROLLBACK!
Epektibo bukas, Nobyembre 10, ang halos ₱17 bawas-singil sa kada litro ng gasolina habang ₱4.10 kada litro ang itatapyas sa kada litro ng diesel at ₱3.70 naman sa kada litro ng kerosene, ayon sa Department of Energy (DOE).
#net25newsandinformation #doe #rollback #pricerollback #oilpricebigtimerollback -
NET25
@NET25TV
Magpapatupad ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng three-month closed season sa sardine fishing sa ilang bahagi ng bansa mula Disyembre 1, 2026 hanggang Marso 1, 2027.
Saklaw nito ang siyam na bay sa Fisheries Management Area 9 (FMA 9), kabilang ang Macajalar, Gingoog, Iligan, Panguil, Murcielagos, Butuan, Sogod, Cogtong at Guindulman Bays. Layunin ng fishing ban na bigyan ng panahon ang sardinas na dumami at makapagparami matapos bumaba ang kanilang populasyon dahil sa overfishing.
Kabilang sa mga ipinagbabawal na fishing gear ang ring nets, drift gillnets, purse seines at scoop nets. Ang mga lalabag ay maaaring pagmultahin at kumpiskahan ng mga huling isda at gamit sa pangingisda alinsunod sa batas.
📸: Reuters
#net25newsandinformation #bfar #sardines #fishingban #fisheries #philippines #foodsecurity -
NET25
@NET25TV
Ipinakilala ng Stanford University ang “Namjooning: And Other Well-Being Inspiration from BTS,” isang course na hango sa mga interest ni Kim Namjoon o RM, tulad ng pagbibisikleta, pagbabasa, pagbisita sa mga art museum at kahiligan sa kalikasan. Gagamitin ang mga ito bilang bahagi ng pag-aaral tungkol sa mental health at well-being.
Tatalakayin din sa klase ang anxiety, self-love, sleep, exercise at healthy lifestyle habits. Bukod sa pag-aaral ng scientific research, gagawa ang mga estudyante ng final project inspired by RM's solo album na “Indigo.”
Ayon sa Stanford, naging inspirasyon din ang madalas na pagbabahagi ni RM ng kaniyang pananaw tungkol sa mental health. 📸: RM / IG
#net25newsandinformation #bts #rm #namjooning #stanforduniversity #kpop -
NET25
@NET25TV
Isinusulong ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Project Airbag bilang tugon sa posibleng epekto ng El Niño sa susunod na taon.
Ayon sa NGCP, layunin ng proyekto na maglagay ng battery storage system upang makatulong na matugunan ang pangangailangan sa kuryente. Mag-iimbak ang mga baterya ng kuryenteng magagamit kapag mataas ang demand o kulang ang supply, lalo na sa panahong mababa ang produksiyon ng solar at hydroelectric power plants.
Gayunman, sinabi ng ahensya na kailangan pa rin ang pagtatayo ng mga bagong planta ng kuryente upang matugunan ang lumalaking demand.
📷: NGCP file
#net25newsandinformation #ngcp #electricity #projectairbag #kuryente #elnino -
NET25
@NET25TV
Tinawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na “regrettable” ang mga pahayag ng ilang opisyal ng gobyerno tungkol sa China. Iginiit ng ahensya na ang Pangulo ang nagtatakda ng foreign policy ng bansa at dapat iwasan ang magkakaibang pahayag tungkol sa patakarang panlabas ng Pilipinas. ang magkakaibang pahayag sa usaping panlabas.
Samantala, iminungkahi ni Vice President Sara Duterte ang pagbuo ng team ng mga diplomat at negosyador upang talakayin ang West Philippine Sea at maiwasan ang paglala ng tensyon sa China. Binigyang-diin naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang kahalagahan ng deterrence at pagpapanatili ng presensya ng militar sa Kalayaan Island Group.
Nanawagan din si dating mambabatas Robert Ace Barbers na maghanda ang mga Pilipino ng pagkain, tubig, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan na sapat para sa unang 72 oras ng emergency.
#net25newsandinformation #dfa #china #westphilippinesea
#wps #philippines #nationalsecurity -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Iniharap ng defense team ni Vice President Sara Duterte si Davao City Assessor Engr. Jaime Adalin bilang unang nilang testigo ngayong Lunes, Nobyembre 9.
PANOORIN ANG LIVESTREAM: www.youtube.com/live/3Yp9MXgogHk
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #vpsara #senate #impreachmentcourt -
NET25
@NET25TV
DAY 39: Nagdeklara ng quorum ang Senado para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes, Nobyembre 9.
Sisimulan ng defense team ang paglalabas ng ebidensya at mga testigo sa Article II o alegasyon ng unexplained wealth laban sa bise presidente.
PANOORIN ANG LIVESTREAM: www.youtube.com/live/3Yp9MXgogHk
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #vpsara #senate #impreachmentcourt -
NET25
@NET25TV
CHINA ROCKET DEBRIS, POSIBLENG BUMAGSAK SA PH WATERS
Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa posibleng pagbagsak ng mga debris mula sa Long March 12 rocket ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas ngayong Lunes, Nobyembre 9.
Kabilang sa mga tinukoy na drop zone ang layong 25 nautical miles mula sa Puerto Princesa, Palawan at 19 nautical miles mula sa Tubbataha Reefs Natural Park.
Bagama’t hindi inaasahang tatama sa kalupaan o matataong lugar ang mga debris, maaari itong magdulot ng panganib sa mga barko at bangkang pangisda. Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na huwag lapitan o pulutin ang mga ito dahil posibleng may taglay itong nakalalasong sangkap gaya ng rocket fuel.
📷: PhilSA
#net25newsandinformation #philsa #china #rocketlaunch #puertoprincesa #palawan #tubbatahareefs -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Nakapasok na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Typhoon Cempaka at tatawagin itong “Samuel.”
Ito ang ika-19 bagyo na naitala ng PAGASA ngayong taon.
📷: PAGASA
#net25newsandinformation #typhooncempaka #samuelph #bagyo -
NET25
@NET25TV
Itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga alegasyon ng iregularidad sa pag-iisyu ng visa at pasaporte sa Pilipinas.
Ayon sa DFA, malinaw na nakasaad sa Administrative Code of 1987 na may kapangyarihan ang ahensya na mag-isyu ng visa at hindi lamang ito ipinagkaloob ng Department of Justice (DOJ).
Tinanggihan din ng ahensya ang mungkahing ilipat sa pribadong kumpanya ang pagproseso ng visa dahil ang karapatang magsuri, mag-apruba o tumanggi sa mga aplikasyon ay nananatili sa mga awtorisadong opisyal ng pamahalaan.
#net25newsandinformation #dfa #visa #passport #documentreleasing #doj -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang isang Pilipinong seafarer habang ligtas naman ang 21 iba pang Pinoy na tripulante matapos ang pagsabog sa isang oil tanker sa Persian Gulf noong Nobyembre 5.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), patungo sa Sitrah, Bahrain ang MT Velos Sapphire nang mangyari ang pagsabog. Sa paunang ulat, posibleng drone attack ang sanhi ng insidente ngunit hindi pa ito kumpirmado.
Samantala, ipinaalam na sa pamilya ng nasawing seafarer ang insidente at tiniyak ng may-ari ng barko na tutulungan sila. Patuloy pang iniimbestigahan ang tunay na dahilan ng pagsabog.
📷: MT Velos Sapphire
#net25newsandinformation #dmw #persiangulf #mtvelossapphire #bahrain #investigation #barko -
NET25
@NET25TV
Kinuwestiyon ng Commission on Audit (CoA) ang ₱1.2 bilyong tulong na ipinamahagi ng Department of Migrant Workers (DMW) sa mga overseas Filipino workers (OFWs) noong 2025 dahil sa kakulangan ng dokumentasyon at monitoring.
Sa audit report, natuklasan ang kakulangan sa mga dokumento ng ₱100.99 milyong tulong para sa 444 na benepisyaryo at ₱74.42 milyong grants para sa 2,138 OFWs, kabilang ang mga nawawalang resibo at recommendation reports.
Binigyang-diin din ng CoA ang kawalan ng centralized database ng DMW na maaaring magresulta sa dobleng ayuda.
📷: DMW
#net25newsandinformation #coa #dmw #ofw #ayuda #missingdocuments #2025 #middleeasttension -
NET25
@NET25TV
BAHA SA CATANDUANES
PANOORIN: Nahirapan ang ilang motorista na tumawid sa kalsadang ito dahil sa pagtaas ng tubig ng ilog sa Brgy. Obo, San Miguel, Catanduanes nitong Linggo, Nobyembre 8. | via Melody Romero.
📹: Paula Tupal
#net25newsandinformation #catanduanes #baha #floodThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
WALANG PASOK: Suspendido ang klase sa ilang paaralan at lugar sa bansa ngayong Lunes, Nobyembre 9, dahil sa inaasahang mataas na heat index. Magsasagawa rin ng disinfection sa mga silid-aralan sa ilang paaralan sa bansa, at mga aktibidad sa kanilang probinsya kaya nagkansela ng pasok.
#net25newsandinformation #walangpasok #noclasses #cavite #easternsamar #palawan #pangasinan #heatindex #disinfection #classroomsafety -
NET25
@NET25TV
SUNOG SA CALOOCAN
PANOORIN: Nabulabog ang mga residente sa Velasco St., Brgy. 7, Caloocan City matapos sumiklab ang isang sunong kaninang alas-3 ng madaling araw, Nobyembre 9.
Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar.
Itinaas sa unang alarma ang sunog bago tuluyang idineklarang fire under control bandang 5 a.m.
Patuloy pang iniimbestigahan ang danyos at bilang ng pamilyang naapektuhan. | via Jim Tejano
#net25newsandinformation #sunog #firealert #caloocancity -
NET25
@NET25TV
Asahan ang maulap at maulan na panahon ngayong Lunes, Nobyembre 9, sa Caraga, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Davao Oriental, at Davao Occidental dahil sa easterlies, ayon sa PAGASA.
Habang parehong lagay ng panahon ang mararanasan sa Cagayan, Isabela, Quirino, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, Metro Manila, at Ilocos Region dahil sa amihan o northeast monsoon.
#net25newsandinformation #easterlies #amihan #ulan #weatherforecast -
NET25
@NET25TV
Puspusan na ang paghahanda ng mga awtoridad para sa 49th ASEAN Summit na gaganapin sa Pilipinas. Mahigit 20 lider mula sa mga bansang kasapi ng ASEAN ang inaasahang dadalo.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #aseansummit #philippines #asean #asean2026 #summitpreparations
youtu.be/weuLhWpS1ho -
NET25
@NET25TV
Sinagot ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang pahayag ng prosekusyon na ang bise presidente mismo ang maituturing nilang “best evidence” sa impeachment trial.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #impeachmenttrial #vpsaraduterte #saraduterte #prosekusyon #defenseteam
youtu.be/jqLQjTNB86k -
NET25
@NET25TV
Pasok na sa semifinals ng Hong Kong Tennis Open ang Filipina tennis superstar na si Alex Eala.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #alexeala #hongkongtennisopen #philippines #tennis #filipinoathlete
youtu.be/F9r9p6PwoaM -
NET25
@NET25TV
Ineskortan ng border police ang 10,000 tupa sa Pamir Plateau sa China patungo sa kanilang pastulan.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #china #pamirplateau #sheep #borderpolice #chinanews
youtu.be/Qmx605hDr2c -
NET25
@NET25TV
Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dalawang jeepney operator na magpaliwanag kaugnay ng umano’y pagtangging magsakay ng mga commuter sa ilalim ng Libreng Sakay program sa 01K route sa Cebu City.
Naglabas ng show cause orders noong Oktubre 31 laban sa JP and Sons Transport Group Inc. at Aleja Fua Rent a Car Corp. matapos maiulat na hindi huminto ang kanilang mga modernong jeepney upang magsakay ng mga pasaherong naghihintay sa Barangay Mabolo, lalo na tuwing rush hour.
Binigyan ang dalawang operator ng limang araw upang magsumite ng paliwanag at mga kaukulang dokumento. Inatasan din silang dumalo, kasama ang kanilang mga driver, sa pagdinig sa Nobyembre 12, 11:00 ng umaga.
Posibleng patawan ng multa o suspendihin o bawiin ang kanilang prangkisa depende sa resulta ng imbestigasyon.
📷: PNA
#net25newsandinformation #ltfrbassistance #librengsakay #cebucity #dotr -
NET25
@NET25TV
THE BLACK PARADE IS ALMOST HERE! 🖤
7 days na lang bago muling mag-perform sa Pilipinas ang My Chemical Romance, 18 years matapos ang huli nilang concert dito!
Sa November 14 gaganapin ang concert sa Philippine Arena sa Bulacan. Bahagi ito ng South East Asia Tour ng banda.
Mapapakinggan din nang live ang buong The Black Parade album, kasama ang fan favorites na “Welcome to the Black Parade,” “Famous Last Words” at “Teenagers.”
#net25newsandinformation #mychemicalromance #theblackparade #southeastasiatour -
NET25
@NET25TV
ATTENTION, CONCERT GOERS!
TINGNAN: Narito ang mga dapat dalhin at mga ipinagbabawal na gamit sa Philippine Arena.
LANY fans, tandaan ang mga ito para sa isang masaya at ligtas na concert experience!
📷: Live Nation PH
#net25newsandinformation #lany #philippinearena #softworldtour #concert -
NET25
@NET25TV
Iniimbestigahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang posibleng sinadyang pagtatapon ng used oil mula sa isang barko matapos kumalat ang oil spill sa baybaying bahagi ng Sitio Naswe, Barangay Ipag, Mariveles, Bataan noong Nobyembre 5.
Ayon sa paunang imbestigasyon, posibleng nagmula ang langis sa isang barko o sa wastewater mula sa paglilinis ng makina nito. Apektado ng oil spill ang humigit-kumulang 500 square meters ng karagatan.
Narekober na ng mga awtoridad ang tinatayang 70 porsiyento ng langis, kabilang ang 800 kilo ng kontaminadong debris at ginamit na absorbent materials. Patuloy ang operasyon ng PCG upang makolekta ang natitirang langis at matukoy ang barkong responsable sa insidente.
Pinayuhan naman ang mga mangingisda at residente na pansamantalang umiwas sa apektadong karagatan habang nagpapatuloy ang paglilinis at monitoring operations.
📷: PCG
#net25newsandinformation #philippinecoastguard #environmentalprotection #bataan #marivelesbataan #oilspill -
NET25
@NET25TV
Nasa 90 porsiyento nang kumpleto ang DNA testing ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga labi ng mahigit 2,200 biktima ng Super Typhoon Yolanda na inilibing sa Tacloban City.
Ayon kay NBI Eastern Visayas Regional Director Jeremy Lotoc, target ng ahensya na maisumite ang resulta kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez bago ang ika-13 anibersaryo ng pananalasa ng bagyo sa Nobyembre 8.
Layunin ng pagsusuri na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima upang malaman ng kanilang mga pamilya ang tiyak na lugar kung saan sila inilibing. Plano rin ng NBI na palawakin ang DNA identification initiative sa mga mass burial site sa Palo at Tanauan, Leyte.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #bagyongyolanda #supertyphoonhaiyan #haiyan #taclobancity #supertyphoon #dnatesting -
NET25
@NET25TV
CONFIDENCE DOESN’T NEED TO PUT OTHERS DOWN! 💯 #maypoint!
Paano mo malalaman kung confidence o ego ang pinapakita mo? 🤔 Share your thoughts! 👇
youtu.be/0sQHP2otnSA -
NET25
@NET25TV
ANG MGA PINOY, BASTA LIBRE, GAME 'YAN! 🤣 #hearmeout! Aminin mo, ganito ka rin! Pero bakit nga ba ang sarap sa feeling kapag may nakukuha tayong libre? Share your freebie moments naman diyan! 👇
youtu.be/XrNl35mIwKI -
NET25
@NET25TV
KAPAG OFW, OBLIGADO BANG MAG-UWI NG PASALUBONG? 🤨 #mainfeed!
Ano ang masasabi mo sa mga taong wala namang suporta sa buhay ng isang OFW, pero ang gusto kasali sa pasasalubungan? 🤔️ May kilala ka bang ganito? Ano, toxic ba? 😅️
youtu.be/n_ZOCPPSR-k -
NET25
@NET25TV
Kinuwestiyon ni Atty. Harold Respicio ang pamamahala sa pondo ng PhilHealth. Nagbabala si Dr. Anthony Leachon na maaaring bankrupt na ang ahensya at umaasa na lamang sa nakalaang pondo upang punan ang kakulangan nito.
#net25newsandinformation #resbak #attyharoldrespicio #anthonyleachon #philhealth #publicservice #pilipinas
youtu.be/47hFbmJuC8o -
NET25
@NET25TV
Pumangatlo si Davao City Mayor Baste Duterte sa presidential preference survey ng WR Numero. Nanguna naman si Vice President Sara Duterte na nakakuha ng 42.4% voter preference, habang pumangalawa si dating Vice President Leni Robredo.
| Ano Sa Palagay N’yo? -
NET25
@NET25TV
FROM DIY IDEA TO BUSINESS OPPURTUNITY! 😍
Nakasama natin dito sa #lovetonipetandeverythaaang si Viola Jane Caliwan, na nagsimula sa paggawa ng crochet at fuzzy wire flowers noong 2022. 🎀
Isang simpleng DIY idea na naging simula ng kaniyang handmade hair accessories #minigosyo! 💙
youtu.be/ZRZa58cQlC8 -
NET25
@NET25TV
Dulot ng matinding pinsala ng ilang linggong habagat at mga bagyo sa Central Luzon, nag-abot ng tulong ang Iglesia Ni Cristo sa pakikipagtulungan ng Felix Y. Manalo Foundation sa mga residente ng Pampanga na matagal nang nalubog sa baha.
Bukod sa mga care packages at jumper boots, nagkaloob din sila ng mga bangka para sa mga residente upang magamit sa kanilang transportasyon at pang-araw-araw na pangingisda at kabuhayan.
#worldwidelingapsamamamayan #specialcoverage #careforhumanity #fymfoundation
youtu.be/v8ZabDmiaZg -
NET25
@NET25TV
Walang inaasahang biglaang pagtaas o “bill shock” sa singil sa kuryente, pero hindi pa rin nakikita ng MERALCO ang posibilidad na bumaba ang presyo nito sa mga susunod na buwan, ayon kay Joe Zaldarriaga. | Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/xinUjiHq_Nw -
NET25
@NET25TV
"Napakalayo sa realidad!"
Kinuwestiyon ni Cora Guidote, ekonomista at dating miyembro ng BSP Board, ang poverty threshold na inilabas ng PSA na P96 kada araw.
Ayon kay Guidote, malayo ito sa aktuwal na gastusin ng mga Pilipino at tila salungat sa pagkilala ng World Bank sa Pilipinas bilang upper-middle-income country.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/KLhXTJzH998 -
NET25
@NET25TV
LIBRENG SAKAY SA ARAW NG ASEAN SUMMIT
Magpapatupad ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Nobyembre 9, 11, at 13 bilang bahagi ng pagdaraos ng 49th ASEAN Summit sa Pilipinas.
Saklaw ng libreng biyahe ang dalawang oras sa umaga, mula alas-7:00 hanggang alas-9:00, at sa hapon, mula alas-5:00 hanggang alas-7:00.
Inaasahang makatutulong ang hakbang sa mga commuter na bibiyahe sa Metro Manila habang isinasagawa ang mga aktibidad kaugnay ng summit.
#net25newsandinformation #lrt1 #librengsakay
#asean2026 #aseansummit -
NET25
@NET25TV
Arestado ang isang 32-anyos na empleyado ng isang law office sa Makati City dahil sa umano’y pagnanakaw ng mga blangkong tseke at pamemeke ng mga pirma upang makapag-encash ng ₱386,674.68.
Nakilala ang suspek sa alyas na “Cha-cha.” Nadiskubre ang kaniyang ginagawa matapos mapansin ng kumpanya ang mga transaksiyong walang pahintulot gamit ang mga tseke nito.
Nakuha rin sa kaniyang pinagtatrabahuhan ang isang punit na blangkong tseke at dokumentong may mga pekeng e-signature.
Nahaharap siya sa mga reklamo kaugnay ng qualified theft at pamemeke ng mga dokumento sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act.
#net25newsandinformation #cybercrime #checkfraud #makaticity #investigation #fraud -
NET25
@NET25TV
HINDI NA MIYEMBRO SI JOSEPH CUE SY
TINGNAN: Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na inalis na sa hanay ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) si Joseph Cue Sy, na kilala rin bilang Chen Zhong Zhen, noong Agosto 2025.
Kasabay nito, muling sinusuri ng PCG ang listahan ng mga auxiliary member upang matiyak na kwalipikado at pasado sa pamantayan ng organisasyon ang mga kabilang dito.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, paiigtingin ni PCG Commandant Admiral Rommel Supangan ang proseso ng background checking at beripikasyon, hindi lamang sa mga bagong aplikante kundi pati sa mga kasalukuyang miyembro.
Layunin nitong matiyak ang integridad ng PCGA at mapanatili ang tiwala ng publiko sa organisasyon.
📸: PCG
#net25newsandinformation #pcga #josephcuesy
#chenzhongzhen #philippinecoastguard -
NET25
@NET25TV
Nahuli ng mga awtoridad ang 30-anyos na driver ng SUV na tumangay ng cellphone na mahigit ₱50,000 ang halaga mula sa isang online seller sa Mandaluyong na nasawi matapos masabit sa sasakyan.
Ayon sa pulisya, tumakas ang suspek habang bitbit ang hindi pa nababayarang cellphone, dahilan para sumampa sa SUV ang 23-anyos na biktima hanggang EDSA bago mahulog sa kalsada. Namatay ito matapos ang tatlong araw na pagkaka-ospital dahil sa matinding pinsala sa ulo.
Naaresto ang suspek sa Pasong Tamo, Quezon City at nakapiit na sa Mandaluyong Police Station. Haharap ito sa kasong robbery with homicide. | via Jim Tejano
📷: Mandaluyong CPS
#net25newsandinformation #mandaluyong #policenews #crimenews #suv #driver #arrest -
NET25
@NET25TV
Naantala ang biyahe ng libu-libong pasahero matapos makatanggap ng bomb threats ang hindi bababa sa 25 passenger flights sa iba’t ibang bahagi ng Europe nitong Huwebes, Nobyembre 5.
May mga eroplanong kinailangang ilihis ang ruta, habang ang ilan ay ineskortan pa ng mga fighter jet bago lumapag. Kabilang sa mga apektadong biyahe ang papunta sa Milan, Rome, Paris, Prague at Sofia.
Walang natagpuang pampasabog sa mga eroplanong sinuri ng mga awtoridad, ngunit hindi ito ang unang insidente ngayong linggo. Noong Martes, hindi bababa sa pitong flight at isang cruise ship ang nakatanggap din ng bomb threats.
Wala pang grupong o bansang inaakusahang nasa likod ng mga pagbabanta, bagama't may ilang opisyal sa Europe na nag-uugnay sa mga ganitong insidente sa posibleng hybrid attacks ng Russia. 📸 : Reuters #net25newsandinformation #europe #bombthreats
#flightdisruptions #aviationsecurity #airtravel #internationalnews -
NET25
@NET25TV
What if AI could take marketing beyond automation? Agentic Marketing allows AI agents to independently carry out marketing tasks with minimal human intervention, helping businesses work smarter, streamline processes, and improve efficiency.
As artificial intelligence continues to transform the business landscape, understanding emerging technologies like Agentic Marketing can give companies a competitive edge.
SUBSCRIBE to OPEN FOR BUSINESS YouTube Channel: www.youtube.com/@NET25OpenForBusiness
FOLLOW our social media accounts:
Facebook: www.facebook.com/NET25OpenForBusiness
#net25openforbusiness #openforbusiness #net25 #bizwordoftheweek #agenticmarketing -
NET25
@NET25TV
Sa gitna ng lumalalang banta ng El Niño na nagdudulot ng pinsala sa sakahan at kabuhayan, nagpaabot ng suporta ang Iglesia ni Cristo pakikipagtulungan ng Felix Y. Manalo Foundation sa mga komunidad sa Cagayan at Camarines Norte, sa pamamagitan ng care packages para sa mga magsasaka hanggang sa pamamahagi ng school supplies para sa mga mag-aaral.
#worldwidelingapsamamamayan #specialcoverage #careforhumanity #fymfoundation
youtu.be/iIjMI99qis0 -
NET25
@NET25TV
Nilinaw ng PRO 11 na ang viral photo ni Sen. Ronald Dela Rosa sa Digos City Memorial Park, Davao del Sur ay kinunan three years ago, at hindi ngayong taon. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento #batodelarosa #senbato
youtu.be/2CdKPxk-HZ4 -
NET25
@NET25TV
Bunsod ng matinding tagtuyot at kakulangan sa likas na daluyan ng tubig sa gitna ng banta ng El Niño, isang bagong water pump ang itinayo ng Iglesia ni Cristo sa pakikipagtulungan ng Felix Y. Manalo Foundation para sa mga residente ng Barangay Buracan sa Dimasalang, Masbate.
Bukod sa tuloy-tuloy na suplay ng malinis na tubig na magpapagaan sa pang-araw-araw na pag-iigib ng komunidad, nag-abot din ang programa ng mga care packages at mga balde upang suportahan ang kanilang pangangailangan at kabuhayan.
#worldwidelingapsamamamayan #specialcoverage #careforhumanity #fymfoundation
youtu.be/7fA4Cp-dFvs -
NET25
@NET25TV
GUSTO RIN PALANG MAGING ACTION STAR NI ATTY. GUANZON! 🎬🔥
Sa likod ng kanyang pagiging public servant, mas nakilala pa natin ang ibang side ni Atty. Rowena Guanzon! Alamin ang kanyang mga pangarap, iba pang gustong subukan sa buhay, at mga kuwentong nagbibigay-inspirasyon sa kanya.
youtu.be/nGM-LWB11ic -
NET25
@NET25TV
Tiwala ang Taiwan na magpapatuloy ang suporta ng U.S. Congress sa pagbebenta ng armas nito sa kabila ng resulta ng midterm elections.
#matangagilainternational #net25 #taiwan #usarmssales #usmidtermelections #unitedstates
youtu.be/W6Q8rmFTtDk -
NET25
@NET25TV
Nagkakaiba ang reaksiyon ng mga lider ng mundo sa pagkapanalo ng Democrats na nakakuha ng mayorya sa Senate at House ng U.S. Congress.
#matangagilainternational #net25 #usmidtermelections #uspolitics #democrats
net25.com/news/mga-lider-ng-mundo-nagpahayag-ng-reaksiyon… -
NET25
@NET25TV
Nag-aalok ang Kinjoru Izakaya sa Brittany Hotel BGC ng buffet na may mga putahe mula sa Japan, China, Italy, Spain, Caribbean at Europe.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #kinjoruizakaya #bgc #internationalcuisine #buffet
youtu.be/pwairn6R5NA -
NET25
@NET25TV
Nirerespeto ng depensa ni VP Sara Duterte ang pagtanggi ni Dean Ralph Sarmiento na tumestigo. Nais din nitong ma-subpoena ang 25 testigong inilista para sa impeachment trial sa susunod na linggo.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #saraduterte #impeachmenttrial #subpoena
youtu.be/zbkCvlfhNzI -
NET25
@NET25TV
Kinumpirma ng BJMP na may personal staff si dating House Speaker Martin Romualdez sa loob ng selda upang magbantay sa kaniya 24/7 dahil umano sa hindi stable na mental health. Itinanggi rin ng mga opisyal na malaya siyang nagpapalabas-masok.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #martinromualdez #bjmp #newquezoncityjail
youtu.be/zJB38MYgAnc -
NET25
@NET25TV
Inaatasan ang lahat ng PWD, kahit may kasalukuyang ID, na muling magparehistro sa unified PWD ID system. Kailangan ng medical documents para sa non-apparent disabilities, habang hindi na kailangan ang disability certificate para sa apparent disabilities. Magkakaroon ng QR code at unique ID number ang bagong ID sa ilalim ng NCDA.
#net25newsandinformation #pwd #pwdid #unifiedpwdid #ncda
youtu.be/CtUG9NkvZQA -
NET25
@NET25TV
Narito na ang mga balitang kailangan niyong malamang ngayong Biyernes, Nov. 6. 2026:
- 7.8% Inflation sa bansa nitong Oktubre, pinakamataas sa halos apat na taon
- Depensa ni VPSD, naghain ng listahan ng mga testigo
- Daan-daang libong tao, nag-martsa sa malawakang protesta sa France
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=oiA3UblLA7A
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1009132738898301 -
NET25
@NET25TV
UPDATE: Sa impormasyong ibinigay ng PNP San Jose, Batangas sa RESPONDE SA PRIMETIME, sinabi nilang binawi o ni-recant umano ng witness sa pagpatay sa working student na si Charles Usi ang kaniyang statement at wala umanong prima facie evidence sa kaso.
Nauna rito'y napabalitang isang kilalang personalidad sa Batangas ang pangunahing sangkot sa pagpatay kay Charles.
#net25 #respondesaprimetime #alexsantos -
NET25
@NET25TV
Great marketing isn't built overnight. It takes consistent effort, fresh ideas, and meaningful engagement to keep a brand relevant and connected with its audience.
A reminder from Sheryl Adkins-Green that maintaining brand momentum means showing up every day and keeping your organization’s energy alive.
SUBSCRIBE to OPEN FOR BUSINESS YouTube Channel: www.youtube.com/@NET25OpenForBusiness
FOLLOW our social media accounts:
Facebook: www.facebook.com/NET25OpenForBusiness
#net25openforbusiness #openforbusiness #net25 #quoteoftheweek -
NET25
@NET25TV
ALAMIN: ICC TRIAL SCHEDULE NI FPRRD
Inilabas na ng International Criminal Court (ICC) ang schedule ng paglilitis sa kasong crimes against humanity ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Pormal na magsisimula ang pagdinig sa Nobyembre 30, 2026.
#net25newsandinformation #icc #rodyduterte #crimesagainsthumanity #warondrugs -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Kinumpirma ng Senate Impeachment Court na humiling ng subpoena ang defense team ni Vice President Sara Duterte para sa 25 witness na nakatakda nilang iharap sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa susunod na linggo.
Base sa Request noong November 4, 2026, ihaharap ang mga witness sa November 9 hanggang 13 kaugnay sa Article II o ang umano’y unexplained wealth ng bise presidente.
Kasama sa ihaharap ng defense team ang mga legal counsel ng mga negosyo na inuugnay kay VP Sara at asawang si Atty. Manases Carpio, mga LGU officials at mga local government officials accountants mula sa Davao Region at mga opisyal ng bangko. | via Mar Gabriel
#net25newsandinformation #impeachmentcourt #senate #defenseteam #indaysaraduterte #witness #davaolgu -
NET25
@NET25TV
Itinuturing na person of interest si Thomas Markle Jr. kaugnay ng imbestigasyon sa mga maseselang larawan na natagpuan sa cellphone at hard drives ng kaniyang ama na si Thomas Markle Sr. sa Cebu.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, nakatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon na may ilang menor de edad umanong dinadala sa bahay ni Markle Jr. Samantala, mahigit 7,000 larawan at isang video na naglalaman ng tahasang seksuwal na materyal ang natuklasan sa mga gadget ni Thomas Markle Sr. Patuloy pang iniimbestigahan ang posibleng kaugnayan ni Markle Jr. sa mga natuklasan.
#net25newsandinformation #thomasmarklejr #thomasmarklesr
#cebu #dilg #imbestigasyon #childprotection -
NET25
@NET25TV
TWO DAYS TO GO! 💙
Feelings? XXL. Excitement? XXL. LANY concert countdown? Almost over! 🥹
Handa na ba kayong maki-vibe, maki-hugot, at kumanta kasama ang LANY? See you this weekend sa Philippine Arena, yearners! 🫶🎶
#net25newsandinformation #lany #softworldtour #philippinearena #music #concert -
NET25
@NET25TV
SUNOG SA ZAMBOANGA CITY
FIRE ALERT: Sumiklab ang isang sunog sa Acai Kalinga sa Brgy. Zone 1, Zamboanga City ngayong Huwebes ng umaga, Nobyembre 5. | via Ely Dumaboc
#net25newsandinformation #sunog #fire #zamboangacity -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Kinumpirma ng Bureau of Immigration na iisang tao lamang sina Joseph Sy at ang Chinese national na si Chen Zhong Zhen matapos magtugma ang kanilang fingerprints.
Ayon kay BI Deputy Commissioner Atty. Joel Alejandro Nacnac, may ilang usaping pangseguridad na dapat tutukan kaugnay ng pagkakakilanlan ni Sy, kabilang ang umano’y identity fraud, institutional security infiltration, at posibleng foreign political alignment.
#net25newsandinformation #bi #chinese #nationality #identityfraud #fingerprintmatch -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Nakiisa ang mga estudyante ng Lilongan National High School sa Carmen, North Cotabato sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Huwebes, Nobyembre 5.
📷: DepEd RXII
#net25newsandinformation #earthquake #earthquakedrill #nsed #schoolsafety #northcotabato -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Inamin ng host at columnist na si Ramon Tulfo na nagkamali siya sa pagpapakalat ng impormasyong naglalabas-pasok umano sa piitan si dating House Speaker Martin Romualdez.
Nakuryente umano siya at naipakalat ang maling impormasyon. | via Tjay Mendoza
#net25newsandinformation #martinromualdez #bjmp #ramontulfo -
NET25
@NET25TV
Kinumpirma ng PAGASA na umiiral na ang napakalakas na El Niño sa Tropical Pacific at inaasahang magpapatuloy hanggang unang quarter ng 2027, habang mararamdaman ang epekto nito hanggang kalagitnaan ng taon. Posibleng makaranas ng tagtuyot ang lahat ng probinsya sa bansa pagsapit ng Marso at Abril 2027.
Sa datos hanggang Oktubre 31, limang probinsya na ang nakararanas ng matinding kakulangan sa ulan, kabilang ang Albay, Catanduanes, Negros Oriental, Samar at Siquijor. Umabot na rin sa ₱8.57 bilyon ang pinsala sa agrikultura, habang ₱11 bilyong tulong na ang naipagkaloob ng pamahalaan sa mga apektadong sektor.
#net25newsandinformation #elniño #pagasa
#tagtuyot #agrikultura #climateupdate -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang isang 22-anyos na lalaki habang sugatan naman ang isang 14-anyos na binatilyo matapos silang pagbabarilin ng riding-in tandem sa Mercurio St., Brgy. Tugatog, Malabon City pasado 8 p.m. nitong Miyerkules, Nobyembre 4.
Ayon sa pulisya, nakatambay ang dalawa nang bigla silang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Patuloy ang pagsusuri sa CCTV footage at paghahanap sa mga salarin upang matukoy ang motibo sa krimen. | via Jim Tejano
📷: Contributed
#net25newsandinformation #malaboncity #crimenews #ridingintandem #policenews #crime #cctv #malabon -
NET25
@NET25TV
Naglaan ng $123.2 milyon para sa paghahanda at pagtugon sa super El Niño na inaasahang magpapatuloy hanggang sa susunod na taon, ayon sa United Nations Philippines. Sa ngayon, 109 lungsod sa bansa at munisipalidad na ang nagdeklara ng state of calamity, habang 54 na probinsya ang posibleng makaranas ng tagtuyot at isa sa bawat tatlong barangay ang posibleng makaranas ng kakulangan ng tubig.
Posible rin maapektuhan ang mahigit dalawang milyong ektarya ng palayan at 4.6 milyong magsasaka at mangingisda. Ayon sa Department of Agriculture, maaaring bumaba nang hindi bababa sa isang milyong metriko tonelada ang produksyon ng palay ngayong taon.
Kabilang sa mga paghahanda ng pamahalaan ang pagtitiyak sa suplay ng tubig at pagkain, paghahanda ng mga ospital sa epekto ng matinding init, at pagpapanatili ng sapat na suplay ng kuryente.
#net25newsandinformation #elniño
#elniño2026 #tagtuyot #agrikultura
#suplayngtubig #suplayngpagkain #pagasa -
NET25
@NET25TV
BANGGAAN NG TRAILER TRUCK AT WING VAN SA MANILA
Nawasak ang harapang bahagi ng isang wing van matapos bumangga sa isang trailer truck sa Blumentritt St. cor. Aurora Blvd., Maynila, kaninang ala-una ng madaling araw.
Magkaiba naman ang pahayag ng dalawang driver. Ayon sa driver ng trailer truck, sumingit ang wing van habang nagmamaneobra siya patungong Aurora Boulevard. Giit naman ng driver ng wing van, nakahinto na siya nang mahagip ng truck.
Walang nasaktan o nasawi sa insidente, ngunit nagdulot ito ng pagbagal ng trapiko. Dinala na ang wing van sa Manila District Traffic Enforcement Unit. | via Jim Tejano
#net25newsandinformation #manila #traffic #roadincident #roadaccident -
NET25
@NET25TV
FROM COMMUTER PROBLEM TO PRACTICAL INNOVATION! 🏍🧣
Isang simpleng problema sa pagko-commute ang naging inspirasyon ni Julia Torres para likhain ang kaniyang #minigosyo na Yacap, isang reusable at washable headscarf na isinusuot sa ilalim ng helmet. Bukod sa dagdag-proteksiyon at comfort, nakatutulong din ito upang mabawasan ang paggamit ng single-use plastic hairnets! 🌿
✨youtu.be/JXsRGD709C0 -
NET25
@NET25TV
Sampung engineer ng Philippine Space Agency ang nagtapos ng rocket training sa Okcheon, South Korea bilang paghahanda sa target na demonstration launch sa Pilipinas sa 2027. #net25newsandinformation #philsa #philippinespaceagency #southkorea #rockettraining
-
NET25
@NET25TV
Nakibahagi sa US midterm elections ang mga astronaut ng NASA mula sa International Space Station.
#net25newsandinformation #nasa #iss #usmidtermelections #astronauts
youtu.be/bLJYthr0UPo -
NET25
@NET25TV
Ang mga pag-uusapang balita sa #aspn ngayong Huwebes, Nov. 5, 2026:
- Trump, tinanggap ang resulta ng US midterm election
- PH-China, nagkasundo sa mapayapang pagresolba ng pagkakaiba
- VP Sara, nangunguna pa rin sa presidential survey ng OCTA Research
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=LZlKAVtlQC8
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/2170656826860947 -
NET25
@NET25TV
Si Davao City Mayor Baste Duterte ang naging pangunahing alternatibong bet para sa pagkapangulo sa 2028, batay sa October 2026 survey ng WR Numero.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #basteduterte #saraduterte #wrnumero #2028elections
youtu.be/aFkkadWmZzE -
NET25
@NET25TV
Pinatawag ng Sandiganbayan sina Jail Supt. Maria Lourdes Pacion at Dr. Henry Fabro para mag-update sa kalusugan ni dating House Speaker Martin Romualdez, kasunod ng ulat na palihim itong inilalabas sa kulungan. #net25newsandinformation #matangagilaprimetime #sandiganbayan #martinromualdez
youtu.be/yn2nNWnlhHk -
NET25
@NET25TV
Ayon sa Iran, ipinakita ng pagkapanalo ng Democrats sa US Congress na tutol sa digmaan ang mga botanteng Amerikano.
#net25newsandinformation #iran #usmidtermelections #democrats #uscongress
youtu.be/pqilUQ7zsJE -
NET25
@NET25TV
Ipinaliwanag ni Dr. Tony Leachon ang kakulangan sa budget ng PhilHealth para sa 2027 at ang kawalan ng prayoridad ng gobyerno sa kalusugan.
#net25newsandinformation #resbak #philhealth #healthbudget #drtonyleachon
youtu.be/L_Nykz_J-hU -
NET25
@NET25TV
Ngayong Nov. 4, ginugunita ang kapanganakan ni Carlos P. Garcia, ang ikawalong Pangulo ng Pilipinas. Balikan natin ang buhay, pamumuno, at mga ambag ni Carlos P. Garcia sa bansa.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/b15QoVIZPu0 -
NET25
@NET25TV
Hinimok ng Philippine Embassy sa France ang mga Pilipino na ihanda ang mahahalagang dokumento at suplay matapos manawagan ang French government ng paghahanda ng 72-hour emergency kit.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #philippineembassy #france #emergencykit -
NET25
@NET25TV
800 Pilipinong undocumented sa Sabah, Malaysia, nakabalik na sa Pilipinas matapos ipatupad ang malawakang repatriation operations ng pamahalaan ng Malaysia. Ayon sa DSWD, isinailalim ang mga returning Filipinos sa assessment at processing upang matukoy ang kanilang mga pangangailangan at mabigyan ng kaukulang tulong.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/3S363Z2rcts -
NET25
@NET25TV
Itinanggi ng PNP na naglabas sila ng shoot-to-kill order laban kay Sen. Bato Dela Rosa. Ayon kay PNP Spokesman Col. Allen Rae Co, nananatiling confidential ang isinasagawang manhunt sa senador.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #batodelarosa #bato -
NET25
@NET25TV
Magpapatuloy si Pinay tennis ace Alex Eala sa next round ng WTA 250 Hong Kong Open matapos manalo kay Emerson Jones. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento #alexeala #wtahongkongopen
youtu.be/eUNu0OMrybI -
NET25
@NET25TV
SERVING ‘GIRL ON FIRE’! 🔥
TINGNAN: Agaw-atensyon ang fiery red gown ni Mckenna Grace sa premiere ng pinakabagong pelikula ng The Hunger Games franchise na “Sunrise on the Reaping.”
Natuwa naman ang fans dahil inspired ang kanyang outfit sa iconic “Girl on Fire” look ni Katniss Everdeen sa pelikulang “The Hunger Games: Catching Fire.”
📷: Mckenna Grace / IG
#net25newsandinformation #mckennagrace #hungergames #katnisseverdeen #movies #hollywood #entertainmentnews -
NET25
@NET25TV
Tatanggalin ng Senado sa panukalang ₱7.2 trilyong pambansang budget para sa 2027 ang 295 infrastructure projects na hindi nakapasa sa pagsusuri ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, nagkakahalaga ng ₱8.836 bilyon ang mga proyektong ito. Hindi umano sila bibigyan ng pondo dahil kulang sa kinakailangang dokumento.
Kabilang sa mga nakitang problema ang kawalan ng station numbers at geographical coordinates, mga proyektong nag-o-overlap o hinati-hati, at hindi tugmang uri ng trabaho.
📷: Senate
#net25newsandinformation #senate #dpwh #infrastructureprojects #2027nep #governmentfunds #budgetallocation -
NET25
@NET25TV
Uusad sa round of 16 ng Hong Kong Open si Alex Eala matapos talunin ang Australian player na si Emerson Jones.
Maagang nakalamang si Eala sa dalawang set na nagtapos sa score na 6-4, 6-3, kaya hindi na nakahabol si Jones.
Makakaharap ng Pinay tennis superstar ang Czech bet na si Tereza Valentova sa susunod na round.
📷: WTA
#net25newsandinformation #wta #alexeala #sportsnews #hongkongopen #sportsupdate #teamphilippines #teamalexeala -
NET25
@NET25TV
Ligtas ang pitong estudyante matapos maipit sa loob ng elevator ng University of Batangas main campus nitong Martes ng gabi, Nobyembre 3.
Ayon sa ulat ng unibersidad, halos tatlong oras umanong naipit ang mga estudyante matapos pumalya ang elevator habang pababa ito. Agad silang dinala sa school clinic at nasa stable na kondisyon na.
Samantala, sumasailalim pa sa testing ang elevator at hindi pa inirerekomendang gamitin.
📷: BFP RIVA Batangas FS
#net25newsandinformation #batangas #rescue #elevator #schoolincident -
NET25
@NET25TV
Nilinaw ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na "bus-only" lane ang EDSA Busway.
Ito ay sa kabila ng pansamantalang pagbabago dahil sa ikalawang bahagi ng road rehabilitation sa EDSA.
Ayon sa DPWH, maaari munang dumaan ang mga pribadong sasakyan sa Lanes 1 hanggang 4 ng southbound EDSA sa susunod na dalawang linggo.
Saklaw nito ang bahagi mula Nepa Q-Mart sa Cubao hanggang Guadalupe sa Makati habang isinasagawa ang roadworks.
📷: PNA
#net25newsandinformation #dpwh #edsa #edsaroadrehabilitation #roadworks #traffic #edsabusway -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Nasamsam ng mga awtoridad ang 200 kilo ng shabu sa Manila North Harbor na nagkakahalaga ng ₱1.36 bilyon mula sa isang shipment na nagmula sa Laos.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakatago ang droga sa 50 karton na naglalaman ng 200 vacuum-sealed plastic bags. Ilang araw itong nakatengga kaya binuksan ang container at dito na natuklasan ang ilegal na droga.
Nakatanggap umano ang ahensya ng impormasyon tungkol sa shipment noong Setyembre 2026.
Patuloy na tinutukoy ang consignee at iba pang nasa likod ng shipment na maaaring makasuhan sa pagpuslit ng droga sa bansa.
📷: PDEA Screengrab
#net25newsandinformation #pdea #laos #drugs #illegalshipment #investigation #illegaldrugs #shabu -
NET25
@NET25TV
Pormal nang nagsampa ang Ombudsman ng graft at malversation charges laban sa anim na dating opisyal ng DPWH-Soccsksargen at pitong pribadong indibidwal.
Kaugnay ito ng umano’y ₱491.9 milyong anomalya sa right-of-way payments sa General Santos City.
Ayon sa Ombudsman, gumamit umano ang mga claimant ng pekeng dokumento at lumang halaga ng lupa para makakuha ng sobrang bayad sa 18 lupang apektado ng Digos-Makar National Road.
Sinabi naman ng testigong si Roberto Catapang Jr., na may sindikatong nakipagsabwatan umano sa mga opisyal para makakuha ng pondo gamit ang pekeng land documents. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #ombudsman #sandiganbayan #rightofway #dpwh #graft #malversation -
NET25
@NET25TV
Hinimok ng Philippine Embassy sa France ang mga Pilipino na maghanda ng emergency kits na may sapat na supply para sa tatlong araw.
Pinayuhan silang ihanda ang mahahalagang dokumento, magtabi ng Euros na cash at magkaroon ng plano para may komunikasyon pa rin sa pamilya.
Kasunod ito ng paalala ng French authorities sa publiko na maghanda para sa posibleng emergency, sa gitna ng mga tensyon at kilos-protesta sa bansa.
Tiniyak naman ng embahada na handa itong tumulong sa mga Pilipinong mangangailangan ng agarang tulong.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #france #paris #rally #tension #ofw #philippines #filipinos #emergency -
NET25
@NET25TV
Nagpadala na ng abiso ang Senate Impeachment Court sa prosecution panel at defense team ni Vice President Sara Duterte tungkol sa nakatakdang schedule ng pagpapatuloy ng paglilitis sa susunod na linggo.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #impeachmenttrial #impeachment #vpsaraduterte #saraduterte #duterte #indaysara #duterte
youtu.be/CdUZEEVelTE -
NET25
@NET25TV
PADEL BATTLE: ARA MINA VS. ATTY. ROWENA GUANZON! 🎾🔥
Break muna sa stress ng buhay at samahan natin sina Ara Mina at Atty. Rowena Guanzon sa isang exciting na set ng padel game!
Sino kaya ang magwawagi sa friendly match na ito?
youtu.be/Mf0m2auMXGg -
NET25
@NET25TV
BAKIT GUSTONG MAG-SETTLE ABROAD NG ILANG PINOY? ✈️
#mainfeed!
Sa tingin mo, mas maganda nga ba ang buhay abroad, o mas malaki lang ang opportunities na puwedeng makuha roon?
Ikaw, naisipan mo rin bang mag-abroad? 🤔
Comment na! 👇🏻
youtu.be/HWS62WrpAKE -
NET25
@NET25TV
Naghain ng resolusyon si Senadora Pia Cayetano upang imbestigahan ng Senado ang pagtatapon ng mga labi ng aso at pusa sa San Jose del Monte, Bulacan.
#net25newsandinformation #senateph #piacayetano #animalwelfare #bulacan #newsph
youtu.be/v2sbudnaO2Y -
NET25
@NET25TV
Tiniyak ng Malacañang na handang i-veto ni Pangulong Marcos Jr. ang 2027 national budget kapag may nakitang aksaya at pang-aabuso sa pondo. #net25newsandinformation #matangagilaprimetime #pbbm #nationalbudget #malacanang #newsph
youtu.be/yk3smQ8bXno -
NET25
@NET25TV
Nanalasa ang mga cyberattack sa mga supermarket sa Europe—mula Sweden hanggang Belgium—na nagdulot ng malaking abala.
#net25newsandinformation #mnainewsbitesize #europe #cyberattack #supermarkets #worldnews #newsph
youtu.be/h4kk8hFX51U -
NET25
@NET25TV
Inatake ng U.S. ang Qeshm Island sa Iran kahit nauna nang inihayag ni Pres. Trump na may pag-unlad sa negosasyon sa pagitan ng Washington at Tehran. #net25newsandinformation #mnainewsbitesize #us #iran #donaldtrump #qeshmisland #worldnews #newsph
net25.com/news/u-s-muling-inatake-ang-iran-bago-ang-midte… -
NET25
@NET25TV
Narito na ang mga balitang pag-uusapan sa #aspn ngayong Miyerkules, Nov. 4, 2026:
- PBBM, nilagdaan ang EO No. 130 na nagbibigay ng mas malinaw na batayan sa suspensyon ng klase
- Shoot-to-kill order laban kay Bato, itinanggi ng PNP
- P8.836-B infrastructure project funds sa 2027 national budget, tatanggalin ng Senado
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=vrzfcxaga1E
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/2037375610983589 -
NET25
@NET25TV
Matapos ang buwis-buhay na 32-oras na search and rescue operations sa gitna ng mga matitinding landslide na narasanan sa Baguio City at Cordillera Administrative Region, ang mga mismong awtoridad, sundalo, pulis, at volunteer rescuers naman ang tumanggap ng pag-aaruga at pagkilala.
Sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation at Iglesia Ni Cristo, naabutan ng mga care package, mga first aid stretchers, libreng medikal at dental na konsultasyon ang humigit-kumulang na 700 frontliners at ang kanilang mga pamilya sa Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet. #worldwidelingapsamamamayan #specialcoverage #careforhumanity #fymfoundation
youtu.be/k_avidzWl5o -
NET25
@NET25TV
Three years after ma-feature ni Ruben A. Jasareno, sa #lovetonipetandeverythaaang ngayon ay sarili na siyang workshop, mini gallery, at may art collab pa sila ngayon ng kanyang anak! 🎨🤩
From one milestone to another, tuloy-tuloy ang growth! Ano pa kaya ang mga bagong ganap sa kanyang art journey? 👀
youtu.be/0Tuue0GJNnA -
NET25
@NET25TV
Naglabas ng travel advisory ang Bureau of Quarantine (BOQ) kaugnay ng bagong requirement ng United States para sa mga pasaherong bibiyahe roon, kasunod ng Ebola outbreak sa Democratic Republic of the Congo.
Simula Nobyembre 3, kailangang magkumpleto ng travel attestation ang mga pasaherong patungong US upang ideklarang hindi sila nagbiyahe o nagpunta sa DRC sa nakalipas na 21 araw.
Pinayuhan din ng BOQ ang mga biyahero na kumpletuhin ang kanilang travel history at alamin ang mga kasalukuyang entry at transit requirements ng kanilang destinasyon.
#net25newsandinformation #ebola #boq #traveladvisory -
NET25
@NET25TV
Makakatanggap ng dagdag-sahod ang mga minimum wage earner sa Western Visayas at SOCCSKSARGEN simula Nobyembre 19, ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC).
Aabot sa ₱40 hanggang ₱45 ang dagdag-sahod sa Region VI, habang ₱41 naman sa Region XII.
#net25newsandinformation #dagdagsahod #minimumwage #westernvisayas #soccsksargen #nwpc -
NET25
@NET25TV
Ipinagbawal ng Makati LGU ang pagpapalipad ng drone sa buong lungsod sa buong buwan ng Nobyembre.
Saklaw nito ang mga drone na ginagamit sa libangan, negosyo at pagbabalita.
Ayon sa pamahalaang lungsod, bahagi ito ng mas mahigpit na seguridad para sa 49th na ASEAN Summit na gaganapin sa Metro Manila mula Nobyembre 16 hanggang 18.
Layunin nitong matiyak ang kaligtasan ng mga dayuhang pinuno, delegado at mga residente habang isinasagawa ang mga aktibidad para sa summit.
#net25newsandinformation #makati #drone #aseansummit #metromanila #safetyissues -
NET25
@NET25TV
Pinagmulta ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Move It PH ng ₱555.7 milyon dahil sa pagtanggap ng mas maraming motorcycle rider kaysa sa pinapayagang bilang.
Ayon sa LTFRB, umabot sa 73,321 ang aktibong rider ng Move It PH noong Mayo sa Metro Manila, Cebu at Cagayan de Oro. Mas mataas ito sa 17,746 na rider na pinapayagan ng ahensya.
Nagbabala ang ahensya na kung hindi mabayaran ang multa, maaaring suspendihin ang naturang ride hailing app at bawiin ang accreditation nito.
📷: Move It PH
#net25newsandinformation #moveitph #ridehailing #ltfrb #motorcycle #motorrider #limitation #ltfrb -
NET25
@NET25TV
Nanawagan ang 23 business at sectoral groups sa pamahalaan ng Pilipinas at China na pababain ang tensyon at ipagpatuloy ang maayos na pag-uusap sa gitna ng palitan ng maaanghang na pahayag ng ilang opisyal ng dalawang panig.
Sa magkasanib na pahayag, sinabi ng mga grupo na maaaring maapektuhan ang kalakalan, pamumuhunan at kabuhayan kung magpapatuloy ang tensyon. Ayon sa kanila, China at Hong Kong ang pinakamalaking trading partner ng Pilipinas, na bumubuo sa halos 30 porsiyento ng kabuuang kalakalan ng bansa nitong mga nakaraang taon, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.
Binigyang-diin ng mga grupo na maaaring ipagtanggol ng Pilipinas ang soberanya nito habang pinananatili ang ugnayang pang-ekonomiya sa China. Hinimok din nila ang dalawang bansa na iwasan ang mga pahayag na lalo pang magpapalala sa sitwasyon at gamitin ang mga opisyal na diplomatikong paraan sa pagresolba ng mga hindi pagkakaunawaan.
#net25newsandinformation #philippines #china #traderelations #diplomacy -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 130 para sa malinaw na patakaran sa suspensyon at pagbabalik ng klase.
Sa ilalim ng panuntunan, maaaring magpasya ang mga lokal na pamahalaan at paaralan batay sa aktuwal na kalagayan sa kanilang lugar, habang inuuna ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro at ang pagpapatuloy ng pag-aaral. | via Madelyn Moratillo
#net25newsandinformation #classuspension #walangpasok #lgus -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Nagsampa amg Ombudsman ng 18 kaso ng graft at 18 kaso ng malversation sa Sandiganbayan laban sa anim na dating opisyal ng DPWH-SOCCSKSARGEN at pitong pribadong indibidwal kaugnay ng umano’y ₱491-milyong right-of-way scam sa General Santos City. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #ombudsman #sandiganbayan #rightofway #gensan #dpwh -
NET25
@NET25TV
Nanawagan ang National Council on Disability Affairs (NCDA) sa Department of Transportation (DOTr) na magsampa ng kasong kriminal laban sa isang bus conductor na inirereklamo ng sexual harassment ng isang bingi na pasahero sa Tagbilaran City, Bohol, noong Nobyembre 1.
Ayon sa NCDA, papunta sa simbahan ang babae kasama ang menor de edad niyang anak nang mangyari umano ang insidente bandang alas-4 ng madaling-araw. Ibinahagi rin ng biktima sa social media ang kaniyang salaysay at video upang humingi ng katarungan.
Hiniling ng NCDA ang patas na imbestigasyon at mas mahigpit na proteksyon para sa mga pasaherong may kapansanan, kabilang ang pagsasanay sa mga tauhan ng transportasyon. Binigyang-diin din nito na hindi dapat maliitin o kuwestiyunin ang kredibilidad ng biktima dahil sa kaniyang paraan ng pagsulat, dahil may sariling estruktura ng gramatika ang Filipino Sign Language (FSL).
#net25newsandinformation #ncda #dotr #pwd #safespacesact #bohol -
NET25
@NET25TV
Ni-raid ng mga awtoridad sa Baja California, Mexico ang storage unit na inuupahan ni Thomas Markle, kaugnay ng imbestigasyon sa umano'y pag-iingat ng child sexual abuse materials. Nagsimula ang imbestigasyon matapos makatanggap ng anonymous tip tungkol sa naturang materyales.
Sa isinagawang raid, nakakita ang mga imbestigador ng mga lumang magazine mula sa Asia at computer equipment na isinailalim sa karagdagang pagsusuri, ayon sa tanggapan ng state prosecutor.
Kaugnay ito ng naunang imbestigasyon ng Philippine National Police matapos matagpuan ang mga larawan ng pang-aabuso sa mga bata at isang laptop sa dating tirahan ni Thomas sa Pilipinas.
#net25newsandinformation #thomasmarkle
#mexico #philippines #internationalnews #worldnews -
NET25
@NET25TV
Ibinahagi ni Mayor Benjie Magalong kay Atty. Ed Chico ang natuklasang hindi makatarungang alokasyon ng pondo sa mga flood control project. Aniya, pinalagpas sa "absorptive capacity" ng isang distrito ang ibinigay na budget kaya naging kwestiyonable ito.
#net25newsandinformation #net25 #legallyfunny #attyedchico #mayorbenjiemagalong #benjiemagalong #floodcontrolbudget #floodcontrolprobe #newsph
youtu.be/GZ_cykEjoaA -
NET25
@NET25TV
Hinihimok ang bawat mamamayan na huwag matakot magsalita at maging bahagi ng pagbabago para sa bayan.
youtu.be/zEDQbf4LhQI -
NET25
@NET25TV
Ano nga ba ang Battered Woman Syndrome at paano ito nagiging basehan pang-depensa? Tinalakay ito sa #aspn kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na absuweltuhin ang isang misis sa kasong pagpatay sa kanyang asawa.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/6mp7H-cK5VQ -
NET25
@NET25TV
Nagbabala ang DOH sa pagdepende sa water filtration devices para sa kaligtasan ng inuming tubig sa harap ng Super El Niño. #net25newsandinformation #matangagilasatanghali #doh #elnino #waterfilter #newsph
youtu.be/V1sh7oEA9Fw -
NET25
@NET25TV
Matinding pagsubok ang kinaharap ng mga pamilyang naapektuhan sa pagkatupok ng MV June Aster sa baybayin ng Coron, Palawan, kabilang ang walong (8) taong gulang na survivor na si Rashida na nagtamo ng mga sugat at nawalan ng mga mahal sa buhay.
Upang maghatid ng aliw, tulong, at paunang pagbangon sa gitna ng naranasang trahedya, naglakbay ang mga kinatawan ng Felix Y. Manalo Foundation at Iglesia Ni Cristo patungong Coron at Cuyo Island.
#fymfoundation #inclingap
youtu.be/DkKeYz0ik38 -
NET25
@NET25TV
BANANA KETCHUP WITH A TWIST? BAGO ‘TO! ✨
#girlcode!
Nasubukan mo na ba ang homemade banana ketchup ni Gwyneth Paltrow? Kung hindi pa, ito na ang chance mo para i-try ang recipe na 'to! 😋
youtu.be/TncQF2WVCWM -
NET25
@NET25TV
TURNING ART INTO WELLNESS, WELL-BEING, AND SUSTAINABILITY! 🎨🌿
Ma-amaze sa art ni Jela Morales ng Klaypel, na nagbahagi ng mga bagong development sa kanilang family business! Mula sa simpleng art activity, lumago ito bilang #negosyongmalupet na nagsusulong ng creativity, wellness, at sustainability gamit ang recycled paper.
youtu.be/iBtWPK4eeus -
NET25
@NET25TV
Nasa 500 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center matapos ang pagsabog ng Bulkang Mayon. Nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang bulkan dahil sa patuloy na aktibidad nito batay sa monitoring ng PHIVOLCS.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/Dg_5vQSnImc -
NET25
@NET25TV
Batay sa Retirement Abroad Index 2026 ng Expatriate Group, kinilala ang Pilipinas bilang No. 1 retirement destination sa buong mundo.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/VEeWKxEoJYM -
NET25
@NET25TV
Mula sa mga pansamantalang care packages, ngayo'y pinalalawak na ang uri ng tulong tungo sa mga permanenteng imprastraktura tulad ng water facilities at street lamps sa iba't ibang komunidad sa bansa at sa abroad, ayon sa pahayag ni Kapatid na Edwil Zabala, tagapagsalita ng Iglesia Ni Cristo.
Layunin nitong hindi lamang maghatid ng direktang serbisyo kundi magsilbing inspirasyon din sa iba pang mga organisasyon upang magtulungan at magpalaganap ng kabutihan sa gitna ng mga pagsubok.
youtu.be/mm5jYBdQC6I -
NET25
@NET25TV
Sa gitna ng dumaraming banta ng kahirapan at kalamidad sa iba't ibang panig ng daigdig, ibinahagi ni Kapatid na Edwil Zabala, tagapagsalita ng Iglesia Ni Cristo, na ang pag-abot ng tulong ng Felix Y. Manalo Foundation ay nakabatay sa masusing evaluation ng mga natatanggap na kahilingan.
Nilinaw niya na bukas ang programa sa sinuman nang walang anumang kapalit, o sapilitang pagpapalit ng paniniwala bago maipaabot ang mga kinakailangang pasilidad sa mga komunidad.
youtu.be/htPcb4qPSco -
NET25
@NET25TV
Plano ng South Korea na mamuhunan sa Artificial Intelligence o AI upang palakasin ang ekonomiya ng bansa. #matangagilainternational #southkorea #artificialintelligence #ai #technology #economy
youtu.be/4hAv_BWMdo8 -
NET25
@NET25TV
Dapat na nga bang humanap ang Pilipinas ng bagong economic partner bukod sa China?
Ayon kay Prof. Alindong-Uy, mahalagang isaalang-alang ng pamahalaan ang malaking papel ng China sa kalakalan sa rehiyon, bilang pinakamalaking trading partner ng mga bansang miyembro ng ASEAN.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/cKfIzby6TZ4 -
NET25
@NET25TV
Inilunsad ni Gov. Eduardo B. Gadiano ang Balik Sigla Agrikultura upang palakasin ang agrikultura at kabuhayan sa lalawigan. Kabilang dito ang pagtatayo ng mga fishpond at iba pang livelihood program.
#net25newsandinformation #saganangmamamayan #occidentalmindoro #eduardogadiano #baliksiglaagrikultura #agrikultura #kabuhayan #livelihoodprograms
youtu.be/tPO579SH8MI -
NET25
@NET25TV
Patuloy ang Rotary International sa pagpuksa sa polio sa mundo sa pamamagitan ng pagbabakuna at pagpapalawak ng kamalayan. Layunin nitong protektahan ang mga bata laban sa nakakahawang sakit.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #rotaryinternational #endpolio #polioeradication #vaccination #immunization #childhealth
youtu.be/OTzLzC8DUGM -
NET25
@NET25TV
Umani ng batikos sa publiko at social media ang ₱96 kada araw na annual per capita poverty threshold ng PSA at DEPDev matapos sabihing hindi mahirap ang kumikita ng naturang halaga araw-araw.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #povertythreshold #psa #depdev #kahirapan #povertyline
youtu.be/PWTgCFDbN5k -
NET25
@NET25TV
Lumagda ang United States, Japan at South Korea sa Memorandum of Cooperation upang palawakin ang kanilang kooperasyon sa Arctic region. #matangagilainternational #unitedstates #japan #southkorea #arctic #internationalcooperation
youtu.be/8n7Jejg-sXQ -
NET25
@NET25TV
Kinumpirma ng Ukraine at Russia na na-hack ang kanilang emergency alert apps. Nagpakalat din ang mga hacker ng mga pekeng babala tungkol sa mga pag-ata
#matangagilainternational #ukraine #russia #cyberattack #cybersecurity #emergencyalerts
youtu.be/PVxYnsLx_qM -
NET25
@NET25TV
Umabot sa $15 billion ang halaga ng pinsala sa mga base militar ng Pentagon dahil sa digmaan sa Iran.
#matangagilainternational #pentagon #iranwar #usmilitary #militarybases
net25.com/news/pentagon-nagtamo-ng-15-b-danyos-sa-militar… -
NET25
@NET25TV
Ang mga pag-uusapang balita sa #aspn ngayong Martes, Nov. 3, 2026:
- MNLF, itinangging kinakanlong nila si Dela Rosa
- Ejercito, sisilipin ang mga insertion sa 2027 budget
- ICC, ibinasura ang hiling na gamitin ang tagalog sa opening statement sa paglilitis kay FPRRD.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=ukOw6Um-y5o
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1656723525825927 -
NET25
@NET25TV
5 TURISTA, NASAGIP MATAPOS MATANGAY NG MALAKAS NA ALON
TINGNAN: Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang turista matapos matangay ng malakas na alon habang lumalangoy sa baybayin ng Barangay Sabang, Baler, Aurora, nitong Nobyembre 1, bandang alas-4:20 ng hapon.
Ayon sa PCG, nasa 20 hanggang 30 metro mula sa pampang ang mga turista nang makaranas ng panganib dahil sa malalakas na alon. Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard Station Aurora katuwang ang Baywatch team at ligtas na naihatid sa dalampasigan ang lima.
Kinumpirmang walang nasaktan sa insidente at hindi kinailangang dalhin sa ospital ang mga turista. Paalala naman ng PCG sa publiko na sundin ang mga abiso sa kaligtasan sa mga baybayin at iwasang lumangoy kapag malakas ang alon o mapanganib ang kondisyon ng dagat.
📸: CGDNELZN / FB
#net25newsandinformation #aurora #coastguard
#baler -
NET25
@NET25TV
BASAHIN: Itinanggi ng Moro National Liberation Front (MNLF) na pinoprotektahan nila si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, na pinaghahanap ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y mga pagpatay sa drug war ng administrasyong Duterte.
Kasunod ito ng mga ulat na maaaring nagtatago ang senador kasama ng isang armadong grupo sa Mindanao.
📷: MNLF
#net25newsandinformation #senate #batodelarosa #mnlf #icc #crimesagainsthumanity #drugwar #duterteadministration -
NET25
@NET25TV
Inaresto ang dalawang dayuhan matapos umanong ikulong ang tatlong Pilipinong manggagawa sa isang condominium sa Malate, Manila.
Ayon sa CIDG, ni-recruit umano ang mga biktima bilang mga virtual assistant kapalit ng sahod na hanggang 500 dolyar kada buwan. Sa halip, pinagmememorya sila ng mga script para sa hinihinalang love scam.
Nasagip ang tatlong biktima sa operasyon ng CIDG at Manila Police District noong Oktubre 28, bago pa sila mailipat sa Bohol.
Nahaharap ang mga suspek sa mga reklamo ng human trafficking, illegal detention at grave coercion.
📷: CIDG
#net25newsandinformation #maynila #manila #humantrafficking #lovescam #scamhubs -
NET25
@NET25TV
ALEX'S NEW CAREER-HIGH 🎾
Pasok sa World No. 17 si Pinay tennis superstar Alex Eala, ayon sa Women’s Tennis Association (WTA).
Kasunod ng bagong career milestone, sasabak naman si Eala sa Hong Kong Open kung saan makakaharap niya si Alycia Parks sa Martes, Nobyembre 3.
📷: Alex Eala
#net25newsandinformation #alexeala #worldno17 #teamalexeala #teamphilippines #wta -
NET25
@NET25TV
DAAN-DAANG BAHAY, NATUPOK SA ZAMBOANGA CITY
TINGNAN: Mahigit 500 na bahay ang natupok sa sunog na sumiklab pasado alas-8 ng gabi noong Linggo, Nobyembre 1, sa Barangay Tugbungan, Zamboanga City. Bukod sa mga bahay, natupok din ang ilang sasakyan at kagamitan, habang napinsala ang mga linya ng kuryente sa lugar.
Maraming residente ang nawalan ng mga gamit na pinaghirapan sa loob ng maraming taon. Kabilang dito ang ilang pamilya na nagsabing halos lahat ng kanilang naipundar ay natupok sa sunog.
Dinala sa Tugbungan Elementary School ang mga residenteng nawalan ng tirahan, bagama't marami ang nagpasyang makituloy muna sa kanilang mga kamag-anak. Hinihintay pa ang pasya ng pamahalaang lungsod at Department of Education kung mananatili ang mga evacuee sa paaralan o ililipat sa City Evacuation Center sa Barangay Cabatangan. | via Ely Dumaboc
#net25newsandinformation #zamboangacity #sunog #tugbungan #fireincident #disasterresponse -
NET25
@NET25TV
BABALA: SENSITIBONG BALITA
Umalis patungong Pilipinas noong Mayo 2024 ang Filipino na si Rommel Bacani matapos siyang masangkot sa imbestigasyon kaugnay ng umano’y pang-aabuso sa isang menor de edad sa Saipan, ayon sa Federal Bureau of Investigation (FBI).
Ayon sa affidavit ng FBI, inakusahan si Bacani ng paulit-ulit na pang-aabuso sa isang 13-anyos na batang babae. Nakasaad din sa imbestigasyon ang alegasyon ng pang-aabuso sa nakababatang kapatid nitong walong taong gulang.
Kinasuhan si Bacani sa Northern Mariana Islands noong Mayo 12, 2025. Ayon sa FBI, umalis si Bacani sa Saipan upang hindi maharap sa kaso. Maaari siyang makulong nang hanggang limang taon dahil sa kasong may kaugnayan sa umano’y pagtakas niya.
#net25newsandinformation #saipan
#fbi #childabuse #philippines -
NET25
@NET25TV
Nahuli ang isang 62-anyos na Amerikano sa NAIA Terminal 3 matapos umanong magpuslit ng 17.46 kilo ng marijuana kush na nagkakahalaga ng ₱17.4 milyon.
Ayon sa mga awtoridad, natagpuan ang ilegal na droga sa kaniyang maleta. Nakatago ito sa 15 paketeng selyado gamit ang vacuum packaging.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
📷: PNP AVSEG
#net25newsandinformation #naia #kush #marijuana #illegaldrugops #investigation #seized -
NET25
@NET25TV
Gumawa ng kasaysayan si Kimi Antonelli matapos maging pinakabatang world champion sa Formula One sa edad na 20. Nasungkit ng Italian driver ng Mercedes ang kaniyang unang world title matapos magtapos sa ikatlong puwesto sa Mexico City Grand Prix. Si Max Verstappen naman ang nagkampeon sa karera.
Nalampasan ni Antonelli ang rekord ni Sebastian Vettel, na nagwagi ng world championship sa edad na 23 noong 2010. Siya rin ang kauna-unahang Italian na nagkampeon sa Formula One mula noong 1953, nang makamit ito ni Alberto Ascari.
#net25newsandinformation #kimiantonelli #formulaone #f1 #mexicograndprix #mercedesamg #maxverstappen #motorsports #sportsnews -
NET25
@NET25TV
Kinilala bilang National Cultural Treasure ang Maligcong Rice Terraces sa Bontoc, Mountain Province dahil sa mayamang kasaysayan at kulturang kinakatawan nito. Pormal na ipinagkaloob ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang heritage marker sa lokal na pamahalaan noong Oktubre 19 sa Metropolitan Theater sa Maynila.
Layunin ng deklarasyon na mapangalagaan ang tradisyonal na pagsasaka, katutubong kaalaman at pamana ng mga Igorot na ilang siglo nang nagpapanatili sa mga hagdan-hagdang palayan. Patuloy din itong nagsisilbing kabuhayan ng mga residente at dinarayo ng mga turista.
#net25newsandinformation #maligcongriceterraces #mountainprovince #bontoc #nationalculturaltreasure #culturalheritage
#igorotheritage #philippineculture #heritageconservation -
NET25
@NET25TV
Bumagsak ang isang Learjet 60 na may sakay na siyam na katao sa isang residential area sa Florida, U.S.A. nitong Linggo, Nobyembre 1, ayon sa Federal Aviation Administration (FAA).
Nasawi ang lahat ng siyam na sakay nang bumagsak ang eroplano bandang 12:50 ng p.m. (local time).
Patungo sana sa North Eleuthera Airport sa Bahamas ang eroplano nang mangyari ang insidente.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #usa #planecrash #airportcrash #faa #airport #bahamas -
NET25
@NET25TV
Umabot sa 785 pampubliko at pribadong paaralan sa Albay ang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Mayon noong nakaraang linggo.
Ayon sa DepEd, nasa 311,259 mag-aaral, guro at kawani ng paaralan ang naapektuhan. Kabilang dito ang mga paaralang nasa permanent danger zone (PDZ), gaya ng Calbayog at Magapo Elementary Schools.
Dahil dito, ipatutupad muna ang alternative learning delivery mode hanggang humupa ang aktibidad ng bulkan.
📷: Djorhiz Bartolome
#net25newsandinformation #deped #mayonvolcano #phivolcs #alternativelearningmode #learningissues #bulkangmayon -
NET25
@NET25TV
TIYUHIN, ARESTADO SA KASONG PANGHAHALAY SA 12-ANYOS NA PAMANGKIN
TINGNAN: Arestado ang isang 50-anyos na lalaki na kabilang sa provincial-level Most Wanted Person matapos ang isinagawang warrant operation ng pulisya nitong Linggo ng hapon, Nobyembre 1, sa Barangay San Juan, Panukulan, Quezon.
Ayon sa Panukulan Municipal Police Station, suspek umano ang lalaki sa panghahalay sa kaniyang 12-anyos na pamangkin sa bahay ng biktima noong Enero 10, 2026. Kasalukuyan siyang nakapiit sa Panukulan MPS at nahaharap sa kasong rape by sexual assault.
#net25newsandinformation #quezonprovince
#calabarzon #crimenews -
NET25
@NET25TV
WANTED SA KASONG MURDER, NAARESTO SA LAGUINDINGAN AIRPORT
TINGNAN: Naaresto ang isang 49-anyos na lalaki na biyaheng Maynila matapos matukoy ng mga awtoridad ang nakabinbing warrant of arrest laban sa kaniya kaugnay ng kasong murder. Nahuli ang suspek sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental noong Oktubre 30, 2026. | via Egypt Fuentes
📸: PNP Laguindingan
#net25newsandinformation #laguindinganairport #misamisoriental #wantedperson #arrested #crimenews #philippinenews -
NET25
@NET25TV
Nakapagtala ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ng 1,499,454 foot traffic mula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 1.
Pinakamaraming pasahero ang naitala noong Oktubre 26, na umabot sa 197,288.
Samantala, 260 ipinagbabawal na kagamitan ang nakumpiska ng PITX security personnel mula Oktubre 25 hanggang 29. Kabilang dito ang 89 na kutsilyo, 51 na lighter, 46 na butane gas at 35 na cutter. | via Jim Tejano
#net25newsandinformation #pitx #foottraffic #commuter #longweekend -
NET25
@NET25TV
Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, inaasahan bukas, Nov.3, 2026
ESTIMATED OIL PRICE ADJUSTMENT
DIESEL: - P0.50 - 1.00/ L
GASOLINE: + P2.00 - P2.50/L
KEROSENE: - P1.50-2.00/L
#net25newsandinformation #aspn -
NET25
@NET25TV
Narito na ang #aspn ang Ating Sinundang Pangunahing News ngayong Lunes, Nov. 2, 2026:
- Mayorya sa Senado, suportado ang pag-alis sa kuwestiyonableng pondo sa 2027 national budget
- PAWS, nanawagan ng imbestigasyon sa mga pet crematorium sa buong bansa
- Alert level 3, nananatiling nakataas sa Bulkang Mayon
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=HARvLINPP8M
FB: www.facebook.com/NET25TV/videos/1108818005094256 -
NET25
@NET25TV
Nakapagtala ang PITX management ng humigit sa 1M na byahero ang dumagsa sa terminal simula Oktubre 25 hanggang Oktubre 30, noong Oktubre 26 ang may pinakamataas na naitala ng management.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #pitx #longweekendholiday -
NET25
@NET25TV
Pinili ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pormal na talikuran na ang karapatan niyang dumalo ng personal sa ikalimang status conference ng ICC sa Nobyembre 2.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #icc #fprrd #statusconference
youtu.be/jSI2lKSqK_0 -
NET25
@NET25TV
Napagkasunduaan na ng DPWH at Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito na tanggalin ang mga proyekto na kulang sa dokumento sa 2027 budget, ayon sa senador ang mga proyekto na hindi makakasunod sa bagong plenary deliberations ng senado ay aalisin.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #dpwh #2027nationalbudget #jvejercito #senado
youtu.be/gWK67yLdwaI -
NET25
@NET25TV
Ayon sa PHIVOLCS, muling nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon kaninang madaling araw, umabot sa 200 meter ang abo mula sa crater, samantalang nananatili pa rin sa alert level 3 ang bulkan.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #phivolcs #bulkangmayon
youtu.be/Hd4BnFCV9YU -
NET25
@NET25TV
Pitong indibidwal ang nasawi sa pagbaha sa Syria kabilang ang limang bata, ayon naman sa Ministry of Emergency and Disaster Management ng bansa, lubos na naapektuhan ang ilang probinsya.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #syria #floods
youtu.be/4ovGhz7MuYw -
NET25
@NET25TV
Nabigo si Filipina tennis star Alex Eala na matalo si Russian Powerhouse Diana Shnaider sa Tokyo Open Quarterfinals.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #alexeala #tennis #dianashanaider
youtu.be/SxUkgP5RyGU -
NET25
@NET25TV
Paghahanda sa Licensure Examinations ay nananatiling malaking hamon para sa mga bagong graduates kaya naman isinusulong ng PARC ang tamang paghahanda at gabay para sa tagumpay ng mga aspiring professionals.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #parc #licensureexaminations
youtu.be/c4jWaL02eKA -
NET25
@NET25TV
Balik Pilipinas muli ang LANY upang magpakilig sa kanilang fans sa 2-days concert nila sa Philippine Arena para sa kanilang ‘soft’ world tour.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #lany #softworldtour #philippinearena
youtu.be/-1I07HicM-E -
NET25
@NET25TV
Tensionado pa rin sa pagitan nina Brazil re-elected President Lula Da Silva at Senador Flavio Bolsonaro kahit pa natapos na ang eleksyon.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #brazil #luladasilva #flaviobolsonaro
youtu.be/RrSRf8Bkf-o -
NET25
@NET25TV
"HOW CAN PEOPLE COMPLY KUNG HINDI NAMAN GUMAGANA YUNG SISTEMA?"
Sa panayam ng RESPONDE SA PRIMETIME, binigyang-linaw ng content creator na si Antonette Aquino ang hinaing ng mga online seller at content creator tungkol sa registration seal badge requirement ng BIR, na kamakailan ay sinuspinde muna ng ahensya. Aniya, dapat ay konsultahin ng BIR ang content creators at online sellers, lalo na't ang mga ito ay ilan lang sa mga bagong industriya na may kaugnayan sa pagnenegosyo. Sinuspinde ng BIR ang pagpapatupad ng polisiya dahil sa mga agam-agam sa isyu ng data privacy, technicality at effectiveness nito.
#net25 #respondesaprimetime #alexsantos -
NET25
@NET25TV
2 WEEKS UNTIL THE BLACK PARADE RETURNS! 🖤
Babalik sa Pilipinas ang My Chemical Romance sa Nobyembre 14 para sa concert nito sa Philippine Arena, bilang bahagi ng South East Asia Tour.
Kasabay nito ang ika-20 anibersaryo ng The Black Parade, ang album sa likod ng ilan sa mga pinakakilalang kanta ng banda.
#net25newsandinformation #mychemicalromance #theblackparade #southeastasiatour -
NET25
@NET25TV
Pasok ang BTS sa limang categories ng 18th Melon Music Awards, kabilang ang Artist of the Year, Album of the Year para sa “ARIRANG,” Song of the Year para sa “SWIM,” Global TOP10 at Best Male Group.
Kasama rin ang BTS sa mga nominado sa tatlong major award categories.
Gaganapin ang awards ceremony sa November 14 at 15 sa Seoul, South Korea.
#net25newsandinformation
#bts #army #mma2026 #arirang #swim #kpop #hallyupop -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Kinasuhan na ng murder ang apat sa anim na persons of interest sa pagkamatay ng working student at busker sa Batangas na si Charles Usi.
Matatandaang sa panayam sa Responde sa Primetime, sinabi ni San Jose Chief of Police PMaj. Florencio Caisip Jr. na nagsagawa sila ng backtracking sa mga CCTV sa area ng pinangyarihan ng insidente para tukuyin ang naging papel ng mga naturang POI sa krimen.
Panoorin ang buong interview sa RESPONDE SA PRIMETIME: www.youtube.com/watch?v=qlLP3SnmuRw&t=475s
#net25 #respondesaprimetime #alexsantos -
NET25
@NET25TV
Nahalal si Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua bilang unang Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos makakuha ng 51 boto sa Bangsamoro Parliament nitong Biyernes, Oktubre 30.
Tinalo niya si dating Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim na nakakuha ng 27 boto. Isang mambabatas ang nag-abstain sa botohan.
Dating pinuno si Macacua ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF), ang armadong sangay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
#net25newsandinformation #barmm #bangsamoro -
NET25
@NET25TV
Nabigo si Alex Eala na makapasok sa semifinals ng 2026 Pan Pacific Open matapos matalo kay Diana Shnaider ng Russia sa three-set match, 6-2, 6-7(5), 6-4.
Nakuha ni Eala ang unang set, ngunit nakabawi si Shnaider sa second set at nagwagi sa deciding third set para tapusin ang laban.
Susunod na sasabak si Eala sa Prudential Hong Kong Tennis Open na magsisimula sa Nobyembre 2.
#net25newsandinformation #alexeala #panpacificopen #tennis
#teamphilippines #philippinesports -
NET25
@NET25TV
Nagpaalala ang Philippine Airlines (PAL) sa mga pasaherong bibiyahe o lilipat ng flight sa United States tungkol sa bagong requirement ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na epektibo mula Nobyembre 3 hanggang Disyembre 18, 2026.
Kailangang magsumite ang bawat pasahero ng form na nagpapatunay na hindi sila nagtungo o dumaan sa Democratic Republic of the Congo sa loob ng 21 days bago ang kanilang biyahe.
Saklaw ang requirement na ito anuman ang nasyonalidad ng pasahero. Hindi papayagang makasakay ang mga pasaherong hindi magsusumite ng kinakailangang form.
#net25newsandinformation #philippineairlines
#traveladvisory #ustravel -
NET25
@NET25TV
LANY RETURNS TO MANILA! 🎶
Magtatanghal ang American pop-rock band na LANY sa Philippine Arena sa Bulacan sa Nobyembre 7 at 8 bilang bahagi ng kanilang Soft World Tour.
Tampok sa mga pagtatanghal ang mga kanta mula sa kanilang mga album na Soft at Soft 2.
#net25newsandinformation #lany
#softworldtour #philippinearena
#entertainmentnews #musicnews -
NET25
@NET25TV
Nagdagdag ng medalya para sa Pilipinas si Rosegie Ramos matapos masungkit ang bronze medal sa snatch event ng women’s 53kg division sa IWF World Weightlifting Championships sa Ningbo, China, nitong Huwebes, Oktubre 29.
Nagtala siya ng 97 kg, isang kilo lamang ang layo sa gold medalist na si Zhang Haiqin ng China at silver medalist na si Miranda Ulrey ng United States, na kapwa nakapagtala ng 98 kg.
Nagtapos si Rosegie sa ikalimang puwesto matapos makapagtala ng kabuuang 211 kg. Bahagi ang torneo ng mga kompetisyong kailangan ng mga weightlifter upang makakuha ng ranking points para sa 2028 qualification sa Los Angeles Olympics.
#net25newsandinformation #ramos
#weightlifting #teamphilippines #iwfworldchampionships -
NET25
@NET25TV
Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon sa Albay nitong Sabado ng umaga, isang araw matapos ang pagputok nito. Namataan ang ash emission bandang 5:17 AM at umabot sa 200 metro ang taas ng abo mula sa bunganga ng bulkan, ayon sa PHIVOLCS.
Nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon. Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ).
Nagpatupad ng sapilitang paglikas ang Tabaco City para sa mga residenteng nasa mga apektadong lugar.
#net25newsandinformation #mayonvolcano
#albay #phivolcs #alertlevel3
#bicolregion #volcanicactivity #ashemission -
NET25
@NET25TV
Susuriin ng Commission on Higher Education (CHED) ang transaksiyon nito sa supplier na Amianan PH matapos ireklamo ng huli ang umano'y hindi pa nababayarang ASEAN souvenir items sa loob ng siyam na buwan.
Ayon sa supplier, wala silang natanggap na down payment at nahihirapan silang maningil dahil ipinapasa lamang sa iba't ibang opisyal ang kanilang mga follow-up.
Sa pahayag noong Biyernes, Oktubre 30, sinabi ng CHED na mangangalap ito ng impormasyon mula sa CHED Regional Office IV upang suriin ang reklamo at matugunan ang anumang problemang matutukoy. Gayunman, hindi pa tinukoy ng ahensya ang halaga ng transaksiyon o kung kailan mababayaran ang supplier.
#net25newsandinformation #ched #asean -
NET25
@NET25TV
Naitala sa lahat ng 27 barangay ng San Francisco, Agusan del Sur ang kabuuang 432 kaso ng dengue at dalawang nasawi, ayon sa Municipal Health Office.
Patuloy ang pagsasagawa ng misting operations, paglalagay ng larvicide at house-to-house inspections upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Hinikayat din ang publiko na sundin ang 5S strategy ng Department of Health, kabilang ang paglilinis ng mga posibleng pamugaran ng lamok, at maagang pagpapatingin sa doktor kapag nakararanas ng sintomas ng dengue.
#net25newsandinformation #denguealert
#agusandelsur #doh #healthupdate -
NET25
@NET25TV
Worldwide Lingap sa Mamamayan Special Coverage | October 31, 2026 - 10:00 AM
Youtube Main: youtube.com/live/lrxXwvznDUU
Youtube News & Information: youtube.com/live/9CZYabwBQTQ
Facebook Main: www.facebook.com/NET25TV/live_videos
Facebook News & Information: www.facebook.com/net25news/live_videos -
NET25
@NET25TV
Patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA 10c) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) as of 2:00 a.m., Oktubre 31.
Ayon sa PAGASA, mababa ang posibilidad na maging tropical depression ang LPA sa susunod na 24 oras.
Binabantayan din ang bagyong may international name na “In-Fa” na nasa labas ng PAR.
📸: DOST-PAGASA
#net25newsandinformation #weatherupdate
#lpa #bagyo #infa
#weatheradvisory #panahon
#philippineweather #dostpagasa -
NET25
@NET25TV
Pinagmulta ng ₱5.8 milyon ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Meralco PowerGen Corp., at parent company nitong Pilipinas Enterprise Management Holdings Inc. dahil sa late submission ng mga kinakailangang merger compliance reports. Binayaran na ng MGEN ang multa noong Oktubre 16, na ini-remit sa Bureau of the Treasury.
Ayon sa PCC, naantala ng 215 days ang pagsusumite ng unang quarter 2025 report, 126 days second quarter report, at 34 days ang third quarter report ng Global Energy Supply Corp., isang subsidiary ng PEMHI.
Ipinaliwanag ng mga kumpanya na nagkaroon ng oversight at pagkakamali sa pag-unawa sa mga requirement, ngunit iginiit ng PCC na kailangang sundin ang itinakdang deadline bilang bahagi ng mga kondisyon sa pag-apruba ng merger.
#net25newsandinformation #meralco
#meralcopowergen #pcc #energynews -
NET25
@NET25TV
Nakinabang ang mga senior citizen sa Las Piñas at mga karating na Lungsod sa isinagawang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo. Tampok sa programa ang pamamahagi ng care packages at iba't ibang libreng serbisyo tulad ng medical check-up, gamot, at reflexology massage upang makatulong sa kalusugan at pang-araw-araw na pangangailangan ng mga lolo at lola.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #lingapsamamamayan #lingapnews #fymfoundation
youtu.be/FYN_GpKqcZQ -
NET25
@NET25TV
PAANO KINAKAYA NG ISANG INA ANG LAHAT NG RESPONSIBILIDAD PARA SA KANYANG PAMILYA? ❤️🥹
'Yan ang #kuwentongkabarangay ni Virginia May Guzman, SA #lovetonipetandeverythaaang na matapos mabiyuda ay buong tapang na hinarap ang buhay bilang haligi ng kanilang pamilya, lalo na para sa dalawa niyang anak na may special needs. Isang kuwento ng pagmamahal, sakripisyo, at katatagan ng isang ina! 💕
#loveañover #tonipetgaba #lte #lteiheartyounorthfairview #inspirationalstory
youtu.be/5GYNfq2Uabs -
NET25
@NET25TV
MAYON, ITINAAS SA ALERT LEVEL 3
PANOORIN: Sumabog ang Bulkang Mayon kaninang 11:53 a.m., Oktubre 30.
Ayon sa PHIVOLCS, nagbuga ito ng plume na umabot ng 3 km ang taas.
Dahil dito, itinaas sa Alert Level 3 ang bulkan.
📹: PHIVOLCS
#net25newsandinformation #mayonvolcano #bulkan #updates #bulkangmayon #alertlevel3 -
NET25
@NET25TV
Nakakuha na ng court order ang Philippine National Police, upang masuri ang mga kagamitang nakuha mula sa dating tirahan sa Pilipinas ni Thomas Markle Sr.
Kabilang sa mga gamit ang apat na kahon na naglalaman ng mga computer, cellphone, hard drive at lumang videotape. Naglalaman umano ang mga ito ng ilang daang larawan ng mga batang biktima ng umano'y sexual abuse.
Naipasa na ang mga kagamitan kay Thomas Markle Jr., bago humingi ng court order ang mga awtoridad upang masuri ang mga ito. Kailangang matukoy muna ng mga imbestigador kung paano napunta sa kustodiya ni Markle Sr. ang mga naturang kagamitan bago magpasya sa pagsasampa ng kaso.
#net25newsandinformation #thomasmarkle -
NET25
@NET25TV
58 PASAHERO AT TRIPULANTE, NASAGIP SA TUMAGILID NA BARKO SA QUEZON
TINGNAN: Nailigtas ang 40 pasahero, kabilang ang dalawang sanggol, at 18 tripulante matapos tumagilid ang M/V Virgen de Peñafrancia II, may sampung metro mula sa Real Port sa Barangay Ungos, Real, Quezon, nitong Biyernes ng madaling araw, Oktubre 30.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), naganap ang insidente habang papalapit sa pantalan ang barkong nagmula sa Polillo Port. Sa pahayag naman ng Starhorse Shipping Lines, naputol umano ang mga lubid na sumusuporta sa barko dahil sa malakas na agos ng tubig.
Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente. Gayunman, matapos mamataan ang bahid ng langis sa likurang bahagi ng barko, nag-deploy ang PCG ng oil spill booms upang maiwasan ang posibleng pagkalat nito. | via Martin Banaag
📷: PCG
#net25newsandinformation #philippinecoastguard #sink #boat #accident -
NET25
@NET25TV
WHEN GENIUSES COLLABORATE 🎶🧑🎨
TINGNAN: Nagtambal ang rock band na My Chemical Romance at visual artist na si Lauren Tsai sa isang animated short film, na inilabas ngayong Biyernes, Oktubre 30.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng grupo sa ika-20 anibersaryo ng “The Black Parade” album.
PH MCRmy, ilang linggo na lang bago yanigin ng MCR ang Philippine Arena stage.
📷: MCR / Youtube
#net25newsandinformation #mychemicalromance
#laurentsai #theblackparade #preludetotheend #philippinearena #mcr #entertainmentnews -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Nakuhanan ng ilang netizen ang mala-cauliflower na usok na ibinuga ng Bulkang Mayon ngayong Biyernes ng umaga, Oktubre 30.
📷: PIA Bicol
#net25newsandinformation #mayonvolcano #bulkan #mayon -
NET25
@NET25TV
BREAKING: Sumabog ang Bulkang Mayon kaninang 11:57 a.m., Oktubre 30, ayon sa PHIVOLCS.
📹: PIA Bicol
#net25newsandinformation #mayonvolcano #bulkan #mayonThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Muling nag-abot ng tulong at serbisyong medikal ang Iglesia Ni Cristo at FYM Foundation para sa mga residenteng Muslim sa Salam Mosque Compound sa Barangay Culiat, Quezon City. Sa pamamagitan ng Lingap sa Mamamayan, pinamahagian ng care packages at binigyan ng libreng medical check-up at gamot ang mga residente upang makatutulong sa gitna ng mataas na bilihin at gastusing pangkagalingan.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #lingapsamamamayan #lingapnews #fymfoundation
youtu.be/xl1pR4cIb3E -
NET25
@NET25TV
RETIREMENT-READY KA NA BA? #mainfeed!
Ikaw, 'pag dumating ang panahon na magre-retire ka na, napag-isipan mp na ba kung anong klaseng buhay ang gusto mo sa future? 💬Join the conversation! Your future deserves a place in today’s plans, too. 👇
youtu.be/W7h3DYnIjP4 -
NET25
@NET25TV
Naghatid ng tulong ang Iglesia Ni Cristo at FYM Foundation para sa mga jeepney at tricycle driver sa Tondo, Maynila sa pamamagitan ng Lingap sa Mamamayan. Inabutan ng care packages ang mga tsuper upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at bilihin.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #lingapsamamamayan #lingapnews #fymfoundation
youtu.be/t8XNMP-WZto -
NET25
@NET25TV
Inalis na ng BIR ang 12% VAT sa system loss charges. Inaasahan ding bababa ang power costs, kaya maaaring mas mababa ang susunod na electric bill.
#net25newsandinformation #net25 #themeowmeowlatenightshow #kikobarzaga #electricbill #vat #systemlosscharges #bir -
NET25
@NET25TV
MIXED OIL PRICE SA UNANG LINGGO NG NOBYEMBRE
Asahan ang higit P3 taas-singil sa presyo ng gasolina habang may maliit na rollback naman sa diesel, ayon sa ilang oil industry expert.
Kasunod ito ng paggalaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado at mga pangamba sa suplay ng langis dahil sa tensyon sa Middle East.
#net25newsandinformation #oilprice #pricewatch #energy #langis #diesel #gasoline -
NET25
@NET25TV
EARTHQUAKE: Niyanig ng 3.8 magnitude na lindol ang Cortes, Surigao del Sur kaninang 8:40 a.m., Oktubre 30.
📷: PHIVOLCS
#net25newsandinformation #lindol #surigaodelsur #cortes #earthquake -
NET25
@NET25TV
SURPRISE DRUG TESTING SA DAVAO CITY
TINGNAN: Sinuri sa pamamagitan surprise drug testing ang daan-daang bus at van driver, kasama ang mga konduktor, sa Davao City Overland Transport Terminal at mga satellite van terminal sa lungsod.
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos bilang paghahanda sa inaasahang pagdami ng mga biyahero ngayong long weekend.
Layunin nitong matiyak na walang driver o konduktor na nasa impluwensiya ng alak o ilegal na droga habang nasa biyahe, upang maiwasan ang mga aksidente sa kalsada. | via Mesach Eros Javier
📷: Davao City Overland
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #illegalactivities #drugaddiction #investigation -
NET25
@NET25TV
Ligtas nang nakabalik sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang flight PR462 ng Philippine Airlines (PAL) matapos makaranas umano ng technical problem, kahapon Huwebes, Oktubre 29.
Patungo sanang Busan, South Korea ang eroplano nang mapilitan itong bumalik sa NAIA dahil sa naturang aberya.
Ayon sa mga awtoridad, walang naitala na sugatan o nasawi sa lahat ng 173 pasahero at pansamantalang dinala sila sa isang hotel habang inaayos ang kanilang biyahe.
#net25newsandinformation #naia #airplaneissues #pal #technicalissues -
NET25
@NET25TV
Isasagawa ang unang sesyon ng bagong halal na parlamento ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ngayong Biyernes, Oktubre 30, bandang 1:30 p.m.
Pangungunahan ni Sheikh Muslim Guiamaden ang sesyon, kung saan pipili ng temporary presiding officer na mamumuno sa 80 miyembro ng parlamento.
Matatandaang nahalal ang mga bagong mambabatas ng BARMM sa isinagawang halalan noong Setyembre 14 at manunungkulan sila hanggang Hunyo 30, 2031.
📷: Odessa Cruz
#net25newsandinformation #barmm #firstsession #parliament #barmmparliament -
NET25
@NET25TV
DAAN-DAANG NAKUMPISKANG CELLPHONE SA KULUNGAN, WINASAK NG BJMP
TINGNAN: Sinira ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 10 ang 232 nakumpiskang cellphone sa Northern Mindanao bilang bahagi ng kampanya laban sa mga kontrabando sa loob ng mga piitan.
Kabilang sa mga winasak ang 157 smartphone at 75 keypad phone na nakumpiska sa iba’t ibang jail facility sa rehiyon mula 2024 hanggang sa kasalukuyan.
Karamihan sa mga ito ay narekober sa Cagayan de Oro City Jail Male Dormitory. Ayon sa BJMP-10, banta sa seguridad at maayos na pamamahala ng mga piitan ang mga hindi awtorisadong cellphone. | via Laura Pobadora
📷: BJMP-10
#net25newsandinformation #mindanao #policenews #bjmp10 #gawadpenolohiya #contrabandseizure #illegalactivities -
NET25
@NET25TV
ROAD ADVISORY: Sisimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni sa southbound lane ng EDSA ngayong alas-10 ng gabi, Oktubre 30 hanggang Nobyembre 1.
Saklaw nito ang bahagi mula NEPA Q-Mart Bus Station, lampas sa Kamuning Flyover, hanggang Guadalupe.
📷: EDSA
#net25newsandinformation #edsa #edsarehabilitation #roadworks #longweekend -
NET25
@NET25TV
Natukoy ng National Bureau of Investigation (NBI) ang hindi bababa sa 60 katao na hinihinalang nanghikayat sa mga bata online na magsagawa ng pag-atake. May kaugnayan ito sa pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban.
Ayon sa NBI-Eastern Visayas, iniimbestigahan din ang nasa 200 iba pang tao na umano'y nang-udyok sa mga batang may problema sa pamilya o paaralan upang gumawa ng karahasan.
Matatandaang tatlong mag-aaral ang nasawi at 20 ang nasugatan sa insidente sa San Jose National High School noong Hunyo 22. Dalawa naman ang naaresto kaugnay nito.
📷: AFP
#net25newsandinformation #tacloban #schoolshooting #groomers #investigation #deped #schoolattacks -
NET25
@NET25TV
Pumanaw na ang beteranong British actor na si Patrick Stewart sa edad na 86.
Nakilala si Stewart sa pagganap bilang Captain Jean-Luc Picard sa seryeng “Star Trek” at Professor Charles Xavier sa mga pelikulang “X-Men.”
Bago siya pumanaw, nakatakda pa siyang mapanood bilang Professor Xavier sa pelikulang “Avengers: Doomsday,” na ipapalabas sa Disyembre.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #patrickstewart #professorx #startrek #avengersdoomsday #marvel #mcu -
NET25
@NET25TV
WALANG PASOK: Suspendido ang klase sa ilang lugar sa bansa ngayong Biyernes, Oktubre 30 dahil sa general maintenance sa ilang mga tanggapan at paaralan, at paghahanda sa mga aktibidad sa kani-kanilang mga lalawigan.
#net25newsandinformation #walangpasok #noclasses -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Isang low pressure area ang nabuo sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.
Huli itong namataan sa layong 585 km Silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Bagama’t malaki ang tiyansang malusaw ang bagyo, magpapaulan ito sa Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, Northern Mindanao, Caraga, at Palawan.
#net25newsandinformation #lpa #easternsamar #ulan #bagyo #trough #rain -
NET25
@NET25TV
Halos 5,000 residente sa Barangay Bañgal, General Santos City—kabilang ang mga pamilyang Muslim—ang nakatanggap ng libreng konsultasyong medikal, gamot, bitamina, at grocery items sa isinagawang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo at FYM Foundation upang makatulong sa kanilang pagbangon mula sa magkakasunod na lindol.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #lingapsamamamayan #lingapnews #fymfoundation
youtu.be/kBNLPpxCiFk -
NET25
@NET25TV
Isiniwalat ni Councilor “Tatay Rani” Ludovica ang umano’y panggigipit sa 18 Marines sa korte sa San Juan. Ayon sa kaniya, hindi in-honor ng judge ang mga requirement para sa piyansa, kabilang ang barangay certification na inisyu “for legal purposes.” #net25newsandinformation #resbak #attyharoldrespicio #councilorranulfoludovica #18marines
youtu.be/1teehLsNqLs -
NET25
@NET25TV
Patuloy ang paghina ng piso laban sa dolyar. Sa kabila nito, dapat bang manatiling kalmado ang publiko? Ayon kay Bryan Ang, VP for Industry and Manufacturing ng PCCI, inaasahang magtataas ng interest rates ang United States ngayong Nobyembre, na maaaring makaapekto sa galaw ng piso at dolyar.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/u8CoSM448uU -
NET25
@NET25TV
Ibinunyag umano ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na may proponent na tumatanggap ng kickback sa bawat proyekto ng ahensiya. Inilahad niya ito sa bail hearing ni dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #dpwh #robertobernardo #martinromualdez
youtu.be/_80cO1qJ1C0 -
NET25
@NET25TV
Mas maraming Pilipino ang hindi naniniwala sa mga binawing alegasyon laban kay VP Sara Duterte, batay sa survey ng SWS noong Setyembre 21–27. Nasa 38–44% ang hindi naniniwala, habang 23–29% ang naniniwala. #net25newsandinformation #matangagilaprimetime #sws #saraduterte
-
NET25
@NET25TV
Bukas na sa mga motorista ang NLEX-C5 NorthLink Segment 8.2 Section 1A, na nag-uugnay sa Mindanao Toll Plaza at Quirino Highway. Libre ang toll fee hanggang katapusan ng taon.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #nlex #c5northlink #roadupdate
youtu.be/anOhwP4VpQY -
NET25
@NET25TV
Pinalawak ng Trump administration ang pagsisiyasat sa mga non-citizen voter sa Estados Unidos sa pamamagitan ng pagpapadala ng subpoenas sa 13 estado bago ang midterm elections sa Nobyembre. #matangagilainternational #donaldtrump #uspolitics #midtermelections
-
NET25
@NET25TV
Taas-presyo sa produktong petrolyo inaasahan sa susunod na linggo base sa 3-araw na presyo sa world market.
PRESYO SA WORLD MARKET
OCTOBER 26-28, 2026
DIESEL: + P 0.40/L
GASOLINE: + P3.58/L
KEROSENE: + P0.30/L
#net25newsandinformation #aspn -
NET25
@NET25TV
Narito na ang mga maiinit na balita ngayong Biyernes, Oct. 30, 2026:
- 35 business at civil society groups, ipinatanggal ang insertions sa 2027 National Budget
- Malacañang: Mundo ni Bato lumiit na dahil sa massive manhunt operation
- Teodoro, itinanggi ang alegasyon ng China na inaabuso ng Pilipinas ang ASEAN membership
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=nhGGaMAb0dY
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1163909222972003 -
NET25
@NET25TV
SOLO PARENT, KAILANGANG UMABSENT PARA SA ANAK?
May leave bang maaaring gamitin? Tinalakay ni Atty. Rowena Guanzon sa Responde sa Primetime ang paid parental leave para sa mga kwalipikadong solo parent at ang kahalagahan ng pag-alam sa kanilang mga karapatan at benepisyo.
#respondesaprimetime #net25 -
NET25
@NET25TV
MGA SUMBONG NG TAUMBAYAN, KAYA PA BANG MATUGUNAN?
Ang kahirapan, kawalan ng trabaho, at mabagal na serbisyong pangkalusugan ay mga matatagal nang sumbong ng mga Pilipino.
Sa bagong budget sa 2027, tanong ni Atty. Rowena Guanzon, may maaasahan pa ba ang taumbayan?
Para sa inyo, anong serbisyo ang dapat unahing aksyunan at solusyonan?
#respondesaprimetime #net25 -
NET25
@NET25TV
HAIR AND SKIN CARE CHECK! ✅ #mainfeed!
Paano nga ba ang tamang pangangalaga sa ating hair at skin? 🤔 Ipinaliwanag 'yan ng dermatology expert at beauty care na si Dr. Maria Angela Pineda, ang COO of Dermclinic and The Good Derma! 👩⚕️
youtu.be/7w7N8n8v9Dk -
NET25
@NET25TV
Mga ka-RESPONDE, nandito na ba kayo?
Suportahan ang ating sumbungan ng bayan! I-like at i-share ang livestream ng RESPONDE SA PRIMETIME upang mas marami ang matulungan at mamulat sa kanilang mga karapatan.
Ang link ng livestream ay nasa comment section!
#net25 #respondesaprimetime -
NET25
@NET25TV
Posibleng maisakatuparan na ang plano ng Pilipinas na magkaroon ng nuclear energy matapos maglabas ng positibong resulta ang feasibility study ng South Korea. Tinalakay ang good news na yan sa #aspn kasama si Atty. Jay Layug, presidente ng Developers of Renewable Energy for Advancement.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/9JvkqYO8ITU -
NET25
@NET25TV
PAGMAMAHAL NG MAGULANG, WALANG KAPANTAY! 💙
Para matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak, dumidiskarte si Julieann Dela Cruz kasama ang kanyang asawa para magkaroon ng dagdag na income. Kahit anong puwedeng ibenta, pinapasok nila.
Isang kuwento ng pagmamahal, pagtutulungan, at pagsisikap ng magulang para sa pamilya at lalong Lalo na para sa mga anak. 🥹💞
youtu.be/yvVg2A4Ldiw -
NET25
@NET25TV
SIMPLE INGREDIENTS, BUT THE STEAK IS GIVING FANCY! 🍖🔥
Want to give your usual meals a luxury twist? Try this! 👀
Ipinakita ni Lorna Calvadores, kung paano gawing mas exciting ang Dodram Luncheon Meat with her very own Luncheon Meat Steak recipe! Perfect pang-level up ng meal mo nang hindi kailangang gawing complicated ang pagluluto at nasa murang halaga. 🤤
youtu.be/WEQX6JWxjgI -
NET25
@NET25TV
Maaaring magsuspinde ng klase ang mga paaralan kapag umabot sa 42°C ang heat index. #net25newsandinformation #matangagilasatanghali #heatindex #classsuspension
youtu.be/8hqpg_U-1Uo -
NET25
@NET25TV
Inaasahan sa Nobyembre ang pagtaas ng fuel surcharge para sa mga domestic at international flight sa Pilipinas.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #fuelsurcharge #airtravel
youtu.be/AqILY3fN91w -
NET25
@NET25TV
METROPOP LEGENDS, BACK IN ACTION! 🎵 #mainfeed! Bukod sa performance na hatid nila, kinumusta rin natin sila! 🤩 Kumusta na nga ba sina Faith Cuneta, Miles Poblete, Camille Velasco, at Anna Katrina Lara? ✨
youtu.be/d5SrZJLmqy4 -
NET25
@NET25TV
Pinayuhan ng BAN Toxics ang mga magulang at mamimili na iwasang bumili ng unauthorized squishy toys na "Squishy Delicious" dahil hindi pa ito dumaan sa mandatory FDA notification process.
Maaaring may mga delikadong kemikal na matatagpuan sa mga laruan na posibleng makasama sa kalusugan at development ng mga bata. May mga nauna ring product recall sa United Kingdom at United States matapos matukoy ang mataas na konsentrasyon ng benzene sa kahalintulad na squishy dumpling toys.
Hinimok ng BAN Toxics ang mga kinauukulang ahensya na tiyaking hindi kakalat sa merkado ang mga produktong maaaring magdulot ng panganib sa mga bata.
#net25newsandinformation #consumersafety
#squishytoys #bantoxics -
NET25
@NET25TV
BASAHIN: Tinawag ni Atty. Salvador Paolo Panelo Jr., tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte, na premature at distracting sa mga isyu ng impeachment ang mga usapan tungkol sa posibleng papalit sa bise presidente.
📷: Atty. Salvador Panelo Jr.
#net25newsandinformation #senate #premature #indaysaraduterte #distraction #vpsara #replacement -
NET25
@NET25TV
Bubuksan muli ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpaparehistro ng mga botante sa Nobyembre 10 bilang paghahanda sa 2028 national at local elections.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, tatagal ang pagpaparehistro hanggang Hulyo 30, 2027.
Hinihikayat ng Comelec ang mga hindi pa rehistradong botante na magparehistro, habang pinapayuhan naman ang mga rehistrado na i-update ang kanilang impormasyon, gaya ng civil status at tirahan, bilang paghahanda sa halalan.
📷: Comelec
#net25newsandinformation #comelec #pollbody #voterregistration #2028nle #nationallocalelections -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Mula sa ₱64 kahapon, Oktubre 28, lumakas ang halaga ng piso kontra dolyar na nasa ₱63.88 ngayong Huwebes, Oktubre 29, ayon sa Bank Association of the Philippines (BAP).
#net25newsandinformation #dollar #peso #moneyexchange -
NET25
@NET25TV
AERIAL SURVEILLANCE, IKINASA BAGO ANG INAUGURAL SESSION NG BANGSAMORO PARLIAMENT
TINGNAN: Nagsagawa ng aerial surveillance ang 6th Infantry Division at Philippine Air Force sa Cotabato City bilang paghahanda sa inaugural session ng Bangsamoro Parliament sa Biyernes, Oktubre 30.
Layunin ng operasyon na matiyak ang seguridad sa lungsod at mga karatig-lugar bago ang inaasahang pagpili ng bagong Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kasunod ng halalan noong Setyembre 14. | Ely Dumaboc
📸: Jasper Acosta
#net25newsandinformation #barmm
#cotabatocity #bangsamoroparliament -
NET25
@NET25TV
Iniulat ng People’s Budget Coalition na kabilang sa mga distritong may pinakamalaking dagdag na pondo para sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na taon ay ang distrito ni Batangas 2nd District Representative Gerville Luistro.
Ayon sa grupo, umaabot umano sa ₱1.3 bilyon ang budget insertion sa distrito ng mambabatas.
Depensa naman ni Luistro, hindi siya lumahok sa pagbuo ng budget dahil abala raw siya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
📷: Senate
#net25newsandinformation #peoplesbudgetcoalition #funds #dpwh #floodcontrolprojects #batangas #budgetinsertions -
NET25
@NET25TV
RIOT SA MADRID
PANOORIN: Gumamit ng tear gas ang riot police sa Madrid, Spain upang mapigilan ang humigit-kumulang 500 raliyista sa labas ng Ministry of Transport. Nanawagan ang mga demonstrador na magbitiw sa puwesto sina Transport Minister Óscar Puente at Prime Minister Pedro Sánchez.
Naganap ang protesta matapos ang banggaan ng dalawang high-speed train malapit sa Urda, Toledo, kahapon, Oktubre 28. Ayon sa mga ulat ng awtoridad, hindi bababa sa 68 katao ang nasawi at mahigit 100 ang sugatan sa insidente.
Ikinagalit ng mga nagprotesta ang umano’y pagkukulang sa seguridad ng sistema ng tren at ang pananagutan ng pamahalaan sa trahedya. Gumamit ng tear gas ang mga pulis matapos umanong maghagis ng mga bote at flare ang ilang demonstrador.
#net25newsandinformation #philippineembassy #spain #traincrash #traincincident #investigation #repatriation #casualtycountThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
ABERYA SA SPAIN
PANOORIN: Naantala ang biyahe ng mga tren sa Santa Justa station sa Seville, Spain nitong Miyerkules, Oktubre 28 (local time).
Sinuspinde ang mga biyahe ng tren papuntang Madrid kasunod ng banggaang ikinasawi ng 68 katao.
📹: Reuters
#net25newsandinformation #philippineembassy #spain #traincrash #traincincident #investigation #repatriation #casualtycountThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Umabot na sa 68 ang nasawi matapos magbanggaan ang dalawang tren sa Urda, Spain nitong Miyerkules, Oktubre 28, ayon sa mga awtoridad. May 80 katao rin ang nasugatan, kabilang ang 15 na nasa malubhang kalagayan.
Batay sa paunang imbestigasyon, pinayagan umanong bumiyahe ang isang tren kahit naka-ilaw ang red sign na nagsasabing dapat itong huminto dahil may nakahintong tren sa unahan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong dahilan ng aksidente.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #philippineembassy #spain #traincrash #traincincident #investigation #repatriation #casualtycount -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na libre ang pagdaan sa NLEX C5 Northlink Segment 8.2 Section 1A, na nag-uugnay sa Quezon City at Valenzuela City, hanggang sa katapusan ng 2026.
#net25newsandinformation
#nlex #motoristadvisory #trafficadvisory #nlexperience #nlextraffic #toll -
NET25
@NET25TV
DRUG SUSPEK SA ZAMBOANGA DEL SUR, TIMBOG
TINGNAN: Arestado ang isang lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Nasamsam mula sa suspek ang mahigit tatlong gramo ng hinihinalang shabu at buy-bust money.
Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya. | via Eric Bachiller
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #illegalactivities #drugaddiction #investigation -
NET25
@NET25TV
Nagtamo ng minor injuries ang isang Pilipino matapos magbanggaan ang dalawang tren malapit sa Urda, Spain, nitong Miyerkules, Oktubre 28.
Ayon sa Philippine Embassy in Spain, dinala sa ospital ang Pinoy na hindi pa ibinibigay ang pagkakakilanlan.
Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng embahada sa mga awtoridad upang alamin kung may iba pang Pilipinong sangkot sa aksidente.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #philippineembassy #spain #traincrash #traincincident #investigation #repatriation #casualtycount -
NET25
@NET25TV
Pinuna ng Commission on Audit ang PSA matapos mabigong maipaliwanag ang pagkawala ng mga kagamitang nagkakahalaga ng P12.98 milyon, kabilang ang mga PhilSys registration kit, laptop, scanner, at monitor. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/efwNrntKyoU -
NET25
@NET25TV
Gumastos ang Maynilad Water Services Inc. ng halos P10 billion para ayusin ang pasilidad ng La Mesa Dam. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/5HFbHW-qdsI -
NET25
@NET25TV
APP PARA SA MAS MADALING PAGCO-COMMUTE! 🚌📱 Ibinahagi ni Julian Rob Ong dito sa #lovetonipetandeverythaaang ang kaniyang #projectkabarangay, ang PresyoByahe App na tumutulong sa mga commuter na malaman ang pamasahe sa iba’t ibang uri ng transportasyon! 🚍✨
#net25 #net25entertainment #lovetonipetandeverythaaang #tonipetgaba #loveañover #presyobyaheapp #kabataangpinoy #ltenatatanginggaling
youtu.be/54nnAqKGQTQ -
NET25
@NET25TV
SPLURGE NOW, REGRET LATER? THINK BEFORE YOU SPEND! 💸
#hearmeout!
Mga bagay na gusto mong bilhin, kaya ba talaga ng budget mo? 🤔
Ikaw, paano mo bina-budget ang pera mo? 😉
Share your money goals naman diyan, and let's be financially wise! 👇
youtu.be/PTL5IGSdBVY -
NET25
@NET25TV
Nagbabala si Russian Foreign Minister Sergei Lavrov na magpapatuloy at maaaring tumindi ang digmaan sa Ukraine sa kabila ng suporta ng Estados Unidos sa Kyiv. #matangagilainternational #russia #ukraine #sergeilavrov #ukrainewar
youtu.be/S5P4PCIKAyc -
NET25
@NET25TV
Matapos bumagsak ang piso sa ₱64 kada dolyar, tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kumikilos ang pamahalaan at binabantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin, habang hinihimok ang publiko na manatiling kalmado. #net25newsandinformation #saganangmamamayan #pbbm #peso #usdphp #exchangerate #ekonomiya #presyongbilihin
youtu.be/gBcI2Szo9C8 -
NET25
@NET25TV
Nagrereklamo ang mga residente at magsasaka sa Gapan City, Nueva Ecija, dahil sa epekto ng solar farm project sa kanilang mga pananim at kabuhayan, pati na sa pagdadala ng produkto dahil sa mga kalsadang hindi na madaanan. #net25newsandinformation #matangagilaprimetime #gapan #nuevaecija #solarfarm #magsasaka
net25.com/news/solar-farm-sa-gapan-nueva-ecija-nagdudulot… -
NET25
@NET25TV
Ang mga balitang pag-uusapan sa #aspn ngayong Huwebes, Oct. 29, 2026:
- PBBM sa paghina ng piso: Don’t panic
- Dela Rosa, hiniling sa korte na pigilan ang pagpapalabas ng P50-M pabuya
- Hindi bababa sa 68, patay sa train crash sa Spain
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=sBxphw8YdGk
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/915692241494156 -
NET25
@NET25TV
Viral ngayon ang mala-futuristic na itsura ng research station ng Russia sa Antarctica, ang Vostok Station.
#matangagilainternational #vostokstation #antarctica #russia #researchstation
net25.com/news/vostok-station-ng-russia-sa-antarctica-nag… -
NET25
@NET25TV
Nangako ang Apple na papalitan ang mga depektibong iPhone Duo unit. #matangagilainternational #apple #iphoneduo #technology
youtu.be/CzRr7jaPll0 -
NET25
@NET25TV
MULA SA PERSONAL NA PANGANGAILANGAN, NAUWI SA ISANG STYLISH NA NEGOSYO! 👜✨
Nakasama natin dito sa #lovetonipetandeverythaaang si Ralph Timothy Cledoro, ang founder ng By Timmy, na gumawa ng stylish at convenient na origami bags! Alamin ang kuwento sa likod ng kaniyang kakaibang bag designs at ang kaniyang mga pangarap para sa sariling #minigosyo!
youtu.be/C783lyWLUGw -
NET25
@NET25TV
IISANG PIRASO NA LANG NAGKAHIYAAN PA KAYO! 😂 #hearmeout! Ano nga ba ang paliwanag ng isang human behavioral expert sa tinatawag na “last piece dilemma?” Ikaw, ganito ka rin ba? Comment na! 😂👇🏻
youtu.be/iKsopj-BJ6w -
NET25
@NET25TV
CAMPING GEAR NA PINOY-MADE? THIS IS OUR FLEX!
⛺️🔥 Kilalanin sa #lovetonipetandeverythaaang ang Sideout Outdoor, isang negosyong gumagawa ng camping gears na sariling atin! Mula kay Sir Jun, ang dating pagtatrabaho sa isang foreign company ay naging simula ng mas malaking pangarap—isang negosyong unti-unting lumalago at ipinagmamalaki ang husay ng Pinoy! 💯✨
youtu.be/C_c6Ost2n1w -
NET25
@NET25TV
Nakatanggap ng sensory toys, school bags, sapatos, at care packages ang mga estudyanteng may special needs sa Lusaka, Zambia sa pamamagitan ng Care for Humanity ng Iglesia Ni Cristo at FYM Foundation upang suportahan ang kanilang pag-aaral at pag-unlad.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #lingapsamamamayan #lingapnews #fymfoundation
youtu.be/6Z7OmscaK0A -
NET25
@NET25TV
Inanunsyo ng DOST-PAGASA ang pagsisimula ng Northeast Monsoon o Amihan matapos maobserbahan ang paglakas ng high-pressure area sa Silangang Asya at pagbaba ng temperatura sa extreme northern Luzon.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #pagasa #amihanseason #northeastmonsoon #ulatpanahon #weatherupdateph
youtu.be/ITtZ8tofvgg -
NET25
@NET25TV
Pinalaki sa 500,000 metriko tonelada (mt) mula sa dating 220,000 mt ang minimum access volume (MAV) ng inaangkat na mais sa ilalim ng Executive Order No. 129.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), inaasahang magkukulang ng 1.422 milyong mt ang suplay ng dilaw na mais ngayong taon.
Layunin ng dagdag na importasyon na makatulong na mapigilan ang pagtaas ng presyo ng pagkain para sa mga alagang hayop.
📷: DA file
#net25newsandinformation #da #cornsupply #mais #departmentofagriculture #agrinews -
NET25
@NET25TV
Naligtas ang isang taxi driver matapos maipit nang halos tatlong oras nang bumagsak ang isang dump truck na may kargang basura sa kaniyang sasakyan sa Payatas Road, Quezon City, nitong Martes ng gabi.
Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD), anim na katao ang nasugatan sa aksidente, kabilang ang taxi driver, apat na pasahero at ang driver ng dump truck. Agad silang dinala sa ospital.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang sanhi ng aksidente. Samantala, muling binuksan sa mga motorista ang naapektuhang bahagi ng kalsada.
📷: QCDRRMD
#net25newsandinformation #taxidriver #roadincident #roadaccident #garbagetruck #rescueops -
NET25
@NET25TV
UNANG PAGDALO SA BAIL HEARING
NEWS UPDATE: Sa unang pagkakataon, dadalo si Senador Jinggoy Estrada sa kaniyang ikatlong araw ng bail hearing sa Sandiganbayan Fifth Division ngayong Miyerkules, Oktubre 28.
Nahaharap ang senador sa kasong plunder dahil sa umano'y kickback na natanggap niya sa maanomalyang flood control projects.
Uupo naman bilang testigo ng prosekusyon si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na dadalo rin ngayong araw. | via Tjay Mendoza
#net25newsandinformation #jinggoyestrada #senate #floodcontrol #bailhearing #investigation -
NET25
@NET25TV
Pormal nang ipinatupad ngayong araw ang ikalawang tranche ng toll rate adjustment sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX).
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #cavitex #tollhike #manilacaviteexpressway #tollrates #biyahengsouth
youtu.be/oChgv5wtNWk -
NET25
@NET25TV
Humiling muli ang kampo ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) upang pigilan ang pag-aresto sa kaniya batay sa arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).
Sa isang manifestation, hiniling din ng kaniyang kampo na baligtarin ng korte ang nauna nitong desisyon na ibasura ang kahilingan para sa TRO noong Mayo 2026.
Ayon sa kaniyang kampo, may mga bagong pangyayaring dapat isaalang-alang, kabilang ang ₱50 milyong pabuya para sa kaniyang pagkakaaresto, ang pahayag ng ilang opisyal na armado at mapanganib umano ang senador, at ang utos na sumuko siya sa loob ng isang linggo.
Nananatiling hindi alam ang kinaroroonan ni Dela Rosa matapos siyang umalis sa Senado noong Mayo 14.
#net25newsandinformation #batodelarosa #tro #arrestwarrant #icc #crimesagainsthumanity #supremecourt #manifestation -
NET25
@NET25TV
Nagbabala ang Philippine Consulate sa Milan sa mga Pilipino sa Italy laban sa paggamit ng watawat ng Pilipinas para makakuha ng atensyon sa social media sa gitna ng mga protesta.
Hinimok nito ang mga Pilipino na sumunod sa batas at igalang ang pambansang simbolo matapos kumalat ang video ng isang indibidwal na may hawak ng watawat sa isang protesta.
Nilinaw ng konsulado na hindi kumakatawan sa buong komunidad ng mga Pilipino ang naturang insidente.
Samantala, iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nasawi, nasugatan, o naaresto kaugnay ng mga protestang nagsimula noong Oktubre 17.
#net25newsandinformation #dfa #italy #protests #ofws #filipino #nationalflag #respect #philippineconsulate #milan -
NET25
@NET25TV
Inaasahan ng mga senador ang matinding debate sa bicameral conference committee para sa 2027 budget kasunod ng pagkakadiskubre ng mga red flag sa House version ng General Appropriations Act bill.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/FiTW5KrfDLI -
NET25
@NET25TV
Korapsyon, smuggling, at matinding leakages ang pumipigil sa gobyerno na makolekta nang buo ang 12% VAT. Tinalakay nina Kiko Barzaga at tax expert Mon Abrea ang kalagayan ng sistema ng pagbubuwis.
#net25newsandinformation #net25 #themeowmeowlatenightshow #kikobarzaga #monabrea #vat #taxation #taxcollection
youtu.be/bzk7-tKhJa0 -
NET25
@NET25TV
GULAY NA, MASARAP PA, HINDI PA MASAKIT SA BULSA! 🤩
Gawing mas exciting ang chopsuey gamit ang Dodram Luncheon Meat! 👀
Ipinakita ni Flor deliza “Nanay Flor” Aldana, sa #lovetonipetandeverythaaang kung paano gawing mas masarap at family-friendly ang chopsuey gamit ang Dodram Luncheon Meat—isang budget-friendly na ulam na swak sa buong pamilya! 🤤❤️
youtu.be/LDpKEuVHHpk -
NET25
@NET25TV
Ayon sa DOLE, may dagdag na 30% sa hourly rate ang mga empleyadong magtatrabaho nang lampas walong oras sa November 1 at 2, na kapwa special non-working days.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #dole #overtimepay #laborrules
youtu.be/61w9MVgnlpg -
NET25
@NET25TV
FUEL SUPPORT MISSION SA BAJO DE MASINLOC
PANOORIN: Namahagi ng gasolina ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa 40 hanggang 50 bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Bajo de Masinloc noong Oktubre 27.
Ayon sa PCG, namataan din sa lugar ang ilang coast guard at military vessel ng China kaya nakaalerto ang ahensya sa mga aktibidad nito.
📹: PCG
#net25newsandinformation #pcg #refueling #bajodemasinloc #china #philippinesThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
SUNOG SA SOUTH KOREA
TINGNAN: Naapula na ang malaking sunog na sumiklab sa Guryong VIllage, Seoul, South Korea.
Sa ulat ng mga awtoridad, nasa 77 kabahayan at 107 katao ang naapektuhan ng sunog.
Patuloy na inaalam ang sanhi ng insidente.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #seoul #southkorea #guryongvillage #sunog #firealert #internationalnews -
NET25
@NET25TV
Mariing itinanggi ni Senador Jinggoy Estrada ang pahayag ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan kaugnay ng ₱7.4 bilyong halaga ng mga “congressional initiatives” na umano’y isinama sa 2025 national budget.
Ayon kay Estrada, walang opisyal na dokumentong nag-uugnay sa kaniya sa umano’y pagdaragdag ng mga proyekto ng DPWH sa budget.
Itinuro rin niya ang ulat ng Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) ng Senado, na nagsabing wala itong nakitang dokumentong nagpapatunay na nagpasok o nagbago si Estrada ng mga proyekto sa naturang pondo.
#net25newsandinformation #2025nep #nationalbudget #dpwh #governmentfunds #congressionalinitiative #insertions #pondongbayan #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
Sa pagdinig sa Sandiganbayan, sinabi ng DPWH engineer na si John Carlo Rivera na nasa ₱22.25 bilyon ang halaga ng mga proyekto sa Bulacan na may kaugnayan sa umano’y kickback na nakapangalan kay Zaldy Co.
Ayon kay Rivera, tinatayang ₱5.56 bilyon ang umano’y kickback, katumbas ng 25 porsiyento ng halaga ng mga proyekto mula 2022 hanggang 2025.
Personal ding nangolekta at nagbilang si Rivera ng perang mula sa mga kontratista at kay dating DPWH engineer Brice Hernandez. Pagkatapos, ibinigay niya ito kay dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara.
Nagbigay ng testimonya si Rivera sa pagdinig sa petisyon ni dating House Speaker Martin Romualdez na makapagpiyansa sa kasong plunder.
#net25newsandinformation #zaldyco #henryalcantara #martinromualdez #kickbackscheme #floodcontrol #bulacan -
NET25
@NET25TV
OIL SPILL SA RAK
PANOORIN: Pansamantalang isinara ang lahat ng beach sa Ras Al Khaimah (RAK), United Arab Emirates (UAE), dahil sa pagkalat ng langis mula sa isang nasirang oil tanker.
Ayon sa mga awtoridad, ipinagbabawal muna ang lahat ng aktibidad sa dagat hanggang sa magbigay sila ng abiso.
📹: Reuters
#net25newsandinformation #rak #uae #oilspill #oiltanker #tankerincidentThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
May anim na persons of interest na ang pulisya kaugnay ng pagpaslang kay Charles Usi, isang 22-anyos na musikero at working student sa San Jose, Batangas.
Ayon sa San Jose Municipal Police, apat sa kanila ang natukoy batay sa pahayag ng isang saksi.
Sinusuri ng mga imbestigador ang posibleng motibong may kaugnayan sa usaping pag-ibig o alitan sa trabaho.
Matatandaang binaril si Usi ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo noong Linggo habang pauwi mula sa isang pagtatanghal sa Lipa City.
📷: Charles Usi
#net25newsandinformation #investigation #batangas #policenews #crimenews #personsofinterest -
NET25
@NET25TV
2nd line na po yung yumanig Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang Balut Island, Sarangani, Davao Occidental kaninang 7:43 a.m., ayon sa PHIVOLCS.
Naiulat ang Intensity III sa General Santos City; Kiamba, Malapatan, at Malungon, Sarangani; Tupi, South Cotabato. Habang Intensity II sa Maasim, Sarangani at Intensity I sa Santo Niño, South Cotabato, at Kidapawan City.
Ayon sa ahensya, ito ay isa sa mga aftershock ng 7.8 magnitude na yumanig sa karagatan ng Sarangani at ng 6.5 magnitude na lindol sa Davo Occidental noong Hunyo.
📷: PHIVOLCS
#net25newsandinformation #phivolcs #davaooccidental #earthquake #lindol #aftershock -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Muling isasailalin sa red at yellow alert ang Visayas Grid ngayong Miyerkules, Oktubre 28.
Ayon sa NGCP, ipatutupad ang red alert mamayang 5 p.m. hanggang 6 p.m. habang naka-yellow alert naman bandang 2 p.m. hanggang 5 p.m. at 6 p.m. hanggang 8 p.m.
Kasunod ito ng pagtaas ng peak demand sa kuryente habang patuloy na limitado ang supply ng mga planta sa rehiyon.
#net25newsandinformation #ngcp #kuryente #redalert #yellowalert #electricity #supplyanddemand -
NET25
@NET25TV
Nagbabala ang consumer think tank na Consuma PH na magiging mas mahal ang holiday season dahil sa pagbagsak ng halaga ng piso at pagtaas ng inflation sa 7.2% noong Setyembre mula sa 6.1% noong Agosto.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/Saa9ENH4eEk -
NET25
@NET25TV
Tampok ang paggamit ng artificial intelligence (AI) sa negosyo sa AI Vision Forum Manila 2026 na gaganapin sa October 28. Ano-ano ang mga makabagong teknolohiya at oportunidad na dapat abangan sa naturang forum?
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/E1PzBltm5Vk -
NET25
@NET25TV
Bumisita sa Davao City ang ambassador ng New Zealand bilang bahagi ng matagal nang ugnayan ng New Zealand at Davao.
#net25newsandinformation #saganangmamamayan #newzealand #davaocity #diplomacy
net25.com/news/new-zealand-ambassador-bumisita-sa-davao-city -
NET25
@NET25TV
Ipinagtanggol ng Palasyo ang paghina ng piso kasunod ng patuloy na pagbaba ng halaga nito laban sa dolyar.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #piso #ekonomiya
youtu.be/yG10VfkroFQ -
NET25
@NET25TV
Naghahanda ang Pentagon na magsagawa ng panibagong pag-atake sa Iran sa loob ng 96 na oras sakaling maglabas ng kautusan si U.S. President Donald Trump.
#matangagilainternational #pentagon #iran #donaldtrump #usmilitary
net25.com/news/pentagon-naghahanda-sa-pag-atake-sa-iran -
NET25
@NET25TV
Tinamaan ng cyberattack ang GMO Internet Group, isang online financial services company sa Tokyo.
#matangagilainternational #japan #gmointernetgroup #cyberattack #cybersecurity
youtu.be/d4wIjd43D_U -
NET25
@NET25TV
Ang mga maiinit na balita sa #aspn ngayong Miyerkules, Oct. 28, 2026:
- Dating DPWH Sec. Bonoan tumestigong nakakuha ng P7.4-B si Estrada sa ‘Congressional initiatives’
- Dizon, iiwan kay Lopez ang pagtatanggal ng mga tiwaling empleyado sa DPWH
- Malacanang, tinawag na premature ang usap-usapan tungkol sa posibleng kapalit ni VP Sara
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=HkSDMoGHn0s
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/2385619725511921 -
NET25
@NET25TV
AKALA MO KILALA MO NA SI CONG “MEOW” KIKO BARZAGA? Think again!
Sa #magandangaraw, makipag-kuwentuhan at alamin ang mga fun facts, trivia at kuwentong baka first time mo lang malalaman about Kiko Barzaga.
youtu.be/-6nZ_kbMuQc -
NET25
@NET25TV
DO'S AND DON'TS SA SKIN CARE! 😱
#girlcode!
Sa tingin mo ba tama ang ginagawa mong routine sa skin care? 🤔
Drop your skin care routine nga! 👇🏻
youtu.be/_CKQUpHEMTI -
NET25
@NET25TV
OKAY LANG BANG NASA CHILD MODE ULIT SI MOMMY? 🤔😂 #hearmeout! Mommies, ano ang pinaka nami-miss ninyo noon sa inyong pagkabata? 💞 Drop your answers below! 👇🏻
youtu.be/f00S5fiEmSU -
NET25
@NET25TV
ROMANCE BOOKS VS REALITY 📚✨ #mainfeed! Minsan ka na rin bang napaisip at napatanong sa sarili mo na... "bakit parang ang taas ng standard ko dahil sa libro?" ✨ Ikaw, anong book boyfriend trait ang non-negotiable mo? 🤔
#net25 #net25entertainment #ku #kadaumaga #bookboyfriend #standard #kilig #reality
youtu.be/IIpS0WAbRBU -
NET25
@NET25TV
Inaasahang aabot sa 1.8 milyong pasahero ang daraan sa PITX ngayong long weekend. Fully booked na rin ang mga bus patungong Bicol Region.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #pitx #longweekend #bicolregion
youtu.be/AbxuKjW6tEA -
NET25
@NET25TV
Isa sa mga planong hakbang ng Bureau of Customs para malabanan ang smuggling sa bansa ang pagtatayo ng refrigerated inspection area sa loob mismo ng mga pantalan. Gayunman, ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, hindi naaprubahan ang pondong nakalaan sana para sa naturang proyekto.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/y1_IskWC9vA -
NET25
@NET25TV
Nanalo si Pinay tennis ace Alex Eala sa kaniyang unang laban sa WTA 500 Tokyo Open sa Japan laban kay British tennis contender Mika Stojsavljevic sa isang straight-set victory.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #alexeala
youtu.be/BenhC2Q6gIY -
NET25
@NET25TV
Posibleng magsimula na ang amihan o northeast monsoon sa bansa sa mga susunod na araw, ayon sa PAGASA.
Karaniwang nagdadala ang amihan ng malamig na panahon, malalakas na hangin, at pag-ulan, dagdag ng state weather bureau.
Samantala, sinabi ng PAGASA na wala pang namo-monitor na low-pressure area (LPA) o bagyo sa loob o malapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
#net25newsandinformation #amihan #northeastmonsoon #weather #forecast #par #bagyo #weatheroutlook -
NET25
@NET25TV
Natagpuang wala nang buhay ang isang walong taong gulang na Grade 2 pupil sa Baseco Beach, Maynila noong Lunes ng gabi, Oktubre 26, matapos umanong maligo kasama ang mga kalaro.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-5:30 ng hapon nang huling makita ang bata. Narekober ang kanyang katawan ng Philippine Coast Guard bandang 8:55 ng gabi matapos ang search operation kasama ang iba pang ahensiya.
Matagal nang ipinagbabawal ang paglangoy sa lugar dahil sa mga panganib at mataas na antas ng coliform sa tubig, ayon sa mga opisyal ng barangay. Iniimbestigahan na ng homicide section ng Manila Police District ang insidente.
#net25newsandinformation #basecobeach #manila #childsafety -
NET25
@NET25TV
PAWIKAN AT DUGONG, NATAGPUANG PATAY SA ROXAS, PALAWAN
TINGNAN: Dalawang magkasunod na insidente ng pagkamatay ng mga marine animal ang iniulat sa Roxas, Palawan noong Lunes, Oktubre 26. Natagpuan ang isang babaeng green sea turtle sa Barangay I at isang adult na dugong sa Isla ng Johnson.
Ayon sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), hindi pa natutukoy ang sanhi ng pagkamatay ng dalawa dahil nasa estado na sila ng pagkabulok.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga kinauukulang ahensiya sa insidente.
📸: MENRO Roxas, Palawan/ FB
#net25newsandinformation #roxaspalawan #greenseaturtle #dugong #wildlifeconservation #marinelife -
NET25
@NET25TV
Tinutulan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang hiling ng prosecution na tanggapin sa nalalapit na pagdinig ng International Criminal Court (ICC) ang recorded testimonies ng dalawang testigo na hindi na umano sila oobligahin na humarap sa korte.
Sa dokumentong may petsang Oktubre 26, hiniling ng depensa na personal na tumestigo ang mga saksi at sumailalim sa cross-examination dahil sa kahalagahan ng kanilang mga pahayag at sa umano’y mga hindi pagkakatugma sa kanilang mga naunang recorded na testimonya.
Iginiit ng depensa na hindi dapat maisantabi ang karapatan ni Duterte na maipagtanggol ang kaniyang sarili sa wastong paraan. Nakatakdang magsimula ang paglilitis sa Nobyembre 30.
📷: ICC
#net25newsandinformation #rodyduterte #icc #iccupdate #crimesagainsthumanity #investigation -
NET25
@NET25TV
Hinarang at winasak ng Saudi-led group ang tatlong ballistic missiles na ipinadala ng Houthi rebels ng Yemen sa Eastern Region ng Saudi Arabia nitong Martes ng madaling araw, Oktubre 27.
Naglabas muna ng early warning alerts ang Saudi Civil Defense dahil sa posibleng banta sa Eastern Region at Kharj governorate. Kalaunan, inanunsyo nitong lumipas na ang panganib at ligtas na ang dalawang lugar.
📷: AFP
#net25newsandinformation #yemencrisis #houthi #saudiarabia #riyadh #middleeast -
NET25
@NET25TV
IBIBIDA NATIN NGAYON ANG PAGKAING HINDI NAWAWALA SA HAPAG-KAINAN NG MGA PINOY—ANG KANIN! 🍚🇵🇭
Rice is life, mga Kabarangay! Kaya dito sa #toniknows, tampok ang iba’t ibang rice dishes mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. 😋
Comment below kung alin sa mga pagkaing ito ang gusto mong tikman! 👇
youtu.be/JNcby49T5NI -
NET25
@NET25TV
Pumanaw na ang American actor at screenwriter na si Walter Koenig sa edad na 90.
Ayon sa kaniyang agent, namatay si Koenig sa kaniyang tahanan sa North Hollywood, Los Angeles, noong Linggo, Oktubre 25 (local time).
Nakilala si Koenig sa pagganap bilang si Pavel Chekov sa iconic TV series at franchise na “Star Trek.”
📷: Reuters
#net25newsandinformation #walterkoenig #startrek #hollywoodnews #actor #screenwriter #pavelchekov #chekov #tv -
NET25
@NET25TV
RIOT SA SPAIN
PANOORIN: Nagkagulo sa Bilbao, Spain, nitong gabi ng Lunes, Oktubre 26, bunsod ng riot dahil sa pagdating ng kontrobersiyal na political commentator sa isang public event, na kalaunan ay kinansela.
Nagsagawa ng protesta ang mga grupo at radikal sa Deusto neighborhood. Sa gitna ng kaguluhan, sinunog ng mga nakamaskara ang hindi bababa sa anim na sasakyan, ilang basurahan at isang motorsiklo ng pulisya. Nagtayo rin sila ng mga nagliliyab na barikada sa Lehendakari Agirre Avenue.
Rumesponde naman ang mga awtoridad at hinarap ang mga raliyista na naghagis ng mga bato at flare. Iniulat din ang mga pag-aresto at pansamantalang pagsasara ng ilang istasyon ng Bilbao Metro.
📹: RT News
#net25newsandinformation #policenews #policevisibility #kilosprotesta #rally #spain -
NET25
@NET25TV
Iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Pilipinas si Thomas Markle kaugnay ng mga alegasyong nagmamay-ari siya ng mga larawan ng seksuwal na pang-aabuso sa mga bata. Ayon sa Department of Justice, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang task force laban sa online sexual abuse and exploitation of children sa Cebu, kung saan dating nanirahan si Thomas.
Ayon sa ulat, ang anak niyang si Thomas Jr. ang nagsumite sa pulisya ng mga ebidensiya, kabilang ang isang laptop. Pinaniniwalaang nakabalik na sa Estados Unidos si Thomas Sr.
Itinanggi ni Thomas Sr. ang mga alegasyon at tinawag ang mga ito na mga kasinungalingan.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso.
#net25newsandinformation
#thomasmarkle #cebu #philippines #childprotection
#childsexualabuse #onlinechildabuse #osaec #antihumantrafficking #doj -
NET25
@NET25TV
HISTORIC PESO ALL-TIME LOW
BREAKING: Sumadsad sa ₱64 ang halaga ng piso kontra dolyar ngayong Martes, Oktubre 27, ayon sa Bank Association of the Philippines (BAP).
Ito na ang pinakamababang halaga ng piso sa kasaysayan ng bansa.
#net25newsandinformation #dollar #peso #moneyexchange -
NET25
@NET25TV
Nagbigay ng palugit ang Bureau of Internal Revenue (BIR) hanggang Oktubre 29, 2026, para sa paghahain ng tax returns at pagbabayad ng buwis.
Saklaw nito ang quarterly Value-Added Tax (VAT) at Percentage Tax, pati ang pagsusumite ng mga kailangang dokumento.
Ayon sa BIR, pinalawig ang deadline dahil hindi magamit ang kanilang online filing at payment system.
Tiniyak din ng ahensya na walang ipapataw na multa sa mga makapaghahain ng tax returns at makapagbabayad ng buwis sa loob ng pinalawig na deadline.
#net25newsandinformation #bir #taxdeadlines #taxpayment #buwis #vat #percentagetax #taxfiling #extension -
NET25
@NET25TV
BUHAWI SA CHILE
PANOORIN: Nanalasa ang matinding buhawi sa Requínoa, O’Higgins Region sa Chile nitong Linggo, Oktubre 25 hanggang Lunes, Oktubre 26. Dahil sa buhawi, bumagsak ang mga linya ng kuryente at naapektuhan ang biyahe ng Metrotren, ayon sa mga awtoridad.
Umani ng atensiyon online ang mga video ng buhawi na sumira sa ilang bahagi ng lugar. Kasunod ito ng isa pang matinding buhawi na tumama sa Santiago noong Oktubre 13, ang unang naitalang buhawi sa lugar mula noong 1893.
📹: RT News
#net25newsandinformation #worldnews #chile #tornado #calamity #accident -
NET25
@NET25TV
Nahuli ng pulisya ang tatlong magkakapatid sa kanilang bahay sa Sitio Bagbag, Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan, sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong less serious physical injuries.
Ayon sa Bataan Maritime Police, nagsimula umano ang insidente sa mainitang pagtatalo ng biktima at isa sa mga suspek matapos sitahin ang aso ng biktima dahil sa walang tigil na pagtahol. Nauwi ito sa suntukan hanggang sa sumali ang dalawa pang magkakapatid at pinagtulungan ang biktima.
Pinayagan ng korte na makapagpiyansa ng ₱3,000 ang bawat isa para sa pansamantalang kalayaan. | via Larry Biscocho
📷: Bataan MARPSTA
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #investigation -
NET25
@NET25TV
Arestado ang 14 na drug personality sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Northern Mindanao, kung saan dalawang drug den ang nadismantle. Mahigit ₱179,000 halaga ng hinihinalang ilegal na droga ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 10, katuwang ang Philippine National Police (PNP).
Siyam na suspek ang naaresto sa buy-bust operation sa Barangay Balulang, Cagayan de Oro City, noong Oktubre 20. Samantala, apat na drug personality ang naaresto sa Barangay Sta. Cruz, Jimenez, Misamis Occidental, noong Oktubre 22, kung saan nadismantle rin ang isang drug den. Isa pang suspek, isang 33-anyos na empleyado ng Road and Traffic Administration sa Cagayan de Oro City, ang naaresto sa Barangay Canitoan noong Oktubre 22.
Nahaharap ang mga suspek sa mga kaukulang kaso dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Laura Pobadora
📷: PDEA ROX
#net25newsandinformation #crimenews #crime #illegalactivities #drugaddiction #investigation -
NET25
@NET25TV
Nagbigay ng palugit ang Bureau of Internal Revenue (BIR) hanggang Oktubre 29, 2026, para sa paghahain ng tax returns at pagbabayad ng buwis.
Saklaw nito ang quarterly Value-Added Tax (VAT) at Percentage Tax, pati ang pagsusumite ng mga kailangang dokumento.
Ayon sa BIR, pinalawig ang deadline dahil hindi magamit ang kanilang online filing at payment system.
Tiniyak din ng ahensya na walang ipapataw na multa sa mga makapaghahain ng tax returns at makapagbabayad ng buwis sa loob ng pinalawig na deadline.
#net25newsandinformation #bir #taxdeadlines #taxpayment #buwis #vat #percentagetax #taxfiling #extension -
NET25
@NET25TV
BRGY. KAGAWAD SA QUEZON, TIMBOG DAHIL SA DROGA
TINGNAN: Arestado ang isang barangay kagawad na tinukoy na No. 1 sa listahan ng mga target ng pulisya sa San Antonio, Quezon, matapos makuhanan ng hinihinalang shabu at mga baril sa isinagawang search warrant operation.
Nasamsam sa bahay ng suspek ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱53,040, isang caliber .38 revolver, isang improvised shotgun, at mga bala.
Ayon sa pulisya, nakakapagdulot umano ng takot at pangamba sa mga residente ang suspek dahil sa hinihinalang pagbebenta ng ilegal na droga at pag-iingat ng mga baril.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. | via Martin Banaag
📷: San Antonio MPS
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #illegalactivities #drugaddiction #investigation -
NET25
@NET25TV
Iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Pilipinas si Thomas Markle kaugnay ng mga alegasyong nagmamay-ari siya ng mga larawan ng seksuwal na pang-aabuso sa mga bata. Ayon sa Department of Justice, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang task force laban sa online sexual abuse and exploitation of children sa Cebu, kung saan dating nanirahan si Thomas.
Ayon sa ulat, ang anak niyang si Thomas Jr. ang nagsumite sa pulisya ng mga ebidensiya, kabilang ang isang laptop. Pinaniniwalaang nakabalik na sa Estados Unidos si Thomas Sr.
Itinanggi ni Thomas Sr. ang mga alegasyon at tinawag ang mga ito na mga kasinungalingan.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso.
#net25newsandinformation
#thomasmarkle #cebu #philippines #childprotection
#childsexualabuse #onlinechildabuse #osaec #antihumantrafficking #doj -
NET25
@NET25TV
HISTORIC PESO ALL-TIME LOW
BREAKING: Sumadsad sa ₱64 ang halaga ng piso kontra dolyar ngayong Martes, Oktubre 27, ayon sa Bank Association of the Philippines (BAP).
Ito na ang pinakamababang halaga ng piso sa kasaysayan ng bansa.
#net25newsandinformation #dollar #peso #moneyexchangerate -
NET25
@NET25TV
Wagi si Alex Eala laban sa British bet na si Mika Stojsavljevic sa unang round ng Toray Pan Pacific Open sa Tokyo, Japan.
Natapos ang kanilang laro sa score na 6-1, 6-2.
Dahil sa panalo, uusad ang Pinay tennis star sa ikalawang round kung saan makakaharap niya ang World No. 38 na si Talia Gibson.
📷: WTA
#net25newsandinformation #alexeala #tennis #sportsnews #teamalexeala #teamphilippines #panpacificopen -
NET25
@NET25TV
BRGY. KAGAWAD SA QUEZON, TIMBOG DAHIL SA DROGA
TINGNAN: Arestado ang isang barangay kagawad na tinukoy na No. 1 sa listahan ng mga target ng pulisya sa San Antonio, Quezon, matapos makuhanan ng hinihinalang shabu at mga baril sa isinagawang search warrant operation.
Nasamsam sa bahay ng suspek ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱53,040, isang caliber .38 revolver, isang improvised shotgun, at mga bala.
Ayon sa pulisya, nakakapagdulot umano ng takot at pangamba sa mga residente ang suspek dahil sa hinihinalang pagbebenta ng ilegal na droga at pag-iingat ng mga baril.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. | via Martin Banaag
📷: San Antonio MPS
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #illegalactivities #drugaddiction #investigation -
NET25
@NET25TV
Sinuspinde ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mandatory na pagpo-post online ng Registration Seal Badge para sa mga online seller at content creator kasunod ng mga reklamo tungkol sa seguridad ng kanilang personal na impormasyon.
Ayon sa mga tumutol, maaaring magamit ang impormasyong makukuha sa pag-scan ng QR code para sa paniniktik, panloloko at pagnanakaw ng pagkakakilanlan.
Sinabi naman ng BIR na ginawa ang seal badge bilang alternatibo sa pagpo-post online ng buong Certificate of Registration (COR).
Dahil dito, hindi muna ipatutupad ang deadline sa Oktubre 31, 2026, hanggang sa may bagong ilabas na abiso ang ahensya. Maaari pa ring kusang-loob na i-post ang seal badge at walang parusang ipapataw sa mga hindi magpo-post nito.
#net25newsandinformation #bir #onlineseal #cor #onlinebadge #securitythreat #dataprivacy -
NET25
@NET25TV
MATUTUYO NA ANG MGA SINAMPAY!
WEATHER UPDATE: As of 10 a.m., walang namataan na low pressure area (LPA) sa loob at labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Martes, Oktubre 27.
Ayon sa PAGASA, maaaring magpatuloy ang maaliwalas ng panahon sa mga susunod na araw. Gayunpaman, posibleng makaranas ng mahihinang pag-ulan sa ilang lugar sa Northern Luzon dahil sa northeasterly windflow.
📷: PAGASA
#net25newsandinformation #par #lpa #weatherupdate #weatherforecast -
NET25
@NET25TV
Arestado ang 14 na drug personality sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Northern Mindanao, kung saan dalawang drug den ang nadismantle. Mahigit ₱179,000 halaga ng hinihinalang ilegal na droga ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 10, katuwang ang Philippine National Police (PNP).
Siyam na suspek ang naaresto sa buy-bust operation sa Barangay Balulang, Cagayan de Oro City, noong Oktubre 20. Samantala, apat na drug personality ang naaresto sa Barangay Sta. Cruz, Jimenez, Misamis Occidental, noong Oktubre 22, kung saan nadismantle rin ang isang drug den. Isa pang suspek, isang 33-anyos na empleyado ng Road and Traffic Administration sa Cagayan de Oro City, ang naaresto sa Barangay Canitoan noong Oktubre 22.
Nahaharap ang mga suspek sa mga kaukulang kaso dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Laura Pobadora
📷: PDEA ROX
#net25newsandinformation #crimenews #crime #illegalactivities #drugaddiction #investigation -
NET25
@NET25TV
Wagi si Alex Eala laban sa British bet na si Mika Stojsavljevic sa unang round ng Toray Pan Pacific Open sa Tokyo, Japan.
Natapos ang kanilang laro sa score na 6-1, 6-2.
Dahil sa panalo, uusad ang Pinay tennis star sa ikalawang round kung saan makakaharap niya ang World No. 38 na si Talia Gibson.
📷: WTA
#net25newsandinformation #alexeala #tennis #sportsnews #teamalexeala #teamphilippines #panpacificopen -
NET25
@NET25TV
Nahuli ng pulisya ang tatlong magkakapatid sa kanilang bahay sa Sitio Bagbag, Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan, sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong less serious physical injuries.
Ayon sa Bataan Maritime Police, nagsimula umano ang insidente sa mainitang pagtatalo ng biktima at isa sa mga suspek matapos sitahin ang aso ng biktima dahil sa walang tigil na pagtahol. Nauwi ito sa suntukan hanggang sa sumali ang dalawa pang magkakapatid at pinagtulungan ang biktima.
Pinayagan ng korte na makapagpiyansa ng ₱3,000 ang bawat isa para sa pansamantalang kalayaan. | via Larry Biscocho
📷: Bataan MARPSTA
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #investigation -
NET25
@NET25TV
Sinuspinde ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mandatory na pagpo-post online ng Registration Seal Badge para sa mga online seller at content creator kasunod ng mga reklamo tungkol sa seguridad ng kanilang personal na impormasyon.
Ayon sa mga tumutol, maaaring magamit ang impormasyong makukuha sa pag-scan ng QR code para sa paniniktik, panloloko at pagnanakaw ng pagkakakilanlan.
Sinabi naman ng BIR na ginawa ang seal badge bilang alternatibo sa pagpo-post online ng buong Certificate of Registration (COR).
Dahil dito, hindi muna ipatutupad ang deadline sa Oktubre 31, 2026, hanggang sa may bagong ilabas na abiso ang ahensya. Maaari pa ring kusang-loob na i-post ang seal badge at walang parusang ipapataw sa mga hindi magpo-post nito.
#net25newsandinformation #bir #onlineseal #cor #onlinebadge #securitythreat #dataprivacy -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Isasailalim sa red alert ang Visayas grid mamayang 5 p.m. hanggang 6 p.m., ayon sa NGCP.
Habang ilalagay ito sa yellow alert bandang 4 p.m. hanggang 5 p.m. at 6 p.m. hanggang 9 p.m.
Kasunod ito ng patuloy na limitadong operasyon ng ilang large coal plants sa rehiyon at ang mahinang power import mula sa Mindanao.
📷: NGCP
#net25newsandinformation #electricity #redalert #yellowalert #ngcp #kuryente -
NET25
@NET25TV
Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan ang panahon ngayong Martes, Oktubre 27, sa Batanes, Cagayan, at Isabela dahil sa northeasterly windflow,.ayon.sa PAGASA.
Habang magdadala ito ng mga pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at natitirang bahagi ng Cagayan Valley.
Samantala, maaaliwalas na panahon na may panaka-nakang mga pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.
#net25newsandinformation #weatherupdate #northeasterlywindflow #northernluzon -
NET25
@NET25TV
WALANG PASOK: Suspendido ang klase sa ilang paaralan at lugar sa bansa ngayong Martes, Oktubre 27, dahil sa patuloy na pagtaas ng influenza-like illness (ILI) at mga aktibidad sa kanilang bayan.
#net25newsandinformation #walangpasok #noclassess #ili #governmentevents -
NET25
@NET25TV
MIXED PRICE ADJUSTMENT SA HULING LINGGO NG OKTUBRE
Epektibo simula ngayong Martes, Oktubre 27, ang karampot na rollback sa gasolina habang may bahagyang pagtaas sa diesel at kerosene, ayon sa Department of Energy (DOE).
Gasoline: P0.30 per liter ⬇
Diesel: P1.20 per liter ⬆
Kerosene: P0.50 per liter⬆
#net25newsandinformation #diesel #gasoline #kerosene #doe #oilprice #pricerollback #pricehike -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Sinibak sa puwesto si Luisiana, Laguna Mayor Jomapher Uy Alvarez dahil sa kasong grave misconduct, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Kabilang sa mga parusa kay Alvarez ang pagkansela ng kaniyang eligibility sa serbisyo publiko, pagkawala ng mga benepisyo sa pagreretiro, at pagbabawal na kumuha ng pagsusulit para sa civil service.
Awtomatikong papalit sa kaniya bilang alkalde si Vice Mayor Jonieces Acaylar.
#net25newsandinformation #luisianalaguna #dilg #gravemisconduct -
NET25
@NET25TV
Sinuri ang testimonya ng tinaguriang forensic auditor, ang pahayag ni Chel Diokno, at ang mga isyu sa AMLA kaugnay ng mga dokumento at awtoridad sa impeachment case ni VP Sara Duterte.
#net25newsandinformation #bakbakanna #saraduterte #impeachment #attyrowenaguanzon #litobanayo -
NET25
@NET25TV
Isinailalim sa state of calamity ang 66 na lugar sa Cagayan Valley dahil sa El Niño. Namahagi rin ang DA-BFAR at Trabaho Party-list ng mga bangka at kagamitang pangisda sa mga apektadong mangingisda sa Claveria.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #cagayanvalley #stateofcalamity #elnino #dabfar
youtu.be/aNLtQpetWb0 -
NET25
@NET25TV
MATUTUYO NA ANG MGA SINAMPAY
WEATHER UPDATE: As of 10 a.m., walang namataan na low pressure area (LPA) sa loob at labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Martes, Oktubre 27.
Ayon sa PAGASA, maaaring magpatuloy ang maaliwalas ng panahon sa mga susunod na araw. Gayunpaman, posibleng makaranas ng mahihinang pag-ulan sa ilang lugar sa Northern Luzon dahil sa northeasterly windflow.
📷: PAGASA
#net25newsandinformation #par #lpa #weatherupdate #weatherforecast -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Isasailalim sa red alert ang Visayas grid mamayang 5 p.m. hanggang 6 p.m., ayon sa NGCP.
Habang ilalagay ito sa yellow alert bandang 4 p.m. hanggang 5 p.m. at 6 p.m. hanggang 9 p.m.
Kasunod ito ng patuloy na limitadong operasyon ng ilang large coal plants sa rehiyon at ang mahinang power import mula sa Mindanao.
📷: NGCP
#net25newsandinformation #electricity #redalert #yellowalert #ngcp #kuryente -
NET25
@NET25TV
Pinigilan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Pilipino sa Davao International Airport matapos umanong alukin ng military work sa Eastern Europe na may sahod na ₱200,000 kada buwan.
Una nilang sinabi na papunta sila sa Thailand para sa isang Muay Thai competition, ngunit lumabas sa imbestigasyon na balak nilang magtrabaho sa Europa. Inalok umano sila ng mga recruiter sa Facebook at Telegram na nangakong sasagot sa kanilang gastos sa biyahe.
#net25newsandinformation #bi #easterneurope #militarywork #militaryservice #filipinos #ofw #europe -
NET25
@NET25TV
Bumagsak sa ₱63.95 kada dolyar ang halaga ng piso nitong Lunes, Oktubre 26, ayon sa Bankers Association of the Philippines (BAP).
Ito na ang ika-32 beses ngayong taon na nagtala ang piso ng panibagong pinakamababang halaga laban sa dolyar.
#net25newsandinformation #bap #pesodollar #exchangerate #bankersassociationofthephilippines -
NET25
@NET25TV
Sinuspinde ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpo-post online ng Registration Seal Badge para sa mga online seller at content creator dahil sa mga security concern ng kanilang personal na impormasyon.
Dahil dito, hindi muna susundin ang deadline na Oktubre 31, 2026 sa pagsunod sa naturang patakaran hanggang sa may bagong abiso.
#net25newsandinformation #bir #onlineseal #cor #onlinebadge #securitythreat #dataprivacy -
NET25
@NET25TV
Nasa 10% o 512,767 mag-aaral mula Grade 1 hanggang 3 ang nahihirapang magbasa, ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM2).
Naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang pinakamataas na bilang, na may 25.5%, sinundan ito ng Soccsksargen na may 17.7% at Zamboanga Peninsula na may 14.7%.
#net25newsandinformation #edcom2 #grade1 #grade3 #reading #readingskills #filipinos #deped #learningchallenges -
NET25
@NET25TV
NET25 Headlines | Martes | Oktubre 27, 2026
Abangan ang mga detalye ng balita sa ating NET25 social media pages.
#headlines #net25newsandinformation #kamara #2027nep #edcom2 #reading #readingskills #deped #bir #onlineseal #peso #dollar #exchangerate #europe #bir #humantrafficking -
NET25
@NET25TV
Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Pilipino sa Davao International Airport noong Oktubre 17 matapos umanong alukin ng military work sa Silangang Europa na may sahod na ₱200,000 kada buwan.
Kinilala ang mga pasahero sa mga alyas na “Johnny,” 25; “Berting,” 51; at “Tappy,” 50.
Una nilang sinabi na pupunta sila sa Thailand upang lumahok sa isang Muay Thai competition, ngunit lumabas sa pagtatanong na balak nilang magtrabaho sa Europa.
Ayon sa BI, nakilala daw ng mga paalis na Pinoy ang mga recruiter sa Facebook at Telegram na nangakong sasagot sa kanilang gastos sa biyahe
📷: BI
#net25newsandinformation #bi #easterneurope #militarywork #militaryservice #filipinos #ofw #europe -
NET25
@NET25TV
Narito na ang #aspn- ang Ating Sinundang Pangunahing News ngayong Oct. 27, 2026:
- Dizon at Lopez nagpalitan ng pwesto sa DOTr at DPWH
- P1-T insertion sa panukalang 2027 national budget, binatikos
- DepEd: Klase suspendido kapag umabot ng 42℃ na temperatura
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=KJCsUHiaATE
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1424287776494630 -
NET25
@NET25TV
MIXED PRICE ADJUSTMENT SA HULING LINGGO NG OKTUBRE
Epektibo simula ngayong Martes, Oktubre 27, ang karampot na rollback sa gasolina habang may bahagyang pagtaas sa diesel at kerosene, ayon sa Department of Energy (DOE).
Gasoline: P0.30 per liter 📷
Diesel: P1.20 per liter 📷
Kerosene: P0.50 per liter📷
#net25newsandinformation #diesel #gasoline #kerosene #doe #oilprice #pricerollback #pricehike -
NET25
@NET25TV
WALANG PASOK: Suspendido ang klase sa ilang paaralan at lugar sa bansa ngayong Martes, Oktubre 27, dahil sa patuloy na pagtaas ng influenza-like illness (ILI) at mga aktibidad sa kanilang bayan.
#net25newsandinformation #walangpasok #noclassess #ili #governmentevents -
NET25
@NET25TV
WALANG PASOK: Suspendido ang klase sa ilang paaralan at lugar sa bansa ngayong Martes, Oktubre 27, dahil sa patuloy na pagtaas ng influenza-like illness (ILI) at mga aktibidad sa kanilang bayan.
#net25newsandinformation #walangpasok #noclassess #ili #governmentevents -
NET25
@NET25TV
Ipinagpaliban ang suspensyon nina Sen. Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada habang hinihintay ang resolusyon sa kanilang motions for reconsideration, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian.
#net25newsandinformation #saganangmamamayan #rodantemarcoleta #jinggoyestrada #sherwingatchalian #senado #sandiganbayan #motionforreconsideration
net25.com/news/suspensyon-nina-marcoleta-at-estrada-ipina… -
NET25
@NET25TV
Libu-libong Israeli ang nagprotesta sa Tel Aviv laban sa gobyerno ni Prime Minister Benjamin Netanyahu bago ang pambansang halalan sa Israel.
#matangagilainternational #net25 #israel #benjaminnetanyahu #telaviv #protest
net25.com/news/protesta-laban-sa-gobyerno-ni-netanyahu-su… -
NET25
@NET25TV
Tiniyak ng tech company na Palantir na walang “kill switch” ang AI system nito kasunod ng pagkaantala ng Starlink services na ginagamit sa military operations ng Ukraine.
#matangagilainternational #net25 #palantir #artificialintelligence #starlink #ukraine -
NET25
@NET25TV
NASA GENTLE PARENTING ERA KA BA?
#hearmeout!
Paano nga ba tayo makakapagdisiplina nang hindi nauuwi sa sigawan, sagutan at samaan ng loob? ❤️
Ikaw, ano sa tingin mo ang mas epektibong paraan para makinig ang anak mo sa ‘yo? 🤔
youtu.be/Do2xlvl65TU -
NET25
@NET25TV
BREAKING: Sinuspinde ng De La Salle University (DLSU) sa Maynila ang mga klase at pinauwi ang mga estudyante at kawani matapos maiulat ang banta sa seguridad ngayong Lunes, Oktubre 26.
Nagsasagawa na ng pagsusuri ang Manila Police District (MPD) upang matukoy ang banta. Wala pang inilalabas na karagdagang detalye tungkol sa insidente.
#net25newsandinformation #threat #schoolthreat #mpd #manilapolicedepartment #dslu -
NET25
@NET25TV
Umabot na sa 365 ang mga OFW na nakauwi sa Pilipinas mula Saudi Arabia sa gitna ng sigalot sa Middle East.
Nadagdagan ang bilang matapos dumating sa bansa ang 60 OFW dakong alas-10 ng gabi noong Linggo, Oktubre 25, sakay ng Qatar Airways Flight QR928 na lumapag sa NAIA Terminal 3.
Sa ilalim ng repatriation efforts ng OWWA at Department of Migrant Workers (DMW), nagbibigay ang ahensya ng tulong sa paliparan, transportasyon, pansamantalang matutuluyan, at domestic flights, depende sa pangangailangan ng mga manggagawa.
#net25newsandinformation
#ofw #saudiarabia #kabayan #dmw #owwa -
NET25
@NET25TV
SERVE WELL, BOOCHAN! 💎
TINGNAN: Opisyal nang nag-enlist sa South Korean military sina Seungkwan at DINO ng SEVENTEEN ngayong Lunes, Oktubre 26.
Halo ang emosyon ng mga CARAT sa ibinahaging litrato ni S.Coups sa pagsisimula ng kanilang serbisyo.
“Ingat kayo, Chan at Kwan!” “See you in 2028!” saad ng ilang fans.
📷: S.Coups / IG
#seventeen #seungkwan #dino #scoups -
NET25
@NET25TV
Ayon kay Health Secretary Edwin Mercado, sisimulan sa susunod na linggo ang rollout ng bakuna laban sa influenza-like illness (ILI) dahil sa pagtaas ng mga kaso nito sa bansa.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #doh #edwinmercado #influenzalikeillness #ilivaccine #bakuna
youtu.be/xuwFTvqel40 -
NET25
@NET25TV
Isinama sa blacklist ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pitong construction company sa bansa dahil sa umano’y paglabag sa mga kontrata na may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects.
Kabilang dito ang mga kumpanyang konektado sa mga Discaya, gaya ng Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp., St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Development Corp., at Elite General Contractor & Development Corp. Sinuspinde naman nang isang taon ang Sunwest Inc., na iniuugnay kay Zaldy Co.
Kasama rin sa mga pinatawan ng parusa ang YPR Gen. Contractor and Construction Supply Inc., SYMS Construction Trading, at Wawao Builders.
Ayon sa DPWH, agad na magkakabisa ang mga parusa. Maaari ring maharap ang mga kumpanya sa iba pang pananagutan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
#net25newsandinformation #dpwh #constructionfirms #floodcontrol #investigation #blacklisted -
NET25
@NET25TV
Nagbabala ang Office of Civil Defense (OCD) sa posibleng ashfall matapos magbuga ng abo ang Bulkang Mayon sa Albay noong Oktubre 25, 2026.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #mayonvolcano #bulkangmayon #ashfall #ocd #albay
youtu.be/mePE6P_BDHk -
NET25
@NET25TV
3 ENDANGERED BIRD SPECIES, NAITALA SA APAYAO
TINGNAN: Tatlong uri ng ibon na kabilang sa threatened species ang naitala sa Barangay Sta. Filomena, Calanasan, Apayao, sa isinagawang wildlife survey.
Kabilang dito ang Rufous Hornbill, na classified as endangered, at ang Luzon Hornbill at Philippine Duck, na classified as vulnerable.
Sa kabuuan, 427 ibon mula sa 23 uri ang naitala sa survey. Pinakamarami rito ang Philippine Duck, na may 322 indibidwal. Sa Pilipinas lamang likas na matatagpuan ang species na ito.
📸: DENR-CAR
#net25newsandinformation #apayao #endangeredspecies #wildlife #kalikasan -
NET25
@NET25TV
Iniimbestigahan ng Department of National Defense (DND) ang pagbagsak ng dalawang eroplano ng Philippine Air Force (PAF) na ikinamatay ng apat na piloto sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas.
Layunin ng imbestigasyon na matukoy ang sanhi ng aksidente at makagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang kahalintulad na trahedya.
Nangyari ang insidente noong Biyernes, Oktubre 23, nang magbanggaan sa himpapawid ang dalawang SF-260 aircraft bago bumagsak sa loob ng base.
📷: PNA
#net25newsandinformation #paf #batangas #aircraft #fernandoairbase -
NET25
@NET25TV
Hinimok ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang Department of Justice (DOJ) na imbestigahan kung bakit umano’y hindi natanggap ng beteranong mamamahayag na si Philip Lustre Jr. ang subpoena bago maglabas ng arrest warrant laban sa kaniya kaugnay ng kasong cyberlibel sa Davao.
Ayon kay Remulla, dapat tiyakin ng mga prosecutor na wastong naipararating sa mga respondent ang mga subpoena at iba pang dokumento. Aniya, may mga pagkakataong maling address umano ang ibinibigay ng mga nagrereklamo, ngunit tungkulin pa rin ng mga prosecutor na magsagawa ng due diligence.
Inaresto si Lustre sa Quezon City nitong weekend at pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa ng ₱48,000. Sinabi ng kaniyang kampo na sinusuri nila ang umano’y pagkakait sa kaniya ng karapatan sa due process.
📷: PNA
#net25newsandinformation #dojinvestigation #dueprocess #remulla #philiplustre #ombudsman -
NET25
@NET25TV
Nagtapos sa ikapitong puwesto si Carlos Yulo sa men's vault final ng FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Rotterdam, Netherlands, matapos makakuha ng average score na 13.883.
Nakakuha si Yulo ng 13.333 sa unang vault matapos mawalan ng balanse sa landing. Bumawi siya sa ikalawang vault na may markang 14.433.
Nasungkit naman ni Artur Davtyan ng Armenia ang gold medal sa average na 14.850, habang silver medalist si Jake Jarman ng Great Britain sa 14.650. Bronze medalist naman si Sebastian Sponevik ng Norway sa 14.366, ang kauna-unahang world championship medal ng bansa sa artistic gymnastics.
Nagtapos din si Yulo sa ikawalong puwesto sa floor final, kaya wala siyang naiuwi na medalya sa kanyang kampanya sa Rotterdam.
#net25newsandinformation #carlosyulo #gymnastics #teamphilippines #worldchampionships -
NET25
@NET25TV
Makakapareha ni Alex Eala ang Filipino-American tennis player na si Desirae Krawczyk sa doubles event ng Pan Pacific Open sa Tokyo, Japan.
Sa Round of 16, makakaharap nila ang tambalan nina Hao-Ching Chan ng Chinese Taipei at Miyu Kato ng Japan.
Galing si Krawczyk sa kampeonato sa doubles event ng Ningbo Open, kung saan nakapareha niya si Fanny Stollár. Si Eala naman ay umabot sa Round of 16 ng singles event bago natalo kay Diana Shnaider ng Russia.
May lahing Pilipino si Krawczyk. Apat na beses na rin siyang nagkampeon sa Grand Slam mixed doubles.
#net25newsandinformation #alexeala #desiraekrawczyk #teamphilippines #panpacificopen #tennis -
NET25
@NET25TV
Tinalakay ni Cora Guidote, dating opisyal ng BSP, kung paanong ang umano’y laganap na padulas, mahal na permits, at mataas na inflation ay nagtutulak sa mga lokal na negosyante at investor na lumipat sa ibang bansa.
#net25newsandinformation #theoperator #coraguidote #ekonomiya #trending #pinoynews
youtu.be/HXT1WhvAMMI -
NET25
@NET25TV
Iginiit ni Atty. Rowena Guanzon na dapat ma-acquit si VP Sara Duterte sa impeachment case, hindi lamang i-withdraw ang kaso. Tinawag niya itong “dirty tactics” at inihambing sa kaso ni dating Chief Justice Corona. Aniya, maaalala ito ng taumbayan sa 2028 elections.
#net25newsandinformation #net25 #bakbakanna #attyrowenaguanzon #vpsaraduterte #impeachment
youtu.be/6xXHkXOWmvI -
NET25
@NET25TV
Tinuligsa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang panawagan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na alisin sa ahensiya ang karapatang mag-isyu ng visa at ipasa ang proseso sa third-party service provider.
Ayon sa DFA, hindi lamang administratibong proseso ang pag-iisyu ng visa dahil nangangailangan ito ng masusing pagsusuri sa mga aplikasyon at beripikasyon ng mga dokumento.
Iginiit din ng ahensiya na ang kapangyarihang aprubahan o tanggihan ang visa ay nananatiling responsibilidad ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga embahada at konsulado ng Pilipinas.
Nauna nang iginiit ni Remulla na dapat ipaubaya sa third-party provider ang pagproseso ng visa, dahil aniya, ang pangunahing tungkulin ng DFA ay diplomasya at hindi negosyo.
📷: PNA
#net25newsandinformation #dfa #ombudsman #visa #foreignaffairs -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Inilipat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa Department of Transportation (DOTr).
Samantala, itinalaga naman niya si Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Lopez bilang kapalit ni Dizon sa DPWH.
#net25newsandinformation #dpwh #dotr #marcosadministration -
NET25
@NET25TV
Nahaharap sa 36 na kasong kriminal ang anim na dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 12 at pitong pribadong indibidwal dahil sa umano’y pandaraya sa ₱491.9 milyong bayad sa right of way sa General Santos City.
Ayon sa Office of the Ombudsman, ang bayad ay para sa 18 lote ng lupa na naapektuhan umano ng paggawa ng Digos-Makar National Road.
Gayunman, natuklasang gumamit ang mga naghain ng claim ng mga pekeng dokumento upang makakuha ng pondo ng gobyerno.
Kasama sa kinasuhan sina dating DPWH Region 12 regional director Subair Saro Diron at dating assistant regional director Laureano Suan Jr.
📷: DPWH GenSan
#net25newsandinformation #dpwh #graft #malversation #governmentfund #publicfunding #fakedocuments -
NET25
@NET25TV
ANG EASY DESSERT NA PERFECT PANG-MERIENDA! 🍫 #girlcode!
May sweet cravings ka pero wala kang oven? This is your sign to try these No-Bake Chocolate Cheesecake Bites! 😋
Ikaw, gusto mo bang lagyan ng twist ang chocolate cheesecake bites mo?
Tag your dessert buddy at save this idea for your next sweet craving! 👇🏻✨
youtu.be/lAcBPKF0i_s -
NET25
@NET25TV
Sinampahan ni Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte ng libel at cyber libel sina NBI Director Melvin Matibag, dismissed police Rodulfo Gracioso Jr. at ilang executive at reporter ng isang TV network kaugnay sa ulat tungkol sa umano’y pag-deliver ng maleta ng pera sa pamilya Duterte. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento #pulongduterte #nbimatibag #gmanetwork #libelcase #libel
youtu.be/MHmSs0MJAGo -
NET25
@NET25TV
Kinumpirma ni PCO Secretary Lino Cayetano na mananatili sa puwesto si Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa kabila ng pagsusumite ng courtesy resignation ng mga opisyal ng PCO. Inilarawan ni Cayetano si Castro bilang isang “treasure” sa pamahalaan.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #clairecastro
youtu.be/fY-LZ5LMO9Q -
NET25
@NET25TV
Tatanggalin ng Senado ang lump-sum funds o mga pondong walang tiyak na detalye sa panukalang ₱7.2 trilyong pambansang badyet para sa 2027.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, sisiguraduhin din nilang susunod sa mga itinakda ng Korte Suprema ang paggamit ng unprogrammed appropriations o pondong magagamit lamang kapag natugunan ang ilang kondisyon.
Kamakailan lamang, idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang ilang probisyon sa national budget noong 2024 at 2025.
Ipinawalang-bisa rin ng korte ang ilang probisyon tungkol sa unprogrammed appropriations sa 2026 budget.
#net25newsandinformation #lumpsumfunds #2027nep #2027gab #nationalbudget #governmentfunds #unconstitutional -
NET25
@NET25TV
Kinuwestiyon ng Senado at ni Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab ang mga kakulangan at pagbabago sa panukalang 2027 budget ng DPWH, kabilang ang mga proyektong may kulang na detalye na nagkakahalaga ng ₱455 bilyon, pagsama ng ₱15 bilyong Special Road Fund sa ibang budget item, at umano’y hindi pantay na alokasyon sa mga congressional district.
Nagbabala ang Senado na maaaring magamit sa katiwalian ang mga proyektong walang kumpletong dokumento, habang iginiit ni Ungab ang pangangailangan ng mas malinaw na paglalaan at pagsubaybay sa pondo ng imprastraktura.
📷: DPWH
#net25newsandinformation #dpwh #floodcontrolproject #floodcontrol #flooding -
NET25
@NET25TV
Posibleng matapos ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bago ang nakatakdang bakasyon ng Kongreso, ayon sa House prosecution panel.
Walong araw lamang ang hinihingi ng depensa upang sagutin ang Article II o ang alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman ng Bise Presidente. Dahil dito, posibleng matapos ang paglilitis sa loob ng dalawang linggo.
Matatandaang binawi ng prosekusyon ang tatlong alegasyon laban kay Duterte, kabilang ang grave threats, maling paggamit ng confidential funds at panunuhol.
📷: Senate
#net25newsandinformation #senate #impeachmenttrial #prosecution #defense #indaysaraduterte #vpsara #trialschedule #investigation -
NET25
@NET25TV
Binatikos ng ilang civil society groups ang Marcos administration dahil sa mabagal na pagpapanagot sa mga sangkot sa korapsyon sa bansa.
Sinabi ng August Twenty-One Movement (ATOM), dapat bantayan ng publiko ang kasong plunder laban kay dating House Speaker Martin Romualdez upang matiyak na makakamit ang hustisya.
Naniniwala rin ang grupo na hindi dapat matapos sa pagkakakulong ni Romualdez ang imbestigasyon.
Matatandaang nahaharap ang naturang mambabatas sa umano'y ₱7.44 bilyong halaga ng kasong plunder mula sa mga proyekto ng pamahalaan.
📷: Sandiganbayan Pool
#net25newsandinformation #marcosadministration #floodcontrol #plunder #martinromualdez #civilsocietygroup -
NET25
@NET25TV
ROAD ADVISORY: Magkakaroon ng partial road closure sa paligid ng Philippine International Convention Center (PICC) at Cultural Center of the Philippines (CCP) mula Oktubre 24 hanggang Nobyembre 9 bilang paghahanda sa 49th ASEAN Summit.
Ayon sa Pasay LGU, ipatutupad naman ang total road closure sa mga apektadong kalsada mula Nobyembre 9 hanggang 20.
Layunin nitong mabigyan ng prayoridad ang mga delegate na kalahok sa naturang pagtitipon.
📷: Pasay Traffic and Parking Management Office
#net25newsandinformation #pasay #roadclosure #aseansummit #roadadvisory #trafficadvisory #publicadvisory -
NET25
@NET25TV
WALANG PASOK: Suspendido ang klase sa ilang lugar sa bansa ngayong Lunes, Oktubre 26, dahil sa pagtaas ng kaso ng influenza-like illness (ILI) at mga pagdiriwang sa kani-kanilang lokal na pamahalaan.
#net25newsandinformation #ili #walangpasok #noclasses -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan ang panahon ngayong Lunes, Oktubre 26 sa Zamboanga Peninsula, Misamis Occidental, Basilan, at Tawi-Tawi dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ), ayon sa PAGASA.
Habang ang northeasterly windflow ang iiral sa Batanes at Babuyan Islands.
Samantala, maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.
#net25newsandinformation #weatherupdate #itcz #northeasterlywindflow #ulan -
NET25
@NET25TV
GOT QUESTIONS FOR BIR?
Abangan sa RESPONDE SA PRIMETIME ang sagot ng BIR sa inyong mga tanong.
Thursdays, 7:30 ng gabi, sa NET25!
#net25 #respondesaprimetime -
NET25
@NET25TV
BAHAY SA LUCENA CITY, PINAGNAKAWAN
TINGNAN: Hinalughog at pinagnakawan ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang isang bahay sa St. Jude Phase 2B, Barangay Mayao Crossing, Lucena City.
Nadiskubre rin ang butas sa kisame sa bandang likod ng bahay at mga sirang gamit sa loob nito. Ilang kagamitan ang iniulat na natangay ng mga suspek.
Nananawagan ang pamilya ng biktima sa sinumang may impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng mga suspek na ipagbigay-alam ito sa mga awtoridad upang makatulong sa imbestigasyon at matukoy ang mga nasa likod ng insidente. | via Leslie Ann Dimaano
📷: Carmela Agoncillo-Consejo
#net25newsandinformation #lucenacity #crimereport #robbery #publicsafety #quezonprovince
#philippinenews -
NET25
@NET25TV
₱2.4-MILYONG SMUGGLED CIGARETTES, NASABAT SA MISAMIS ORIENTAL
TINGNAN: Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang mga hinihinalang smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng ₱2.4 milyon sa isang checkpoint operation sa Purok 5, Barangay San Pedro, Initao, Misamis Oriental, noong Oktubre 23, 2026.
Dalawang suspek ang naaresto sa operasyon. | via Egypt Fuentes
#net25newsandinformation
#smuggledcigarettes #antismugglingoperation #checkpointoperation
#misamisoriental
#initao -
NET25
@NET25TV
Tinalakay ni Cora Guidote ang pahayag ni Atty. Mike Operario na nagiging paraan ng vote buying ang ayuda gamit ang buwis ng taumbayan, habang napoprotektahan umano ang yaman ng mga politiko.
#net25newsandinformation #net25 #theoperator #attymikeoperario #coraguidote -
NET25
@NET25TV
Matapos sabihin ni Sec. Jonvic Remulla na “may sayad” si Atty. Harold Respicio kahit negatibo umano ito sa drug test, sinabi ni Respicio na handa siyang sumailalim sa neuropsychological tests upang patunayan ang kaniyang kalagayan. #net25newsandinformation #resbak #attyharoldrespicio #cathybinag
youtu.be/rEnDu6EqqSg -
NET25
@NET25TV
OCTOBER 24, UNITED NATIONS DAY!
Tuwing Oktubre 24, ipinagdiriwang ang United Nations Day bilang paggunita sa pagkakatatag ng United Nations (UN) noong 1945.
Layunin ng UN na itaguyod ang kapayapaan, palakasin ang ugnayan ng mga bansa, pangalagaan ang karapatang pantao, at magtulungan sa pagharap sa mga suliraning kinakaharap ng mundo.
Sa gitna ng mga hamon sa iba’t ibang panig ng daigdig, mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat bansa upang makamit ang mas mapayapa at maunlad na kinabukasan.
#net25newsandinformation
#unitednationsday #unitednations
#worldpeace -
NET25
@NET25TV
LANY, BABALIK SA PILIPINAS! 📷
Mga ka-NET25, ready na ba kayo? I-ready na ang inyong concert outfits dahil mapapanood na ulit natin nang live ang LANY ngayong Nobyembre!
Kilala ang American pop-rock duo sa mga kantang “ILYSB,” “Malibu Nights,” at “Thru These Tears” na siguradong marami sa atin ang kabisado ito.
Sino ang ready nang maki-sing along sa bawat kanta ng LANY? 📷
📷: Live Nation Philippines
#net25newsandinformation #lany
#softworldtour
#philippinearena
#livenationphilippines -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Lumabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Typhoon Rosal (Champi) bandang alas-10 ng umaga ngayong Oktubre 24, ayon sa DOST-PAGASA.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 150 kilometro kada oras. Kumikilos ito pahilagang-silangan sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Bagama’t nasa labas na ng PAR, inaasahan pa rin ang malalakas na bugso ng hangin sa ilang bahagi ng bansa, kabilang ang Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Aurora, hilagang Quezon, Polillo Islands, Bicol Region, Romblon, Capiz, Iloilo, at Negros Occidental ngayong araw.
Wala nang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa anumang bahagi ng bansa. Gayunman, nananatiling mapanganib ang paglalayag sa ilang karagatan sa Northern Luzon dahil sa malalakas na hangin at malalaking alon.
Ayon sa PAGASA, inaasahang unti-unting hihina si Rosal habang kumikilos patungo sa East China Sea.
#net25newsandinformation #rosalph #weatherupdate -
NET25
@NET25TV
PINK DOLPHINS SA HONG KONG! 📷
TINGNAN: Alam n’yo ba na may mga pink dolphin na naninirahan sa baybaying-dagat ng Hong Kong? Kilala rin sila bilang Chinese white dolphins at kabilang sa mga nanganganib na species.
Pero sa kabila ng kakaibang hitsura nila, patuloy namang kumokonti ang kanilang bilang. Kabilang sa mga dahilan ang pagkawala ng kanilang tirahan dahil sa mga proyektong pang-imprastraktura, gaya ng pagpapalawak ng Hong Kong International Airport.
Sa survey ng pamahalaan noong 2023, 34 na pink dolphin na lamang ang naitala sa Hong Kong, kumpara sa bilang nito na 47 noong 2017.
Dahil dito, mahalagang maprotektahan ang kanilang tirahan upang makatulong na mapanatili ang kanilang populasyon.
📷: Reuters
#net25newsandinformation
#pinkdolphins #chinesewhitedolphins #wildlifeconservation #marinelife
#hongkong -
NET25
@NET25TV
Bahagyang humina ang Typhoon Rosal habang nasa layong 420 kilometro hilaga ng Itbayat, Batanes, taglay ang hanging 150 km/h at pagbugsong umaabot sa 185 km/h, ayon sa PAGASA sa ulat nito alas-5 ng umaga ngayong Sabado, Oktubre 24.
Nananatili naman nakataas sa Signal No. 1 ang Batanes. Inaasahan din ang malalakas na bugso ng hangin sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.
Nagbabala rin ang PAGASA sa mapanganib na kondisyon ng karagatan sa Northern Luzon, kung saan maaaring umabot sa 5.5 metro ang taas ng mga alon sa Batanes.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo ngayong umaga, bago tumuloy sa East China Sea.
#net25newsandinformation #weatherupdate #rosalph #bagyo #ulan -
NET25
@NET25TV
POGI O MAGANDA, MAY ADVANTAGE BA TALAGA SA BUHAY? 🤩 #hearmeout! Face card matters nga ba? Pero real talk, totoo nga ba na ang magandang mukha ay laging may advantage? ✨
Drop your answer! 👇
youtu.be/PnYkSzDlDzc -
NET25
@NET25TV
Tinalakay ni Cora Guidote ang pananaw ni Atty. Mike Operario na napupunta sa pagbabayad ng utang ng gobyerno ang remittance ng mga OFW na tumutulong sa ekonomiya ng bansa.
#net25newsandinformation #net25 #theoperator #attymikeoperario #coraguidote
youtu.be/oTjU2LW2DC0 -
NET25
@NET25TV
PIA GUANIO-MAGO’S BIRTHDAY GIFT? GROCERIES PARA SA IBA! 🛒🎁
#mainfeed!
Hakot ng groceries, hatid ay saya! Panoorin ang ultimate birthday hakot na ito! 🎉💖
youtu.be/CXXJA6MUNPA -
NET25
@NET25TV
PINK TAX: BAKIT NGA BA MAS MAHAL ANG PRESYO KAPAG PARA SA BABAE? 🤔️ #mainfeed!
Ikaw, nakapansin ka na ba ng ganitong price difference sa mga produkto? 👀️ Share your thoughts!👇️
youtu.be/vqBIoxmUPZ0 -
NET25
@NET25TV
Tinatayang mahigit anim na milyon na ang mga pekeng PWD ID, ayon kay Atty. Walter Alava, tagapagsalita ng National Council on Disability Affairs (NCDA). Aniya, isa sa mga nakikitang dahilan ng paglaganap ng mga pekeng ID ang pagkakaiba-iba ng sistema ng pag-isyu ng PWD ID sa bawat LGU.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/NGnZZv0Rk4w -
NET25
@NET25TV
Nag-courtesy call si U.S. Ambassador to the Philippines Lee Lipton kay Davao City Mayor Sebastian Duterte sa kaniyang opisyal na pagbisita kahapon.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #leelipton #basteduterte #davaocity
youtu.be/0oBo2Z6KXAw -
NET25
@NET25TV
Naglunsad ng tatlong araw na “Pig Holiday” protest ang mga hog raiser bunsod ng patuloy na pagkalugi sa industriya. Ayon kay AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones, kabilang sa mga pangunahing hamon sa sektor ang profiteering at labis na pag-aangkat ng baboy.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/p4yFodJMnKM -
NET25
@NET25TV
BREAKING NEWS: Nagsumite ng courtesy resignation si Palace Press Officer Claire Castro kasama ang iba pang opisyal ng Presidential Communications Office (PCO) kasunod ng pagbabago sa pamunuan ng ahensya.
Gayunman, kinumpirma ni PCO Secretary Lino Cayetano na mananatili si Castro sa kanyang puwesto at inilarawan pa siya na isa umanong “treasure.”
#net25newsandinformation
#clairecastro #pco #philippinegovernment -
NET25
@NET25TV
Hihigpitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang seguridad sa mga pumping station sa bansa at magtatalaga ng karagdagang tauhan ng Philippine Coast Guard kasunod ng pagnanakaw ng mga piyesa at kable sa Diokno Pumping Station sa Pasay City.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, muntik nang maapektuhan ang operasyon ng pasilidad dahil sa mga ninakaw na circuit at iba pang piyesa. Kung hindi umano ito agad naagapan at naayos, posibleng magdulot ito ng pagbaha sa Pasay hanggang Roxas Boulevard.
Tiniyak ni Dizon na papalitan ng contractor ang mga nawawalang piyesa nang walang gastos sa pamahalaan. Binigyang-diin din ng kalihim na hindi dapat malagay sa peligro ang publiko dahil sa mga aberyang dulot ng pagnanakaw sa mga pumping station.
📷: DPWH
#net25newsandinformation #dpwh #floodcontrolproject #floodcontrol #flooding -
NET25
@NET25TV
Itinuturing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na utak umano sa tangkang pagpupuslit ng 521 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱3.5 bilyon mula Laos patungong Pilipinas ang dating Bangsamoro parliament member na si Sultan Edrieza Hadji Nasser Rimbang.
Ayon sa PDEA, si Rimbang umano ang nagplano at nagpondo sa pag-charter ng pribadong eroplano na nasabat sa Laos. Patuloy ang imbestigasyon sa kanyang mga posibleng kasabwat at koneksiyon sa international drug syndicate.
#net25newsandinformation #pdea #illegaldrugs #laos -
NET25
@NET25TV
Arestado ang isang 22-anyos na lalaki sa isang buy-bust operation ng pulisya sa Santa Ignacia, Tarlac, matapos umanong magbenta ng hinihinalang ilegal na droga sa isang pulis na poseur-buyer.
Narekober sa suspek ang marked money na nagkakahalaga ng ₱500. Dinala siya sa custodial facility ng himpilan habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dadalhin naman sa Crime Laboratory sa Camp Macabulos, Tarlac City, ang mga nakuhang ebidensya para sa kaukulang pagsusuri. | via Ismael Mateo
#net25newsandinformation #crimenews #crime #illegalactivities #drugaddiction #investigation -
NET25
@NET25TV
NFBM, TUMUTOL SA REHABILITASYON NG BATAAN NUCLEAR POWER PLANT
TINGNAN: Nagprotesta ang Nuclear Free Bataan Movement (NFBM) sa pagdating ng mga kalahok sa supply chain forum na inorganisa ng Department of Energy (DOE) sa Bataan Nuclear Power Plant sa Morong, Bataan.
Ayon sa grupo, hindi dapat isakripisyo ang kaligtasan ng mga komunidad at ang kalikasan sa paghahanap ng mas murang kuryente. Iminungkahi rin nitong pag-aralan ang renewable energy bilang alternatibo sa pagtugon sa pangangailangan sa kuryente. | via Larry Biscocho
#net25newsandinformation #bataannuclearpowerplant #renewableenergy -
NET25
@NET25TV
Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) na maaaring umabot sa ₱20 bilyon ang pagkalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa inaasahang Super El Niño, na posibleng makaapekto sa 350,000 ektarya ng lupain. Dahil dito, nanawagan ang Senado na ideklara ang state of national calamity upang mapabilis ang pagtugon sa epekto ng matinding tagtuyot.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., maaaring malampasan ang ₱16 bilyong naitalang pagkalugi noong El Niño taong 2023–2024. Posible ring maapektuhan ang 2.8 milyon hanggang 4.8 milyong magsasaka at mangingisda, habang maaaring bumaba ng 700,000 hanggang isang milyong metriko tonelada ang produksyon ng palay.
Pinabibilis na ng DA ang mga hakbang upang matiyak ang supply ng tubig para sa irigasyon, kabilang ang paggamit ng solar-powered pumps, pagtatayo ng maliliit na imbakan ng tubig, at pagpapalalim ng mga palaisdaan. Samantala, magsasagawa ang Senado ng pagdinig hinggil sa kahandaan at mga hakbang ng pamahalaan laban sa El Niño.
#net25newsandinformation #dpwh #departmentofagriculture #da #superelnino #tagtuyot #agridamage -
NET25
@NET25TV
BATA PA LANG, MAHILIG NANG MAGLUTO! NGAYON, MAY MASARAP NA MISUA RECIPE NA WITH DODRAM LUNCHEON MEAT! 🍜
Ipinakita ni Mila Rodriquez Panti, kung paano gawing mas masarap at exciting ang misua dish gamit ang Dodram Luncheon Meat—isang simple, sulit, at masarap na ulam para sa buong pamilya! 🤤
#net25 #net25entertainment #tonipetgaba #loveañover #dodramluncheonmeat #food
youtu.be/AywchiHUoJo -
NET25
@NET25TV
23 YEARS SA LEBANON BILANG INTERNATIONAL TENNIS COACH, NGAYON AY NAGTUTURO NA SA BATASAN! 🤩 Alamin ang #kuwentongkabarangay ni Mark Anthony “Coach Nio” Villegas, dito sa #lovetonipetandeverythaaang, isang 23 years nang certified international tennis coach at patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal sa tennis! 👏🎾
#net25 #net25entertainment #tonipetgaba #loveanover #tennis #coach
youtu.be/S6nuTnHFqZo -
NET25
@NET25TV
Inaasahang aabot sa 800 magbabababoy mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang magtitipon sa harap ng DA upang magsagawa ng kilos-protesta at hilingin sa pamahalaan ang agarang pagtugon sa pagkalugi ng kanilang industriya. Ayon kay Agap Party-list Representative at Pork Producers Federation of the Philippines Chairperson Nicanor Briones, patuloy na lumalala ang pagkalugi ng mga magbabababoy dahil sa pagbaba ng presyo ng baboy sa farmgate. #net25newsandinformation #matangagilaprimetime
youtu.be/kKtNC4IabWY -
NET25
@NET25TV
Ayon kay Rep. Toby Tiangco, maaaring mas lumakas ang kaso ng Ombudsman laban kina Martin Romualdez at Zaldy Co kasunod ng pagdedeklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang unprogrammed funds ng 2024-2025 national budget. Samantala, kampante si Tiangco na masusing susuriin ng Senado ang panukalang 2027 national budget para matiyak ang transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng bayan.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/3Y4DBVWIx-0 -
NET25
@NET25TV
Itinanggi ni Atty. Harold Respicio na ginagamit niya ang isyu sa Reina Mercedes para magpapansin bago ang 2028 elections. Aniya, kapakanan ng mga magsasaka ng tabako ang prayoridad niya, at side effect lamang ang pagtaas ng kaniyang public profile.
#net25newsandinformation #resbak #attyharoldrespicio #cathybinag
youtu.be/osrt_b7hND4 -
NET25
@NET25TV
Patuloy na hinaharap ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa, kung saan tinatayang nasa 140,000 classroom pa ang kailangang maitayo.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, sisimulan ngayong Disyembre ang konstruksyon ng karagdagang 18,000 silid-aralan upang makatulong na tugunan ang kakulangan sa mga pampublikong paaralan. | Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/bKPk_hVQSzg -
NET25
@NET25TV
PDEA chief Isagani Nerez, itinuro si dating BTA member Sultan Rimbang bilang umano’y mastermind sa 521 kilo ng ilegal na droga sa Laos.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime
net25.com/news/rimbang-tuluyan-nang-idiniin-bilang-master… -
NET25
@NET25TV
Iginiit ni Vice President Sara Duterte na dapat managot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpasa ng pambansang budget na aniya’y taliwas sa NEP, kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na nagdeklara ng ilang probisyon ng General Appropriations Act para sa 2024 at 2025, gayundin ng ilang special provision sa 2026 national budget, bilang unconstitutional.
net25.com/news/dapat-managot-si-pbbm-sa-umano-y-maling-pa… -
NET25
@NET25TV
Nagdulot ng pangamba sa mga operator ng government websites sa Europe ang nadiskubreng software bug.
#net25newsandinformation #matangagilainternational #europe #cybersecurity
youtu.be/06hwxwddg-4 -
NET25
@NET25TV
LALAKING DRUG SUSPEK, TIMBOG SA TARLAC
TINGNAN: Arestado ang isang 22-anyos na lalaki sa isang buy-bust operation ng pulisya sa Santa Ignacia, Tarlac, matapos umanong magbenta ng hinihinalang ilegal na droga sa isang pulis na poseur-buyer.
Narekober sa suspek ang marked money na nagkakahalaga ng ₱500. Dinala siya sa custodial facility ng himpilan habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dadalhin naman sa Crime Laboratory sa Camp Macabulos, Tarlac City, ang mga nakuhang ebidensya para sa kaukulang pagsusuri. | via Ismael Mateo
#net25newsandinformation #crimenews #crime #illegalactivities #drugaddiction #investigation -
NET25
@NET25TV
Nangamba ang isang residente sa M. Santos Street, Barangay 26, Pasay City, dahil sa posible umanong paglala ng pagbaha sa kanilang lugar matapos palitan ng mas maliit na tubo ang dating pipe culvert sa ilalim ng isinasagawang drainage improvement project sa kanilang lugar.
Sa isang public post, nanawagan ang mga residente kay Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano na personal na inspeksiyunin ang proyekto upang matiyak kung sapat ang mga ikinabit na tubo sa daluyan, lalo na tuwing malakas ang pag-ulan.
Batay sa project information board, nagkakahalaga ng ₱10,098,519.20 ang proyekto na pinopondohan mula sa 2026 General Fund ng lungsod at ipinapatupad ng LGU sa pamamagitan ng kontratistang LARD BUILDER.
Wala pang opisyal na pahayag ang LGU hinggil sa reklamo. Hinihintay ang paglilinaw kung naaayon sa aprubadong plano ang mga pagbabago sa drainage system. | via Frank Marasigan
#net25newsandinformation #dpwh #floodcontrolproject #floodcontrol #flood #flooding -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: As of 2:00 a.m. ngayong Biyernes, Oktubre 23, minomonitor ng PAGASA ang Bagyong #rosalph, na may international name na #champi, sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Samantala, binabantayan din ang isang low pressure area (LPA 10b) sa labas ng PAR na mababa ang posibilidad na maging tropical depression sa susunod na 24 oras.
📷: PAGASA
#net25newsandinformation #pagasa #lpa #severetropicalstorm #rosalph #weatherupdate -
NET25
@NET25TV
🔴 LIVE ngayong Huwebes sa RESPONDE SA PRIMETIME!
Pakinggan ang mga sumbong at hinaing ng ating mga kababayan at alamin kung paano ito bibigyan ng AKSYON at SOLUSYON.
Manood at tumutok mamayang 7:30 PM sa NET25.
#net25 #respondesaprimetime #alexsantos #responde #net25newsandinformation -
NET25
@NET25TV
THE ULTIMATE MAKE UP TUTORIAL: VICTORIA'S SECRET EDITION! 💋
#girlcode!
Paano nga ba makuha ang signature glam na ’to? 😍
Gusto mo rin bang ma-achieve ito? Comment na! 💖
youtu.be/cMTF-eSEg2Q -
NET25
@NET25TV
Naniniwala ang kampo ni Vice President Sara Duterte na ang deklarasyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang ilang bahagi ng 2024 at 2025 GAA ay patunay lamang ng anomalya at korapsyon sa pambansang budget sa ilalim ng administrasyong Marcos.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento
net25.com/news/pagiging-unconstitutional-ng-gaa-pagpapatu… -
NET25
@NET25TV
Umabot sa ₱8.57 bilyon ang pinsalang dulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #elnino #agrikultura #pinoynews
net25.com/news/pinsala-ng-el-nino-sa-agrikultura-umabot-s… -
NET25
@NET25TV
MGA SANGKOT SA ILLEGAL FISHING SA QUEZON, NASAKOTE
TINGNAN: Nahuli ang 15 mangingisda sa operasyon kontra illegal fishing dahil sa paggamit umano ng buli-buli sa karagatan ng Barangay Balesin, Polillo, Quezon.
Nakumpiska ang tinatayang 2,760 kilo ng iba’t ibang isda na nagkakahalaga ng ₱276,000, gayundin ang mga bangkang pangisda na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱3 milyon.
Ayon sa Polillo Municipal Police Station, nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang kapitan ng bangka, habang isinangguni naman sa Municipal Treasurer’s Office ang 13 iba pang mangingisda para sa kaukulang multa. | via Martin Banaag
📷: Polillo MPS
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #illegalactivities #isda #fish #fishing #fishermen #fishvendor #vendors -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Huling namataan ang Bagyong Rosal sa layong 400 km Silangan ng Basco, Batanes.
Ayon sa PAGASA, nananatili itong kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h.
Bagama't hindi ito magla-landfall, lalapit naman ito sa extreme Northern Luzon ngayong araw, Oktubre 22.
📷: PAGASA
#net25newsandinformation #bagyongrosal #pagasa #bataan #babuyanisland #bagyo #weatherupdate -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: As of 11 a.m., nananatiling nakataas sa Signal No. 2 sa Bataan at Babuyan Islands habang binabaybay ng Bagyong Rosal ang katubigan ng Basco, Batanes, ayon sa PAGASA.
#net25newsandinformation #bagyongrosal #pagasa #bataan #babuyanisland #bagyo #weatherupdate -
NET25
@NET25TV
SK CHAIRMAN NA SUSPEK SA DROGA, SUMUKO SA PULISYA
TINGNAN: Boluntaryong sumuko sa pulisya ang isang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman sa Koronadal City matapos umanong makuhanan ng video habang gumagamit ng ilegal na droga.
Kinumpirma ng Koronadal City Police Station na sumuko ang opisyal nitong Miyerkules, Oktubre 21, kasama ang kaniyang live-in partner, kapatid, at barangay captain.
Ayon sa pulisya, dati nang minamanmanan ang opisyal na itinuturing na high value individual (HVI) at nakatakda nang isailalim sa operasyon kontra ilegal na droga. Matapos sumuko, sumailalim siya sa profiling, debriefing, at drug testing para sa posibleng pagpasok sa Community-Based Drug Rehabilitation Program.
Maaari siyang maharap sa kasong kriminal sa ilalim ng Republic Act No. 9165 at posibleng kasong administratibo na maaaring humantong sa pagkatanggal sa puwesto at diskwalipikasyon sa paghawak ng posisyon sa pamahalaan.
#net25newsandinformation #crimenews #crime #illegalactivities #drugaddiction #investigation -
NET25
@NET25TV
Hindi na isinama ng prosecution panel ng International Criminal Court (ICC) ang isang insidente sa dokumento ng mga kasong inihahanda laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, alinsunod sa utos ng korte.
Kabilang dito ang Incident 57, na hindi na isinama sa trial brief. Hindi isinapubliko ang mga detalye nito dahil sa sensitibong impormasyon tungkol sa mga saksi.
Nakatakdang magsimula ang paglilitis kay Duterte sa Nobyembre 30. Nahaharap siya sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kaniyang kampanya kontra droga sa bansa.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #rodyduterte #crimesagainsthumanity #evidence #incident57 #prosecutionpanel #drugs #warondrugs -
NET25
@NET25TV
Umabot na sa 20,000 ang naibentang ticket para sa “Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate” na gaganapin sa Disyembre 8 sa Philippine Arena.
Makakaharap ni Eala ang Indonesian tennis player na si Janice Tjen sa isang exhibition match.
Target ng mga organizer ang 50,000 audience upang mahikayat ang mas maraming Pilipino, lalo na ang mga kabataan, na suportahan at mahilig sa larong tennis.
📷: Alex Eala
#net25newsandinformation #tennis #alexeala #philippinearena #alexealalive #sports #teamph #homecomingcelebration #tennis #janicetjen -
NET25
@NET25TV
🎉SALAMAT SA 3 MILYON, MGA KA-NET25 🎉
Maraming salamat, mga Ka-NET25, sa patuloy ninyong pagsubaybay at pagtitiwala sa NET25 News and Information!a
Ang inyong suporta ang inspirasyon namin upang patuloy na maghatid ng mahahalaga, totoo at napapanahong mga balita.
Patuloy kaming magiging boses ng bawat Pilipino — Matatag, Matapang, Matapat.
#net25newsandinformation #3million #facebookfollowers #matatag #matapang #matapat -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Sinabi ni Wirt Walter Rosales, personal assistant ni dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara, sa kaniyang testimonya na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱300 milyon ang pinakamalaking delivery niya kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, batay sa acknowledgment receipt.
#net25newsandinformation #henryalcantara #zaldyco #martinromualdez #ombudsman #recant #affidavit #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
Ayon sa DOJ, walang record na nasa labas na ng Pilipinas ang hinihinalang mastermind sa pagkawala ng ilang sabungeros na si Atong Ang. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento #atongang #missingsabungeros
youtu.be/_vwWvSW45yA -
NET25
@NET25TV
Sinibak ang anim na tauhan ng DPWH kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga flood control project sa Davao City.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #floodcontrol #floodcontrolprojects
youtu.be/CJruZdJBwhU -
NET25
@NET25TV
Atty. Rowena Guanzon pulls no punches as she reacts to the developments in Vice President Sara Duterte's impeachment trial. Expressing deep disappointment, she questions the fairness of the proceedings and the state of the Senate as a democratic institution.
What’s your take on her statement? Drop a comment.
#vpontrial #saraduterte #politicsph #guanzon #phnews #currentevents #impeachmenttrial
youtu.be/XIhKZzaZ8t0 -
NET25
@NET25TV
MULA SA PAGIGING MAHILIG SA YO-YO, NAGING NATIONAL CHAMPION! 🪀🏆 Kilalanin si Asher Villena, ang batang #barangaychamp na nagwagi sa Philippine National Yo-Yo Championship 2025 sa Under 12 category! Kasama ang kanyang Mommy Arianne, alamin natin ang kuwento sa likod ng kanyang dedikasyon, training, at tagumpay sa larangan ng yo-yo!
#net25 #net25entertainment #tonipetgaba #loveañover #yoyochampion #ltemahusaynakabarangay
youtu.be/xuBWHCY9mI0 -
NET25
@NET25TV
TRY THIS PILATES WORKOUT! 🧘♀️✨
Gustong matutunan ang basics ng Pilates? Sa #magandangaraw, kasama natin si Ella Cruz para subukan ang ilang Pilates exercises na pwedeng makatulong sa flexibility, balance, at body control!
Inilibot na rin niya tayo sa kanyang Pilates Studio kung saan mas nakilala natin ang workout na ito.
#net25 #net25entertainment #magandangaraw #pilates
youtu.be/VLxd4G1MRv0 -
NET25
@NET25TV
Mahigit 300 katao ang iniulat na nasawi sa drone strikes ng Sudanese military. Kabilang dito ang mahigit 150 nasawi sa Abyei market at 200 sa West Kordofan. #net25newsandinformation #matangagilainternational #sudan #dronestrikes
youtu.be/ccXK6UbqA7M -
NET25
@NET25TV
Kinumpirma ng Nigeria ang unang kaso ng Bundibugyo ebolavirus sa bansa. #net25newsandinformation #matangagilainternational #nigeria #ebola #publichealth
youtu.be/K0ZhsIDJFsk -
NET25
@NET25TV
Magpapadala ang United Kingdom ng Typhoon fighter jets sa Saudi Arabia bilang proteksyon laban sa mga missile at drone attack ng armadong grupong Houthi. #net25newsandinformation #matangagilainternational #unitedkingdom #saudiarabia #houthi
net25.com/news/uk-magpapadala-ng-typhoon-fighter-jets-sa-… -
NET25
@NET25TV
Umapela ang Malacañang kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na sumuko at harapin ang kasong crimes against humanity sa ICC upang maiwasan ang posibleng kaguluhan at pagdanak ng dugo.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #malacañang #batodelarosa #icc -
NET25
@NET25TV
Magsasagawa ang MMDA ng imbentaryo ng road reblocking at mga paghuhukay bilang paghahanda sa holidays at ASEAN Summit. Ipatitigil ang paghuhukay sa mga pangunahing kalsada simula Nobyembre 1. #net25newsandinformation #matangagilaprimetime #mmda #metromanila #roadreblocking #aseansummit
net25.com/news/mmda-ipatitigil-ang-paghuhukay-sa-mga-pang… -
NET25
@NET25TV
Naka-Blue Alert status na ang Operations Center ng NDRRMC bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Rosal.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #ndrrmc #bagyongrosal #bluealert
youtu.be/tXCAGPgzAeQ -
NET25
@NET25TV
“TWICE IS AN INDISPENSABLE AND PRECIOUS PART OF MY LIFE”
TINGNAN: Kinumpirma ni Jihyo ng TWICE ang kaniyang pag-alis sa JYP Entertainment matapos ang 21 taon, ngayong Miyerkules, Oktubre 21.
Sa kabila nito, tiniyak ng K-pop singer na mananatili siya sa TWICE.
Inanunsyo rin ni Jihyo sa kaniyang Instagram post ang pagtatatag ng sarili niyang kumpanya na “EMITHAUS.”
📷: Jihyo /IG
#net25newsandinformation #twice #jihyo #kpopnews #emithaus #entertainmentnews -
NET25
@NET25TV
Iniimbestigahan ng pulisya ang anim na person of interest kaugnay ng pagpatay kay Barangay Chairman Dennis Austria ng Barangay Sta. Anastacia, Sto. Tomas City, Batangas.
Pinagbabaril si Austria habang nagwawalis sa veranda ng kaniyang bahay noong Oktubre 15. Kabilang sa mga tinutukoy ng mga imbestigador ang gunman, motorcycle rider, driver ng isang APV, umano’y mastermind, at financier, gayundin ang iba pang posibleng sangkot sa krimen. May isa na ring indibidwal na sasampahan ng kaukulang kaso.
Patuloy na sinusuri ng Special Investigation Task Group ang mga posibleng motibo sa krimen at hinahanap ang mga ginamit na sasakyan at iba pang ebidensiyang magpapatibay sa kaso laban sa mga person of interest. | via Martin Banaag
📷: Sto Tomas MPS
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #illegalactivities #investigation #shooting #murder #death -
NET25
@NET25TV
Naghahanda ang Department of Education (DepEd) ng apat na antas ng pagtugon sa matinding init at kakulangan sa tubig dahil sa posibleng malakas na El Niño na maaaring tumagal hanggang 2027.
Sa ilalim ng planong “Hayo, Hinay, Hinga at Hinto,” maaaring baguhin ang iskedyul ng klase, bawasan ang mga academic works o pansamantalang ihinto ang mga ito depende sa tindi ng init at kakulangan sa tubig.
Ayon sa DepEd, kailangang maghanda ang mga paaralan upang maprotektahan ang mga mag-aaral. Kabilang sa mga hakbang ang pagtiyak sa sapat na suplay ng tubig at pagkain, maayos na bentilasyon at ligtas na mga silid-aralan.
📷: EDCOM 2
#net25newsandinformation #deped #taginit #tagtuyot #superelnino #learning #disasterresponse #classroomsafety #elnino -
NET25
@NET25TV
Sinuspinde ng Office of the Ombudsman nang 90 araw nang walang sahod si Paoay, Ilocos Norte Mayor Shiela Abuy Galano at ang head ng Municipal Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) na si Augusto Panilo Cabie matapos silang mapatunayang administratively liable for simple misconduct kaugnay ng kontrobersiya sa muling pagkakatalaga kay Cabie.
Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ni dating Paoay Vice Mayor Ferdinand Ignacio noong Disyembre 13, 2024, na kumuwestiyon sa desisyon ni Galano na muling italaga si Cabie. Sa resolusyong may petsang Abril 8, 2026, ibinasura naman ng Ombudsman ang mas mabibigat na paratang na grave misconduct at abuse of authority dahil sa kakulangan ng merito.
Hiwalay sa administratibong kaso ang kasong kriminal na kinakaharap ni Galano kaugnay ng umano’y unlawful appointment. Inilipat na ng Regional Trial Court sa Batac City ang mga record ng kasong ito sa RTC sa Aparri, Cagayan para sa karagdagang pagdinig. Samantala, inaasahang hahalili bilang officer-in-charge ng munisipalidad si Vice Mayor Leah Buduan habang suspendido si Galano.
📷: Municipal Government of Paoay
#net25newsandinformation #mayor #misconduct #governmentnews #philippinenews #ombudsman #shielagalano -
NET25
@NET25TV
Pumalo sa 221 ang kaso ng influenza-like illness sa Quezon City mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 10, ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD). Mas mataas ito ng 13% kumpara sa 195 kasong naitala mula Setyembre 13 hanggang 26.
Pinakamaraming kaso ang naitala sa District 4 na may 61, kasunod ang District 2 na may 47. Samantala, mga batang edad 14 pababa ang bumuo sa mahigit kalahati ng kabuuang bilang ng mga pasyente.
Hinimok ng QCESD ang publiko na manatili sa bahay kapag may sakit at magpatingin sa doktor kung hindi nawawala o lumalala ang mga sintomas.
#net25newsandinformation #ili #quezoncity #medicalcases #flu #healthnews -
NET25
@NET25TV
Binuksan na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang unang pampublikong electric vehicle (EV) charging station, na matatagpuan sa Kartilya ng Katipunan.
Mayroon itong 30-kilowatt fast charger at 22-kilowatt standard charger para sa mga motorista. Ayon kay Mayor Isko Moreno, bahagi ito ng hakbang ng lungsod upang matugunan ang kakulangan ng charging stations at mahikayat ang mas malawak na paggamit ng EV.
Dalawa pang pasilidad ang nakatakdang itayo bago matapos ang taon, sa Bagong Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital, sa pakikipagtulungan ng ACMobility.
#net25newsandinformation #manila #electricvehicles #sustainablemobility -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang isang 34-anyos na e-trike driver matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang namamasada sa M.H. Del Pilar Street, Barangay Tugatog, Malabon, nitong 8:00 ng gabi ng Lunes, Oktubre 19.
Ayon sa ina ng biktima, nagkita pa sila ng anak ilang oras bago ang insidente. Wala umanong alam ang pamilya sa posibleng motibo sa krimen dahil walang kaaway ang biktima.
Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang Malabon Police habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #pamamaril #shootingincident #shooting #death -
NET25
@NET25TV
BARKER, NAKIPAG-AGAWAN NG BARIL, PATAY
PANOORIN: Nasawi ang isang barker matapos umanong agawin ang baril ng isang guwardiya at manlaban sa mga rumespondeng pulis sa Murcia Road, Barangay Mansilingan, Bacolod City. Nakuhanan ng video ang pag-aagawan ng suspek at ng guwardiya bago ang magkakasunod na putok ng baril.
Ayon sa imbestigasyon, tatlong beses umanong pinaputukan ng barker ang guwardiya matapos maagaw ang kaniyang baril. Ligtas naman ang guwardiya, habang nasawi ang suspek matapos umanong manlaban sa mga rumespondeng awtoridad.
Pinaniniwalaang nasa impluwensiya ng ilegal na droga ang barker, bagama’t patuloy na inaalam ang buong detalye ng insidente.
📹: Ronald Bayson
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #illegalactivities #drugaddiction #investigation #shooting #death -
NET25
@NET25TV
Nahulog ang isang kotse mula sa ikatlong palapag ng isang multi-level pay parking building sa Barangay Santa Elena, Marikina City, na ikinasugat ng babaeng driver.
Batay sa ulat, nagtamo ng mga galos at bukol ang driver. Ayon sa paunang impormasyon, napagkamalan umano nitong preno ang silinyador kaya sa halip na huminto ay umabante ang sasakyan at nahulog mula sa ikatlong palapag.
Agad na rumesponde ang Marikina Command Center Rescue 161 upang sagipin ang driver mula sa loob ng sasakyan. Nakatulong naman umano ang pagsusuot nito ng seat belt at paggana ng airbag.
Nagdulot din ng pinsala ang insidente sa bahagi ng parking building at sa isang tangke ng tubig sa ibaba. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye ng pangyayari.
📷: Jimmy Rondina
#net25newsandinformation #pnp #policenews #roadcrash #roadaccident #accident -
NET25
@NET25TV
FOREVER WITH TDOONGIES 🍭✨
Ipinagdiriwang ng K-pop supergroup na TWICE ang kanilang 11th anniversary ngayong Martes, Oktubre 20.
Huling nag-concert ang grupo noong Oktubre 2025 sa Philippine Arena.
#net25newsandinformation #twice #thisisfor #philippinearena #kpopnews -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang isang barker matapos umanong agawin ang baril ng isang guwardiya at manlaban sa mga rumespondeng pulis sa Murcia Road, Barangay Mansilingan, Bacolod City. Nakuhanan ng video ang pag-aagawan ng suspek at ng guwardiya bago ang magkakasunod na putok ng baril.
Ayon sa imbestigasyon, tatlong beses umanong pinaputukan ng barker ang guwardiya matapos maagaw ang kaniyang baril. Ligtas naman ang guwardiya, habang nasawi ang suspek matapos umanong manlaban sa mga rumespondeng awtoridad.
Pinaniniwalaang nasa impluwensiya ng ilegal na droga ang barker, bagama’t patuloy na inaalam ang buong detalye ng insidente.
📷: Ronald Bayson
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #illegalactivities #drugaddiction #investigation #shooting #death -
NET25
@NET25TV
Iginiit ni Prof. Chester Cabalza na dapat pag-aralan at igalang ng mga ambassador at diplomat sa Pilipinas ang kultura ng bansa. Pahayag ito ni Cabalza sa gitna ng usapin ng panawagang ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/s5ARjQ3nYuE -
NET25
@NET25TV
Maglalabas ang Department of Labor and Employment ng bagong guidelines at labor advisory para sa karagdagang proteksyon ng mga delivery rider at iba pang manggagawa sa lansangan laban sa matinding init. Layunin din nitong isulong ang flexible working arrangements para sa mga empleyado bunsod ng inaasahang epekto ng Super El Niño.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/hvpQdIc-av8 -
NET25
@NET25TV
Sa ilalim ng Seamless Occupational Pathway, maaari nang maipagpatuloy sa kolehiyo ang mga kursong natapos sa TESDA. Tinalakay ang programang ito sa #aspn kasama si TESDA Secretary Kiko Benitez.
| Ano Sa Palagay N’yo?
www.youtube.com/watch?v=f-GMgBUnfJQ -
NET25
@NET25TV
Patuloy ang palitan ng mga pag-atake ng Houthi at Saudi coalition sa gitna ng tumitinding tensyon sa Gulf region.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #houthi #saudicoalition #gulfregion #middleeast
youtu.be/kdlmOK4YkB4 -
NET25
@NET25TV
“The heart of UP is the struggling middle class.”
Ito ang iginiit ni UP President Angelo Jimenez sa gitna ng matagal nang debate kung sino ang nararapat mag-aral sa University of the Philippines. Ayon kay Jimenez, layunin din ng unibersidad na matiyak ang pantay na oportunidad para sa lahat ng estudyante, anuman ang kanilang antas ng pamumuhay.
| Ano Sa Palagay N’yo?
www.youtube.com/watch?v=teQ45hHQdbY -
NET25
@NET25TV
Tiniyak ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na handang atakihin ng Israel ang Iran kahit walang puwersa ng Estados Unidos.
#matangagilainternational #israel #iran #benjaminnetanyahu #middleeast
youtu.be/7mI1QOnoEPU -
NET25
@NET25TV
Nakikipagnegosasyon na ang mga awtoridad sa grupong kumukupkop kay Sen. Bato dela Rosa sa Mindanao para tiyaking hindi hahantong sa madugong komprontasyon ang kanyang pagsuko.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #batodelarosa
youtu.be/0LVkCCpVr6Y -
NET25
@NET25TV
Hinimok ng labor group na TUCP ang DOLE na magpatupad ng mandatory heat breaks upang maprotektahan ang mga manggagawa laban sa matinding init dulot ng Super El Niño.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #tucp #dole #heatsafety #mandatoryheatbreaks #workersrights #superelnino
www.youtube.com/watch?v=1_IoTk5nhng -
NET25
@NET25TV
Patuloy ang palitan ng mga pag-atake ng Houthi at Saudi coalition sa gitna ng tumitinding tensyon sa Gulf Region. #matangagilainternational #houthi #saudiarabia #yemen #middleeast
net25.com/news/houthi-at-saudi-coalition-nagpalitan-ng-pa… -
NET25
@NET25TV
GUSTONG MANATILING ACTIVE HABANG TUMATANDA? TRY THESE SIMPLE MOVES! ✨
#girlcode! Ikaw, anong simple exercise ang prefer mo para manatiling active? 💪 I-share mo na 'yan sa comment section at i-tag mo na rin ang iyong grandparents! 👇
youtu.be/zWAwWlEeRlk -
NET25
@NET25TV
MENSTRUAL HEALTH REAL TALK 🩸 #mainfeed!
Cramps, mood swings, at changes sa menstrual cycle—may mga sintomas na common tuwing may regla. Pero paano mo malalaman kung normal discomfort lang o may senyales nang dapat ipatingin? 🤔 Kayo girls, ano ang gusto ninyong mas maintindihan pa tungkol sa periods? 💡
youtu.be/ZvKCz2kvYkE -
NET25
@NET25TV
ANO ANG SINASABI NG BATAS TUNGKOL SA PWD DISCRIMINATION? 🤔
#mainfeed!
Sa tingin mo, paano natin mas mapapalakas ang paggalang at pagprotekta sa karapatan ng PWDs? ⚖️
Comment your answer below! 👇🏻
youtu.be/coT9lzNraA8 -
NET25
@NET25TV
LEGAL PANEL NG RESPONDE SA PRIMETIME, ISA-ISANG SINAGOT ANG TANONG NG MGA KA-NET25
Mula sa mga usaping pagbabayad ng upa, seguridad sa trabaho at mga karapatan ng empleyado, game na sinagot ng legal panel ng Responde sa Primetime ang ipinadalang tanong ninyo mga ka-NET25!
Keep sending your questions dito sa ating official Facebook page at tumutok sa RESPONDE SA PRIMETIME, tuwing Huwebes, 7:30 ng gabi sa NET25.
#net25 #respondesaprimetime -
NET25
@NET25TV
I-level up natin ang classic Pasta Alfredo gamit ang creamy sauce at crispy Dodram Luncheon Meat! 🔥
Kasama si Chef Jion Redoña, matuto kung paano gawing mas savory at satisfying ang paboritong pasta dish na perfect pang-family meal! 🍝😋
#net25 #net25entertainment #tonipetgaba #loveañover #dodramluncheonmeat #pastaalfredo
youtu.be/EIaYweNhtpg -
NET25
@NET25TV
MAY ANGER ISSUES KA BA? 😡 #hearmeout!
Palagi mo bang napipindot si Anger, kaunting bagay... galit agad? 😂 Ikaw, ano ang ginagawa mo to manage your anger issues? I-share mo na 'yan sa mga mainitin ang ulo! 😂🫵🏻
youtu.be/RLGn-SxjErg -
NET25
@NET25TV
More than 50,000 ready-for-occupancy homes from over 80 developers are featured at the National Housing Expo in Pasay City, with affordable Pag-IBIG Fund financing and special buyer incentives for Filipino families.
net25.com/news/national-housing-expo-pag-ibig-expanded-4ph -
NET25
@NET25TV
MADALAS BA NA IKAW ANG LAGING NAG-AADJUST SA FRIENDSHIP? 🥲 #hearmeout!
Kapag sila ang may kailangan sa 'yo, nandiyan ka. Pero kapag ikaw na ang may kailangan sa kanila, wala sila. Aray mo! 😭 Ikaw, paano mo masasabi kung ang friendship ay one-sided? Hinaing mo sa friendship, ilabas na sa comment section! 😅👇
youtu.be/lNKLJk-m5dA -
NET25
@NET25TV
Nagbabala ang Iran ng mas matinding ganti laban sa Estados Unidos at Israel sakaling muling umatake ang kanilang mga puwersa sa Tehran. #net25newsandinformation #matangagilasatanghali #iran #unitedstates #israel
net25.com/news/iran-nagbabala-ng-mas-matinding-ganti-laba… -
NET25
@NET25TV
Binuksan na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang unang pampublikong electric vehicle (EV) charging station, na matatagpuan sa Kartilya ng Katipunan.
Mayroon itong 30-kilowatt fast charger at 22-kilowatt standard charger para sa mga motorista. Ayon kay Mayor Isko Moreno, bahagi ito ng hakbang ng lungsod upang matugunan ang kakulangan ng charging stations at mahikayat ang mas malawak na paggamit ng EV.
Dalawa pang pasilidad ang nakatakdang itayo bago matapos ang taon, sa Bagong Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital, sa pakikipagtulungan ng ACMobility.
#net25newsandinformation #manila #electricvehicles #sustainablemobility -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang isang barker matapos umanong agawin ang baril ng isang guwardiya at manlaban sa mga rumespondeng pulis sa Murcia Road, Barangay Mansilingan, Bacolod City. Nakuhanan ng video ang pag-aagawan ng suspek at ng guwardiya bago ang magkakasunod na putok ng baril.
Ayon sa imbestigasyon, tatlong beses umanong pinaputukan ng barker ang guwardiya matapos maagaw ang kaniyang baril. Ligtas naman ang guwardiya, habang nasawi ang suspek matapos umanong manlaban sa mga rumespondeng awtoridad.
Pinaniniwalaang nasa impluwensiya ng ilegal na droga ang barker, bagama’t patuloy na inaalam ang buong detalye ng insidente.
📷: Ronald Bayson
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #illegalactivities #drugaddiction #investigation #shooting #death -
NET25
@NET25TV
Sinabi ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na walang nakalaang pondo sa panukalang 2027 National Expenditure Program (NEP) para sa pagkuha ng mga bagong principal, kahit 45 porsiyento ng mga pampublikong paaralan sa bansa ay walang principal.
Ayon sa EDCOM 2, humiling ang Department of Education (DepEd) ng ₱10.5 bilyon para sa pagkuha ng mahigit 14,000 bagong principal, ngunit hindi ito isinama sa panukalang badyet ng ehekutibo.
Samantala, nanawagan ang ilang grupo sa sektor ng edukasyon na dagdagan ang pondo para sa ARAL Program upang matugunan ang pangangailangan sa mga tutor ng mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 12.
📷: EDCOM 2
#net25newsandinformation #deped #principals #2027nep #2027nationalbudget #learningneeds -
NET25
@NET25TV
Labinlimang mangingisda ang nahuli sa operasyon ng mga awtoridad sa Polillo, Quezon, kaugnay ng umano’y paglabag sa batas pangisdaan at ordinansa ng munisipyo.
Nasamsam ang bangkang pangisda na nagkakahalaga ng tinatayang ₱3 milyon, kasama ang makina at iba pang kagamitan. Nakumpiska rin ang 69 Styrofoam container na may lamang 2,760 kilo ng iba’t ibang isda na nagkakahalaga ng ₱276,000.
Dinala sa pangangalaga ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng Polillo ang mga nakumpiskang gamit. Samantala, inihahanda ng Polillo Municipal Police Station ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban sa kapitan ng bangka at fishing master.
#net25newsandinformation #polillo #quezon #illegalfishing -
NET25
@NET25TV
Bumuo ang Department of Agriculture (DA) ng ₱61.99 bilyong plano upang mabawasan ang epekto ng inaasahang Super El Niño sa supply ng pagkain at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
Gayunman, ₱371 milyon na halaga ng mga nakaplanong hakbang ang wala pang pondo. Kabilang dito ang cloud seeding upang makatulong na magpaulan at pagkontrol sa red-striped soft scale insect (RSSI), isang pesteng sumisira sa mga taniman ng tubo.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kabilang sa mga hakbang ang paggamit ng mga binhi ng palay na kayang tiisin ang tagtuyot, ayuda sa pambili ng gasolina para sa mga mangingisda, at tulong sa mga magsasakang gumagamit ng makinarya.
#net25newsandinformation #departmentofagriculture #da #superelnino #tagtuyot #cloudseeding #rssi #machinery #agridamage -
NET25
@NET25TV
Nagpatupad ng curfew sa ilang lungsod sa France matapos mauwi sa karahasan ang mga protesta laban sa patuloy na pagtaas ng presyo at gastusin.
Mahigit 2,500 katao ang inaresto at halos 1,000 miyembro ng security forces ang nasugatan sa kaguluhan. Nasa 3,000 tindahan din ang napinsala o naapektuhan ng paninira at pagnanakaw, ayon sa mga awtoridad.
Nag-alok ng pagbibitiw si Interior Minister Laurent Nunez, ngunit hindi ito tinanggap ni Pangulong Emmanuel Macron. Samantala, nanawagan ang mga organizer ng panibagong kilos-protesta sa Sabado.
#net25newsandinformation #france #protests #curfew -
NET25
@NET25TV
Nag-isyu ng show cause order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang motorista na umano’y hindi nagbigay-daan sa mga tumatawid at humarang sa pedestrian lane sa Makati City.
Batay sa video, hindi makatawid ang isang pedestrian dahil nakaharang ang sasakyan. Napilitan din ang iba pang pedestrian na humanap ng ibang daan upang makatawid.
Iniutos ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao ang imbestigasyon upang matukoy ang driver at rehistradong may-ari ng sasakyan. Inatasan ang mga ito na humarap sa Intelligence and Investigation Division ng LTO Central Office ngayong Martes, Oktubre 20, upang magpaliwanag sa insidente.
Posibleng maharap ang driver sa paglabag sa right of way. Maaari rin siyang ideklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na maaaring humantong sa suspensiyon o pagbawi ng lisensiya. Inaasahan din ang pagsuko ng kaniyang lisensiya para sa 90-araw na preventive suspension, habang naka-alarm status ang sasakyan bilang bahagi ng imbestigasyon.
📷: Silinyador-PH
#net25newsandinformation #lto #makaticity #roadsafety #violations #pedestrianlane #trafficviolation -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Lusot na sa subcommittee level ng Senate Committee on Finance ang ₱785.2 milyong panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2027.
Bagaman hindi dumalo si Vice President Sara Duterte sa pagtalakay ng budget, pinagkalooban pa rin ng Senado ang OVP ng tradisyunal na parliamentary courtesy.
Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sen. JV Ejercito, 11% ang ibinaba ng budget ng ahensya kumpara sa ₱889 milyon na budget nito para sa 2026.
Umaasa naman ang mga senador na dadalo si Duterte sa plenary deliberations ng panukalang 2027 national budget. | via Mar Gabriel
#net25newsandinformation #senate #committeeonfinance #ovp #2027nep #2027gab #nationalbudget -
NET25
@NET25TV
MAGDALA NG PAYONG, MGA KA-NET25 ☔
WEATHER UPDATE: Itinaas na sa Signal No. 1 ang ilang bahagi ng Luzon dahil sa malalakas na hangin at pag-ulan na dala ng Bagyong Rosal ngayong Martes, Oktubre 20.
#net25newsandinformation #rosalph #bagyo #luzon -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: WEATHER UPDATE: Tuluyang nakapasok sa Philippine area of responsibility ang Bagyong Champi at tinawag itong Bagyong Rosal.
Huling namataan ang Bagyong Rosal sa layong 1,385 km Silangan ng Central Luzon, sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Sa forecast track, patuloy itong kikilos pa-kanluran hilagang-kanluran at dumaan malapit sa Northern Luzon bago makalabas ng PAR sa Biyernes ng gabi, Oktubre 23 o sa Sabado ng umaga, Oktubre 24.
Ito ay mananatiling super typhoon habang binabaybay ang Philippine Sea at posibleng humina habang papalayo ng PAR.
#net25newsandinformation #rosalph #bagyo #supertyphoon00 -
NET25
@NET25TV
Muling sasabak sa kompetisyon ang Filipino Olympic figure skater na si Michael Christian Martinez sa 2026 Philippine National Figure Skating Championships sa Nobyembre 19, hanggang 21.
Inanunsiyo ni Martinez ang kanyang pagbabalik kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-30 kaarawan. Sa kaniyang post, sinabi niyang wala siyang malaking inaasahan at nais lamang niyang harapin ang bawat kompetisyon nang walang dagdag na pressure. Target din niyang makabalik sa mga international competition sa susunod na taon.
Matapos magretiro sa competitive skating noong 2021, naging abala si Martinez sa pagtuturo sa mga batang skater sa Pilipinas habang naghahanda para sa kanyang pagbabalik.
Si Martinez ang kauna-unahang Pilipinong lumahok sa Winter Olympics. Kinatawan niya ang bansa sa 2014 Sochi at 2018 PyeongChang Winter Olympics.
#net25newsandinformation #michaelmartinez #figureskating #winterolympics #philippinenationalfigureskatingchampionships -
NET25
@NET25TV
FROM GYM WORKOUTS TO INSPIRING FITNESS JOURNEY! 💃
Kilalanin si Donna Lim, ang 55-year-old MixxedFit National Trainer at may-ari ng Tropixx Philippines, na ginawang mas malaking oportunity ang kanyang passion sa fitness! 🔥
Sa tulong ng training, sipag, at dedikasyon, ngayon ay ibinabahagi na niya ang Tropixx Fitness Dance sa mas maraming Pilipino. 💪
youtu.be/2xC7lwlWRuA -
NET25
@NET25TV
Pasok na sa susunod na round ng Ningbo Open si Alex Eala matapos talunin ang French tennis player na si Diane Parry. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento #alexeala
net25.com/news/alex-eala-pasok-sa-next-round-ng-ningbo-open -
NET25
@NET25TV
Tinalakay sa #aspn kasama si Mona Magno-Veluz, spokesperson ng Autism Society Philippines, ang kahalagahan ng National Autism Care Plan Bill. Kapag naisabatas, inaasahang mapalalakas nito ang suporta, serbisyo, at proteksyon para sa mga indibidwal na nasa autism spectrum.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/szkIof5Lu7Q -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Isasailalim sa red alert ang Visayas grid mamayang 5 p.m. hanggang 6 p.m., ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Habang ilalagay rin ito sa yellow alert bandang 3 p.m. hanggang 5 p.m. at 6 p.m. hanggang 8 p.m.
📷: NGCP
#net25newsandinformation #ngcp #redalert #yellowalert #visayasgrid -
NET25
@NET25TV
Pumalo na sa 4,048 ang kaso ng dengue sa Maynila mula Enero 1 hanggang Oktubre 19, ayon sa Manila Health Department.
Bukod dito, may naitala ring 28 bagong kaso ng influenza-like illness, dalawang kaso ng severe acute respiratory infection (SARI), at isang kaso ng leptospirosis.
Hinikayat ng lokal na pamahalaan na agad magpakonsulta kapag may nararamdamang sintomas ng mga sakit upang mabigyan ng angkop na lunas.
📷: Manila PIO
#net25newsandinformation #manila #dengue #ili #sari #leptospirosis #healthnews #healthupdate #maynila -
NET25
@NET25TV
TRAFFIC ENFORCER NA WALANG SUOT NA HELMET!
TINGNAN: Binatikos ng mga netizen ang isang traffic enforcer sa Pasay City matapos maging viral sa social media ang larawan nito na angkas sa motorsiklo na walang suot na helmet.
Sa isang post, iginiit ng netizens na hindi dapat maging exempted sa batas ang mga traffic enforcer na inaasahang ehemplo sa pagpapanatili ng kaayusan at disiplina sa kalsada. Hiniling din sa Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na bigyang-pansin ang naturang insidente. | via Frank Marasigan
📷: Silinyador-PH
#net25newsandinformation #pasaycity #trafficenforcement #trafficrules #violations #helmetsafety -
NET25
@NET25TV
Umusad si Pinay tennis star Alex Eala sa ikalawang round ng Ningbo Open sa China matapos talunin si French bet Diane Parry sa dalawang set, 6-3, 6-1.
Sa susunod na round, makakaharap ni Eala ang mananalo sa laban nina Yulia Putintseva ng Kazakhstan at Diana Shnaider ng Russia.
📷: Ningbo Open
#net25newsandinformation #alexeala #sportsnews #sportsupdate #teamphilippines #tennis #ningboopen #wta -
NET25
@NET25TV
Sugatan ang pitong OFW, kabilang ang tatlong nasa kritikal na kalagayan, sa sunod-sunod na pag-atake sa Saudi Arabia, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa mga ulat, inako ng grupong Houthi sa Yemen ang mga missile at drone strike sa Saudi Arabia, kabilang ang pag-atake sa King Khalid International Airport sa Riyadh.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga awtoridad ng Saudi Arabia upang matulungan ang mga biktima at matiyak ang kaligtasan ng iba pang Pilipino sa bansa.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #dfa #filipino #ofws #saudiarabia #missileattacks #middleeasttension -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Huling namataan ang Super Typhoon Champi sa layong 1,605 km Silangan ng Central Luzon.
Ayon sa PAGASA, posibleng pumasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong umaga. Tatawagin itong Bagyong Rosal.
📷: PAGASA
#net25newsandinformation #typhoonchampi #rosalph -
NET25
@NET25TV
Tiniyak ng Estados Unidos na magpapatuloy ang paglalaan nito ng pondo para sa kalusugan ng mga ina at bagong silang sa pinakamahihirap na bansa.
#matangagilainternational #unitedstates #maternalhealth #newbornhealth
www.youtube.com/watch?v=F5bIQnnArGQ -
NET25
@NET25TV
Umapela sa United Nations ang mga residente ng Aden, Yemen para sa mas mahigpit na aksyon laban sa Houthi.
#matangagilainternational #yemen #houthi #unitednations
youtu.be/64X1UfPOYUI -
NET25
@NET25TV
Ang mga balitang pag-uusapan sa #aspn ngayong Oct. 20, 2026- Lunes,
- Malacanang, iginiit na hindi nais ni PBBM mapaalis ng bansa si Amb. Jing
- EDSA busway, nawalan ng pondo sa panukalang 2027 national budget
-France, magpapatupad ng curfew matapos ang riot at looting
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=g6sK6j6CgSQ
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1677945753747912 -
NET25
@NET25TV
Holiday season na naman, kasabay ang pagsisimula ng holiday shopping! Paano nga ba mapaplano ang ating budget para sa mga gastusin ngayong holidays? Alamin ang mga tips at payo mula kay Prof. Astro Del Castillo, Economist at Financial Advisor, sa panayam ng Team #aspn.
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/7oEUOrUJeUQ -
NET25
@NET25TV
Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Ambassador Jing Quan ngayong Lunes, Oktubre 19 upang ipahayag ang “seryosong pagkabahala at mariing pagtutol” ng Pilipinas sa kaniyang mga kontrobersyal na pahayag tungkol sa paggamit ng puwersa sa Pilipinas kaugnay ng West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Theresa Lazaro, mapanulsol umano at hindi katanggap-tanggap ang pahayag ng ambassador at hindi ito nakatutulong sa pagpapalalim ng ugnayan ng dalawang bansa. Binigyang-diin din ng ahensya na hindi nararapat para sa isang ambassador na hayagang punahin o tuyain ang mga opisyal at mambabatas ng Pilipinas na gumaganap ng kanilang tungkulin.
Nauna nang sinabi ni Quan na madaling mananalo ang China kung gagamit ito ng puwersa laban sa Pilipinas kaugnay ng West Philippine Sea. Samantala, iginiit naman ng Chinese Embassy na ang mga panawagang ideklarang persona non grata ang ambassador ay maituturing umanong banta o pamimilit.
📷: DFA-OPD
#net25newsandinformation #senate #chineseambassador #westphilippinesea #personanongrata #wps #territorialtension -
NET25
@NET25TV
Nagmungkahi ang Department of Agriculture (DA) ng ₱61.99-bilyong action plan upang mabawasan ang epekto ng El Niño sa supply ng pagkain at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layunin ng mga nakaplanong hakbang na mabawasan ang pagkalugi sa produksiyong agrikultural, kabilang ang pagbibigay ng drought-tolerant rice varieties at iba pang angkop na agricultural inputs. Kabilang sa panukalang pondo ang ₱6.2 bilyong naipamahagi na sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Program.
Gayunman, sinabi ng DA na nananatiling walang pondo ang ₱371 milyong halaga ng mga panukalang hakbang, kabilang ang cloud seeding operations at pagkontrol sa red-striped soft scale insect na nakaaapekto sa produksiyon ng tubo. Nakikipag-ugnayan din ang ahensya sa iba pang tanggapan ng pamahalaan para sa karagdagang tulong, habang sinimulan na ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga mangingisda.
#net25newsandinformation #departmentofagriculture #elniño #foodsecurity #farmers #fisherfolk #agriculture -
NET25
@NET25TV
Nasagip ang isang white-bellied sea eagle na naipit sa kawad sa isang puno ng niyog sa Barangay Olympog, General Santos City.
Ayon sa DENR, iniulat ng isang residente ang insidente noong Oktubre 11. Sa pagsusuri noong Oktubre 15, walang nakitang pisikal na pinsala sa ibon.
Ililipat ito sa Regional Wildlife Rescue Center sa Sultan Kudarat State University–Lutayan Campus para sa pangangalaga at rehabilitasyon bago posibleng ibalik sa kagubatan.
#net25newsandinformation #denr #wildliferescue #seaeagle -
NET25
@NET25TV
Kinondena ng National Security Council (NSC) ang pagpapatuloy umano ng illegal activities ng China sa mga karagatan ng Pilipinas, kabilang ang hindi awtorisadong pangingisda, pinaghihinalaang marine scientific research nang walang pahintulot ng bansa, at dangerous maneuvers ng mga sasakyang pandagat.
Kabilang sa mga iniulat na insidente ang pagtatapon ng basura sa territorial sea ng Kota Island, hindi awtorisadong pangingisda malapit sa Lawak Island, at pinaghihinalaang pananaliksik sa karagatan sa bahagi ng Batanes.
Ayon sa NSC, banta sa kaligtasan ng mga Pilipino ang mga aktibidad na ito, maging sa kabuhayan ng mga mangingisda, at karapatan ng bansa sa karagatan sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ng 2016 Arbitral Award.
Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, ang usapin ay nakaugat sa umano’y patuloy na pangha-harass ng China sa mga mangingisdang Pilipino at mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard sa sariling karagatan ng bansa.
📷: PCG
#net25newsandinformation #philippines #china #westphilippinesea #philippinecoastguard #armedforcesofthephilippines -
NET25
@NET25TV
Inilunsad ng Korte Suprema (SC) ngayong Lunes, Oktubre 19, ang serbisyong eNotarization na nagbibigay-daan sa publiko na magpanotaryo ng electronic documents online.
Para magamit ang serbisyo, kailangang magparehistro muna ang mga user sa opisyal na registration portal ng mga unang batch ng SC-accredited Electronic Notarization Facility providers. Pagkatapos magparehistro, maaari silang pumili ng electronic notary public mula sa listahan ng mga awtorisado ng SC.
Ayon sa SC, layunin ng serbisyong ito na gawing mas accessible at mabilis ang proseso ng notarization.
#net25newsandinformation #philippines #supremecourt #digitalservices #notarypublic #notarization #enotarization -
NET25
@NET25TV
BASAHIN: Kinondena ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang paulit-ulit na ilegal na aktibidad ng pangingisda nang walang pahintulot, at mapanganib na pagkilos ng mga barkong Tsino sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.
Binigyang-diin ng ahensya na hindi maaaring manaig ang pag-aangkin ng China sa teritoryo laban sa karapatan ng Pilipinas at sa umiiral na international laws.
📷: NSC
#net25newsandinformation #china #philippines #territorialtension #chinacoastguard #chinavessels -
NET25
@NET25TV
Ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Department of Agriculture–Inspectorate and Enforcement at Bureau of Plant Industry ang imbestigasyon sa umano’y smuggling ng carrots, broccoli, at iba pang highland vegetables na posibleng nakaaapekto sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka, partikular sa Cordillera.
Sa monitoring sa Baguio Hangar Market, natukoy ang tatlong puwesto na nagtitinda ng imported na broccoli, kabilang ang isang kahong may label na “Product of China.” Gayunman, hindi pa natitiyak ng mga awtoridad kung ipinuslit sa bansa ang mga naturang gulay.
Ayon kay Tiu Laurel, pananagutin ang sinumang mapatutunayang lumabag sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Law. Kumuha rin ng mga sample ng broccoli ang Bureau of Plant Industry para suriin kung may mabibigat na metal at formalin.
#net25newsandinformation #smuggling #agriculture #cordillera #broccoli #carrots #vegetables -
NET25
@NET25TV
SAEBI KO SA’YO WALA LANG ‘TO 💗
PANOORIN: Todo-kilig ang PH NAYA nang lapitan sila ni Saebi sa gitna ng “WHO DAT GIRL?” concert sa EVM Convention Center nitong Sabado.
Bukod sa heart signs, nakipag-selfie pa si Saebi sa mga fans.
📹: Mae Vitales
#net25newsandinformation #izna #이즈나
#izna_concert_tour #who_dat_girl
#izna_concert_tour_in_manila #evmconventioncenter #egmhall #concertThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Bumagsak sa all-time low na ₱63 kada dolyar ang piso. Ayon kay marketing strategist Jonathan Ravelas, mahirap maiwasan ang paghina ng piso dahil nakadepende ang bansa sa imported goods at services. Gayunman, inaasahang maaaring lumakas muli ang piso sa pagtatapos ng taon, bunsod ng pagpasok ng remittances mula sa mga overseas Filipino worker.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/VW9DGCgRe74 -
NET25
@NET25TV
Pasok na si Carlos Yulo sa floor exercise at vault finals ng World Gymnastics Championships sa Rotterdam, Netherlands.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #carlosyulo #worldgymnasticschampionships
youtu.be/e595xt9CCTE -
NET25
@NET25TV
Ipatatawag ni Pangulong Bongbong Marcos si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan para pagpaliwanagin sa tila pagbabanta nito sa bansa.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #china #chineseambassador #jingquan #pbbm #bongbongmarcos
youtu.be/oEHTGCj3FJk -
NET25
@NET25TV
Ayon sa PAGASA, inaasahang papasok sa PAR bukas ang super typhoon na may international name na Champi na papangalanang Rosal. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento #supertyphoonchampi #supertyphoon
youtu.be/zzeEFnpHL-Y -
NET25
@NET25TV
Mga ka-NET25 at ka-Responde! I-follow na ang official Facebook page ng RESPONDE SA PRIMETIME para sa updates, highlights at mga dapat abangan sa pinakabagong sumbungan ng bayan.
Iparating ang inyong mensahe at sumbong, tatapatan namin ng AKSYON at SOLUSYON.
Facebook Page: www.facebook.com/share/14rx77xavJT/
#net25 #net25newsandinformation #respondesaprimetime #alexsantos -
NET25
@NET25TV
Sinabi ni Atty. Rowena Guanzon na hindi siya optimistiko sa kinabukasan ng Pilipinas at hindi niya makita ang solusyon sa mga problema ng bansa sa gitna ng kahirapan.
#net25newsandinformation #resbak #rowenaguanzon #kahirapan #philippineeconomy #philippinepolitics -
NET25
@NET25TV
KILOS-PROTESTA SA ITALY, NAUWI RIN SA KARAHASAN
PANOORIN: Nauwi sa kaguluhan ang kilos-protesta sa Milan, Italy matapos ang paninira ng mga ari-arian at pagnanakaw ng mga raliyista sa mga establisimyento bilang paglaban sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa nitong weekend, Oktubre 17 at 18.
Ito ay kasunod ng mga kilos-protesta sa France na naganap nitong weekend. Sa mga lugar malapit sa Via Broletto, Piazza del Duomo, at Galleria Vittorio Emanuele II, may mga naghagis umano ng mga bato at bote ang mga nakamaskarang raliyista at sinunog ang mga harang bago manloob ng mga negosyo.
Gumamit ang mga pulis ng tear gas at water cannon upang mapigilan ang mga nagkakagulo. Ayon sa mga ulat ng ANSA, mahigit 200 katao ang nadetine sa Milan sa loob ng dalawang araw, habang 25 katao ang kinailangang dalhin sa ospital, kabilang ang 10 pulis. Naitala rin ang mga kaguluhan sa Bologna at Turin.
Kinondena ni Italian Prime Minister Giorgia Meloni ang karahasan at nagpatawag ng pulong ukol dito. Sinabi naman ni Milan Mayor Giuseppe Sala na nauunawaan nila ang layunin ng protesta, ngunit hindi makatuwiran ang pag-atake sa mga pulis at pagsira sa mga ari-arian.
: RT News
#net25newsandinformation #worldnews #costofliving #publicunrest #france #milanitaly #italy #protest #protestersThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
TRUMP, ISINISI SA IMMIGRATION ANG KAGULUHAN SA FRANCE
PANOORIN: Sinisi ni United States President Donald Trump ang immigration sa kaguluhang naganap sa France, at iginiit na pininsala umano nito ang dating maunlad na bansa. Sa kaniyang pahayag sa Truth Social nitong Linggo, Oktubre 18, hinimok niya ang France na isara ang borders nito at higpitan ang kontrol sa imigrasyon bago mahuli ang lahat.
Nagkaroon ng malawakang protesta sa France dahil sa mga isyu sa edukasyon, pagtaas ng presyo ng bilihin, at pagbaba ng uri ng mga serbisyong pampubliko. Nauwi ang ilang demonstrasyon sa karahasan, panununog, at pagnanakaw.
Gayunman, iniugnay ng mga awtoridad ng France ang karahasan sa ilang grupong radikal at mga kriminal, at hindi nila kinumpirmang imigrasyon ang sanhi ng kaguluhan.
: @realDonaldTrump
#net25newsandinformation #worldnews #costofliving #publicunrest #donaldtrump #usa #france #milanitaly #italy #protest #protesters -
NET25
@NET25TV
BABALA: SENSITIBONG BALITA
PANOORIN: Nasawi ang dalawang magsasaka matapos lumahok sa tinatawag na “Sulif,” isang umano’y tradisyunal na ritwal na isinagawa para ayusin ang kanilang alitan sa 15 ektaryang lupain sa Alabel, Sarangani.
Ayon sa paunang ulat, nagkasundo umano silang lumubog sa Glamang River nang 12 minuto, ngunit kapwa sila hindi na nakaligtas.
: Mansag Vlog
#net25newsandinformation
#saranganiprovinceThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
JUNGEUN, PWEDE NANG MANGARAP! ❤️🔥
PANOORIN: Nakisabay sa Pinoy dance trend si Choi Jungeun ng K-pop girl group na izna nang subukan niya ang sikat na kantang “Pwede Nang Mangarap.”
Nakisaya ang K-pop star kasama ang Filipino fans sa kanilang “WHO DAT GIRL?” concert sa EVM Convention Center sa Manila.
📹: @austineabella
#net25newsandinformation #izna
#이즈나
#jungeun
#최정은
#pwedenangmangarap #iznaconcerttour
#grabe
#whodatgirl
#iznaconcerttourinmanila #evmconventioncenter #egmhallThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
DAGDAG-BAWAS SA PRODUKTONG PETROLYO
Epektibo simula Martes, Oktubre 20, ang hanggang ₱2.60 kada litro na dagdag-singil sa diesel habang bababa naman ang singil sa gasolina at kerosene, ayon sa Department of Energy (DOE).
#net25newsandinformation #oilprice #dieselhike #gasolinerollback #kerosenerollback #doe -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang isang 44-anyos na magsasaka matapos tagain sa leeg ng kaniyang kainuman na 27-anyos kasunod ng mainit na pagtatalo sa Sitio Lanao, Barangay Keytodac, Sultan Kudarat, nitong Linggo ng hapon, Oktubre 18.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima at suspek bandang 12:45 ng tanghali nang mauwi sa pagtatalo ang kanilang pag-uusap. Bigla umanong naglabas ng itak ang suspek at tinaga sa leeg ang biktima, na agad na ikinasawi nito.
Kusang sumuko ang suspek sa barangay ilang sandali matapos ang insidente at pagkatapos ay itinurn-over sa mga rumespondeng pulis. Kasalukuyan siyang nakakulong sa Lebak Municipal Police Station habang inihahanda ang kaukulang kasong kriminal laban sa kaniya. | via Jannice Ann Cabaña
📷: Lebak MPS
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #illegalactivities #investigation #murder #death -
NET25
@NET25TV
LAGI KANG UMIINTINDI, PERO SINO ANG UMIINTINDI SA 'YO? 💔
#hearmeout!
Paano kung dumating ang point na pagod ka na ring umunawa? 🥹
Ikaw, nakaranas ka na bang mapagod sa laging pag-intindi?
youtu.be/bUxgw7qoB3c -
NET25
@NET25TV
SMOOTHIE NA NAKAKAPAGPAGANDA NG SKIN, PATOK! ✨
#girlcode!
Na-refresh ka na, gumanda ka pa! I-try mo na rin itong smoothie beauty hack! 💖
youtu.be/TZvftjRtGtk -
NET25
@NET25TV
Hiniling ng prosekusyon na makapagsumite ng transcripts at ebidensiya mula sa limang testigo sa kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #icc #thehague #fprrd
youtu.be/16GLQTRQeGE -
NET25
@NET25TV
Umaasa ang mga magsasaka na makatutulong ang pondo sa irigasyon sa paghahanda sa posibleng epekto ng Super El Niño.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #magsasaka #irrigationbudget
youtu.be/p-00rk1JRBg -
NET25
@NET25TV
Kabilang sa mga robot sa restaurant ang naghahatid ng pagkain sa mga mesa, nagluluto at nangongolekta ng pinagkainan. #net25newsandinformation #matangagilaweekend #beijingchina #robotrestaurant
youtu.be/sDqABjVPNBw -
NET25
@NET25TV
Oras na para sa #aspn ang Ating Sinundang Pangunahing News ngayong Oct. 19, 2026 Lunes:
- Macron, nangakong paparusahan ang mga rioters sa France
- Senado, maghahain ng resolusyon laban sa mapagbantang pahayag ng Chinese ambassador
- 2 sa 3 Pilipino, pabor sa bilyonaryo wealth tax
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=PYuJDv9AqEI
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1642811824053591 -
NET25
@NET25TV
Anumang hinaing, anumang sumbong, puwede mo nang iparating sa official Facebook page ng RESPONDE SA PRIMETIME.
Dahil ang inyong sumbong ay may kaakibat na (A)ksyon at (S)olusyon mula sa inyong ka-RESPONDE, (A)lex (S)antos!
RESPONDE SA PRIMETIME | Tuwing Huwebes, 7:30 PM sa NET25.
#respondesaprimetime #net25 -
NET25
@NET25TV
MADALAS BA NA IKAW ANG LAGING NAG-AADJUST SA FRIENDSHIP? 🥲
#hearmeout!
Kapag sila ang may kailangan sa 'yo, nandiyan ka. Pero kapag ikaw na ang may kailangan sa kanila, wala sila. Aray mo! 😭
Ikaw, paano mo masasabi kung ang friendship ay one-sided?
Hinaing mo sa friendship, ilabas na sa comment section! 😅👇
youtu.be/lNKLJk-m5dA -
NET25
@NET25TV
AS A PARENT, EMOTIONALLY PRESENT KA BA SA ANAK MO? 💬
#hearmeout!
Kung magulang ka, ano sa tingin mo ang pinakamahalagang paraan para maiparamdam sa anak na present ka? 🤔
I-comment mo na 'yan! 👇🏻youtu.be/69SQAiVYKoY -
NET25
@NET25TV
Sinagot ni Peter Laviña ang tanong ni Atty. Mike Operario kung may pag-asa pang magbago ang kalagayan ng mga Pilipino.
#net25newsandinformation #net25 #theoperator #attymikeoperario #pilipino #pilipinas #peterlaviña
youtu.be/XfnwwcshB6M -
NET25
@NET25TV
Tinalakay ni Atty. Rowena Guanzon ang umano’y hindi pantay na pagtrato sa mga kasong may kaugnayan sa flood control projects at donasyon o kickback.
#net25newsandinformation #net25 #bakbakanna #attyrowenaguanzon #selectivejustice #philippinepolitics
youtu.be/iW_WdoFl70Y -
NET25
@NET25TV
Iginiit ni Atty. Rowena Guanzon na alisin ang unprogrammed funds sa national budget at tinalakay ang paggamit ng buwis mula sa excise tax at VAT.
#net25newsandinformation #resbak #rowenaguanzon #unprogrammedfunds #nationalbudget #budgettransparency
youtu.be/aOuecU4ZteQ -
NET25
@NET25TV
LET'S TALK ABOUT MOMMY DUTIES! 👩👦
#hearmeout! Kung mommy ka, lagi ba dapat magsabi ng "YES?" o may choice din tayo to say "NO?" 🤔 I-share mo na 'yan sa comment section! 👇🏻
youtu.be/2oBoC7BdfHk -
NET25
@NET25TV
Itinanggi ni Senate President Win Gatchalian ang alegasyon na aabot sa ₱25 million kada araw ang ginagastos ng Senado sa impeachment trial at hindi raw totoo na ginagamit ang 2027 budget upang impluwensiyahan ang magiging boto ng mga senador na i-convict si VP Sara Duterte.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #impeachment #vpsaraduterte #vpsara #duterte
youtu.be/do1LD_InhIM -
NET25
@NET25TV
P1-T sa P7.2-T pondong inapubrahan ng Kamara, nakitaan ng ‘red flag’ ng People’s Budget Coalition.
Batay sa pagsusuri ng grupo, kapansin-pansin din ang malaking dagdag sa infrastructure budget na iniuugnay kina Rep. Sandro Marcos, Rep. Mikaela Suansing at Speaker Bojie Dy.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/wPODf72NER0 -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Malapit na umanong makasuhan ng plunder ang mag-inang sina Senador Loren Legarda at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste sa Sandiganbayan, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin 'Boying' Remulla.
Bagama't hindi naglatag ng timeline ang Ombudsman, iaanunsiyo na lang umano niya ito kung maghahain na sila ng kaso. | via Tjay Mendoza
#net25newsandinformation #ombudsman #lorenlegarda #leandroleviste #sandiganbayan #plunder -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Isinailalim na sa preliminary investigation ng Ombudsman para sa kasong plunder si Cagayan Third District Rep. Joseph "Jojo" Lara, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin 'Boying' Remulla.
"Supposed to be a divestment, which we think did not really happen, because the money paid to these construction companies still went to his private bank account amount of 1.9 billion pesos." ani Ombudsman Remulla. | via Tjay Mendoza
#net25newsandinformation #ombudsman #sandiganbayan #plunder #investigation -
NET25
@NET25TV
LALAKING SUSPEK SA DROGA, TIMBOG SA OPERASYON SA CAMIGUIN
TINGNAN: Arestado ang isang 22-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Sitio Maslog Lower, Barangay Balbagon, Mambajao, Camiguin, noong Lunes, Oktubre 12, bandang 2:15 ng hapon.
Nasamsam mula sa suspek ang sampung pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na dalawang gramo at standard market value na ₱13,600. Nakumpiska rin ang mga materyales na gamit sa pag-iimpake, isang cellphone, buy-bust money, at isang motorsiklong walang plaka.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Laura Pobadora
📹: PDEA ROX
#net25newsandinformation #pdea #philippines #illegaldrugs #drugtrafficking #investigation -
NET25
@NET25TV
Nagbabala ang isang expert ng United Nations (UN) na maaaring mas mapanganib ang epekto ng inaasahang matinding El Niño sa coral reefs sa buong mundo, kasabay ng patuloy na pagtaas ng temperatura ng karagatan.
Ayon kay David Obura, marine scientist at pinuno ng UN expert panel on biodiversity, maaaring magdulot ang mas mainit na tubig-dagat ng mas malawakang coral bleaching o pamumuti ng mga corals, na maaaring humantong sa pagkamatay ng mga ito.
Batay sa isang pag-aaral, halos kalahati ng mga coral species na sinuri ay nasa mas mataas na panganib ng extinction noong 2020. Kabilang sa mga pangunahing dahilan nito ang climate change.
#net25newsandinformation #elniño #coralreefs #climatechange #un -
NET25
@NET25TV
MIXED OIL PRICE MOVEMENT
Asahan ang P4 kada litro na rollback sa gasolina habang may kaunting dagdag-singil sa diesel sa susunod na linggo, base sa apat na araw na trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS).
#net25newsandinformation #oilprice #diesel #gasoline #rollback #pricehike -
NET25
@NET25TV
Itinanggi ng ilang senador ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte na maaaring gamitin ang 2027 national budget upang impluwensiyahan ang magiging hatol nila sa kaniyang impeachment trial.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, walang batayan ang alegasyon at walang kaugnayan ang budget sa magiging hatol sa paglilitis. Aniya, noong Lunes lamang natanggap ng Senado ang panukalang pondo at nagsisimula pa lamang silang suriin ito.
Samantala, iginiit ni Senador Panfilo Lacson na hindi siya kailanman nagpadala sa tukso ng pork barrel at sa halip ay palagi niya itong tinutulan.
Nauna nang sinabi ni VP Sara na maaaring gamitin ang naturang panukalang pondo bilang panggigipit sa mga senator-judge upang makuha ang kanilang boto at mahatulan siyang guilty sa impeachment trial.
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #impeachment #2027nep #2027gab #governmentfunds #conviction #impeachmenttrial #vpsara -
NET25
@NET25TV
Kinilala ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sampung persons at entities of interest sa imbestigasyon kaugnay ng umano’y pagkakasamsam sa 521 kilo ng shabu sa Laos na sinasabing nakatakdang ipadala sa Pilipinas.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, may mga lead na ang ahensiya at patuloy na bineberipika ang pagkakakilanlan ng iba pang posibleng sangkot. Gayunman, tumanggi si Matibag na pangalanan ang mga indibidwal na iniimbestigahan.
Nauna nang kinilala ng PDEA ang dalawang Pilipinong umano’y sangkot sa transportasyon ng droga, isang mula sa Marawi at isang mula sa Luzon, na siya umanong nagrenta ng eroplano at nagbayad sa pamamagitan ng bank transfer.
#net25newsandinformation #pdea #laos #philippines #illegaldrugs #drugtrafficking #investigation -
NET25
@NET25TV
Kapansin-pansin ang tila higanteng jellyfish sa kaulapan matapos ilunsad ang SpaceX Falcon 9 rocket sa Florida, United States noong Oktubre 13.
Ayon sa NASA, nabuo ang kakaibang formation nang tamaan ng sikat ng araw ang usok na inilabas ng rocket habang madilim pa sa ibaba. Nagmistulang kumikinang na dikya ang hugis nito.
Bahagi ng misyon ang paghahatid ng mga suplay at kagamitang pang-agham sa International Space Station.
📸: NASA/Instagram
#net25newsandinformation #spacex #nasa #spacejellyfish -
NET25
@NET25TV
Iginiit ni SINAG Executive Director Jason Cainglet na hindi lamang Super El Niño ang dapat sisihin sa posibleng epekto sa suplay ng pagkain sa bansa.
Aniya, mas mapapababa ang epekto nito kung mas susuportahan ang mga lokal na magsasaka at producer sa halip na umasa sa inaangkat na bigas, gulay at iba pang produktong agrikultural.
| Ano Sa Palagay N’yo
youtu.be/g0BdkJieIjs -
NET25
@NET25TV
Bukod sa multa, dapat may makulong!
Nanawagan ang grupong SINAG na hindi lamang multa kundi pagkakakulong din ang ipataw sa mga sangkot sa kartel ng sibuyas, kasunod ng P1.76-B multang ipinataw ng Philippine Competition Commission sa ilang kartel. Ayon kay SINAG Executive Director Jason Cainglet, dapat ding panagutin at arestuhin ang mga umano’y kasabwat ng kartel sa loob ng pamahalaan.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/yHk8aIeo3G4 -
NET25
@NET25TV
Hinikayat ng DSWD ang publiko na igalang ang mga persons with disabilities at iwasan ang pangungutya sa social media.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #dswd #pwd #onlinebullying
youtu.be/xe5wtrChb0o -
NET25
@NET25TV
HISTORIC PESO ALL-TIME LOW
MONEY EXCHANGE: Sumadsad sa ₱63.23 ang halaga ng piso kontra dolyar ngayong Biyernes, Oktubre 16, ayon sa Bank Association of the Philippines (BAP).
Ito na ang pinakamababang halaga ng piso sa kasaysayan ng bansa.
#net25newsandinformation #dollar #peso #moneyexchange -
NET25
@NET25TV
BREAKING: Isinampa sa Sandiganbayan ang tatlong kaso ng graft laban kay dating Pampanga Third District Representative Aurelio “Dong” Gonzales kaugnay ng umano’y conflict of interest sa mga proyektong imprastraktura ng pamahalaan.
Kinumpirma ito ng Judicial Records Division ng anti-graft court. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #pampanga #sandiganbayan #antigraftcourt #conflictofinterest -
NET25
@NET25TV
Sinimulan na ng Senado ang masusing pagsusuri sa mga kuwestiyonableng pagbabago sa bersiyon ng Kamara ng panukalang ₱7.2 trilyong national budget para sa 2027, kung saan posibleng ibalik ang daan-daang bilyong pisong binawas o inilipat sa ilang programa.
Kabilang sa mga susuriin ang mga pondo para sa Foreign-Assisted Projects (FAPs) at flood control projects. Sa paunang pagsusuri, tinatayang ₱206 bilyon ang mga realignment sa bersiyon ng Kamara.
Kabilang sa mga napansing pagbabago ang ₱4.45-bilyong bawas sa Health Facilities Enhancement Program ng Department of Health. Tinaasan sa ₱23.9 bilyon ang pondo para sa Medical Assistance Program. Samantalang binawasan ng ₱130-bilyon para sa FAPs at ₱9.5-bilyon ang kinaltas sa Calamity Fund.
Kailangan umanong malinaw ang batayan ng mga pagbabago sa budget. Pagtutuunan ng Senado ang imprastraktura, proteksiyon sa mga magsasaka at mangingisda, at social protection sa gitna ng banta ng El Niño at patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin.
📷: Senado
#net25newsandinformation #2027nep #2027gab #nationalbudget #pambansangpondo #kamara #allocations #governmentfunds -
NET25
@NET25TV
Isiniwalat ni Rodante Orbillo, dating bodyguard ni Zaldy Co, na plastic container o durabox ang unang ginagamit ng mga tauhan ni Co sa pagdadala ng pera sa iba’t ibang opisyal bago sila gumamit ng mga maleta.
Ayon kay Orbillo, ang pera ay umano’y kickback mula sa mga proyekto ng pamahalaan. Ipinakita rin niya sa Sandiganbayan ang isang durabox na ginamit umano sa pagdadala ng pera.
Isinumite ito bilang ebidensya sa kasong plunder na ₱7.4 bilyon laban kina dating House Speaker Martin Romualdez at Zaldy Co. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #durabox #moneylaundering #floodcontrol #kickback #investigation #sandiganbayan #martinromualdez #zaldyco -
NET25
@NET25TV
Ibinunyag ni Rodante Orbillo, dating bodyguard ni Zaldy Co, sa Sandiganbayan na nasa 100 maleta na naglalaman ng ₱1 bilyong cash ang umano’y inihatid sa bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez mula 2023 hanggang 2024.
Ayon kay Orbillo, mahigit sampung beses siyang naghatid ng mga maleta mula sa mga unit ni Co sa BGC, Taguig at Valle Verde 6 sa Pasig City papunta sa bahay ni Romualdez sa Forbes Park, Makati.
Sinabi rin ni Orbillo na tinanggihan niya ang alok na ₱15 hanggang ₱20 milyon kapalit ng pagbawi sa kaniyang testimonya laban kay Romualdez.
Tumestigo siya kahapon sa pagdinig sa kahilingan ni Romualdez na makapagpiyansa sa kasong plunder nagkakahalagang ₱7.4 bilyon.
📷: Zaldy Co / Video Screengrab
#net25newsandinformation #zaldyco #martinromualdez #moneylaundering #maletangpera #maleta #cashdelivery -
NET25
@NET25TV
SUNOG SA DAVAO CITY
PANOORIN: Umabot sa ikaanim na alarma ang malaking sunog sa Barangay Leon Garcia, Agdao, Davao City, nitong Huwebes, Oktubre 15, na nakaapekto sa mahigit 700 pamilya.
Ayon sa ulat, anim na purok ang nilamon ng apoy at posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga apektadong pamilya habang nagpapatuloy ang validation at profiling ng barangay at City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Mahigit 20 fire truck at mga responder mula sa iba’t ibang grupo ang nagtulong-tulong sa pag-apula ng sunog sa kabila ng masamang panahon. Nagsimula ang sunog pasado 5:00 ng hapon at idineklara itong fire out ng Bureau of Fire Protection bandang 1:20 ng madaling araw ngayong Biyernes, Oktubre 16.
Kasalukuyang nasa evacuation centers ang mga apektadong residente. Ayon sa mga opisyal ng barangay, nagsimula umano ang sunog sa bahay ng pamilyang Alonghas sa Purok Corias. Patuloy pang inaalam ang iba pang detalye ng insidente. | via Haydee Jipolan
📹: Davao City Responders, BFP, Davao Updates
#net25newsandinformation #davao #davaocity #firealert #fire #sunog #accident -
NET25
@NET25TV
Sinabi ng Malacañang na nagtitiwala umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa anumang desisyon ng kaniyang anak matapos tanungin kaugnay sa paglipat ni Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) mula sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP), na pinamumunuan ng Pangulo.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hindi pa niya personal na naitatanong sa Pangulo ang tungkol sa paglipat ng partido ng kongresista. Gayunman, iginiit niyang patuloy na susuportahan ng Pangulo ang mga desisyon ng kaniyang anak dahil nagtitiwala siyang tama ang mga ito.
Iniulat na nanumpa si Rep. Sandro Marcos bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD noong Lunes, Oktubre 12.
Ang partido ay pinagungunahan ng kaniyang tiyuhin at dating House Speaker Rep. Martin Romualdez, na nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
📷: Bongbong Marcos
#net25newsandinformation #sandromarcos #martinromualdez #partylist #houseofrepresentatives #kamara -
NET25
@NET25TV
Nagpataw ang Philippine Competition Commission (PCC) ng kabuuang ₱1.76 bilyong multa sa anim na negosyo at kanilang mga opisyal dahil sa sabwatan sa bentahan ng sibuyas.
Kabilang sa mga pinagmulta ang Golden Shine International Freight Forwarders Corp., Tian Long Corp., La Reina Fresh Vegetables & Young Indoor Plants Inc., Yom Trading Corp., at ang mga sole proprietor na sina Mark Castro Ocampo ng Vegefru Producing Store at Nancy Collanta Rosal ng Rosal Fruit and Vegetable Trading.
Pinanagot din ang mga opisyal na sina Lilia Cruz at Letty Baculando ng Golden Shine, Eric Pabilona ng Tian Long, at Renato Francisco Jr. ng La Reina.
Ayon sa PCC, nagsabwatan ang mga ito sa pag-aangkat, pag-iimbak at pakyawan ng pula at dilaw na sibuyas noong 2020 at 2021, at kontrolado ang halos kalahati ng mga permit sa pag-aangkat. Inimbestigahan ang mga ito matapos pumalo sa ₱800 kada kilo ang presyo ng sibuyas noong 2022.
#net25newsandinformation #pcc #sibuyas #onioncartel #investigation #illegalactivities #agriculture -
NET25
@NET25TV
FIFTH ALARM 🔥
TINGNAN: Nilamon ng malaking sunog ang ilang kabahayan sa Brgy. Leon Garcia, Agdao, Davao City kahapon, Oktubre 15.
Nahirapan ang mga awtoridad at volunteer sa pag-apula kaya inabot ng ilang oras bago idineklarang fire under control.
Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi at kabuuang danyos ng sunog. | via Haydee Jipolan
📷: Davao Updates, Metro Davao United Fire and Rescue
#net25newsandinformation #sunog #fire #davaocity -
NET25
@NET25TV
MAY TAMANG REACTION BA SA BAWAT SITWASYON?
#maypoint!
Ikaw, paano ka mag-react sa bawat sitwasyon? 😅
I-comment mo kung ikaw ay OA o Nonchalant! 😂
youtu.be/pEXQBAeSWHg -
NET25
@NET25TV
Maaaring makaapekto ang paghina ng piso sa halaga ng mga imported na produkto at iba pang gastusin.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #piso #usdollar #ekonomiya
youtu.be/jUHNKh3hsE4 -
NET25
@NET25TV
Inaasahang mapabibilis ng mga deklarasyon ang pagbibigay ng tulong sa mga residenteng apektado ng tagtuyot.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #superelnino #stateofcalamity #tagtuyot
youtu.be/qYFrkXrPxX0 -
NET25
@NET25TV
NARATING NA NIYA ANG PINAKAMATAAS NA TUKTOK NG MUNDO! 🏔🌍
Kilalanin si Jeno Panganiban, ang youngest Filipino mountaineer na nakarating sa summit ng Mt. Everest! Alamin ang kanyang inspiring #kuwentongkabarangay at journey, mga pinagdaanang pagsubok, at paghahandang ginawa bago marating ang pinakamataas na tuktok sa mundo! ✨🏔
youtu.be/BmOR4YREHKs -
NET25
@NET25TV
Ayon sa ilang senior U.S. officials, tinalakay nina U.S. President Donald Trump at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang posibleng pag-atake sa military at nuclear sites ng Iran.
#matangagilainternational #net25newsandinformation #unitedstates #israel #iran #donaldtrump #benjaminnetanyahu
youtu.be/WqJjuWmPu9E -
NET25
@NET25TV
Batay sa Pulse Asia survey, nananatiling pangunahing isyu para sa mga Pilipino ang pagtaas ng presyo at korapsyon.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #pulseasia #inflation #korapsyon
youtu.be/j5hxjKU8fhc -
NET25
@NET25TV
Nagpahayag ng pangamba ang Yemeni government sa paggamit umano ng Houthi ng Chinese-made components para palakasin ang kanilang mga armas at ballistic missiles.
#matangagilainternational #net25newsandinformation #yemen #china #houthi #ballisticmissiles
youtu.be/ihvWV8D4O0E -
NET25
@NET25TV
Muling magbabalik sa Pilipinas ang nation's sweetheart ng South Korea na si IU para sa kaniyang 2-day show sa Manila.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #iu
youtu.be/54b2l4lBsEI -
NET25
@NET25TV
Narito na ang mga maiinit na balita ngayong Biyernes, Oct. 16, 2026:
- Kartel ng sibuyas, pinatawan ng P1.76-B na multa
- Dating bodyguard ni Co, tumestigong naghatid siya ng P1-B sa bahay ni Romualdez
-1 PWD party-list, maghahain ng reklamo laban sa mga host ng Machong Chismisan podcast
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=JxypQpvdEZ8
FB: www.facebook.com/NET25TV/videos/1576678293786999 -
NET25
@NET25TV
ULAM NA ABOT-KAYA NA, MASARAP PA! TRY ANG POTATO AND DODRAM LUNCHEON MEAT IN TOMATO SAUCE! 🍅🍽
Ipinagluto at tinuruan tayo ni Kabarangay Cook Elisa Rivera ng kanyang patok at budget-friendly recipe gamit ang Dodram Luncheon Meat at patatas—perfect na ulam para sa buong pamilya! 😋✨
youtu.be/1qOzMNRpyjg -
NET25
@NET25TV
Pinag-usapan sa #aspn ang makabagong paraan ng pag-recyle ng mga sachet at iba pang malalambot na plastic para gawing muwebles at ibang gamit sa bahay. Tinalakay ni Miguel Yorro ng Restore Solutions PH kung paano mabibigyan ng bagong gamit at halaga ang mga plastik na basura.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/fiRtbW8ZwNU -
NET25
@NET25TV
SINO ANG MAS MABILIS MAGTANGGAL NG MANTSA? LABA-RANGAY CHALLENGE, GAME NA! 🧼👕
Nagharap ang mga supermom na sina Joselyn Hipolito at Jasmine Tesoro Mata sa isang masayang labada challenge sa Barangay Silangan, San Mateo, Rizal!
Sa loob ng 2 minutes, sino kaya ang unang makakapagtanggal ng mantsa sa puting damit? 💦🏆
youtu.be/5TmQUOSXZHA -
NET25
@NET25TV
Layunin ng pagpapatrolya na makatulong sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga estudyante at school personnel. #net25newsandinformation #matangagilasatanghali #barangaytanod #schoolsafety
youtu.be/q0hPJMhSZ3E -
NET25
@NET25TV
Nangunguna si Vice President Sara Duterte sa presidential preference survey ng Pulse Asia.
Gayunman, ayon kay Ronnie Holmes, head ng Pulse Asia Research, Inc., maaari pang magbago ang datos kasunod ng paglalabas ng mga ebidensiyang may kaugnayan sa umano’y unexplained wealth ng mga Duterte.
| Ano Sa Palagay N’yo? #net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/S2oDVaTe43Y -
NET25
@NET25TV
Inanunsyo ng Civil Aeronautics Board ang pagbaba ng fuel surcharge na maaaring makaapekto sa dagdag-singil sa mga flight.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #cab #fuelsurcharge #aviation
youtu.be/e8ScJRtldSY -
NET25
@NET25TV
Ayon kay BFAR Spokesperson Nazario Briguera, hindi Super El Niño ang sanhi ng fishkill sa Romblon at Dagupan. Thermal stress at kakulangan sa dissolved oxygen sa tubig ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng mga isda sa nasabing mga lugar.
| Ano Sa Palagay N’yo? #net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/k2oO62jwsJI -
NET25
@NET25TV
₱239K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA DRUG DEN SA SURIGAO CITY
Na-dismantle ng PDEA at PNP ang isang hinihinalang drug den sa isinagawang joint buy-bust operation sa Surigao City.
Arestado ang tatlong suspek na kinilalang sina alyas "Genaro", 45, na umano’y nagpapatakbo ng drug den; alyas "Faith", 40, na umano’y empleyado nito; at alyas "Gilbert", 56, na umano’y customer.
Nasamsam sa operasyon ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱239,000, mga pera, at iba pang kagamitan.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kaukulang kaso laban sa mga suspek dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
📷: PDEA
#net25newsandinformation #surigaocity #pdea #pnp #antidrugoperation -
NET25
@NET25TV
TRICYCLE DRIVER, SUMALPOK SA MOTOR, PATAY
PANOORIN: Nasawi ang isang 37-anyos na tricycle driver matapos bumangga ang minamaneho niyang tricycle sa isang motorsiklo sa D. Maagma Street Cor., Mabini Street, Kalibo, Aklan.
Batay sa paunang imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng tricycle nang bumangga ito sa nakahintong motorsiklo. Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang driver at tumama ang ulo nito.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Nagtamo naman ng minor injuries ang driver ng motorsiklo. Nasa kustodiya na ng Kalibo PNP ang dalawang sangkot na sasakyan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. | via Lads Ventura
#net25newsandinformation #roadcrash #roadaccident #accident #death -
NET25
@NET25TV
LALAGYANAN NG PERA
NEWS UPDATE: Ipinakita ng testigong si Rodante Orbillo, isa sa tinaguriang maleta boys, ang isang plastic container sa Sandiganbayan Third Division.
Bago pa umano magkaroon ng maleta kung saan inilalagay ang tinawag nilang basura o perang idinedeliver sa ilang matataas na opisyal ng gobyerno, ay inilalagay daw muna nila ang mga ito sa plastic container. | via Tjay Mendoza
#net25newsandinformation #sandiganbayan #pera #moneylaundering -
NET25
@NET25TV
Umabot sa 1,655 ang mga kahilingan na inaprubahan ng Office of the Ombudsman para makakuha ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno.
Kasunod ito ng halos isang taon mula nang alisin ang limitasyon sa pagkuha ng mga naturang dokumento.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, mahalagang mabuksan sa publiko ang mga listahan ng yaman ng mga opisyal upang matiyak ang transparency at pananagutan sa paggamit ng pera ng bayan.
#net25newsandinformation #ombudsman #saln #transparency #publicdocuments #networth -
NET25
@NET25TV
₱153-M HEAVY EQUIPMENT, NASAMSAM SA SURIGAO ILLEGAL MINING
Arestado ang walong Chinese national at sampung Pilipino sa isinagawang anti-illegal mining operation sa Barangay Mabini, Surigao City, ayon sa PNP Caraga.
Nasamsam din sa operasyon ang mga heavy equipment na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱153 milyon.
Matagal nang inirereklamo ng mga residente ang ilegal na pagmimina sa lugar dahil sa pinsala sa kagubatan at kakulangan sa suplay ng tubig sa mga kalapit na komunidad.
Nasa kustodiya na ng PNP Caraga ang mga naaresto at nakumpiskang kagamitan habang inihahanda ang mga kaukulang kaso.
📷: PNP Caraga
#net25newsandinformation #surigaodelnorte #illegalmining -
NET25
@NET25TV
FLASH FLOOD SA ISTANBUL
PANOORIN: Nagkaroon ng matinding pagbaha sa Istanbul, Turkey matapos ang malakas na buhos ng ulan kung saan naitala ito bilang pinakamalaking flash flood sa lungsod mula noong 1985.
Makikita sa video na lubog sa baha ang mga pangunahing kalsada, underpass, istasyon, kabahayan, at mga establisimyento, habang umabot sa 90% ang traffic congestion sa lungsod.
May mga sasakyang naipit at inanod ng rumaragasang tubig. Sa distrito ng Sarıyer, umakyat pa sa bubong ng isang bus ang ilang pasahero upang makaiwas sa mabilis na pagtaas ng tubig.
Nag-deploy ang mga awtoridad ng humigit-kumulang 8,000 emergency personnel at 2,000 makinarya para sa drainage at paglilinis. Pinayuhan din ang mga residenteng nakatira sa ground-floor at basement na pansamantalang lumikas sa mas matataas na lugar.
📹: RT News
#net25newsandinformation #flashflood #flashflooding #heavyrain #turkey #istanbul -
NET25
@NET25TV
SHOWBIZ ICONS IN THE HOUSE! GROOVIN’ DOWN UNDER CAST, ABANGAN! 🙌 #mainfeed!
Star power overload talaga, dahil nakasama natin sa kuwentuhan at kulitan ang cast of Groovin' Down Under na sina Pinky Marquez, Mitch Valdez, at Bo Cerrudo! 🤩️ Anong stories, experiences, at fun moments ang kanilang ibinahagi? ✨️
youtu.be/UdBawvUrM6s -
NET25
@NET25TV
Posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang tatlo hanggang limang bagyo hanggang Marso 2027, ayon sa PAGASA.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #pagasa #bagyo #par
youtu.be/u8aDYOxP33c -
NET25
@NET25TV
Bumuwelta si Davao City 1st District Representative Paolo 'Pulong' Duterte sa House prosecution panel matapos iurong ang tatlong articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #duterte #pulongduterte #vpsaraduterte #impeachment
youtu.be/PRiOeq1nPmc -
NET25
@NET25TV
Kahit dating academic achiever, hindi rin nawala ang pagdududa ni Louri Maurene “Mau” Termulo, sa sarili niyang kakayahan. Pero sino ang mag-aakalang isa siya sa magiging topnotchers ng Psychometricians Licensure Examination nitong Setyembre? 🤯🏆
Pero paano nga ba nalampasan ni Mau ang kanyang self-doubt at ano ang naging susi sa kanyang tagumpay? 💙✨
youtu.be/WkAu8GE8T5s -
NET25
@NET25TV
AIR POLLUTION SA SINGAPORE, LALONG LUMALA
PANOORIN: Umabot sa pinakamataas na antas ngayong taon ang polusyon sa hangin sa Singapore dahil sa makapal na usok at haze mula sa mga wildfire sa Indonesia, ayon sa ulat.
Naitala sa kanlurang bahagi ng Singapore ang PM2.5 level na 284 micrograms kada cubic meter, na pasok sa kategoryang “very high” ng National Environment Agency.
Samantala, sinuspinde ng East Timor ang in-person classes sa loob ng tatlong araw simula Oktubre 15 dahil sa polusyon mula sa mga sunog sa mga karatig na lugar. Patuloy namang naglulunsad ng mga hakbang ang Indonesia upang apulahin ang mga sunog, na pinalala ng tuyong panahon na kaugnay ng El Niño.
📹: RT News
#net25newsandinformation #singapore #indonesia #airpollution -
NET25
@NET25TV
PH NAYA, HINIHINTAY NA TAYO NI JJUNG 😻💞
Dalawang araw na lang bago ang pinakahihintay na “WHO DAT GIRL?” concert ng izna!
Kita-kits sa EGM Hall, EVM Convention Center ngayong Sabado, Oktubre 17! 💃✨
📷: Three Angles Production
#net25newsandinformation #izna #이즈나
#izna_concert_tour #who_dat_girl
#izna_concert_tour_in_manila #evmconventioncenter #egmhall #concert -
NET25
@NET25TV
CONTAINER SHIP, LUMUBOG SA STRAIT OF HORMUZ
PANOORN: Lumubog ang container ship na GFS Pride sa katimugang bahagi ng Strait of Hormuz nitong Miyerkules, Oktubre 14, matapos umanong tumama sa isang naval mine, ayon sa Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran.
Lulan ng barko ang mahigit 2,500 container na pinatatakbo ng GFS Ship Management FZE na nakabase sa United Arab Emirates. Ayon sa IRGC, sumabog at nasunog ang barko matapos dumaan sa Strait of Hormuz na lubhang delikado.
Samantala, iniulat ng United Kingdom Maritime Trade Operations (UKMTO) na isang container ship ang tinamaan ng hindi pa natutukoy na projectile. Nagbabala rin ang IRGC Navy sa mga bangka at mangingisda na umiwas sa lugar dahil sa mga container at kargamentong palutang-lutang sa dagat.
📹: RT News
#net25newsandinformation #usa #iran #straitofhormuz #navalpassage #explosion #deathThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
POWER BANK SA INDIAN FLIGHT, NAGLIYAB
PANOORIN: Nag-panic ang mga pasahero ng IndiGo Flight 6E 6115 matapos umanong magliyab ang isang power bank sa lalagyan ng mga gamit sa itaas ng mga upuan.
Ayon sa mga awtoridad, patungo sanang Chennai ang eroplano nang mangyari ang insidente. Dahil dito, kinailangang mag-emergency landing ng piloto sa Hyderabad.
Agad namang naapula ng mga flight attendant ang apoy. Ligtas na nakalapag ang eroplano at walang naiulat na sugatan o nasawi.
📹: Sudhakar Udumula / X
#net25newsandinformation #india #indigo #flight #powerbank #airplaneincidentThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
"SPARE US THE ARROGANCE AND THE NAME-CALLING."
Pinalagan ni Vice President Sara Duterte ang naging pahayag ni prosecution counsel Lorna Kapunan laban kay lead defense counsel Atty. Shiela Sison. Matatandaang sa isang press conference ng prosecution ay tinawag na “bully” ni Kapunan si Sison.
Ayon kay VP Sara, ginagawa lamang ni Atty. Sison ang kaniyang tungkulin bilang abogado. Kinuwestiyon din ng bise ang mga prosecution dahil umano sa kabiguang maglahad ng matibay na ebidensiya laban sa kaniya. Iginiit din ni Duterte na hindi dapat maging "political theater" ang impeachment trial. Kamakailan ay inanunsiyo ng prosecution na iuurong na nila ang tatlo sa apat na Articles of Impeachment laban sa bise.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Nagpapatuloy ngayong Huwebes, Oktubre 15, ang bail hearing ni dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan Third Division.
Sumalang na sa witness stand si Rodante Orbillo, isa sa 18 ex-marines na nagpakilalang dati umanong security aide ng dating kongresista na si dating Rep. Zaldy Co.
Si Orbillo na ang ikalimang "bagman" ni Co na tetestigo para sa kaso ni Romualdez. | via Tjay Mendoza
#net25newsandinformation #zaldyco #martinromualdez #ombudsman #recant #affidavit #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
TRIGGER WARNING: RIDER NA SUMEMPLANG DAHIL SA ASO, PATAY
PANOORIN: Nasawi ang isang rider matapos sumemplang nang mabangga ang isang asong biglang tumawid sa national highway sa Midsayap, Cotabato.
Batay sa CCTV footage, makikita ang biglang pagtawid ng aso na naging sanhi ng pagsemplang ng biktima sa madilim na bahagi ng kalsada. Ilang saglit lamang ang lumipas nang magkasunod na dumaan ang apat na motorsiklo at masagasaan ang rider na nakahandusay sa daan.
Ayon sa pulisya, ang paulit-ulit na pagkakasagasa ang naging dahilan ng pagkasawi ng biktima. Maaari umanong papanagutin ang mga rider na nakasagasa sa kaniya, ngunit batay sa ulat, wala na umanong balak magsampa ng kaso ang pamilya ng nasawi. | via Amor Musico
📹: Contributed
#net25newsandinformation #roadcrash #roadaccident #accident #death -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan ang panahon ngayong Huwebes, Oktubre 15, sa Visayas, Mindanao, Bicol Region, Quezon, at Palawan dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).
Habang ang northeasterly windflow ay magdadala ng maulap na papawirin at pulo-pulong pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.
Samantala, parehong lagay ng panahon ang mararanasan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.
#net25newsandinformation #itcz #northeasterlywindflow #ulan #weatherupdate -
NET25
@NET25TV
Mamamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng family water filtration kit sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #dswd #elnino #waterfiltration
youtu.be/fgCpRYILs80 -
NET25
@NET25TV
Ipinakita ni North Korean leader Kim Jong Un ang Hwasong-20 intercontinental ballistic missile na kaya umanong umabot sa Estados Unidos, bago ang posibleng pakikipagpulong kay U.S. President Donald Trump.
#matangagilainternational #net25newsandinformation #northkorea #kimjongun #hwasong20 #icbm
youtu.be/48L1YqogVTc -
NET25
@NET25TV
Isang OpenAI engineer ang nasa kustodiya ng FBI matapos umanong maglagay ng naka-encrypt na audio recorder sa likod ng telebisyon sa isang executive conference room sa San Francisco.
#matangagilainternational #net25newsandinformation #openai #fbi #sanfrancisco #technologynews -
NET25
@NET25TV
Ang mga pag-uusapang balita sa #aspn ngayong Huwebes, Oct. 15, 2026:
- Gobyerno, mamamahagi ng libreng water filtration kits para labanan ang Super El Niño
- Kampo ni VP Sara, kinuwestiyon ang pananahimik ng mayorya sa pagbasura ng 3 impeachment article
- Pulse Asia: 51% ng mga Pilipino, gustong tumestigo si VPSD sa impeachment trial
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=0Vb6UnX_ERs
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1585569706133388 -
NET25
@NET25TV
Nagbabala ang Bureau of Customs laban sa mga scammer na nagpapanggap na online romantic partners at naniningil ng pekeng customs fees para sa mga regalong mula sa ibang bansa. #net25newsandinformation #saganangmamamayan #boc #lovescam #onlinescam #scamalert
-
NET25
@NET25TV
Kinumpirma ng Saudi Aramco na tinamaan ng Houthi strikes ang headquarters nito sa Dhahran, Saudi Arabia. #matangagilainternational #net25newsandinformation #saudiaramco #houthi #saudiarabia #middleeast
www.youtube.com/watch?v=gAopqIJptWk -
NET25
@NET25TV
NAPAGIIWANAN KA BA SA BUHAY O PRESSURED KA LANG? #maypoint!
Ikaw, anong pace ng buhay ang pipiliin mo? Comment "⚡️" kung FAST-PACED Comment "🐢" kung SLOW-PACED
youtu.be/eE_pqlxpd4c -
NET25
@NET25TV
BAKBAKAN NA. #net25newsandinformation
www.youtube.com/live/dn9SRPUKBUk -
NET25
@NET25TV
Sugatan ang isang lalaki matapos pagtatagain ng bolo ng kaniya umanong nakaalitan sa Tayabas City, Quezon.
Batay sa imbestigasyon, nilapitan umano ng suspek ang biktima sa bahay nito at pinagtataga.
Lumitaw sa mas malalim na imbestigasyon ng mga awtoridad na may dati nang alitan ang dalawa dahil sa lupa.
Nadakip ang suspek sa follow-up operation ng pulisya at nahaharap sa kasong frustrated homicide. | via Martin Banaag
📷: Tayabas CCPS
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #illegalactivities #investigation #murder #death -
NET25
@NET25TV
BABAE, NAHULOG SA IRIGASYON
PANOORIN: Nahulog ang isang babae sa irigasyon, maging ang motorsiklo na itatabi lang sana niya para hindi makasagabal sa trapiko, sa kahabaan ng NIA Road, Brgy. Talampas, Bustos, Bulacan.
Ayon sa isang vendor, kasama ng babae ang kaniyang kaibigan na siyang driver ng motorsiklo nang huminto sila sa lugar para bumili ng pagkain. Maya-maya'y ipinatabi umano ng driver sa angkas nitong babae ang motorsiklo para hindi makasagabal sa daloy ng trapiko, ngunit bigla itong dumiretso at nahulog sa irigasyon.
Marunong lumangoy ang babae kaya nakaligtas sa aksidente. Hindi naman labis na nasugatan ang babae, maliban sa ilang galos sa katawan. | via Nori Fidel
📹: Danilo Cardenas
#net25newsandinformation #bulacan #bustos #roadaccident #accident #motorcycleThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Lumawak man ang kamalayan ng mga Pilipino sa mental health, nananatili namang hamon ang kakulangan sa access sa mga gamot at serbisyong kailangan ng mga taong may iba’t ibang mental disorder.
Pinag-usapan ang isyu na yan sa #aspn kasama si kay Dr. Camille Garcia, clinical psychologist.
| Ano Sa Palagay N’yo? #net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/avLKDOUppL4 -
NET25
@NET25TV
Mahahabang pila at siksikan sa mga istasyon, ilan lamang sa mga problemang kinakaharap ng mga commuter ng LRT-2.
Aminado ang LRTA na kulang ang mga bagon na bumibiyahe, dahilan para humaba ang pila ng mga pasahero, lalo na sa Antipolo at Marikina-Pasig stations tuwing rush hour.
youtu.be/rkiRuoeNTyI -
NET25
@NET25TV
Sa SWS survey noong Setyembre 21–27, 2026, 55% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing mahirap sila. Sinuri rin ang minimum na buwanang budget upang hindi maituring na mahirap.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #swssurvey #kahirapan #pilipinas -
NET25
@NET25TV
Ayon sa PHIVOLCS, 66 sa 82 lalawigan sa Pilipinas ang nasa panganib ng tsunami. Lantad din sa tsunami hazards ang walong lungsod sa Metro Manila.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #phivolcs #tsunami #disasterpreparedness
youtu.be/or7PAlAHFwg -
NET25
@NET25TV
Sinabi ni Vice President Sara Duterte na kulang sa ebidensiya kung kaya nag-withdraw ang prosekusyon ng kasong panunuhol o bribery laban sa kaniya sa impeachment trial.
Ayon kay Duterte, layunin lamang umano ng prosekusyon na siraan siya at mapatalsik sa puwesto.
Matatandaang tatlo sa apat na impeachment article laban kay Duterte ang iniurong ng prosekusyon, kabilang ang mga alegasyon sa confidential funds at death threats.
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #bribery #paninira #impeachmenttrial -
NET25
@NET25TV
MAG-ASAWANG DRUG SUSPECTS, TIMBOG SA OPERASYON SA BATANGAS
TINGNAN: Arestado ang mag-asawang high-value individual drug suspects sa buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Baybayin, Rosario, Batangas.
Nasamsam sa operasyon ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 150.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱1 milyon, isang kalibre .38 na revolver, at mga bala.
Ayon sa mga awtoridad, galing sa National Capital Region (NCR) ang ilegal na drogang ibinebenta ng mga suspek.
Nahaharap ang mag-asawa sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. | via Martin Banaag
📷: Rosario MPS
#net25newsandinformation #crimenews #crime #illegalactivities #drugaddiction #investigation -
NET25
@NET25TV
MAHAL KA NAMIN, SARANG! 🩷✨
PH NAYA, tatlong tulog na lang at mapapanood na natin ang izna para sa kanilang “WHO DAT GIRL?” world tour! 🥹💗
Ihanda na ang inyong fan chants at boses dahil mas masaya kapag sabay-sabay nating sinusuportahan ang ating girls!
Sama-sama tayong maki-vibe sa EGM Hall ng EVM Convention Center ngayong Oktubre 17! 🫶🏻💖
📷: Three Angles Production
#net25newsandinformation #izna #이즈나
#izna_concert_tour #who_dat_girl
#izna_concert_tour_in_manila #evmconventioncenter #egmhall #concert -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Dumating si Senador Rodante Marcoleta ngayong Miyerkules, Oktubre 14, sa Sandiganbayan Fourth Division para dumalo sa paglilitis sa kasong paglabag umano sa Presidential Decree No. 46. | via Ashley Rejano
#net25newsandinformation #ombudsman #rodantemarcoleta #sandiganbayan #plunder -
NET25
@NET25TV
EVIDENCE, NOT ARROGANCE
Kinuwestiyon ni Vice President Sara Duterte ang pagtawag ni private prosecutor Atty. Lorna Kapunan na “bully” at “bastos” kay lead defense counsel Atty. Sheila Sison.
Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni VP Sara na hindi umano napatunayan ng prosekusyon sa pamamagitan ng matibay na ebidensiya ang mga paratang laban sa kaniya.
Giit niya, ginagawa lamang ni Sison ang kaniyang tungkulin bilang abogado ng depensa sa pagkuwestiyon sa mga alegasyon laban sa bise presidente.
📷: VP Sara Duterte
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #impeachment #bullying #defense -
NET25
@NET25TV
Muling kinumpirma ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang planong tumakbo sa pagkapangulo sa 2028.
Ayon kay Duterte, itinuturing niyang pagkakataon ang impeachment trial upang masuri ng publiko ang kaniyang pagkatao at masagot ang mga tanong tungkol sa kaniya.
Nagpasalamat din siya sa publiko dahil nananatiling mataas ang kaniyang rating sa mga survey sa kabila ng mga paratang at paninira laban sa kaniya.
Samantala, nagbabala si Duterte na kung matutuloy ang halalan sa 2028, asahan umano ang dayaan at patuloy na black propaganda o paninira.
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #vpsara #2028halalan #2028presidentialelections #impeachment #blackpropaganda -
NET25
@NET25TV
Binatikos ni Congressman Paolo “Pulong” Duterte ang pag-atras ng prosekusyon sa tatlong articles of impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte matapos ang ilang buwang akusasyon at pagbatikos.
Iginiit ng kongresista na dapat panindigan ng mga nag-akusa ang kanilang mga alegasyon at ilahad ang ebidensiyang kanilang hawak.
Binigyang-diin din na hindi dapat gawing biro ang proseso ng impeachment dahil sa pinsalang maaaring idulot nito sa mga taong sangkot.
Kinuwestiyon din ni Cong. Pulong ang umano’y pera ng taumbayan na nagastos sa loob ng 38 araw ng proseso, na inilarawang panggigipit at paninira sa Bise Presidente.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
BASAHIN: Iniimbestigahan ng Parañaque City Government ang isa nitong empleyado na sangkot sa isang insidente sa kalsada na kumalat sa social media.
Ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan noong Oktubre 13, pinagpapaliwanag nila ang naturang empleyado upang alamin kung bakit hindi dapat siya patawan ng kasong administratibo.
Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na hindi nito kinukunsinti ang hindi angkop na asal ng mga kawani ng gobyerno, alinsunod sa Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
📷: Parañaque City Government
#net25newsandinformation #paranaquecitygovernment #administrativecase #roadincident #roadaccident -
NET25
@NET25TV
Hinoldap ng tatlong armadong suspek ang isang negosyanteng vlogger habang nagpapa-carwash sa Antipolo. Tinangay ng mga suspek ang gintong bracelet, kuwintas at relo ng biktima na nagkakahalaga ng ₱2.6 milyon.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/VUQJE1yzie8 -
NET25
@NET25TV
BASAHIN: Itinanggi ng pamunuan ng Casas Con Vistas Resort sa Pangubatan, Samal Island ang mga alegasyong nag-uugnay na pagmamay-ari umano ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte ang resort.
Sa inilabas nitong opisyal na pahayag, iginiit ng resort na walang direktang kaugnayan ang mga may-ari nito kay Cong. Duterte o sa sinumang opisyal ng pamahalaan.
Hinimok din ng pamunuan ng resort ang publiko na tiyaking mula sa mapagkakatiwalaang sources ang mga impormasyon bago ito ibahagi, at nagbabala ng posibleng pagsasagawa ng legal na hakbang laban sa mga sasadyaing magpapakalat ng mali at mapanirang pahayag.
📷: Casas Con Vistas Resort Pangubatan, Samal Island
#net25newsandinformation #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #nbi #melvinmatibag #pulongduterte #pauloduterte #investigation -
NET25
@NET25TV
Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office (LTO) ang isang kawani ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City matapos umanong sundan at takutin ang isang lady rider.
Ayon sa reklamo, paulit-ulit umanong bumusina at gumamit ng high-beam headlights ang driver habang sinusundan ang rider hanggang sa gate ng subdivision nito. Ilang beses din umano itong nagtangkang mag-overtake gamit ang kabilang lane.
Dahil sa insidente, sinuspinde nang 90 araw ang lisensya ng driver habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
📷: LTO
#net25newsandinformation #lto #paranaque #motorista #investigation #showcauseorder -
NET25
@NET25TV
Umabot sa 16.8 milyon o 55% ang mga pamilyang Pilipinong nagsabing mahirap sila, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre. Mas mataas ito kumpara sa 13.6 milyon o 49% naitala noong Hunyo.
Pinakamataas ang porsiyento ng mga pamilyang nagsabing mahirap sila sa Mindanao na nasa 64%, sinundan ito ng Visayas na 63%, Metro Manila na 44%, at Balance Luzon na 41%.
Samantala, umabot sa 13.3 milyon o 44% ang mga pamilyang nagsabing kapos sila sa pagkain. Mas mataas ito ng 3.1 milyong pamilya kumpara sa 10.2 milyon o 36% noong Hunyo.
#net25newsandinformation #sws #mahirap #selfratedpoverty #poverty #philippines #economy -
NET25
@NET25TV
Sugatan ang walong katao sa naging pananaksak sa isang supermarket sa Incheon, South Korea, nitong Martes, Oktubre 13. Isa sa mga biktima na babaeng nasa edad 20 ang inatake sa puso.
Arestado ang lalaking suspek, na ayon sa mga ulat ng South Korean media ay nasa edad 60 at nakasuot ng electronic monitoring ankle bracelet.
Ayon sa isang saksi, may mga kutsilyong nakatali umano sa magkabilang kamay ng suspek at nanaksak ito sa ilang palapag ng shopping complex bago napigilan ng mga bystander at dalhin sa mga awtoridad.
Iniimbestigahan pa ang motibo sa insidente.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #worldnews #policenews #crimenews #crime #stabbing -
NET25
@NET25TV
CAKE CRAVINGS? LET'S BAKE!
#girlcode!
Craving something sweet? Bakit pa bibili kung puwede mo namang subukang gumawa ng sarili mong delicious homemade cake? 🤤💗
Ikaw, anong flavor ang pipiliin mo? 🎂
youtu.be/yO1QkI5vrwk -
NET25
@NET25TV
Muling binalikan at tinulungan ng Iglesia Ni Cristo, FYM Foundation, at UNLAD International Incorporated ang mga residente ng Alang-alang, Leyte na dating naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng livelihood seminar sa pananahi at care packages.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #lingapsamamamayan #lingapnews #unladinternational youtu.be/eoWEsgajK6E -
NET25
@NET25TV
Hiniling ng lead counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na magtakda ang ICC ng schedule ng pagdinig na may araw upang makadalaw sa kaniya ang kaniyang pamilya.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #rodrigoduterte #duterte #icc #fprrd #digong
youtu.be/rJeVhEkz32s -
NET25
@NET25TV
Muling nagbabalik sa top 10 si Pinoy pole vaulter ace at gold medalist EJ Obiena sa world rankings matapos ang mahigit dalawang taong pagkakaalis sa elite group ng World Athletics.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #ejobiena
youtu.be/mpzN0XKIEqc -
NET25
@NET25TV
Iginiit ni VP Sara Duterte na hindi siya magbibitiw sa puwesto. Itinanggi rin niyang kaniya ang loteng inilabas umano ng NBI.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #vpsaraduterte #nbi
youtu.be/xuMhyptU-lI -
NET25
@NET25TV
Nagbabala ang NATO na handa itong makipaglaban kung aatakehin ng Russia ang teritoryo ng alyansa.
#matangagilainternational #net25newsandinformation #nato #russia #europeansecurity #worldnews
youtu.be/WqtkwZ7d71A -
NET25
@NET25TV
Narito na ang mga balitang kailangan niyong malaman ngayong Miyerkules, Oct. 14, 2026:
-VP Sara, nanindigang hindi magbibitiw sa puwesto
-3 sa 4 na articles of impeachment, iniurong ng prosekusyon
-SSS President at CEO, itinalagang kalihim ng DICT
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=dAHglX3_7eM
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1105963338970981 -
NET25
@NET25TV
KAPAG MAY NEGLIGENCE, ANO ANG MAAARING ISANGGUNI SA BATAS? #mainfeed!
Kapag may nangyaring medical error o may empleyadong napahamak dahil sa unsafe working conditions, sino ang may responsibilidad at ano ang puwedeng maging legal consequences? 👀 Ikaw, alam mo ba ang iyong karapatan bilang pasyente at empleyado? 💡
youtu.be/fujQt8hBOcE -
NET25
@NET25TV
SOSYAL NA ULAM, BUDGET-FRIENDLY PA!✨
Gawing extra special ang ordinaryong meal with Dodram Luncheon Meat A La King! 👀 Ipinakita ni Chef Ingrid Mediarito kung paano bigyan ng creamy twist ang classic Chicken A La King gamit ang Dodram Luncheon Meat—isang sulit at masarap na alternative para sa buong pamilya! 🤤
youtu.be/vWfa51uDi9I -
NET25
@NET25TV
SOSYAL NA ULAM, BUDGET-FRIENDLY PA!✨
Gawing extra special ang ordinaryong meal with Dodram Luncheon Meat A La King! 👀
Ipinakita ni Chef Ingrid Mediarito kung paano bigyan ng creamy twist ang classic Chicken A La King gamit ang Dodram Luncheon Meat—isang sulit at masarap na alternative para sa buong pamilya! 🤤
youtu.be/vWfa51uDi9I -
NET25
@NET25TV
Notarial at holographic will, ang dalawang uri ng huling habilin na maaaring gamitin ng isang indibidwal para maipahayag ang pamamahagi ng kanyang mga ari-arian.
Tinalakay ang pagkakaiba ng dalawang uri ng will sa #aspn ngayong Tuesday Legal Matters. | Ano Sa Palagay N’yo? #net25newsandinformation #anosapalagaynyo
net25.com/news/dalawang-uri-ng-last-will-and-testament-al… -
NET25
@NET25TV
POV: Ang akala mong extra income lang, siya palang magiging full-time business mo! 👀
Kilalanin sa #lovetonipetandeverythaaang Lucas Natividad, ang business owner ng AKBAY PH, isang bag business na nagsimula bilang isang pangdagdag kita. Pero dahil sa patuloy na paglago nito, dumating sa point na mas kailangan na nilang tutukan ang sariling negosyo rito sa Pilipinas!👜
youtu.be/c0j5MuPWWrE -
NET25
@NET25TV
Tinaboy ng Philippine Coast Guard ang limang Vietnamese vessel sa Kota Island. Ayon kay Prof. Pitlo III, sa loob lamang ng tatlo hanggang apat na taon, nakapagtayo na ang Vietnam ng mga outpost, airfield, at iba pang imprastraktura sa mga bahagi ng West Philippine Sea at South China Sea.
| Ano Sa Palagay N’yo?
net25.com/news/infrastructure-building-ng-vietnam-sa-wps-… -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Nilinaw ni Senate President at presiding officer Chiz Escudero na hindi na pagbobotohan ang pagwithdraw ng prosekusyon sa Articles I, III at IV ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Escudero, hindi na rin maaaring ibalik ang Article III habang nagpapatuloy ang paglilitis. Dahil dito, hindi na magpapasya ang mga senator-judge kung guilty o not guilty si Duterte sa ilalim ng mga binawing artikulo.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/GbXOI4oSLlI
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
UNBELIEVABLE AND UNACCEPTABLE
Pinalagan ni lead defense counsel Atty. Sheila Sison ang pahayag ng prosekusyon na maaari namang gumamit si Vice President Sara Duterte ng ibang platform upang maipahayag ang kaniyang panig at mga ebidensya matapos biglang bawiin ng prosekusyon ang tatlong Articles of Impeachment laban sa kaniya.
“ It is unbelievable and it is unacceptable. Platform for the respondent? Does the prosecution really want the respondent na… pumunta ang respondent sa Facebook and where else? Matapos nilang sirain ang Bise Presidente sa harap ng publiko? At ngayon ay sasabihin ay tutulungan ang taumbayan para madaliin ang proseso? Sa tingin ko, hindi na natin kailangan ng higit pang patunay na something is really, really wrong here,” saad ni Sison.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/GbXOI4oSLlI
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Pinalagan ng lead defense counsel na si Atty. Sheila Sison ang desisyon ng prosekusyon na bawiin ang tatlong artikulo ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa gitna ng paglilitis at matapos maipresinta ang kanilang mga ebidensya.
Ayon kay Sison, hindi makatuwiran na matapos ang 38 araw na paglalahad ng mga testigo at dokumentong umano’y makaaapekto sa reputasyon ng respondent, ay babawiin din lamang ang mga ito at sasabihing ginagawa ito para mapabilis ang paglilitis.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/GbXOI4oSLlI
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
Tatlong magkakaibigan, kabilang ang isang menor de edad, ang nasawi matapos umanong pagbabarilin ng isang miyembro ng Task Force Disiplina sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, dakong alas-2 ng madaling araw noong Oktubre 12.
Ang mga biktima ay edad 15, 18 at 19. Ayon sa ulat, isa ang nasawi sa pinangyarihan habang ang dalawa ay nagtangkang tumakas ngunit nasawi rin kalaunan.
Naaresto ang 38-anyos na suspek sa follow-up operation ng pulisya. Narekober din ang isang baril na pinaniniwalaang ginamit sa insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
#net25newsandinformation #quezoncity #batasanhills #breakingnews -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Iginiit ni presiding officer Sen. Chiz Escudero na hindi lamang ang House prosecution panel ang may karapatang magpasya sa pagbawi ng Article of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Escudero, kapag naihain na ito, nasa hurisdiksiyon na ng korte ang kahihinatnan nito at hindi lamang nakasalalay sa mga partidong sangkot.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/GbXOI4oSLlI
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
KAILANGAN DAW NG “BALDENG UTAK”
PANOORIN: Sinagot ni PCO Usec. Claire Castro ang mga tumuligsa sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumamit ng balde sa pag-iipon ng tubig-ulan ngayong panahon ng El Niño.
Ayon kay Castro, kailangan umano ng “baldeng utak” ng mga tinawag niyang obstructionists upang maunawaan ang plano ng Pangulo.
#net25newsandinformation #bongbongmarcos #balde #pco #clairecastro -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Kinuwestiyon ni lead defense counsel Atty. Sheila Sison ang desisyon ng House prosecution panel na bawiin ang tatlo sa apat na Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Dagdag pa ni Sison, hindi ito patas.
Bagama’t iginagalang nila ang desisyon ng prosecution, iginiit ni Sison na hindi dapat makinabang ang mga nag-akusa sa paghahain ng mga paratang nang hindi sumasailalim ang mga ito sa pagsusuri ng depensa at ng impeachment court.
Ayon kay Sison, narinig na ng Senado at ng publiko ang mga alegasyon, ebidensiya, interpretasyon, at opinyon ng mga testigo ng prosekusyon sa mga naunang pagdinig. Dahil dito, sinabi niyang hindi patas na iurong na lamang ang mga naturang akusasyon matapos maipahayag nang paulit-ulit ang mga paratang laban kay VP Sara.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/GbXOI4oSLlI
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
May operasyon nga ba na mapatalsik si VP Sara Duterte?
Saan nga ba patungo ang ekonomiya at ano ang naghihintay sa bansa bago matapos ang taon? Alamin ang mga pananaw at pagsusuri ni Atty. Mike Operario sa "The Operator"
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento -
NET25
@NET25TV
BREAKING NEWS: Inurong ng House prosecution panel ang tatlo sa apat na Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, ayon sa manifestation ni Rep. Gerville Luistro ngayong day 39 ng impeachment trial. Aniya, itutuon na lamang ng prosecution ang kanilang kaso sa Article II na tumatalakay sa umano’y unexplained wealth ng Bise Presidente.
Sinabi ni Luistro na hindi na nila itutuloy ang Article I tungkol sa confidential funds, Article III tungkol sa bribery, at Article IV tungkol sa grave threats.
Ayon kay Luistro, sapat na ang ebidensiyang naiharap nila upang suportahan ang kanilang panig, kaya’t nakatuon na sila sa Article II. “All in po tayo dito,” aniya.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/GbXOI4oSLlI
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
Plano ng National Telecommunications Commission (NTC) na magpatupad ng mandatoryong isang taong repair o replacement warranty para sa mga refurbished cellphone bilang bahagi ng panukalang regulasyon sa pagbebenta ng mga ito.
Layunin ng panukala na matiyak na lehitimo ang pinagmulan ng mga device, ligtas at maayos ang kondisyon, compatible sa mga mobile network sa Pilipinas, at ibinebenta ng mga awtorisadong dealer.
Bahagi rin ito ng hakbang laban sa bentahan ng mga nakaw, smuggled at hindi wastong inayos na cellphone.
Nagsagawa na ang NTC ng public hearing sa panukalang regulasyon noong Setyembre 23. Paalala naman ng ahensya na panukala pa lamang ito at hindi pa kumpirmadong umiiral na patakaran.
#net25newsandinformation #ntc #consumerprotection #technews -
NET25
@NET25TV
Nakilala na ang 60 nasawi sa nasunog na M/V June Aster noong Setyembre, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG). Patuloy namang sinusuri ang pagkakakilanlan ng 11 iba pang biktima.
Nakikipag-ugnayan na ang Emergency Operations Center (EOC) sa Coron, Palawan, sa mga pamilya ng mga nasawi para sa pagkuha ng mga labi ng kanilang mga mahal sa buhay.
Iniimbestigahan din ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog, kabilang ang ulat na may electric vehicle (EV) sa lagayan ng mga kargamento ng barko nang mangyari ang insidente.
📷: PCG
#net25newsandinformation #mvjuneaster #pcg #victims #identity #investigation -
NET25
@NET25TV
Sa unang araw ng bail hearing ni Martin Romualdez sa Sandiganbayan Third Division, ipinakita ng dating bodyguard ni Zaldy Co ang video ng umano'y paghatid ng male-maletang pera sa bahay ni dating Speaker Martin Romualdez sa Forbes Park, Makati City.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #floodcontrol #romualdez #martinromualdez
youtu.be/w2mXsJFRMww -
NET25
@NET25TV
Ayon kay Mary Zapata ng Confederation of Truckers Association of the Philippines Inc., karamihan ng mga trucking company sa bansa ay kinakapos na sa drayber. Mga Pilipinong truck driver, mas pinipili na raw magtrabaho sa ibang bansa dahil sa maganda pasahod at benepisyo.
| Ano Sa Palagay N’yo?
net25.com/news/nauubos-na-nga-ba-ang-truck-driver-sa-pili… -
NET25
@NET25TV
93 BOMBA, NADISKUBRE SA JUNK SHOP
TINGNAN: Narekober ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 93 na mga pampasabog sa isang junk shop sa Barangay Alat, Jolo, Sulu, nitong Lunes, Oktubre 12.
Kabilang sa mga nakumpiskang unexploded ordnance (UXO) ang mga kanyon at mortar projectile, gayundin ang isang 500-pound na bomba na ginamit noong World War II.
Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad mula sa mga residente tungkol sa mga pampasabog na nakaimbak sa isang junkyard.
Tinanong ng mga awtoridad ang may-ari ng junk shop upang matukoy kung saan galing ang mga nakuhang UXO. | via Ely Dumaboc
📷: PCG Sulu
#net25newsandinformation #philippines #philippinecoastguard #bomb #publicsafety -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang local broadcast journalist na si Adrian “Golden Boy” Loterte matapos siyang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa kaniyang bakery sa Daraga, Albay nitong Lunes ng hapon, Oktubre 12.
Ayon sa pulisya, inatake si Loterte bandang 4:10 ng hapon habang inaasikaso ang kaniyang panaderya. Isinugod siya sa ospital ngunit idineklarang patay bandang 5:35 ng hapon.
Nakatakas ang mga suspek sakay ng isang itim at puting Honda Click motorcycle patungo sa Barangay Kimantong.
Nagkasa na ng manhunt operation ang pulisya upang matukoy ang mga suspek. Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril.
📷: Sa Pilar Ako
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #pamamaril #shootingincident #shooting #death -
NET25
@NET25TV
HINDI SA AKIN ANG LOTE
BASAHIN: Mariing itinanggi ni Vice President Sara Duterte na pag-aari niya ang loteng iniugnay sa kaniya ng National Bureau of Investigation (NBI).
Kasunod ito ng imbestigasyon ng NBI sa ilang ari-arian na iniuugnay kay VP Sara at sa kaniyang pamilya matapos makakita umano ng pagkakaiba sa mga halagang nakasaad sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
#net25newsandinformation #nbi #indaysaraduterte #saln #properties #duterte #investigation -
NET25
@NET25TV
"NAKAKABAHALA NA ANG NBI" JUST IN: Mariing itinanggi ni Vice President Sara Duterte na pag-aari niya ang loteng ipinakita ng National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko .
Kinuwestiyon din ni Duterte ang paggamit ng pondo ng taumbayan sa mga operasyon ng NBI. Ayon sa kaniya, ang mga kuwestiyonableng ebidensiya na inihaharap ng ahensiya, gaya ng affidavit ni Rodulfo Gracioso Jr., ang dahilan kung bakit inalis ito sa listahan ng mga testigong ihaharap ng prosekusyon sa impeachment proceedings.
📷: Inday Sara Duterte
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #nbi #investigation #lote #saln #rodulfogracioso #impeachment -
NET25
@NET25TV
Umabot na sa 39 ang kasong isinampa ng Office of the Ombudsman kaugnay ng anomalya sa mga proyekto ng flood control, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.
May 52 indibidwal ang nahaharap sa kaso, kabilang sina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol Rep. Elizaldy Co, dating Sen. Bong Revilla, at dating Public Works Secretary Manuel Bonoan.
Kabilang din sa mga iniimbestigahan ang 33 opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), walong contractor, at iba pang pribadong indibidwal.
#net25newsandinformation #ombudsman #sandiganbayan #floodcontrol #investigation #floodcontrolprobe -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Naglabas ng 90-day preventive suspension order ang Sandiganabayan Fifth Division laban kay Senador Jinggoy Estrada.
Matatandaang unang naglabas ng suspension order ang Second Division ng anti-graft court ngunit natapos na ang unang 90 araw mula noong ipinataw ito.
Nahaharap si Estrada sa kasong plunder na nag-ugat sa maanomalyang flood control projects | via Tjay Mendoza
#net25newsandinformation #jinggoyestrada #preventivesuspension #plunder #floodcontrolprojects -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan ang panahon ngayong Martes, Oktubre 13, sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, at Romblon dulot ng easterlies, ayon sa PAGASA.
Habang ang northeasterly windflow ang magpapaulan sa Batanes at Babuyan Islands.
Samantala bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan ang mararanasan sa natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.
#net25newsandinformation #weatherupdate #ulan #easterlies #northeasterlywindflow -
NET25
@NET25TV
WALANG PASOK: Suspendido ang klase sa ilang bayan sa Bulacan ngayong Martes, Oktubre 13, dahil sa malawakang water interruptions dulot ng pagkukumpuni ng Bulacan Bulk Water Supply ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
#net25newsandinformation #mwss #waterinterruption #classsuspension #walangpasok -
NET25
@NET25TV
Dumami ang imported pork kasabay ng pagbangon ng lokal na produksyon, kaya bumaba ang farmgate prices at nahirapan ang mga hog raiser na makabawi sa gastos.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #importedpork #hograisers #agriculture
youtu.be/Ycc6Ju1iqUY -
NET25
@NET25TV
Pinag-iisipan ni U.S. President Donald Trump ang pagsali ng Estados Unidos sa Saudi Arabia laban sa armadong grupong Houthi matapos ang mga pag-atake sa King Khalid International Airport sa Riyadh. #net25newsandinformation #matangagilainternational #donaldtrump #saudiarabia #houthi
youtu.be/jAjPVigp75g -
NET25
@NET25TV
Naghatid ng care packages at saya ang Iglesia Ni Cristo, FYM Foundation, at Autism Society Philippines para sa mga may Autism Spectrum Disorder at sa kanilang pamilya. Nakiisa sa programa sina Gladys Reyes at Atty. Rowena Guanzon, habang taos-puso namang nagpasalamat ang ASP sa patuloy na paglingap ng INC sa mga Pilipino at sa iba't ibang panig ng mundo.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #lingapsamamamayan #lingapnews #wwl2026
youtu.be/xb7aC2U1cN4 -
NET25
@NET25TV
Iniutos ng Energy Regulatory Commission ang ₱2.64-bilyong refund sa mga customer ng Meralco, katumbas ng average na ₱0.1020 kada kilowatt-hour sa loob ng humigit-kumulang anim na buwan.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #meralco #erc #consumerrefund -
NET25
@NET25TV
Nanguna si Vice President Sara Duterte sa pinakahuling presidential survey ng Pulse Asia para sa 2028 elections, batay sa resulta ng poll. #net25newsandinformation #matangagilaprimetime #vpsaraduterte #pulseasia #2028elections
www.youtube.com/watch?v=zebzqK4pjrs -
NET25
@NET25TV
Umapela ang presidente ng International Criminal Court sa mga miyembrong bansa na suportahan ang institusyon sa gitna ng mga sanction ng Estados Unidos.
#net25newsandinformation #matangagilainternational #icc #internationalcriminalcourt #ussanctions
youtu.be/c_7DZDHXol4 -
NET25
@NET25TV
Ang mga balitang pag-uusapan sa #aspn ngayong Martes, Oct. 13, 2026:
-VP Sara, nangunguna pa rin sa presidential preference survey
-P24-B refund, iniutos ng ERC sa MERALCO
-139 migrante, patay sa pagtaob ng bangka sa East Africa
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=RyCcHX0n3t0
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1617583103174850 -
NET25
@NET25TV
`“Technology adoption is no longer optional.”
A timely reminder from Jaime Frias, World Bank Senior Economist, on the growing importance of technology in today’s rapidly evolving business landscape.
As businesses adapt to changing markets and digital transformation, embracing technology can open doors to greater efficiency, innovation, and new opportunities.
SUBSCRIBE to OPEN FOR BUSINESS YouTube Channel: www.youtube.com/@NET25OpenForBusiness
FOLLOW our social media accounts:
Facebook: www.facebook.com/NET25OpenForBusiness
#net25openforbusiness #openforbusiness #net25 #quoteoftheweek #technologyadoption #digitaltransformation #businessinsights -
NET25
@NET25TV
Muling nabawasan ang minorya sa Senado matapos lumipat si Senador Mark Villar sa mayorya, kasabay ng pagkakatalaga niya sa mahahalagang posisyon sa kapulungan. May mga usap-usapan ding posibleng sumunod ang iba pang senador.
Sa gitna ng kontrobersiya sa pagpapababa ng bilang ng mga boto para mahatulan si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial, malaking tanong ang magiging epekto ng nagbabagong alyansa sa Senado.
Karaniwang palitan lang ba ito ng kampo—o may mas malalim na implikasyon sa magiging takbo ng impeachment?
📺 Panoorin ang buong detalye sa DATOS — dito lang sa NET25 Online.
#net25newsandinformation #datos #wengdelafuente #markvillar #saraduterte #impeachmenttrial #senateph #philippinepolitics #politicalalliances #currenteventsphThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
BATA PA LANG, PANGARAP NA NIYA MAGING ISANG CASHIER! 😱
#challengeaccepted!
Kaya naman hindi agad inurungan ni Mama P ang challenge na ito! 💪🏻
Kaya sa pagsabak niya bilang cashier for a day, kayanin kaya niyang makisabay sa dami ng customers at grocery rush? 🤔 -
NET25
@NET25TV
TEMYONG GALA GOES GLOBAL! 🎨🌎
Kilalanin si Temyong Gala, ang #proudlynoypi visual artist na ginagawang inspirasyon ang kanyang personal na karanasan sa paglikha ng mga obra.
Tampok na rin ang kanyang mga likha sa isang exhibit sa Thailand at sa international online magazine na Artscene+! 🤩💯
youtu.be/0IeAa0P-TDc -
NET25
@NET25TV
"WHEN LEARNING MEETS COACHING!"
#mainfeed!
Kilalanin si Julia Sucgang-Bonoan, a.k.a. Teacher Julia! Ang educational content creator na pinagsasama ang coaching at teaching sa pagbabahagi ng kaalaman. 📚💡
Pero sino nga ba si Teacher Julia sa likod ng kanyang educational content? Paano niya pinagsasabay ang pagiging coach, teacher, at content creator? 👀
youtu.be/3vQquNnSjcA -
NET25
@NET25TV
THE CANDIDATES ARE HERE! MR. & MS. CHINATOWN GLOBAL PHILIPPINES 2026!
#mainfeed!
Ready na ba kayo? Makakasama natin ang mga kandidato ng Mr. & Ms. Chinatown Global Philippines 2026 para sa isang exciting na kuwentuhan sa Kada Umaga! 💫
Kilalanin ang mga kandidato, alamin ang kanilang mga kuwento, at silipin ang kanilang confidence, personality, at mga dapat abangan sa kompetisyon! 👑
youtu.be/xJ3df7EYjB8 -
NET25
@NET25TV
Ayon kay Atty. Neil Abayon, hindi umano kabilang sa SALN ang mga transaksiyon sa credit card statement. Kinukuwestiyon din ng kanilang kampo kung paano nakuha ang credit card records ni Mans Carpio, asawa ni Bise Presidente Sara Duterte.
| Ano Sa Palagay N’yo? #net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/Ihcjq9LfhOo -
NET25
@NET25TV
Kabilang ang Pag-IBIG Fund sa mga lalahok sa 2nd National Housing Expo na gaganapin sa October 19-20, 2026, sa SMX Convention Center. Layunin ng expo na mailapit sa mga Pilipino ang mga oportunidad para sa abot-kayang pabahay.
| Ano Sa Palagay N’yo? #net25newsandinformation #anosapalagaynyo
net25.com/news/2nd-national-housing-expo-magaganap-na-sa-… -
NET25
@NET25TV
HAPPY BIRTHDAY, HUGH JACKMAN! 🎂
Ipinagdiriwang ngayong October 12 ang 58th birthday ng Australian actor na si Hugh Jackman. Nakilala siya sa pagganap bilang Wolverine sa X-Men franchise. Bida rin siya sa mga pelikulang Les Misérables at The Greatest Showman.
#net25 #entertainmentnews #hughjackman #xmen #wolverine -
NET25
@NET25TV
PH NAYA, THIS IS NOT A DRILL—5 DAYS NA LANG! 🚨
Malapit nang makita at mapanood nang LIVE ang dancing queen ng izna na si Koko! 😍 Handa na kaya tayo sa kaniyang performance?
Huwag na huwag itong palalampasin! Kita-kits sa EGM Hall, EVM Convention Center ngayong Sabado, Oktubre 17! 👀✨
📷: Three Angles Production
#net25newsandinformation #izna #이즈나 #evmconventioncenter #kpopnews #whodatgirl #izna_concert_tour #izna_concert_tour_in_manila -
NET25
@NET25TV
LALAKI, PATAY MATAPOS ATAKIHIN NG TIGRE
Nasawi ang isang lalaki matapos siyang atakihin ng tigre sa Yorkshire Wildlife Park sa Doncaster, England, noong Sabado, Oktubre 11.
Ayon sa pulisya, pumasok ang lalaki sa kulungan ng tigre bago siya inatake. Hindi naman nasugatan ang hayop at walang ibang nadamay sa insidente.
Sinabi ng wildlife park na hindi naman papatayin o i-euthanize ang tigre dahil sa nangyari. Nagpaabot din sila ng pakikiramay sa pamilya ng nasawi.
📹: RT News
#njet25newsandinformation #zoo #tiger #animalnews #yorkshirewildlifepark #england #deathThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
"CLAIRE BAKIT MO SINABI SA KANILA 'YUN!"
PBBM, PRIBADONG KOMENTO LANG UMANO ANG “BUWAON” REMARK KAY VP SARA
PANOORIN: Pinagsabihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si PCO Usec. Claire Castro nang tanungin ng media tungkol sa salitang “buwaon” si Vice President Sara Duterte. Ang "buwaon" ay nangangahulugang “sinungaling.”
Ayon sa Pangulo, nagulat siya nang malaman na nailabas sa publiko ang kaniyang komento dahil hindi daw dapat ito malaman ng iba.
📹: RTVM
#net25newsandinformation #bongbongmarcos #ferdinandmarcosjr #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigationThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Hindi na tatawagin ng prosecution panel bilang testigo si Vice President Sara Duterte sa kaniyang impeachment trial.
Ayon kay Atty. Jay Tolosa, spokesperson ng prosecution, ipinahayag na ni Duterte ang kaniyang panig sa pamamagitan ng kaniyang affidavit, Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), mga bank record, at tax record.
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #witness #prosecution #saln #taxrecords #affidavit -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na mag-ipon ng tubig-ulan bilang paghahanda sa posibleng epekto ng super El Niño.
Tiniyak ng Pangulo na magbibigay ang pamahalaan ng mga filter at gabay sa tamang paglilinis at pagsala ng tubig upang matiyak na ligtas itong gamitin at inumin.
#net25newsandinformation #elnino #superelnino #taginit #marcosadministration #cloudseeding #waterfiltration -
NET25
@NET25TV
"LAHAT NA LANG NG ILEGAL, IPINAPAHID SA'KIN"
NEWS UPDATE: Iginiit ni Vice President Sara Duterte na sunod-sunod ang mga ibinibintang sa kaniyang ilegal na gawain, kabilang ang korapsyon, ilegal na droga, at pagtanggap umano ng pera mula sa China.
Ayon kay VP Sara, ginagawa umano ng administrasyon ang lahat para pabagsakin siya.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
"HAVE YOU PACKED YOUR BAGS?"
Kinumpirma ni forensic financial analyst Atty. Alexander Cabrera ang kaniyang nakatakdang dalawa hanggang tatlong linggong bakasyon sa Europa matapos siyang tanungin ni defense counsel Atty. Kristine Ferrer sa impeachment trial, ngayong day 38.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/6z6d3pm6cjs
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
BANGKAY NG LALAKI, NATAGPUAN SA TABI NG HIGHWAY
TINGNAN: Wala nang buhay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki nang makita sa madamong bahagi sa tabi ng highway sa Zone 7, Barangay Liboro, Ragay, Camarines Sur, bandang 3:50 ng hapon nitong Linggo, Oktubre 11.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Ragay Municipal Police Station, isang residente ang nakakita sa bangkay na may mga tama ng bala.
Rumesponde ang pulisya at narekober sa pinangyarihan ang apat na basyo ng bala.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. | via Ely Dumaboc
📷: CSPPO
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #pamamaril #shootingincident #shooting #death -
NET25
@NET25TV
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang naiuulat na nasugatan o nasawing Pilipino sa Panama matapos tumama ang magnitude 7.7 na lindol noong Biyernes, Oktubre 9.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa Mexico at ang Philippine Honorary Consulate sa Panama upang alamin ang kalagayan ng mga OFWs.
Sa inisyal na ulat, hindi bababa sa 27 katao ang nasugatan sa lindol, na nagdulot din ng pinsala sa mga gusali at kalsada.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #dfa #panama #earthquake #lindol #casualtycount -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Dumalo sa unang araw ng kaniyang bail hearing sa pamamagitan ng video conference si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng kasong plunder na nagkakahalaga ng P7.44 bilyon.
Ayon kay Sandiganbayan Third Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma, pinayagan ng korte ang mosyon ni Romualdez na hindi na dumalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayong Lunes ng hapon, Oktubre 12. | via Harted Molina
#net25newsandinformation #plunder #martinromualdez #floodcontrol #infrastructureprojects #bailhearing #zaldyco #bagman -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Itinanggi ni ex-marine George Villalon Jr. na inedit o inalter niya ang video ng umano’y paghahatid niya ng mga maleta ng pera kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Villalon, ipinadala niya ang video sa kaniyang asawa upang ipaalam na may ginagawa siyang delivery matapos niyang hindi masagot ang tawag nito. Iniharap ng prosecution ang screenshot ng mensaheng ipinadala umano noong Nobyembre 21, 2023, bandang 12:59 ng tanghali, na may kasamang larawan ng mga maleta at mensaheng, “Puro pera laman niyan deliver kay Romualdez.”
Sinabi ni Villalon na pabirong sumagot ang kaniyang asawa ng, “Akin na lang ’yong isa.”
#net25newsandinformation #plunder #martinromualdez #floodcontrol #infrastructureprojects #bailhearing #zaldyco #bagman -
NET25
@NET25TV
Iniutos ng ERC sa Meralco na mag-refund ng ₱2.64 bilyon sa mga customer nito.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #erc #meralco #consumerrefund
youtu.be/M6wuELH-hrg -
NET25
@NET25TV
SULIT, HEALTHY AT SWAK SA BUONG PAMILYA! 🧀🥦
Subukan ang Cheesy Dodram Luncheon Meat Cauliflower Rice—isang masarap at healthy alternative sa nakasanayang fried rice, na itinuro ni Chef Irish Manrique gamit ang cauliflower at Dodram Luncheon Meat! 🥓 🍚
youtu.be/1e0g2niXHmQ -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Sinabi ni Rep. Leandro Leviste na bubuksan niya sa publiko ang bahay sa Wilhelmsfeld, Germany na binili niya at tinirhan ni Dr. Jose Rizal noong 1886 habang tinatapos ni Rizal ang nobelang Noli Me Tangere.
📷: Rep. Leandro Legarda Leviste
#net25newsandinformation #germany #wilhemsfeld #joserizal #nolimetangere #history -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Dumalo rin si House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos sa F1 Singapore Grand Prix noong Sabado, Oktubre 10.
Matatandaang andoon din si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ikalima at huling araw ng kaniyang working visit sa Singapore.
📷: Chef Harold Hurtada
#net25newsandinformation #sabdromarcos #bongbongmarcos #ferdinandmarcosjr #formula1 #diplomacy #singapore -
NET25
@NET25TV
Sunod na sasabak si Alex Eala sa Wuhan Open kung saan makakatapat niya si Shin Han ng China sa opening round ng singles tournament. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento #alexeala
youtu.be/CoN7uabQNdQ -
NET25
@NET25TV
Kinuwestiyon ni defense counsel Atty. Kristine Ferrer ang pagiging eksperto ni forensic financial analyst Atty. Alexander Cabrera sa forensic accounting sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa pagtatanong ni Ferrer, binanggit niya ang naunang pahayag ni Cabrera na ang taxation ang kaniyang primary area of expertise. Inamin ni Cabrera na nakatuon ang kaniyang career sa tax planning, tax structuring, at mergers and acquisitions (M&A), at halos isang taon lamang siyang nagtrabaho bilang staff accountant sa external audit.
Gayunman, iginiit ni Cabrera na itinuturing pa rin niya ang sarili bilang eksperto sa forensic accounting.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/6z6d3pm6cjs
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
Kinumpirma ni financial forensic analyst Atty. Alexander Cabrera na si Congressman Chel Diokno ang lumapit sa kaniya upang maging testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa pagtatanong ni defense lawyer Kristine Ferrer, sinabi ni Cabrera na una niyang nakaharap nang personal si Diokno nang magkasama sila sa isang panel ng Good Governance Advocates of the Philippines noong nakaraang taon.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/6z6d3pm6cjs
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
MIXED OIL PRICE ADJUSTMENT
Epektibo simula Martes, Oktubre 13, ang mahigit P3 kada litro na bawas-singil sa presyo ng diesel habang halos P2 kada litro naman ang dagdag sa presyo ng gasolina, ayon sa Department of Energy (DOE). Samantala, P1.77 kada litro naman ang itataas sa kerosene.
Gasoline: P1.56/L ⬆️
Diesel: P3.01/L ⬇️
Kerosene: P1.77/L ⬆️
#net25newsandinformation #oilprice #priceadjustment #diesel #gasoline #kerosene #rollback #pricehike -
NET25
@NET25TV
Inisyuhan ng Land Transportation Office (LTO) ng show cause order ang isang konsehal ng Quezon City matapos makita sa isang video na nagmamaneho ito ng three-wheeled motorcycle sa pampublikong kalsada nang walang suot na standard protective helmet.
Inatasan siyang humarap sa Intelligence and Investigation Division ng LTO sa Oktubre 22 upang magsumite ng affidavit, paliwanag, at mga dokumentong susuporta sa kaniyang panig.
Posibleng maharap ang rider sa paglabag sa Mandatory Use of Motorcycle Helmets Act. Inatasan din siyang isuko ang kaniyang driver’s license para sa 90 araw na suspensiyon, habang naka-alarm status na ang ginamit na motorsiklo.
📷: LTO
#net25newsandinformation #roadsafety #roadsafetymatters #roadsafetyawareness #supension -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Sinimulan na ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang pagtatanong sa pamamagitan ng cross-examination kay Atty. Alexander Cabrera, isang forensic financial analyst, ngayong Lunes, Oktubre 12.
TUMUTOK SA NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/6z6d3pm6cjs
#net25newsandinformation #vpsara #impeachmenttrial #senateimpeachment #impeachmentcourt #indaysaraduterte #financialanalyst -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang pagdiriwang ng ika-91 anibersaryo ng Office of the Vice President (OVP) ngayong Lunes, Oktubre 12 sa OVP Central Office sa Mandaluyong City.
Dumalo ang Bise Presidente sa paggunita sa pagkakatatag ng tanggapan, na nagsisilbing bahagi ng pag-alala sa mahigit siyam na dekada ng operasyon nito.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/watch?v=cd5bRQ8HPew
#net25newsandinformation #ovp #vpsaraduterte #vpsara #saraduterte -
NET25
@NET25TV
Kinuwestiyon ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte kung bakit kailangan pa ng National Bureau of Investigation (NBI) na kunin ang kaniyang panig kaugnay ng alegasyon ni dating pulis Rodulfo Gracioso Jr. na naghatid umano ito ng mga maleta ng pera sa pamilya Duterte.
Ayon kay Pulong, kung kumpiyansa ang NBI sa resulta ng polygraph o lie detector test ni Gracioso, dapat nitong panindigan ang sarili nitong pagsusuri.
Matatandaang inimbitahan ng NBI ang kongresista upang magbigay-linaw sa usapin ngayong Lunes, Oktubre 12.
#net25newsandinformation #pulongduterte #rodulfogracioso #moneylaundering #illegalactivities #nbi #investigation #liedetector -
NET25
@NET25TV
Apat na Pilipino ang kasalukuyang ginagamot sa iba't ibang ospital sa Riyadh, Saudi Arabia, matapos masugatan sa pag-atake sa Riyadh Airport. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento @SaudiArabia
youtu.be/pN5zVu0CS1I -
NET25
@NET25TV
Itinanggi ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang mga usap-usapang wala silang ebidensiya o witness na ilalahad sa kaniyang impeachment trial.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #indaysara #vpsaraduterte
youtu.be/FeFsJ2v-FMo -
NET25
@NET25TV
FEELINGS AT EMOTIONS: SAME LANG BA SILA? 🤔
#hearmeout!
Ikaw, kaya mo bang i-explain ang nararamdaman mo o naguguluhan ka rin? 😭
Comment your thoughts below! 😂
youtu.be/UAaTlYDxl9I -
NET25
@NET25TV
Nakatakdang umutang ang Pilipinas sa World Bank ng €212.7 milyon bilang bahagi ng pagpopondo sa mga programa ng bansa.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #worldbank #philippines #governmentloan
www.youtube.com/watch?v=gIGl_sado20 -
NET25
@NET25TV
Tiniyak ng Department of Agriculture na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa sa kabila ng inaasahang epekto ng El Niño.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #elniño #departmentofagriculture #foodsupply
youtu.be/N_pZPhmp8Gc -
NET25
@NET25TV
Nasabat ng mga awtoridad ang iba’t ibang ilegal na droga na nagkakahalaga ng ₱43.76 milyon mula sa walong parcel sa Pasay City.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #pasaycity #illegaldrugs #drugseizure
youtu.be/P5zHzDau9kA -
NET25
@NET25TV
Nagbabala ang PhilHealth laban sa mga pekeng text message na nag-aalok o nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagpapalit ng ID.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #philhealth #scamalert #textscam
youtu.be/iNmU8EYJEWk -
NET25
@NET25TV
Narito na ang #aspn – Ating Sinundang Pangunahing News ngayong Lunes, Oct. 12, 2026:
-Mans Carpio, dismayado sa pagiging collateral damage sa impeachment ni VPSD
-Lino Cayetano, itinalagang bagong PCO Secretary; Aguda, nagresign bilang DICT Secretary
-13 patay sa pag-atake ng Houthi sa King Khalid International Airport
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=sG9P-yPR00c
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1609480910726330 -
NET25
@NET25TV
Technology localization is transforming how digital content reaches audiences across languages through machine translation, translation management systems, terminology tools, quality automation, and AI-powered solutions.
As businesses expand into global markets, technology localization helps make communication more accessible, efficient, and scalable—connecting people, platforms, and opportunities across borders.
SUBSCRIBE to OPEN FOR BUSINESS YouTube Channel: www.youtube.com/@NET25OpenForBusiness
FOLLOW our social media accounts:
Facebook: www.facebook.com/NET25OpenForBusiness
#openforbusiness #net25 #bizwordoftheweek #technologylocalization #businesstechnology #digitaltransformation -
NET25
@NET25TV
Sa usapin ng impeachment trial ni VP Sara Duterte, iginiit ni political analyst Prof. Froilan Calilung na kailangang magharap ang prosekusyon ng matitibay na ebidensya para hindi magmukhang fishing expedition ang kaso laban sa Bise Presidente.
| Ano Sa Palagay N’yo? #net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/MzkgDkwmSfI -
NET25
@NET25TV
Mula sa dating matadero ng kanilang Ama, unti-unti nilang pinalago ang kanilang negosyo na ngayon ay RSRH Livestock Corporation na! 🥩📈
Alamin ang kuwento sa likod ng kanilang tagumpay, silipin ang proseso ng kanilang beef business, at alamin kung paano nila naihahatid ang premium beef selections sa mas abot-kayang presyo!✨
#net25 #net25entertainment #lovetonipetandeverythaaang #tonipetgaba #loveanover #rsrhlivestockcorporation
youtu.be/m3guP7GyGAw -
NET25
@NET25TV
Ilan sa mga patok na sports at exercise gaya ng Pilates at pickleball ang ibibida ni Ara Mina sa bagong season ng Magandang Araw, na mapapanood na ngayong Sabado, October 10, 2026
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/5lOX56Se8uU -
NET25
@NET25TV
ISANG VILLAR SA MAYORYA, ISA SA MINORYA
Ayon kay political analyst Prof. Froilan Calilung, hindi niya nakikitang sasama si Sen. Camille Villar sa mayorya ng Senado. Aniya, maaaring senyales ito ng pagiging “playing safe” ng pamilyang Villar sa gitna ng umiiral na political pressure.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/yjKxqtOtEoA -
NET25
@NET25TV
VEGGIES PERO CHIPS?! BAGO 'TO! 🥕🥦
#girlcode!
Snack time na, pero gusto mo ng something crunchy, easy, at may veggie twist? Try making your own DIY Veggie Chips at home! 😋✨
Simple lang gawin pero swak sa snack cravings!
Ikaw, ano ang veggie na gagawin mong chips?
I-share mo na 'yan sa comment section! 👇🏻
youtu.be/7ASghS53bMM -
NET25
@NET25TV
Nasabat sa Balintawak Market sa Quezon City ang 1,400 kilo ng mishandled frozen meat at 10 kilo ng kinatay na manok sa operasyon ng NMIS at CIDG. #net25newsandinformation #matangagilasatanghali #quezoncity #nmis #cidg
youtu.be/BiF23--ocZI -
NET25
@NET25TV
Hindi pa itinuturing ng DOJ na fugitive from justice si Batangas Representative Leandro Leviste sa kabila ng inilabas na arrest warrant laban sa kaniya.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #leandroleviste #doj #arrestwarrant
youtu.be/pn_Pi-cOihU -
NET25
@NET25TV
Muling ipinagpaliban ang arraignment ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng kasong grave threats.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #vpsaraduterte #gravethreats #arraignment
youtu.be/11tamFJeJjE -
NET25
@NET25TV
Muntik nang hindi matuloy ang Day 36 ng impeachment trial dahil tumutol ang defense sa biglaang pagpapalit ng witness ng prosecution. Ilang senator-judges ang nagmungkahi na magtalaga ng ibang abogado para sa cross-examination.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #impeachmenttrial #vpsaraduterte #duterte #vpsara
youtu.be/34kTvQIZ9FA -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Kinumpirma ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Formula 1 Grand Prix sa Singapore.
Ayon kay Castro, mahalaga ang pagdalo ng Pangulo sa naturang event upang makipagpulong sa mga kapwa lider ng bansa at mga business executive.
#net25newsandinformation #bongbongmarcos #ferdinandmarcosjr #formula1 #diplomacy #singapore -
NET25
@NET25TV
READY TO FEEL THE BIG ENERGY WITH IZNA?
PH Naya, ilang araw na lang, mapapanood na natin nang LIVE ang powerhouse performances ng K-pop girl group na izna sa kanilang “WHO DAT GIRL?” world tour sa Pilipinas!
Get ready to sing, dance, and make unforgettable memories kasama ang izna!
Kita-kits sa EGM Hall ng EVM Convention Center sa Oktubre 17, PH Naya!
📷: Three Angles Production
#net25newsandinformation #izna #이즈나 #evmconventioncenter #kpopnews #whodatgirl #izna_concert_tour #izna_concert_tour_in_manila -
NET25
@NET25TV
TZUYU’S F1 DEBUT 🏁💙
TINGNAN: Agaw-eksena si Tzuyu ng Twice sa kaniyang F1 debut sa Singapore.
Siya ang kumanta ng bagong collaboration song ng Williams F1 Team at hit anime series na “Dan Da Dan.”
Nakasama rin ng K-pop superstar ang F1 drivers na sina Carlos Sainz at Alex Albon.
📷: WilliamsF1 Team
#net25newsandinformation #f1 #formula1 #sports #tzuyu #twice #kpop -
NET25
@NET25TV
Iginiit ni lead defense counsel Atty. Sheila Sison na hindi dapat makaapekto sa pagdinig ng impeachment trial ang personal na kadahilanan gaya ng pagkakasakit.
Ayon kay Atty. Sison, marami rin umano sa depensa ang hindi mabuti ang pakiramdam ngunit pinili nilang dumalo bilang bahagi ng kanilang gampanin matapos sabihin ni Rep. Terry Ridon na ang pagkakasakit ay hindi kayang i-predict.
Ito ay kasunod ng hindi pagdalo ni Atty. Erwin Matib ng prosecution na nakatakdang magharap ng testigo mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa ika-36 na araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hiniling ng prosecution na unahing iharap ang forensic financial analyst, ngunit tinutulan ito ng depensa at ng mga senator-judges.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/ZDi5HF_FNoQ
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
PH NAYA, READY NA BA ANG HEARTS N’YO?!
ONE WEEK TO GO, NAYA! Konting tulog na lang, makikita at makakasama na natin ang K-pop girl group na izna para sa kanilang “Who Dat Girl” concert tour sa Pilipinas!
PH Naya, ready na ba kayong sumigaw, maki-sing along, at gumawa ng unforgettable memories kasama ang izna?
See you sa EGM Hall ng EVM Convention Center sa Oktubre 17! Let’s make some noise, PH Naya!
#net25newsandinformation #kpop #musicnews #evmconventioncenter #izna #이즈나 #izna_concert_tour #who_dat_girl #izna_concert_tour_in_manila -
NET25
@NET25TV
“ALL IS DONE.”
END OF AN ERA! Isang makasaysayang kabanata ang nagsara para kay football legend Lionel Messi matapos ang kaniyang huling laro para sa Argentina, kasabay ng mensaheng “All is done” na ibinahagi niya sa social media.
Sa loob ng 21 years, naging bahagi si Messi ng kasaysayan ng Argentina sa football, kabilang ang mga tagumpay na nagpatibay sa kaniyang legacy bilang isa sa mga kinikilalang football superstar sa mundo.
Isang era na puno ng passion, sacrifice, at unforgettable moments. Salamat sa lahat, Leo!
📷: leomessi/Instagram
#net25newsandinformation #lionelmessi #argentina #football #footballnews -
NET25
@NET25TV
DAY 37
NEWS UPDATE: Nagsimula na ang cross-examination ng depensa kay Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa ika-37 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Biyernes, Oktubre 9.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
DAGDAG-BAWAS SA PRODUKTONG PETROLYO
Inaasahan sa susunod na linggo ang bahagyang pagtaas ng presyo sa gasolina, habang kakarampot na rollback naman sa diesel, ayon sa Department of Energy (DOE).
Gasoline: P2.20/L ⬆️
Diesel: P2.00/L ⬇️
#net25newsandinformation #oilprices #energysector #petrolyo #pricehikes #rollback #doe -
NET25
@NET25TV
Kuwentuhan, kulitan, at bagong adventure! 👀
Mas naging masaya ang kuwentuhan sa #lovetonipetandeverythaaang kasama si Ara Mina! Nagbigay din siya ng exciting update tungkol sa bagong season ng “Magandang ARAw” at kung saan-saan niya dadalhin ang viewers sa mga bagong adventure.
Abangan ang pagbabalik ng “Magandang ARAw” dito lang sa NET25! 💛
#net25 #net25entertainment #tonipetgaba #loveanover #aramina #magandangaraw
youtu.be/rX0zPYpsbBU -
NET25
@NET25TV
Lumipat na sa Senate majority bloc si Senador Mark Villar, na siyang ikalabing-apat na miyembro ng mayorya.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #villar #markvillar #majoritybloc #senateph
youtu.be/0pvuP5JOOiA -
NET25
@NET25TV
Nauwi sa ‘happy ending’ ang palitan nina Vice Mayor Atty. Harold Respicio at DILG Secretary Jonvic Remulla matapos ibalik ni Remulla ang ginastos ng bise alkalde sa kaniyang drug test.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #haroldrespicio #jonvicremulla #drugtest -
NET25
@NET25TV
Nailigtas ang isang aso mula sa rumaragasang Mapocho River sa Santiago, Chile. #mnainewsbitesize #chile #mapochoriver #dogrescue #santiago
youtu.be/pUuvKSG0QrQ -
NET25
@NET25TV
Nagbabala ang Russia sa posibleng pagdedeploy ng NATO ng nuclear weapons sa Lithuania na maaari anilang magpalala ng tensyon sa Europa.
#mnainewsbitesize #russia #lithuania #nato #nuclearweapons
youtu.be/JbRn3dzCyI4 -
NET25
@NET25TV
Mixed oil price movement, inaasahan sa susunod base sa galawan ng presyo sa world market nitong Oct. 5-7, 2026:
DIESEL: - P 2.90/L
GASOLINE: + P1.06/L
KEROSENE: - P0.12/L
#net25newsandinformation #aspn -
NET25
@NET25TV
Alamin na ang mga latest na balita sa #aspn ngayong Biyernes, Oct. 9, 2026:
- Paglipat ni Sen. Mark Villar sa mayorya, wala raw kinalaman sa impeachment trial
- Testigo mula sa BIR, ibinunyag ang P85-M kita ni VP Sara
- SILG Remulla, ibinalik kay Respicio ang ibinayad para sa drug test
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=zju7YM3Cea4
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1692255478990941 -
NET25
@NET25TV
ATTY. ROWENA GUANZON, NAKIPAGBAKBAKAN SA KUWENTUHAN AT KULITAN! 💥
#mainfeed!
Ano nga ba ang mga dapat abangan sa kanyang bagong show na "Bakbakan Na!" sa NET25? 🤔
youtu.be/9Vq9oCxA0Eg -
NET25
@NET25TV
NA-MISS N'YO BA SI ARA MINA? 💛
#mainfeed!
Ara Mina, muling nagbabalik sa NET25 para sa bagong season ng Magandang ARAw sa NET25! ☀️
Ano nga ba ang mga bagong dapat abangan dito? 🤔
youtu.be/a14UZsIXG5U -
NET25
@NET25TV
Isang bangkay ng 40-anyos na lalaki ang nakita sa mabatong bahagi ng dolomite beach sa Ermita, Manila nitong Lunes ng umaga, Oktubre 5.
Ayon sa barangay, nakita ng security guard ang bangkay na nakasuot ng pulang t-shirt at pantalon. Agad naman daw niya itong pinagbigay-alam sa mga awtoridad.
Bago ang insidente, nakita pa umano ang lalaki na palakad-lakad malapit sa mga bato sa dalampasigan at ilang beses na pinagbawalang pumunta roon.
Nabatid na dayo umano ang biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.
📷: Manila Barangay 668
#net25newsandinformation #manila #accident #death #investigation -
NET25
@NET25TV
TRICYCLE DRIVER, PINAGBABARIL, PATAY
TINGNAN: Nasawi ang isang 44-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin ng isang lalaki sa Barangay San Agustin, Tiaong, Quezon.
Ayon sa pulisya, ilang beses umanong binaril ng suspek ang biktima pagkalabas nito ng kanilang bahay.
Tinitingnan ng mga awtoridad ang matagal nang alitan ng dalawa bilang posibleng motibo sa krimen, kabilang umano ang reklamo na madalas binubully ng anak ng biktima ang anak ng suspek.
Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek at nahaharap sa kasong murder. | via Martin Banaag
📷: Tiaong MPS
#net25newsandinformation #crimenews #crime #pamamaril #shootingincident #shooting #death -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang tatlong katao habang 36 iba pa ang sugatan sa magkahiwalay na pag-atake sa dalawang paliparan sa Saudi Arabia.
Sa ulat, isa ang nasawi at walo ang sugatan sa King Khalid International Airport sa Riyadh, habang dalawa ang nasawi at 28 ang sugatan sa Abha International Airport.
Inako ng grupong Houthi ang mga pag-atake na ginamitan umano ng mga missile at drone. Samantala, gumanti ang Saudi Arabia sa pamamagitan ng airstrikes, na nakaapekto rin sa ilang pangunahing kalsada.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #saudiarabia #flight #planeincidents #saudiarabia #yemen #militarytension -
NET25
@NET25TV
MOTORCYCLE DRAG RACE NAUWI SA AKSIDENTE
PANOORIN: Nakuhanan ng video ng isang Davao City responder ang trahedyang naganap dahil sa drag race ng mga motorsiklo sa Toril, Davao City nitong Miyerkules ng gabi, Oktubre 7.
Nagkarambola ang mga motorsiklo at marami ang nasugatan. Nagdulot din ito ng matinding traffic. Inaalam pa ng mga awtoridad ang kabuuang pangyayari. | via Haydee Jipolan
📹: Tintoy Barbon Umbao
#net25newsandinformation #pnp #policenews #roadcrash #roadaccident #accident -
NET25
@NET25TV
Arestado sa Singapore ang limang Pilipinong turista dahil sa umano’y pagnanakaw ng SGD 155,000 o katumbas ng humigit-kumulang ₱7.6 milyon, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Nangyari umano ang insidente noong Setyembre 25 sa Tang Plaza. Unang humarap sa korte ang limang Pilipino noong Oktubre 2 at nakatakda silang humarap muli sa Oktubre 9.
Sa ngayon, hinihintay pa ng DFA at Philippine Embassy in Singapore ang iba pang detalye tungkol sa kaso.
#net25newsandinformation #singapore #theft #filipinos #pinoyabroad #crimenews #internationalnews -
NET25
@NET25TV
KANINONG PLAYLIST ITO?? 🎧🎶
Sa kauna-unahang pagkakataon ay magko-concert sa Pilipinas ang Grammy Award-winning singer-songwriter na si Olivia Dean.
Makakasama ni Dean ang iconic P-pop acts tulad ng BINI, Up Dharma Down, Lola Amour, at SunKissed Lola, para sa “LALALA 2027.”
Gaganapin ang event sa Philippine Arena sa January 14, 2027.
📷: Lalala Music Fest / FB
#net25newsandinformation #lalala2027 #oliviadean #bini #updharmadown #sunkissedlola #ppop #musicnews -
NET25
@NET25TV
Kinumpirma ni Sen. Chiz Escudero na walang lagda si Vice President Sara Duterte sa mga dokumento sa BPI time deposit account na iniuugnay sa kanila ng kaniyang ama.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #impeachmenttrial #vpsaraduterte #duterte #vpsara -
NET25
@NET25TV
Ibinunyag ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na tumanggap siya ng ₱120 milyong balato mula kay dating Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy “Zaldy” Co kaugnay sa road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #dpwh #floodcontrolproject #zaldyco
youtu.be/NfphxSUiqEA -
NET25
@NET25TV
Nagkita na si Alex Eala at ang kaniyang super idol na si former Russian professional tennis player Maria Sharapova matapos maimbitahan si Eala bilang guest sa podcast ni Sharapova.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #alexeala #sharapova
youtu.be/jCMpeie5aP0 -
NET25
@NET25TV
NORMAL LANG BA NA MAGING TAHIMIK ANG BAHAY, PAG-ALIS NG MGA ANAK? 🤔
#hearmeout!
Kapag nagsimula nang umalis ang mga anak para mag-aral, magtrabaho, o bumuo ng sarili nilang buhay… biglang iba ang atmosphere. 😭
Ito ang tinatawag na empty nest syndrome—mga feelings tulad ng lungkot, pangungulila, o pagkawala ng routine na maaaring maranasan ng ilang magulang kapag nagiging independent na ang kanilang mga anak.
Ikaw, bilang magulang, naka-feel ka na ba ng ganito? youtu.be/dRu-QcdNln0 -
NET25
@NET25TV
₱15K LANG ANG PUHUNAN, FIRST MILLION AGAD! 💰✨ Sa edad na 16, nagsimula si Bridget “Bree” Cortez sa pagre-resell ng contact lenses gamit ang ₱15,000 na hiniram niya sa kanyang lola.
Makalipas ang dalawang taon, umabot sa first million ang kanyang kinita at kalaunan ay nabuo ang sarili niyang contact lens brand na Eyeconic! 👀💖
youtu.be/8qWRhFImL2o -
NET25
@NET25TV
Agad na nagpa-drug test si Atty. Harold Respicio kasunod ng hamon ni DILG Secretary Jonvic Remulla. Negatibo ang kaniyang initial qualitative drug test at hinihintay na lamang ang resulta ng quantitative test. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento #haroldrespicio #jonvicremulla
youtu.be/flbyCiIAhN8 -
NET25
@NET25TV
Tinawag na insensitive ng bayan ang plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na manood ng Formula 1 Grand Prix sa Singapore sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng bansa.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #pbbm #bongbongmarcos #f1grandprix #formula1grandprix -
NET25
@NET25TV
DIY PROBIOTIC DRINKS NA GUT-FRIENDLY! #girlcode! Probiotic drinks are making waves, pero ano nga ba talaga ang nasa likod nito? 👀 Gut-friendly trend ba ‘to na worth trying? Let’s find out! 🥤🦠✨
youtu.be/RlNbLT9RY9c -
NET25
@NET25TV
PAANO MAGPAKITA NG INTEREST SA LOVE WITHOUT OVERDOING IT? ❤️
#hearmeout!
Ikaw, paano ka dumiskarte sa pag-ibig? 🤔
I-share mo naman 'yan! 🫵🏻
youtu.be/jI0F2qpt_A4 -
NET25
@NET25TV
MAGANDANG ARAW! BASTA FITNESS, GAME SI ARA RIYAN! 💪🏻 #girlcode! May simple at beginner-friendly pilates routine si Ara Mina para sa atin! ✨
Sasali ka o sasali ka? 😂
youtu.be/o-czRtPKPkQ -
NET25
@NET25TV
Narito na ang mga maiinit na balita sa #aspn ngayong Huwebes, Oct. 8, 2026:
- DOE, nagbabala sa posibleng taas-singil sa kuryente dahil sa El Niño
- Defense panel, idinistansya si VP Sara sa isyu kaugnay ng joint account kasama si FPRRD
- Rep. Leviste, tinawag na fugitive from justice ni NBI Director Melvin Matibag
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=tR9KHbyDdYM
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1445228944137778 -
NET25
@NET25TV
Tinamaan ng ballistic missiles at drones ng Houthi ang Aden International Airport at ilang target sites sa Saudi Arabia.
#matangagilainternational #net25newsandinformation #houthi #aden #saudiarabia #yemen
net25.com/news/houthi-rebels-inatake-ang-aden-airport-at-… -
NET25
@NET25TV
Masusing minomonitor ng health experts at ni U.S. President Donald Trump ang umano’y pneumonic plague sa Russia matapos mamatay ang isang babaeng nagtatrabaho sa anti-plague laboratory sa Siberia.
#matangagilainternational #net25newsandinformation #pneumonicplague #russia #siberia #covid19
youtu.be/qV4nXZI8h1k -
NET25
@NET25TV
Ipinrisinta ng prosecution ang bank records ni Vice President Sara Duterte at kaniyang pamilya sa Day 35 ng impeachment trial.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #vpsaraduterte #impeachmenttrial #bankrecords
youtu.be/uBKo4WDSpuU -
NET25
@NET25TV
Minaliit ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste ang warrant of arrest laban sa kaniya kaugnay ng umano’y ghost electricity contract ng kaniyang kumpanya sa gobyerno.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #leandroleviste #warrantofarrest #ghostcontract -
NET25
@NET25TV
BREADWINNER KA BA? KAILANGAN BANG LAGING MAY MAIBIGAY? 💸 #hearmeout!
Ikaw, paano ka nakakatulong sa pamilya mo? 🤔 I-share mo na 'yan! 👇
youtu.be/wK4RT0k8WB4 -
NET25
@NET25TV
PAMILYA + PERA + NEGOSYO = DELIKADO?! 👀💸 #mainfeed! Ikaw, kaya mo bang makipag-business sa sariling pamilya? 🤔
Comment "YES" or "NO" Kasi sa negosyo, minsan hindi lang pera ang nakataya—pati tiwala. 👍
youtu.be/iyEPSd8WuLQ -
NET25
@NET25TV
"NAKALIMUTAN KO..."
"SAAN KO NGA NAILAGAY 'YON?"
#mainfeed!
Ang pagiging makakalimutin, kailan nga ba dapat pagtuunan ng pansin? 🤔
Ikaw, makakalimutin ka rin ba? 😅
youtu.be/M98ppgkdJ3c -
NET25
@NET25TV
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, wala raw sa Pilipinas ang species ng daga na iniuugnay sa pneumonic plague. Pero binigyang-diin ni Solante na highly fatal ang sakit na ito at nangangailangan ng agarang atensyong medikal.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/VXaLuK1deTM -
NET25
@NET25TV
Isinara ng Kazakhstan, Uzbekistan, Kyrgyzstan at Mongolia ang kanilang border sa Russia bilang pag-iingat matapos mamatay ang isang lab worker sa Irkutsk Anti-Plague Institute at lumitaw ang pangamba sa posibleng outbreak.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #russia #kazakhstan #uzbekistan #kyrgyzstan #mongolia youtu.be/8axHYmBdMgU -
NET25
@NET25TV
MAHIGIT P81-M HALAGA NG SHABU, NASAMSAM
TINGNAN: Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 12 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱81.6 milyon sa Batangas Port, Barangay Sta. Clara, Batangas City ngayong Miyerkules, Oktubre 7.
Apat na lalaki, edad 18, 29, 30 at 41, ang naaresto sa joint operation. Ayon sa PCG, residente ang mga ito ng Malate, Manila at Maluso, Basilan. Narekober din ang isang sasakyan, cellphone, identification cards at ATM cards.
Itinurn-over na sa PDEA ang mga suspek at nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaso dahil sa umano’y paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Emmar Dela Vega
📷: Philippine Coast Guard
#net25newsandinformation #crimenews #crime #illegalactivities #drugaddiction #investigation -
NET25
@NET25TV
Arestado ang isang Regional Most Wanted Person sa CALABARZON at Provincial Most Wanted Person sa Quezon matapos ang halos isang dekadang pagtatago dahil sa kasong panghahalay sa Sariaya, Quezon.
Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente noong Oktubre 2015 nang umano’y yayain ng suspek ang biktima sa kaniyang bahay at doon pagsamantalahan. Nagsampa ng reklamo ang pamilya matapos malaman na nabuntis ang biktima.
Natunton at naaresto ang suspek sa Mansalay, Oriental Mindoro, kung saan nagtatrabaho na umano siya bilang bantay-dagat sa LGU. Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek. | via Martin Banaag
📷: Sariaya MPS
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #rape -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Sinabi ni defense lawyer Atty. Michael Poa na hindi umano alam ni Vice President Sara Duterte ang tungkol sa joint account nila ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Bank of the Philippine Islands (BPI).
Ayon kay Atty. Poa, una umanong nalaman ni VP Sara ang tungkol sa naturang account nang mabanggit ito sa pagdinig ng House quad-committee.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Nagpiyansa si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ng ₱72,000 matapos maglabas ng warrant of arrest ang Makati Regional Trial Court Branch 235 kaugnay ng umano’y paglabag sa Section 25 ng Public Service Act.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, nakatanggap siya ng abiso na na-i-post na ang piyansa ni Leviste ngayong umaga, Oktubre 7. Kinatawan umano ni Leviste ang nagbayad ng piyansa sa korte para sa kaniya.
#net25newsandinformation #leandroleviste #publicserviceact #bail #arrestwarrant -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Kinumpirma ni presiding officer Sen. Francis “Chiz” Escudero na walang dokumentong may pirma ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng BPI time deposit account na konektado sa kaniya at sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Escudero, batay sa mga dokumentong isinumite ng BPI, walang makikitang pirma ng bise sa mga transaksyon gaya ng pag-open at pag-close ng time deposit maging ang paghingi ng manager’s check.
PANOORIN ANG LIVESTREAM: www.youtube.com/live/XoYw-kKytwk
#net25newsandinformation #senate #impeachmenttrial #indaysaraduterte #bankrecords -
NET25
@NET25TV
Maaari bang iangkop ang mga prinsipyo ng corporate governance sa pamamahala ng ating mga lokal na pamahalaan? Iyan ang tinalakay sa #aspn kasama si Fermin Adriano, dating DA Undersecretary.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo -
NET25
@NET25TV
Naglabas ng warrant of arrest ang isang korte sa Makati City laban kay Batangas 1st District Representative Leandro Leviste kaugnay sa umano’y paglabag sa Public Service Act.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #leandroleviste #batangas #makati -
NET25
@NET25TV
Ngayong Elderly Week, alamin kung paano mapoprotektahan ang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng senior citizens.
net25.com/news/paggunita-sa-elderly-week-aspn -
NET25
@NET25TV
ANO SA ’YO, YA? ANO SA ‘YO, TE? 🛒✨ Nakipagkuwentuhan tayo kay Gerick Eol Hernandez, ang content creator na ginamit ang social media para mas makilala ang kanilang family business at mas dumami ang customers sa kanilang tindahan!
Alamin kung bakit viral ang kanyang #kuwentongkabarangay!
youtu.be/pxh_Oa_xRA8 -
NET25
@NET25TV
Mahigpit na minomonitor ngayon ng DOH ang pinaghihinalaang plague sa Russia at tinitiyak na handa ang bansa na tumugon kung kakailanganin. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento #plague #russia #doh
youtu.be/Oa9fy6SMQak -
NET25
@NET25TV
Ikinuwento ni Vice Mayor Atty. Harold Respicio ang nangyaring tensyon sa Sangguniang Bayan session nitong Lunes tungkol sa P66-million tobacco excise tax shares kung saan nakasagutan niya ang ilang barangay officials.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #haroldrespicio -
NET25
@NET25TV
MGA KA-NET25, MAGDALA NG PAYONG AT KAPOTE
THUNDERSTORM ADVISORY: Makararanas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng Metro Manila, Bulacan, at Quezon sa loob ng susunod na dalawang oras, ayon sa PAGASA.
#net25newsandinformation #thunderstormadvisory #tagulan #rainy #weatherupdate -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Ibinunyag ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo na ang ₱120 milyong balato na natanggap niyan kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co ay katumbas lamang ng 1% ng sinasabing 25% kickback mula sa pondo ng government infrastructure projects.
Ayon kay Bernardo, natanggap niya ang kabuuang ₱120 milyon sa tatlong bigayan: ₱45 milyon noong 2023, ₱50 milyon noong 2024, at ₱25 milyon noong 2025.
#net25newsandinformation #dpwh #floodcontrolproject #floodcontrol #flood #flooding #recant #affidavit #investigation #corruption -
NET25
@NET25TV
Nilinaw ng AMLC na wala itong record na nagpapakita na nagpadala ng pera ang gobyerno ng China sa Cale88 Foods Corp.
Sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, sinabi ni AMLC Executive Director Ronel Buenaventura na nasa ₱319.33 milyon ang inward remittances na natanggap ng Cale88, kabilang ang ₱315.94 milyon mula China at ₱3.39 milyon mula Hong Kong.
Gayunman, wala umanong record na nagsasabing ang kumpanyang nagpadala ng pera ay kinatawan ng Chinese government.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
MALIIT NA BAGAY LAMANG ITO
TINGNAN: Sa kaniyang Facebook post, may mensahe si Rep. Leandro Leviste sa kaniyang mga taga-suporta kasunod ng arrest warrant na inilabas ng Makati Regional Trial Court (RTC) laban sa kaniya,
Nahaharap siya sa umano’y paglabag sa Public Services Act.
📷: Rep. Leandro Leviste
#net25newsandinformation #leandroleviste #publicserviceact #bail #arrestwarrant -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang isang 28-anyos na laboratory worker sa isang plague research institute sa Siberia, Russia, na nagresulta sa pansamantalang quarantine ng 200 katao.
Kinilala ng Russian media ang biktima na si Darya Shipilova, 28, na nagtatrabaho sa Irkutsk Anti-Plague Research Institute of Siberia and the Far East.
Ayon sa mga awtoridad, hindi pa matukoy ang uri ng pneumonia na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kaugnayan sa kaniyang trabaho o sa plague ang insidente. Wala rin umanong nakitang pathogen sa mga taong kaniyang nakasalamuha.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #russia #quarantine #plague #laboratorywork #researchinstitute -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Humarap ang Asia United Bank (AUB) Davao Branch Manager na si Arcy James Gonzales sa ika-35 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, Oktubre 7.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/pOehq9poNC8
#net25newsandinformation #impeachmentcourt #indaysaraduterte #unexplainedwealth #banktransactions #impeachment #senate -
NET25
@NET25TV
From local start-ups to global enterprises, discover the latest business insights, trends, opportunities, and inspiring success stories shaping the Philippine business landscape.
Stay informed, get inspired, and explore opportunities that can help businesses grow and thrive.
📺 Watch Open For Business every Sunday, 9:00 PM, only on #net25!
Follow us on
Facebook: www.facebook.com/NET25OpenForBusiness/
YouTube: www.youtube.com/@NET25OpenForBusiness
#net25openforbusiness #openforbusiness #net25 #caesarvallejos -
NET25
@NET25TV
Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Iglesia Ni Cristo sa Calgary, Canada, sa
pamamagitan ng Worldwide Lingap sa Mamamayan, upang tugunan ang krisis sa pagkain at kahirapan sa iba't ibang panig ng mundo.
#net25newsandinformation #careforhumanity #lingapnews #wwl2026 -
NET25
@NET25TV
Umakyat sa 7.2% ang inflation noong Setyembre dahil sa mas mataas na presyo ng pagkain at utility costs. #net25newsandinformation #matangagilaprimetime #inflationph #philippineeconomy #presyongbilihin
youtu.be/oGfmxqTPT8k -
NET25
@NET25TV
Magpapadala ang Pakistan at Turkiye ng military forces sa Saudi Arabia sa bisa ng mutual defense treaty na nilagdaan ng tatlong bansa.
#matangagilainternational #net25newsandinformation #pakistan #turkiye #saudiarabia #mutualdefensetreaty
youtu.be/1lyF9lGVdpY -
NET25
@NET25TV
Ipinadala ng Estados Unidos ang Helios laser system sa Strait of Hormuz.
#matangagilainternational #net25newsandinformation #us #helios #straitofhormuz #hormuz
youtu.be/vJ5DunXj7AA -
NET25
@NET25TV
Tutok na sa #aspn para sa mga latest na balita ngayong Miyerkules, Oct. 7, 2026:
-VP Sara, sinabing posibleng si Mayor Baste ang tumakbo para sa national election
-Mga opisyal ng Landbank, tumestigo kaugnay ng financial record ni VPSD at Mans Carpio
-Estrada: “standard practice” ang pag-alis ng mga gamit sa Senado
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=78cKOVynpsI
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1809178547093352 -
NET25
@NET25TV
More home choices are now within reach for Pag-IBIG Fund members as Robinsons Land Corporation (RLC) joins the Fund’s growing network of leading developer partners. Through the partnership, qualified members can access participating RLC residential projects through the Pag-IBIG Housing Loan. The partnership also supports President Ferdinand R. Marcos Jr.’s Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (Expanded 4PH) Program by expanding housing options paired with affordable financing.
Read full story: net25.com/news/robinsons-land-joins-pag-ibig-s-affordable… -
NET25
@NET25TV
KAKA-SCROLL MO 'YAN! 🤳🏻
#mainfeed!
Ano nga ba ang Bathroom Scroll Syndrome? Totoo ba na ito ang dahilan ng pagiging matagal ng ilan sa toilet o CR? 😱
Ikaw, madalas ka rin bang nagtatagal sa toilet dahil sa kaka-cellpone mo? 🚽
youtu.be/9otrnNu6VNM -
NET25
@NET25TV
Ayon sa NDRRMC, 106 lugar na sa bansa ang idineklarang state of calamity dahil sa El Niño.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #elniño #stateofcalamity #ndrrmc
youtu.be/2vznhm52OyM -
NET25
@NET25TV
Premature pa?
Muling pagpapatupad ng NCAP ng ilang LGU ay maituturing na premature, ayon kay Atty. Ariel Inton ng Public Lawyers for Commuters Safety and Protection. Ayon kay Inton, nakabinbin pa ang motion for reconsideration na inihain ng ilang petitioner laban sa NCAP.
| Ano Sa Palagay N’yo? #net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/tZ4SADczfak -
NET25
@NET25TV
“Walang bago?” Para kay Benjo Basas, National Chairperson ng Teachers’ Dignity Coalition, walang bagong anunsyo sa mga pahayag ni PBBM sa pagdiriwang ng National Teachers’ Day kahapon.
Hirit pa ni Basas, dapat gawing national ang pagbibigay ng allowance sa mga guro, sa halip na nakadepende lamang sa kakayahan ng mga lokal na pamahalaan.
| Ano Sa Palagay N’yo? #net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/KnhmMuxp1t0 -
NET25
@NET25TV
Pinapayuhan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS ang publiko na magsimula nang magtipid ng tubig bilang paghahanda sa posibleng water interruption na maaaring idulot ng matinding El Niño.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo -
NET25
@NET25TV
HEROES WELCOME FOR TEAM PH 🇵🇭
TINGNAN: Nakabalik na sa bansa ang koponan ng Pilipinas na naglaro sa Asian Games 2026 nitong Lunes, Oktubre 5.
📷: POC Media Pool
#net25newsandinformation #asiangames2026 #philippines #teamphilippines -
NET25
@NET25TV
ATTY. MIKE OPERARIO, NAPASUGOD SA BARANGAY STO. DOMINGO, CAINTA, RIZAL!
Mga hinaing ng ating mga Kabarangay, isinumbong kay Atty. Mike Operario at nakatanggap ng legal advice sa #lovetonipeteverythaaang!
youtu.be/N7PdGAaLdrY -
NET25
@NET25TV
Naglabas ng pahayag ang tanggapan ni Sen. Jinggoy Estrada na nagsasabing naabisuhan si Senate President Pro Tempore Tito Sotto na dadalhin sa bagong tanggapan ng senador ang mga kagamitan, muwebles, at materyales sa opisina. Ayon din sa pahayag, personal na pondo ni Sen. Jinggoy ang ginamit dahil ang budget na ibinigay ng Senado ay hindi sapat upang masakop ang lahat ng mga gastusin.
Iginiit ng kampo ni Estrada na walang nasayang na pera ng bayan dahil gagamitin muli ang mga materyales sa bagong opisina.
Karaniwan umano itong ginagawa sa Senado kapag lumilipat ng opisina ang isang senador.
📷: Sen. Jinggoy Estrada / FB
#net25newsandinformation #senate #jinggoyestrada #senator #office #titosotto -
NET25
@NET25TV
Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte ang mga paratang ni dating Police Corporal Rodulfo Gracioso Jr. na tumanggap umano siya ng mga maleta ng pera mula kay dating House Speaker Lord Allan Velasco.
Inihalintulad ni Duterte ang affidavit ni Gracioso sa naunang affidavit ni Ramil Madriaga, na ayon sa Bise Presidente ay kulang sa mga detalyeng pwedeng kumpirmahin.
#net25newsandinformation #pnp #nbi #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #rodulfogracioso #gravemisconductparehong -
NET25
@NET25TV
ROAD ADVISORY: Biglang tumagas ang tubig sa bahagi ng kalsada sa Gate 2, Marcos Highway, Antipolo City kaninang 10:30 a.m.
📹: Mayor Jun-Andeng Ynares
#net25newsandinformation #antipolo #roadadvisory #publicadvisory -
NET25
@NET25TV
Sa kaniyang press conference ngayong Martes, sinabi ni VP Sara na makatutulong ang pagkuha ng litrato sa mga landmark tuwing bumibiyahe upang magkaroon ng photo evidence ng kinaroroonan.
Aniya, itinuro rin niya ito sa kaniyang ina, asawa, at mga anak bilang paghahanda sakaling kailanganin ang mga larawan bilang ebidensiya sa hinaharap.
#net25newsandinformation #pnp #nbi #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #rodulfogracioso #gravemisconduct -
NET25
@NET25TV
Pinalawig ng Energy Regulatory Commission (ERC) hanggang Disyembre 2026 ang no-electricity disconnection policy para sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh o mas mababa kada buwan.
Ayon sa ERC, saklaw nito ang mga hindi pa nabayarang bill para sa Nobyembre at Disyembre.
Sa ilalim ng polisiya, hindi puputulan ng kuryente ang mga kwalipikadong consumer at maaari nilang bayaran nang hulugan sa loob ng tatlong buwan ang kanilang bill.
#net2newsandinformation #erc #kuryente #disconnectionnotice #electricity -
NET25
@NET25TV
"MOTIVATED BY MONEY SIYA."
Sinabi ni Vice President Sara Duterte na pera ang motibasyon ni Rodulfo Gracioso Jr. para sabihin ang mga alegasyong ibinabato nito laban sa kaniya at hindi dahil sa personal feelings.
"Pera, pera lang 'yan. Transactional 'yan," pahayag ng bise. Dagdag pa ng bise na nakumpirma ng kanyang kampo ang umano’y motibasyon ni Gracioso batay sa mga pahayag nito at sa isang katulad na insidente na kinasangkutan ni Jeffrey Tupas, na naging information officer ng Davao City noong alkalde pa si Duterte. #net25newsandinformation #pnp #nbi #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #rodulfogracioso #gravemisconduct -
NET25
@NET25TV
MAYOR BASTE, TATAKBO BILANG PRESIDENTE?
PANOORIN: Sinabi ni Vice President Sara Duterte na napag-usapan nila ng kaniyang ina ang posibilidad na tumakbo sa national elections ang kaniyang kapatid na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Ayon kay VP Sara, sinabi ng kanilang ina na umuwi na siya sa Davao at si Baste na lamang ang tumakbo sa national elections.
Nilinaw naman ng Bise Presidente na hindi pa nila napag-uusapan ni Baste ang posibilidad na ito.
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #vpsara #presidentialrun #basteduterteThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
"HINDI AKO MAHILIG SA MAMAHALING GAMIT"
Iginiit ni Vice President Sara Duterte na wala siyang pagmamay-ari na Hermès bags o Patek Philippe watches dahil hindi siya mahilig sa mamahaling gamit.
Pinabulaanan ng bise ang mga alegasyon ni dating Police Corporal Rodulfo Gracioso Jr. kaugnay ng umanong lavish lifestyle at paggamit umano ng luxury items.
#net25newsandinformation #pnp #nbi #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #rodulfogracioso #gravemisconduct -
NET25
@NET25TV
Sa pamamagitan ng ALS o Alternative Learning System, muling nabuhay ang kagustuhan ni Joshua De Leon na mag-aral matapos ang limang taong paghinto sa pag-aaral.
Ngayon, isa na siyang 2nd year IT student na patuloy na nagsusumikap para sa kaniyang pangarap.
🎓 Alamin ang kaniyang #kuwentongkabarangay at inspiring journey, pati na rin kung paano siya bumuo ng grupo para suportahan ang kapwa ALS students at makatulong na labanan ang diskriminasyon. 💙
#net25 #net25entertainment #tonipetgaba #loveañover #lte #als #alternativelearningsystem
youtu.be/obBPbbg_x18 -
NET25
@NET25TV
LYCA GAIRANOD, MULING NAGBABALIK SA KADA UMAGA NG NET25! #mainfeed!
Muling nag-viral ang 2015 hit ni Lyca Gairanod, at mismong si Lyca ay nakisabay sa bagong wave ng trend. Kumusta na nga ba ang batang nakilala natin dahil sa kantang “Puede Nang Mangarap?”
Ano ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon, ano ang pakiramdam niya sa muling pag-viral ng kanyang kanta, at ano pa ang mga dapat abangan sa kanyang bagong chapter? ✨
youtu.be/6Qm1kMn_iHE -
NET25
@NET25TV
"TINGIN KO MAY TAMA SA ULO" NEWS UPDATE: Sinabi ni Vice President Sara Duterte na tinanong niya si dating House Speaker Lord Allan Velasco tungkol kay Rodulfo Gracioso Jr., na naglabas ng mga alegasyon laban sa kaniya.
Ayon kay Duterte, sinabi ni Velasco na dating security niya si Gracioso na nangasiwa sa isang party-list sa Samar.
Humingi pa raw ng tulong pinansyal ni Garacioso dahil sa karamdaman nito. Ibinahagi rin ni Duterte ang screenshot ng kanilang pag-uusap matapos niyang ipadala kay Velasco ang affidavit ni Gracioso.
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #rodulfogracioso #allegations #partylist #affidavit #investigation -
NET25
@NET25TV
HINDI SI MADRIAGA ANG BUMILI NG MOTOR
PANOORIN: Ipinakita ni Vice President Sara Duterte ang certification ng kaniyang Yamaha XSR 900 na siya mismo ang bumili.
Mariing pinabulaanan ni VP Sara ang sinasabi ni dating Police Corporal Rodulfo Gracioso Jr. na binili ito ni Ramil Madriaga para sa bise.
#net25newsandinformation #pnp #nbi #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #rodulfogracioso #gravemisconduct -
NET25
@NET25TV
IT WAS NEVER OUR INTENTION TO CAUSE INTIMIDATION
PANOORIN: Humingi ng paumanhin si defense counsel Atty. Mark Vinluan sa impeachment court.
Sinabi ni Vinulan na ang kaniyang pagbasa sa probisyon ng batas kaugnay ng paglabas ng confidential information ay hindi upang manakot kundi ipakita sa korte kung alinsunod ito sa batas at tama ang nilalamang impormasyon.
PANOORIN ANG LIVESTREAM: www.youtube.com/live/V3LR3WVkNXQ
#net25newsandinformation #amlc #impeachmentcourt #senate #impeachment #indaysaraduterteThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Magpapatupad ang Commission on Elections (Comelec) ng apat na araw na pasok kada linggo o four-day workweek simula Nobyembre 2 hanggang Marso 2027.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, bahagi ito ng kanilang hakbang para makatipid sa kuryente. Mas magaan na rin umano ang trabaho ng poll body matapos ipagpaliban sa 2028 ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Gayunman, ipagpapatuloy ng Comelec ang paghahanda para sa voter registration at iba pang halalan.
#net25newsandinformation #comelec #fourdayworkweek #electricity #kuryente -
NET25
@NET25TV
Nilinaw ng kampo ni Vice President Sara Duterte na hindi nila layuning manakot o magbanta sa sinuman ng posibleng paglabag sa bank secrecy laws kaugnay ng mga dokumento ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Ayon kay defense spokesperson Atty. Michael Poa, ipinaliwanag lamang ni defense lawyer Atty. Mark Vinluan ang mga probisyon ng batas habang tinatanong si AMLC Executive Director Ronel Buenaventura.
Sa pagtatanong ni Vinluan, binanggit niya ang posibleng pananagutang administratibo at kriminal sa mga maglalabas o mag-uulat ng confidential information, kabilang ang media.
📷: Senate
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #amlc #banta #banksecrencylaws #amlcrecords #bankrecords #privacylaws -
NET25
@NET25TV
Iginiit ni Atty. Paolo Panelo na puro alegasyon lang ang pahayag ni dating Sen. Antonio Trillanes na hindi naman suportado ng ebidensya at tinawag na bogus ang isang dating pulis na lumutang para akusahan ang Pangalawang Pangulo at pamilya nito na tumanggap ng male-maletang pera.
-
NET25
@NET25TV
Magpapatupad ang G7 ng coordinated release ng 100 milyong barrels ng oil at fuel, kabilang ang malaking diesel release sa unang 20 araw.
#net25newsandinformation #matangagila #g7 #oilreserves #diesel
youtu.be/n2f7O4ygwzo -
NET25
@NET25TV
Inanunsyo ni U.S. President Donald Trump ang bagong “Super Intelligence Force” na mag-uugnay sa federal government efforts para sa AI.
#net25newsandinformation #matangagila #donaldtrump #ai #artificialintelligence
youtu.be/wTbWm_UPrx0 -
NET25
@NET25TV
Umabot na sa 106 lungsod at munisipalidad ang nasa ilalim ng state of calamity dahil sa epekto ng mga kalamidad.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #stateofcalamity #kalamidad
youtu.be/t609RxoPHAU -
NET25
@NET25TV
Tinapos ng ICC at French insurer AXA ang kanilang insurance contract amid concerns sa posibleng epekto ng U.S. sanctions.
#net25newsandinformation #matangagila #icc #axa #ussanctions
youtu.be/rzhPzS7Pjr4 -
NET25
@NET25TV
IT'S WORLD TEACHERS' DAY! SHOUT OUT SA MGA GURO NATIN! ✨ #mainfeed!
Sino ang guro na hindi mo makakalimutan, at ano ang pinaka-classic na linya nila na tumatak sa iyo? I-comment mo na 'yan, at kung matapang ka... i-tag mo na rin! 😂👇🏻
youtu.be/ruT-zqE4wIw -
NET25
@NET25TV
Epektibo na ngayong araw, Oct. 6, 2026, ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.
OIL PRICE MOVEMENT
DIESEL: - P1.30/L
GASOLINE: + P1.93/L
KEROSENE: + P3.30/L
#net25newsandinformation #aspn -
NET25
@NET25TV
Ang mga balitang pag-uusapan sa #aspn ngayong Martes, Oct. 6, 2026:
-AMLC: VP Sara at kanyang asawa, may P4.4B covered at suspicious bank transaction
-PBBM, nangako ng mas magandang benepisyo at oportunidad para sa mga guro
-VP Sara, umaasang kakasuhan ng NBI si Gracioso ng perjury
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=ZBk8OKXpkw4
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1852743439205860 -
NET25
@NET25TV
“NCAP O NASA CAMERA ANG PERA?”
Ganyan inilarawan ni Laban TNVS President Jun De Leon ang planong muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) ng ilang LGU sa Metro Manila.
Ayon kay De Leon, dapat munang ayusin ng mga lokal na pamahalaan ang mga road signage at kalidad ng mga kalsada bago muling ipatupad ang NCAP.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/68rQTwCchXg -
NET25
@NET25TV
Impeachment trial ni VP Sara, hinimay sa #aspn
youtu.be/54tdf_7HJPQ -
NET25
@NET25TV
Bibitawan na rin umano ng prosekusyon ang Article 3 o bribery sa impeachment case laban kay VP Sara Duterte. Para kay political analyst Malou Tiquia, tila hindi umano napag-aralan nang mabuti ng prosekusyon ang mga ebidensyang hawak nito na maaaring makaapekto sa takbo ng paglilitis.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/lUu_-bkLiLU -
NET25
@NET25TV
Agad pinuntahan ng NET25 News team ang tanggapan ni Bustos Mayor Francis Albert Juan matapos kumalat sa social media ang umano’y hindi makitang Bustos Sports Complex. Itinanggi ng alkalde ang pahayag at ipinakita kung saan matatagpuan ang proyekto.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/OXlLju13Kz8 -
NET25
@NET25TV
Mas matinding El Niño ang inaasahang mararanasan ng bansa mula Oktubre hanggang unang bahagi ng 2027, na maaaring makaapekto sa pagkain, tubig, agrikultura, kalusugan at kabuhayan.
Bilyun-bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan para sa paghahanda at pagtugon sa epekto nito.
Ang tanong: sapat ba ang paghahanda ng gobyerno—at paano masisiguro na bawat pisong inilaan ay tunay na mapapakinabangan ng mga Pilipino?
📺 Panoorin ang buong detalye sa DATOS — dito lang sa NET25 Online.
#net25newsandinformation #datos #wengdelafuente #elninoph #elnino2026 #climatechangeph #agricultureph #watercrisis #disasterpreparednessThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Sinimulan ng pamahalaan ng Yemen ang opensiba laban sa mga teritoryong hawak ng grupong Houthi.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #yemen #houthi #yemenconflict #worldnews
youtu.be/nOIb1nuQzqA -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagtatapos ng southwest monsoon o Habagat season ngayong Lunes, Oktubre 5.
Kasunod ito ng patuloy na paghina ng hanging dulot ng Habagat at pagtatapos ng tag-ulan sa mga kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
#net25newsandinformation #pagasa #habagat #southwestmonsoon #weatherforecast #weatherupdate -
NET25
@NET25TV
Hinarang at hinarass umano ng Chinese military at coast guard ang mga operasyon ng Pilipinas sa dalawang bahagi ng West Philippine Sea nitong weekend, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).
Ilang beses umanong lumapit ang isang Chinese J-16 fighter sa paligid ng isang Philippine C-208 aircraft na nagsasagawa ng routine maritime patrol malapit sa Bajo de Masinloc noong Sabado, Oktubre 3. Ligtas namang natapos ng Philippine aircraft ang misyon nito.
Samantala, sinabi ng PCG na hinarangan at sinundan ng dalawang China Coast Guard vessel ang Philippine boat na nagsasagawa ng operasyon laban sa isang foreign fishing vessel na pinaghihinalaang sangkot sa dynamite fishing malapit sa Pag-asa Island.
Apat na beses din umanong umikot sa himpapawid ang isang Chinese navy helicopter. Ngunit itinigil din ng Philippine team ang pagtugis at bumalik sa Pag-asa Island.
📷: AFP
#net25newsandinformation #china #philippinecoastguard #westphilippinesea #philippinecoastguard #armedforcesofthephilippines -
NET25
@NET25TV
BANGKAY NG LALAKI, NADISKUBRE SA SUV
TINGNAN: Natagpuan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa driver's seat ng isang nakaparadang itim na SUV sa bahagi ng KM 3, Bakakeng Central, Marcos Highway, Baguio City ngayong Lunes ng umaga, Oktubre 5.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, may tama umano ng bala sa katawan ng biktima at bakas ng dugo sa ulo.
Narekober din ang isang 9mm Armscor pistol na nakapatong sa tiyan ng biktima na isinailalim sa dokumentasyon bilang posibleng ebidensya.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima. | via Freddie Rulloda
📷: Noveh Organo
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #murder #death -
NET25
@NET25TV
Sinusuri ng Australian counterterrorism authorities ang ugnayan sa Australia ng co-pilot ng Flydubai flight FZ1073 na umanong umatake sa pilot at nagtangkang agawin ang kontrol sa eroplano habang patungo ito sa Israel mula Dubai.
Ayon sa Australian Federal Police, sinusuri ng Victorian Joint Counter Terrorism Team ang background ng co-pilot, kabilang ang ulat na nag-aral siya sa isang unibersidad sa Melbourne.
Ang co-pilot, na kinilalang Omani national na si Hammam al-Hammami, ay nasa kustodiya ngayon ng United Arab Emirates.
Nauna nang sinabi ng UAE prosecutor general na gumamit umano ng emergency crash axe ang co-pilot laban sa captain. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at motibo nito.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #worldnews #crimenews #crime #airplane #hijacking #flightincident #accident -
NET25
@NET25TV
Arestado ang isang pasahero matapos umanong magbiro tungkol sa bomba habang nasa isang pampasaherong eroplano sa Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban, Leyte nitong Huwebes.
Nagdulot ng takot sa mga pasahero ang kaniyang sinabi kaya pinababa ang lahat ng sakay at sinuri ang kanilang mga hand-carry bag.
Matapos ang security check, idineklarang ligtas ang paliparan at walang nakitang bomba o delikadong bagay. Dinala naman sa kustodiya ng Tacloban Airport ang pasahero.
📷: PNP AVSEGROUP
#net25newsandinformation #bombjoke #leyte #tacloban #airport #airportnews #inspection #safety -
NET25
@NET25TV
Arestado ang isang pasahero matapos umanong magbiro tungkol sa bomba habang nasa isang pampasaherong eroplano sa Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban, Leyte nitong Huwebes.
Nagdulot ng takot sa mga pasahero ang kaniyang sinabi kaya pinababa ang lahat ng sakay at sinuri ang kanilang mga hand-carry bag.
Matapos ang security check, idineklarang ligtas ang paliparan at walang nakitang bomba o delikadong bagay. Dinala naman sa kustodiya ng Tacloban Airport ang pasahero.
📷: PNP AVSEGROUP
#net25newsandinformation #bombjoke #leyte #tacloban #airport #airportnews #inspection #safety -
NET25
@NET25TV
Iginiit ng Iran na hindi bubuksan ang Strait of Hormuz hangga’t hindi natutupad ang pitong kondisyong nakapaloob sa pansamantalang kasunduan nito sa Estados Unidos noong Hunyo.
Ayon kay Iranian Parliament Speaker Mohammad Baqer Qalibaf, maaaring maibalik sa normal ang maritime passage sa loob ng pitong araw kung matutupad ang mga kondisyon.
Patuloy naman ang Qatar-mediated talks sa pagitan ng Tehran at Washington, habang sinabi ng Iranian Foreign Ministry na nakatuon muna ang kanilang panig sa seguridad sa Strait of Hormuz at hindi sa nuclear negotiations.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #worldnews #warnews #donaldtrump #trump #usa #iran #tehran #explosion -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Natagpuan ang bangkay ng nawawalang pasahero ng jeep na tinangay ng malakas na agos sa Paninsingin Spillway, Barangay Colongan, Rosario, Batangas.
Bandang 8:57 ng umaga nitong Linggo, Oktubre 4, namatahan ng drone ng Coast Guard District Southern Tagalog ang bangkay sa ilog, tatlong kilometro mula sa pinangyarihan ng insidente. Agad itong narekober ng mga awtoridad.
Nahanap na rin ng pulisya ang bangkay ng kasama ng biktima ngayong Lunes ng umaga, Oktubre 5. Nakaligtas naman ang 11 katao sa 13 na sakay ng jeepney. | via Emmar Dela Vega
📷: Councilor Joey Galicha/Batangas Coast Guard
#net25newsandinformation #batangas #drown #accident #death -
NET25
@NET25TV
Umapela si defense counsel Atty. Mark Vinluan sa pagharap ni AMLC Executive Director Ronel Buenaventura sa impeachment trial, dahil umano sa paglabag sa confidentiality clause ng Anti-Money Laundering Act (AMLA).
Ayon kay Atty. Vinluan, dapat dumaan sa tamang beripikasyon ang mga datos alinsunod sa batas at hindi basta isapubliko dahil maaari umanong gamitin ito sa pamumulitika.
Nagbabala rin siya na maaaring maging precedent ito sa pagsisiwalat ng confidential documents ng ibang opisyal ng pamahalaan.
TUTUKAN ANG LIVESTREAM: www.youtube.com/live/y2PNoI4_PtU
#net25newsandinformation #senate #impeachmentcourt #senateimpeachmentcourt #indaysaraduterte #fakenews #courttimeline #investigationThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang Department of Agriculture (DA) dahil sa mabagal na pamamahagi ng tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng Bagyong “Kristine” noong nakaraang taon.
Ayon sa COA, nasa ₱179 milyon na Quick Response Fund (QRF) ang inilaan sa DA Bicol para sa mga kagamitang pang-agrikultura, ngunit karamihan sa mga ito ay hindi pa naipamahagi sa mga benepisyaryo.
Ipinaliwanag ng DA Bicol na isinabay ang pamamahagi sa panahon ng pagtatanim. Gayunman, iginiit ng COA na ang naturang pondo ay dapat agad gamitin para sa pagtulong at pagbangon ng mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.
📷: PCG Bicol
#net25newsandinformation #da #dabicol #quickresponsefund #agriculture #kalamidad #calamityfunds #bagyongkristine -
NET25
@NET25TV
Hindi na isasama ng House prosecution panel ang bribery charge laban kay Vice President Sara Duterte upang mapabilis daw ang impeachment trial.
Sinabi ng prosecution na napagdesisyunan nilang alisin ang Article 3, na tumutukoy sa umano’y panunuhol ng bise presidente sa mga opisyal ng Department of Education (DepEd) upang malampasan ang mga patakaran sa procurement noong siya pa ang kalihim ng ahensya.
Naniniwala ang prosecution na sapat na umano ang mga ebidensyang naiharap sa natitirang tatlong articles of impeachment.
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #impeachmentcourt #bribery #senate #investigation -
NET25
@NET25TV
"WALANG TINATAGO ANG BISE PRESIDENTE."
Iginiit ng defense lawyer na si Atty. Mark Vinluan na walang itinatago si Vice President Sara Duterte habang tinututulan ng depensa na mag-testimonya si Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Ronel Buenaventura sa impeachment trial.
Ayon kay Vinluan, dapat dumaan sa tamang proseso ng beripikasyon ang mga datos alinsunod sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) at hindi dapat basta isapubliko ang confidential information.
Aniya, maaaring maging delikado ang naturang hakbang dahil pwede itong maging precedent sa pagsisiwalat ng confidential documents ng iba pang opisyal ng gobyerno.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/y2PNoI4_PtU
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Pinaalalahanan ni presiding officer Sen. Francis Escudero ang lahat na manatiling nakatuon sa kanilang tungkulin at huwag magpadala sa anumang pagtatalo o galit habang nagpapatuloy ang paglilitis sa kaso ni Vice President Sara Duterte.
“Hindi tayo puwedeng mawalan ng loob sa ating ginagampanang tungkulin, hindi tayo puwedeng pumatol at dapat ipawalang bahala na lamang anumang pag-aalburoto, anumang pagsasalita, anumang tanim na galit na nilalabas ninoman sa husgado at sa hukumang ito. We will be focused on our job at hand," saad ni Escudero.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/y2PNoI4_PtU
#net25newsandinformation #senate #impeachmentcourt #senateimpeachmentcourt #indaysaraduterte #fakenews #courttimeline #investigationThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Sa urban planning, binigyang-diin ang pangangailangan ng mga pinunong may paninindigan upang matiyak ang pagpapatupad ng mga batas at plano.
#net25newsandinformation #resbak #urbanplanning #cityplanning
youtu.be/9auShcsEfAs -
NET25
@NET25TV
Iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian na hindi magandang tingnan na ang isang taong personal na dumalo sa impeachment trial ay maaaktuhang inaantok o natutulog.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #impeachment #impeachmentcourt
youtu.be/yn197dK_iWw -
NET25
@NET25TV
Posibleng magbalik sa Senate majority si Senator Loren Legarda pagbalik niya sa bansa mula sa kaniyang medical leave.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #legarda youtu.be/31nrM82WqEY -
NET25
@NET25TV
KAPAG BUSINESS NA ANG NAKATAYA, KAILAN DAPAT KUMILOS? 🤨
#mainfeed!
Kung business owner ka, ano ang dapat mong malaman tungkol sa legal actions, possible complaints, at mga hakbang para maprotektahan ang business mo? 🤔⚖️
youtu.be/yWijpGzyTdc -
NET25
@NET25TV
IPO-IPO SA ZAMBOANGA CITY
PANOORIN: Nasira ng isang ipo-ipo ang ilang bahay sa baybayin ng Brgy. Arena Blanco, Zamboanga City nitong weekend. | via Ely Dumaboc
📹: Jomar Appal Sahi
#net25newsandinformation #zamboangacity #ipoipo #house #damagesThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang isang 48-anyos na mining manager matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Bacolod, Carrascal, Surigao del Sur noong Linggo, Oktubre 4.
Ayon sa pulisya, pinagbabaril ang harapang bahagi ng kaniyang puting pick-up truck habang bumibiyahe sa national highway pasado alas-6 ng umaga.
Patuloy ang imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang mga salarin at malaman kung may kaugnayan sa pamamaslang ang mga reklamong inihain umano laban sa biktima kaugnay ng operasyon ng kumpanya. | via Ely Dumaboc
#net25newsandinformation #policenews #surigaodelsur #investigation #crime #ambush -
NET25
@NET25TV
WALANG PASOK: Suspendido ang klase sa ilang paaralan sa bansa ngayong Lunes, Oktubre 5, bilang paggunita ng World Teachers’ Day at sa mataas na heat index.
#net25newsandinformation #walangpasok #classsuspension #worldteachersday #worldteachersmonth #heatindex #taginit -
NET25
@NET25TV
SALAMAT SA LABAN, TEAM PH 🇵🇭🥇
TINGNAN: Pinangunahan ni taekwondo medalist Jeus Gabriel Derick Yape ang koponan ng Pilipinas sa closing ceremony ng Asian Games 2026.
Sa kabuuan, nakakuha ang bansa ng 29 na medalya: 4 na gold, 8 silver, 16 bronze mula sa 38 sport events.
📷: POC Media Pool
#net25newsandinformation #sports #teamphilippines #asiangames2026 -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Nakuha ni Andrea Lois Lai ang bronze medal sa -63 kg Jiu-Jitsui event ng Asian Games 2026.
Nakalaban niya ang Mongolian bet na si Narankhishing Baasanjargal sa isang intense na laro na natapos sa score na 0-2.
📷: POC Media Pool
#net25newsandinformation #sports #jiujitzu #asiangames2026 #teamphilippines -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Nakamit ni Alexandria Luz Enriquez ang silver medal finish sa Women’s -63 kg division ng jiu-jitzu event sa Asian Games 2026.
Nakaharap niya si Orapa Senatham ng Thailand sa isang matinding laban noong Sabado, Oktubre 3.
📷: POC Media Pool
#net25newsandinformation #sports #teamphilippines #asiangames2026 -
NET25
@NET25TV
BASAHIN: Pinabulaanan ng Malacañang ang kumakalat na pekeng anunsiyo na walang pasok ngayong Lunes, Oktubre 5 dahil sa World Teacher’s Day.
📷: PCO
#net25newsandinformation #walangpasok #worldteachersday #fakenews #classsuspension -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Asahan ang maulap na may kalat-kalat na pag-ulan ngayong Lunes, Oktubre 5 sa Mindanao, Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, Leyte, at Southern Leyte dulot ng trough ng Bagyong Choi-Wan.
Maaliwalas naman ang panahon na may posibilidad ng panaka-nakang ulan sa Metro Manila at natitirang lugar sa bansa dahil sa localized thunderstorms
#net25newsandinformation #weatherupdate #ulan #bagyo #weatherupdate -
NET25
@NET25TV
Narito na ang #aspn – Ating Sinundang Pangunahing News ngayong Lunes, Oct. 5, 2026:
- Lacson, ibinunyag na inamin ni Sen. Legarda na nagkamali siyang sumama sa grupo ni Cayetano
- Hatol sa impeachment trial, target ilabas sa huling bahagi ng Nobyembre
- DepEd, tinututukan ang imbestigasyon ng pagkakuryente ng 4 na estudyante sa Isabela
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=Zq3xKmyH9-k
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/2163520357935562 -
NET25
@NET25TV
Love Tonipet & Everythaaang! | UCM Adventure Park, A Perfect Spot For Weekend Gala! | Highlights
youtu.be/J6OFw407PeU -
NET25
@NET25TV
Ipinaliwanag ni Atty. Harold Respicio kung magkano ang nakokolektang buwis ng pamahalaan at magkano ang naibabahagi sa mga LGU.
#net25newsandinformation #resbak #buwis #lgu #haroldrespicio
youtu.be/hMxhUpls66E -
NET25
@NET25TV
I-level-up natin ang creamy corn and mushroom recipe gamit ang Dodram Luncheon Meat kasama si Jennifer Coronan! 🍄 Dating BPO employee, ngayon ay full-time na sa kanilang bilao pa-order business na may specialty na puto, Shanghai at pancit canton. 👩🍳 Kaya tara, try na ang creamy corn and mushroom recipe na may Dodram Luncheon Meat twist! 😋
#net25 #net25entertainment #lte #tonipetgaba #loveanover #dodramluncheonmeat #creamycornandmushroom
youtu.be/MbhnkIoTFR0 -
NET25
@NET25TV
Nakabantay ang Office of Civil Defense sa tatlong rehiyon sa Luzon at Mindanao dahil sa banta ng ‘very strong’ El Niño sa mga apektadong lugar.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #ocd #elniño #verystrongelniño #disasterpreparedness
youtu.be/FAbXOtjeUaU -
NET25
@NET25TV
Pinalawak ng DOLE ang TUPAD program, na mula sa short-term emergency work ay maaari nang magbigay ng oportunidad para sa mas pangmatagalang trabaho sa mga nawalan ng hanapbuhay o pagkakakitaan.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #dole #tupad #jobs #employment -
NET25
@NET25TV
MGA ILEGAL NA SIGARILYO, NASABAT SA CHECKPPOINT
TINGNAN: Nasamsam sa isang checkpoint sa Barangay Poblacion, Libertad, Misamis Oriental ang 1,045 reams ng hinihinalang puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱836,000 nitong Miyerkules, Setyembre 30.
Pinigil sa checkpoint ang isang puting SUV na minamaneho ng 34-anyos na lalaki, kasama ang pasahero nito. Nakatago umano sa sasakyan ang mga sigarilyong ihahatid mula Marawi City patungong Laguindingan at Cagayan de Oro City.
Dinala ang dalawang suspek sa pulisya para sa dokumentasyon at profiling, habang ituturn-over sa Bureau of Customs ang mga nakumpiskang sigarilyo para sa kaukulang disposisyon. | via Laura Pobadora
📷: RPIO, PRO10
#net25newsandinformation #crimenews #crime #smuggling #illegalactivities #cigarette -
NET25
@NET25TV
Hindi sumang-ayon ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pahayag ng Chinese Embassy na may sovereign rights at jurisdiction umano ang China sa karagatan ng Batanes.
Nagsagawa ng lawful at routine law enforcement operations ang Philippine Coast Guard (PCG) nang matukoy ang Chinese research vessel na JIA HAI KE 7, na nasa humigit-kumulang 37 nautical miles northwest ng Itbayat, Batanes at nasa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ).
Ayon sa DFA, wala umanong pahintulot ang China sa isinasagawang marine scientific research, na kinakailangan sa ilalim ng UNCLOS. Samantala, iginiit ng Chinese Embassy na may karapatan ang China sa naturang karagatan dahil sa overlapping maritime claims ng dalawang bansa.
Sinabi ng DFA na patuloy nitong ipagtatanggol ang sovereign rights at jurisdiction ng Pilipinas sa EEZ alinsunod sa international law.
📷: Philippine Coast Guard
#net25newsandinformation #unclos #dfa #china #philippinecoastguard #westphilippinesea #batanes -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang 22 katao matapos tamaan ng Pakistani airstrikes ang mga gusali sa Afghanistan.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #pakistan #afghanistan #airstrikes #worldnews
youtu.be/yPUT4q6n4IU -
NET25
@NET25TV
MABUHAY KA, PAALAM! 🥈🥊
TINGNAN: Nasungkit ni Filipino boxer Carlo Paalam ang silver medal sa men’s 55kg final ng Nagoya 2026 matapos matalo kay Japanese bet Rui Yamaguchi sa 2-3 split decision.
Sa third round, nakuha ni Paalam sa limang judges’ scorecards ang 10-9, ngunit hindi ito naging sapat para baliktarin ang naging resulta ng laban.
Sa kabila ng pagkatalo, sinabi ni Paalam na magpapahinga muna siya bago muling magbalik sa training, habang hindi niya isinasarado ang posibilidad na sumabak pa sa 2028 Los Angeles Olympics.
📷: Philippine Olympic Committee/Facebook
#net25newsandinformation #carlopaalam #philippineboxing #teampilipinas #nagoya #japan -
NET25
@NET25TV
SY FAMILY WEALTH FALLS BY $1 BILLION IN SEPTEMBER
Five Sy siblings saw their combined wealth drop 13.2% to $6.6 billion in September amid a selloff in the family’s major listed companies. Elizabeth Sy also dropped off Forbes’ real-time billionaire tracker, while Manuel Villar moved ahead of Henry “Big Boy” Sy Jr. in the rankings.
Overall, the combined fortune of 12 Filipino billionaires fell by $1.7 billion to $39.9 billion, according to Forbes’ real-time estimates.
#net25openforbusiness #openforbusiness #net25 #businessnews #forbes #billionaires #syfamily #stockmarket
SUBSCRIBE to OPEN FOR BUSINESS YouTube Channel: www.youtube.com/@NET25OpenForBusiness
FOLLOW our social media accounts:
Facebook: www.facebook.com/NET25OpenForBusiness -
NET25
@NET25TV
Tinalakay ni Atty. Harold Respicio ang usapin ng Imperial Manila at ang pagkakaiba ng economic activities sa Metro Manila at mga probinsya.
#net25newsandinformation #resbak #imperialmanila #haroldrespicio
youtu.be/efe0Rk5r_4M -
NET25
@NET25TV
Mapapanood na ang Legally Funny kasama si Atty. Ed Chico tuwing Biyernes ng gabi sa NET25. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/-NKg5i1x1P4 -
NET25
@NET25TV
Philippine Reclamation Authority, pinagpapaliwanag ang 10 LGU sa umano’y unauthorized reclamation sa halos 580 ektarya ng Laguna de Bay
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/4KB3C-A8vMc -
NET25
@NET25TV
Natagpuan ang mga bangkay ng isang lalaki at isang babae sa magkahiwalay na bahagi ng Tarlac River sa Tarlac City nitong Miyerkules, Setyembre 30.
Kinilala ang lalaki na isang 86-anyos na residente ng Barangay San Vicente na iniulat na nawawala ng kaniyang pamilya noong Setyembre 23.
Ayon sa Tarlac City Police, posible umanong tumawid sa ilog ang biktima upang pumunta sa kabilang barangay. Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Samantala, natagpuan din ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang babae sa Barangay Salapungan. Pinaniniwalaang nalunod ang babae, ngunit patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
📷: Tarlac City Police
#net25newsandinformation #tarlac #drown #accident #death #children -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang isang tricycle driver habang dalawa pa ang sugatan sa karambola ng isang kotse at dalawang tricycle sa Barangay Guibel, San Jacinto, Pangasinan nitong Martes ng hapon, Setyembre 29.
Batay sa CCTV footage, aksidenteng nabangga ng kotse ang isang paparating na tricycle na nawalan ng kontrol at napunta sa kabilang kalsada. Nabundol nito ang kasalubong na tricycle bago bumaliktad. Nasawi ang tricycle driver, habang sugatan ang isang pasahero at driver ng isa pang tricycle.
Ayon sa pulisya, nais umano ng pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban sa driver ng kotse, na sinusubukan pang makuhanan ng pahayag.
📷: Barangay Guibel Council
#net25newsandinformation #policenews #roadcrash #roadaccident #accident #death -
NET25
@NET25TV
“Kaya may lie detector test, kasi walang ebidensya.” Ito ang naging reaksyon ni Atty. Paolo Panelo sa lumabas na larawan ni dating police officer Rodulfo Gracioso habang sumasailalim sa lie detector test sa NBI. | Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/Z9tqUr0s9W4 -
NET25
@NET25TV
Ma-inspire sa #kuwentongkabarangay ni Nanay Grace Quinez, na may maliit na sari-sari store sa kanilang bahay para makatulong sa mga gastusin ng pamilya.
Kahit hindi kalakihan ang kita ng kanyang asawa bilang machine operator sa La Union, sama-sama nilang pinagdaanan ang mga pagsubok at napagtapos ang kanilang panganay, habang pinag-aaral pa rin ang dalawa nilang anak. ✨
#net25 #net25entertainment #lte #tonipetgaba #loveanover #kuwentongkabarangay #inspiringstories
youtu.be/pRB4LlIKVCA -
NET25
@NET25TV
Pinagbigyan ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero ang hiling ng depensa na magkaroon ng dagdag na oras para makapaghanda sa direct at cross-examination ng testigo mula sa AMLC. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/P2uD9V4_TVg -
NET25
@NET25TV
Nagkamit ng bronze medal si Pinay tennis ace Alex Eala sa kaniyang kampanya sa 2026 Asian Games.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/drbGk5Psy50 -
NET25
@NET25TV
NO GYM? NO PROBLEM! JUST GRAB A CHAIR! 😂🪑
#girlcode!
Ito na ang work out na para sa lahat! 💪🏻
Ikaw, would you like to try this easy chair work out? 😁
Comment na and let us know your thoughts about it! 👇🏻
youtu.be/q3nHRW2eLDw -
NET25
@NET25TV
Ramdam na ng mga residente at bangkero sa Coron, Palawan ang pagbaba ng bilang ng mga turista tatlong linggo matapos ang trahedya sa nasunog na MV June Aster. Dagdag pasanin din umano ang mataas na pamasahe sa eroplano.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #coron #palawan #turismo
youtu.be/8MFfQdTtCkU -
NET25
@NET25TV
Nagbabala ang Russia na maaari itong gumamit ng nuclear weapons kung susubukan ng NATO na ihiwalay ang heavily militarized Russian exclave ng Kaliningrad.
#matangagilainternational #russia #nato #kaliningrad #nuclearweapons
youtu.be/c4WF9s5sJ98 -
NET25
@NET25TV
Tumanggap ng iba’t ibang parangal ang NET25 at mga personalidad ng Radyo Agila DZEC sa 4th Philippine Finest Business Awards and Outstanding Achievers 2026. Kabilang sa kinilala sina Earlo Bringas, Alvin Diesel, Rowena Madduma at Annabelle Surara.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #net25 #radyoagila #philippinefinestbusinessawards
youtu.be/2rkHnJ0nxYU -
NET25
@NET25TV
Mixed oil price movement, inaasahan sa susunod na linggo batay sa presyo ng langis sa world market nitog Sept. 28-30, 2026:
DIESEL: - P 1.55/L
GASOLINEL: + P0.29/L
KEROSENE: + P0.33/L
#net25newsandinformation #aspn -
NET25
@NET25TV
Narito na ang mga maiinit na balitang pag-uusapan sa #aspn ngayong Biyernes, Oct. 2, 2026:
-SC, ibinasura ang petisyon laban sa pagtatalaga kay Gatchalian bilang acting Senate President
-Trillanes, hindi na sumalang bilang testigo ng prosekusyon sa impeachment trial
-Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, inaasahan sa susunod na linggo
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=qUK4kw5w5LY
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1784297932816268 -
NET25
@NET25TV
Napabilang ang Filipina tennis superstar na si Alex Eala sa Innovators category ng TIME100 Next 2026.
Si Eala ang nag-iisang tennis player sa listahan at napili sa Innovators category.
Si tennis legend Rafael Nadal ang sumulat ng artikulo tungkol kay Eala at pinuri ang kanyang husay, maturity at pagiging mapagkumbaba.
Kasalukuyang nasa World No. 18 si Eala at mayroon nang WTA title matapos magwagi sa DC Open 2026.
📷: POC Media Pool
#net25newsandinformation #alexeala #time100next #sports #tennis #innovatorscategory #teamphilippines -
NET25
@NET25TV
Pag-IBIG Fund and Megawide marked the first topping-off milestone under their partnership on Oct. 1, further advancing President Ferdinand R. Marcos Jr.’s Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program as two residential buildings at JAB Residences in Dasmariñas City, Cavite completed their main structural works toward the development of nearly 4,000 housing units for Filipino workers and their families.
net25.com/news/pag-ibig-fund-megawide-mark-first-topping-… -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Hindi na ihaharap ng prosecution panel si dating senador Antonio Trillanes IV sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/watch?v=rFpE1aFUq0k
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
Umabot na sa ₱19.61 trilyon ang kabuuang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng Agosto, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr). Mas mataas ito ng ₱217.62 bilyon o 1.12% kumpara sa ₱19.39 trilyon noong Hulyo.
Ayon sa BTr, pinakamalaking bahagi ng naturang utang ay ang domestic debt o utang sa loob ng bansa na umabot sa ₱13.24 trilyon. Samantala, umabot naman sa ₱6.37 trilyon ang external debt o utang mula sa ibang bansa.
Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng external debt ang paghina ng piso kontra dolyar.
#net25newsandinformation #btr #foreigndebt #philippines #economy #peso #dollar #exchangerate -
NET25
@NET25TV
Nanguna ang Kuala Lumpur, Malaysia sa listahan ng mga pangunahing lungsod sa mundo na may pinakamalalang polusyon nitong Miyerkules, Setymbre 30. Pumangatlo naman ang Singapore dahil sa makapal na haze na nagmumula umano sa mga wildfire sa Indonesia.
Batay sa Swiss air quality monitor na IQAir, umabot sa 166 ang Air Quality Index (AQI) sa Kuala Lumpur at 155 naman sa Singapore. Itinuturing na unhealthy ang AQI na lampas 150, habang hazardous naman ang higit 300.
Mahigit isang buwan nang nababalot ng haze ang dalawang lungsod matapos tangayin ng hangin ang usok mula sa mga sunog sa Borneo at Sumatra.
Ayon sa ulat, pinalala ng tuyo at mainit na kondisyon ng El Niño ang mga sunog sa Indonesia, na iniuugnay rin sa land clearing.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #kualalumpur #malaysia #airqualityindex #veryunhealth #airquality #healthconcerns #facemask -
NET25
@NET25TV
Muling ipatutupad ang NCAP sa ilang kalsada sa Metro Manila simula sa Lunes, Oktubre 5, ayon sa mga lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga lungsod na magpapatupad nito ang Manila, Quezon City, Valenzuela, Parañaque at Muntinlupa.
Matatandaang noong Hulyo 9, ibinasura ng Korte Suprema ang pinagsamang mga petisyon laban sa pagpapatupad ng NCAP sa limang naturang LGU.
Maaaring tingnan ng mga motorista ang kanilang mga traffic violation sa online portals ng kani-kanilang LGU o sa eGovPH Super App.
📷: PNA
#net25newsandinformation #ncap #metromanila #lgus #supremecourt #motorists #trafficviolations -
NET25
@NET25TV
Ibababa sa 44 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila simula Oktubre bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño, ayon sa National Water Resources Board (NWRB).
Mula ito sa karaniwang 50 hanggang 53 cubic meters per second na inilalaan sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Ayon sa NWRB, maaaring maging limitado ang mga pinagkukuhanan ng tubig kapag tumindi ang El Niño, kaya hinihikayat ang MWSS na gamitin ang mga alternatibong source gaya ng mga water treatment facility sa Laguna Lake, Cavite, at Parañaque.
Samantala, patuloy na mino-monitor ng NWRB ang lebel ng tubig at kondisyon ng supply, habang hinihikayat ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig.
📷: PNA
#net25newsandinformation #metromanila #elnino #watercrisis #watershortage -
NET25
@NET25TV
Simula ngayong Oktubre ay mababawasan ang water allocation sa Metro Manila bilang paghahanda sa inaasahang impact ng El Niño.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #elniño #watersupply
youtu.be/By0h7lO0kCM -
NET25
@NET25TV
WORDS VS ACTIONS #maypoint! Para sa 'yo, alin ang mas convincing... WORDS or ACTIONS? 🤔 Comment na, and let the debate begin! 👇
youtu.be/rjPskzPP7uA -
NET25
@NET25TV
Ayon sa ulat ng Climate Change Commission, posibleng umabot sa 45 hanggang 50 degrees Celsius ang heat index dahil sa super El Niño.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #elniño #heatindex
youtu.be/bsT6a3EqA1E -
NET25
@NET25TV
Patuloy ang pag-abante ni Pinay tennis ace Alex Eala sa women's singles ng 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #alexeala
youtu.be/FzGUvlw5Y4g -
NET25
@NET25TV
Inakusahan ni Sen. Alan Peter Cayetano si Sen. Panfilo Lacson na umaakto bilang "all-around authority" sa mga imbestigasyon sa flood control anomaly.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #alancayetano #pinglacson #floodcontrolproject
youtu.be/wb3ZgHmb5t4 -
NET25
@NET25TV
Iginiit ni U.S. President Donald Trump na mas malakas pa rin ang nuclear capacity ng Estados Unidos kumpara sa North Korea.
#net25newsandinformation #matangagilainternational #donaldtrump #northkorea #nuclearweapons
youtu.be/CRMZnhL4boo -
NET25
@NET25TV
I AM NOT A HERO
PANOORIN: Tumangging akuin ni Asaf Rajuan, isa sa mga pasahero ng Flydubai Flight FZ1073, ang tawagin siyang “hero” matapos nilang mapigilan ang tangkang pag-hijack sa eroplano nitong Setyembre 30.
“It’s me and all four people that we’ve been in the cabin of the cockpit, and we did it together,” saad ni Asaf.
📷: RT News
#net25newsandinformation #airplane #hijacking #flightincident -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Sitwasyon sa Tabuk Airport, Saudi Arabia nitong Miyerkules, Setyembre 30, kasunod ng tangkang pag-hijack sa isang Flydubai flight.
Ayon sa mga opisyal ng Israel, nasa 174 katao ang sakay ng Flydubai Flight FZ1073.
Wala namang nasawi sa insidente, ngunit lubhang nasaktan ang piloto nang umano’y saksakin ng co-pilot. Ilang pasahero at crew naman ang nagtamo ng minor injuries matapos pigilan ang pag-atake at dahil sa biglang pag-dive ng eroplano.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #airplane #hijacking #flightincident -
NET25
@NET25TV
Naitala ang “very unhealthy” o hindi ligtas na kalidad ng hangin sa ilang lugar sa Metro Manila nitong Miyerkules ng umaga, ayon sa EMB-NCR.
Pinakamataas ang Air Quality Index (AQI) sa Las Piñas na nasa 184, sinundan ng Parañaque na 177. Nasa “very unhealthy” din ang lebel sa ilang bahagi ng Muntinlupa, Caloocan at Taguig.
#net25newsandinformation #unhealthyair #emb #metromanila #laspinas #paranaque -
NET25
@NET25TV
Napigilan ng mga pasahero at crew ang co-pilot ng Flydubai Flight FZ1073 matapos umano nitong tangkaing pabagsakin ang eroplano habang nasa himpapawid patungong Israel nitong Miyerkules, Setyembre 30.
Ayon sa mga opisyal ng Israel, sinaksak umano ng co-pilot ang pilot, dahilan para biglang bumaba ang eroplano nang halos 14,000 ft. sa loob ng wala pang 30 segundo.
Ligtas namang nailapag ang eroplano sa Tabuk, Saudi Arabia. Matapos ang karagdagang pagsusuri sa mga pasahero, isinakay sila sa kapalit na eroplano patungong Tel Aviv.
#net25newsandinformation #airplane #hijacking #flightincident -
NET25
@NET25TV
Umabot na sa ₱19.61 trilyon ang kabuuang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng Agosto, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr). Mas mataas ito ng ₱217.62 bilyon o 1.12% kumpara sa ₱19.39 trilyon noong Hulyo.
Ayon sa BTr, isa sa mga dahilan ng pagtaas ng foreign debt ay ang paghina ng piso kontra dolyar.
#net25newsandinformation #btr #foreigndebt #philippines #economy #peso #dollar #exchangerate -
NET25
@NET25TV
Pinaigting ng pamahalaan ang paghahanda sa posibleng Super El Niño. Kabilang sa mga rekomendasyon ang pagbabago sa oras ng pasok sa mga paaralan.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #elniño #superelniño #climatechange
youtu.be/kVsvtHah6d4 -
NET25
@NET25TV
Ibinasura ng Supreme Court ang mga petisyong kumukwestyon sa bagong interpretasyon ng Senate Impeachment Court sa voting threshold para sa conviction. Ayon sa Korte, ibinasura ang mga ito dahil sa lack of standing at prematurity.
#net25newsandinformation #saganangmamamayan #supremecourt #votingthreshold #impeachmenttrial #saraduterte
youtu.be/nh_8z8YikjM -
NET25
@NET25TV
Alamin na ang mga latest at maiinit na balita dito sa #aspn ngayong Huwebes, Oct. 01, 2026:
-Korte Suprema, ibinasura ang mga petisyon kaugnay sa voting threshold
-Sec. Dizon, nangakong walang cover-up sa imbestigasyon sa flood control project sa Taguig
-Malacañang, pinayuhan si Velasco na humarap sa imbestigasyon
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=f6FlMjc1iVg
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/4776842109210056 -
NET25
@NET25TV
ANG LAWYER NA FUNNY! ATTY. ED CHICO, MAY BAGONG SHOW SA NET25! 🤩
#mainfeed!
Ano nga ba ang dapat abangan sa new show niya sa NET25 na Legally Funny?
Ready ka na ba sa seryosong usapan na may tawanan at kulitan? 😂
youtu.be/JwDWmzocNmo -
NET25
@NET25TV
SIMPLENG HOBBY, PUWEDE PALANG GAWING PANGMALAKASANG NEGOSYO! 🧶✨
Kilalanin ang working student na si Marc Angelo Saberon na ginawang pagkakakitaan ang kanyang hilig sa paggagantsilyo. Habang siya ay nag-aaral at nagtatrabaho, isinisingit niya rin ang oras sa pag-crochet para makatulong sa kanyang pag-aaral at negosyo! 🎓🧢
youtu.be/E3LV7DkXu54 -
NET25
@NET25TV
Anemia at leukemia, ilan lamang sa mga karaniwang sakit sa dugo na nararanasan ng mga Pilipino. Paano nga ba mapapalakas ang produksyon ng dugo sa katawan at ano ang mga dapat tandaan para mapanatili itong malusog?
Alamin ang mga sagot sa panayam ng Team #aspn kay hematologist Dr. Rico Tee.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/ffF17JU8t-0 -
NET25
@NET25TV
Mata ng Agila Primetime - September 30, 2026 www.youtube.com/live/2-VTcZCJihk via @YouTube
-
NET25
@NET25TV
Magkakaroon ng bagong format ang monthly electricity bills matapos aprubahan ng ERC ang bagong billing system.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #erc #electricbill #kuryente
youtu.be/Gc_CA49TF4A -
NET25
@NET25TV
Nauunawaan ng National Center for Commuter Safety and Protection (NCCSP) ang taas-pasahe bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Kasabay nito, nananawagan ang grupo sa pamahalaan na maglaan ng karagdagang benepisyo at suporta para sa mga tsuper.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/7f5aOG2E628 -
NET25
@NET25TV
LABAN, CARLO 🥊🇵🇭
SPORTS UPDATE: Pasok sa finals si Olympic silver medalist Carlo Paalam matapos talunin si Makhmud Sabyrkhan ng Kazakhstan sa Men’s 55kg division ng Asian Games.
📷: POC Media Pool
#net25newsandinformation #carlopaalam #asiangames #sportsnews #sportsupdate #teamphilippines -
NET25
@NET25TV
LANY FANS, ANONG FAVORITE TRACK NIYO?
TINGNAN: Three years na pala mula nang i-release ng LANY ang “a beautiful blur.”
Ipinagdiwang ni LANY frontman Paul Klein ang milestone at ibinahagi ang throwback message sa Instagram. “Our first album released independently. Happy 3 years of ABB!” At dahil mukhang hindi pa tayo ready mag-move on… back to our LANY feels era na naman!
Muli tayong dadalhin ng LANY sa kanilang “soft” World Tour sa Philippine Arena sa November 7 at 8.
Drop your favorite a beautiful blur track, mga Ka-NET25!
📷: Paul Klein, LANY / IG
#net25newsandinformation #lany #abeautifulblur #philippinearena #soft #worldtour #musicnews #album #entertainment -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: As of 2 p.m., bilang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa Quezon Avenue patungong EDSA, ngayong Miyerkules, Setyembre 30. | via Roberto Santos
#net25newsandinformation #edsa #quezonavenue #traffic #weatherupdate #rain #tagulan -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Sinuspinde ng Sandiganbayan Sixth Division si Tarlac Third District Representative Noel Rivera bilang kongresista.
Nahaharap si Rivera sa kasong conflict of interest na nag-ugat sa maanomalyang flood control project.
Tatagal ng 90 days ang preventive suspension ng kongresista habang dinidinig ang kaso nito sa anti-graft court. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #sandiganbayan #floodcontrolprojects #tarlac #preventivesuspension -
NET25
@NET25TV
Inanunsyo ni DOLE Sec. Francis Tolentino ang pagpapatupad ng “Sagip Trabaho” program para sa mga rehiyong saklaw ng wage hike. #net25newsandinformation #saganangmamamayan #sagiptrabaho #dole #wagehike
youtu.be/fWMtxVxo2PM -
NET25
@NET25TV
Humarap sa Day 31 ng impeachment trial ni VP Sara Duterte si Davao City Mayor Baste Duterte bilang hostile witness ng prosecution.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #duterte #mayorbasteduterte #duterte
youtu.be/o_Zueopy9kI -
NET25
@NET25TV
Sinabi ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na hindi kailanman nakialam si Vice President Sara Duterte sa mga kontrata ng lokal na pamahalaan at hindi rin siya humingi ng anumang espesyal na pabor.
Sa impeachment trial, nilinaw ni Baste na wala ring opisyal ng Davao City o miyembro ng Bids and Awards Committee na nagsabi sa kaniya na humingi si Sara ng pabor para sa GenCorp.
📷: Senate
#net25newsandinformation #basteduterte #gencorp #davaocity #infraprojects #investigation #indaysaraduterte -
NET25
@NET25TV
WALANG SHOOTING INCIDENT SA ISULAN, SULTAN KUDARAT
NEWS UPDATE: Nilinaw ni Gov. Datu Pax Ali S. Mangudadatu na walang naganap na insidente ng pamamaril sa Isulan National Highschool kaninang umaga, Setyembre 30.
Ayon kay Mangudadatu, ang malakas na paputok na narinig ay maaaring dulot ng faulty wiring at hindi mula sa baril o armas. Wala umanong nakitang bala sa lugar ng insidente.
📷: Gov. Datu Pax Ali S. Mangudadatu
#net25newsandinformation #walangpasok #classsuspension #pamamaril #shootingincident -
NET25
@NET25TV
KAWAWA NAMAN
Sa isang post sa social media account ni Senador Ping Lacson, makikita ang larawan ni Manila Rep. Benny Abante na tila natutulog sa kalagitnaan ng impeachment trial kahapon, Setyembre 29.
“Impeachment trial cancelled today. Saan kaya matutulog ito? Kawawa naman,” caption ng senador sa kaniyang post.
Dalawang beses nang nakita na natutulog ang kongresista sa mga pagdinig kung saan napuna rin siya ni presiding officer Sen. Chiz Escudero.
📷: Ping Lacson
#net25newsandinformation #pinglacson #bennyabante #senate #impeachmenttrial -
NET25
@NET25TV
Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sapat pa rin ang supply ng mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kahit na na-reschedule ang rotation and resupply (RoRe) mission noong Setyembre 24 matapos ang panghihimasok ng mga barko ng China.
Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, mataas pa rin ang morale ng mga sundalo at sanay silang manatili sa BRP Sierra Madre sakaling hindi agad makauwi.
Sinabi rin niyang nakalapit ang mga barko ng China Coast Guard at People's Liberation Army Navy sa Philippine vessel, dahilan upang ipagpaliban muna ang RoRe mission para sa kaligtasan ng mga tauhan at sasakyang pandagat.
📷: AFP
#net25newsandinformation #afp #brpsierramadre #china #westphilippinesea #ayunginshoal -
NET25
@NET25TV
Natuklasan ng Commission on Audit (COA) na nasa ₱938,000 ang overpayment ng Department of Education (DepEd) sa mga voucher para sa mga estudyanteng nag-drop out o pumanaw na.
Sa 5,507 benepisyaryo ng Senior High School Voucher Program na sinuri ng COA, 58 umano ang hindi nakumpirma dahil sa iba’t ibang dahilan. Kabilang dito ang pag-drop out, paglipat ng paaralan, hindi pag-enroll, at pagkamatay.
May lima ring benepisyaryo na nailagay sa maling voucher category, at nagresulta sa karagdagang ₱14,710 na overpayment.
📷: PNA file
#net25newsandinformation #commissiononaudit #coa #shsvoucherprogram #deped #overpayment #ghoststudents #investigation -
NET25
@NET25TV
WALANG PASOK: Suspendido ang klase sa mga paaralan sa batan ng Isulan, Sultan Kudarat ngayong hapon, Setyembre 30.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng kanilang precautionary security measures para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, guro, at school personnel.
Kasunod ito ng mga ulat ng narinig na paputok sa Isulan National High School. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung ito ay insidente ng pamamaril.
📷: Municipality of Isulan
#net25newsandinformation #walangpasok #classsuspension #pamamaril #shootingincident -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Sinabi ni Gov. Datu Pax Ali Mangundadatu na wala pang kumpirmadong nasugatan o nasawi sa umano'y pamamaril sa Isulan National High School sa Sultan Kudarat.
Ayon kay Mangudadatu, ligtas ang mga estudyante at guro batay sa pinakabagong impormasyon.
📷: Gov. Datu Pax Ali Mangundadatu / FB
#net25newsandinformation #shooting #schoolincident #sultankudarat #investigation #pamamaril -
NET25
@NET25TV
TIKMAN ANG KAKAIBANG PINALATAN MULA SA APAYAO! 🍲🌶
Tampok dito sa #lovetonipetandeverythaaang ang #lasanglokal dish na gawa sa manok, dahon ng suha o “palat,” at katutubong sili ng Apayao na “tu’rang.” Ise-serve nina Chef Eric Javier at Chef Jee Esguerra ang dish na siguradong mapapahanap kayo ng extra rice!
Abangan din ang kanilang bagong programa, Taste Buds, tuwing Sabado, 12NN sa NET25, at simula October 5, Lunes hanggang Linggo, 11:00–11:30 AM sa INC TV! 👨🍳✨
youtu.be/S9s5A6-oasU -
NET25
@NET25TV
KUNG BAKANTE ANG PRIORITY SEAT, UUPO KA BA? 😏
#hearmeout!
Ikaw, kapag nasa public transpo ka at nakita mong bakante ang "Priority Seat," uupuan mo ba 'to?
Umamin ka na... i-comment mo na 'yan! 😂
youtu.be/tD-NTw6kpdE -
NET25
@NET25TV
Nagbabala ang Senate impeachment court sa House prosecutors na unahin munang iharap ang opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at bank officials o records bago iharap si dating Senador Antonio Trillanes IV bilang witness sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni presiding officer Sen. Francis “Chiz” Escudero na hindi muna maglalabas ng subpoena para kay Trillanes, ngunit maaari siyang iharap ng prosecution nang boluntaryo. Ayon kay Escudero, maaaring magsilbing batayan ang testimonya ng AMLC witness bago iharap ang testimonya ni Trillanes.
Kinumpirma naman ni House prosecutor Rep. Terry Ridon na kabilang si Trillanes sa kanilang mga karagdagang saksi para sa Article II, na tumatalakay sa alegasyon ng unexplained wealth laban kay VP Sara.
📷: PNA
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
Nasawi sa Israeli airstrike sa Gaza City, Palestine ang lider ng armed wing ng Hamas na si Izz al-Din Al-Beik, ayon sa Israeli at Palestinian officials nitong Martes, Setyembre 29. Kinumpirma rin ng Hamas ang kaniyang pagkamatay.
Tinamaan ng airstrike ang isang apartment building sa Nasr neighborhood. Ayon sa health officials, isang indibidwal pa ang namatay dahil sa mga tinamong sugat. Sinabi naman ng Israel na target nito si Al-Beik dahil umano sa pagpaplano ng mga pag-atake at pagrerecruit ng mga militanteng Hamas.
Samantala, iniulat din ang magkahiwalay na airstrike sa Jabalia refugee camp na ikinasawi ng iba pang mga Palestinian. Patuloy ang palitan ng akusasyon ng Israel at Hamas kaugnay ng mga paglabag sa kasunduang tigil-putukan.
📷: Asharq Al-Awsat
#net25newsandinformation #israel #gazacrisis #palestinelivesmatter #explosion #death -
NET25
@NET25TV
Umabot na sa 23 katao ang nasawi dahil sa malakas na ulan at pagbaha sa Thailand, ayon kay Interior Minister Anutin Charnvirakul.
Samantala, 42 probinsya pa rin ang apektado ng baha, habang tinatayang nasa $367 milyon ang pinsala sa 24 na probinsya.
Naglaan naman ang gobyerno ng Thailand ng mahigit 4 bilyong baht o $119 milyon para sa pagtugon sa epekto ng pagbaha.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #thailand #baha #flooding #casualtycount -
NET25
@NET25TV
Iniulat ng Commission on Audit (COA) na mahigit ₱700 milyon sa fuel subsidy ng Department of Transportation (DOTr) ang hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo, batay sa 2025 annual audit report.
Sa ₱709.88 milyong hindi naipamahagi, ₱179.96 milyon ang naproseso ngunit hindi na-credit sa bank accounts ng mga benepisyaryo, kabilang ang ₱120 milyon para sa mga tricycle driver.
May ₱1.589 milyon din na na-disburse ngunit na-reject dahil sa mga problema sa bank transactions gaya ng maling account number o hindi tugmang pangalan.
Sinabi rin ng LTFRB na nag-expire na ang naturang pondo matapos ang itinakdang dalawang taon at naibalik na sa national treasury ang hindi nagamit na halaga.
📷: PNA
#net25newsandinformation #coa #ltfrb #oilpricehikes #fuelsubsidy #oilprice #economy -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Naghain ng not guilty plea ang pito sa kapwa akusado ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa Sandiganbayan Fifth Division kaugnay ng kasong graft sa maanomalyang flood control projects.
Kasama sa kapwa akusado ni Co ay sina dating DPWH Bulacan Engineers Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Arjay Domasig, Niño Morales, Juanito Mendoza, Floralyn Simbulan, at Christine Pineda. | via Tjay Mendoza
#net25newsandinformation #zaldyco #floodcontrol #sandiganbayan #investigation #notguilty #floodcontrolprojects #dpwh -
NET25
@NET25TV
Humiling ang Bureau of Customs (BOC) ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa 13 katao kaugnay ng umano’y pagpupuslit ng ₱17.5 milyong halaga ng sibuyas at carrots.
Kabilang sa ILBO ang may-ari at kinatawan ng importer, isang lisensyadong customs broker, at siyam na opisyal at personnel ng BOC na umano’y sangkot sa krimen.
Nag-ugat ang mga kaso sa anim na shipment na idineklarang “chicken lollipops” ngunit natuklasang may laman na 15,029 sako ng sibuyas at 2,164 kahon ng carrots.
Nahaharap ang mga suspek sa reklamo dahil sa umano’y maling pagdedeklara ng mga produkto at kawalan ng kinakailangang import clearance.
#net25newsandinformation #bureauofcustoms #boc #ilbo #misdeclaredcargo #carrots #onions #agrismuggling #chickenlollipops #investigation #lookoutbulletin -
NET25
@NET25TV
GOLDEN MOMENT NI EJ🥇🇵🇭
Hindi lang nakuha ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang gold medal sa Asian Games, nakapagtala rin siya ng bagong record na 5.91 meters.
📷: POC Media Pool
#net25newsandinformation #asiangames #ejobiena #goldmedal #sportsnews #polevault #gymnastics -
NET25
@NET25TV
WALANG PASOK: Suspendido ang klase sa lalawigan ng Albay at ilang paaralan at unibersidad sa bansa ngayong Miyerkules, Setyembre 30, dahil sa nagpapatuloy na transport strike.
#net25newsandinformation #walangpasok #universities #albay #transportstrike -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Magiging maulap at maulan ang panahon ngayong Miyerkules, Setyembre 30, sa Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, at Palawan dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).
Habang bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan ng Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon dulot ng localized thunderstorms.
#net25newsandinformation #weatherupdate #itcz #tagulan -
NET25
@NET25TV
Namataan ang isang tropical depression sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.
Huli itong namataan sa layong 3,315 km Silangan ng Central Luzon na may dalang hangin na 45 km/h.
Sinabi ng state weather bureau na kumikilos ito pa-kanluran timog-kanluran ngunit mababa ang tiyansang pumasok ng PAR at makaapekto sa lagay ng panahon ng bansa.
#net25newsandinformation #pagasa #par #bagyo #tropicaldepression #centralluzon #weatherforecast -
NET25
@NET25TV
HEALTH BENEFITS NA KAILANGAN MO, NASA "YAKAP" PROGRAM NA NG PHILHEALTH! ✅ #mainfeed!
Hindi lang basta “health check” ang usapan! Sa PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan), layunin ng programa na gawing mas accessible ang primary care at maagap na pagtukoy ng mga kondisyon bago pa lumala. 👍🏻
youtu.be/bA77YpPEXc4 -
NET25
@NET25TV
Tinalakay sa ASEAN Tourism Summit sa bansa ang mga hakbang para mapalakas at mapalago ang turismo sa rehiyon.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #aseantourismsummit #turismo #asean
youtu.be/1PMblRAUNKU -
NET25
@NET25TV
Narito na ng headines ngayong Miyerkules, Sept. 30, 2026:
- Lord Velasco, kinumpirmang wala na sa Pilipinas
- Senate impeachment court, ibinasura ang hiling na isama ang bank records ni VP Sara bilang ebidensya
- Cayetano, binalikan si Dizon at Lacson kaugnay sa Taguig ‘ghost’ project
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=4kz2wtVCm2k
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1808039326902945 -
NET25
@NET25TV
Bata pa lang, pangmalakasan na ang chess moves!🔥 Nagsimula lang sa simpleng curiosity nang makita ni Anthony Edward Maldia, ang chess sa isang toy store. Pero ngayon, napapasali na sa ilang chess competitions! 🏆♟
At hindi lang basta competition ang kanyang sinalihan—nakapag-uwi pa siya ng Silver Medal mula sa isang international chess competition sa Thailand!
#net25 #net25entertainment #lovetonipetangeverythaaang #youngchessplayer #chesschamp #chesskid #barangaychamp #futurechampion #chess
youtu.be/bO1UdYt9B5w -
NET25
@NET25TV
ANO NGA BA KASI ANG MAYROON SA NEVER-ENDING REMINDERS NG ATING PARENTS? #hearmeout! Minsan, parang may built-in reminder system ang mga magulang natin. Pero bakit nga ba sila panay paalala?📢😂
Ikaw, ano sa tingin mo ang pinaka-common na paalala ng parents mo sa 'yo? 🙂↔️ I-comment mo na 'yan! 👇🏻
youtu.be/zRXNOP932NI -
NET25
@NET25TV
“Akala ko sa pag-ibig lang may forever—pati pala sa Barangay.”
Ito ang pahayag ni election lawyer Atty. Rommy Macalintal, isa sa mga naghain ng petisyon sa Korte Suprema laban sa postponement ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Ayon kay Macalintal, umabot na sa puntong maihahambing sa termino ng isang gobernador ang haba ng extension na ipinagkaloob sa mga incumbent barangay official.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/spEBoYLoM48 -
NET25
@NET25TV
₱2K LANG ANG PUHUNAN, PERO ₱30K–₱50K MONTHLY SALES?! 😱
Nagsimula sa maliit na ₱2,000 capital ang home-based bake business ni Cristina “Tina” Bernales, owner ng Avery & Co. Bakes. From starting small, unti-unti niyang pinalago ang kanyang negosyo hanggang sa umabot sa ₱30K–₱50K monthly sales!🧁 Proof na hindi kailangang malaki ang puhunan para makapagsimula.👩🍳
#net25 #net25entertainment #lovetonipetangeverythaaang #minigosyo #homebasedbusiness #smallbusiness #businessstory #entrepreneur #bakeshop #bakingbusiness
youtu.be/jG_ajqDg7Ns -
NET25
@NET25TV
LEADER, FOLLOWER, OR DEPENDE SA SITUATION? 🤔 #maypoint! Ikaw, anong type of character ka... leader or follower? ✨ Mag-comment na! 👇🏻
youtu.be/22tUnC7r0PM -
NET25
@NET25TV
Ipapatupad ng Civil Aeronautics Board ang Level 17 fuel surcharge mula October 1 hanggang October 15 2026.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #fuelsurcharge #cab #airfare
youtu.be/1vFfTwbrD-k -
NET25
@NET25TV
Kinuwestiyon ng mga tsuper kung kailan nila mararamdaman ang ipinangakong ayuda at solusyon sa kanilang kabuhayan sa gitna ng mataas na presyo ng krudo at lumalaking gastos sa pamamasada. #net25newsandinformation #matangagilasatanghali #tsuper #transportasyon #fuelprices
-
NET25
@NET25TV
Humirit na makapag-piyansa si Martin Romualdez habang nakakulong at nahaharap sa kasong plunder na may halagang P7.4 bilyon.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/nnaq1qQ2ZJQ -
NET25
@NET25TV
Sinampahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ng falsification of public documents si Roel Sarmiento, kapitan ng nasunog na M/V June Aster.
Ayon sa PCG, hindi nagtutugma ang ibang detalye sa dokumentong isinumite ng kapitan bago bumiyahe ang barko, kabilang ang mga pasaherong nakalista pero hindi naman sumakay.
Ito pa lamang ang unang criminal complaint kaugnay ng insidente noong Setyembre 9 na ikinasawi ng 77 katao, habang walo pa ang nawawala.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng insidente.
📷: PCG
#net25newsandinformation #philippinecoastguard #mvjuneaster #criminalcomplaint #falsificationofdocuments -
NET25
@NET25TV
Uusad si Alex Eala sa quarterfinals ng Asian Games 2026 matapos talunin si Patcharin Cheapchandej sa loob lamang ng 55 minuto.
Natapos ang kanilang laro sa 6-1, 6-0, pabor kay Eala.
Makakalaban ng Pinay tennis superstar si Joana Garland ng Taiwan bukas, Setyembre 30.
Samantala, makakatambal naman ni Eala si Shaira Rivera sa doubles event na gaganapin ngayong hapon, Setyembre 29.
📷: POC Media Pool
#net25newsandinformation #poc #alexeala #tennis #asiangames2026 #teamalexeala #sportsupdate #sportsnews #teamphilippines -
NET25
@NET25TV
"NONE OF THE QUALIFICATIONS FOR A WITNESS TO BE HOSTILE HAS BEEN ESTABLISHED."
PANOORIN: Tumutol ang depensa sa prosecution na ideklara bilang hostile witness si Mayor Sebastian "Baste" Duterte dahil hindi umano sapat ang political statements upang patunayan ang hostility ng witness laban sa impeachment court.
Ayon kay defense counsel Atty. Justin Gular, wala umanong binigay na hostile statement si Mayor Duterte at wala siyang malinaw na pinanigan na posisyon kundi ito ay konklusyon lamang ng prosecution.
Iginiit rin ng depensa na hindi pagiging unwiling ni Mayor Baste kung pinili niyang humarap sa impeachment court dahil lamang sa subpoena at hindi sa sarili niyang kagustuhan.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/Edaq3ukUYCw
#net25newsandinformation #senate #basteduterte #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigationThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Nilinaw ni Presiding Officer Sen. Francis “Chiz” Escudero na hindi nilabag ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang Rule 18 o sub judice ruling ng impeachment court.
Kasunod ito ng naunang pahayag ng alkade tungkol sa takbo ng paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Sen. Escudero, ginawa ni Baste ang mga pahayag bago pa siya naging testigo ng prosecution kaya hindi siya nahaharap sa anumang paglabag.
Samantala, idineklara naman siyang hostile witness at patuloy na haharap sa pagdinig ngayong Martes, Setyembre 29.
PANOORIN ANG LIVESTREAM: www.youtube.com/live/Edaq3ukUYCw
#net25newsandinformation #basteduterte #gencorp #impeachmentcase #impeachmenttrial #senate #indaysaraduterteThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Nag-lockdown ang ilang classroom sa Our Lady of Fatima University sa Tamaraw Hills, Valenzuela City ngayong Martes, Setyembre 29, matapos kumalat ang isang papel na naglalaman umano ng death threat sa loob ng unibersidad.
Agad na rumesponde ang Valenzuela PNP at nagsagawa ng inspeksyon sa buong paaralan, kabilang ang mga classroom at mga bag ng mga estudyante. Sa kanilang pagsisiyasat, walang nakitang anumang bagay na maaaring magdulot ng panganib sa mga estudyante at guro.
Sinuspinde na ang klase sa OLFU Valenzuela habang inaalam ng pulisya kung sino ang nagpakalat ng threat. | via Kristine Dantes
📹: Lean Arogante
#net25newsandinformation #schoolshooting #shooting #student #teacher #schoolsafety -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Pinauwi na ang mga estudyante ng Our Lady of Fatima University sa Tamaraw Hills, Valenzuela City ngayong Martes, Setyembre 29, matapos kumalat ang isang papel na naglalaman umano ng death threat sa loob ng unibersidad.
Kasalukuyang inaalam ng pulisya kung sino ang nagpakalat ng naturang papel. | via Kristine Dantes
📹: Roberto Santos
#net25newsandinformation #schoolshooting #shooting #student #teacher #schoolsafety -
NET25
@NET25TV
Asahan ang dagdag-singil sa pamasahe sa eroplano matapos itaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa Level 17 ang fuel surcharge para sa Oktubre 1 hanggang 15.
Katumbas ito ng ₱559 hanggang ₱1,635 fuel surcharge para sa domestic flights, habang ₱1,846.10 hanggang ₱13,726.58 naman para sa international flights.
Kasunod ito ng muling pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, na iniuugnay sa patuloy na tensyon sa Middle East.
Matatandaang nasa Level 14 ang fuel surcharge mula Setyembre 16 hanggang 30.
#net25newsandinformation #cab #fuelsurcharge #middleeast #airplanefares #travel #middleeasttension #oilcrisis -
NET25
@NET25TV
ISA SA FLOOD CONTROL MEASURE NG DPWH SA DAVAO CITY, NATAPOS NA
PANOORIN: Naitayo na ang mas pinataas na dike sa bahagi ng Talomo River sa Davao City makalipas ang dalawang buwan.
Isa sa flood control measures na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay ang pag-dredge sa ilog.
Pinataas rin ang river control structure upang hindi na maulit ang matinding baha na naranasan ng mga residenteng nakatira malapit sa ilog.
Noong Hulyo, una nang bumisita si DPWH Secretary Vince Dizon sa lungsod para makita ang sitwasyon matapos bumaha sa ilang lugar malapit sa Talomo river.
Nadiskubre na pitong taong natengga ang proyekto para sa pagpapataas ng river dike mula noong 2019 na nagresulta ng matinding pinsala sa mga residente. | via Madelyn Villar-Moratillo
📹: DPWH
#net25newsandinformation #dpwh #floodcontrolproject #floodcontrol #flood #flooding -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Nagtungo sa holding room ng Senado si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte habang nire-review ng Senate impeachment court at ng dalawang panig ang kaniyang isinumiteng affidavit at mga dokumento.
PANOORIN ANG LIVESTREAM: www.youtube.com/live/Edaq3ukUYCw
#net25newsandinformation #senate #impeachmentcourt #basteduterte #testimony -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Maagang nag-recess ang Senate impeachement court para aralin ng defense at prosecution panel ang mga dokumentong isinumite ni Davao City Mayor Baste Duterte kaugnay ng kaniyang testimonya ngayong Martes, Setyembre 29.
Magpapatuloy ang paglilitis mamayang 12:15 p.m.
PANOORIN ANG LIVESTREAM: www.youtube.com/live/Edaq3ukUYCw
#net25newsandinformation #senate #impeachmentcourt #basteduterte #testimony -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang Motion for Inhibition ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. kaugnay ng umano’y confilct of interest kay Associate Justice Karl Miranda.
Sa ikalawang mosyon ng kampo ni Revilla, sinabi nilang kapatid ni Justice Miranda si Atty Buenaventura Miranda, ang tumatayong legal counsel ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo.
Si Bernardo ay isa sa mga testigo laban kay dating senador Revilla sa kasong kinakaharap sa anti-graft court na may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects sa Pandi, Bulacan. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #bongrevilla #motionforinhibition #antigraftcourt -
NET25
@NET25TV
MAYOR BASTE, IDINEKLARANG HOSTILE WITNESS NG PROSECUTION
BREAKING NEWS: Ideneklarang hostile witness si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa ika-31 araw ng impeachment trial ngayong Martes, Setyembre 29.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/Edaq3ukUYCw
#net25newsandinformation #senate #basteduterte #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Nanumpa bilang testigo ng prosecution si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa ika-31 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Martes, Setyembre 29.
PANOORIN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/Edaq3ukUYCw
#net25newsandinformation #bastedutete #davaocity #impeachmenttrial #witness -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Dumating sa Senado si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ngayong Martes, Setyembre 29, upang tumestigo sa impeachment trial kaugnay ng mga multi-million-peso contract na iginawad sa GenCorp Industries Inc., kumpanyang nakalista sa SALN ng kaniyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.
#net25newsandinformation #senate #basteduterte #impeachmenttrial #indaysaraduterte #impeachment -
NET25
@NET25TV
SHINING IN SILVER 🥈
SPORTS UPDATE: Nakuha ng Philippine Women’s team ang silver medal sa finals ng sepak takraw event ng Asian Games ngayong Martes, Setyembre 29.
Nakalaban nila ang koponan ng Vietnam sa score na 8-15,4-15.
📷: POC Media Pool
#net25newsandinformation #asiangames #sepaktakraw #sportsnews #teamphilippines -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Dumating na sa Senado si Davao City Mayor Baste Duterte para dumalo sa impeachment trial ni VP Sara ngayong Martes, Setyembre 29. | via Mar Gabriel
#net25newsandinformation Senate #basteduterte #impeachmenttrial #indaysaraduterte #impeachment -
NET25
@NET25TV
MILITARY VESSEL AT MGA BANGKA NG CHINA, NAMATAAN SA KOTA ISLAND
PANOORIN: Itinaboy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Chinese maritime militia vessel at 24 na maliliit na bangka na namataang nangingisda sa Kota Island sa Kalayaan Island Group (KIG) nitong Lunes, Setyembre 28.
Ayon sa PCG, nagsagawa rin sila ng radio challenge sa naturang barko. Agad namang umalis ang barko kasama ang lahat ng 24 na bangka nang makarating ang PCG sa lugar.
📹: PCG
#net25newsandinformation #pcg #chinacoastguard #plan #militaryvessels #kotaisland #westphilippineseaThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
"NABUDOL TAYO NI MARCOS!"
PANOORIN: Iginiit ni CDJODA Chairman Tony Santos na hindi natupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang pangako noong kaniyang kampanya.
Kabilang dito ang pagpapanatili ng mga traditional na jeepney dahil patuloy daw nag-aangkat ang pamahalaan ng mga modern jeepney o mga mini bus galing ibang bansa.
Ayon pa sa tsuper, hindi akma ang paggamit ng modern jeepney sa mga kalsada sa bansa dahil mahihina raw ang mga piyesa nito at kakailanganin pang bilhin sa ibang bansa kung masira ito.
#net25newsandinformation #pujs #publicutilityjeepneys #transportation #modernjeepneys #budol #marcosadministrationThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
KARERAHAN NG MGA TRICYCLE
PANOORIN: Sapul sa dash cam ang pagharurot ng pitong tricycle sa isang stoplight sa Quezon City noong Linggo, Setyembre 27, pasado alas-2 ng madaling araw.
Ayon sa uploader, tumagal nang halos dalawang minuto ang tila karerahan ng mga tricycle. Wala ring nakitang body number at plate number sa mga ito.
Sa paunang pagsusuri ng Land Transportation Office (LTO), posibleng sangkot sa drag racing ang mga tricycle driver. Ipinag-utos na rin ng ahensya ang pagtunton sa mga driver na maaaring maharap sa suspensyon ng lisensya at pag-impound ng kanilang mga tricycle. | via Jim Tejano
📹: Contributed
#net25newsandinformation #tricycle #quezoncity #policenewsThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Umaasa ang Poland sa desisyon ng Washington sa permanenteng U.S. base habang nagpapatuloy ang pagsusuri sa puwersa ng U.S. sa Europe.
#mnainewsbitesize #poland #usmilitary #donaldtrump #nato
youtu.be/jQR34OvEDPg -
NET25
@NET25TV
Nanawagan ang ilang grupo para sa mas matibay na proteksyon sa OFW laban sa trafficking at exploitation matapos ang paglaya ni Mary Jane Veloso.
#net25newsandinformation #maryjaneveloso #ofw #humantrafficking
youtu.be/eJ4oi94-3A8 -
NET25
@NET25TV
DAY 2 NG TIGIL-PASADA
Umarangkada na ngayong umaga, Setyembre 29, ang ikalawang araw ng tigil-pasada na pinangunahan ng PISTON sa Aurora Boulevard, Quezon City.
Hiling ng mga tsuper ang dagdag-pamasahe at iba pang hakbang para maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel.
Ramdam naman ng ilang commuter ang abala dahil sa kakulangan ng masasakyan, pero may ilan ding nagpahayag ng pag-unawa sa hinaing ng mga tsuper. | via Jim Tejano
#net25newsandinformation #tigilpasada #transportstrike #oilpricehike #pricehike #quezoncity -
NET25
@NET25TV
Nagdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Camaerines Sur matapos umabot sa epidemic level ang kaso ng dengue, ayon kay Gov. Luis Raymond Villafuerte.
Sa pinakahuling ulat ng PDRRMC, umabot ng 1,233 ang kumpirmadong kaso at 18 ang namatay sa dengue mula Enero hanggang Setyembre 24.
#net25newsandinformation #camsur #dengue #healthissues -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Pasok sa finals ang Philippine Women’s Sepaktakraw team nang matalo ang koponan ng Laos sa kanilang laro nitong Lunes, Setyembre 28.
Natapos ang kanilang laro sa score na 15-12, 15-10.
📷: POC
#net25newsandinformation #poc #sportsnews #sepaktakraw #asiangames2026 -
NET25
@NET25TV
ITO ANG LIFE RESET NA KAILANGAN MO!
#maypoint!
May mga bagay o sitwasyon ka ba sa buhay mo na dapat mong simulan at dapat na ring itigil? ✨
Pwede ba naming malaman ang mga nasa START at STOP list mo? 😁
I-comment mo na 'yan! 👇🏻
youtu.be/S1bFfoAiuVc -
NET25
@NET25TV
Ang mga balitang kailangan niyong malaman ngayong Martes, Sept. 29, 2026:
-Pagpapaliban ng BSKE, hinamon sa Korte Suprema
-Mga baril ni VP Sara at kontrata sa gobyerno, tinalakay sa impeachment trial
-Mga transport group, humirit ng dagdag pa na piso sa pamasahe
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=2c6QAdAJ-6w
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1779506803201621 -
NET25
@NET25TV
The Philippines will host the ASEAN Trade Expo 2026, themed “Way of the Weave,” at Okada Manila from November 10 to 12, showcasing ASEAN’s cultural heritage, traditional craftsmanship, and women-led enterprises while fostering regional trade, investment, and business opportunities.
net25.com/news/asean-trade-expo-2026-way-of-the-weave
#net25 #aseantradeexpo2026 -
NET25
@NET25TV
PARES NA GAWA SA DODRAM LUNCHEON MEAT? 🤤🍳 Bagong twist sa paboritong pares ang itinuro sa atin ni Chef Ingrid Mediarito—ang Garlicky Dodram Luncheon Meat Pares—isang masarap at madaling recipe na pwedeng ihanda sa bahay o gawing pang-negosyo! 👩🍳✨
#net25 #net25entertainment #kabarangayday #ltepanaloangkabarangay
youtu.be/aF2OS-90tHc -
NET25
@NET25TV
FROM 136KG TO 84KG IN JUST 8 MONTHS! 🔥
Balikan natin ang #kuwentongkabarangay fitness journey ni CJ Dequiña, at kung paano niya unti-unting nabago ang kanyang lifestyle sa pamamagitan ng walking, running, at pagiging consistent sa kanyang goals. 🏃♂️💪
youtu.be/ySHC_gCfIHw -
NET25
@NET25TV
ABISO SA MGA COMMUTER
TINGNAN: Nakapaskil sa mga traditional jeepney sa Davao City ang abiso sa bagong minimum fare na ₱14, na epektibo simula ngayong Lunes, Setyembre 28.
📷: PNA
#net25newsandinformation #davaocity #minimumfare #farehike #taaspasahe #commuter -
NET25
@NET25TV
Tensyon sa pagitan ng US at Iran, nasa ikapitong buwan na; Iran nakaabang sa resulta ng halalan sa Amerika habang umiigting ang usapin sa impeachment ni US President Donald Trump.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/5VdbmavgB50 -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Kinumpirma ng Sandiganbayan Third Division na nakapaghain na ng petition for bail si dating House Speaker Martin Romualdez ngayong araw, Setyembre 28.
Itinakda naman sa Oktubre 12 ang simula ng kaniyang bail hearing. Layunin ng mga pagdinig na tukuyin ng korte kung malakas ang ebidensya laban sa akusado at kung maaari siyang makapagpiyansa kahit non-bailable ang kaso. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #sandiganbayan #bail #bailpetition #plunder #floodcontrol #martinromualdez #investigation -
NET25
@NET25TV
Nakuha ng BTS ang tatlong parangal sa MTV Video Music Awards (VMAs) na isinagawa sa Los Angeles, California.
Kabilang dito ang Song of the Year at Best K-Pop para sa kantang “Swim,” habang kinilala rin silang Best Group.
Hindi nakadalo ang grupo sa seremonya dahil sa kanilang paghahanda para sa South American leg ng kanilang ARIRANG World Tour, na magsisimula sa Oktubre 2 sa Bogotá, Colombia.
📷: BTS/ IG
#net25newsandinformation #bts #vmas #california #bestkpop #songoftheyear #swim #bestgroup #musicnews #arirang #philippinesportsstadium #musicnews #kpop -
NET25
@NET25TV
''YUNG MALAKING PAPUTOK NAGING KWITIS"
Nag-alinlangan si Senator-judge Juan Miguel Zubiri sa pagharap ni Police Maj. Jerickson Sangalang bilang witness sa ika-30 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes, Setyembre 28.
Ayon kay Zubiri, hindi niya nakikitang may malaking bigat ang testimonya ni Sangalang at hinihintay nila ang mas mahalagang ebidensiyang ilalahad sa paglilitis.
"We’re looking for the bigger evidence that they want to present, if any. Sabi nga ni Senator Lacson, ‘yung malaking paputok naging kwitis. ‘Yung malaking paputok umabot sa atomic bomb kung meron, ‘yan ang gusto nating malaman,” ani Zubiri. #net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #net25newsandinformation -
NET25
@NET25TV
“SIYA ANG GOLD MEDAL NG PUSO KO!”
TINGNAN: Dalawang engagement ring ang binigay ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo sa kaniyang girlfriend na si Chloe San Jose nang mag-propose ito.
Ayon kay Yulo, naging malaking bahagi si Chloe sa kaniyang tagumpay sa Olympics kaya para sa kaniya, si Chloe ang tunay na “gold medal ng puso” niya.
Samantala, ibinahagi ni Chloe na matagal nilang inilihim ang kanilang engagement na naganap noong Disyembre 18, 2025, bago nila ito tuluyang ibinahagi sa publiko ngayong taon.
📷: Chloe Anjeleigh San Jose
#net25newsandinformation #carlosyulo #chloesanjose #engagement #olympics -
NET25
@NET25TV
Nilinaw ni presiding officer Sen. Chiz Escudero na bagama’t nakalagay sa SALN ni Vice President Sara Duterte na shareholder siya ng GenCorp Industries, Inc., kailangan pa itong bigyang linaw matapos tumestigo ang isang opisyal ng Securities and Exchange Commission (SEC) na hindi lumilitaw ang pangalan ng bise sa corporate records ng kumpanya.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/lnKJ-aLnoC8
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
MORE TROPHIES FOR QUEEN TAYLOR
TINGNAN: Muling namayagpag sa 2026 MTV Video Music Awards (VMAs) ang global superstar na si Taylor Swift matapos masungkit ang kauna-unahang Artist Director Honors!
Naiuwi rin ni Taylor ang Video of the Year para sa “The Fate of Ophelia” at Best Direction para sa “Opalite.”
Mas lalo pang naging exciting ang gabi nang i-unveil niya ang bago niyang self-directed music video na “Patient Zero,” bahagi ng The Life of a Showgirl: The Encore.
More trophies, more iconic moments para kay Queen Taylor!
📷: Billboard & Reuters
#net25newsandinformation #taylorswift #mtv #vmas #vmas2026 #opalite #fateofophelia #patientzero #musicnews -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Asahan ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa loob ng susunod na dalawang oras sa Metro Manila at ilang parte ng Luzon, ayon sa PAGASA.
#net25newsandinformation #pagasa #luzon #metromanila #ncr #tagulan #rainy #weatherupdate -
NET25
@NET25TV
KARAMPOT NA ROLLBACK SA GASOLINA
Epektibo simula Martes, Setyembre 29, ang bawas-singil sa presyo ng produktong petrolyo, ayon sa Department of Energy (DOE).
Gasoline: P0.24/L
Diesel: P7.57/L
Kerosene: P5.85/L
#net25newsandinformation #doe #oilprice #fuelrollback #gasoline #diesel #kerosene -
NET25
@NET25TV
LIBRENG SAKAY SA METRO MANILA
TINGNAN: Nag-alok ng libreng sakay ang ilang local government unit (LGU) sa Metro Manila ngayong Lunes, Setyembre 28, kasabay ng tatlong araw na tigil-pasada ng grupong Manibela.
Maagang nag-deploy ng mga sasakyan ang Manila at Malabon, habang available rin ang QCity buses sa Quezon City.
Naglaan din ang Department of Transportation (DOTr) ng libreng sakay mula 6 a.m. hanggang 8 p.m. sa mga rutang Quiapo-Fairview, Quiapo-Welcome Rotonda, Nagtahan-Cubao, Cubao-Fairview, at Gallertia-Taytay.
📷: DOTr/ Q.C. Govt./ Manila PIO
#net25newsandinformation #dotr #lgu #manila #quezoncity #malabon #kilosprotesta #commuter -
NET25
@NET25TV
Isa ang nasawi habang apat ang sugatan matapos salpukin ng bus ang isang tricycle sa Provincial Road sa Barangay Palsahingin, San Pascual, Batangas nitong Sabado ng tanghali, Setyembre 26.
Ayon sa paunang ulat ng Batangas Provincial Police Office, huminto sa gilid ng kalsada ang tricycle upang magsakay ng pasahero nang salpukin ito ng bus. Nasawi ang isa sa mga pasahero, habang sugatan naman ang tatlong iba pang pasahero at driver ng tricycle.
Agad na dinala sa pagamutan ang mga sugatan. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang buong detalye ng insidente.
📷: Batangas PPO
#net25newsandinformation #pnp #policenews #roadcrash #roadaccident #accident #death -
NET25
@NET25TV
BARKO NG CHINA SA OCCIDENTAL MINDORO
PANOORIN: Namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang China Coast Guard vessel na CCG-3303 na nasa layong 36 nautical miles northwest ng Cabra Island, Occidental Mindoro kahapon, Setyembre 27.
Ilang beses nagpadala ng radio challenge ang PCG aircraft na PCG-2081 dahil umano sa paglalayag nito sa loob ng Philippine exclusive economic zone (EEZ), ngunit hindi ito tumugon.
Samantala, na-monitor din ng BRP Teresa Magbanua ang tatlong barko ng Chinese People's Liberation Army Navy (PLA-N) na nasa lugar.
📹: PCG / X
#net25newsandinformation #pcg #westphilippinesea #ccg #occidentalmindoroThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Aminado si Manila 6th District Congressman Rep. Benny Abante na kulang siya sa pahinga kaya nakatulog siya sa gitna ng impeachment trial ngayong Lunes, Setyembre 28.
Ayon kay Rep. Abante, 2:00 ng umaga na siya nakatulog at inantok rin umano siya sa gitna ng cross examination. | via Mar Gabriel
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
REP. ABANTE, NATUTULOG SA IMPEACHMENT TRIAL
TINGNAN: Pinuna ni presiding officer Sen. Chiz Escudero si Manila 6th District Congressman Rep. Benny Abante na nakitang natutulog sa gitna ng impeachment trial ngayong Lunes, Setyembre 28, sa likurang bahagi ng witness stand.
Pinakiusapan ni Escudero ang mga kasamahan ni Abante na kung maaari ay palipatin siya ng pwesto kung saan maaari siyang makapagpahinga.
Biro naman ni House lead prosecutor Atty. Gerville Luistro, maaaring ipinapanalangin sila ni Rep. Abante. | via Mar Gabriel
📷: Sen. Migz Zubiri
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/lnKJ-aLnoC8
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
Nakibahagi ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa United Nations General Assembly habang nagsisimulang magsalita si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu noong nakaraang linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa DFA, pagpapakita ito ng pakikiisa sa panawagan para sa kapayapaan sa Middle East. Kabilang sa mga isyung binanggit ng DFA ang lumalalang krisis sa Gaza, pagsusulong ng Israel sa E1 settlement plan, at tumitinding karahasan sa West Bank.
Patuloy namang sinusuportahan ng Pilipinas ang two-state solution bilang daan sa kapayapaan sa rehiyon.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #philippines #unga #walkout #israel #middleeast #gaza #worldcrisis #middleeastcrisis #westbank -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang dalawang Pilipino habang walong iba pa ang sugatan matapos bumaligtad ang isang pampasaherong bus sa Germany.
Sa inisyal na ulat, nasa 50 Pilipino ang sakay ng bus na patungo sanang Munich.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General in Frankfurt sa mga awtoridad ng Germany at nagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan at kanilang pamilya.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #germany #busaccident #roadincident #investigation #munich #event -
NET25
@NET25TV
LISA WINS BEST POP! 🎤🌟
Nanalo si K-pop superstar Lisa ng Best Pop Video sa 2026 MTV Video Music Awards na ginanap sa Los Angeles para sa kaniyang solo song na “Dream.”
Nakuha naman nina Madonna at Sabrina Carpenter ang Best Collaboration award para sa kanilang kantang “Bring Your Love”
Dumalo rin si Taylor Swift MTV Music Awards at nakatakdang tumanggap ng inaugural MTV VMA Artist Director Honors.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #mtvvma #mtv #mtvawards #kpop #lisa #madonna #sabrinacarpenter #taylorswift -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Nilipat ng 1 p.m. (Manila time) ngayong Setyembre 28, ang Round of 16 match nina Pinay tennis superstar Alex Eala at Patcharin Cheapchandej ng Thailand para sa 20th Asian Games sa Japan dahil sa masamang lagay ng panahon.
#net25newsandinformation #asiangames #alexeala #sportsupdate -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Naghain ng petisyon sa Supreme Court si election lawyer Atty. Romulo Macalintal upang kuwestiyunin ang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa petition for certiorari at prohibition, hiniling ni Macalintal na agad isailalim sa raffle ng Korte Suprema ang kaniyang kaso para mabilis itong maaksyunan.
Hiniling din niya sa Supreme Court ang agarang pagpapalabas ng status quo ante order, temporary restraining order, at writ of preliminary injunction.
Layunin ng petisyon na harangin ang dalawang taong pagpapaliban sa BSKE, na orihinal na nakatakdang idaos sa Nobyembre 2. | via Earlo Bringas
📷: Korte Suprema
#net25newsandinformation #bske #marcosadministration #elections #2028halalan #electionperiod -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Sinibak sa pwesto si Pat. Rudolfo Gracioso Jr., na napakilalang dating security aide ni dating House Speaker Lord Allan Velasco kasunod ng kaniyang pahayag sa umano’y pagdadala ng maleta ng mga pera kay Vice President Sara Duterte.
Nahaharap si Gracioso sa kasong tatlong bilang ng grave misconduct. | via Vic Somintac
#net25newsandinformation #pnp #rudolfogracioso #maleta #moneylaundering #gravemisconduct #patrolman #suspension #policenews -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na na-dismiss sa serbisyo si Police Corporal Rodulfo Gracioso Jr., na nagpakilalang dating security aide ni dating House Speaker Lord Allan Velasco at umanong naghatid ng mga maleta ng pera kay Vice President Sara Duterte at sa pamilya Duterte.
Iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation ang mga alegasyon. Ayon sa PNP, may dismissal order laban kay Gracioso dahil sa tatlong counts ng grave misconduct. | via Vic Somintac
#net25newsandinformation #lordallanvelasco #pnp #nbi #rodulfogracioso #gravemisconduct -
NET25
@NET25TV
Itinaas na sa ₱60 kada araw ang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila epektibo noong Sabado, Setyembre 26.
Sa ilalim ng Wage Order No. NCR-28, naging ₱755 kada araw ang sahod ng mga manggagawa sa non-agricultural sector, mula sa ₱695. Para naman sa sektor ng agrikultura at maliliit na negosyo, naging ₱718 kada araw ang minimum wage mula ₱658.
Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaasahang 1.1 milyong manggagawa ang makikinabang sa dagdag-sahod.
📷: PNA
#net25newsandinformation #metromanila #wagehike #sahod #taassahod -
NET25
@NET25TV
WELCOME HOME, MARY JANE!
TINGNAN: Muling nakapagsalu-salo sa hapagkainan ang pamilya Veloso matapos ang halos 17 taon ng pagkakahiwalay dahil sa pagkakakulong ni Mary Jane Veloso sa Indonesia at sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Sa unang araw niya sa kanilang tahanan sa General Mamerto Natividad, Nueva Ecija, muling nakasama ni Mary Jane ang kaniyang ina, mga anak, at iba pang kapamilya.
📷: Save the Life of Mary Jane Veloso/Facebook
#net25newsandinformation #welcomehome #maryjaneveloso #absolutepardon #family -
NET25
@NET25TV
DATE READY NA BA ANG ANAK MO? PARENT CHECK! ✅
#mainfeed!
Parents, ano ang pinakaimportanteng paalala na ituturo ninyo sa anak bago mag-first date? 🤔
Comment na! 🫵🏻
youtu.be/DHv7i1QKMDM -
NET25
@NET25TV
COMELEC, gumastos na ng P8-B para sa BSKE; mga paghahanda at aktibidad, sinuspinde matapos ipagpaliban ang halalan
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/yQiNC48OMVE -
NET25
@NET25TV
Ayon kay Atty. Edre Olalia, abogado ni Mary Jane Veloso, maraming natutunan na skills si Veloso sa kanyang pagkakakulong ng halos 16 na taon. Kaya’t hindi siya nangangamba sa kinabukasan ni Mary Jane.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo -
NET25
@NET25TV
Inanunsiyo ng DOLE na ipinatupad na ang P60 na dagdag sa minimum daily wage sa Metro Manila. Magiging P755 na ang daily minimum age ng mga nasa non-agricultural sector.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #wageincrease
youtu.be/VgUU5hUBFCc -
NET25
@NET25TV
Epektibo na ngayong araw, Setyembre 28, ang taas-pasahe kasunod ng pagtanggal ng DOTr sa fare hike suspension na una nang inaprubahan ng kagawaran noong Marso.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #farehike
youtu.be/m7yqcm4mRPA -
NET25
@NET25TV
Nag-uwi si John Cabang Tolentino ng bronze medal para sa Pilipinas sa 2026 Asian Games sa Japan.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #asiangames
youtu.be/bChYFwoKvKw -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng grupo ng Manibela at LTFRB matapos mapansin ng ilang tsuper na kinukunan umano ng litrato ng mga tauhan ng ahensya ang mga plaka ng mga jeep na nakaparada sa lugar kung saan isinasagawa ang kanilang kilos-protesta. | via Harted Molina
#net25newsandinformation #ltfrb #manibela #kilosprotesta #tensyonThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
EA-LOCKED IN AND READY 🎾🇵🇭
TINGNAN: Naghahanda na si Pinay tennis superstar Alex Eala sa kaniyang 20th Asian Games debut.
Haharap siya sa indoor court ngayong Lunes, Setyembre 28.
📷: POC Media Pool
#net25newsandinformation #alexeala #tennis #sportsnews #phsports #20thasiangames #asiangames2026 #teamalexeala -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Maraming commuter ang nahirapang sumakay sa kahabaan ng Philcoa, Quezon City ngayong Lunes, Setyembre 28, dahil sa ikinasang transport strike ng grupong MANIBELA. | via Harted Molina
#net25newsandinformation #transportstrike #manibela #transportgroups #kilosprotesta #commuter -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Nagsasagawa ng kilos-protesta ang grupong MANIBELA ngayong Lunes ng umaga, Setyembre 28, sa Philcoa, Quezon City.
Bahagi ito ng kanilang tatlong-araw na transport strike na tatagal hanggang Miyerkules, Setyembre 30. | via Harted Molina
#net25newsandinformation #transportstrike #manibela #transportgroups #kilosprotesta #oilprice -
NET25
@NET25TV
BASAHIN: Mariing itinanggi ni Vice President Sara Duterte na kilala niya si Rodulfo Gracioso Jr. at sinabing wala siyang natanggap na pera mula rito.
Tinawag niyang “media stunt” ang affidavit ng dating pulis at sinabing isa umano itong pagtatangka na palakasin ang impeachment case laban sa kaniya.
Sa kasalukuyan, hinihintay ng kampo ng bise presidente ang opisyal na kopya ng affidavit ni Gracioso mula sa National Bureau of Investigation para maisampa ang mga kaso laban dito.
📷: Vice President Sara Duterte
#net25newsandinformation #vpsara #indaysaraduterte #moneylaundering #rodulfogracioso #statement #nbi -
NET25
@NET25TV
BASAHIN: Itinanggi ng kampo ni dating House Speaker Lord Allan Velasco ang alegasyon ng dismissed policemen na si Rodulfo Gracioso Jr. kaugnay sa umano'y paghahatid ng maletang may lamang pera sa ilang miyembro ng pamilya Duterte.
Nauna nang sinabi ni Gracioso na sa utos ni Velasco ay naghatid siya ng mga maletang may pera kina Vice President Sara Duterte, dating Pangulong Rodrigo Duterte, at Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte.
Itinanggi rin ni VP Sara na kilala niya si Gracioso o nakatanggap siya ng pera mula rito. | via Jim Tejano
📷: Allan & Illagan AI Law FB Page
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #allanveloso #hrep #moneylaundering #rodyduterte #pulongduterte -
NET25
@NET25TV
THUNDERSTORM ADVISORY: Makararanas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan ang ilang lugar sa Luzon sa loob ng susunod na dalawang oras, ayon sa PAGASA.
#net25newsandinformation #pagasa #weatherforecast #tagulan #thunderstorm -
NET25
@NET25TV
May rollback!
Inaasahan ang tapyas-presyo sa produktong petrolyo bukas, Sept. 29, 2026. Presyo ng diesel inaasahang mabawasan ng halos P8.00 kada litro
ESTIMATED OIL PRICE ADJUSTMENT
DIESEL: - P7.00-8.00/L
GASOLINE: - P0.00-P1.00/L
KEROSENE: - P5.00-6.00/L
#net25newsandinformation #aspn -
NET25
@NET25TV
Narito na ang #aspn – Ating Sinundang Pangunahing News ngayong Lunes, Sept. 28. 2026:
-US at China, nagpalitan ng akusasyon kaugnay ng resupply mission sa Ayungin Shoal
-Mayor Baste at Trillanes, nakatakdang magharap sa impeachment court
-Mary Jane Veloso, kapiling na ng pamilya sa Nueva Ecija
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=KclpJ8TaV8Q
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1121481560401628 -
NET25
@NET25TV
Binago ng Impeachment Court ang voting threshold sa paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte matapos katigan ng mayorya ng mga senator-judges ang bagong interpretasyon sa bilang ng mga botong kailangan para sa conviction.
Habang iginiit ng kampo ng Bise Presidente na dapat manatili sa 16 ang kinakailangang boto batay sa kanilang pagbasa sa Konstitusyon, naninindigan naman ang korte na ang bagong ruling ay naaangkop lamang sa kasalukuyang kaso.
Paglilinaw sa batas o pagbabagong maaaring makaapekto sa magiging hatol?
📺 Panoorin ang buong detalye sa DATOS — dito lang sa NET25 Online.
#net25newsandinformation #datos #wengdelafuente #saraduterte #impeachmenttrial #senateph #constitutionph #ruleoflaw #philippinepoliticsThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
LINYAHAN NG MGA ASSUMERO'T ASSUMERA, "AKALA KO KASI..." 😂 #maypoint!
Pero paano nga ba maiiwasan ang ganito? Dapat matuto rin tayong magtanong, para 'di puro assume lang nang assume na puwedeng mag-lead to misunderstanding. 😅 Ikaw, kapag may hindi ka sigurado, ano ka? Nagtatanong muna, nag-o-observe o napapa-assume na lang? 🤔 Comment your answers na! 🫵🏻
youtu.be/ZiF1kH0hfAw -
NET25
@NET25TV
ANO ANG MASAMANG EPEKTO NG SOBRANG PAG-INOM NG KAPE?
#mainfeed!
Kape responsibly—huwag gawing energy substitute ang sobrang caffeine. ☕️🫶
Ikaw, gaano ka kadalas umiinom ng kape?
I-comment mo na 'yan! 😂🫵
youtu.be/uejHATOmBX8 -
NET25
@NET25TV
"HINDI SIYA NA-IMPLEMENT DAHIL SA GOBYERNO."
PANOORIN: Iginiit ni Atty. Tony La Viña na hindi naipatupad ang "Solar Para sa Bayan" franchise dahil hindi naglabas ang Department of Energy (DOE) ng implementing rules and regulations at mga lugar kung saan maaaring ipatupad ang franchise.
Ayon kay La Viña, non-exclusive ang franchise na ipinagkaloob ng Kongreso at awtomatikong na-revoke makalipas ang dalawang taon dahil hindi ito naipatupad.
Iginiit ni La Viña na hindi pananagutan ni Leandro Leviste at ng kaniyang kompanya ang pagka-revoke ng franchise.
📹: Loren Legarda/Facebook
#net25newsandinformation #lorenlegarda #leandroleviste #tonylavina #solarprojects #allegations -
NET25
@NET25TV
Mata ng Agila Weekend - September 26, 2026 www.youtube.com/live/P9CgyCcjgDA via @YouTube
-
NET25
@NET25TV
PAMILYA NI VELOSO DUMATING NA
Alas-12:05 ng madaling araw, dumating sa Correctional Institution for Women (CIW) ang pamilya ni Mary Jane Veloso, kasama ang ilang tauhan ng Nueva Ecija LGU.
Sakay ng isang coaster ang grupo nang dumating sa CIW, kasunod ng pagkakaloob kay Veloso ng Absolute Pardon at release order.l via jimbo tejano
#net25newsandinformation -
NET25
@NET25TV
MARY JANE VELOSO UPDATE
Matapos matanggap ni Mary Jane Veloso ang kopya ng Absolute Pardon at release order, inaasahang anumang oras ngayong gabi ang pagdating ng kanyang pamilya sa Correctional Institution for Women (CIW).
Bantay-sarado ng mga awtoridad ang bisinidad ng CIW habang hinihintay ang pagdating ng pamilya ni Veloso para sa kanyang tuluyang paglabas.l via jimbo tejano
#net25newsandinformation -
NET25
@NET25TV
LOCAL ARTIST, SUMIKAT ANG OBRA SA INTERNATIONAL STAGE! 🎨🌏
Kilalanin dito sa #lovetonipetandeverythaaang si Omar Flores, isang artist na kilala sa kanyang natatanging Line Series na nakilala na rin sa international stage! ✨ Tunghayan ang kanyang kuwento, mga pagsubok na kinaharap, at ang patuloy niyang pag-abot sa pangarap bilang isang artist na talaga namang #proudlynoypi! 🇵🇭🎨
youtu.be/NjSuBdrvmJM -
NET25
@NET25TV
"WALANG BINULSA SI SEN. LEGARDA AT REP. LEVISTE."
PANOORIN: Iginiit ni Atty. Tony La Viña, tagapagsalita nina Sen. Loren Legarda at Rep. Leandro Leviste, na walang government funds na kinuha o binulsa ang mag-ina.
Ayon kay La Viña, walang plunder o pagkuha ng pondo ng gobyerno sa alinman sa mga proyektong iniuugnay sa kanila.
📹: Loren Legarda/Facebook
#net25newsandinformation #lorenlegarda #leandroleviste #tonylavina #solarprojects #allegations -
NET25
@NET25TV
"THEY HAVE NOT COMMITTED ANY CORRUPT ACTS."
PANOORIN: Iginiit ni Atty. Tony La Viña, spokesperson nina Sen. Loren Legarda at Rep. Leandro Leviste, na walang ginawang corrupt act ang mag-ina na sina Legarda at Leviste.
Ayon kay La Viña, walang government funds na ginamit para sa mga proyekto ni Leviste at walang ₱24 bilyon o ₱10 bilyong financial obligation si Leviste. Iginiit din niyang hindi nakialelam si Legarda sa mga negosyo ng kaniyang anak maliban bilang ina.
Ang pahayag ay kasunod ng patuloy na imbestigasyon ng Ombudsman kaugnay ng mga alegasyon sa solar energy projects nina Legarda at Leviste.
📹: Loren Legarda/Facebook
#net25newsandinformation #lorenlegarda #leandroleviste #tonylavina #solarprojects #allegations -
NET25
@NET25TV
"MAGING MAPAGMATYAG KAYO"
PANOORIN: Sinabi ni Senador Robin Padilla na anumang kasong inirereklamo laban sa kaniya ay handa siyang harapin.
Hiling pa ng senador sa media ay maging mapagmatyag. Ayon pa kay Padilla, reschedule ang preliminary hearing kaugnay sa kaniyang kaso.| via Madelyn Villar-Moratillo
#net25newsandinformation #robinpadilla #senate #hearing #investigation -
NET25
@NET25TV
NO FUNDS WERE LOST
BASAHIN: Nilinaw ng Office of the Vice President (OVP) na ang binanggit sa Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Funds Audit Report ay nauukol sa mga kakulangan sa ilang partikular na "pre-operation" documentary requirements na itinakda mismo ng OVP bilang bahagi ng mga internal na pamamaraan nito, at hindi mga kinakailangan na ipinataw ng anumang batas o regulasyon ng Commission on Audit (COA).
Anila, walang mga pondong nawala. Gayundin, ang relief operations ay aktuwal na isinagawa, at ang mga benepisyaryo ay naitala at na-validate batay sa mga available na supporting documents at field records na isinumite sa COA Audit Team.
📷: Office of the Vice President/Facebook
#net25newsandinformation #kamara #kongreso #congress #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #ovp -
NET25
@NET25TV
BREAKING NEWS: Inabangan si Senador Robin Padilla ng kaniyang mga taga-suporta sa Department of Justice (DOJ) ngayong Biyernes, Setyembre 25, para sa preliminary investigation sa isinampang kasong obstruction of justice laban sa kaniya.
Dahil dito, isinara na ng mga awtoridad ang Faura St. | via Madelyn Villar-Moratillo
#net25newsandinformation #robinpadilla #senate #hearing #investigation -
NET25
@NET25TV
THERE'S NO MAJORITY AND MINORITY IN THE IMPEACHMENT COURT
PANOORIN: Sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na pagdating sa impeachment court, wala umanong minority o majority. Tugon ito ng senador nang tanungin kung mananatili sa minority si Sen. Mark Villar matapos nitong bumoto pabor sa pagbaba ng vote threshold ng impeachment.
Hangad pa rin aniya ni Cayetano na muling mabuo ang grupo ng minority senators kahit batid nitong ang ilan nilang miyembro ay may mga kinakaharap na sulinarin.
📹: Arnel Verdan Jr.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
DOUBLE GOLD FOR YULO! 🥇🥇
TINGNAN: Nasungkit ni Olympic two-time medalist Carlos Edriel Yulo ang kaniyang ikalawang gold medal sa 20th Asian Games.
Nanguna si Yulo sa men’s vault final matapos makakuha ng 14.599 puntos.
📷: POC Media
#net25newsandinformation #carlosyulo #20thasiangames #gymnastic #mensvault -
NET25
@NET25TV
BREAKING NEWS: Dumating si Senador Robin Padilla sa Department of Justice (DOJ) ngayong Biyernes, Setyembre 25, para sa preliminary investigation sa isinampang kasong obstruction of justice laban sa kaniya. | via Madelyn Villar-Moratillo
#net25newsandinformation #robinpadilla #senate #hearing #investigation -
NET25
@NET25TV
Handang tumestigo si dating House Speaker Martin Romualdez sa kaniyang plunder case sa Sandiganbayan Third Division, ayon sa kaniyang abogado na si Atty. Ade Fajardo.
Ayon kay Fajardo, nais ni Romualdez na personal na ipagtanggol ang kaniyang sarili sa korte at siya ang magiging pangunahing testigo ng depensa.
Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y P7.44 bilyong kickback mula sa mga infrastructure project ng pamahalaan. Itinanggi naman niya ang mga paratang at nagpasok ng not guilty plea.
📷: Sandiganbayan Pool
#net25newsandinformation #martinromualdez #notguilty #testimony #plundercase #investigation #floodcontrol #infrastructureprojects #kickback -
NET25
@NET25TV
HEADING TO THE FINALS 🏀 🇵🇭
SPORTS UPDATE: Umusad ang Gilas Pilipinas Women sa championship round ng 3x3 basketball event ng 20th Asian Games ngayong Biyernes, Setyembre 25.
Natalo ng Gilas ang Thailand sa score na 13-8.
Makakalaban nila ang Japan sa finals round mamayang 7 p.m. (6 p.m., Manila time).
📷: Philippine Olympic Committee
#net25newsandinformation #poc #gilaspilipinas #gilaswomen #basketball #sportsnews -
NET25
@NET25TV
Pansamantalang nakalaya si Lakambini Chiu, kapatid ng actress na si Kim Chiu, nang makapagpiyansa ng ₱5.6 milyon nitong Miyerkules, Setyembre 24, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology.
Apat na gabi siyang nakadetine matapos maaresto noong Linggo, Setyembre 20 kaugnay ng ₱44.4-milyong qualified theft case na isinampa ni Kim.
Ibinaba mula ₱5.8 milyon ang kaniyang piyansa dahil sa kahilingan ng kaniyang legal team at gumamit ng surety bond para sa kaniyang paglaya.
Dumalo si Kim sa arraignment ng kaniyang ate sa Quezon City Hall of Justice, habang virtual namang dumalo si Lakambini.
Sinabi ni Kim na nasasaktan siya sa nangyari ngunit hinahayaan niyang umusad ang legal na proseso kaugnay ng mga alegasyon sa kanilang joint venture na House of Little Bunny Philippines, Inc.
📷: QCPD PIO -
NET25
@NET25TV
Presyo ng LPG, inaasahang tataas nang P10 hanggang P15 per kilo sa Oktubre, ayon kay Arnel Ty, LPG Marketers Founder.
| Ano Sa Palagay N’yo? #net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/ZXhdULYhFdY -
NET25
@NET25TV
Industriya ng pelikuka sa bansa masasabing may sakit ayon kay Direk Joey Reyes, CEO ng FDCP. Presyo ng ticket sa sinehan, isa sa nagiging hamon sa industriya.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/aPEKLmwBaHo -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Dinumog ng tao si Senador Robin Padilla pagdating niya sa Department of Justice (DOJ) ngayong Biyernes, Setyembre 25, para sa preliminary investigation sa isinampang kasong obstruction of justice laban sa kaniya.
Dahil dito, isinara na ng mga awtoridad ang Faura St. Sa Maynila l via @madzvillar
#net25newsandinformation -
NET25
@NET25TV
Ihahaharap ng prosekusyon ang 96 na testigo laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #martinromualdez #96testigo #prosekusyon
youtu.be/u3ebrmAmXmU -
NET25
@NET25TV
Ibinahagi ni Lito Banayo ang kanyang pananaw sa impeachment process at mga kasong kinakaharap ni VP Sara, pati ang posibleng epekto ng mga hakbang ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan. #net25newsandinformation #resbak #litobanayo #impeachmentprocess #vpsaraduterte
-
NET25
@NET25TV
“Produkto ng malisyosong intensyon” —ganito inilarawan ni Atty. Sal Panelo ang naging desisyon ng impeachment court na ibaba ang conviction threshold sa impeachment trial ni VP Sara Duterte.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo -
NET25
@NET25TV
Mas matagal na paghihintay sa mga bus ang nararanasan ng mga commuter sa PITX dahil nabawasan ang mga bumibiyaheng bus.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #pitx #bus #commuters
youtu.be/din38lkXP7g -
NET25
@NET25TV
WALANG ACTIVE SHOOTING
PANOORIN: Kinumpirma ni Principal Ferazim "Bong" Dannug ng Caloocan High School na walang naganap na active shooting sa kanilang eskwelahan.
Nagpaabot rin ng pasasalamat si Dannug sa mabilis na pagresponde ng PNP Caloocan.
📹: Bong Dannug/Facebook
#net25newsandinformation #schoolshooting #shooting #student #teacher #schoolsafetyThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
BREAKING: Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagtatakda na sa taong 2028 gaganapin ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro.
Sa ilalim ng Republic Act No. 12326, itinakda rin sa limang taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan. | via Madelyn Villar-Moratillo
#net25newsandinformation #bske #marcosadministration #elections #2028halalan #electionperiod -
NET25
@NET25TV
BREAKING NEWS: Kinumpirma mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nilagdaan na niya ang absolute pardon para kay Mary Jane Veloso. | via Madelyn Villar-Moratillo
📷: Reuters
#net25newsandinformation #pbbm #marcosadministration #bongbongmarcos #maryjaneveloso #absolutepardon -
NET25
@NET25TV
96 TESTIGO LABAN KAY ROMUALDEZ
NEWS UPDATE: Sinabi ng prosecution na may 96 testigo silang ipipresinta sa Sandiganbayan laban kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay sa kasong plunder.
Isa sa mga posibleng iharap na testigo laban sa mambabatas ay si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Kaugnay nito, 23 sa mga testigo ang ihaharap ng prosecution sa bail hearing na magsisimula sa Oktubre 12. Habang may 40 testigo namang ihaharap ang depensa. | via TJay Mendoza
📷: Sandiganbayan Pool
#net25newsandinformation #martinromualdez #plunder #plundercase #bailhearing #investigation #sandiganbayan #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
WALANG POSAS PERO NAKA-WHEELCHAIR
PANOORIN: Kapansin-pansin na walang posas at naka-wheelchair pa rin si dating House Speaker Rep. Martin Romualdez sa kaniyang pagdalo via video conference sa pre-trial hearing ngayong Biyernes, Setyembre 25.
Nahaharap sa kasong plunder si Romualdez kaugnay ng maanomalyang flood control projects. | via TJay Mendoza
📹: Sandiganbayan Pool
#net25newsandinformation #martinromualdez #plunder #floodcontrolproject #sandiganbayan #investigation -
NET25
@NET25TV
Kilalanin ang "Power 4" ng NET25 Primetime na kinabibilangan nina Atty. Harold Respicio, Atty. Mike Operario, Atty. Rowena Guanzon, at Atty. Ed Chico, na maghahatid ng mga bagong programa gabo-gabi mula Lunes hanggang Biyernes simula ngayong Oktubre sa NET25.
#net25newsandinformation #net25primetime #newshows #power4
youtu.be/5qmi5gaorFc -
NET25
@NET25TV
"PINIRMAHAN KO NA."
BREAKING NEWS: Kinumpirma mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpirma sa absolute pardon para kay Mary Jane Veloso. | via Madelyn Villar-Moratillo
📹: MPC Pool
#net25newsandinformation #pbbm #marcosadministration #bongbongmarcos #maryjaneveloso #absolutepardon -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Dumating na sa Senado si DPWH Sec. Vince Dizon para sa budget deliberations ng ahensya para sa 2027. | via Mar Gabriel
#net25newsandinformation #dpwh #budgetdeliberations #2027nep -
NET25
@NET25TV
May ₱311.4 bilyong pondo umano para sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na hindi pa nailalabas ng national government, ayon kay Bataan Rep. Albert Garcia.
Sa halagang ito, ₱199.44 bilyon ang sinabing hindi pa naia-appropriate mula sa mandatory funding, kabilang ang ₱133.22 bilyon mula sa sin tax collections at ilang bilyon pa mula sa iba't ibang ahensya. May ₱112.04 bilyon din umanong na-appropriate na ngunit hindi pa nailalabas.
Ibinahagi ito ni Garcia habang tinatalakay sa Kamara ang 2027 budget para sa health sector. Sa 2027 budget proposal, ₱74.45 bilyon ang nakalaan para sa PhilHealth, mas mababa sa ₱376 bilyong hiningi ng state insurer.
#net25newsandinformation #philippines #philhealthyourpartnerinhealth #congress #healthcare #budget -
NET25
@NET25TV
Maagang nagbow-out ang Pinay tennis superstar na si Alex Eala sa Singapore Tennis Open matapos siyang talunin ni World No. 189 Tatiana Prozorova, 6-4, 5-7, 3-6.
Nakuha ni Eala ang unang set, ngunit nakabawi si Prozorova sa sumunod na dalawang set para makuha ang panalo.
Gayunpaman, tututok naman si Eala sa kaniyang pagsabak sa Asian Games bilang kinatawan ng Pilipinas.
📷: WTA
#net25newsandinformation #singaporetennisopen #wta #alexeala #tennis #sportsnews #teamphilippines #teamalexeala -
NET25
@NET25TV
Kasama sa mga naaresto sa New York ang Hollywood star na si Susan Sarandon at “Hacks” actress na si Hannah Einbinder habang binubuwag ng pulisya ang mga nagoprotesta laban kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Mahigit 100 katao umano ang nahuli matapos magsagawa ng mass sit-in ang mga nagpoprotesta sa labas ng United Nations.
Ayon sa New York Police Department, ilang beses binabalaan ang mga kalahok na umalis dahil hinaharangan nila ang isang intersection ngunit hindi umano sila sumunod.
Organisado ng Jewish Voice for Peace ang protesta na nananawagan na itigil ang digmaan ng Israel at Gaza.
📷: AFP
#net25newsandinformation #israel #gazacrisis #palestinelivesmatter #explosion #death -
NET25
@NET25TV
Tinanggal na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang ban sa Discord, wala pang 24 oras matapos itong ipatupad.
Kasunod ito ng pag-uusap ng mga ahensya at mga opisyal ng platform tungkol sa online safety ng mga bata.
Ayon sa DICT, nangako ang Discord na makikipagtulungan sa mga awtoridad at magbibigay ng “green lane” para mabilis na matukoy at mabantayan ang mga gumagamit sa platform.
Matapos ang panandaliang ban, umani ng batikos ang DICT at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) dahil naapektuhan din ang mga lehitimong gumagamit ng platform, kabilang ang mga nagtatrabaho online.
#net25newsandinformation #dict #ban #discord #cicc #kidssafety #onlinesafety -
NET25
@NET25TV
ROMUALDEZ BILANG WITNESS?
NEWS UPDATE: Haharap si dating House Speaker Martin Romualdez bilang isa sa mga testigo ng depensa para sa kasong plunder na kinahaharap niya sa Sandiganbayan na nag-ugat sa kickback scheme ng maanomalyang flood control projects.
Bukod kay Romualdez, posibleng iharap din ng depensa bilang testigo ang mga tinaguriang maleta boys na nag-recant o bumaligtad sa kanilang unang testimoniya, kabilang na rin si Orly Guteza. | via Tjay Mendoza
#net25newsandinformation #martinromualdez #recant #affidavit #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
YELLOW ALERT SA VISAYAS GRID
Itataas sa yellow alert ang Visayas grid ngayong Biyernes, Setyembre 25, simula 4 p.m. hanggang 8 p.m.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nananatiling limitado ang operasyon ng mga planta sa rehiyon habang ang patuloy na tumataas ang demand sa supply ng kuryente.
📷: NGCP
#net25newsandinformation #ngcp #yellowalert #visayasgrid #kuryente #electricity -
NET25
@NET25TV
Kinuwestyon ni Lito Banayo ang umano’y kawalan ng malinaw na lohika sa mga hakbang ng Malacañang kaugnay ng sitwasyon ni VP Sara Duterte.
#net25newsandinformation #resbak #litobanayo #malacañang #vpsaraduterte
youtu.be/z5lkz1Wb8kc -
NET25
@NET25TV
Isang nakakaaliw na late-night show para sa Gen Z ang inihahanda ng NET25 Primetime. Malapit niyo nang makilala at mapanood ang bagong host na maghahatid ng magaan at masayang kwentuhan.
#net25newsandinformation #net25primetime #newshow
youtu.be/iiee8eAn1gk -
NET25
@NET25TV
CAREER CHECK: NASA TAMANG WORK KA BA? 💼 #hearmeout!
Kaya bago sabihin na “Ito na ang career ko!”, baka kailangan munang tanungin ang sarili: Ano ba talaga ang importante sa akin sa isang trabaho? 👀 Para sa 'yo, ano ang pinakaimportante sa career para masabi mong nasa perfect work o job ka na? 💭
youtu.be/HpDWD1-l6Vo -
NET25
@NET25TV
Patuloy na tumitindi ang labanan sa Yemen habang nananatiling aktibo ang armadong grupong Houthi, na nagdudulot ng panganib sa pandaigdigang kalakalan at pagpapadala.
#matangagilainternational #yemen #houthis #globaltrade #redsea
youtu.be/D2-xNNtX3CU -
NET25
@NET25TV
Nasungkit ni Carlos Yulo ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 2026 Asian Games matapos manguna sa men’s floor exercise sa Japan.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #carlosyulo #asiangames2026 #teamphilippines
youtu.be/OWb8Q5c6opM -
NET25
@NET25TV
Ayon sa PAGASA, posibleng umabot sa 'very strong category' ang El Niño pagsapit ng Oktubre at magdulot ng mas kaunting pag-ulan sa mga susunod na buwan.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #elnino #pagasa #panahon
youtu.be/bf_M2tgW6iw -
NET25
@NET25TV
Sa wakas may rollback!
Inaasahang magkakaroon ng rollback sa presyo ng langis sa susunod na linggo kasunod ng pagbaba ng presyo ng krudo sa world market.
DIESEL: - P7.40/L
GASOLINE: -P1.80/L
KEROSENE: -P6.70/L
#net25newsandinformation #aspn -
NET25
@NET25TV
Oras na para tumutok sa #aspn ngayong Biyernes, Sept. 25, 2026 para sa maiinit at latest na balita:
- Bagong ruling ng impeachment court sa conviction threshold, hinamon ng Korte Suprema
- Ilang paaralan sa Metro Manila at Eastern Visayas, nabiktima ng banta sa seguridad
- Carlos Yulo, nakuha ang unang gold medal ng Pilipinas sa 20th Asian Games
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=TkTuAkHEecc
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/4528801540702797 -
NET25
@NET25TV
Siomai na budget-friendly? Kaya ’yan! 🥟
Dahil isa ang siomai meal sa mga budget meals na dati nilang inaalok, tuturuan tayo ni Mommy Julie Dela Vega ng isang simple at sulit na recipe gamit ang Dodram Luncheon Meat. 👀
Isang budget-friendly recipe na puwedeng subukan sa bahay! 🤤
#net25 #net25entertainment #lte #kabarangaycook #dodram #luncheonmeat #siomai #budgetmeal #budgetrecipe
youtu.be/miCEOSe6p2I -
NET25
@NET25TV
Tinalakay ni Lito Banayo ang criminal case laban kay VP Sara kaugnay ng grave threats at ang tanong kung may ibang motibo sa likod nito. #net25newsandinformation #resbak #litobanayo #vpsaraduterte #gravethreats
www.youtube.com/watch?v=KmsMPaB6BFU -
NET25
@NET25TV
Mata ng Agila Primetime - September 24, 2026 www.youtube.com/live/cw8PBFaz15s via @YouTube
-
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Inalis na ang ban sa Discord, ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
#net25newsandinformation #cicc #discord #headquarters #banned #safety #security -
NET25
@NET25TV
Nanguna ang Meta Muse at nilagpasan nito ang ChatGPT bilang leading free AI app sa Apple App Store at Google Play Store sa Estados Unidos at Canada matapos itong ilunsad.
Ang Muse ay isang AI agent na maaaring gamitin sa pagkumpleto ng tasks gaya ng shopping, travel-booking, at pag-fill out ng forms. Ayon sa Sensor Tower, umabot na sa 2.8 milyon ang downloads nito sa loob ng dalawang linggo.
Kasabay ng pagtaas ng Muse users, nabahala naman ang ilang investor sa posibleng epekto nito sa iba't ibang sektor gaya ng finance, travel, fitness, at online services.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #worldnews #artificialintelligence #aitools #metamuse #meta #muse -
NET25
@NET25TV
THUNDERSTORM ADVISORY: Makararanas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng Zambales, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Laguna, Batangas, Quezon, at Cavite sa loob ng susunod na dalawang oras, ayon sa PAGASA.
#net25newsandinformation #thunderstorm #tagulan #weatherupdate -
NET25
@NET25TV
Pansamantalang isinara ang Colosseum sa Rome, Italy ngayong Huwebes, Setyembre 24 kasunod ng pagkamatay ng isang trabahador habang nagtatrabaho sa loob ng gusali.
Kinilala ang nasawi na isang 22-anyos na technician na nahulog habang naglalagay ng bagong lighting system.
Dahil sa insidente, suspendido rin ang lahat ng maintenance at construction work sa Colosseum habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #colosseum #rome #italy #worker #technician #accident #workaccident #nowork -
NET25
@NET25TV
Nakapagtala ng 99.9% accuracy rate ang Random Manual Audit (RMA) sa BARMM parliametary election ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Batay sa audit sa 21 sample clustered precincts, umabot sa 100% ang accuracy rate para sa regional parliament political party at sectoral group parliament members, habang 99.99% naman para sa parliament district representatives.
Isinagawa ang unang BARMM parliamentary elections noong Setyembre 14, na may 84.34% voter turnout o 2,018,478 sa 2.393 milyong rehistradong botante.
📷: PNA
#net25newsandinformation #comelec #barmm #barmmparliament #election2026 -
NET25
@NET25TV
Nasugatan ang dalawang sundalo ng Philippine Army na tinambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sakay ng motorsiklo sa Davao-Cotabato National Highway sa Barangay Ladia, Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte, nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 23.
Kinilala ang dalawang sundalo na mga miyembro ng 7th Infantry Battalion. Ayon sa pulisya, sinundan umano ng dalawang suspek sakay ng motorsiklo ang mga sundalo bago sila pagbabarilin.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga suspek at motibo sa insidente.
📷: PRO BAR
#net25newsandinformation #policenews #military #shooting #pamamaril -
NET25
@NET25TV
"SHE ASKS FOR NOTHING SPECTACULAR FROM THIS COURT ONLY THE MOST ESSENTIAL AND BASIC GUARANTEES DUE TO EVERY INDIVIDUAL, FAIRNESS AND IMPARTIALITY."
PANOORIN: Nagbigay ng manifestation si lead defense counsel Atty. Sheila Sison matapos baguhin ng impeachment court ang 16-vote threshold para ma-convict si Vice President Sara Duterte sa ika-29 araw ng impeachment trial kahapon, Miyerkules, Setyembre 23.
Iginiit ni Sison na hindi umiiwas sa pananagutan o kinatatakutan ni VP Sara ang magiging resulta ng impeachment trial. Aniya, ang hinihingi lamang umano ng panig ng depensa ay ang pagiging patas at walang kinikilingang paglilitis.
Sinabi rin niyang nakalaan sa panig ng Bise Presidente ang karapatang gamitin ang lahat ng legal na hakbang na ayon sa batas at Konstitusyon.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #impeachmenttrial #impeachment #investigationThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
MABILIS KA BANG MAGDESISYON SA LAHAT NG BAGAY O SITUWASYON? ✨
#maypoint!
I-share mo naman kung anong decision-making type of person ka? 🤔
Just comment below! 👇🏻
youtu.be/PyZvM7_uFsM -
NET25
@NET25TV
WINNING MOMENT UNLOCKED! 🎉 #mainfeed!
Big win, big journey, and now… time to hear their story! 👀✨ Masters of the World 2026 winners Chester Petate and Ian Howell Dingal visit Kada Umaga to get to know the men behind the titles and talk about their unforgettable pageant journey. Ano nga ba ang naging journey bago marating ang winning moment? What did they learn along the way? 🏆👑
youtu.be/z4Fe2j5oCrE -
NET25
@NET25TV
Target ng Department of Energy na maipatupad bago matapos ang 2026 ang paggamit ng 250-megawatt battery energy storage system at power barges. Inaasahang makatutulong ito para mabawasan ang insidente ng red at yellow alert sa ilang bahagi ng bansa.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/EIwn6dcgnIU -
NET25
@NET25TV
Pagtaas ng antas ng pamumuhay ng pamilya, nakikitang isa sa mga benepisyo ng epektibong family planning. Tinalakay ito sa #aspn bilang bahagi ng paggunita sa World Contraceptive Day ngayong Setyembre 26, 2026.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Huling namataan ang Bagyong Queenie sa layong 1,310 km Silangan ng Northern Luzon, ayon sa PAGASA. May dala itong hangin na 75 km/h at pagbugsong umaabot ng 90 km/h.
Bagama’t patuloy itong kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 35 km/h, wala pa itong direktang epekto sa lagay ng panahon sa bansa.
Sa forecast track, posibleng lumakas at maging isang ganap na typhoon category ang bagyo sa Linggo, Setyembre 27.
📷: DOST-PAGASA
#net25newsandinformation #pagasa #queenieph #bagyo #weatherforecast -
NET25
@NET25TV
Kinilala ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. si Police Senior Master Sergeant Shelvib Cabug na nasawi matapos sagasaan ng sasakyan sa checkpoint habang on duty sa Jimenez, Misamis Occidental.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa pamilya ni Cabug.
Ayon kay Nartatez, tinatanaw ng PNP ang sakripisyo ni Cabug na nagbuwis ng buhay habang ginagampanan ang kaniyang tungkuling protektahan ang mga mamamayan at isulong ang kapayapaan at kaayusan. | via Vic Somintac
📷: PCADG Northern Mindanao
#net25newsandinformation #pnp #policenews #roadcrash #roadaccident #accident #death -
NET25
@NET25TV
Binawi ng Kamara ang ruling nito na nagdeklarang “out of order” sa motion for reconsideration ni Navotas lone District Rep. Toby Tiangco na muling buksan ang deliberasyon ng budget ng House of Representatives nitong Setyembre 17. Inaprubahan ito noong Miyerkules matapos magsumite si Tiangco ng motion for reconsideration noong Lunes. Bago ang desisyon, nagkaroon ng palitan ng argumento ang mambabatas at si Deputy Speaker Janette Garin tungkol sa rules sa motion for reconsideration.
Ayon kay Garin, maaari lamang itong ihain ng miyembrong bumoto kasama ng majority.
Samantala, sinabi ni Tiangco na kahit muling buksan ang deliberasyon sa budget, maaari pa rin itong hindi maaprubahan dahil nakadepende ito sa boto ng majority.
#net25newsandinformation #kamara #hrep #2027nep #nationalbudget #outoforder #budgetdeliberations -
NET25
@NET25TV
Nahatulan ng International Criminal Court (ICC) ang dating general ng Seleka militia sa Central African Republic na si Mahamat Said Abdel Kani ng crimes against humanity, kabilang ang torture.
Ayon sa mga prosecutor, pinamunuan umano ni Said ang isang kulungan kung saan binubugbog at tinotorture ang mga pinaghihinalaang tagasuporta ng dating Pangulong Francois Bozize. Itinanggi naman niya ang lahat ng paratang.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #worldnews #crimenews #crime #icc #crimesagainsthumanity -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang dalawang sundalo matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Davao-Cotabato Road, Brgy. Ladia, Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte pasado alas-6 ng gabi noong Setyembre 23.
Kinilala ang mga biktima na kapwa miyembro ng 7th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, hinabol umano ang dalawang sundalo ng dalawang suspek na sakay ng puting motorsiklo bago sila pinaputukan. Narekober sa lugar ang tatlong basyo ng bala mula sa caliber .45 na baril.
Agad silang isinugod sa ospital ngunit pareho silang namatay bago makarating sa Cotabato Regional Medical Center. | via Ely Dumaboc
#net25newsandinformation #shootingincident #maguindanaodelnorte -
NET25
@NET25TV
Sabay-sabay na naglayag sa West Philippine Sea ang 11 barko mula sa walong bansa bilang bahagi ng maritime security activity ng ASEAN Defense Ministers’ Meeting-Plus (ADMM-Plus).
Kabilang sa mga lumahok ang mga barko mula sa Pilipinas, Estados Unidos, Australia, Japan, New Zealand, India, Singapore, at Brunei.
Isinagawa rin ang iba’t ibang exercises gaya ng search and rescue, medical evacuation, at pagtulong sa grounded oil tanker.
Pilipinas at Japan ang co-chairs sa aktibidad na nakatuon sa pagpapalakas ng maritime security, cooperation, at readiness ng mga kalahok na bansa.
📷: PNA
#net25newsandinformation #wps #westphilippinesea #philippines #unitedstatesofamerica #usa #australia #maritimesecurity #maritime -
NET25
@NET25TV
CONGRATULATIONS, NEU!
Kinilala ng Professional Regulation Commission (PRC) ang New Era University bilang isa sa Top Performing Schools sa August at September 2026 Nurses Licensure Examination (NLE) na may 50 - 99 examinees at may 85& passing percentage.
Kabilang din sa listahan ang West Visayas State University-La Paz at Silliman University.
📷: PRC
#net25newsandinformation #prc #newerauniversity #neu #nursing #pnle #topperformingschool #philippines -
NET25
@NET25TV
Napagdesisyunan ng Senate impeachment court na ibaba sa 14 na boto ang kailangan para mahatulan si Vice President Sara Duterte.
Sa botong 13 pabor, isang tumutol, at anim na hindi lumahok, napagdesisyunan ng senator-judges na hindi isasama sa bilang ang mga senador na hindi legal o pisikal na makalalahok sa impeachment proceedings.
Dahil dito, 20 senador na lamang ang pagbabatayan sa botohan, kaya 14 na boto ang kailangan.
Taliwas ito sa naunang ruling ng korte noong Hulyo 6 at nakasaad sa Konstitusyon, na nagtakda ng 16 na boto para mahatulan ang isang impeachable official. Ito ay katumbas ng two-thirds ng 24 na miyembro ng Senado.
#net25newsandinformation #senate #impeachment #votingthreshold #indaysaraduterte -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: As of 7 a.m., nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Surigae ngayong Huwebes, Setyembre 24.
Tatawagin itong “Queenie,” ang ika-17 bagyo na naitala ng PAGASA ngayong taon.
📹: PAGASA
#net25newsandinformation #surigae #queenieph #bagyo -
NET25
@NET25TV
Tiniyak ng kampo ni Vice President Sara Duterte na gagawin nila ang lahat ng legal remedies kasunod ng desisyon ng Senate impeachment court na ibaba ang bilang ng boto para mahatulan ang Bise Presidente.
Ayon kay defense counsel Atty. Michael Poa, posibleng dalhin nila sa Korte Suprema ang usapin at humingi ng temporary restraining order (TRO). Iginiit ni Poa na dapat manatili sa 16 na boto ang threshold para sa conviction, alinsunod sa naunang ruling sa impeachment trial noong Hulyo 6.
Aniya, ang pagbabago ng threshold sa gitna ng paglilitis ay maaaring magdulot ng usapin sa due process. Wala pang itinakdang petsa ang defense team sa posibleng paghahain ng petisyon dahil kailangan muna nila itong pag-usapan kasama si Vice President Sara Duterte.
📷: Senate
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #supremecourt #kortesuprema #vpsara #conviction #tro #votingthreshold -
NET25
@NET25TV
U.S. 🤝 CHINA
TINGNAN: Personal na sinalubong ni U.S. President Donald Trump at ng kaniyang asawang si Melania Trump si Chinese President Xi Jinping at ang kaniyang asawa sa Washington ngayong Huwebes, Setyembre 24 (Manila time) para sa tatlong araw na state visit.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #usa #china #statevisit #bilateralrelations -
NET25
@NET25TV
Dead on the spot ang isang 15-anyos na lalaki at 41-anyos na babae matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa bahagi ng Quirino Highway, Brgy. 181, North Caloocan City.
Sa inisyal na imbestigasyon, pasakay umano ng jeep na biyaheng Malaria ang babaeng biktima nang mangyari ang pamamaril.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang suspek at motibo sa krimen. | via Jim Tejano
📷: Contributed
#net25newsandinformation #crimenews #policenews #caloocannorth #shootingincident -
NET25
@NET25TV
Hiniling ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC na tanggihan ang naunang testimonya ni witness P-1100 bilang ebidensya sa kanyang kaso.
#matangagilainternational #rodrigoduterte #icc #p1100 #dutertedefense
youtu.be/ddwyvojle5o -
NET25
@NET25TV
Narito na ang mga latest na balita sa #aspn ngayong Huwebes, Sept. 24, 2026:
-Rep. Tinio, giniit na may iba pang ‘big fish’ sa flood control scandal
-Voting threshold sa impeachment trial, ibabase sa bilang ng lumalahok sa paglilitis
-Malacanang, ikinukunsiderang bigyan ng absolute pardon si Mary Jane Veloso
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=TKAyEiaZ-Q0
FB: www.facebook.com/watch/live/?v=1583489883246696 -
NET25
@NET25TV
Nagbabala si Tom Siegel, dating pinuno ng Trust and Safety team ng Google, na maaaring magdulot ang artificial intelligence ng mas malaking panganib sa mga kabataan kaysa social media.
#matangagilainternational #ai #tomsiegel #aisafety #socialmedia
youtu.be/AmmWQkrPVVI -
NET25
@NET25TV
Nagbanta si U.S. President Donald Trump na maaaring wasakin ang Iran kapag bigong magkasundo sa negosasyon para wakasan ang digmaan sa Gulf Region.
#matangagilainternational #trump #iran #unga #usiran
youtu.be/1cLl9GbqMFg -
NET25
@NET25TV
Patuloy na iniuugnay ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa flood control scandal matapos itong mabanggit sa imbestigasyon ng BRC kaugnay ng mga alegasyon ng korapsyon.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #pbbm #floodcontrol #corruption -
NET25
@NET25TV
Pinaboran ng Senate impeachment court na maibaba ang voting threshold para sa conviction sa impeachment trial ni VP Sara.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime youtu.be/WUun1BVM9w4 -
NET25
@NET25TV
Inihalintulad ni Sen. Alan Cayetano sa spaghetti ang impeachment trial sa ika-29 na araw ng paglilitis.
#net25newsandinformation #saganangmamamayan #alancayetano #impeachmenttrial #vpsaraduterte
youtu.be/QFmbA6_YD_I -
NET25
@NET25TV
Nag-partner ang Dr. Care at Security Bank para sa “Franchise Now, Pay Later” program na nag-aalok ng financing opportunity sa qualified healthcare entrepreneurs.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #drcare #securitybank #healthcareentrepreneurs
youtu.be/9YJDJobRW0Y -
NET25
@NET25TV
Nasubukan mo na ba ang Sayul Giyataan? 👀
Sa #lasanglokal, ipinakita ni Chef Richgail “RG” Enriquez-Diez kung paano lutuin ang tradisyunal na Tausug dish na gulay na niluto sa gata. Simple man, pero siguradong may kakaibang sarap na hatid sa bawat kagat! 🤤🔥
#net25 #net25entertainment #loveañover #tonipetgaba #lte #sayulgiyataan #filipinofood
youtu.be/G1lol2ChPDg -
NET25
@NET25TV
Hindi naging hadlang kay Marina Wilson ang pagiging visually impaired para ipakita ang kanyang galing sa pagkanta dahil siya ay nagging kampeon sa katatapos lang na Tinig ng Kabataan contest sa kanilang lugar! 🏆💗 ’Yan ang #kuwentongkabarangay ni Marina Wilson, dito sa #lovetonipetandeverythaaang!
#net25 #net25entertainment #loveañover #tonipetgaba #lte #inspiringstory #marinawilson #tinigngkabataan
youtu.be/DekTgtDkAMs -
NET25
@NET25TV
'Di inaasahang pagpayat, pamumutla at dugo sa dumi—mga Colon Cancer signs na dapat bantayan! 🚨🩺
Paano nga ba nagsisimula ang Colon Cancer? Anu-ano ang mga karaniwang senyales nito, mga posibleng risk factors na dapat nating malaman?
Sasagutin ‘yan ni Dr. Bryan Christopher Lao dito sa #itoangtahanan, upang mas maging aware sa kalusugan ng ating bituka. 🔎❤️
youtu.be/mRWwFigK65s -
NET25
@NET25TV
Idineklara ng Malacañang bilang special non-working days ang Nobyembre 16–18 sa NCR para sa 49th ASEAN Summit.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #aseansummit #ncr
youtu.be/-euxSBByG5Y -
NET25
@NET25TV
Inaasahang papasok sa PAR bukas ng umaga o hapon ang tropical depression na minomonitor sa labas ng bansa at inaasahang magpapalakas sa Habagat.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #tropicaldepression #pagasa #habagat
youtu.be/Wa_uQgnVBGE -
NET25
@NET25TV
“Mapipilitan talagang tumigil.”
Ito ang pahayag ni Alex Yague, Executive Director ng NSNPBPI, dahil hindi na aniya sapat ang kinikita ng mga bus operator para magpatuloy ang kanilang operasyon. Ayon kay Yague, hindi rin umano pinayagang ipatupad ang automatic fare matrix na inilabas ng LTFRB.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/Y9rb6QrWvtM -
NET25
@NET25TV
PH CARATs, GET READY FOR JXJ 💎
Magtatambal sina Jeonghan at Joshua ng SEVENTEEN para sa isang bagong sub-unit, ayon sa Pledis Entertainment.
Tampok sila sa "JxJ," na maglalabas ng mini-album na “DREAMSCAPE” sa Oktubre 19.
Ito ang unang official unit project ni Jeonghan matapos siyang ma-discharge sa military service noong Hunyo 25, 2026.
📷: Jeonghan / IG
#net25newsandinformation #seventeen #jeonghan #joshua #musicnews #kpopnews #dreamscape #jxj -
NET25
@NET25TV
THEY ARE STILL MEMBERS OF THE SENATE
Iginiit ni Senator-judge Christopher “Bong” Go na hindi maituturing na vacancy ang pag-absent ng ilang senador sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Aniya, kabilang pa rin dapat ang mga ito sa kabuuang bilang ng maaaring bumoto sa paglilitis. Naniniwala rin ang senador na dapat sundin ang nakasaad sa Konstitusyon.
“Those members that are not here today: Senator Bato Dela Rosa, Senator Rodante Marcoleta, Senator Jinggoy Estrada, [at] Senator, Loren Legarda. Are they still members of the Senate? Clearly, they are still members of the Senate. Hindi po bakante ang posisyon nila,” saad ni Go.
Tutukan ang NET25 livestream: www.youtube.com/live/TmWyIWO8dvg
#net25newsandinformation #senate #impeachment #votingthreshold #impeachmenttrial #indaysaradute -
NET25
@NET25TV
SWIFTIES, THIS IS WORTH THE WAIT
Ire-release ng American superstar na si Taylor Swift ang kaniyang bagong kanta na “Patient Zero” sa darating na Setyembre 25.
“I’ve been impatiently waiting to tell you that my brand new single “Patient Zero” will be out on September 25 (!!!!!!!!!!!!)” saad ng singer sa kaniyang social media pages.
📷: Taylor Swift
#net25newsandinformation #taylorswift #patientzero #newmusic #taylor #musicnews -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Posibleng lumakas ang El Niño bago matapos ang 2026, ayon sa PAGASA.
Batay sa climate models, maaaring magpatuloy ang El Niño hanggang unang bahagi ng 2027. Maaari itong magdulot ng dry spells at tagtuyot sa ilang bahagi ng bansa, habang posible rin ang malalakas na pag-ulan sa maikling panahon, lalo na sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.
#net25newsandinformation #pagasa #elnino #climateforecast #dryspells #bagyo -
NET25
@NET25TV
CAN WE STOP WITH THE ATTACKS ON EACH OTHER?
PANOORIN: Nakiusap si Senator Camille Villar sa mga senator-judge na igalang ang kanilang mga kasamahang senador na kasalukuyang hindi nakadadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Villar, hindi dapat batikusin o tawaging sangkot sa krimen ang mga senador na kasalukuyang nakakulong dahil hindi pa sila nahahatulan.
“I think we should be reminded that the senators that are being detained and who are not here right now… That is not their choice. I think it’s unfair to call them out, that their crimes are of plunder, and of theft. Because none of those senators are convicted,” ani Villar.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/watch?v=TmWyIWO8dvg
#net25newsandinformation #senador #camillevillar #impeachmenttrial #senate #votingthreshold #investigationThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
‘PARANG SPAGHETTI ANG IMPEACHMENT’
NEWS UPDATE: Inihalintulad ni Senator-judge Alan Peter Cayetano sa spaghetti ang impeachment trial sa ika-29 na araw ng paglilitis.
Ayon kay Cayetano, pababa at pataas ang takbo ng impeachment dahil sa mga pagbabago sa posisyon ng mga senador habang nagpapatuloy ang paglilitis.
Tutukan ang NET25 livestream: www.youtube.com/live/TmWyIWO8dvg
#net25newsandinformation #senate #impeachment #votingthreshold #impeachmenttrial #indaysaraduterte -
NET25
@NET25TV
Iginiit ng defense lawyer na si Atty. Michael Poa na hindi na dapat galawin ang bilang ng boto na kailangan para sa conviction sa impeachment trial.
Ayon kay Poa, ang 16 na boto ay nakasaad sa Konstitusyon at hindi basta piniling numero ng depensa. Aniya, may magiging epekto ang pagbaba ng threshold sa iba pang probisyon ng Saligang Batas.
Kabilang dito ang extension o pagbawi ng Martial Law, pagpapatalsik sa isang miyembro ng Senado, at pag-amyenda sa Konstitusyon.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/watch?v=TmWyIWO8dvg
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
Ipinaglaban ng defense counsel na si Atty. Michael Poa na 16 na boto ang kailangan para mahatulan sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte.
Sa oral arguments, sinabi ni Poa na kapag malinaw ang batas, walang puwang para sa interpretasyon at dapat ipatupad kung ano ang sinasaad ng Konstitusyon.
Ayon sa depensa, 16 ang bilang ng boto ang kailangan para sa conviction.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/watch?v=TmWyIWO8dvg
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
NO SENATOR-JUDGE OBJECTED, SOUGHT RECONSIDERATION NOR APPEALED
NEWS UPDATE: Iginiit ni Atty. Michael Poa na dapat manatiling 16 ang voting threshold sa paghahatol ng impeachment court sa kaso ni Vice President Sara Duterte.
Aniya, sa mga naunang araw at linggo ng impeachment proceedings, walang senator-judge ang umapela sa ginawang ruling ni Presiding Officer Sen. Francis “Chiz” Escudero.
Tutukan ang NET25 livestream: www.youtube.com/live/TmWyIWO8dvg
#net25newsandinformation #senate #impeachment #votingthreshold #impeachmenttrial #indaysaraduterteThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
"WHEN THE LAW IS CLEAR, THERE’S NO ROOM FOR INTERPRETATION."
Iginiit ng defense lawyer na si Atty. Michael Poa na 16 na boto ang kinakailangang voting threshold para mahatulan ng impeachment court si Vice President Sara Duterte.
Sa kanilang oral arguments ngayong Miyerkules, Setyembre 23, sinabi ni Atty. Poa na malinaw ang nakasaad sa Konstitusyon at dapat itong isakatuparan nang wala nang karagdagang interpretasyon.
Ayon sa depensa, ang usapin sa paglilitis ay kung ilang boto ang kailangan para sa conviction, at ang kanilang posisyon ay 16 votes.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/watch?v=TmWyIWO8dvg
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Nagsasagawa ng kilos-protesta ang ilang grupo sa labas ng Senado ngayong Miyerkules, Setyembre 23, habang nagpapatuloy ang ika-29 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
📹: Arnel Verdan Jr.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
DAY 29
TINGNAN: Nagsimula na ang oral arguments ng Senate impeachment court kaugnay ng voting threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Tutukan ang NET25 livestream: www.youtube.com/live/TmWyIWO8dvg
#net25newsandinformation #votingthreshold #impeachment #indaysaraduterte #investigation #senatorjudges #impeachmenttrial -
NET25
@NET25TV
Maaaring ipagpaliban ng Senate impeachment court ang botohan ngayong Miyerkules, Setyembre 23, tungkol sa bilang ng boto na kailangan para mahatulan si Vice President Sara Duterte.
Nakatakda sana ngayong araw ang paglalahad ng oral arguments ng prosecution at depensa tungkol sa voting threshold.
Ayon kay Senate impeachment court spokesperson Regie Tongol, may ilang senator-judge na humihiling ng dagdag na oras para mapag-aralan ang mga ito. Kung hindi matutuloy ngayong araw, maaari umanong isagawa ang botohan sa ibang araw sa susunod na linggo.
Tutukan ang NET25 livestream ngayong 10:00 a.m.: www.youtube.com/live/TmWyIWO8dvg
📷: Senate
#net25newsandinformation #votingthreshold #impeachment #indaysaraduterte #investigation #senatorjudges #impeachmenttrial -
NET25
@NET25TV
Kasalukuyang under restoration ang dalawang power plant sa Visayas, dahilan para magipit ang supply ng kuryente sa island grid, ayon sa Department of Energy (DOE).
Kabilang dito ang Therma Visayas Inc. Unit 1 sa Toledo City, Cebu at Panay Energy Development Corp. Unit 3 sa La Paz, Iloilo City. Inaasahang matatapos ang restoration ng PEDC Unit 3 sa katapusan ng Oktubre.
Ilang beses nang isinailalim sa yellow alert ang Visayas grid nitong mga nakaraang linggo, habang kamakailan ay nagpatupad din ang NGCP ng red alert.
📷: PNA
#net25newsandinformation #ngcp #yellowalert #redalert #visayasgrid #electricity #kuryente #powersupply -
NET25
@NET25TV
Ibinigay ni Cordillera fighter Jean Claude Saclag ang unang silver medal ng Pilipinas sa 2026 Asian Games matapos siyang lumaban sa men's traditional mixed martial arts 65-kilogram division.
Samantala, humakot din ng bronze medal ang trio ng women's kata team nang talunin nina Samantha Veguillas, Ysabielle Arrogante, at Rebecca Torres ang Team Thailand.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/PMgjJVK5yXM -
NET25
@NET25TV
Binatikos ng mga residente at environmental groups sa San Jose, California ang pagtatayo ng mga AI hub sa Silicon Valley.
#matangagilainternational #ai #siliconvalley #sanjose #artificialintelligence
youtu.be/IrFRLXK5JWQ -
NET25
@NET25TV
Dalawang minuto lamang tumagal ang interpellation at debate sa panukalang ₱785.204-milyong budget ng Office of the Vice President para sa 2027. #net25newsandinformation #matangagilaprimetime #ovp #ovpbudget #budget2027
youtu.be/CAnqzhlB-Og -
NET25
@NET25TV
Ayon sa testigo ng prosekusyon mula sa SEC, walang pananagutan si VP Sara Duterte sa mga discrepancy sa mga dokumentong isinumite ng mga kumpanyang iniuugnay sa kanya.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #vpsaraduterte #impeachmenttrial #sec
youtu.be/xPfHRXnJATA -
NET25
@NET25TV
Naghahanda ang military ng Iran para sa matagalang labanan at posibleng paglawak ng giyera laban sa Estados Unidos at mga kaalyado nito.
#matangagilainternational #iran #usiran #middleeast #military
youtu.be/V2YvJO0UyeY -
NET25
@NET25TV
Nag-alok ang Iran na buksan muli ang Strait of Hormuz sa loob ng pitong araw kung magpapatupad ang Estados Unidos ng mga hakbang para mabawasan ang military pressure laban sa Tehran. #matangagilainternational #iran #straitofhormuz #usiran #middleeast
youtu.be/O929G0O7q34 -
NET25
@NET25TV
ITO PALA ANG DIET MEAL NILA JASMINE AT MJ! 🥗
#girlcode!
Gusto mo rin ba fit and healthy gaya nila Jasmine at MJ? 😉
May tips sila diyan, kaya gawin mo na rin 'tong pre-workout meal nila!
Malay mo ikaw na ang susunod na maging superbod! 💪🏻
youtu.be/0wgNhzPRTGw -
NET25
@NET25TV
Ang mga balitang pag-uusapan sa #aspn ngayong Miyerkules, Sept. 23, 2026:
-Trump, nanawagan sa mga bansang miyembro ng ICC na umalis sa organisasyon
-Kompanyang iniuugnay kay VP Sara, nakakuha raw ng higit P33-M government contract
-Sen. Marcoleta, tumangging makilahok sa impeachment trial
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=3vcqCDFzQJ8
FB: www.facebook.com/NET25TV/videos/2237582193687708 -
NET25
@NET25TV
May Bigas, Asukal at Tubig ka ba? Gawin nating snack ’yan! 🍘☕️
Subukan na ang tradisyonal na Maguindanaon delicacy na Tinagtag, isang malutong at masarap na sweet treat na itinuro sa atin ni Chef Mico Cabrera! 😋✨
#net25 #net25entertainment #kabarangayday #ltealamniyoba -
NET25
@NET25TV
IBA TALAGA ANG DATING KAPAG KASAMA ANG BARKADA! 🤙🏻 #hearmeout!
Napansin mo ba na minsan, iba ang perception natin kapag nakikita ang isang tao bilang bahagi ng isang group? This is where the Cheerleader Effect comes in! 🎉 Ikaw, napansin mo na ba 'to? Barkada effect ba talaga 'to? I-comment na ang nalalaman mo! 🫵🏻
youtu.be/pSTClvv5HTc -
NET25
@NET25TV
Mula sa isang masakit na karanasan, nabuo ang adbokasiya ni Doc Glenn Albert Almera para sa tamang pag-aalaga at kapakanan ng ating mga furbabies. 🐶🐱❤️
Kilalanin ang beterinaryo sa likod ng low-cost kapon, community clinics, at iba’t ibang animal welfare initiatives para makatulong sa mga alaga at strays! 🩺🐾
youtu.be/RWfSdKesQ-4 -
NET25
@NET25TV
Pinaalalahanan ng Cybercrime Investigation and Coordination Center o CICC ang publiko na maaaring isumbong sa hotline 1326 ang anumang anyo ng online harm at violence. Kasabay nito, pinalalakas din ng ahensya ang Threat Monitoring Center ng bansa para masubaybayan at matugunan ang mga banta sa online space.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/k9AHG83Aa8k -
NET25
@NET25TV
Isa sa mga dapat tutukan sa usapin ng political dynasty ang tinatawag na succession. Ayon kay Atty. Ed Chico, dapat magkaroon ng “pause” o kahit isang terminong pagitan sa pagtakbo ng magkakapamilya sa puwesto para maiwasan ang tuloy-tuloy na pagpapalitan ng posisyon sa loob ng isang pamilya.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/dx0NUGqNK08 -
NET25
@NET25TV
Posibleng magbawas ng biyahe ang provincial bus operators dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, ayon sa PBOA.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #pboa #provincialbus #oilpricehike
youtu.be/yKIu0udNqbI -
NET25
@NET25TV
Matapos ang sunod-sunod na taas-presyo sa produktong petrolyo, posible ang rollback sa susunod na linggo, ayon kay DOE Director Rino Abad.
Sa monitoring ng ahensya, malaki raw ang pagbagsak ng presyo ng langis sa world market.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/yTi4aC8J5mE -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Pinapasuspinde ng Sandiganbayan Sixth Division si Uswag Ilonggo Party-list Representative James “Jojo” Ang.
Sa inilabas na desisyon ng anti-graft court, suspendido si Ang ng 90 araw bilang kongresista.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 3(h) ng R.A. 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang kongresista dahil sa conflict of interest.
Isa si Ang sa tinaguriang “Congtractor” ng Office of the Ombudsman. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #ombudsman #sandiganbayan #graft #corruption #investigation #suspension -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Sa day 28 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, nilinaw ni Securities and Exchange Commission (SEC) Director Gerardo del Rosario na walang probisyon sa RA No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na nagbabawal sa asawa ng mga public official na magkaroon ng business interests.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
Tinanong ni presiding officer Chiz Escudero si SEC Director Gerardo Del Rosario kung sino ang may pananagutan kapag hindi lumalabas sa SEC records ang pangalan ng isang sinasabing shareholder.
Sa pagdinig, nilinaw ng SEC director na ang pamunuan ng korporasyon ang may pananagutan sa impormasyong isinusumite sa SEC, at hindi ang indibidwal na hindi iniulat bilang shareholder.
Sinabi naman ni Escudero na kung may pananagutan man ang indibidwal sa idineklarang SALN, hiwalay umano ito sa usapin ng kumpanyang hindi nagpakita ng kaniyang pangalan sa mga dokumentong isinumite sa SEC.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/lnKJ-aLnoC8
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
Nakumpiska ang isang folding knife mula sa isang Grade 8 student sa Marbel 7 National High School sa Brgy. Topland, Koronadal City.
Sa inisyal na ulat, nakuha ng mga awtoridad ng paaralan sa kanilang pag-inspeksyon sa mga bag ang berdeng folding knife.
Agad namang dinala ang estudyante sa guidance office para sa counseling at nararapat na intervention.
📷: Kap Terence Jay Ehimplar
#net25newsandinformation #korondalcity #knife #safetyprotocols #baginspection -
NET25
@NET25TV
KILALANIN SI KUYA A! 👋🏽
Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Lunes, Setyembre 21, ang “Kuya A,” isang AI-powered assistant ng eGovPH Superapp na naglalayong gawing mas accessible at efficient ang mga serbisyo ng pamahalaan.
Kabilang sa mga feature nito ang real-time government service navigation, document text extraction, image identification, translation sa 105 wika, at access sa impormasyon tungkol sa turismo, agrikultura, kalusugan, batas at iba pang serbisyo.
📷: eGovPH Superapp
#net25newsandinformation #egovph #dict #kuyaa #artificialintelligence #digitalgovernment -
NET25
@NET25TV
THUNDERSTORM ADVISORY: Asahan ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan na may pagkidlat at pagkulog sa Metro Manila at ilang lugar sa Luzon sa loob ng susunod na dalawang oras.
#net25newsandinformation #rain #tagulan #thunderstormadvisory #ulan #weatherupdate -
NET25
@NET25TV
SHINING IN BRONZE 🇵🇭🥉
TINGNAN: Nasungkit nina Samantha Veguillas, Ysabielle Arrogante at Rebecca Torres ng women’s kata team ang bronze medal para sa Pilipinas sa 20th Asian Games sa Nagoya, Japan.
Ito na ang ikatlong medalya ng Pilipinas sa torneo.
📷: Philippine Olympic Committee
#net25newsandinformation #katateam #philippines #teamphilippines #sportsnews #asiangames #asiangames2026 -
NET25
@NET25TV
BASAHIN: Sinabi ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na walang lumabas na pangalan ni Vice President Sara Duterte o maging ang apelyidong “Duterte” sa mga opisyal na dokumentong isinumite ng GenCorp Industries Inc. sa 19 nitong transaksyon sa Davao City government.
Ayon kay Mayor Baste, umabot sa ₱33.26 milyon ang halaga ng 19 na transaksyon ng GenCorp sa Davao City. Dumaan umano sa pagsusuri ang bawat transaksyon at makikita ang mga ito sa Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS).
"I remain steadfast in my commitment to transparency, fairness and absolute truth. This statement is issued ahead of any so-called lawful proceedings as I believe that the people, especially the people of the City of Davao, have the right to know," dagdag ng alkalde. 📷: Mayor Baste Duterte / FB
#net25newsandinformation #basteduterte #gencorp #davaocity #indaysaraduterte #transactions #procurement #governmentprojects -
NET25
@NET25TV
Tinanong ni presiding officer at Senator-judge Chiz Escudero si SEC Director Gerardo Del Rosario kung sino ang may pananagutan kapag hindi lumalabas sa SEC records ang pangalan ng isang sinasabing shareholder.
Sa pagdinig, nilinaw ng SEC director na ang pamunuan ng korporasyon ang may pananagutan sa impormasyong isinusumite sa SEC, at hindi ang indibidwal na hindi iniulat bilang shareholder.
Sinabi naman ni Escudero na kung may pananagutan man ang indibidwal sa idineklarang SALN, hiwalay umano ito sa usapin ng kumpanyang hindi nagpakita ng kaniyang pangalan sa mga dokumentong isinumite sa SEC.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/lnKJ-aLnoC8
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
Nagsampa ang Bureau of Customs (BOC) ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) laban sa 14 na indibidwal, kabilang ang siyam na tauhan mismo ng BOC, kaugnay ng umano’y misdeclared na agricultural products sa Port of Subic.
Ayon sa BOC, umabot sa ₱17.5 milyon ang halaga ng mga puting sibuyas at carrots na idineklarang iba umano sa aktuwal na kargamento. Nasa preventive suspension na ang mga sangkot na tauhan ng BOC.
Magsasampa rin ang ahensya ng reklamo sa ilalim ng Anti-Agricultural Sabotage Act of 2024 dahil lumampas sa ₱10 milyon na threshold ang halaga ng kargamento.
#net25newsandinformation #departmentofagriculture #da #sibuyas #whiteonion #carrot #agriculture #investigation -
NET25
@NET25TV
BASAHIN: Nagpaalala ang Philippine Embassy in France sa mga Pilipino tungkol sa mahigpit na pagbabawal sa pagsusugal at pagsasabong sa nasabing bansa.
Ayon sa Embahada, maaaring makulong nang hanggang tatlong taon at pagmultahin ng 45,000 euros ang sinumang mahuhuling nagsasagawa ng ilegal na aktibidad.
Hinimok naman ang Filipino community na sundin ang mga batas ng France at panatilihin ang magandang pangalan ng mga Pilipino sa bansa.
📷: Philippine Embassy in France
#net25newsandinformation #sabong #cockfighting #france #illegalactivities #filipino #philippineembassy #ofws -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Sinabi ni Palawan Rep. Jose Alvarez na hindi nakadalo si Office of the Vice President (OVP) Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez sa deliberasyon ng budget ng opisina ngayong Martes, Setyembre 22, dahil dinala siya sa emergency room.
Pinaliwanang ni Alvarez na nagsumite ng medical certificate si Lopez.
#net25newsandinformation #kamara #kongreso #congress #vicepresident #indaysaraduterte #vpsara #ovp #ovpbudget #budget -
NET25
@NET25TV
“WE DO NOT ASK FOR CHARITY. WE ASK FOR URGENT ACTION”
NEWS UPDATE: Nanawagan ang Victory Liner Inc. at ilang grupo ng mga bus operator sa pamahalaan na alisin ang suspensyon sa fare increase kasunod ng muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa mga operator, umaabot na sa 45% hanggang 60% ng kanilang gastos sa operasyon ang fuel. Hindi na rin umano nakakasabay ang kasalukuyang pasahe sa patuloy na pagtaas ng diesel at gas.
Nagbabala na ang mga operator na maaaring mabawasan ang bilang ng bumibiyaheng bus kung mananatiling mababa ang pasahe kumpara sa kanilang gastos sa operasyon.
📷: Victory Liner / FB
#net25newsandinformation #victoryliner #busoperator #commuter #dagdagpasahe #farehike #oilpricehike #busoperations #commuter #transportation -
NET25
@NET25TV
Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa isang 13-anyos na Grade 8 student ang isang .38 calibre na baril sa loob ng isang paaralan sa Baguio City.
Ayon sa ulat, dinala umano ng estudyante ang baril sa paaralan at ipinakita sa mga kaklase. Pinagpasa-pasahan umano ito hanggang sa isang estudyante ang nag-report sa pamunuan ng paaralan.
Sinabi ng estudyante na nakita niya ang baril sa bodega ng kanilang bahay. Pag-aari umano ito ng kaniyang namayapang lolo na dating miyembro ng isang paramilitary unit. Paliwanag pa ng estudyante, walang laman na bala ang baril na dinala sa paaralan.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang baril habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Isinailalim naman sa psychological intervention ang menor de edad.
📷: DepEd Baguio City High School file
#net25newsandinformation #baguiocity #baril #gun #schoolsafety #policenews -
NET25
@NET25TV
PANGHOHOHLDAP SA NEGOSYANTE, SAPUL SA CCTV
PANOORIN: Huli sa CCTV ang aktuwal na pagnanakaw ng dalawang armadong lalaki sa isang negosyante na may-ari ng tindahan ng piyesa ng mga motorsiklo sa Mati, Davao Oriental, Lunes ng gabi, Setyembre 21.
Makikita sa video ang pagdating ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo. Lumapit ang mga suspek sa negosyante at tinutukan ng baril.
Matapos makuha ang kanilang pakay, tumakas ang dalawang suspek sa lugar. Humihingi ngayon ng tulong ang biktima sa pulisya upang agad na matukoy at mahuli ang mga suspek. | via Ely Dumabic
📹: Ajd Motorparts
#net25newsandinformation #davao #crimenews #crime #robbery #threatThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
SAKIT SA BULSA
TINGNAN: Higit ₱100 ang presyo ng diesel kada litro sa ilang gasolinahan sa Zamboanga City at sa Digos City, Davao del Sur kasunod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes, Setyembre 22. | via Ely Dumaboc
#net25newsandinformation #zamboangadelsur #davaodelsur #barmm #oilprice #pricehike #diesel #gasoline #kerosene -
NET25
@NET25TV
"THE VICE PRESIDENT WAS NEVER A CORPORATE SECRETARY."
Kinumpirma ni Securities and Exchange Commission (SEC) Director Gerardo Del Rosario na hindi naging corporate secretary si Vice President Sara Duterte sa mga kumpanyang tinukoy sa General Information Sheets (GIS).
Sa cross-examination ng depensa, sinabi ni Del Rosario na ang statutory obligation ay ipinapataw sa corporate secretary ng kumpanya at hindi sa stockholders, directors o officers.
Kinumpirma rin ng testigo na wala sa mga GIS ang napanumpaan mismo ng bise presidente.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/lnKJ-aLnoC8
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #investigation -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Nilinaw ni Securities and Exchange Commission (SEC) Director Gerardo Del Rosario na hindi ipinagbabawal sa asawa ng isang public officer na magkaroon ng interes sa isang korporasyon o negosyo.
Sinabi rin ng testigo na hindi ipinagbabawal sa asawa ang pagpractice ng kaniyang propesyon.
Kinumpirma rin ni Del Rosario na walang probisyon sa Republic Act 6713 na nagbabawal sa mga negosyong may kaugnayan sa asawa ng public officer na magkaroon ng kontrata sa mga ahensya ng gobyerno.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/lnKJ-aLnoC8
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #taxrecords #investigation -
NET25
@NET25TV
Naka-block na ang dalawang website na umano’y ginagamit ng mga groomer para hikayatin ang mga menor de edad na gumawa ng karahasan, ayon sa National Telecommunications Commission (NTC).
Ayon sa mga Philippine National Police, nagbibigay umano ang mga website ng simpleng task sa mga bata at mga gawaing may kinalaman sa karahasan at pamamaril.
Hindi muna pinangalanan ang mga website habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at pagtukoy sa iba pang posibleng ginagamit para i-groom ang mga kabataan.
#net25newsandinformation #ntc #groomers #online #website #publicsafety #onlinesafety #shootingincident -
NET25
@NET25TV
Pinasalamatan ang 14-anyos na estudyanteng humarang sa kanilang classroom laban sa gunman sa Banga school shooting sa South Cotabato noong Setyembre 18.
Sa kasagsagan ng pamamaril sa Banga National High School, sinipa ng Grade 9 student ang suspek at hinila ang pinto upang hindi makapasok sa classroom ang shooter kung saan naroroon ang kaniyang mga kaklase.
Sa kabila ng tama ng bala sa kaniyang kamay, napigilan ng estudyante ang gunman at naprotektahan ang kaniyang mga kaklase. | via Russel Musico
#net25newsandinformation #schoolshooting #shooting #student #teacher #schoolsafety #violence -
NET25
@NET25TV
Iginiit ni VP Sara Duterte ang kahalagahan ng culture of security sa mga paaralan upang maiwasan ang karahasan.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #vpsara #schoolsafety #cultureofsecurity
youtu.be/JdqrsgO0WO8 -
NET25
@NET25TV
Nagdeklara ng state of emergency ang California bilang paghahanda sa inaasahang malakas na epekto ng El Niño, ayon kay Governeor Gavin Newsom.
Maaaring magdala ang El Niño ng malalakas na bagyo sa mga susunod na buwan. Posible rin ang mas mataas sa karaniwang high tide na maaaring magdulot ng pagbaha sa mga baybaying lugar.
Layunin ng deklarasyon na mapadali para sa mga ahensya ng estado na makakuha ng kinakailangang kagamitan laban sa baha, tulad ng sandbags at water pumps.
Nakaalerto na rin ang California National Guard para tumulong sa flood response, search and rescue, engineering at logistics operations kung kinakailangan.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #elnino #california #stateofemergency #worldnews #tagtuyot #baha #flood -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Mabilis na tinapos ng House of Representatives ang interpellation at debate panukalang ₱785.2 milyong budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2027. | via Eden Santos
#net25newsandinformation #hrep #ovp #2027nep #indaysaraduterte #budget -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Cross-examination ng defense team ni VP Sara Duterte sa witness ng prosecution na si Gerardo del Rosario, director at Securities and Exchange Commission’s (SEC) Company Registration and Monitoring Department, sa ika-28 araw ng paglilitis sa impeachment ngayong Martes, Setyembre 22.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/lnKJ-aLnoC8
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #taxrecords #investigation -
NET25
@NET25TV
Arestado ang 16 na lalaki dahil sa umano’y pagpapatakbo ng illegal na online sabong o e-sabong sa Pililla, Rizal.
Ayon sa Philippine National Police, nahuli ang mga suspek habang isinasagawa ang sabong sa isang cockpit arena at ipinapakita ito sa malaking screen.
Nahaharap ang mga ito sa kasong illegal gambling habang patuloy namang tinutugis ang dalawang umano’y operator na nakatakas sa raid.
Nakumpiska sa raid ang ₱15,150 na cash, anim na panabong na manok, tatlong CCTV camera at iba pang gamit sa pagsusugal.
#net25newsandinformation #sabong #esabong #cockfighting #pilila #rizal #policenews -
NET25
@NET25TV
Itinampok sa Taiwan Excellence Pavilion 2026 sa SMX Manila ang iba’t ibang makabagong produkto at teknolohiya mula Taiwan.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #taiwanexcellence #taiwantechnology #smxmanila
youtu.be/FzJBWiKspyo -
NET25
@NET25TV
Nadagdagan ang medal haul ng Pilipinas sa Asian Games matapos makuha ni Carlos Alvarez ang ikalawang bronze medal ng bansa.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #asiangames
youtu.be/47PehDU7buc -
NET25
@NET25TV
Naghahanda ang administrasyong Trump ng sanctions laban sa International Criminal Court, ayon sa mga ulat. #mnai #icc #internationalcriminalcourt #ussanctions #trump
youtu.be/Ge3sGEUhHu0 -
NET25
@NET25TV
Epektibo na ngayong araw, Sept. 22, 2026, ang mega oil price hike:
DIESEL: + P8.82/L
GASOLINE: + P4.88/L
KEROSENE: + P6.47L
#net25newsandinformation #aspn -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Magsasagawa ng emergency meeting ang Commission on Elections (Comelec) ngayong Martes, Setyembre 22, para sa gaganaping special election sa Batanes kasunod ng pagpanaw ni Rep. Ciriaco Gato Jr.
Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ng poll body ang posibilidad na isabay ito sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections kung matutuloy ito sa Nobyembre 2.
#net25newsandinformation #comelec #specialelections #batanes #halalan -
NET25
@NET25TV
MAGDALA NG PAYONG, MGA KA-NET25 ☔
THUNDERSTORM ADVISORY: Makararanas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Bataan, Batangas, Cavite, Quezon, at Zambales sa loob ng susunod na dalawang oras, ayon sa PAGASA.
#net25newsandinformation #rain #tagulan #thunderstormadvisory #weatherupdate #weatherforecast -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Huling namataan ang low pressure area (LPA) sa layong 1,795 km Silangan ng Eastern Visayas.
Ayon sa PAGASA, nananatiling katamtaman ang tiyansa nitong maging bagyo at posibleng pumasok sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) sa loob ng 2-3 araw.
Samantala, ang trough nito ay magdadala ng mga ulan sa Eastern Visayas at Mindanao.
#net25newsandinformation #lpa #bagyo #lowpressurearea #easternvisayas #tagulan #queenieph -
NET25
@NET25TV
WALANG PASOK: Suspendido ang face to face classes sa ilang lugar sa bansa ngayong Martes, Setyembre 22, dahil sa hindi ligtas na air quality at bilang pag-iingat laban sa mga insidente ng pamamaril.
#net25newsandinformation #facetofaceclasses #shootingincident #airquality #cebuprovince #sultankudarat #southcotabato #alternativedeliverymode -
NET25
@NET25TV
PANOORN: Nagmartsa na patungo sa Mendiola ang mga raliyista kasama ang iba’t ibang grupo ng kabataan para sa kanilang isasagawang kilos-protesta.
Nakabantay naman ang mga kapulisan para sa seguridad ng lugar sa paggunita ng ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ngayong Lunes, Setyembre 21. | via Harted Molina
#net25newsandinformation #malacañang #manila #policevisibility #kilosprotesta #martiallaw #rallyThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Agarang nilinis ng mga kawani ng Department of Public Services (DEPS) ang kahabaan ng Recto Avenue sa Maynila ngayong Lunes, Setyembre 21, matapos ang kilos-protesta ng iba't ibang grupo kaugnay ng ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.
Bago nagtipon sa Recto, nagmartsa ang mga raliyista mula España Boulevard at nanawagan laban sa korapsyon sa mga proyektong pampubliko at umano'y pag-abuso sa karapatang pantao.
Nananatili sa lugar ang mga tauhan ng MPD, MDRRMO, at medical personnel para sa seguridad at kaayusan ng lugar. | via Alnazir Kanapi
📷: Isko Moreno Domagoso/Facebook
#net25newsandinformation #malacañang #manila #policevisibility #kilosprotesta #martiallaw #rally -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Kasabay ng paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, isinagawa ang kilos-protesta ng ilang samahan sa Lucena City, Quezon ngayong Lunes, Setyembre 21.
Ayon sa mga raliyista, ang pagkilos nilang ito ay pagtutol sa lumalalang korapsyon sa pamahalaan, sa Pax Silica na sisira umano sa kalikasan, at sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at suliranin sa baha
Samantala ayon naman sa pulisya, naging mapayapa ang naging kilos protesta sa naturang lugar. | via Martin Banaag
#net25newsandinformation #malacañang #manila #policevisibility #kilosprotesta #martiallaw #rallyThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na maaaring maharap sa kasong reckless imprudence ang ama ng estudyanteng namaril sa Banga National High School sa South Cotabato, dahil baril niya ang nagamit ng kaniyang anak sa insidente.
Dagdag ni Remulla, hihiling siya sa Kongreso na palawakin ang pananagutan ng mga gun owner kapag nagamit ng kanilang mga kapamilya ang kanilang armas sa krimen.
Aniya, sa kasalukuyang batas, hindi awtomatikong pareho ang pananagutan ng gun owner at kapamilyang nakagawa ng krimen gamit ang kaniyang baril.
Ayon pa kay Remulla, nalaman umano ng mga magulang ng shooter noong Abril na sumali ang kanilang anak sa isang grupong may masamang motibo at dinala nila ito sa psychologist.
#net25newsandinformation #schoolshooting #shooting #student #teacher #schoolsafety #violence -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Sumadsad ang palitan ng Philippine peso sa ₱62.78 kontra dolyar ngayong Lunes, Setyembre 21.
#net25newsandinformation #uspeso #exchangerate #dolyar #economy -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Patuloy pa rin ang panawagan sa pamahalaan ng iba't ibang grupo sa Davao City na agarang tugunan ang mga usapin ng korapsyon, transparency, accountability, at pangangalaga sa kalikasan.
Sa kilos-protesta ngayong Lunes, Setyembre 21, na kasabay ng ika-54 taon ng anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, iginiit nilang dapat maging mabilis at konkreto ang tugon ng pamahalaan sa mga hinaing ng mamamayan, habang sinisiguro ang pananagutan ng mga opisyal at ang proteksyon sa karapatan at kabuhayan ng mga komunidad. | via Mesach Eros Javier
#net25newsandinformation #malacañang #policevisibility #kilosprotesta #martiallaw #rally -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Nagsagawa ng kilos-protesta ang iba't ibang progresibong grupo sa Davao City kasabay ng ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ngayong Lunes, Setyembre 21.
Bukod sa mga banner at plaka na dala ng mga raliyista, tampok sa protesta ang panawagang ikulong ang mga opisyal na sangkot sa korapsyon.
Ipinahayag din ng mga nagpoprotesta ang kanilang panawagan para sa transparency, accountability, at maayos na pamamahala ng gobyerno, habang iginiit na hindi dapat kalimutan ang mga nangyari noong Martial Law. | via Mesach Eros Javier
#net25newsandinformation #malacañang #policevisibility #kilosprotesta #martiallaw #rally #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Patuloy ang pagdating ng iba't ibang grupo na magsasagawa ng kilos-protesta sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ngayong Lunes, Setyembre 21.
Nagsimula ang programa kaninang 3:00 p.m. na may panawagang itigil na ang malawakang korapsyon sa gobyerno.
Para sa buong detalye, manood ng Mata ng Agila Primetime mamayang 6:00 p.m. hanggang 7:30 p.m. | via Earlo Bringas
#net25newsandinformation #malacañang #manila #policevisibility #kilosprotesta #martiallaw #rally -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Iniurong ng Senate impeachment court ang naunang subpoena kay Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte para dumalo sa impeachment trial ng kaniyang kapatid na si Vice President Sara Duterte sa Miyerkules, Setyembre 23.
Iniutos ni Presiding Officer Francis "Chiz" Escudero na maglabas ng bagong subpoena para kay NEWS UPDATE: Iniutos ni Presiding Officer Francis "Chiz" Escudero na maglabas ng bagong subpoena para kay Mayor Duterte, Atty. Samonte, at Major Sangalang para dumalo sa paglilitis mula Setyembre 28 hanggang 30, sa ganap na 10:00 ng umaga.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment -
NET25
@NET25TV
ICE SA MUKHA?! HACK O HYPE LANG? 😱🧊
#girlcode!
Ano nga ba ang effect ng malamig na compress sa face?
Ikaw, would you try this viral ice facial hack? 🤔
Comment your answers below! ⬇️
youtu.be/32VGJ63YqN4 -
NET25
@NET25TV
Paano ba ma-achieve ang masarap na Kaldereta at Menudo? 🤤🍲
Sinamahan tayo ni Chef Mitze Villegas dito sa #itoangtahanan para ituro kung paano niya ginawa ang kanyang Special Menudo at Kaldereta! Nagbahagi rin siya ng mga tips kung paano mapapanatili ang sarap ng mga pagkaing ihahain sa ating mga Kahomemates. 👩🍳❤️
youtu.be/e-pRm5kbnJc -
NET25
@NET25TV
Nakamit ng Philippine women's soft tennis team ang unang bronze medal sa 2026 Asian Games sa kabila ng kanilang pagkatalo sa semifinals laban sa host nation na Japan.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #asiangames
youtu.be/zaTm6Go9ThM -
NET25
@NET25TV
Welcome sa PNP ang panukala ni Education Secretary Sonny Angara na lumikha ng Joint School Safety Task Force para magsagawa ng security assessments sa mga paaralan matapos ang Banga school shooting sa South Cotabato.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #pnp #sonnyangara #schoolsafety #schoolshooting #bangashooting
youtu.be/cjikkK4HSE0 -
NET25
@NET25TV
Nagpapatuloy ang search and rescue operation ng Indonesian authorities para sa mahigit 100 nawawalang pasahero matapos tumaob ang Virgo Transport 8 sa Java Sea. #net25newsandinformation #matangagilasatanghali #virgotransport8 #javasea #ferryaccident #searchandrescue #missingpassengers
youtu.be/ln1kkLrlSd4 -
NET25
@NET25TV
Inaasahang isusumite ng LTFRB sa DOTr sa Oktubre ang rekomendasyon nito para sa posibleng taas-pasahe, para sa approval ng ahensya.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #ltfrb #dotr #farehike #taaspasahe #publictransport
youtu.be/b44BhpOHf28 -
NET25
@NET25TV
Umabot sa 17,085 pulis ang ide-deploy sa Metro Manila para sa mga aktibidad sa 54th anniversary ng deklarasyon ng Martial Law. Naglagay na rin ng mga barikada sa Ayala Bridge sa Maynila.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #pnp #martiallawanniversary #54thmartiallaw #kilosprotesta #ayalabridge
youtu.be/238EOf6Hr-Y -
NET25
@NET25TV
Ginawang inspirasyon nina She Mikee at Jethro Alvarez ang kanilang personal na health journey at karanasan sa kawalan ng trabaho para bumuo ng negosyong masustansyang pagkain. 🥗
✨ Ngayon, unti-unti nang lumalaki ang kanilang salad business habang inaanyayahan ang mas maraming Pilipino na gawing bahagi ng lifestyle ang healthy eating. 💪 #net25 #net25entertainment #lte #tonipetgaba #loveanover #healthylifestyle #healthybusiness
youtu.be/JWljyWk08QI -
NET25
@NET25TV
BAKA HINDI LANG ’YAN SIMPLENG ACID REFLUX!
Usapang healthy tiyan tayo, mga KaHomemates! Paano nga ba malalaman kung ang simpleng acid reflux ay GERD na pala? Tara, alamin natin ang mga senyales at tamang kaalaman kasama si Dr. Bryan Christopher Lao dito sa #itoangtahanan! 👨⚕️💡 -
NET25
@NET25TV
BAKA HINDI LANG ’YAN SIMPLENG ACID REFLUX!
Usapang healthy tiyan tayo, mga KaHomemates! Paano nga ba malalaman kung ang simpleng acid reflux ay GERD na pala? Tara, alamin natin ang mga senyales at tamang kaalaman kasama si Dr. Bryan Christopher Lao dito sa #itoangtahanan! 👨⚕️💡 -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Sinarado ng Palasyo ang New Executive Building (NEB) sa loob ng Malacañang Complex ngayong Lunes, Setyembre 21, kasabay ng ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.
Ayon sa Malacañang, isinara ang gusali dahil sa security protocols.
#net25newsandinformation #malacañang #manila #policevisibility #kilosprotesta #martiallaw #rally -
NET25
@NET25TV
"THIS IS AN ATTEMPT TO CONDITION THE MINDS OF THE PUBLIC."
Tumutol si defense lawyer Atty. Justin Nicol Gular sa presentasyon ng prosecution ng summary ng mga dokumento tungkol sa mga kumpanyang umano’y pagmamay-ari ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Gular, ang dokumentong may pamagat na “Summary of Vice President Sara Duterte’s Shareholdings” ay naglalaman ng authorized capital stock, subscribed amount, at paid-up amount ng mga korporasyon, at hindi direktang halaga ng pagmamay-ari ng bise. Tinawag niya itong isa umanong pagtatangkang “to condition the minds of the public.”
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/watch?v=Wyn-YLws5oI
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #taxrecords #investigation -
NET25
@NET25TV
VP SARA, NAKIRAMAY SA MGA BIKTIMA NG BANGA HIGH SCHOOL SHOOTING
TINGNAN: Personal na nakiramay si Vice President Sara Duterte sa mga biktima, kanilang pamilya at buong komunidad sa Banga National High School sa South Cotabato kasunod ng insidente ng pamamaril sa paaraalan. | via Amor Musico
📷: Domz Saludo
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #vpsara #schoolshooting #pamamaril #shootingincident #southcotabato -
NET25
@NET25TV
TENSYON SA MAYNILA
PANOORIN: Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga raliyista at mga pulis nang damputin ng MPD ang dalawang indibidwal na kasama sa mga nagra-rally.
Agad naman itong naayos sa pagitan ng dalawang panig matapos ang maayos na usapan sa organizer ng rally at ng mga pulis. | via Earlo Bringas
#net25newsandinformation #manila #policevisibility #kilosprotesta #martiallaw #rallyThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Nagsagawa ang iba't ibang grupo ng kilos-protesta sa CM Recto Avenue sa Maynila ngayong Lunes, Setyembre 21.
Naglagay ng barikada ang mga awtoridad patungong Mendiola ngayong umaga. | via Earlo Bringas
#net25newsandinformation #manila #policevisibility #kilosprotesta #martiallaw #rallyThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Posibleng bumaba ang singil sa kuryente ng mga consumer sa Nobyembre dahil tatanggalin na ang 12% value-added tax (VAT) sa system loss charge.
Ayon sa Department of Energy (DOE), maaaring makatipid ng hindi bababa sa ₱20 kada buwan ang mga consumer, lalo na ang mga household na kumokonsumo ng nasa 200 kilowatt-hours.
Target ng ERC na maipatupad ang bagong patakaran para sa kuryenteng nakonsumo ngayong Oktubre. Kaya sa bill na matatanggap sa Nobyembre, makikita na ang bawas sa singil.
Nilinaw naman ng ahensya na VAT lamang sa system loss charge ang aalisin, hindi ang mismong system loss charge.
📷: PNA
#net25newsandinformation #vat #erc #bawassingil #kuryente #electricitybill #novemberbill #systemloss -
NET25
@NET25TV
Arestado si Lakambini Chiu, 45, kapatid ng actress at TV host na si Kim Chiu, kaugnay ng 124 counts ng qualified theft.
Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ni Kim noong Disyembre matapos madiskubre ang umano’y malaking financial discrepancies sa kanilang negosyo.
Ayon sa Office of the Quezon City Prosecutor, may sapat na batayan para sampahan si Lakambini ng 124 counts ng qualified theft.
Kasalukuyang nakapiit si Lakambini sa police custodial facility sa Mandaluyong habang hinihintay ang commitment order ng korte at iba pang court proceedings. Itinakda ng korte sa ₱5.838 milyon ang piyansa ni Chiu.
📷: QCPD PIO
#net25newsandinformation #crimenews #crime #mandaluyongcity #lakambini #kimchiufans #qualifiedthef #thefts -
NET25
@NET25TV
TRAFFIC ADVISORY: As of 9:30 a.m., normal ang daloy ng trapiko sa EDSA People Power Monument ngayong Lunes, Setyembre 21. | via Vic Somintac
#net25newsandinformation #edsapeoplepowermonument #rally #kilosprotesta #traffic -
NET25
@NET25TV
Nagpakalat ng mahigit 17,000 pulis sa Metro Manila para sa mga inaasahang kilos-protesta ngayong Lunes, Setyembre 21, bilang paggunita sa ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), nakahanda ang mga pulis na may body cameras sa mga pagdarausan ng mga pagtitipon, kabilang ang Mendiola, Liwasang Bonifacio, Ayala Bridge at EDSA Shrine.
Tiniyak ng mga awtoridad na paiiralin ang maximum tolerance. Hinimok naman ang mga raliyista na panatilihing mapayapa ang kanilang mga aktibidad.
📷: MPD
#net25newsandinformation #manila #policevisibility #kilosprotesta #martiallaw #rally -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Maraming META users ang nahihirapang mabuksan ang kanilang aplikasyon tulad ng Facebook, Instagram, Messenger, at Threads ngayong Lunes, Setyembre 21, ayon sa Downdetector.
#net25newsandinformation #meta #facebook #threads #instargram #messenger #users -
NET25
@NET25TV
Hirap makuha ang 16 na boto?
Ayon kay Atty. Ed Chico, nahihirapan ang mayorya ng Senado na makuha ang 16 na boto para sa conviction ni VP Sara, dahilan para magtawag ng amici curiae o “friends of the court.”
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/Q7dTBxHq8tg -
NET25
@NET25TV
BASAHIN: Sinabi ni Vice President Sara Duterte na ang pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato ay patunay ng lumalalang karahasan sa bansa.
Binatikos ng bise presidente ang administrasyong Marcos, na aniya ay mas nakatuon sa “political survival and consolidation” kaysa sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaginhawaan ng mga Pilipino, lalo na ng mga bata.
“The Marcos administration has failed the victims and survivors of the South Cotabato tragedy. Countless more Filipino children remain at risk of becoming casualties of this government’s incompetence and neglect,” saad ni VP Sara.
📷: Inday Sara Duterte
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #vpsara #banganationalhighschool #southcotabato #schoolshooting #philippines #politics #schoolsafety #marcosadministration -
NET25
@NET25TV
LIBRENG SAKAY SA MAYNILA
TINGNAN: Mayroong libreng sakay ang Manila LGU ngayong Lunes, Setyembre 21, para sa mga commuter na maapektuhan ng mga kilos-protesta kaugnay ng ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.
📷: Manila PIO
#net25newsandinformation #manilalgu #manilapio #martiallaw #kilosprotesta #commuter #investigation -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Inaasahang madaraanan ng light vehicles ang Agana Bridge sa Tarlac City ngayong linggo, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kasunod ito ng ilang buwang pagkukumpuni matapos masira ang tulay dahil sa malalakas na ulan na dala ng habagat.
📷: DPWH
#net25newsandinformation #aganabridge #tarlac #bridgecollapse #bridgerapair #abisosamgamotorista #publicadvisory -
NET25
@NET25TV
THUNDERSTORM ADVISORY: Asahan ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan na may pagkidlat at pagkulog sa Bataan, Bulacan, Cavite, Laguna, Metro Manila, Quezon, at Zambales sa loob ng susunod na dalawang oras, ayon sa PAGASA.
#net25newsandinformation #habagat #monsoonrains #thunderstormadvisory #tagulan #rainyweather #weatherupdate -
NET25
@NET25TV
Nilinaw ng Bureau of Jail Management and Penology na legal ang ginawang press conference ni Sen. Rodante Marcoleta sa loob ng Sandiganbayan noong nakaraang linggo.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #rodantemarcoleta
youtu.be/kZsXLdZridE -
NET25
@NET25TV
WALANG PASOK: Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila ngayong Lunes, Setyembre 21, alinsunod sa rekomendasyon ng Manila Police District dahil sa mga isasagawang kilos-protesta sa lungsod.
📷: Manila PIO
#net25newsandinformation #maynila #manilapio #nofacetofaceclasses #walangpasok -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Isang low pressure area (LPA) ang nabuo sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.
Huli itong namataan sa layong 2,090 km Silangan ng Eastern Visayas at may posibilidad na pumasok sa PAR bukas o sa Miyerkules ng umaga.
Kapag nakapasok sa bansa, ito ang magiging ika-17 bagyo ngayong taon at tatawaging “Queenie.”
📷: DOST-PAGASA
#net25newsandinformation #pagasa #weatherupdate #queenieph #bagyo #lpa #lowpressurearea #par #rainyseason -
NET25
@NET25TV
Tatay ng Banga shooter, inalis sa puwesto ng DepEd
Inalis sa puwesto ng DepEd ang ama ng suspek sa Banga shooting, ayon kay Education Sec. Sonny Angara. Nilinaw ng DepEd na hindi pa siya suspendido o terminated dahil wala pang kaso.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #bangashooting #deped #sonnyangara
youtu.be/S4dtzquPFFs -
NET25
@NET25TV
Mga senador kinondena ang Banga school shooting
Kinondena ng ilang senador ang pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato, na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng iba pang estudyante.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #bangashooting #southcotabato #senate
youtu.be/-AonnWuZpwA -
NET25
@NET25TV
School shootings hindi na isolated case: DILG
Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, isa na namang insidente ng school shooting ang nangyari sa Banga National High School. Hinimok niya ang mga magulang na tumulong sa pag-iingat at paggabay sa kanilang mga anak.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #jonvicremulla #dilg #bangashooting
youtu.be/5Xsnlhbi7rg -
NET25
@NET25TV
Metro Manila drainage planong i-upgrade at palawakin
Planong palawakin ng DPWH ang drainage systems sa Metro Manila para mapabilis ang daloy ng tubig-ulan at mabawasan ang pagbaha.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #metromanila #dpwh #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
Guro nakaligtas sa grenade attack sa Maguindanao del Sur
Hindi nasaktan ang isang Islamic teacher matapos ihagis ang granada sa kanyang sasakyan sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur. Patuloy ang manhunt sa suspek.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #maguindanaodelsur #grenadeattack #datusaudiampatuan
youtu.be/Ty3UiF9Wptk -
NET25
@NET25TV
₱12 fuel discount sa PUJ at UV Express suspendido
Pansamantalang sinuspinde simula Setyembre 18 ang ₱12 kada litrong fuel discount para sa PUJ at UV Express dahil sa election ban.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #fueldiscount #puj #uvexpress #ltfrb -
NET25
@NET25TV
NEU kabilang sa top-performing schools sa NLE
Nakapagtala ang New Era University ng 100 percent passing rate sa Nurse Licensure Examination na isinagawa noong Agosto at Setyembre, ayon sa resulta ng PRC.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #newerauniversity #nle #prc -
NET25
@NET25TV
69-anyos na senior citizen, arestado sa NAIA 3
Arestado ang 69-anyos na pasahero matapos makumpiskahan ng humigit-kumulang 1.5 gramo ng shabu sa NAIA Terminal 3 noong Setyembre 17.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #naia3 #shabu #drugarrest
youtu.be/1t8siLEV170 -
NET25
@NET25TV
Trump ipinagbawal ang CNN, MS NOW at Politico sa White House
Inanunsyo ni U.S. President Donald Trump ang pagbabawal sa CNN, MS NOW at Politico sa White House, na iniuugnay niya sa tinatawag niyang “fake news” ng mga outlet.
#net25newsandinformation #matangagilaweekend #donaldtrump #cnn #msnow #politico
youtu.be/f-xKS8a6TXI -
NET25
@NET25TV
School shooting sa South Cotabato kinondena ng Malacañang
Nagpaabot ng pakikiramay si PBBM sa mga pamilya ng mga nasawi sa Banga National High School. Iniutos din niya ang masusing imbestigasyon sa insidente at pagpapatibay ng seguridad sa mga paaralan. #net25newsandinformation #matangagilaweekend #bangashooting #southcotabato #pbbm
youtu.be/rk8APaSuFZc -
NET25
@NET25TV
ASPN: Ating Sinundang Pangunahing News, Sept. 21, 2026.
#net25newsandinformation #aspnThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Bukas na ang inaasahang big time oil price. Taas-presyo sa diesel aabot ng halos P9.00 kada litro
ESTIMATED OIL PRICE ADJUSTMENT – Sept. 21, 2026
DIESEL: + P8.00 – P9.00/L
GASOLINE: + P4.00-P5.00/L
KEROSENE: + P6.00 - P7.00/L
#net25newsandinformation #aspn -
NET25
@NET25TV
Oras na para sa #aspn – Ating Sinundang Pangunahing News ngayong Lunes, Sept. 21, 2026:
- Malacañang isinailalim sa lockdown dahil sa kilos-protesta sa ika-54 anibersaryo ng Martial Law
- COMELEC, hinikayat ang Kongreso na ipasa ang anti-political dynasty law bago ang 2028 COC filing
- Voting threshold sa impeachment trial ni VP Sara, tatalakayin ng Senado
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=qjeBldO4z1E
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1559003588794579 -
NET25
@NET25TV
Muling umiinit ang debate sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos magbigay ng magkakaibang opinyon ang mga dating mahistrado hinggil sa tamang voting threshold para sa conviction.
Habang papalapit ang nakatakdang botohan ng mga senator-judges, nananatiling sentro ng usapin kung dapat bang manatiling mahigpit ang 2/3 vote requirement o kung maaari itong iakma sa kasalukuyang sitwasyon.
Ilang boto nga ba ang kailangan—at paano nito maaapektuhan ang magiging desisyon ng Impeachment Court?
📺 Panoorin ang buong detalye sa DATOS — dito lang sa NET25 Online.
#net25newsandinformation #datos #wengdelafuente #saraduterte #impeachmenttrial #senateph #constitutionph #ruleoflawThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Ipagpapaliban muna ni DILG Sec. Jonvic Remulla ang kaniyang nakatakdang pagpunta sa France kasunod ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato kahapon ng Biyernes, Setyembre 18.
Ayon kay Remulla, posibleng maantala nang dalawa hanggang tatlong linggo ang kaniyang biyahe habang tinututukan ang insidente at inaasikaso ang mga kinakailangang dokumento para sa koordinasyon sa Interpol.
Nakatakda sanang magtungo si Remulla sa France kaugnay ng usapin sa asylum application ng dating mambabatas na si Rep. Zaldy Co.
Sa ngayon, sinabi ng kalihim na kailangan muna niyang tutukan ang sitwasyon sa bansa bago ituloy ang nakatakdang biyahe. | via Earlo Bringas
#net25newsandinformation #schoolshooting #shooting #student #teacher #schoolsafety #violence #zaldyco #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
GURO, HINAGISAN NG GRANADA
TINGNAN: Nakaligtas ang isang guro matapos hagisan ng granada ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang kaniyang sasakyan sa Sitio Proper, Barangay Kitango, Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao del Sur.
Ayon sa pulisya, naglilinis ng kaniyang puting minivan ang guro nang lapitan ng mga suspek na sakay ng hiwalay na minivan at ihagis ang granada. Nasira ang sasakyan sa pagsabog habang mabilis namang tumakas ang mga suspek.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at pagtukoy sa mga nasa likod ng krimen. | via Ely Dumaboc
📷: DSA MPS
#net25newsandinformation #crimenews #crime #illegalactivities #investigation -
NET25
@NET25TV
Hihilingin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Kongreso na amyendahan ang batas at patawan ng mas mabigat na parusa ang mga gun owner na nagpabaya sa kanilang mga baril at nagamit ang mga ito sa krimen.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, nais ng ahensya na gawing mas mabigat ang pananagutan ng gun owner kapag nagamit sa krimen ang kanilang armas. Kasunod ito ng magkakasunod na pamamaril sa mga paaralan, kabilang ang pinakahuling insidente sa Banga National High School sa South Cotabato kahapon ng Biyernes, Setyembre 18.
Nais din ng DILG na limitahan ang access ng mga menor de edad sa social media at magsumite ng panibagong petisyon para payagan ang police inspection sa mga tahanan ng gun owners upang matiyak ang ligtas na pagkakaseguro ng kanilang mga baril. | via Vic Somintac
📷: PNA
#net25newsandinformation #schoolshooting #shooting #student #teacher #schoolsafety #violence -
NET25
@NET25TV
CONGRATULATIONS, NEW ERA UNIVERSITY! ✨️
Sa ika-10 sunod na taon, muling nakakuha ang New Era University ng 100% passing rate sa Philippine Nurse Licensure Exam (PNLE).
Sa exams na isinagawa noong Agosto at Setyembre 2026, rank 1 at pasok ang NEU sa Top 10 Performing Schools sa buong bansa.
Isa itong patunay ng kalidad ng edukasyon ng unibersidad, maging ng kalibre ng kanilang mga mag-aaral.
📷: New Era University/PRC Board
#net25newsandinformation #newerauniversity #collegeofnursing #pnle #licensureexamination #neu #topperformingschools -
NET25
@NET25TV
BED ROTTING: SELF-CARE O RED FLAG NA? 🛌🚩 #mainfeed! Paano kung ang bed rotting ay nagiging paulit-ulit na habit at nagsisimula nang makaapekto sa routine natin? 🥲
Ikaw, may kilala ka bang ganito? 😅
youtu.be/mPvwJRFC25A -
NET25
@NET25TV
BAKIT DEFENSIVE TAYO MINSAN KAPAG NAPAPANSIN ANG MALI NATIN? 🥲
#hearmeout!
Napapansin mo rin ba? Kapag ibang tao ang nagkamali, ang bilis nating makakita ng dahilan. Pero kapag tayo na ang nasita, biglang may explanation, defense o, “Hindi naman gano’n!” 😭
Ikaw, 'pag nalaman mong may pagkakamali ka at pinansin ito, ano ang magiging reaction mo?
Aminin mo na at i-comment na 'yan! 🤣
youtu.be/KoI3AK4W77I -
NET25
@NET25TV
Pinahinto ng gobyerno ang shipment ng ube sa gitna ng kakulangan sa suplay. Ayon kay Jason Cainglet ng grupong SINAG, nahihirapang makasabay ang lokal na produksyon ng ube sa patuloy na mataas na global demand.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/V9EuFNrV398 -
NET25
@NET25TV
Naibasura ng piskalya ang isang perjury complaint ni VP Sara laban kay Ramil Madriaga, pero nilinaw ng kanyang kampo na hindi lahat ng isinampang reklamo ay naibasura.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #saraduterte #ramilmadriaga #perjury
youtu.be/AwEm6Dg93K8 -
NET25
@NET25TV
KAILANGAN BA TALAGA NATIN NG PARKS AT GREEN SPACES SA CITY? ✨
#mainfeed! Ikaw, ano ang ideal green space na gusto mong makita malapit sa inyo? 🤔 Comment na! 🫵🏻
youtu.be/mAiFokH2oX0 -
NET25
@NET25TV
Nagmartsa ang iba’t ibang grupo ng raliyista mula Liwasang Bonifacio hanggang U.S. Embassy upang ipanawagan ang paghinto ng paggamit ng fossil fuels.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #manilaprotest #fossilfuels #climateaction
youtu.be/E3EPLcLVqiM -
NET25
@NET25TV
Ayon kay Steven Cua, Executive Director ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association, nasa “state of confusion” ang sektor ng supermarkets at manufacturers dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, presyo ng diesel, at ipinatupad na wage hike.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/5AChgnUFfm0 -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Isa ang nasawi habang apat ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato ngayong Biyernes, Setyembre 18, ayon sa PDRRMO South Cotabato.
#net25newsandinformation #schoolshooting #shooting #student #teacher #schoolsafety #violence -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Magsasampa ng criminal at administrative complaints ang Office of the Ombudsman laban kina dating DPWH Secretary at Senator Mark Villar, Senator Camille Villar, Manny Villar, Cynthia Villar, Manuel Paolo Villar, at ilang opisyal ng PrimeWater.
Kaugnay ito ng joint venture agreements ng PrimeWater sa tatlong local water districts. | via Ashley Rejano
#net25newsandinformation #villarfamily #complaint #ombudsman #primewatersantacruzupdate -
NET25
@NET25TV
BABALA: SENSITIBONG BALITA
PANOORIN: Isinugod sa ospital ang isang estudyante ng Banga National High School sa South Cotabato na nadamay sa pamamaril ngayong Biyernes, Setyembre 18. | via Ely Dumaboc
📹: Nicka Cabillon
#net25newsandinformation #schoolshooting #shooting #student #teacher #schoolsafety #violence4 -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Naiulat na lima ang biktima ng pamamaril sa Banga National High School ngayong Biyernes, Setyembre 18, ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr.
#net25newsandinformation #schoolshooting #shooting #student #teacher #schoolsafety #violence4 -
NET25
@NET25TV
Posibleng tumaas ng halos P10.00 kada litro ang presyo ng diesel sa susunod na linggo, batay sa pagtaas ng presyo ng krudo sa world market nitong Sept. 14–16, 2026. Inaasahan ding tumaas ng halos P5.00/L ang gasolina at halos P8.00/L ang kerosene.
| Ano Sa Palagay N’yo? -
NET25
@NET25TV
Nagbabala si Atty. Salvador Panelo na maaaring maharap sa kasong kriminal ang mga senator-judge kung babaguhin nila ang two-thirds voting requirement sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Panelo, malinaw sa Konstitusyon na kailangan ang 16 na boto mula sa 24 senador para sa conviction. Aniya, kung iko-convict si Duterte matapos baguhin ang threshold, maaari itong ituring na isang unjust judgment.
Tinutulan din ni Panelo ang paggamit ng simpleng majority vote para baguhin ang threshold. Mangangahulugan aniya ito ng pag-amyenda sa Konstitusyon nang hindi dumaraan sa mga prosesong itinakda nito.
📷: Senate
#net25newsandinformation #senate #impeachmenttrial #impeachmentruling #senado #indaysaraduterte #conviction #voting #salvadorpanelo -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Muling binangga ng barko ng China Coast Guard ang barko ng BFAR sa bahagi ng West Philippine Sea, 54 nautical miles mula sa Palawan ngayong Biyernes, Setyembre 18. | via Madelyn Villar-Moratillo
📹: PCG
#net25newsandinformation #china #philippines #philippinenavy #philippinecoastguard #chinacoastguard #westphilippinesea -
NET25
@NET25TV
LABAN, TEAM PINAS 🇵🇭
TINGNAN: Nagpunta sa Nagoya, Japan ang national team ng Pilipinas para sa larong baseball, sepak takraw, at surfing upang sumabak sa 20th Asian Games na gaganapin mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
📷: PSC
#net25newsandinformation #20thasiangames #asiangames2026 #teamphilippines #surfing #sepaktakraw #baseball #sportsnews -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Baha na agad sa Bonifacio Avenue sa Maynila bunsod ng malakas na buhos ng ulan ngayong Biyernes, Setyembre 18. | via Madelyn Villar-Moratillo
#net25newsandinformation #habagat #monsoonrains #heavyrain #rain #flood #flooding -
NET25
@NET25TV
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang pag-update sa guidelines ng suspension at resumption ng pasok sa klase at onsite work upang maiwasan ang kalituhan sa mga empleyado, magulang, at estudyante.
Sa panukalang Executive Order, maaaring automatic, localized o granular ang class suspension depende sa lagay ng panahon. Hinimok din ng DepEd ang LGUs na tukuyin ang mga partikular na lugar na apektado upang makapagpatuloy ang klase sa mga ligtas na lugar.
Ayon sa DepEd, nasa apat na learning days ang average na nawala sa bawat division nationwide hanggang Setyembre 11, habang 34,775 o 72.49% ng 47,000 DepEd schools ang nakaranas ng class suspension mula nang magsimula ang school year hanggang Setyembre 10.
📷: PNA
#net25newsandinformation #depedphilippines #deped -
NET25
@NET25TV
Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga lokal na pamahalaan na maging mas tiyak sa pag-aanunsiyo ng class suspensions upang maiwasan na mabawasan ang learning time ng mga estudyante, habang pinananatili ang kanilang kaligtasan kasama ang school personnel.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, maaaring tukuyin ang mga partikular na lugar na apektado upang makapagpatuloy ang klase sa mga lugar na ligtas. Sa ilalim ng bagong panukalang Executive Order, maaaring awtomatiko, localized o granular ang pagsususpinde depende sa lagay ng panahon.
Batay sa DepEd, umabot sa 34,775 paaralan o 72.49% ng public schools nationwide ang naapektuhan ng class suspensions hanggang Setyembre 10 dahil sa masamang panahon at mga pagbaha.
📷: PNA
#net25newsandinformation #depedphilippines #deped #classsuspension #classsuspended #resumption #worksuspension -
NET25
@NET25TV
BIDA NG P-EALA-YAN 🌾🎾
TINGNAN: Kinilala ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) si Pinay tennis superstar Alex Eala sa pamamagitan ng isang giant rice-paddy artwork sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija.
Ayon sa Department of Agriculture, paraan ito ng ahensya upang maipakita ang suporta kay Eala at pagkilala sa mga karangalang naihatid niya sa bansa.
📷: PNA & DA
#net25newsandinformation #alexeala #tennis #sportsnews #teamalex #ricepaddy #da #departmentofagriculture -
NET25
@NET25TV
MAGDALA NG PAYONG, MGA KA-NET25
WEARTHER UPDATE: Asahan ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at pagkulog sa Batangas, Cavite, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon, Tarlac, Metro Manila, Bataan, Bulacan, Laguna, Rizal at Zambales sa loob ng susunod na dalawang hanggang tatlong oras.
#net25newsandinformation #rain #tagulan #metromanila #luzon -
NET25
@NET25TV
Lumalaki ang interes sa aesthetic procedures sa Pilipinas, kabilang ang mga serbisyong nakatuon sa pagpapaganda at pagpapabuti ng skin quality.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #aestheticprocedures #aestheticmedicine #skincare #beauty
youtu.be/0ux5sZJMTAM -
NET25
@NET25TV
MABILIS KA BA AGAD MAGTIWALA? MAG-FACT CHECK KA MUNA! #maypoint! Ikaw, ano ang ginagawa mo bago ka maniwala? I-share mo naman 'yan sa comment section!
youtu.be/XsE42NNWaeg -
NET25
@NET25TV
Matapos ang successful operation sa Missouri, nagpasalamat ang mag-asawang taga-Ethiopia matapos matagumpay na maihiwalay ang kanilang conjoined twins.
#matangagilainternational #conjoinedtwins #missouri #unitedstates
youtu.be/n6iCW-88_LE -
NET25
@NET25TV
Ilalagay sa full alert ang NCRPO simula Setyembre 19 at ide-deploy ang 15,746 pulis para sa mga rally sa Setyembre 21.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #ncrpo #pnp #sept21rally #metromanila
youtu.be/qnIjc17Sr6E -
NET25
@NET25TV
Umani ng positibong reaksyon ang bagong look ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang personal siyang humarap sa third status conference ng ICC sa The Hague.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #rodrigoduterte #fprrd #icc #newlook
youtu.be/1HxchQMCbLI -
NET25
@NET25TV
Ayon sa Multilateral Sanctions Monitoring Team, tinatayang 25,000 North Korean workers ang ginagamit ng Russia sa drone industry, kabilang ang produksiyon ng military drones para sa digmaan sa Ukraine. #matangagilainternational #russia #northkorea #dronemanufacturing #ukraine
-
NET25
@NET25TV
LUMPIANG SHANGHAI NA MAY DODRAM LUNCHEON MEAT?! 👀
Paano kaya magiging masarap at budget-friendly ang paboritong lumpia ng pamilya?
Gamit ang Dodram Luncheon Meat, gumawa si Monique Teoxon ng sariling version ng Lumpiang Shanghai—simple, sulit, at perfect pang-family meal! 😋🔥
#net25 #net25entertainment #loveañover #tonipetgaba #lovetonipetandeverythaaang #lte #ltemustanaunorthfairview #dodramluncheonmeat #lumpiangshanghai
youtu.be/5KsU7D74bP8 -
NET25
@NET25TV
Humihiling ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng karagdagang medical examination upang masuri ang kaniyang kakayahang humarap sa paglilitis sa International Criminal Court (ICC).
Ayon sa kaniyang abogado na si Atty. Peter Haynes, hindi kumpleto ang isinagawang pagsusuri ng medical panel. Hindi rin aniya malinaw kung ang problema ni Duterte sa kaniyang memorya at executive function ay maaaring makaapekto sa kaniyang kakayahang gamitin ang kaniyang mga karapatan bilang akusado.
Samantala, sinabi ng Trial Chamber III na maglalabas ito ng desisyon tungkol sa kakayahan ni Duterte na humarap sa paglilitis.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #icc #rodyduterte #medicalexamination #fittotrial #warondrugs #crimesagainsthumanity -
NET25
@NET25TV
BANGKAY NG BABAENG NATAGPUAN SA REF, MAY PERSON OF INTEREST NA
TINGNAN: Mayroon na umanong person of interest ang pulisya sa pagkamatay ng 30-anyos na babaeng natagpuan sa loob ng refrigerator sa Rodriguez, Rizal.
Ayon sa pulisya, may tali sa leeg ang biktima at posibleng sinakal ito. Tinatayang limang araw na itong patay bago natagpuan.
Walang bakas ng sapilitang pagpasok sa apartment, ngunit iniimbestigahan ang boyfriend ng biktima na hindi na umano nagpapakita sa may-ari ng apartment. Pinaghihinalaan ring peke ang mga ID ng biktima.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang suspek sa krimen. | via Jim Tejano
📷: Rodriguez Rizal PPO
#net25newsandinformation #rodriguez #rizal #bangkay #corpse #remains #death #investigation -
NET25
@NET25TV
Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nakaalis na ng Pilipinas si Joselyn Serenio, ang dating personal assistant ni Leyte Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez, na kapwa nahaharap sa ₱7.4 bilyon kasong plunder.
Ayon sa BI, umalis si Serenio bago mailabas ng Sandiganbayan ang hold departure order (HDO) laban kina Romualdez, Serenio, dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, at Felicito Cristobal Guevarra.
Samantala, nasa bansa pa rin si Guevarra at Romualdez habang si Co ay matagal nang nakalabas ng Pilipinas.
📷: Sandiganbayan Pool
#net25newsandinformation #sandiganbayan #personalassitant #martinromualdez #plunder #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
BOMB THREAT SA QC
Nakatanggap ng bomb threat ang Quezon City Government na ipinadala sa kanilang official Facebook page.
Agad itong ini-report sa Quezon City Police District (QCPD) at sa Safety and Security Cluster ng lungsod. Bilang bahagi ng security protocols, nagsagawa ng sweeping, paneling at inspection sa buong Quezon City Hall compound at sa mga gusali nito.
Wala namang nakitang kahina-hinalang bagay o sitwasyon sa isinagawang pagsusuri.
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ang pinagmulan ng banta upang matukoy ang responsable at mapanagot sa batas.
📷: Quezon City Government
#net25newsandinformation #quezoncity #bombthreat -
NET25
@NET25TV
BABALA: SENSITIBONG BALITA
BATANG PWD, NASAGASAAN NG BUS SA CAVITE
EXCLUSIVE: Sugatan ang isang menor de edad na PWD matapos masagsaan ng pampasaherong bus sa Aguinaldo Highway, Brgy. Anabu 1-E, Imus, Cavite.
Sapul sa CCTV ang pagtawid ng biktima sa kalsada bago ito mabangga ng bus na bumibiyahe patungong Tagaytay.
Dahil sa impact, nakaladkad ang menor de edad kung kaya't nagtamo ito ng mga sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente. | via Jim Tejano
📹: CONTRIBUTED
#net25newsandinformation #cavite #roadaccident #imuscavite -
NET25
@NET25TV
Narito na ang mga maiinit na balitang pag-uusapan sa #aspn ngayong Sept. 18, 2026:
- Kapwa akusado ni Romualdez sa plunder, nakaalis na sa bansa
- 47 sa 100 flood control project sa distrito ni Rep. Duterte, nakitaan ng red flag
- Palasyo, suportado ang Korte Suprema sa pagpapasa ng anti-political dynasty law
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=EldMXLip4tA
FB: www.facebook.com/NET25TV/videos/28085167851182532/ -
NET25
@NET25TV
STAY PA BA... O TIME TO LEAVE NA? 🥲💔 #maypoint! May mga situwasyon na talagang mapapaisip ka: “Worth it pa bang manatili o kailangan ko nang umalis?” 🫠
Sa friendship, relationship, work, school o kahit sa isang situation na hindi na healthy para sa ‘yo, paano mo nga ba malalaman kung kailangan mo pang mag-stay at kailan naman dapat piliing mag-leave? 🤔
Ikaw, kapag nasa mahirap kang situation, ano ang mas inuuna mong isipin? Mag-stay o leave? I-comment mo na 'yan! 🫵🏻
youtu.be/J6xW8FRmDFU -
NET25
@NET25TV
FROM "MAMAYA NA" TO "KAILANGAN KO 'TONG TAPUSIN" REAL QUICK! 😂
#hearmeout! Pero bakit nga ba ganito ang karamihan? 🤔 Ikaw, procrastinator ka ba o deadline-driven lang? 😅 I-comment na 'yan! 👇🏻
youtu.be/xnMZdhR3Lc4 -
NET25
@NET25TV
Patuloy ang surface at aerial search sa MV June Aster, kasabay ng imbestigasyon sa sanhi ng sunog.
Kinumpirma ng PCG sa ASPN na 77 na ang nasawi, 43 ang nakaligtas, habang 8 pa ang nawawala. | Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/cAYZTUmFt0c -
NET25
@NET25TV
Ayon kay ERC Chairman Atty. Francis Saturnino Juan, simula pa lamang ang pagtanggal ng VAT sa system loss charge para mapababa ang singil sa kuryente. Pinag-aaralan na rin ng ERC ang pagtatanggal ng technical loss na bahagi ng system loss charge.
| Ano Sa Palagay N’yo? -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang isang 10-anyos na batang babae matapos masagasaan ng dump truck habang tumatawid kasama ang kaniyang ina sa Maa Road, Davao City.
Ayon sa ina, galing sila sa bangko at tumawid sa dating pedestrian crossing dahil malayo pa umano ang dump truck at pula ang traffic light.
Sinabi ng pulisya na agad na umandar ang truck nang mag-green ang traffic light at hindi napansin ng driver ang mag-inang tumatawid. Nasugatan din ang ina sa insidente.
Hindi na naghain ng reklamo laban sa driver ang ina, habang nangako naman ang kompanya ng truck na sasagutin ang pagpapalibing sa bata.
📷: Salida ni Pandamay
#net25newsandinformation #davaocity #roadaccident #accident #death -
NET25
@NET25TV
Nagdeklara ng state of calamity ang Camarines Norte dahil sa matinding krisis sa tubig, pagtaas ng kaso ng dengue, at epekto ng El Niño.
Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), naapektuhan ng water crisis ang mga bayan ng San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Daet, at Mercedes.
Habang nasa 29% lamang ng mga palayan sa probinsya ang nataniman ngayong season kaya inaasahan ang mababang produksyon ng pagkain at kita ng mga magsasaka.
Kasama rin sa dahilan ang pagtaas ng kaso ng dengue na umabot na sa 431.
📷: CamNor PIO
#net25newsandinformation #stateofcalamity #camarinesnorte #elnino #watercrisis #watershortage #dengue #baha #flooding -
NET25
@NET25TV
TRUCK NAHULOG SA BANGIN, ANIM PATAY
TINGNAN: Nasawi ang anim na katao habang 17 ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang elf truck sa Bontoc, Mountain Province. Kabilang sa mga nasawi ang isang anim na buwang gulang na sanggol.
Lumabas sa imbestigasyon na bumiyahe ang truck sa Talubin-Barlig Road nang mahulog ito sa bangin at dumiretso sa tubig. Ayon sa pulisya, sinabi ng driver na nawalan ng preno ang sasakyan habang nasa pababang bahagi na sila ng daan.
Sa 17 sugatan na biktima, 15 ang nananatili sa ospital, at dalawa lang ang pinayagan na makalabas na. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
📷: Bontoc MDRMO
#net25newsandinformation #bontoc #roadaccident #accident #death -
NET25
@NET25TV
Kinuwestiyon sa Kamara ang P500 milyong confidential funds na hinihingi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang bahagi ng panukalang P4.419 bilyong budget nito para sa 2027.
Sa plenary deliberations, sinabi ni budget sponsor Rep. Marcy Teodoro na tumatanggap ang PDEA ng P500 milyong confidential funds kada taon mula 2025 para sa anti-drug operations, kabilang ang high-impact operations at pag-target sa malalaking drug organizations.
Iniulat din ni Teodoro na 2,368 sa 2,819 high-value targets ang naaresto o 84% ang accomplishment rate, habang umabot na sa 696 ang high-impact operations, na mas mataas sa target na 500.
#net25newsandinformation #pdea #crimenews #crime #illegalactivities #drugaddiction #investigation -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang 55-anyos na babae matapos bumangga ang minamaneho nilang motorsiklo sa isang van sa Marcos Highway, Barangay San Luis, Antipolo City.
Ayon sa ulat, tatlo ang sakay ng motorsiklo kabilang ang biktima, kaniyang 60-anyos na asawa, at isang dalawang taong gulang na batang itinuturing nilang anak. Matapos sumagi sa van ang motorsiklo, nahulog ang mga sakay at nasagasaan ng van ang babae.
Sinabi ng motorcycle driver na may iniwasan siyang bagay sa basang kalsada kaya napunta sa kabilang linya. Ang driver ng van ay pansamantalang dinala sa kustodiya ng pulisya ngunit kalaunan ay pinalaya matapos magkaroon ng kasunduan ang magkabilang panig.
📷: Barangay San Luis
#net25newsandinformation #antipolo #roadcrash #roadaccident #accident -
NET25
@NET25TV
Hindi pinayagan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang panawagan ng China na alisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Teodoro, walang karapatan ang China na diktahan ang Pilipinas sa mga lugar kung saan ginagamit ng bansa ang soberanya at hurisdiksiyon nito.
Kasunod ito ng batikos ng Chinese Embassy sa malawakang pagkukumpuni sa naturang barko upang mapanatili ang presensya ng Pilipinas sa lugar.
📷: PNA
#net25newsandinformation #dnd #brpsierramadre #ayunginshoal #westphilippinesea #wps #china #militarytension -
NET25
@NET25TV
OPENING ACT PA LANG, PANALO NA
TINGNAN: Makakasama ng LANY ang American alternative rock band na Culture Wars at singer-songwriter na si Maisy Kay bilang opening act ng kanilang “soft” WORLD TOUR sa Philippine Arena sa Nobyembre 7 at 8.
📷: LANY, Culture Wars, Maisy Kay / IG
#net25newsandinformation #softworldtour #lany #philippinearena #concert #culturewars #maisykay #openingact #concertnews #ph #musicnews -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Hindi hihingi ng furlough si Sen. Rodante Marcoleta upang makaboto sa panukalang baguhin ang 16-vote threshold na kailangan para sa conviction ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Sen. Marcoleta, hindi na dapat pagbotohan ang threshold dahil nakasaad na ito sa Konstitusyon. Sa kasalukuyan, 16 na boto ang itinakdang kailangan para sa conviction, batay sa two-thirds ng 24 na miyembro ng Senado. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #senate #impeachmentcourt #articlesofimpeachment -
NET25
@NET25TV
Magkapatid na nangunguha ng kangkong, nalunod sa palaisdaan caption - Nasawi ang magkapatid na batang lalaki, edad 9 at 10, matapos malunod habang nangunguha ng mga kangkong sa isang palaisdaan sa Bayambang, Pangasinan.
Ayon sa ulat, pumunta ang magkapatid sa palaisdaan kasama ang kanilang menor de edad na pinsan bandang 10:30 ng umaga nitong Martes, Setyembre 15. Napunta sa malalim na bahagi ng tubig ang nakababatang kapatid. Sinubukan siyang sagipin ng nakatatandang kapatid ngunit kapwa na silang nalunod.
Humingi ng tulong ang kanilang pinsan ngunit hindi na nailigtas ang magkapatid. Inaalam naman ng pulisya kung may pananagutan ang may-ari ng palaisdaan sa insidente.
📷: Bayambang Police Station
#net25newsandinformation #pangasinan #drown #accident #death #children -
NET25
@NET25TV
Arestado ang isang lalaki matapos umanong nakawin ang mga kable na nagkakahalaga ng ₱35,000 sa dating parcel hub sa Tondo, Manila.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #tondo #manila #cabletheft #nakaw
youtu.be/tg4LZmcF9hg -
NET25
@NET25TV
8-YEAR-OLD PET GROOMING CHAMPION! 🐶🏆
Kilalanin si Ayesha Saquilabon, ang 8-year-old Pinay na nagwagi sa Junior World Pet Grooming Competition, kasama ang kanyang tatay na si Roland Saquilabon! Alamin kung paano nahasa ang kanilang talento sa dog grooming at kung paano nagsimula ang journey ni Ayesha sa mundo ng pet grooming! ✂️🐾
youtu.be/JrneyaLmFdE -
NET25
@NET25TV
Iginiit ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting na kailangang magpasa ang Kongreso ng batas na ipagbawal ang political dynasties.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #antidynastybill #supremecourt #kortesuprema
youtu.be/GMvKSyvMX0M -
NET25
@NET25TV
Pinalawak ng PhilHealth ang benefit packages nito para masaklaw ang inpatient admissions na wala pang 24 oras ang hospital stay simula Setyembre 18.
Saklaw nito ang mga pasyenteng may “serious, severe, and life-threatening” na kondisyon, basta’t mapatunayang medically necessary ang admission batay sa medical records.
Kasama rin sa coverage ang mga pasyenteng nangangailangan ng tuloy-tuloy na pangangalaga sa ibang ospital, namatay habang naka-confine, o pinayagang umuwi sa loob ng 24 oras.
📷: PhilHealth
#net25newsandinformation #philhealth #admissions #hospital #healthcare #healthnewsupdate #philippinenews -
NET25
@NET25TV
Bilang isa sa mga bumuo ng 1987 Constitution, iginiit ni retired Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna na 16 na boto ang kailangan para mahatulan si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.
Aniya, dapat ibatay ang two-thirds threshold sa lahat ng 24 na miyembro ng Senado, kahit may mga hindi nakadadalo sa paglilitis.
Hindi naman sang-ayon sa kanyang posisyon ang mga dating chief justices na sina Hilario Davide Jr., Reynato Puno at Artemio Panganiban. Ayon sa kanila, dapat nakabatay ang threshold sa bilang ng mga senador na dumadalo sa paglilitis.
Kaugnay nito, nakatakdang pagdesisyunan ng impeachment court ang isyu sa Setyembre 23, matapos ang oral arguments ng depensa at prosekusyon
📷: Senate
#net25newsandinformation #senate #allmeansall #impeachmenttrial #votingthreshold #investigation -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Gumagana na ang dalawang bagong pump sa Remedios Pumping Station sa Malate, Manila bilang bahagi ng pagpapaunlad ng flood control system sa lungsod.
Layunin nitong pabilisin ang paghigop ng tubig-baha, lalo na sa mga mabababang lugar na madalas bahain tuwing malakas ang ulan.
Nagdagdag din ng backup generator at nagtalaga ng mga tauhan para regular na linisin at mahakot ang mga basura upang maiwasan ang muling pagbabara ng mga pump.
Inaasahang makatutulong ang mga hakbang na ito upang mapabilis ang paghupa ng baha sa Malate, Taft Avenue at mga karatig na lugar. | via Jim Tejano
📷: DPWH
#net25newsandinformation #dpwh #floodcontrolproject #floodcontrol #flood #flooding -
NET25
@NET25TV
"EVERYTHING I DID. I DID IT FOR MY COUNTRY"
TINGNAN: Post ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang Facebook account matapos niyang humarap sa International Criminal Court (ICC) nitong Miyerkules, Setyembre 16.
Kasama nito ang kaniyang larawan at tulang “Invictus” ni William Ernest Henley.
📷: Rody Duterte / FB
#net25newsandinformation #rodyduterte #icc #statusconference #crimesagainsthumanity #invictus #president #warondrugs #williamernesthenley #investigation -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Nagpapatuloy ngayong Huwebes, Setyembre 17, ang bail hearing sa kasong plunder ni Senador Rodante Marcoleta sa Sandiganbayan Third Division. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #rodantemarcoleta #sandiganbayan #plunder #investigation -
NET25
@NET25TV
MGA PASAHERO NABULABOG SA GITNA NG IRAN FLIGHT
PANOORIN: Matinding takot ang naramdaman ng mga pasahero ng Boeing 737 ng Sepehran Airlines nang matanggal ang gulong ng eroplanong sinasakyan nila at magkaroon ng problema sa makina.
Makikita sa video na nasira na ang bahagi ng kisame at naglaglagan ang mga gamit sa loob ng sasakyan.
Ligtas namang nakalapag ang eroplano sa Mashhad Airport sa Iran at wala umanong nasugatan sa insidente.
📹: aviationbrk / X
#net25newsandinformation #airplane #airplaneincident #mashhadairport #sepehranairlines #takeoff #enginedamageThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Arestado ang 47-anyos na lalaki matapos hablutin ang gintong kwintas ng isang angkas ng motorsiklo sa Barangay Unang Sigaw, Quezon City.
Naipit sa traffic sa EDSA Northbound malapit sa Juliana Market ang biktima nang hablutin ng suspek ang kwintas. Tinutukan pa umano ng patalim ang biktima bago ipinasa ang alahas sa kasabwat at tumakas.
Agad na humingi ng tulong sa barangay at pulisya ang biktima. Makalipas ang 30 minuto, naaresto ang isa sa mga suspek na hindi pa nakalalayo sa lugar.
Nakakulong na ito at mahaharap sa reklamong theft at grave threats. Nakatakas naman ang kasabwat dala ang ninakaw na kwintas at patuloy na tinutugis ng pulisya. | via Jim Tejano
📷: QCPD PS3
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #theft #gravethreats -
NET25
@NET25TV
RORO, SUMADSAD SA ABRA DE ILOG
TINGNAN: Ligtas ang lahat ng 117 pasahero at crew na sakay ng Roromaster 5 matapos itong sumadsad malapit sa Sitio Sigman, Brgy. Udalo, Abra de Ilog, Occidental Mindoro bandang 12:30 a.m. ngayong Huwebes, Setyembre 17.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.
📷: MDRRMC, Reynan Agustin
#net25newsandinformation #abradeilog #roro #boatincident #occidentalmindoro -
NET25
@NET25TV
Binasahan na ng sakdal sa Sandiganbayan Third Division si dating House Speaker Martin Romualdez. Naghain din ng not guilty plea si Romualdez sa kasong plunder na may kinalaman sa maanomalyang flood control projects.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #martinromualdez #romualdez
youtu.be/PFNVT82D8_Y -
NET25
@NET25TV
Personal na pinuntahan ng mga kinatawan ng Iglesia ni Cristo at FYM Foundation ang mga biktima ng trahedya sa Tarakeshwar, Nepal upang mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng Lingap sa Mamamayan.
#net25newsandinformation #careforhumanity #lingapnews
youtu.be/7l1BdetgFKc -
NET25
@NET25TV
FILIPINO FOOD-INSPIRED MAKEUP, MADE IN NEW YORK! 🇵🇭🗽
Ma-inspire kay Hana Acabado-Kirchhoff, founder ng Filipinta Beauty, isang Pinoy beauty brand na nakilala sa New York dahil sa kakaiba at Pinoy-inspired nitong makeup collections! 💄✨
Tampok sa kanilang mga produkto ang mga pamilyar na pagkaing Pinoy tulad ng taho, sorbetes, at iba pa. Mga makeup na siguradong magpapaganda sa look mo at makakapagpagutom din! 🇵🇭🎨
youtu.be/fFXrLWkrcJU -
NET25
@NET25TV
Naglabas ng magkakaibang reaksyon ang European Union, Russia at China matapos kumpirmahin ng U.S. ang deployment ng on-orbit space control weapons.
#matangagilainternational #us #spaceweapons #china #russia #europeanunion
youtu.be/LjdDEJTVWNk -
NET25
@NET25TV
Sapilitang lumikas ang mahigit 100,000 residente sa kanlurang Yemen dahil sa hindi-humuhupang labanan sa lugar.
#matangagilainternational #yemen #yemenconflict #unhcr #humanitariancrisis
youtu.be/bHCLe6GpHhA -
NET25
@NET25TV
Dumalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong status conference sa The Hague kaugnay ng kasong crimes against humanity na kinakaharap niya sa ICC.
#matangagilainternational #rodrigoduterte #fprrd #icc #internationalcriminalcourt #duterteicc
youtu.be/O5PRiSbT5zE -
NET25
@NET25TV
Humingi ng tulong ang Saudi Arabia sa United Kingdom para tugunan ang lumalakas na opensiba ng Houthis.
#matangagilainternational #saudiarabia #uk #houthis #yemen
youtu.be/e-HwWhSCt-g -
NET25
@NET25TV
WAIT... ANO ANG IRE-REVEAL NI FRANCIS LIBIRAN? 😱
#mainfeed!
Ano kaya ang kanyang ibinahagi tungkol sa kanyang latest designs, creative process, fashion journey, at mga bagay na hindi pa natin alam? ✨
Ikaw, ano sa tingin mo ang biggest reveal niya?
I-reveal mo na rin 'yan sa comment section! 🫵🏻
youtu.be/HDwbiFYqa4Q -
NET25
@NET25TV
₱10K WORTH OF GROCERIES, SAGOT NA NG PUREGOLD! 🛒🎁
Kilalanin si Nanay Adelina, isang masipag na roving karinderya vendor na araw-araw na nagtitinda para sa mga Kabarangay!
Dahil sa kanyang sipag, may regalo ang Puregold sa kanya na ₱10,000 worth of groceries! Anu-ano kaya ang mabibili niya? 👀🛒
youtu.be/jGwFeJvpMhg -
NET25
@NET25TV
DRONE ESCAPE PLOT, NABUKING!
Isang South Korean convict ang umano’y nagbalak tumakas sa kulungan gamit ang isang heavy-duty drone.
Nabunyag ang plano ni Park Wang-yeol, 47, matapos makuha ng mga awtoridad ang rehearsal footage na ginawa ng isa sa kanyang mga kasabwat. Si Park ay nahatulan noong 2022 ng 60 taong pagkakakulong kaugnay ng pagpatay sa tatlong South Korean sa isang tubuhan sa Bacolod City noong 2016.
#net25newsandinformation #escapeplan #prisonbreak -
NET25
@NET25TV
BREAKING: Personal na humarap si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) para sa ikatlong status conference ng kanyang kaso sa The Hague, Netherlands ngayong Setyembre 16, 2026.
#net25newsandinformation #iccduterteupdate -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Sinabi ni retired Associate Justice Adolfo Azcuna na bagama’t may iba’t ibang interpretasyon sa Saligang Batas, ang pinal na pagpapakahulugan dito ay nasa Supreme Court.
Pinaliwanag ni Azcuna na ang lahat ng 24 miyembro ng senado ang dapat maging basehan sa two-thirds voting threshold ng senate impeachment court.
#net25newsandinformation #senate #impeachmentcourt #1987constitution #supremecourt #judicialpowersThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
KAILANGAN BA TALAGA NATIN NG PARKS AT GREEN SPACES SA CITY? ✨
#mainfeed!
Ikaw, ano ang ideal green space na gusto mong makita malapit sa inyo? 🤔
Comment na! 🫵🏻
youtu.be/mAiFokH2oX0 -
NET25
@NET25TV
Kinamusta ni Atty. Harold Respicio ang kalagayan ng Candaba, Pampanga kasama si MDRRMO Head Michael Dan Sagum, kabilang ang mga proyekto ng national government, pondong inilaan, at bisa ng mga ito.
#net25newsandinformation #resbak #haroldrespicio #candaba #pampanga #floodcontrol
youtu.be/UXYsTN8aw94 -
NET25
@NET25TV
IT IS NOT PERFECT, BUT IT IS ALWAYS RIGHT PANOORIN: Nang tanungin si retired Chief Justice Artemio Panganiban ni Senator-judge Erwin Tulfo kung perpekto ba ang Saligang Batas.
Ayon kay Panganiban, walang perpekto sa mundo at tanging Diyos lamang ang perpekto.
“Now, in the judiciary, the Supreme Court is the last resort. It is not perfect, but it is always right. Sometimes also, it is not always right, but it’s never wrong,” ani Panganiban. #net25newsandinformation #senate #impeachmentcourt #1987constitution #supremecourt #judicialpowersThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
HUSTISYA ANG HINAHANAP NG TAUMBAYAN
PANOORIN: Sinabi ni retired Chief Justice Artemio Panganiban na mas pinagtutuunan ng taumbayan ang katotohanan at hustisya kaysa sa bilang ng umuupong hukom sa impeachment trial.
PANOORIN ANG LIVESTREAM:
www.youtube.com/live/rxaWnDsx_i8
#net25newsandinformation #senate #impeachmentcourt #1987constitution #supremecourt #judicialpowersThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
BASAHIN: Ibinahagi ng apat na inimbitahang amicus curiae o “friends of the court” ang kanilang pananaw sa bilang ng boto na kailangan para mahatulan si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.
Sa kabuuang 24 senador, apat ang hindi nakadadalo sa paglilitis: sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Rodante Marcoleta na nakakulong, si Sen. Bato dela Rosa na may arrest warrant mula sa ICC, at si Sen. Loren Legarda na naka-medical leave.
PANOORIN ANG LIVESTREAM:
www.youtube.com/live/rxaWnDsx_i8
#net25newsandinformation #senate #impeachmentcourt #1987constitution #supremecourt #judicialpowers -
NET25
@NET25TV
BABALA: SENSITIBONG BALITA
Dead on the spot ang isang 63-anyos na rider matapos magulungan at makaladkad ng trailer truck sa Brgy. Banga 1st, Plaridel, Bulacan noong Lunes ng hapon, Setyembre 14.
Ayon sa pulisya, kumanan ang truck sa intersection at hindi napansin ang motorsiklong nasa kanang bahagi nito.
Nasa kustodiya na ng Plaridel Municipal Police Station ang driver at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property. | via Jim Tejano
#net25newsandinformation #bulacan #roadincident #truckincident #motorists #plaridelbulacan -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Binasa ng Clerk of Court na si Atty. Renato Bantug Jr. ang synopsis ng memorandum na isinumite ni dating Chief Justice Hilario Davide Jr. kaugnay ng voting threshold ng impeachment court ng Senado.
Hindi personal na nakadalo si Davide sa sesyon dahil sa isang medical procedure.
PANOORIN ANG LIVESTREAM:
www.youtube.com/live/rxaWnDsx_i8
#net25newsandinformation #senate #impeachmentcourt #1987constitution #supremecourt #judicialpowersThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
SENATE IS THE SOLE JUDGE OF IMPEACHMENT CASES
NEWS UPDATE: Iginiit ni retired retired Chief Justice Reynato Puno na ang Senado lamang, bilang impeachment court, ang may kapangyarihang magpasya sa mga kasong impeachment.
Ayon kay Puno, malinaw sa Konstitusyon na may kapangyarihan ang Senado na dinggin at pagpasiyahan ang mga naturang kaso.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM:
www.youtube.com/live/rxaWnDsx_i8
#net25newsandinformation #senate #impeachmentcourt #1987constitution #supremecourt #judicialpowersThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Sinabi ni retired Chief Justice Reynato Puno na maaari pa ring makilahok sa pagdinig ang isang senator-judge kahit wala siya sa mismong pagdinig.
Ayon kay Puno, hindi kailangang personal na makita ng isang hukom ang kilos o asal ng isang witness upang makapagpasya. Maaari umanong ibatay ang desisyon sa mga transcript, stenographic notes at iba pang record ng kaso.
Para kay Puno, ang mahalaga ay kaya ng senador na gampanan ang tungkulin bilang hukom nang patas at walang kinikilingan. Aniya, kailangang maging malaya, makatarungan at walang kinikilingan ang mga senador-hukom.
#net25newsandinformation #senate #impeachmentcourt #1987constitution #supremecourt #judicialpowers -
NET25
@NET25TV
ALL MEANS ALL
PANOORIN: Sinabi ni retired Associate Justice Adolfo Azcuna na dapat gamitin ng Senado ang kabuuang bilang ng mga miyembro nito sa pagtukoy ng two-thirds voting threshold sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM:
www.youtube.com/live/rxaWnDsx_i8
#net25newsandinformation #senate #impeachmentcourt #1987constitution #supremecourt #judicialpowersThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
BAG CHECK SA NEGROS ORIENTAL
TINGNAN: Mahaba ang pila ng mga estudyante habang papasok sa Negros Oriental High School ngayong Miyerkules, Setyembre 16 dahil sa pag-inspeksyon sa kanilang kagamitan. | via Red Callosa
#net25newsandinformation #negrosoriental #securitymeasures #classses #schoolsafety -
NET25
@NET25TV
Hindi pinayagan ng Sandiganbayan ang hiling ng kampo ni Romualdez na mailipat siya sa isang tertiary government hospital.
Sa kanilang mosyon, humiling ang kongresista na mailipat siya sa Veterans Memorial Hospital sa Quezon City.
Sabi ng korte, “lacked of merit” ang mosyon dahil batay na rin sa independent medical assessment na ginawa ng UP-PGH, “stable” at “controlled” naman ang medical condition ni Romualdez. | via Tjay Mendoza
📷: Sandiganbayan Pool
#net25newsandinformation #martinromualdez #kongresista #plunder #sandiganbayan -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Ibinasura din ng Sandigabayan ang motion to hold transfer in abeyance ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Humiling din ang kampo ni Romualdez na manatili siya sa Veterans Memorial Hospital sa Quezon City dahil sa kaniyang mga iniindang sakit. Ngunit ayon sa korte, hindi niya kinakailangang manatili sa ospital at sapat na ang regular na pagsubaybay sa kaniyang kalusugan. | via Tjay Mendoza
📹: Sandiganbayan Pool
#net25newsandinformation #martinromualdez #kongresista #plunder #sandiganbayan -
NET25
@NET25TV
Umakyat na sa 77 ang kumpirmadong nasawi sa trahedya ng M/V June Aster matapos pumanaw ang isa sa mga tripulanteng unang nasagip sa insidente.
Ayon sa Philippine Coast Guard, idineklarang patay kahapon, Setyembre 14, ang crew member na isinugod sa Cullion Sanitarium and General Hospital.
Samantala, 43 tripulante ang nakaligtas, habang 12 pa ang nawawala. Patuloy ang recovery operations at paghahanap sa mga nawawalang tripulante.
Nakikipag-ugnayan din ang PCG sa iba pang awtoridad para sa imbestigasyon sa sanhi ng trahedya. | via Jim Tejano
#net25newsandinformation #pcg #dead #casualtycount #fire #sunog #palawan #coron -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Pinagpapaliwanag ng Sandiganbayan Third Division si dating House Speaker Martin Romualdez kung bakit hindi siya dapat suspendihin bilang kongresista. May sampung araw ang kaniyang kampo para magsumite ng paliwanag.
Samantala, kinumpirma rin ng kaniyang kampo na hihingi sila ng bail petition hearing upang maipakita sa korte kung bakit dapat siyang payagang magpiyansa sa kinakaharap na kasong plunder, na isang non-bailable offense.| via Tjay Mendoza
📹: Sandiganbayan Pool
#net25newsandinformation #martinromualdez #kongresista #plunder #sandiganbayanThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Naghain ng not guilty plea si datingHouse Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan Third Division kaugnay ng kasong plunder na nag-ugat sa umano'y pagkamal nito ng bilyun-bilyong pondo sa flood control projects ng gobyerno.
Humarap siya sa korte via video conference. | via Tjay Mendoza
#net25newsandinformation #martinromualdez #plunder #notguilty #floodcontrol #kickbacks #corruption #sandiganbayan -
NET25
@NET25TV
BREAKING: Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang motion for reconsideration ni dating House Speaker Martin Romualdez para sa isang continued medical confinement.
Giit ng korte, mas maraming PDL’s ang may mas malalang kondisyon kaysa kay Romualdez. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #martinromualdez #medicalconfinement #sandigabayan -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Sinabi ni Senator Robin Padilla na nakaramdam siya ng diskriminasyon kaugnay ng usapin sa posibilidad na dalhin sa International Criminal Court (ICC) ang kaniyang kaso.
Aniya, mas gusto niyang dayuhan ang umusig sa kaniya dahil mas masakit umano para sa kaniya kung kapwa Pilipino ang magrereklamo laban sa kaniya.
#net25newsandinformation #robinpadilla #batodelarosa #senateThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Dumating na sa Senado si retired Chief Justice Reynato Puno ngayong Miyerkules, Setyembre 16, bilang amici curiae ng impeachment court para pag-usapan ang 16-vote threshold.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: youtube.com/live/rxaWnDsx_i8
#net25newsandinformation #reynatopuno #chiefjustice #supremecourt #impeachmentcourt #indaysaraduterte #impeachmenttrialThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Handa si Vice President Sara Duterte na pumalit kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sakaling magbitiw ito sa puwesto, ayon sa kaniyang tagapagsalita na si Atty. Paolo Panelo.
Sinabi ni Panelo na hindi pansarili ang panawagan ni Duterte na magbitiw si Marcos dahil naniniwala umano ang bise presidente at maraming Pilipino na hindi mabuti para sa bansa ang pananatili ng pangulo sa puwesto.
Sa isang panayam, inakusahan ni Duterte ang administrasyong Marcos Jr. ng korapsyon, pang-aabuso at political harassment habang kinakaharap niya ang kasong grave threats.
📷: Inday Sara Duterte
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #presidency #bongbongmarcos #gravethreats #marcosadministration #paolopanelo -
NET25
@NET25TV
Nasawi ang anim na pasahero habang 15 ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang isang elf truck sa Sitio Jakap, Talubin, Bontoc, Mountain Province nitong Martes ng hapon, Setyembre 15.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nagmula sa Isabela ang sasakyan at may sakay na 27 katao. Patungo sana ito sa Bakun, Benguet nang mahulog sa bangin.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad upang isagawa ang rescue operations at tulungan ang mga pasahero.
📷: MDRRMO Bontoc
#net25newsandinformation #benguet #mountainprovince #roadaccident #ravine #truckincident -
NET25
@NET25TV
Patuloy ang paghina ng piso kontra dolyar at malapit nang umabot sa ₱63 kada US dollar. Ayon kay economist Prof. Emmanuel Leyco, malaking salik sa pagbaba ng halaga ng piso ang patuloy na trade deficit ng Pilipinas.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/S43iA6nZZLg -
NET25
@NET25TV
Inanunsyo ng BIR na aalisin na ang 12% VAT sa system loss charge na nakapaloob sa billing ng kuryente. Ayon naman kay Nic Satur Jr., chief advocate ng PARE, matagal na sanang hindi dapat pinapatawan ng buwis ang system loss.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/qQJ66ZV862Q -
NET25
@NET25TV
Nakapagtala na ang San Lazaro Hospital ng 29 na nasawi dahil sa leptospirosis. Paalala ng mga eksperto, agad na magtungo sa ospital kung nakararanas ng mga sintomas para maagapan ang kondisyon.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/Z1hZXhtqJ48 -
NET25
@NET25TV
DRAGON ROLL SUSHI NA MAY LUNCHEON MEAT?! Nakatikim ka na ba ng sushi na may Dodram Luncheon Meat?
This time, gumawa si Chef Krizaldy Benedicto ng 'Dragon Roll Sushi,' isang kakaibang recipe na puwedeng pang-business at pangdagdag sa inyong handaan!
🔥 Simple ingredients, creative presentation, and a totally unexpected sushi twist! 🍣😋
youtu.be/9fIy1gl9UHk -
NET25
@NET25TV
Kinamusta ni Atty. Harold Respicio ang kalagayan ng Candaba, Pampanga kasama si MDRRMO Head Michael Dan Sagum, kabilang ang mga proyekto ng national government, pondong inilaan, at bisa ng mga ito.
#net25newsandinformation #resbak #haroldrespicio #candaba #pampanga #floodcontrol
youtu.be/UXYsTN8aw94 -
NET25
@NET25TV
Tuloy ang pagsabak ni Filipina superstar and tennis sensation Alex Eala sa Asian Games 2026 sa Japan anuman ang maging pasya ng Women's Tennis Association.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #alexeala #eala
youtu.be/4YsYgGmsCLI -
NET25
@NET25TV
Hindi sinuportahan nina Donald Trump at JD Vance ang panawagan ng AI industry leaders para sa mas mahigpit na regulasyon sa artificial intelligence.
#matangagilainternational #donaldtrump #jdvance #ai #artificialintelligence #airegulation
youtu.be/dftlVmiV__s -
NET25
@NET25TV
Nagpatupad ng emergency alerts sa ilang lungsod sa Saudi Arabia matapos ang mga pag-atake ng Houthi na ikinasugat ng 13 katao.
#matangagilainternational #saudiarabia #houthis #yemen #houthiattacks #middleeast
youtu.be/m8KXBLp26jo -
NET25
@NET25TV
Ipinaliwanag ni Atty. Harold Respicio ang paglalaan ng pondo para sa flood control projects, mga batas na sumasaklaw dito, at pananagutan ng mga opisyal sa pagpapatupad ng mga proyekto.
#net25newsandinformation #resbak #floodcontrol #floodcontrolbudget #haroldrespicio -
NET25
@NET25TV
Kinumpirma ng U.S. na mayroon itong space weapons sa orbit, na kinondena ng China bilang posibleng pagpapalakas ng armas sa kalawakan.
#matangagilainternational #us #spaceweapons #china #spacewarfare #spacesecurity
youtu.be/dP2CjYl778Y -
NET25
@NET25TV
Humiling ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng dagdag na medical examinations sa ICC para higit na matukoy ang kanyang kakayahang humarap sa paglilitis.
#matangagilainternational #rodrigoduterte #fprrd #icc #internationalcriminalcourt #duterteicc -
NET25
@NET25TV
Narito na ang mga maiinit na balita ngayong Miyerkules, Sept. 16, 2026:
- Mugshot ni Romualdez, isinapubliko
- VP Sara hindi umano nagdeklara ng cash on hand sa kanyang SALN mula 2019 hanggang 2025
- Sen. Padilla, nakatanggap ng subpoena kaugnay ng reklamong obstruction of justice
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=XNFaFVnnN24
FB: www.facebook.com/NET25TV/videos/1382786050611651 -
NET25
@NET25TV
4 KATAO, SUGATAN SA PAGBAGSAK NG DRILLING RIG
PANOORIN: Isinugod sa ospital ang apat na katao matapos gumuho ang isang 85-foot drilling rig sa Brickell neighborhood ng Miami, Florida nitong Lunes, Setyembre 14.
Ayon sa ulat, dalawang construction worker ang na-trap sa loob ng isang storage box habang isang babaeng sakay ng SUV ang muntik nang madaganan ng rig. Nakaligtas din ang crane operator na tumalon mula sa equipment bago ito tuluyang bumagsak.
Minor injuries lamang ang tinamo ng apat at inaasahang ligtas ang kanilang kondisyon. Patuloy namang iniimbestigahan ang sanhi ng pagguho.
📹: RT News
#net25newsandinformation #drillingequipment #roadaccident #accident #injury -
NET25
@NET25TV
PORSCHE, NAGING MOVING BILLBOARD NG MGA NAWAWALANG BATA
TINGNAN: Ginawang mobile billboard ng 27-anyos na si Du Lin ang kaniyang Porsche 718 sa Kunming, China sa pamamagitan ng pagdidikit ng flyers ng 90 nawawalang bata.
Si Du Lin mismo ang nagdisenyo ng car wrap gamit ang impormasyon mula sa volunteer charity website na Baby Come Home. Dahil sa kampanya, isang nawawalang bata na ang naiulat na muling nakasama ang kaniyang pamilya, ayon sa mga awtoridad.
Sinimulan niya ang kakaibang kampanya nitong Agosto at nag-viral sa social media ngayong Setyembre.
📷: RT News
#net25newsandinformation #missingperson #missingchild #missingchildren #lostchildren #porsche -
NET25
@NET25TV
BABAENG RIDER, NA-HIT-AND-RUN, TUMILAPON
PANOORIN: Nasangkot sa hit-and-run ang isang babaeng rider matapos umano siyang habulin ng apat na lalaki na sakay ng kotse sa Golf Course Road, Gurugram, India nitong Linggo, Setyembre 13.
Batay sa helmet-cam footage, sinundan umano ng puting sedan ang biker bago siya mabangga at tumilapon mula sa motorsiklo. Umamin ang driver na sangkot sa insidente ngunit itinangging sinadya ang pagbangga.
Nagsampa na ng kaso ang pulisya, kabilang ang harassment, attempted murder, at hit-and-run. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
📹: RT News
#net25newsandinformation #crimenews #crime #roadaccident #accident -
NET25
@NET25TV
Magmumungkahi ang European Union (EU) na ipagbawal sa mga batang wala pang 15-anyos ang paggamit ng social media, video-sharing platforms, AI chatbots, at online games.
Sa panukala, maaaring gumawa ng sariling accounts ang mga edad 15 pataas, habang kailangan naman ng parental control para sa mga edad 13 hanggang 14.
Ang mga batang edad 3 hanggang 12 ay maaari lamang gumamit ng child-friendly services na kontrolado ng magulang, habang walang access sa mga serbisyong ito ang wala pang 3-anyos.
Layunin ng panukala na protektahan ang mga bata laban sa online abuse, exploitation, addictive designs at harmful content.
#net25newsandinformation #socialmediabanned #socialmediasafety #childsafety #parentalguidance -
NET25
@NET25TV
KAILANGAN BANG IWANAN ANG LAHAT PARA MAKAPAGSIMULA ULIT? 💔
#hearmeout!
“Lalayo na lang ako para makalimutan ko na.” 😭
Pero… distance ba talaga ang kailangan para maka-move on?
Para sa 'yo, effective ba ito? 🤔
Share your answers na, just comment below! 👇🏻 -
NET25
@NET25TV
Pinalalakas ng DOE ang net-metering program para mas maraming consumer ang makagamit ng rooftop solar at iba pang renewable energy sources.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #doe #rooftopsolar #netmetering #renewableenergy
youtu.be/qQa7IEwZAVA -
NET25
@NET25TV
Ibinasura ng Quezon City RTC ang motion for inhibition ng kampo ni VP Sara Duterte sa grave threats case. Maaari pang gamitin ng kanyang kampo ang mga legal na remedyo.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #saraduterte #gravethreats #qcrtc #impeachment -
NET25
@NET25TV
Nakumpleto na ng PCG response teams ang pagsusuri sa bridge at crew at passenger accommodation areas ng MV June Aster. Patuloy ang recovery at imbestigasyon sa sunog.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #mvjuneaster #pcg #coronpalawan #ferryfire -
NET25
@NET25TV
“Marami ang nagtangkang guluhin ang halalan.” Ito ang pahayag ni Atty. John Rex Laudiangco, Spokesperson ng COMELEC kaugnay ng sitwasyon sa BARMM elections. Umabot na sa 80% ang voter turnout, na inaasahang tataas pa ngayong araw.
Samantala, sinabi ng COMELEC na nakahanda itong magsampa ng kaso laban sa mga sangkot sa electoral sabotage.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/7meCgCDFkjQ -
NET25
@NET25TV
MALAKI ANG PAPEL NG ECHOCARDIOGRAPHY SA HEART CATHETER-BASED PROCEDURES
Mahalagang bahagi umano ng mga catheter-based procedure sa puso ang echocardiography o ultrasound, dahil nakatutulong ito sa pagsusuri at paggabay sa mga isinasagawang intervention.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/KlMRUeiRfnE -
NET25
@NET25TV
Isinailalim sa COMELEC control ang Cotabato City dahil sa nangyaring insidente ng pamamaril sa lugar at ang bayan ng Maluso sa Basilan matapos matuklasan ang mga pre-shaded ballots sa 36 na presinto ng bayan.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #barmmelections #comelec #barmm
youtu.be/0BDWONTLMZI -
NET25
@NET25TV
Ruth Alao-Gataraj survived the Nepal flood with her two children.
Hindi na mararating ang lugar niya by land. Chopper lang — at kailangan pang aprubahan ng Nepal army.
Hinanap pa rin siya.
📷 Read the full story: No One Too Far
net25.com/news/care-for-humanity-nepal-disaster-relief -
NET25
@NET25TV
Natalo ang Gilas Pilipinas laban sa China sa Asian Games sa score na 105-61.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #gilaspilipinas #asiangames
youtu.be/2vrwG30Kxfo -
NET25
@NET25TV
Ipapataw ang excise tax sa ice cream at frozen yogurt sa ilalim ng panukala ng Department of Finance (DOF) na palawakin ang saklaw ng sweetened beverage tax.
Kabilang sa bagong kategoryang bubuwisan ang dairy at plant-based ice cream, ice milk, sorbetes, ice lollies, maging ang flavored at unflavored frozen yogurt.
Nais din ng DOF na alisin ang exemption sa 100% natural fruit at vegetable juices na walang dagdag na asukal.
Samantala, target nitong itaas ang excise tax sa sweetened beverages mula ₱6 kada litro hanggang ₱20, at mula ₱12 hanggang ₱40 kada litro para sa mga inuming may high-fructose corn syrup.
#net25newsandinformation #excisetax #taxes #icecream #beverages -
NET25
@NET25TV
Nakatapos ang 12,010 examinees sa tatlong araw na Bar examinations na isinagawa ng Supreme Court noong Setyembre 6, 9, at 13.
Ayon sa SC, ito ang may pinakamataas na bilang ng mga kumuha ng Bar exams sa kasaysayan. Noong 2025, nasa 11,425 ang kumuha ng pagsusulit, habang 10,480 naman noong 2024.
Sinabi rin ng korte na sa Enero 2027 pa malalaman kung sinu-sino ang pumasa. Sasailalim ang mga ito sa panunumpa at paglagda sa Roll of Attorneys upang maging ganap na abogado.
📷: Supreme Court
#net25newsandinformation #supremecourt #kortesuprema #abogado #lawyer #attorney #2026barexams -
NET25
@NET25TV
Maaaring sampahan ng kasong election offense at electoral sabotage ang mga nasa likod ng pre-shading ng mga balota sa Maluso, Basilan.
Ayon sa Comelec, nasa 16,653 opisyal na balota mula sa 36 polling precincts ang nakompromiso bago ang halalan. Dahil dito, nagpasya ang komisyon na magprint ng kapalit na mga balota. Isinailalim din sa Comelec control ang bayan ng Maluso.
📷: Comelec
#net25newsandinformation #comelec #sabotage #electionsabotage #barmmelections #barmm2026 #parliamentaryelections -
NET25
@NET25TV
Pumanaw na ang American fashion at costume designer na si Bob Mackie sa edad na 87 dahil sa pneumonia.
Kilala si Mackie sa kaniyang mga iconic design na sinuot ng mga Hollywood stars tulad nina Cher, Dolly Parton, Elton John, at Marilyn Monroe.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #fashiondesigner #bobmackie #americandesigner #entertainmentnews #death #cher #dollyparton #lifestylenews #hollywoodnews -
NET25
@NET25TV
BAGONG MUGSHOT NI MARTIN ROMUALDEZ
TINGNAN: Inilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang bagong mugshot ni dating House Speaker Martin Romualdez matapos itong ilipat sa New Quezon City Jail sa Payatas, Lunes ng gabi, Setyembre 15. | via Harted Molina
📷: DILG
#net25newsandinformation #martinromualdez #ombudsman #recant #affidavit #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Ipinaabot ni BJMP Chief Medical Officer Dr. Henry Fabro sa Sandiganbayan ang mga pangangailangang medikal ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa New Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City.
Kasunod nito, inatasan ng korte ang BJMP, DBM, DILG, House of Representatives at Senado na tugunan ang mga pangangailangan, kabilang ang karagdagang hospital beds, medical supplies, medical equipment, at mga doktor. | via Tjay Mendoza
#net25newsandinformation #bjmp #sandiganbayan #medicalneeds #senate #hrep #congress -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Sumadsad sa panibagong record low ang Philippine peso matapos umabot sa ₱62.905 ang palitan nito kontra dolyar sa intraday trading ngayong Martes, Setyembre 15.
#net25newsandinformation #uspeso #exchangerate #dolyar #economy -
NET25
@NET25TV
Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2387, na magtatakda sa limang taon ng termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK).
Sa plenary session nitong Lunes, 13 senador ang bumotong pabor sa panukala ni Sen. Francis Escudero habang lima ang tumutol.
Sa ilalim ng batas, ililipat ang halalan sa Nobyembre 2, 2028 at gaganapin kada limang taon pagkatapos nito.
📷: PNA
#net25newsandinformation #senate #bske2026 #bske #halalan #2028elections -
NET25
@NET25TV
MAHIGIT DALAWANG TONELADANG TUNA, NAHULI SA ILOCOS NORTE
PANOORIN: Nakahuli ng halos dalawang toneladang malalaking tuna ang mga mangingisda sa Pagudpud, Ilocos Norte nitong Sabado, Setyembre 12.
Tinatayang lima hanggang walong kilo ang bawat tuna at unang pagkakataon umano ngayong taon na nakahuli sila ng ganoong karaming isda.
Dahil sa dami ng huli, ipinamigay na lamang ng mga mangingisda ang ilan sa mga tuna upang hindi masayang at mapakinabangan ng ibang tao.
📹: Teddie Agnir
#net25newsandinformation #isda #fish #fishing #fishermen #fishvendor #vendorsThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Kinumpirma ng kampo ni Vice President Sara Duterte na natanggap na ng nila ang order ng QC RTC Branch 98 na tumanggi sa kanilang mosyon na mag-inhibit si Presiding Judge Maria Angelica De Ramos sa kaso.
Ayon kay Atty. Paul Lim, gagamitin ng Bise Presidente ang lahat ng available na legal remedies at patuloy silang susunod sa sub judice rule na nagbabawal sa publiko na talakayin ang merit ng kaso.
Sinabi rin ni Lim na mananatili silang sumusunod sa kautusan bilang pagpapakita ng paggalang sa rule of law. | via Madelyn Moratillo
#net25newsandinformation #quezoncity #indaysaraduterte #inhibition #presidingjudge -
NET25
@NET25TV
Iginiit ng kampo ni Vice President Sara Duterte na wala sa realidad at hindi nararapat sa puwesto si Pangulong Bongbong Marcos matapos na sabihing hindi niya puwedeng pilitin ang sinuman na mahalin siya.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #vpsaraduterte #vpsara #duterte #pbbm
youtu.be/IKQ4cJGO-vA -
NET25
@NET25TV
Dumalo si Pinay tennis ace Alex Eala sa ilang high-profile shows para sa Fashion Week sa New York City.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #alexeala #newyorkfashionweek
youtu.be/oVK1UKjPLf0 -
NET25
@NET25TV
Ayon kay U.S. Special Envoy Jared Kushner, hindi pa nagkakasundo ang Russia at Ukraine sa usapin ng teritoryo, na nananatiling pangunahing hadlang sa kasunduan.
#matangagilainternational #russia #ukraine #jaredkushner #peacetalks #ukrainewar
youtu.be/uUM5sC7F2A4 -
NET25
@NET25TV
Personal na kinamusta ng mga kinatawan ng Iglesia Ni Cristo at Felix Y. Manalo Foundation ang Pinay na naka-survive sa debris flow sa Nepal.
Pinagkalooban siya ng tulong para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Labis ang kanyang pagpapasalamat lalo na at napinsala ng kalamidad ang kanilang tahanan at hanap-buhay.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime
www.youtube.com/watch?v=QohzOau2OOY -
NET25
@NET25TV
Tumulong ang mga law students ng New Era University sa Bar Operations Team sa pag-asikaso sa mga bar takers mula send-off hanggang salubong matapos ang pagsusulit.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #newerauniversity #barexam #baroperations #bartakers -
NET25
@NET25TV
Sinabi ni U.S. President Donald Trump na maaaring matapos ang giyera sa Iran bago o kaagad matapos ang U.S. midterm elections.
#matangagilainternational #donaldtrump #iran #iranwar #usmidterms #unitedstates
youtu.be/LOgTLNnIQeI -
NET25
@NET25TV
Ayon sa Houthi military spokesman, 58 airstrikes ang isinagawa ng Saudi Arabia sa anim na probinsya ng Yemen sa loob ng 24 oras. Hindi ito kinumpirma ng Riyadh.
#matangagilainternational #saudiarabia #yemen #houthi #airstrikes #middleeast
youtu.be/E1CUqMFYge8 -
NET25
@NET25TV
Umarangkada na ang BIG TIME OIL PRICE HIKE ngayong araw, Sept. 15, 2026:
DIESEL: + P4.31/L
GASOLINE: + P5.68/L
KEROSENE: + P4.62/L
#net25newsandinformation #aspn -
NET25
@NET25TV
Ang mga maiinit na balitang pag-uuspan sa #aspn ngayong Martes, Sept. 15, 2026:
- Romualdez, nasa New Q.C. Jail sa Payatas na; Nanindigang wala siyang kasalanan
- Unang BARMM election, nabahiran ng kaguluhan at karahasan
- Sen. Alan Cayetano: Malinaw kung sino ang nasa likod ng pananakot sa mayorya
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=tiamlAYT8rM
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1109457401524348 -
NET25
@NET25TV
PROUD TO BE FILIPINO
Masayang masaya ang Filipino Community sa Nepal nang mabalitaan nila ang ibinigay na fiinancial assistance ng Iglesia Ni Cristo sa Nepal Government para sa mga biktima ng mapaminsalang baha. Bukod sa cash assistance ay nagpapatuloy ang Lingap sa Mamamayan ng INC sa mga residente na naapektuhan ng trahedya. | via Mar Gabriel
#net25newsandinformation -
NET25
@NET25TV
SITWASYON SA NEPAL
PANOORIN: Halos dalawang linggo matapos ang insidente, nababalot pa rin sa putik at debris ang bayan ng Bidur sa Nuwakot District, Nepal. Ayon sa mga pinakahuling ulat, hindi bababa sa 1,400 katao ang nasawi, habang nagpapatuloy ang search and rescue operations para sa libu-libong katao na naiulat na nawawala. | via Mar Gabriel
#net25newsandinformation #nuwakotdistrict #nepal #bidur #mudflow #debrisflow #flashflood #nepalupdatThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Brother of missing Pinoy doctor in Nepal undergoes DNA test
The brother of the missing Pinoy doctor in Nepal underwent DNA sampling as part of the process of recognition and search for victims. #net25newsandinformation #matangagilaprimetime #nepal #pinoydoctor #dnatestThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Nakuhanan na ng DNA sample ang kapatid ng Pilipinong doktor na kabilang sa libu-libong indibidwal na nawawala sa nangyaring debris flow sa Nepal. Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang Konsulado ng Pilipinas sa Nepal na matatagpuan pa rin nang buhay si Dr. Juan Carlos Manalo, dalawang linggo matapos ang trahedya. Ayon kay Suraj Vaidya, Honorary Consul General ng Pilipinas sa Nepal, kasama sa prayoridad ng Ministry of Foreign Affairs ang paghahanap kay Dr. Manalo. | via Mar Gabriel #net25newsandinformation #nuwakotdistrict #nepal #nepalupdate #bidur #mudflow #debrisflow #flashflood
-
NET25
@NET25TV
Hinangaan ng Honorary Consul General ng Pilipinas sa Nepal na si Mr. Suraj Vaidya ang ipinakitang malasakit ng Iglesia Ni Cristo sa mga biktima ng trahedya sa Nepal. Kasabay nito, ipinahayag niya ang kaniyang pagpapasalamat sa Executive Minister ng Iglesia Ni Cristo na si Brother Eduardo V. Manalo.
-
NET25
@NET25TV
Nagpaabot ng pasasalamat sa Iglesia Ni Cristo ang ilang miyembro ng Federal Parliament of Nepal sa financial donation para sa mga biktima ng malagim na trahedya. Ayon kay Member of Parliament Honorable Dr. Achutam Lamichhane, malaki ang maitutulong ng donasyon sa pagbangon ng mga biktima ng trahedya. | via Mar Gabriel #net25news #iglesianicristo #nepal
-
NET25
@NET25TV
Patuloy ang pamamahagi ng care packages ng Iglesia Ni Cristo (INC) para sa mga biktima ng debris flow sa Nepal, kasunod ng nauna nang ibinigay na financial donation sa pamahalaan ng bansa.
📹 via Mar Gabriel -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Nag-deploy ng tangke ang Philippine Marines sa labas ng Cotabato City Central Pilot School matapos ang insidente ng pamamaril sa gitna ng BARMM Parliamentary Elections ngayong Lunes, Setyembre 14. | via Vic Somintac
#net25newsandinformation #cotabatocity #barmm #parliamentaryelection #comelec #election2026This media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
WILDFIRE SA CROATIA
TINGNAN: Inilikas ang halos 700 katao matapos sumiklab ang wildfire sa Adriatic island ng Brac, Croatia mula nitong Huwebes, Setyembre 10 hanggang Linggo, Setyembre 13.
Mahigit 220 bumbero at 69 na sasakyan ang magdamagang rumesponde sa apoy na umabot sa tinatayang 3,500 ektarya. Ilang gusali rin ang napinsala, habang isang 76-anyos na babae ang kritikal ang kondisyon at isang 27-anyos na lalaki ang isinugod dahil sa smoke inhalation.
Ayon sa mga awtoridad, wala namang naitalang nasawi at kalaunan ay humupa na ang open fire, bagama’t patuloy ang pagbabantay upang maiwasan ang muling pagliyab ng apoy.
📷: Noticieroslv via RT News
#net25newsandinformation #croatia #firealert #fire #sunog #accident #deathThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
"THE COUNTRY NEEDS HIS RESIGNATION."
Tinuligsa ni Atty. Salvador Paolo A. Panelo Jr., spokesperson ni Vice President Sara Duterte, ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa mga alegasyon ni VP Sara Duterte.
Sinabi ni Panelo na minamaliit umano ng Pangulo ang seryosong akusasyon ng korapsyon at pang-aabuso sa gobyerno matapos nitong tumugon kay VP Sara ng, “What can I do? You cannot force anyone to love you.”
Giit ni Panelo, hindi umano kailangan ng bansa ang mga pangangatuwiran ng Pangulo, kundi ang kaniyang pagbibitiw sa pwesto. | via Madelyn-Villar Moratillo
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #vpsara #indaysaraduterte #martinromualdez #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Bumoto na kaninang umaga si Basilan Governor Mujiv Hataman sa Buli-Buli Elementary School sa Sumisip, Basilan para sa kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections ngayong Lunes, Setyembre 14. | via Armie Mangco
#net25newsandinformation #cotabatocity #barmm #parliamentaryelection #comelec #election2026 -
NET25
@NET25TV
In-extend ng COMELEC hanggang 9:00 ng gabi ang oras ng pagboto sa Al-Barka, Basilan matapos maantala ang halalan dahil hinarang umano ang mga guro sa pagdadala ng election paraphernalia sa kanilang mga itinalagang polling center.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, nakapagsimula lamang ang botohan sa lugar bandang 10:30 ng umaga matapos mamagitan ang poll body at security forces.
Dalawang oras ang idinagdag sa voting hours upang mabigyan ng pagkakataong makaboto ang mga botante sa Al-Barka.
📷: DXMS Radio Cotabato
#net25newsandinformation #cotabatocity #barmm #parliamentaryelection #comelec #election2026 -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Nasawi ang top CTG leader sa Caraga at Northern Mindanao matapos ang serye ng engkuwentro sa Barangay Bakingking, Esperanza, Agusan del Sur.
Nasawi si NCMRC Regional Secretary Julia Cagadas na may ₱5.3 milyong bounty, kasama ang tatlo nitong key executive leader.
Tatlo ring miyembro ng NCMRC ang sumuko sa militar, habang anim na high-powered firearms ang narekober ng mga grupo. Ayon sa militar, lalo nitong pinahina ang natitirang command structure ng grupo. | via Laura Pobadora
📷: 8IB / 403Bde / 4ID
#net25newsandinformation #crimenews #crime #shootingincident #pamamaril #shooting #death -
NET25
@NET25TV
JINYOUNGIE IS COMING TO 🇵🇭🍑
TINGNAN: Dadalhin ng aktor at GOT7 member na si Park Jin-Young ang kaniyang solo concert na “Code#” sa Pilipinas.
Isasagawa ang kaniyang concert sa darating na Disyembre 5, sa FYM Hall ng EVM Convention Center.
Kilala si Jinyoung sa iconic TV series na “Yumi Cells” bilang si Yoo Ba-bi (Bobby), “He is Psychometric” bilang si Lee Ahn, at sa “Our Unwritten Seoul” bilang si Lee Ho-su.
📷: Three Angles Production, JinYoung / IG
#net25newsandinformation #parkjinyoung #evmconventioncenter #evmcc #concert #code# -
NET25
@NET25TV
SAKIT SA BULSA
Epektibo simula bukas, Setyembre 15 ang taas-singil sa presyo ng mga produktong petrolyo, ayon sa Department of Energy (DOE).
Gasoline: ₱5.68/L
Diesel: ₱4.31/L
Kerosene: ₱4.62/L
#net25newsandinformation #oilprice #pricehike #diesel #gasoline #kerosene #langis #doe -
NET25
@NET25TV
GET WELL SOON, HOSHI 🐯
Nakatakdang operahan si Hoshi ng SEVENTEEN dahil napunit ang anterior cruciate ligament (ACL) sa kaniyang tuhod habang nasa practice para sa isang military performance.
Dahil dito, hindi na siya makakadalo sa ilang nakatakdang pagtatanghal.
Miyembro si Hoshi ng SEVENTEEN na kasalukuyang nagsasagawa ng mandatory military service sa South Korea, kasama sina Woozi, Wonwoo, DK, at Vernon.
📷: Hoshi / Instagram
#net25newsandinformation #hoshi #carat #seventeen #aclinjury #horanghae #militaryservice -
NET25
@NET25TV
PAIHI OPS SA BATANGAS, NABUNYAG
Arestado ang isang truck driver nang masangkot sa isang paihi operation sa Brgy. San Juan, Mabini, Batangas.
Ayon sa mga awtoridad, walang maipakita na delivery receipt, manifest, permit, at DOE authority para sa kargang petrolyo ang driver.
Nasamsam sa kaniya ang ₱399,350 halaga ng diesel, isang truck, at iba pang kagamitan. | via Martin Banaag
📷: Batangas PIO
#net25newsandinformation #paihi #diesel #batangas #mabinibatangas #oilprice -
NET25
@NET25TV
Hinahanap pa rin ang kapitan ng MV June Aster, limang araw matapos ang trahedya na ikinasawi ng 76 katao.
Ito ay matapos sabihin ng operator ng Atienza Interisland Ferries Inc. na kumpiyansa silang nakaligtas ang kapitan sa sunog.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa sanhi ng sunog at nangongolekta ng mga specimen at iba pang ebidensya mula sa barko.
📷: PCG
#net25newsandinformation #palawan #coron #firealert #fire #sunog #accident #death -
NET25
@NET25TV
BREAKING: Ipinakukulong na ng Sandiganbayan si dating House Speaker Martin Romualdez sa New Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City.
Kasunod ito ng rekomendasyon ng UP-PGH na hindi na niya kailangang manatili sa ospital. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #martinromualdez #ombudsman #recant #affidavit #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Bumoto na rin si MILF Chair Ahod "Al Haj Murad" Ebrahim sa Lower Pangangkalan Elementary School sa Pahamuddin, Special Geographic Area (SGA) ngayong Lunes, Setyembre 14, para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections. | via Armie Mangco
📷: Al Haj Murad Ebrahim
#net25newsandinformation #milf #sga #barmmelections #parliamentaryelections #2026halalan -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Bumoto na rin si MILF Chair Ahod "Al Haj Murad" Ebrahim sa Lower Pangangkalan Elementary School sa Pahamuddin, Special Geographic Area (SGA) ngayong Lunes, Setyembre 14, para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections. | via Armie Mangco
📷: Al Haj Murad Ebrahim
#net25newsandinformation #milf #sga #barmmelections #parliamentaryelections #2026halalan -
NET25
@NET25TV
30 LABI MULA MV JUNE ASTER, DINALA SA CORON
PANOORIN: Dumating sa Port of Borac sa Coron, Palawan nitong Sabado ng hapon, Setyembre 12 ang BRP Cape Engaño, lulan ang 30 na labi na narekober mula sa MV June Aster.
Maingat na inilipat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga labi mula sa barko bago ito i-tinurn-over sa Provincial Forensic Unit.
Isasailalim ang mga labi sa forensic examination at proseso ng pagkakakilanlan. | via Jim Tejano
📹: PCG
#net25newsandinformation #palawan #coron #firealert #fire #sunog #accident #death -
NET25
@NET25TV
BASAHIN: Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga kandidato, partido, at stakeholder na pantatilihin ang isang mapayapa at transparent ang unang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Hinikayat din ni Duterte ang mga botante na gamitin nang responsable ang kanilang karapatang bumoto at pumili ng mga lider na tunay na maglilingkod sa kapakanan ng rehiyon.
📷: Inday Sara Duterte
#net25newsandinformation #barmm #indaysaraduterte #parliamentaryelections #barmmpolls #2026halalan -
NET25
@NET25TV
MIND CONDITIONING NG PUBLIKO
PANOORIN: Patuloy na kinuwestiyon ng defense team ang pagharap ni retired Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang bilang saksi ng prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes, Setyembre 14.
Ayon kay Atty. Mark Vinluan, maaaring magsilbing “mind-conditioning” sa publiko ang testimonya ni Justice Tang dahil hindi malinaw sa mga mamamayan kung alin sa mga batas na kaniyang tinatalakay ang naaangkop sa kaso.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/GsowLszddKE
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #articleii #senate #impeachmentcourt #articlesofimpeachment #unexplainedwealthThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
CLINICALLY STABLE SI ROMUALDEZ
NEWS UPDATE: Sinabi ni Philippine General Hospital Director Dr. Gerardo Legaspi na clinically stable na si dating House Speaker Martin Romualdez batay sa independent medical assessment na ginawa nila noong Sabado, Setyembre 12.
Wala na rin umanong dahilan para sa “continued confinement” batay sa pinakahuling assessment nila sa dating House Speaker, pero nangangailangan pa rin daw ito ng monitoring. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #martinromualdez #pgh #medicalcondition #plunder #medicalassessment -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Bumoto na si BARMM Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua sa kaniyang hometown sa Barangay Gambar, Kabuntalan, Maguindanao del Norte ngayong Lunes, Setyembre 14. | via Amor Musico
📷: BARMM Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua
#net25newsandinformation #barmmelections #2026halalan #parliamentaryelections #buluan #maguindanaodelsur -
NET25
@NET25TV
WEBSITE PARA SA BARMM ELECTION RESULTS
TINGNAN: Inilunsad ng Comelec ang website para sa partial at unofficial results ng kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon sa COMELEC, magsisimula ang paglabas ng resulta matapos magsara ang mga presinto mamayang 7:00 ng gabi at mailimbag ang unang siyam na kopya ng election returns.
Maaaring makita ang website dito: barmmpelectionresults.comelec.gov.ph/dashboard
#net25newsandinformation #2026halalan #barmmelections #parliamentaryelections -
NET25
@NET25TV
Isang tao ang patay at tatlo ang sugatan matapos ang pamamaril sa loob ng Central Pilot Elementary School sa Cotabato City.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #cotabatocity #schoolshooting #centralpilotelementaryschool
youtu.be/DLvyTcYGGt4 -
NET25
@NET25TV
Nasungkit ng Gilas Pilipinas ang kanilang unang panalo sa Asian Games 2026 men's basketball 5-on-5 event matapos talunin ang Kazakhstan.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #gilaspilipinas #asiangames2026 #gilas
youtu.be/vhBP6ZRKmVI -
NET25
@NET25TV
Parang walang patutunguhan.
'Yan ang reaksyon ni election lawyer Atty. Romy Macalintal sa patuloy na postponement ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Dagdag pa ni Macalintal, nagagamit ang BSKE sa pamumulitika.
| Ano Sa Palagay N’yo? #net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/O9IrYoh00N0 -
NET25
@NET25TV
Mga isyu sa unang BARMM elections, kabilang ang pre-shaded ballots at alegasyon ng vote-buying laban kay dating COMELEC Chairman Sheriff Abas, tinalakay sa #aspn kasama si election lawyer Atty. Romy Macalintal.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo -
NET25
@NET25TV
4 ang patay, habang 14 sugatan matapos ang isang election-related attack sa Cotabato City ilang oras bago magsimula ang Bangsamoro election.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #barmm #barmmelections #comelec
youtu.be/r6K-cdd8UeM -
NET25
@NET25TV
MAKE UP NI BAGETS, PANG FULL-FACE MAKE UP LOOK NA RIN! 💄💖 #girlcode!
Ikaw, kaya mo bang gumawa ng full-face make up look gamit lang ang make up ni bagets? 🤔 Comment na! 👇🏻
youtu.be/6RNQtaV225o -
NET25
@NET25TV
TUBIG-ULAN, PWEDE NANG PAKINABANGAN! 💧✨
Kilalanin si Ms. Lea Olegario at ang kanyang innovation na tinatawag na Rainfold, isang foldable water tank at filtration system na tumutulong mag-ipon at magsala ng tubig-ulan para magamit ng mga komunidad na nangangailangan ng malinis na tubig. 🌧💙
youtu.be/owXbXlivL04 -
NET25
@NET25TV
BIG TIME OIL PRICE HIKE!
Inaasahan muli ang malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo bukas, Sept. 15, 2026:
DIESEL: + P4.00 - P5.00/L
GASOLINE: + P5.00 - P6.00/L
KEROSENE: + P4.00 - P5.00/L
#net25newsandinformation #aspn -
NET25
@NET25TV
Narito na ang #aspn – Ating Sinundang Pangunahing News ngayong Lunes, Sept. 14, 2026:
- Dating COMELEC Chair Abas, iniuugnay sa vote-buying
- Pagtukoy sa mga biktima ng MV June Aster, pinabibilis ni PBBM
- Medical report ni Romualdez, naisumte na sa Sandiganbayan
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=38CdEk6VTOs
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1481101763853330 -
NET25
@NET25TV
Inaresto si dating House Speaker Martin Romualdez matapos maglabas ng warrant ang Sandiganbayan kaugnay ng kasong plunder na may kaugnayan sa flood control anomaly.
Habang iginiit ng kaniyang kampo ang pangangailangang manatili sa ospital dahil sa kondisyon ng kalusugan, hati naman ang reaksyon ng publiko—may mga naniniwalang ito na ang simula ng pananagutan, habang ang iba ay nagtatanong kung sapat ba ito upang maabot ang buong katotohanan.
Siya na nga ba ang pinakamalaking isda—o umpisa pa lang ito ng mas malawak na pagbubunyag?
📺 Panoorin ang buong detalye sa DATOS — dito lang sa NET25 Online.
#net25newsandinformation #datos #wengdelafuente #martinromualdez #floodcontrolanomaly #plundercase #sandiganbayan #governmentaccountability #anticorruption #philippinepoliticsThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
ANO NGA BA ANG IMAGE NG LUGAR 'PAG SINABING "MAKATI?" 🌃
#hearmeout!
Viral ang content na tinawag ang Makati na “United States of Makati.” 🤩
Ikaw, ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag narinig mo ang “Makati?” 🤔
youtu.be/eVN4cq63mIM -
NET25
@NET25TV
Ibinida ng DepEd na kabilang ang Pilipinas sa fastest-improving education systems sa mundo, ayon sa Organisation for Economic Co-operation and Development o OECD.
Ano-ano nga ba ang mga pagbabagong ipinatupad ng DepEd na nakatulong para maiangat ang antas ng edukasyon sa bansa?
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/J7seFhXGccI -
NET25
@NET25TV
TUBIG-ULAN, PWEDE NANG PAKINABANGAN! 💧✨
Kilalanin si Ms. Lea Olegario at ang kanyang innovation na tinatawag na Rainfold, isang foldable water tank at filtration system na tumutulong mag-ipon at magsala ng tubig-ulan para magamit ng mga komunidad na nangangailangan ng malinis na tubig. 🌧💙
Panoorin ang buong episode: www.youtube.com/live/UX9NmARIMco #net25 #net25entertainment #kabarangayday #ltepinoyinnovation
youtu.be/owXbXlivL04 -
NET25
@NET25TV
BANGKAY, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA DAGAT
TINGNAN: Namatahan ng mga mangingisda ang bangkay ng isang lalaki na palutang-lutang sa karagatan na sakop ng Cavite habang pauwi sila ng Mariveles.
Kinilala ang biktima na residente ng Barangay Baseco, Mariveles, Bataan. Huli umano itong nakita noong Martes, Setyembre 8 kasama ang kaibigan nitong 31-anyos, na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan.
Hinila ng mga mangingisda ang bangkay patungo sa Mariveles Fishport. Nakagapos ang mga kamay ng biktima sa likod nang matagpuan.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa pagkamatay ng biktima, habang nagpapatuloy rin ang paghahanap sa kaibigan nito. | via Larry Biscocho
#net25newsandinformation #bataan #mariveles #accident #death -
NET25
@NET25TV
Inanunsyo ng transport group na Manibela ang nationwide transport strike sa Setyembre 14 at 15, bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina.
Ngayong linggo, tumaas ng ₱4.69 kada litro ang presyo ng gasolina, ₱5.18 ang diesel, at ₱5.58 ang kerosene. Tinuligsa ng grupo ang Department of Energy (DOE) dahil sa kawalan umano ng aksyon sa isyu.
Samantala, sinabi ng DOE na dulot umano ito ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, gayundin ng paghina ng piso laban sa dolyar.
Inaasahan ding muling tataas ang presyo ng petrolyo sa susunod na linggo. Batay sa paunang pagtataya, maaaring madagdagan ng ₱2 hanggang ₱4 kada litro ang gasolina at ₱3 hanggang ₱5 naman ang diesel.
📷: MANIBELA
#net25newsandinformation #doe #manibela #transportstrike #fuelprices #gasoline #diesel #kerosene -
NET25
@NET25TV
Hinamon ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla si dating House Speaker Martin Romualdez na harapin ang mga kaso na kaugnay ng umano’y ₱7.4 bilyong kickback sa flood control projects.
Tugon ito ni Remulla sa petisyon ng kampo ni Romualdez na manatili sa ospital ang mambabatas sa halip na makulong. Giit ng Ombudsman, dapat patas ang pagpapatupad ng batas.
Samantala, inatasan ng Sandiganbayan ang mga doktor mula Philippine General Hospital na suriin ang kondisyon ni Romualdez upang matukoy kung kailangan talaga nitong manatili sa ospital.
#net25newsandinformation #martinromualdez #ombudsman #recant #affidavit #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
SHINING STAR AT THE COURT 🎾🌟
TINGNAN: Nakilahok ang Broadway icon na si Lea Salonga sa ceremonial coin toss bago ang men’s quarterfinal match ng US Open sa New York.
Ilang araw lamang ito matapos siyang tumanggap ng star sa Hollywood Walk of Fame.
📷: Lea Salonga / IG
#net25newsandinformation #leasalonga #usopen #tennis #popnews #walkoffame #hollywood -
NET25
@NET25TV
Hindi uurong ang kampo ni Vice President Sara Duterte matapos ibasura ng Office of the City Prosecutor ng Taguig ang una niyang perjury complaint laban kay Ramil Madriaga.
Ayon sa legal counsel ni Duterte at spokesperson na si Atty. Salvador Paolo Panelo Jr., political umano ang naging desisyon ng prosecutor sa pagbasura ng reklamo dahil sa “lack of prima facie evidence with reasonable certainty of conviction.”
Giit ni Panelo, mahigit 300 pahina ng ebidensya ang isinumite nila, kabilang ang kaniyang sworn testimony, pitong corroborating witnesses, official documents, government certifications, at iba pang records.
Sinabi rin ni Panelo na naglalaman umano ang mga ebidensya para pagdudahan ang kredibilidad ni Madriaga at patunayan na sinadya nitong magsinungaling under oath.
Sa kabila ng dismissal, sinabi ng kampo ni Duterte na gagamitin nito ang lahat ng legal remedies at itutuloy ang nakabinbing ikalawang perjury complaint laban kay Madriaga.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #vpsara #indaysaraduterte #martinromualdez #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Sa Setyembre 16 gaganapin ang pre-trial at arraignment ni dating House Speaker Martin Romualdez. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #martinromualdez #sandiganbayan #plunder -
NET25
@NET25TV
Ipinaliwanag ni Atty. Tranquil Salvador III na hindi maaaring baguhin ang conviction threshold sa impeachment dahil itinatakda ng Konstitusyon ang dalawang-katlong boto o 16 sa 24 senador para sa conviction.
#net25newsandinformation #saganangmamamayan #impeachment #tranquilsalvador #senate #constitution
youtu.be/whL2bLo5zyE -
NET25
@NET25TV
Punto por punto, sinagot ni DND Secretary Gibo Teodoro ang sulat mula sa China na iniabot sa kanya habang nagsasalita sa 2026 Seoul Defense Dialogue. Tinalakay ang isyu sa #aspn kasama si Prof. Pitlo III, President ng Philippine Association for Chinese Studies.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/USn8ZhXkhuM -
NET25
@NET25TV
Ngayong National Bullying Awareness Month, tinalakay sa #aspn ang mga dahilan sa likod ng pagdami ng kaso ng bullying sa bansa, kasama si Dr. Juan Rafael Opsima, Clinical Psychologist at Trauma and Mood Specialist.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/zoXqdMPF_-I -
NET25
@NET25TV
MAGALING KA BANG MAG-READ BETWEEN THE LINES? 🫵🏻
#mainfeed!
Ikaw, paano mo iniintindi ang sinasabi ng kausap mo? 🤔
At paano mo nalalaman kung totoo nga ba ang mensahe sa likod ng kanyang mga sinasabi?
Let us know, i-share mo na 'yan! 👇🏻
youtu.be/PClbX5aPE8o -
NET25
@NET25TV
Ginunita ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang mga biktima ng 9/11 attacks sa ika-25 anibersaryo ng trahedya.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali
youtu.be/OiZmsMyZg4o -
NET25
@NET25TV
NA-STRESS DAHIL SA WARRANT OF ARREST?
NEWS UPDATE: Sinabi ng isa sa mga doktor ni dating House Speaker Martin Romualdez na si Dr. Rody Sy na stress ang isa sa mga dahilan kung bakit daw nag-fluctuate ang blood pressure ni Romualdez.
Natanong ni Associate Justice Ronald Moreno si Dr. Sy kung sila ba ang problema dahil naglabas sila ng arrest warrant. Ani Sy, “I’m not saying that, sir.”
Natanong din ng korte kung ilang araw ang marerekomenda ng doktor ni Romualdez bago payagang mailipat o ma-transfer ang kustodiya. Sabi ng doktor ng dating zpeaker, apat hanggang anim na linggo ang kaniyang rekomendasyon. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #martinromualdez #ombudsman #recant #affidavit #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: “Unusual” para sa admitting physician ni dating House Speaker Martin Romualdez na si Dr. Kurt Allen Sibayan na maglabas ng clinical abstract para kay Romualdez habang naka-confine pa ito sa Cardinal Santos.
Ani Sibayan, dapat daw ay ilalabas ito kung na-discharge na ang isang pasyente. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #martinromualdez #ombudsman #recant #affidavit #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
MAGPA-FULL TANK NA!
Asahan ang malaking dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, base sa unang tatlong araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS).
Narito ang posibleng dagdag-singil:
Gasoline: ₱4.50 - ₱5.00/L
Diesel: ₱2.00 - ₱2.50/L
#net25newsandinformation #oilprice #pricehike #mops #diesel #gasoline -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Kinuwestyon ng Sandiganbayan Third Division justices kung bakit pinahintulutan ng Cardinal Santos na magsagawa ng “examination” kay dating House Speaker Martin Romualdez si Dr. Dave Kemuel Yahot, gayung hindi naman siya “affiliated” o may kaugnayan sa naturang ospital.
Paglilinaw naman ni Dr. Kury Sibayan, admitting physician ng Cardinal Santos, puwedeng mag-imbita ang ospital ng third-party physician. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #martinromualdez #ombudsman #recant #affidavit #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
Inilagay ng Sandiganbayan Third Division sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si dating House Speaker Martin Romualdez. Kasunod ito ng commitment order na inilabas ng korte nitong Huwebes, Setyembre 10.
Gayunpaman, mananatili muna si Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center habang hinihintay ang desisyon sa kaniyang mosyon para sa hospital confinement.
Kapag pinayagang lumabas ng ospital, saka siya ililipat sa New Quezon City Jail sa Payatas.
Itinakda naman sa Setyembre 14 ang arraignment at pretrial niya sa kasong plunder kaugnay ng umano’y ₱7.44 bilyong kickback sa mga proyekto ng gobyerno.
📷: PNP CIDG NCR
#net25newsandinformation #martinromualdez #plunder #hospitalconfinement #bjmp #newquezoncityjail #antigraft #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Ipinagpaliban ng Quezon City Regional Trial Court ngayong Biyernes, Setyembre 11, ang pagdinig sa three counts of grave threats na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon sa kaniyang abogado, dahil ito sa mga nakabinbing mosyon ng depensa kabilang ang ipinasa nila sa Korte Suprema.
#net25newsandinformation #saraduterte #arraingment #vpsara #indaysaraduterte #gravethreats -
NET25
@NET25TV
PLANUHIN NA ANG BAKASYON
NEWS UPDATE: Inilabas na ng Malacañang ang petsa ng mga regular holidays at special non-working holidays para sa taong 2027. | via Madelyn Moratillo
#net25newsandinformation #2027 #regularholidays #vacation #nonworkingdays #holidays2027 #2027calendar -
NET25
@NET25TV
Nasa 86 na katao pa ang hinahanap, lima ang kumpirmadong nasawi habang 43 ang nasagip matapos masunog ang M/V June Aster sa karagatan ng Coron, Palawan.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/z3ecfHwDrP8v -
NET25
@NET25TV
ANG BUHAY MO BA AY PARANG KARERA? 😭
#hearmeout!
Madalas ka rin ba makarinig ng ... "Kapag umabot na ako sa ganitong edad, dapat ganito na ako..." 🥲
Ikaw, nape-pressure ka ba sa buhay?
If yes, ano ang nakakapagpa-pressure sa 'yo? 🤔
I-share mo naman 'yan! 👇🏻 -
NET25
@NET25TV
I-level-up natin ang ordinaryong broccoli dish gamit ang Dodram Korean Luncheon Meat kasama si Nanay Judith Altera, na apat na dekada nang bihasa sa kusina! 👩🍳
Mula sa pagiging catering cook hanggang sa pagiging online food seller sa Barangay Gulod Malaya, may recipe si Nanay Judith na perfect sa bawat kainan!😋
Kaya subukan mo na ang broccoli dish na may Dodram Luncheon Meat!
#net25 #net25entertainment #kabarangayday #kabarangaycook #dodramluncheonmeat
youtu.be/loWAPCk67yY -
NET25
@NET25TV
Ikinabahala sa Hollywood ang pag-usbong ni Tilly Norwood, isang AI-generated actor na gumagamit ng artificial intelligence.
#mnainewsbitesize #tillynorwood #aiactor #artificialintelligence #hollywood #ai
youtu.be/cUM2WQaUXRg -
NET25
@NET25TV
Itatampok ang kulturang Pilipino sa nalalapit na “Layag ng Pamana” cultural fashion showcase ng The Heritage Society of the Philippines.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #layagngpamana #filipinoculture #philippinefashion #filipinoheritage
youtu.be/aMGwhrynhJQ -
NET25
@NET25TV
Handa ang China na mamagitan para maisulong ang posibleng pagkikita nina U.S. President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un.
#mnainewsbitesize #china #donaldtrump #kimjongun #northkorea #usnorthkorea
youtu.be/L4qmez7tXLY -
NET25
@NET25TV
Lumala ang tensyon sa pagitan ng United Kingdom at Israel matapos magpataw ang London ng sanctions laban sa Israeli settlers sa West Bank. #mnainewsbitesize #uk #israel #westbank #israelisettlers #sanctions
youtu.be/9XOrQMf5dLI -
NET25
@NET25TV
Patuloy ang search and rescue operations sa Nepal matapos ang malawakang flash flood noong Agosto 26 na tumama sa Rasuwa, Nuwakot, Dhading at iba pang lugar.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #nepal #flashflood #rasuwa #nuwakot #dhading
youtu.be/KN76b3IpRKM -
NET25
@NET25TV
Batay sa 3-araw na trading sa world market, tumaas ang presyo ng produktong petrolyo.
PRESYO SA WORLD MARKET SEPTEMBER 7-9, 2026
DIESEL: + P 2.56/L
GASOLINE: + P4.21/L
KEROSENE: + P2.61/L
#net25newsandinformation #aspn -
NET25
@NET25TV
Narito na ang ang latest na balita sa #aspn ngayong Biyernes, Sept. 11, 2026:
- PBBM, iniutos kay SILG Remulla na ibalik si Zaldy Co sa Pinas
- 5 patay, 81 nawawala matapos masunog ang passenger ferry sa Coron, Palawan
- Mga retiradong SC Justice, tutulong resolbahin ang isyu ng botohan sa impeachment
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.facebook.com/100064813270325/videos/3003695483304942
FB: www.youtube.com/watch?v=kWR8RfVi0Us -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Pinagtutulak ng mga pulis ang mga nagpoprotesta sa harap ng Grand Hyatt Manila sa Taguig City ngayong Huwebes, Setyembre 10, kahit bumagsak na ang ilang raliyista.
📹: Richardson Tubo
#net25newsandinformation #pbbm #bongbongmarcos #paxsilica #protest #rallyThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Magkakahiwalay na naaresto ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang sampung wanted person sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Quezon noong nakaraang linggo.
Kabilang sa mga nahuli ang tatlong Provincial Most Wanted Persons sa Sariaya na may mga kasong rape, habang iba pang wanted person ang naaresto sa Pagbilao, Lucban, Padre Burgos, Alabat at Tayabas City dahil sa mga kasong estafa, attempted homicide, other deceit, illegal gambling, qualified theft, at reckless imprudence resulting to homicide at damage to property. | via Leslie Ann Dimaano
📷: Quezon Police Provincial Office (QPPO)
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #theft #rape #homicide #gambling -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Arestado sa isinagawang joint police operation ang Number 1 Regional Most Wanted Person ng MIMAROPA na may kasong 3 counts of rape at theft na nagtago umano sa Pagbilao, Quezon.
Ayon sa pulisya, natunton siya sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na cyber patrolling, monitoring sa E-Warrant System, at pakikipag-ugnayan sa barangay. | via Martin Banaag
📷: Pagbilao MPS
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #theft #rape -
NET25
@NET25TV
SINKHOLE SA BATAAN
TINGNAN: May mga sinkhole na lumitaw sa ilang barangay sa Dinalupihan, Bataan kasunod ng malalakas na pag-ulan dulot ng habagat. | via Larry Bischocho
#net25newsandinformation #bataan #sinkholes #ulan #habagat #monsoonrains -
NET25
@NET25TV
HEAVY RAINFALL WARNING: Itinaas ang yellow warning level sa Zambales at Bataan ngayong Huwebes ng hapon, Setyembre 10.
Ayon sa PAGASA, dulot ito ng mahina hanggang katamtaman at paminsan-minsang malalakas na pag-ulan dala ng habagat.
#net25newsandinformation #habagat #rainfallwarning #zambales #bataan #luzon #rain -
NET25
@NET25TV
Sa kabila ng nakabinbing ₱85 wage hike, inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR ang ₱60 dagdag sa arawang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Kung maaprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), tataas mula ₱695 hanggang ₱755 kada araw ang minimum wage ng mga non-agricultural worker. Para naman sa agricultural worker at ilang maliliit na negosyo, magiging ₱718 mula ₱658.
Matatandaang ipinahinto ng korte ang pagpapatupad ng naunang wage hike dahil sa mga legal na usapin.
#net25newsandinformation #wagehike #metromanila #dagdagsahod #employees #wages #wageincrease -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Bumuhos ang malakas na ulan sa Puerto Princesa City, Palawan ngayong Huwebes, Setyembre 10. | via Ryne Czeska Ferriol
#net25newsandinformation #palawan #puertoprincesa #habagat #tagulan -
NET25
@NET25TV
SASAKYAN, MUNTIK NANG TANGAYIN NG BAHA
PANOORIN: Naisalba ang isang SUV na muntik nang matangay ng rumaragasang baha sa Bataan. | via Larry Biscocho
📹: Bataan Police
#net25newsandinformation #bataan #police #habagat #monsoonrains #suv #car #roadincidentThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) ang drone footage ng barko na M/V June Aster na nasunog sa karagatan ng Coron, Palawan kagabi ng Miyerkules, Setyembre 9.
Limang katao ang nasawi habang 43 naman ang nailigtas matapos sumiklab ang sunog sa barkong lulan ang 117 pasahero at 17 crew members.
Patuloy ang search and rescue operation ng PCG habang iniimbestigahan ang sanhi ng insidente.
📹: Philippine Coast Guard (PCG)
#net25newsandinformation #palawan #coron #firealert #fire #sunog #accident -
NET25
@NET25TV
Nais ng ilang senador na Supreme Court (SC) ang magpasya kung ilang boto ang kailangan para mahatulan si Vice President Sara Duterte sa impeachment case.
Ipinunto nina Sen. JV Ejercito at Sen. Raffy Tulfo na mas mainam umanong korte ang magbigay-linaw sa 16-vote threshold, lalo na’t may ilang senador na hindi nakadadalo sa mga pagdinig.
Kabilang dito sina Sen. Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada, na may kinakaharap na kaso; Sen. Ronald Dela Rosa, na may arrest warrant mula sa ICC; at Sen. Loren Legarda, na nasa ibang bansa dahil sa medical leave.
Nakatakda sa Setyembre 23 ang oral arguments ng Senate impeachment court sa isyu. Makakasama nila ang mga legal expert, kabilang ang mga dating Chief Justice at Associate Justice.
#net25newsandinformation #senate #kortesuprema #16vote #votingthreshold #impeachment #vpsara #indaysaraduterte #investigation -
NET25
@NET25TV
Nagpaputok ng flares ang China laban sa isang unarmed na Philippine Coast Guard (PCG) aircraft na nagsasagawa ng routine maritime domain awareness (MDA) flight sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa PCG, nag-radio challenge ang Chinese forces na nakapuwesto sa Zamora Reef laban sa PCG aircraft bago ito lumapag sa Pag-asa Island, saka pinaputukan ng flare. Inulit umano ang naturang aksyon ng Chinese forces na nakapuwesto sa Panganiban Reef.
Giit ng PCG, nagdulot ng panganib sa flight safety nila ang pagpapaputok ng flare at hindi nito titigilan ang MDA flights sa WPS upang patuloy na mamonitor at madokumento ang mga insidente sa lugar.
📷: Philippine News Agency
#net25newsandinformation #china #philippines #philippinenavy #philippinecoastguard #chinacoastguard #westphilippinesea -
NET25
@NET25TV
Nagdeklara ng state of calamity ang Naga City matapos makapagtala ng anim na nasawi at mahigit 300 kaso dahil sa dengue outbreak.
Sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology Surveillance Unit (CESU), umabot sa 307 ang kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Setyembre 8. Nakaapekto ito sa 24 barangay sa lungsod, o katumbas ng 88.89%.
Karamihan sa mga tinamaan ng dengue ay mga kabataan at batang nasa edad 1 hanggang 19.
#net25newsandinformation #nagacity #dengue #stateofcalamity -
NET25
@NET25TV
Akala mo scrap lang? Wait until you see what Clef Raymond Pineda Laxa can create! 👀
Kakaibang metal sculptures ang ginagawa ng 38-year-old metal sculptor at virtual artist gamit ang mga patapong bagay. Dahil sa kaniyang creativity at sipag, patuloy nang napapansin ang kaniyang galing at unique style sa mundo ng metal art. 🔥
#net25 #net25entertainment #tonipetgaba #loveanover #ltemiyerkuleshappiness #metalsculpture #virtualartist
youtu.be/TDKMVk4Vrhk -
NET25
@NET25TV
"PROTECTING MY PEACE" — BOUNDARY OR EMOTIONAL WALL? 😭 #hearmeout!
After heartbreak, natural lang na gusto nating protektahan ang sarili. Kaya minsan, we start setting limits. Pero, paano mo malalaman kung healthy boundary pa ba ‘yan o unti-unti ka nang nagtatayo ng emotional walls? 🤔 Comment na! 🫵🏻
youtu.be/blZYtB0EwHs -
NET25
@NET25TV
Nagbabala si UN Human Rights Chief Volker Turk na maaaring magdulot ng existential risk sa sangkatauhan ang artificial intelligence kung hindi mapatitibay ang mga hakbang para sa kaligtasan nito.
#mnainewsbitesize #ai #artificialintelligence #volkerturk #un #aisafety #technology -
NET25
@NET25TV
Ayon kay Dr. Tony Leachon, hindi dahilan ang mga sakit ni dating Speaker of the House Martin Romualdez para manatili habangbuhay sa ospital. Tantiya niya, maaari na itong ma-discharge matapos ang pitong araw.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo -
NET25
@NET25TV
Sa kabila ng U.S. sanctions, iginiit ni ICC President Tomoko Akane na ang International Criminal Court ang “last bastion of the rule of law.”
#mnainewsbitesize #tomokoakane #icc #internationalcriminalcourt #ussanctions #ruleoflaw
youtu.be/uv3yrApv-eU -
NET25
@NET25TV
Winasak ng U.S. ang limang Iranian crude oil tankers matapos umatake ang Iran sa U.S. military targets sa Jordan gamit ang mga missile.
#mnainewsbitesize #us #iran #iranwar #jordan #oiltankers #middleeast
youtu.be/MCbFYLwbseA -
NET25
@NET25TV
Ang mga maiinit na balita sa #aspn ngayong Huwebes, Sept. 10, 2026:
- Korte Suprema, binaligtad ang hatol kay Imelda Marcos sa kasong graft
- Ombudsman, tututulan ang patuloy na pananatili ni Romualdez sa ospital
- Sen. Alan Cayetano, tumungo sa Singapore sa gitna ng posibleng kasong kriminal kaugnay sa isyu ng SEA Games
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=7on3ItLo-6E
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1560977912436156 -
NET25
@NET25TV
Dalawang linggo matapos ang malawakang flash flood sa Nepal, patuloy ang search and rescue operations para sa mga nawawala.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #nepal #flashflood #searchandrescue #flood
youtu.be/qwjNVDZaUJI -
NET25
@NET25TV
Taas-presyo sa gulay, hindi raw maiiwasan lalo’t apektado ang suplay nito dahil sa pag-ulang dulot ng mga bagyo at habagat, ayon sa grupong SINAG.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/Pt6KvNDSFOo -
NET25
@NET25TV
WHAT IF CRUSH KA RIN NG CRUSH MO? PERO WHAT IF HINDI RIN? 😅 #mainfeed! Ikaw, 'pag may gusto ka sa isang tao, paano mo 'to ipinapakita?
At kung ang isang tao naman ang may gusto sa 'yo, paano mo malalaman kung interesado ba siya sa 'yo at seryoso kang i-pursue sa isang relationship?
Don't be shy, i-comment mo na 'yan! 🫵🏻😆
youtu.be/rx_UtAQfmT0 -
NET25
@NET25TV
"PASS MUNA, NAGTITIPID AKO." "NEXT TIME NA LANG, WALA SA BUDGET KO." #mainfeed!
Excuse ba 'yan o loud budgeting? 🤔
Ikaw, 'pag hindi pasok sa budget ang isang bagay, o plano, paano mo ipinapaalam na nagtitipid ka? 😄
I-share mo na 'yan! 🫵🏻
youtu.be/Q83nB_qnO9o -
NET25
@NET25TV
5 KATAO, PATAY SA PAGBAGSAK NG HELICOPTER
PANOORIN: Nasawi ang limang katao matapos bumagsak ang isang helicopter malapit sa Long Lellang STOLport sa Sarawak, Malaysia kahapon, Setyembre 8.
Sakay ng helicopter ang isang piloto at apat na health ministry personnel na nagsasagawa ng Flying Doctor Service mission.
Patuloy ang imbestigasyon ng Air Accident Investigation Bureau ng Malaysia upang matukoy ang sanhi ng insidente.
📹: Berita Hariam
#net25newsandinformation #worldnews #malaysia #accident #helicopter #death -
NET25
@NET25TV
Mahigit 12,000 barangay sa Luzon, Visayas at NCR ang nanganganib sa rain-induced landslides at pagbaha dahil sa habagat, ayon sa Mines and Geosciences Bureau ng DENR.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #baha #landslide #habagat #denr #mgb
youtu.be/1SNg4ml_Kdc -
NET25
@NET25TV
Inaprubahan ng NCR Wage Board ang Wage Order 28 na nagbibigay ng P60 dagdag-sahod sa minimum wage earners sa Metro Manila, na nakabinbin pa sa pag-apruba ng National Wages and Productivity Commission.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #ncrwageboard #wagehike #wageorder28 #minimumwage #dole
youtu.be/TYP2JhjCtKo -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Ito ang hospital room na inihanda ng Philippine National Police General Hospital (PNPGH) para kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Inihanda ang silid kaugnay ng mosyon ng kampo ni Romualdez na mailipat siya sa hospital custody. | via Vic Somintac
📷: PNPGH
#net25newsandinformation #zaldyco #martinromualdez #ombudsman #recant #affidavit #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
HEAVY RAINFALL WARNING: Nananatili sa yellow rainfall warning ang Zambales, Pampanga, Bataan, at Tarlac ngayong Miyerkules ng hapon, Setyembre 9, dahil sa malalakas na pag-ulan dala ng habagat.
#net25newsandinformation #habagat #monsoonrains #weather #heavyrainfallwarning -
NET25
@NET25TV
SERVE WELL, URI KYEOMIE 🐶💎
TINGNAN: Nag-iwan ng mensahe si Do Kyeom ng Seventeen para sa mga CARATs bago ang kaniyang military enlistment kahapon, Setyembre 8.
“We will wait for you, DK!” “Take care, our sunshine!” saad ng ilang fans.
📷: DK / Instagram, Weverse
#net25newsandinformation #seventeen #dk #dokyeom #kpop #carats #philippinesportsstadium #kpopnews -
NET25
@NET25TV
Umabot na sa ₱4.38 bilyon ang pinsala sa agrikultura dahil habagat at nagdaang mga bagyo. Nagdulot ang mga ito ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), pinakamalaki ang pinsala sa mga palayan, na umabot sa ₱2 bilyon. Sumunod ang mga gulay at iba pang high-value crops na may ₱1 bilyong pinsala habang nasa ₱500 milyon ang pinsala sa sektor ng pangingisda.
Dahil sa pagkasira ng mga pananim, tumaas ng ₱20 hanggang ₱40 ang presyo ng ilang gulay sa mga pamilihan.
📷: Warren Marcos
#net25newsandinformation #da #departmentofagriculture #bagyo #habagat #agridamage #crops #fisheries #crops #supply -
NET25
@NET25TV
Kinumpirma ni Atty. Michael Poa na personal na dadalo si Vice President Sara Duterte sa kaniyang arraignment sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) sa Biyernes, Setyrmbre 11.
Kaugnay ito ng tatlong bilang ng grave threats na isinampa laban sa kaniya ng Department of Justice (DOJ).
Matatandaang noong Sabado, nagpiyansa ang bise ng ₱360,000 para sa mga naturang kaso.
#net25newsandinformation #doj #sandiganbayan #indaysaraduterte #vpsara #doj -
NET25
@NET25TV
MGA NAPAGKAMALANG MAGNANAKAW, PATAY SA PAMAMARIL
TINGNAN: Nasawi ang isang 26-anyos na lalaki at 15-anyos na estudyante matapos umanong pagbabarilin ng tauhan ng manukan sa Barangay Domoit, Lucena City nitong Lunes ng gabi, Setyembre 7.
Batay sa imbestigasyon, nangunguha umano ng gagamba ang grupo nang biglang paputukan ng suspek. Nakatakas naman ang apat pa nilang kasama.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at inihahanda ang kasong two counts of murder laban sa kaniya. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya. | via Martin Banaag
📷: Contributed
#net25newsandinformation #lucena #quezon #crimenews #crime #murder #death -
NET25
@NET25TV
ENDANGERED BROWN BOOBY, NASAGIP SA DILASAG
TINGNAN: Naitala ang unang sighting ng isang endangered Brown Booby sa Aurora matapos itong matagpuang nahihirapang lumipad sa baybayin ng Barangay Masagana, Dilasag.
Agad itong isinuko sa DENR para sa assessment. Ligtas itong ibinalik sa kaniyang natural habitat sa Barangay Dicabasan.
📷: DENR Central Luzon
#net25newsandinformation #wildlifeconservation #wildlife #environment #animals -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Nakabalik na sa bansa ang 14 overseas Filipino worker (OFW) na tripulante ng M/V SIDR matapos atakihin ang kanilang Saudi-flagged vessel sa Strait of Hormuz.
Ayon sa DMW, dalawa sa kanilang kasamahan ang nasawi sa insidente.
📷: DMW
#net25newsandinformation #straitofhormuz #repatriation #mvsidr #tripulante #seafarers -
NET25
@NET25TV
Nanawagan ang mga opisyal ng gobyerno ng mas matibay na proteksyon sa mga submarine cable, energy pipeline, at iba pang critical maritime infrastructure laban sa sabotage, cyberattack, at iba pang banta.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mahalaga ang mga imprastrakturang ito sa internet connectivity, komunikasyon, supply ng enerhiya at ekonomiya. Kabilang sa tinututukan ang Philippine Domestic Submarine Cable Network at Malampaya pipeline.
Iminungkahi rin ng mga ahensya ng gobyerno ang mas maigting na monitoring at subsea domain awareness, habang pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ) ang mga legal gap sa pagprotekta sa mga imprastraktura sa exclusive economic zone ng bansa.
📷: NGCP
#net25newsandinformation #dfa #doj #ngcp #philippines #maritimesecurity -
NET25
@NET25TV
TERMITE GANG, HULI SA TANGKANG PANLOLOOB SA PAWNSHOP
TINGNAN: Arestado ang walong lalaki matapos umanong tangkaing pasukin at pagnakawan ang isang pawnshop sa Santa Ignacia, Tarlac. Pinaghihinalaang miyembro sila ng “Termite Gang” dahil sa modus na pagbubutas sa lupa para makapasok sa kanilang target.
Naaktuhan ang grupo matapos ma-trigger ang alarm ng pawnshop. Limang suspek ang unang nahuli habang tumatakas sa kanal, at tatlo pa ang nadakip sa kanilang getaway vehicle. Nakuha sa kanila ang mga gamit sa paghuhukay, baril, granada, at sachet ng hinihinalang shabu.
Wala umanong nakuhang anuman ang mga suspek sa pawnshop at pawang mga dayo mula Quezon City at karatig na probinsya, ayon sa mga awtoridad. | via Ismael Mateo
📷: Sta. Ignacia MPS
#net25newsandinformation #policenews #crimenews #crime #theft #pawnshop -
NET25
@NET25TV
YELLOW WARNING SA METRO MANILA
HEAVY RAINFALL WARNING: Nagbabala ang PAGASA sa posibleng mga pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila, Bataan, Bulacan, Zambales, at Pampanga dahil sa mga pag-ulan dala ng habagat.
#net25newsandinformation #habagat #monsoonrains #flooding #baha #metromanila #bataan #zambales #pampanga #bulacan -
NET25
@NET25TV
MOTORCYCLE RIDER, NAKUMPISKAHAN NG BARIL AT SHABU
TINGNAN: Arestado ang isang 29-anyos na motorcycle rider matapos tumakas sa checkpoint at maabutan ng mga pulis sa Maharlika Highway, Barangay Bukal Sur, Candelaria, Quezon.
Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .38 revolver na walang serial number, dalawang bala, at dalawang sachet ng hinihinalang shabu. Nasa kustodiya na siya ng pulisya. | via Martin Banaag
📷: Candelaria MPS
#net25newsandinformation #crimenews #crime #illegalactivities #investigation -
NET25
@NET25TV
Arestado ang isang 21-anyos at 22-anyos, kapwa mga construction worker, sa drug buy-bust operation sa Barangay Payatas, Quezon City.
Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱34,000 at isang kargadong baril.
Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at illegal possession of firearms ang 21-anyos na suspek. | Jim Tejano
📷: QCPD PS 13
#net25newsandinformation #crimenews #crime #illegalactivities #drugaddiction #investigation -
NET25
@NET25TV
Tinutulan ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang planong ipatawag siya bilang testigo sa impeachment trial.
Ayon kay lead counsel Atty. Sheila Sison, hindi maaaring pilitin ang bise presidente na tumestigo dahil protektado ito ng Konstitusyon.
Kasunod ito ng pahayag ng prosecutor na si Atty. Lorna Kapunan na hindi na nila ihaharap ang natitirang mga testigo para sa Article 1 o alegasyon sa maling paggamit ng confidential funds. Maaari umano nilang ipatawag si Duterte matapos iharap ang apat na artikulo.
Sinabi naman ni Senate impeachment court presiding officer Sen. Francis “Chiz” Escudero na hihintayin muna ang pormal na mosyon bago magpasya kung maaaring ipatawag si VP Sara.
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #impeachmenttrial #witness #confidentialfunds #impeachmentcourt #testigo #vpsara -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Itinalaga si Atty. Paolo Panelo bilang spokesperson ni Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, Setyembre 9, ayon sa Office of the Vice President.
📷: Office of the Vice President of the Philippines
#net25newsandinformation #ovp #vpsaraduterte #vpsara #saraduterte -
NET25
@NET25TV
Umabot na sa 22 katao ang nasawi dahil sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
Sa datos ng ospital hanggang Setyembre 7, nasa 72.7% ay nakaranas ng pagdurugo sa baga, na isa sa pangunahing dahilan ng kanilang pagkamatay.
Samantala, iniulat ng Department of Health na umakyat na sa 6,253 kaso ng leptospirosis sa buong bansa at posible pa itong tumaas dahil sa malawakang pagbaha dulot ng mga pag-ulan.
📷: San Lazaro Hospital
#net25newsandinformation #sanlazarohospital #manila #leptospirosis #sickness #baha #flooding #habagat #monsoonrains #tagulan -
NET25
@NET25TV
Muling binuksan sa publiko ang lahat ng lane sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) sa San Simon, Pampanga matapos makumpleto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Phase 1 ng mga hakbang kontra-baha.
Naglagay ang ahensya ng steel sheet piles sa mga delikadong bahagi ng San Simon at Tulaoc Bridge upang mapigilan ang pag-apaw ng ilog sa tollway.
Kasunod ito ng patuloy na pag-ulan dulot ng habagat na nagdudulot ng pagtaas ng lebel ng tubig sa Manila Bay.
📷: NLEX Corp., DPWH
#net25newsandinformation #dpwh #nlex #sansimon #tulaocbridge #pampanga #monsoonrains #habagat #manilabay #hightide #baha #flooding #expressway #tollway -
NET25
@NET25TV
"THE PROSECUTORS WILL STRONGLY OPPOSE THE MOTION."
Mariing tututulan ng prosecutors ang mosyon ng kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez na ilipat siya sa hospital custody, ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano.
Hihiling umano ang prosecution ng isang team ng government doctors upang magsuri sa kondisyon ni Romualdez at matukoy kung kinakailangan ba ang confinement sa ospital o maaari namang gamutin ang kaniyang mga karamdaman kahit wala sa pagamutan.
Kung mapatunayang hindi na kailangang ma-confine, igigiit ng prosecution na agad siyang ilipat sa regular detention facility, gaya ng ibang akusado sa mga kasong hindi maaaring piyansahan. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #zaldyco #martinromualdez #ombudsman #recant #affidavit #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Hinatulan na ng Manila RTC ang tatlong sangkot sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo, sa hiwalay na mga kasong may kinalaman sa illegal na pag-iingat ng baril, bala, at pampasabog.
Walo hanggang sampung taon na pagkakakulong ang ipinataw kay Joric Labrador, habang reclusion perpetua naman ang hatol kina Joven Javier at Benjie Rodriguez matapos makuhanan ng dalawang granada. | via Earlo Bringas
#net25newsandinformation
#breakingnews #degamo #manilartc #murder #death -
NET25
@NET25TV
Didinggin ng Sandiganbayan Third Division ang inihain ng kampo ni ex-Speaker Martin Romualdez na Manifestation of Hospital Confinement and Urgent Motion Ad Cautelam for Continued Hospital Confinement Under Custody.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #martinromualdez -
NET25
@NET25TV
BAKIT NGA BA NAKAKA-PRESSURE ANG TANONG NA, "ANONG PLANO MO SA BUHAY?" 🥲
#hearmeout!
Simpleng tanong, pero bakit parang ang hirap sagutin? 😭
Ikaw, ano nga bang plano mo sa buhay? 😂🫵🏻
youtu.be/_EfCGWfEZaU -
NET25
@NET25TV
Nauwi sa mainitang pagtatalo ang naging budget hearing ng DOLE dahil sa sinasabing kabiguan ng DOLE na maipatupad ang minimum wage hike na P85 para sa mga manggagawa sa Metro Manila.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #doe #budgethearing
youtu.be/Gqm94OZY06s -
NET25
@NET25TV
Kinaaliwan ng mga mamimili sa Hong Kong ang mga robot-operated convenience store na gumagamit ng humanoid robot bilang shopkeeper.
#net25newsandinformation #matangagilainternational #hongkong #robots #humanoidrobot #technology #galbot
youtu.be/nlyRtNyIDrs -
NET25
@NET25TV
Sugatan ang 73 katao at naantala ang operasyon ng ilang energy facilities sa Saudi Arabia dahil sa mga pag-atake ng Houthi rebels. #net25newsandinformation #matangagilainternational #saudiarabia #houthi #houthiattacks #yemen #middleeast
youtu.be/q8iA5RsYj1k -
NET25
@NET25TV
Isang gusali sa Arran Quay ang binili upang isaayos bilang dako ng pagsamba para sa mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo kasabay ng pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo nito sa Ireland.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #churchnews #propertyacquisitiom #dublinireland -
NET25
@NET25TV
Umakyat sa 6% ang unemployment rate sa Pilipinas noong Hulyo katumbas ng 3.14 milyong walang trabaho ayon sa PSA.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #unemploymentrate #philippineeconomy #laborph #psa
youtu.be/F-dHhm2rFeE -
NET25
@NET25TV
Hinamon ni Rep. Paolo “Pulong” Duterte si NBI Director Melvin Matibag na maglabas ng konkretong ebidensya kaugnay ng imbestigasyon sa mga flood control project.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #pulongduterte #melvinmatibag #nbi #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
Narito na ang mga maiinit at latest na balita ngayong Miyerkules, Sept. 9, 2026:
- Romualdez at 4 niyang doktor, pinahaharap sa Sandiganbayan
- Mga estudyanteng Pilipino, nakakuha ng mas mataas na iskor sa PISA 2025
- Prosekusyon, planong ipatawag si VPSD bilang testigo sa impeachment trial
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: youtube.com/watch?v=AtctTj6iHXE
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1804187974093062 -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Ipinakita ng DILG sa isang press conference ang mug shot ni dating House Speaker Martin Romualdez na inaresto kahapon, Setyempre 7, matapos mag-isyu ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban sa kaniya para sa kasong plunder.
📷: PNP-CIDG via DILG Live
#net25newsandinformation #martinromualdez #ombudsman #recant #affidavit #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
3.14 MILYONG PILIPINO WALANG TRABAHO JUST IN: Umakyat sa 6.0% ang unemployment rate sa Pilipinas noong Hulyo 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mataas ito kumpara sa 4.7% noong Abril 2026 at sa 5.3% na naitala noong Hulyo 2025.
📷: PSA
#net25newsandinformation #psa #unemploymentrate #walangtrabaho #pilipino #jobopportunities -
NET25
@NET25TV
Pumalo sa 15,763 ang kaso ng dengue sa buong bansa mula Agosto 2 hanggang Agosto 15, ayon sa Department of Health (DOH).
Mas mataas ito ng 9% kumpara sa 14,409 kaso na naitala noong Hulyo 19 hanggang Agosto 1.
Nagpaalala naman ang DOH sa publiko na agad magpakonsulta sa doktor kapag nakaranas ng mataas na lagnat at matinding pananakit ng katawan.
Pinaiiwas din ang paglusong sa baha hangga't maaari at huwag mag-imbak ng mga naipong tubig na maaaring maging tirahan ng mga lamok.
📷: Iloilo Government
#net25newsandinformation #departmentofhealth #doh #dengue #healthnews #denguecases #philippines -
NET25
@NET25TV
Idineklara ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang leptospirosis epidemic matapos tumaas sa 3.48% ang mga nagkasakit kasunod ng mga pagbaha.
Sa pinakahuling ulat ng Manila Health Department, umabot sa 982 ang naitalang kaso mula noong Enero 1 hanggang noong Setyembre 7.
Dahil sa pagdagsa ng mga pasyente, umabot na sa full capacity ang ilang district hospital, kabilang ang Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital, at Justice Jose Abad Santos General Hospital.
Pinalalakas naman ng lokal na pamahalaan ang kampanya laban sa leptospirosis, tulad ng information drive at libreng doxycycline para sa mga na-expose sa baha.
#net25newsandinformation #maynila #epidemic #leptopsirosis #baha #flooding #monsoonrains -
NET25
@NET25TV
Humihingi ang Department of Education (DepEd) ng karagdagang ₱541.5 milyon para sa Special Education Program (SPED), kabilang ang pondo para sa dagdag na personnel, pasilidad, kagamitan at training para sa mga paaralang nagsisilbi sa learners with disabilities.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, wala umanong budget cut sa SPED dahil ang ₱1.04 bilyong pondo noong 2026 ay may kasamang congressional insertion. Gayunman, nananatiling mabagal ang pagtatayo ng Inclusive Learning Resource Centers (ILRCs).
Sa target na 1,642 ILRCs sa buong bansa, 32 pa lamang ang naitatag makalipas ang apat na taon mula nang maisabatas ang Inclusive Education Act. Sa 2027, ₱81.6 milyon ang nakalaan para sa pagtatayo ng anim pang ILRCs, na magdadala sa kabuuang bilang sa 38.
📷: PNA
#net25newsandinformation #depedphilippines #spedteacher #specialneeds #teaching #education -
NET25
@NET25TV
Natagpuan ng U.S. National Transportation Safety Board ang flight data recorder at cockpit voice recorder, na tinatawag ring black boxes, ng Amazon Prime Air cargo plane na nag-overshoot sa runway at bumagsak habang lumalapag sa Miami International Airport nitong Linggo, Setyembre 6.
Dinala na ang black boxes sa headquarters ng NTSB sa Washington para sa karagdagang pagsusuri. Ayon sa NTSB, limang tao ang nasawi, habang nakaligtas ang piloto at co-pilot ngunit hindi pa nakukuhanan ng pahayag.
Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng aksidente, kabilang ang posibleng epekto ng kawalan ng Engineered Materials Arresting System o EMAS sa runway.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #worldnews #amazon #airportaccident #airport #planecrash #accident #miami #usa -
NET25
@NET25TV
Sinabi ni Senator-judge Kiko Pangilinan na opisyal na ipinaabot ni Senator Rodante Marcoleta sa Senate President at presiding officer ang kaniyang hangaring makilahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Pangilinan, magiging pagkakataon ito para linawin, talakayin at pagdesisyunan ng Senado ang naturang kahilingan.
Kasalukuyang nakadetine si Sen. Marcoleta sa New Quezon City Jail Male Dormitory at nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng umano’y hindi idineklarang ₱75 milyong campaign donations noong tumakbo siya sa pagka-senador.
#net25newsandinformation #senate #rodantemarcoleta #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #taxrecords #investigation -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Magsasagawa ng pagdinig ang Sandiganbayan Third Division sa Huwebes, Setyembre 10, upang talakayin ang manifestation at urgent motion ni dating House Speaker Martin Romualdez hinggil sa kaniyang pananatili sa ospital.
Inatasan din ng korte ang mga doktor ng Cardinal Santos Medical Center na dumalo sa pagdinig at isumite ang mga resulta ng medical examinations ni Romualdez.
#net25newsandinformation #sandiganbayan #manifestation #urgentmotion #martinromualdez #medicalexamination #hospitalconfinement -
NET25
@NET25TV
Tinutulan ni Senator-judge Pia Cayetano ang pahayag ni Senator-judge Erwin Tulfo kaugnay ng paggamit sa desisyong Avelino v. Cuenco ng Korte Suprema bilang sanggunian sa bilang ng kailangang boto sa impeachment trial.
Ang naturang desisyon ay ginamit noon ng Gatchalian bloc bilang batayan sa pagdedeklara ng quorum at kalaunan ay nauwi sa pagpapatalsik kay Sen. Alan Peter Cayetano bilang Senate president.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #taxrecords #investigation #gravethreats -
NET25
@NET25TV
BABALA: SENSITIBONG BALITA
Nasugatan ang isang 15-anyos na Grade 8 student matapos siyang saksakin sa leeg at tiyan ng isang 18-anyos na Grade 11 student sa loob ng Buayan National High School sa General Santos City noong Lunes, Setyembre 7.
Ayon sa mga awtoridad, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawang estudyante na nauwi sa pananaksak. Agad na dinala sa ospital ang biktima, habang napasuko naman ng mga guro at security guard ang suspek at itinurn-over sa pulisya.
Nagpadala ang lokal na pamahalaan ng mga social worker at psychologist upang tulungan ang biktima at ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. | via Ely Dumaboc
#net25newsandinformation #schoolincident #stabbingincident #generalsantoscity #investigation #schoolsafety -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Walang impeachment trial bukas at pagmamarka lamang ng mga dokumento ang gagawin, ayon kay presiding officer Sen. Francis Escudero. Samantala, magpapatuloy ang paglilitis sa Lunes, Setyembre 14.
#net25newsandinformation #schoolincident #stabbingincident #generalsantoscity #investigation #schoolsafety -
NET25
@NET25TV
TEA, BUT MAKE IT EXTRA! ✨ #girlcode!
Kung sawa ka na sa usual na timpla, upgrade natin ang tea game! 🍵 Ikaw, ano ang gusto mong idagdag sa tea mo? 😍 I-comment mo na 'yan! 👇🏻
youtu.be/xPn6ccXa3Qw -
NET25
@NET25TV
ANO ANG SOBRANG PINAPAHALAGAHAN NATIN, AT ANO ANG KULANG? 🤔 #maypoint!
Ano sa tingin mo ang mga bagay na OVERVALUED at ano naman ang UNDERVALUED sa panahon ngayon?💡 I-comment mo naman kung ano ang mga bagay na deserve pahalagahan! 👇🏻
youtu.be/V1SgFyjS-WQ -
NET25
@NET25TV
Mata ng Agila Primetime - September 8, 2026 www.youtube.com/live/WS61goGcI98 via @YouTube
-
NET25
@NET25TV
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, sinabi niya sa House Committee on Appropriations na kulang pa ng 14,274 guro ang DepEd na mangangailangan ng humigit-kumulang P4.29 bilyong pondo para sa susunod na taon. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento #deped
-
NET25
@NET25TV
FOOD VLOGGER NA SI BRADLEY TRIES A.K.A "KING INASAL," NI-REVIEW NG GIRL KADA! 😱 #mainfeed!
Known for trying different food finds, this time, si Bradley naman ang ite-test at ire-review ng #girlkada! 👀 What do you think, pumasa kaya siya? 🤔🤣
youtu.be/Xqt7wxVvn98 -
NET25
@NET25TV
Binuksan na ang unang road bridge na nag-uugnay sa Russia at North Korea. #net25newsandinformation #matangagilasatanghali #russia #northkorea #russianorthkorea #roadbridge
youtu.be/DkO53fuY-aA -
NET25
@NET25TV
Tiniyak ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na may sapat na kita ang gobyerno para mabayaran ang mga utang nito kasunod ng tanong sa pangangailangan ng PROGRESS Bill.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #malacañang #clairecastro #governmentdebt #progressbill -
NET25
@NET25TV
Maghahain ng motion sa Sandiganbayan Third Division ang PNP CIDG para mailipat si dating House Speaker Martin Romualdez mula Cardinal Santos Medical Center patungo sa PNP General Hospital.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #martinromualdez #pnpcidg #pnpgeneralhospital #sandiganbayan
youtu.be/diiASKKg1qs -
NET25
@NET25TV
Isinusulong ngayon ng administrasyon ang P197.3-billion budget para sa rail infrastructure sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/LBKrUvvgSxs -
NET25
@NET25TV
Itinuturing ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla bilang "big fish" sina Sen. Loren Legarda at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste kaugnay ng hindi pagkakaloob ng solar power sa kabila ng paggawad ng mga kontratang nagkakahalaga ng mahigit 10 bilyong piso sa solar power company ni Leviste.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #legarda #leviste #ombudsman
youtu.be/Siu0Q6sLKxM -
NET25
@NET25TV
Dalawang katao ang natagpuang buhay matapos ang flash flood sa Nepal.
#mnainewsbitesize #nepal #flashflood #rescue
youtube.com/watch?v=UGhw-6rAJl4 -
NET25
@NET25TV
Kinansela ang daan-daang flights at suspendido ang face-to-face classes sa Indonesia matapos ang pagputok ng Mt. Anak Krakatau. #mnainewsbitesize #indonesia #anakkrakatau #volcaniceruption #flights
youtu.be/Ciq6JCZ1JWk -
NET25
@NET25TV
Inaprubahan ng UN General Assembly ang resolusyong nagsusulong ng paggamit ng mga world map projection na mas tumpak sa pagkatawan sa aktuwal na sukat ng mga kontinente.
#mnainewsbitesize #unitednations #worldmap #geography
youtu.be/rdClWlPPKXs -
NET25
@NET25TV
Ikinaalarma ng Kamara ang ulat na tinaguriang “Bullying Capital of the World” ang Pilipinas.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #bullying #philippines #houseofrepresentatives
youtu.be/Me1plvxniMs -
NET25
@NET25TV
Pormal nang sinampahan ng Ombudsman ng kasong plunder si dating Speaker Martin Romualdez kaugnay ng umano’y ₱7.4 bilyong kickback sa flood control projects. #net25newsandinformation #matangagilaprimetime #martinromualdez #ombudsman #plunder #floodcontrol
-
NET25
@NET25TV
Idineklara nang epidemic ang leptospirosis sa Manila matapos dumoble ang mga kaso at umabot sa 3.48% ang attack rate.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #leptospirosis #manila #epidemic
youtu.be/MMeLwWn_C00 -
NET25
@NET25TV
Big time oil price hike, epektibo na ngayong araw, Sept. 8 2026:
DIESEL: + P5.20/L
GASOLINE: + P4.70/L
KEROSENE: + P5.60/L
#net25newsandinformation #aspn -
NET25
@NET25TV
Ang mga pag-uusapang balita sa #aspn ngayong Martes, Sept. 8, 2026:
- Martin Romualdez, arestado na; Bantay sarado sa ospital
- VP Sara, inakusahan si PBBM ng pagkokontrol sa mga Senador, hukom at pulis
- Legarda at Leviste, itinuturing na ‘big fish’ ng Ombudsman
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=UZDox_ThNO8
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/851469881288493 -
NET25
@NET25TV
Ipinaliwanag ni Atty. Harold Respicio ang retail price manipulation at profiteering at kung ano ang maaaring gawin ng mga mamimili sa ganitong sitwasyon.
#net25newsandinformation #saganangmamamayan #haroldrespicio #profiteering #consumerrights #consumerprotection -
NET25
@NET25TV
PAANO MALALAMAN KUNG SINUNGALING ANG KAUSAP MO? 😱 #hearmeout!
Ikaw, ano ang una mong napapansin kapag parang hindi tugma ang kwento o sinasabi ng kausap mo? 🤨 I-share mo naman 'yan! 👇🏻
youtu.be/58RrTpB0Xdc -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Dumating na rin si SILG Jonvic Remulla sa Cardinal Santos Medical Center upang saksihan umano ang pagsisilbi ng warrant of arrest kay dating House Speaker Martin Romualdez.
#net25newsandinformation #zaldyco #martinromualdez #ombudsman #recant #affidavit #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
2 BABAE SA RAPE CASE SCAM, ARESTADO
TINGNAN: Nahuli ang dalawang babae sa Lipa City, Batangas matapos umanong magpanggap na hepe ng pulisya at piskal upang makapanghingi ng pera sa isang lalaki gamit ang pekeng subpoena at reklamong rape.
Una nang nakapagbigay ang biktima ng ₱100,000 bago muling takutin at hingan ng karagdagang ₱110,000 bilang umano’y settlement. Nang beripikahin, lumabas na peke ang subpoena at walang record ng reklamong rape ang lalaki.
Sa isinagawang entrapment operation, agad na inaresto ang mga suspek matapos tanggapin ang marked money sa isang convenience store. Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga ito. | via Martin Banaag
📷: Lipa CCPS
#net25newsandinformation #batangas #policenews #scammeralert #scamawareness #scam #scammerawareness -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Mataas pa rin ang tubig-baha sa Sta. Ana hanggang Candaba Road, Barangay Pansol sa Candaba, Pampanga bunsod ng walang tigil na mga pag-ulan.
📹: Renz Louie Guevarra
#net25newsandinformation #habagat #monsoonrains #heavyrain #rain #flood #flooding -
NET25
@NET25TV
"KANG KON" NG NORTH KOREA
Ibinida ni North Korean leader Kim Jong Un na magiging bahagi ng nuclear response system ng kaniyang bansa ang bagong 5,000-ton-class destroyer na “Kang Kon” na kayang maglunsad ng “annihilating retaliatory strikes.”
Hindi tinukoy ng state media kung may dalang nuclear weapons ang barko.
Inihayag ni Kim na magpapatuloy ang pagpapalakas ng kanilang navy, kabilang ang pagtatayo ng mga naval base at pagbuo ng iba’t ibang klase ng warship.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #northkorea #kimjongun #destroyer #warship #warzone -
NET25
@NET25TV
"THIS IS NOT YET THE TIME."
Sinabi ni prosecution counsel Atty. Mae Divinagracia na “already a tad too late” para hindi pa makapagbigay ng posisyon ang depensa kung tunay na pangalan o alias ang mga nakalista sa acknowledgment receipts.
Ngunit kalmadong iginiit ni lead defense counsel Atty. Sheila Sison na kailangang patunayan muna ng prosecution ang kaso bago obligahing magbigay ng posisyon ang depensa.
Aniya, maaari silang manatiling tahimik hanggang sa matapos ng prosecution ang paglalatag ng ebidensiya.
“Precisely because this is not yet the time of the defense to present its evidence,” ani Sison.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #taxrecords #investigation #gravethreats -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Sinabi ni Atty. Ade Fajardo, haharapin ng kaniyang kliyente na si dating House Speaker Martin Romualdez ang mga alegasyon laban sa kaniya alinsunod sa batas.
#net25newsandinformation #zaldyco #martinromualdez #ombudsman #recant #affidavit #investigation #corruption #floodcontrol -
NET25
@NET25TV
"MAY KINALAMAN BA ANG VP DITO O IBINULSA MO LANG?"
Tinanong ulit ni Senator-Judge Erwin Tulfo ang prosecution panel kung ihaharap pa nila bilang mga testigo sina Col. Raymund Lachica at Col. Dennis Nolasco.
Aniya, nais malaman at tanungin ng Senator-judges si Lachica kung binulsa nito ang pera ng taumbayan. "Ano ba talaga? May kinalaman ba ang Vice President dito? May basbas ba siya? O ibinulsa mo lang?" pahayag ng senador.
Kinumpirma naman ng prosecution na hindi na nila ihaharap sina Lachica at Nolasco. Sinabi naman ni Presiding Judge Sen. Chiz Escudero na maaaring ipatawag ng impeachment court ang dalawa kung hindi sila ihaharap ng depensa at kung ituturing na mahalaga ang kanilang testimonya.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #taxrecords #investigation #gravethreats -
NET25
@NET25TV
"ANG MGA OPISYAL AY SARILING INTERES ANG INUUNA."
PANOORIN: Pinahayag ni Vice President Sara Duterte na sa taumbayan lamang ang kaniyang tiwala at nagpasalamat din siya sa patuloy na suporta, panalangin, at pag-aalala sa kaniya ng publiko.
Hiniling niya sa kaniyang mga tagasuporta na huwag ma-pressure o mag-alala sa impeachment at mga kasong kinahaharap niya, dahil marami umanong abogado ang tumutulong sa kaniya para maipanalo ang mga kaso.
Aniya, ang tunay na pressure ay ang nakikita niyang paghihirap ng mga Pilipino dahil sa baha, gutom, at pagtaas ng presyo ng mga bilihin habang ang administrasyon ni Marcos Jr. at iba pang mga opisyal ay inuuna lamang ang pansarili nilang interes.
📹: Inday Sara Duterte/Facebook
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #taxrecords #investigation #gravethreatsThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
RESBAK: Online Games, Cybercrime at Karahasan: Ligtas Pa Ba ang Ating mg... www.youtube.com/live/dCpAQCyVd20 via @YouTube
-
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: As of 2 p.m., itinaas ng PAGASA sa red rainfall warning ang ilang lugar sa Zambales, Pampanga, at Nueva Ecija.
Habang ang ilang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila ay namamalagi sa orange at yellow rainfall warning dahil sa mga pag-ulan na dala ng habagat.
#net25newsandinformation #habagat #monsoonrains #rainfallwarning #baha #flooding -
NET25
@NET25TV
WALA SA KASONG ‘TO
NEWS UPDATE: Hindi kabilang ang testimonya ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa pagbuo ng kaso laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, ayon kay Ombudsman. | via Tjay Mendoza
TUMUTOK SA NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/0-gUSJYOuq4
#net25newsandinformation #plunder #martinromualdez #sandiganbayan #officeofombudsman #ombudsman -
NET25
@NET25TV
HINDI 100% ACCURATE
Kinuwestiyon ni defense counsel Justin Nicol Gular si Assistant National Statistician Marizza Grande kaugnay ng mga certification ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may “negative record” sa mga pangalan sa listahan mula sa House Committee on Good Government and Public Accountability.
Ayon kay Grande, ang certification ay tumutukoy lamang sa availability ng records at hindi nagpapatunay na walang taong may ganoong pangalan.
Itinanong din ng depensa kung maaaring maapektuhan ng clerical errors ang paghahanap sa PSA database. Sinabi ni Grande na flexible ang sistema sa paghahanap ng posibleng entries.
Ipinakita ng defense counsel ang transcript ng pagdinig noong Abril 14, 2026 kung saan sinabi ni Grande: “I cannot say na 100 percent accurate iyong negative results,” at kinumpirma niya ito.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/watch?v=EESJQFb9h6Y
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #taxrecords #investigation #gravethreats -
NET25
@NET25TV
'AYAW NAMIN MAGSAMPA NG KASO NA HILAW'
Kinumpirma na ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na kinasuhan nila ng plunder si dating House Speaker Martin Romualdez. | via TJay Mendoza
TUMUTOK SA NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/0-gUSJYOuq4
#net25newsandinformation #plunder #martinromualdez #sandiganbayan #officeofombudsman #ombudsman -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Humarap sa media si Ombudsman Jesus Crispin Remulla kasunod ng pagsasampa ng kasong plunder na nagkakahalagang ₱7.4 bilyon sa Sandiganbayan laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, at iba pa.
TUMUTOK SA NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/0-gUSJYOuq4
#net25newsandinformation #plunder #martinromualdez #sandiganbayan #officeofombudsman #ombudsman -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Bumuhos ang malakas na ulan sa EDSA-Caloocan, malapit sa Balintawak, ngayong Lunes, Setyembre 7.
📹: Roberto Santos
#net25newsandinformation #habagat #monsoonrains #heavyrain #rain #flood #flooding -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Na-iraffle na ang kasong plunder laban kay dating House Speaker Martin Romualdez sa Third Division ng Sandiganbayan. | via Tjay Mendoza
#net25newsandinformation #plunder #martinromualdez #sandiganbayan -
NET25
@NET25TV
QUICK FIX O TINAMAD LANG?
TINGNAN: Sa halip na maayos na ilagay ang aspalto ay mga sako na may lamang aspalto ang ipinantapal sa mga lubak sa kalsada sa General Santos Avenue malapit sa SLEX nitong weekend.
Dahil dito, hindi pa rin pantay ang ilang bahagi ng kalsada, na nagdulot ng abala at panganib sa mga motoristang dumaraan sa lugar. | via Hannah Dulay
#net25newsandinformation #road #generalsantosavenue #slex #roadrepairs #asphalt -
NET25
@NET25TV
WEATHER UPDATE: Malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Pasay City ngayong Lunes, Setyembre 7 dulot ng habagat. | via Frank Marasigan
NET25NewsandInformation #habagat #monsoonrains #heavyrain #rain #flood #flooding -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Nakatakda ngayong hapon ang pag-raffle ng kaso sa Sandiganbayan laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol party-list representative Zaldy Co at dalawang iba pa. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #plunder #martinromualdez #sandiganbayan -
NET25
@NET25TV
BREAKING: Nagsampa ng kasong plunder ang Ombudsman sa Sandiganbayan laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, ngayong Lunes, Setyembre 7.
Nag-ugat ang kaso laban sa pinsan ng Pangulo dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa multi-billion corruption scandal mula sa mga flood control project ng gobyerno.
Bukod kay Romualdez, kapwa nasampahan din ng kaparehong kaso si dating Ako Bicol party-list representative Zaldy Co at dalawang iba pa. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #plunder #martinromualdez #sandiganbayan -
NET25
@NET25TV
NO AFTERNOON CLASSES SA LAGUNA
JUST IN: Suspendido ang panghapon na klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Laguna ngayong Lunes, Setyembre 7 dahil sa inaasahang masamang lagay ng panahon.
📷: Gov. Sol Aragones
#net25newsandinformation #laguna #walangpasok #noafternoonclasses #noclasses #habagat #monsoonrains #heavyrainfall -
NET25
@NET25TV
BREAKING NEWS: Dumating si Assistant Ombudsman Mico Clavano sa Sandiganbayan para kasuhan umano ng plunder si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng maanomalyang flood control projects ngayong Lunes, Setyembre 7.
#net25newsandinformation #martinromualdez #investigation #ombudsman -
NET25
@NET25TV
HEAVY RAINFALL WARNING: Isinailalim sa orange rainfall warning ang Bataan, Zambales, at Pampanga dahil sa malaking posibilidad ng mga pagbaha dulot ng mga pag-ulan.
Habang ang Las Piñas, Muntinlupa at ilang lugar sa Luzon naman nasa yellow rainfall warning.
#net25newsandinformation #orangerainfallwarning #yellowrainfallwarning #ulan #tagulan #habagat #monsoonrains -
NET25
@NET25TV
Mata ng Agila Primetime - September 7, 2026 www.youtube.com/live/l8ymV4oOK9E via @YouTube
-
NET25
@NET25TV
Lima ang patay sa crash landing ng isang cargo plane sa Miami Florida sa Amerika.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #miami #planecrash #cargoplane
youtu.be/pjwtJxIL0a8 -
NET25
@NET25TV
Inalis sa puwesto ni DPWH Secretary Vince Dizon ang dalawang district engineering official sa Pampanga dahil sa bigong pagpapatupad ng road safety measures sa isang proyekto sa Angeles City.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #dpwh #pampanga #vincedizon #roadsafety -
NET25
@NET25TV
Minomonitor na ng PAGASA ang strong El Niño na maaaring makaapekto sa 44 na probinsya kabilang ang 22 sa Luzon 15 sa Visayas at 7 sa Mindanao.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #pagasa #elnino #tagtuyot
youtu.be/kdohf5YRdAY -
NET25
@NET25TV
Ipinaliwanag ni Atty. Harold Respicio ang retail price manipulation at profiteering at kung ano ang maaaring gawin ng mga mamimili sa ganitong sitwasyon.
#net25newsandinformation #saganangmamamayan #haroldrespicio #profiteering #consumerrights #consumerprotection -
NET25
@NET25TV
DATING WAITER PALA ANG NASA LIKOD NG SIKAT NA CELEBRITY FASHIONS! 👗✨
Kilalanin si Ting Joco, ang fashion designer na ang mga likha ay naisusuot na nina Michelle Dee, Rhian Ramos, Katrina Llegado, at iba pang kilalang personalidad! 🌟❤️
Alamin ang kanyang inspiring journey, diskarte, at mga pangarap sa industriya ng fashion dito sa #lovetonipetandeverythaaang!
youtu.be/4Uaqwh2iaxc -
NET25
@NET25TV
Piso, posibleng bumaba pa sa P63 kontra dolyar ngayong araw. BSP, hindi raw makikialam sa patuloy na paghina ng piso. Nakausap ng Team #aspn si Bryan Ang, VP ng PCCI.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo
youtu.be/oVQ8bIqro6g -
NET25
@NET25TV
Walong katao ang nahuli matapos magtangkang pagnakawan ang isang pawnshop sa bayan ng Santa Ignacia, Tarlac na pinaghihinalaang mga miyembro ng “Termite Gang” dahil sa kanilang modus na paghuhukay ng lupa para makapasok sa kanilang target. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento #termitegang
youtu.be/zvOR1yuqhwY -
NET25
@NET25TV
I-LEVEL-UP PA NATIN ANG DODRAM KOREAN LUNCHEON MEAT! 🍖🔥
Mas pasarapin with a Filipino twist ang Dodram Luncheon Meat kasama si Chef Krizaldy Benedicto, para sa isang budget-friendly na sisig recipe! 🍽😋
Ikaw, nasubukan mo na bang lutuin ang luncheon meat bilang sisig? 🤔🍽 -
NET25
@NET25TV
Personal na humarap si VP Sara Duterte sa Quezon City RTC Branch 98 nitong Sabado, Setyembre 5 para sa kasong grave threats laban sa kaniya. Iginiit niya ang kawalan ng tiwala sa pulis at korte, at kinuwestiyon kung sino ang mananagot kapag may masamang nangyari sa kaniya.
#net25newsandinformation #siyentoporsiyento #vpsaraduterte #vpsara #indaysaraduterte #duterte
youtu.be/yi08r3JO8qw -
NET25
@NET25TV
Winasak ng rumaragasang baha at putik na may kasamang mga malalaking bato at troso ang siyam na kabahayan sa gilid ng Pita River, Purok 5, Brgy. Pita, Dinalupihan, Bataan. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento #bataan #flooding #flood
youtu.be/8NIF5KQDLRg -
NET25
@NET25TV
VP Sara, kinasuhan ng grave threats sa QC RTC—bakit ngayon?
Ayon kay Atty. Sal Panelo, may kaugnayan umano ito sa kawalan ng katiyakan sa impeachment. Pag-usapan natin ang isyu sa #aspn.
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation #anosapalagaynyo -
NET25
@NET25TV
Ayon sa talakayan, monopolistic ang water utilities sa bansa, na iniuugnay sa kalidad ng tubig at mataas na singil.
#net25newsandinformation #saganangmamamayan #waterutilities #waterrates #waterquality
youtu.be/78_Jl_x9DYA -
NET25
@NET25TV
Nagbabala si Hollywood actor George Clooney na nagdudulot ng banta ang artificial intelligence sa industriya ng pelikula at pamamahayag.
#mnainewsbitesize #georgeclooney #ai #artificialintelligence #film #journalism
youtu.be/ouW6GkWPw2g -
NET25
@NET25TV
Panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo, kumpirmado na bukas- Sept. 8, 2026:
ESTIMATED OIL PRICE ADJUSTMENT
DIESEL: P5.00 – P6.00/L
GASOLINE: P4.00-P5.00/L
KEROSENE: P5.00 - P6.00/L
#net25newsandinformation #aspn -
NET25
@NET25TV
ASPN: Ating Sinundang Pangunahing News, Sept. 7, 2026.
#net25newsandinformation #aspnThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Narito na ang #aspn- Ating Sinundang Pangunahing News ngayon Lunes, Sept. 7, 2026:
-Double Jeopardy, hindi umano nalabag sa kaso ni VP Sara sa QC RTC at impeachment court
-Gatchalian: arrest warrant para kay VP Sara, walang epekto sa impeachment trial
-2027 National Budget, posibleng lagyan ng special provision laban sa audit loopholes
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=PlpxyqjUfOg
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1085455574428509 -
NET25
@NET25TV
Milyun-milyong piso sa oras, krudo, at produktibidad ang nawawala habang libu-libong motorista ang naipit sa matinding traffic sa NLEX dulot ng pagbaha sa San Simon, Pampanga.
Habang inaatasan ng gobyerno ang NLEX na magpaliwanag at magbigay ng refund sa mga naapektuhan, muling umiigting ang tanong ng publiko: bakit paulit-ulit pa rin ang ganitong problema sa kabila ng bilyun-bilyong pondong inilaan para sa flood mitigation at imprastraktura?
📺 Panoorin ang buong detalye sa DATOS — dito lang sa NET25 Online.
#net25newsandinformation #datos #wengdelafuente
#nlex #sansimonpampanga #floodingph #trafficph #infrastructureph #floodcontrol #governmentaccountability #philippineeconomy #breakingnewsphThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
"SA TAUMBAYAN NA LANG AKO MAY TIWALA."
Wala na umanong tiwala si Vice President Sara Duterte sa kapulisan at mga korte sa gitna ng mga kinakaharap niyang legal na isyu at usapin sa seguridad.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial -
NET25
@NET25TV
VP SARA NANGANGAMBA PARA SA KANIYANG SEGURIDAD
Nagpahayag ng pangamba si VP Sara Duterte para sa kaniyang seguridad matapos lumabas ang arrest warrant laban sa kaniya nitong Biyernes para sa tatlong counts ng kasong grave threats.
#net25newsandinformation #senate -
NET25
@NET25TV
BREAKING NEWS: Dumating na sa Quezon City Regional Trial Court si Vice President Sara Duterte ngayong Sabado, Setyembre 5.
Inaasahang magpipiyansa si VP Sara kaugnay ng arrest warrant na inisyu sa kaniya ng korte kaugnay sa kasong grave threats.
#net25newsandinformation #senat -
NET25
@NET25TV
"ANG SABI KASI NI MAMA..." — GABAY BA 'YAN O PRESSURE? #hearmeout! Ikaw, anong mga salita ang kinalakihan mo na hanggang ngayon ay dala-dala mo pa rin? 🤔 I-comment mo na 'yan! 🫵🏻
youtu.be/pNNTh7kjQjM -
NET25
@NET25TV
BAYONG FASHION, PATOK! 💖
#girlcode! Ikaw, would you try this bayong fashion as part of your #ootd? 😉 Comment your answers na! 🫵🏻
youtu.be/wMU7VDxIXgw -
NET25
@NET25TV
Ibinahagi ni Steven Cua ang mga salik na nakakaapekto sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
#net25newsandinformation #saganangmamamayan #stevencua #presyongbilihin #inflation
youtu.be/l-yGBLy1rqg -
NET25
@NET25TV
GLADYS REYES, MAY BAGONG SINGLE?! 🎤✨
Bumisita sa #lovetonipetandeverythaaang ang Primera Kontrabida na si Gladys Reyes para ibahagi ang kanyang latest song na siguradong magugustuhan ng mga Kabarangay! 🎶 Alamin ang kuwento sa likod ng kanyang bagong kanta at kung ano ang naging inspirasyon niya sa pagsulat nito! 🎵👀
youtu.be/Cyw57lK1PB0 -
NET25
@NET25TV
Dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang Dead Sea para sa kakaibang wellness experience. Pero naobserbahan na patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Dead Sea. Alamin ang dahilan at epekto nito sa special report ni Rikki Mathay.
| Ano Sa Palagay N’yo? -
NET25
@NET25TV
Naitala ang wildfire sa Pili-Tigaon-Albay Boundary Road alas-5 ng hapon kahapon. Passable pa rin ang kalsada, ngunit pinaiingat ang mga motorista.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #wildfire #camarinessur #dpwh
youtu.be/rVI9vViC5ew -
NET25
@NET25TV
Bumaba ang tiwala ng publiko sa Senado kumpara sa Kamara ayon sa OCTA Research survey. Kabilang sa mga sinasabing nakaapekto sa performance rating ng Senado ang mga insidenteng habulan at putukan na kinasangkutan ng mga senador.
| Ano Sa Palagay N’yo?
www.youtube.com/watch?v=v-vbSfiKLyk -
NET25
@NET25TV
WILDFIRE SA CAMSUR
TINGNAN: Sumiklab ang sunog sa kagubatan sa bahagi ng Pili-Tigaon-Albay Boundary Road sa Camarines Sur kagabi, Setyembre 3, bandang alas-5 ng hapon.
📷: DPWH Region V-BICOL
#net25newsandinformation #willdfire #camarinessur #sunog #roadincident -
NET25
@NET25TV
BABALA: SENSITIBONG BALITA
SUMABOG NA BUS SA LA UNION
Lumiyab ang isang bus sa Barangay Pantar Norte, Balaoan, La Union, noong Huwebes ng gabi, Setyembre 3.
Ayon sa mga saksi, nagsimula ang apoy matapos sumalpok ang isang motorsiklo sa bus at pumailalim dito. Nagtulong-tulong ang mga residente sa pag-apula ng apoy.
Nasawi ang mga sakay ng motorsiklo dahil sa insidente. | via Juvy-el Noto
#net25newsandinformation #balaoan #launion #roadincident #busincident #fire #sunog #motorcycleaccidentThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Biglang tumaas sa 8,165 tonelada kada araw ang sulfur dioxide (SO₂) emission ng Bulkang Mayon, ayon sa DOST-PHIVOLCS nitong Setyembre 4.
Ito ang ikalawang pinakamataas na antas ng SO₂ emission na naitala sa Mayon mula nang magsimulang bumaba ang volcanic gas noong Hulyo 16.
Bagama’t nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan, sinabi ng PHIVOLCS na maaaring senyales ang mataas na gas emission na posibleng magpataas sa aktibidad at pagsabog ng bulkan.
Pinaaalalahanan ang publiko na huwag pumasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) at manatiling alerto sa posibleng uson, rockfall at ashfall.
#net25newsandinformation #mayonvolcano #volcanoupdates #alertlevel2 #bulkan #sulfurdioxide -
NET25
@NET25TV
TRAFFIC ADVISORY: Nagkaroon ng salpukan sa Ortigas Extension, malapit sa Bridgetowne bandang 2:20 ng umaga ngayong Biyernes, Setyembre 4.
Mabigat ang daloy ng trapiko at hindi passable ang daan mula Ortigas papuntang Antipolo bunsod ng aksidente.
📷: maracristheldee
#net25newsandinformation #ortigas #roadcrash #roadaccident #accident -
NET25
@NET25TV
Sinabi ng PAGASA na ang mataas na tubig sa Manila Bay ay isa sa mga sanhi ng malawakang pagbaha sa Pampanga River Basin sa Central Luzon.
Ayon sa state weather bureau, nakadagdag din sa pagbaha ang malakas na ulan, pagdami ng mga gusali at kabahayan, pati ang problema sa ilang flood control project.
Sakop ng Pampanga River Basin ang mahigit 10,000 square kilometer na lupain sa Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan at hanggang Bataan.
#net25newsandinformation #manilabay #hightide #flood #centralluzon #baha #pampangariverbasin #luzon -
NET25
@NET25TV
Isusumite ni Education Secretary Sonny Angara ang panukalang magbibigay ng mas malawak na kapangyarihan sa mga lokal na opisyal at school heads na magpasya sa suspensyon at pagbabalik ng klase batay sa aktuwal na kondisyon sa kanilang lugar.
Inaprubahan ng Social Development Committee Cabinet Cluster ang panukala matapos iulat na umabot sa 53 araw ang instructional loss sa ilang paaralan noong School Year 2023–2024 dahil sa mga kalamidad. Saklaw din nito ang mas maraming hazard, kabilang ang matinding ulan, pagbaha, lindol, storm surge, volcanic smog, at extreme heat.
📷: PNA
#net25newsandinformation #walangpasok #facetofaceclass #suspension #habagat #tagulan -
NET25
@NET25TV
TRAFFIC ADVISORY: Hindi madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang bahagi ng Marilaque Highway sa Baras, Rizal dahil sa pagguho ng lupa ngayong Biyernes ng umaga, Setyembre 4.
Nakikipag-ugnayan na ang Baras MDRRMO sa DPWH para sa clearing operations.
📷: Baras LGU
#net25newsandinformation #trafficadvisory #habagat #monsoonrains #heavyrain #rain #flood #flooding #landslide -
NET25
@NET25TV
PANIBAGONG OIL PRICE HIKE
Asahan ang panibagong dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, base sa tatlong araw na trading ng Mean of Platts Singapore (MOPS).
Gasoline: P3.50 - P4.00/L
Diesel: P4.00 - P4.50/L
#net25newsandinformation #oilprice #mops #pricehike #diesel #gasoline #priceadjustments #motorists -
NET25
@NET25TV
Nagsampa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide laban sa siyam na indibidwal kaugnay ng pagkamatay ng Ateneo student athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Kabilang sa mga respondent ang foreign former coach na si Tab Baldwin. Nagsimula na ang preliminary investigation at nakatakda ang susunod na hearing sa Setyembre 15 para sa pagsusumite ng counter-affidavit ng mga respondent.
Samantala, patuloy ang case build-up sa hiwalay na reklamo para sa umano’y paglabag sa Anti-Hazing Act.
📷: PNA
#net25newsandinformation #nbi #ateneoblueeagles #athletes #studentcoaches #tabbaldwin #investigation #conteraffidavit #death -
NET25
@NET25TV
BREAKING NEWS: Naglabas ng arrest warrant laban kay Vice President Sara Duterte ang Quezon City Regional Trial Court kaugnay ng kinakaharap niyang kasong grave threats.
“Regardless of the question on jurisdiction, she has no intention of evading the law and will continue to exercise all her legal remedies,” pahayag ng abogado ng bise na si Atty. Paul Lawrence Lim.
#net25newsandinformation #senate #vicepresident #indaysaraduterte #impeachmenttrial #impeachment #taxrecords #investigation #confidentialfunds #gravethreats -
NET25
@NET25TV
TRAFFIC ADVISORY: Patuloy na pinapayuhan ang mga motorista na umiwas dumaan sa Marilaque Highway sa Baras, Rizal at maghanap muna ng alternatibong ruta dahil sa landslide na naganap sa lugar ngayong Biyernes, Setyembre 4.
Makikita sa drone footage ang lawak ng nangyaring landslide at ang kondisyon ng kalsada sa kasalukuyan. | via Frisco Marquez
📹: Mike Dalumpines/Vea Verano
#net25newsandinformation #trafficadvisory #habagat #monsoonrains #heavyrain #rain #flood #flooding #landslide -
NET25
@NET25TV
Pinag-aaralan ng mga senador ang posibilidad na ibaba ang 16 na boto na kailangan para mahatulan si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.
Sinabi ng ilang senador na kailangan muling talakayin ang threshold dahil nabawasan ang bilang ng mga senator-judge na nakadadalo sa paglilitis.
Kabilang dito sina Senador Jinggoy Estrada at Sen. Rodante Marcoleta, na parehong nakakulong, habang si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ay nahaharap sa arrest warrant mula sa International Criminal Court. Samantala, nasa ibang bansa naman si Sen. Loren Legarda dahil naka-medical leave.
Matatandaang noong Hulyo, itinakda ni impeachment court presiding officer Sen. Francis “Chiz” Escudero na 16 na boto o two-thirds ng 24 na senador ang kailangan para sa conviction, batay sa probisyon ng Konstitusyon.
#net25newsandinformation #indaysaraduterte #threshold #impeachentcourt #impeachmenttrial #senatorjudges -
NET25
@NET25TV
'ALL SMILES'
Nakangiti at tila malakas na si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan nang dumating ito sa Sandiganbayan Second Division ngayong Biyernes, Setyembre 4.
Humarap si Bonoan sa korte para sa arraignment ng kasong graft kaugnay ng maanomalyang flood control projects. | via TJay Mendoza
#net25newsandinformation #sandiganbayan #dpwh #manuelbonoan #floodcontrol #arraignment #graftThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
SURVEY SHIP NG CHINA, NAMATAAN SA BAJO DE MASINLOC
TINGNAN: Umabot na sa 25 araw ang pananatili ng Chinese survey vessel na HAIYANG DIZHI SHIHAO sa Philippine exclusive economic zone (EEZ), ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela.
Sa datos ng PCG, nakapasok din ang barko sa loob ng 12-nautical-mile territorial sea ng Bajo de Masinloc.
Sinabi naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang permit na inilabas para sa marine scientific research ng naturang barko sa karagatan ng Pilipinas.
📷: PCGWPS Jay Tarriela / X
#net25newsandinformation #china #philippinecoastguard #dfa #westphilippinesea #bajodemasinloc -
NET25
@NET25TV
Nahuli ang isang 19-anyos na college student sa Lipa, Batangas matapos umanong magpanggap na kinidnap upang makahingi ng ₱300,000 ransom sa kaniyang mga magulang. Dalawang oras lamang ang kaniyang ibinigay na palugit para maibigay ang pera.
Ayon sa pulisya, nagpadala pa umano ang estudyante ng mga video na nagpapakitang umiiyak at nagpapaalam sa kaniyang mga magulang. Ngunit sa backtracking ng mga awtoridad, natagpuan siya sa isang hotel at napag-alamang gawa-gawa lamang ang kidnapping.
Umamin siya at sinabing gagamitin niya sana ang pera pambayad sa kaniyang utang. Mahaharap siya sa kaukulang reklamo.
📷: Lipa City Police
#net25newsandinformation #crime #scam #kidnap #student -
NET25
@NET25TV
Inamin ng Malacañang na wala pa ring kumpleto at updated na national flood control master plan ang Pilipinas.
Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, sinusuri ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga lumang flood control plan. Kasama rin sa pagsusuri ang kalagayan at anyo ng lupa sa mga lugar na pagtatayuan ng mga proyekto.
Pinag-aaralan din ang epekto ng climate change sa pagbuo ng bagong plano para sa mga pangunahing river basin ng bansa.
Layunin ng hakbang na magkaroon ng mas maayos at pangmatagalang flood control plan na maaaring ipagpatuloy ng mga susunod na administrasyon.
#net25newsandinformation #floodcontrolplan #climatechange #riverbasin #baha #ncr #luzon #habagat #tagulan -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Lumikas na ang mga residente habang stranded ang mga motorista sa Sto. Tomas, Pampanga dahil tila ilog na ang taas ng tubig-baha sa lugar dulot ng malakas na pag-ulan ngayong Biyernes, Setyembre 4. | via Monica Pacleb
#net25newsandinformation #habagat #monsoonrains #heavyrain #rain #flood #floodingThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
"KAILANGAN PA BANG I-MEMORIZE 'YAN?" 🫵🏻😆 #mainfeed!
May mga pagkakataon bang obvious na may kailangang gawin—pero somehow, walang kumikilos? 👀 Choice nga lang ba nating i-ignore ang chores o baka nasanay lang tayo na may ibang unang nakakakita, nagre-remind, at gumagawa nito? 🤔 Relate ka ba? Chore check muna tayo, comment na! 👇🏻
youtu.be/EGcC0dZWKW0 -
NET25
@NET25TV
Inaprubahan ng Sandiganbayan Third Division ang kahilingan ni Sen. Rodante Marcoleta na pansamantalang makalabas ng kulungan para sa isang medical checkup sa Setyembre 7.
Isasagawa ang mga medical test sa The Medical City sa Pasig City matapos ma-diagnose ang senador na may paglaki ng prostate, hypertension at mataas na cholesterol.
Samantala, nakapagpiyansa na ang senador ng ₱90,000 para sa mga kasong paglabag sa Presidential Decree 46, ngunit nahaharap pa rin siya sa kasong plunder kaugnay ng umano’y ₱75 milyong hindi idineklarang campaign donations.
#net25newsandinformation #rodantemarcoleta #medicalfurlough #healthconcern #senate -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Sinuong ng mga motorista sa Sto. Tomas, Pampanga ang gutter-deep na baha bunsod ng malakas na pag-ulan ngayong Biyernes, Setyembre 4. | via Monica Pacleb
#net25newsandinformation #habagat #monsoonrains #heavyrain #rain #flood #flooding -
NET25
@NET25TV
ROAD ADVISORY: Nasira ang isang bahagi ng kalsada papuntang Minalin, Pampanga kasunod ng malakas na pag-ulan.
Pinayuhan ng lokal na pamahalaan ang mga motorista na gumamit muna ng alternatibong ruta habang kinukumpini ang naturang daanan. | via Monica Pacleb
📷: Felipe Evangeline
#net25newsandinformation #minalin #pampanga #roadadvisory -
NET25
@NET25TV
Nahuli ang tatlong suspek, kabilang ang isang foreign national, matapos ang umano’y pagnanakaw sa Amorsolo Street, Makati City kagabi ng Huwebes, Setyembre 3.
Sa dalawang SUV ng mga suspek, nakumpiska ang dalawang baril, iba’t ibang plaka ng sasakyan, drug paraphernalia, at hinihinalang shabu.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang alamin kung sangkot ang mga suspek sa iba pang krimen at kung may iba pa silang kasabwat. | via Jim Tejano
📷: Contributed
#net25newsandinformation #makati #crimenews #crime #robbery #threat -
NET25
@NET25TV
Sinampahan ng apat na kaso ng frustrated murder at anim na kaso ng attempted murder ang 15-anyos na suspek sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Inirekomenda ang piyansang ₱72,000 para sa bawat kaso ng frustrated murder at ₱36,000 para sa bawat kaso ng attempted murder. Isinampa ang mga kaso sa Regional Trial Court (RTC) sa Tacloban.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), napag-alamang kumilos ang 15-anyos nang may sapat na pag-unawa at nakipagsabwatan sa 14-anyos na kasama niya.
Matatandaang tatlong estudyante ang namatay at hindi bababa sa 20 ang nasugatan sa insidente.
#net25newsandinformation #shooting #taclobancity #frustratedmurder #homicide #minor #menordeedad #rtc #shootingincident #schoolincident -
NET25
@NET25TV
KAANAK NG 2 BIKTIMA SA AGANA BRIDGE, HUMINGI NG TULONG
TINGNAN: Nanghingi na ng tulong sa NET25 ang kaanak nina Sheila Mae Dayao Taborlupa at Paul Harvey Callado, na nawawala pa rin matapos mahulog sa Tarlac River ang sinasakyan nilang SUV kasunod ng pagguho ng bahagi ng Agana Bridge sa Tarlac City noong Agosto 29.
Umaasa ang pamilya nila na mapalawak ang search and retrieval operations at makahingi ng karagdagang tulong mula sa gobyerno at pribadong sektor.
Umapela rin sila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa agarang aksyon at pagdaragdag ng mga rescuer. | via Jim Tejano
Para sa anumang impormasyong makatutulong sa paghahanap, maaaring makipag-ugnayan kay:
RIZAL TABORLUPA LAXAMANA
0981 717 1130
#net25newsandinformation #dpwh #roadadvisory #tarlac #aganabridge #bridgecollapse #roadclosures -
NET25
@NET25TV
Nanalo si Pinay tennis superstar Alex Eala laban kay Oleksandra Oliynykova ng Ukraine sa ikalawang round ng US Open.
Ipinamalas ni Eala ang kaniyang husay at galing nang magtapos ang laban sa score na 6-1, 6-4.
Dahil dito, uusad ang Pinay player sa susunod na round at makakaharap ang World No. 14 na si Iva Jovic ng Estados Unidos.
📷: US Open
#net25newsandinformation #usopen #alexeala #tennis #teamalex #teamphilippines #sportsnews #ivajovic -
NET25
@NET25TV
KAANAK NG 2 BIKTIMA SA AGANA BRIDGE, HUMINGI NG TULONG
TINGNAN: Nanghingi na ng tulong sa NET25 ang kaanak nina Sheila Mae Dayao Taborlupa at Paul Harvey Callado, na nawawala pa rin matapos mahulog sa Tarlac River ang sinasakyan nilang SUV kasunod ng pagguho ng bahagi ng Agana Bridge sa Tarlac City noong Agosto 29.
Umaasa ang pamilya nila na mapalawak ang search and retrieval operations at makahingi ng karagdagang tulong mula sa gobyerno at pribadong sektor.
Umapela rin sila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa agarang aksyon at pagdaragdag ng mga rescuer. | via Jim Tejano
Para sa anumang impormasyong makatutulong sa paghahanap, maaaring makipag-ugnayan kay:
RIZAL TABORLUPA LAXAMANA
0981 717 1130
#net25newsandinformation #dpwh #roadadvisory #tarlac #aganabridge #bridgecollapse #roadclosures #accident -
NET25
@NET25TV
Inilipat ng central bank ng Netherlands ang 86 toneladang gold reserves mula New York at Ottawa patungong United Kingdom bilang bahagi ng crisis preparedness amid tumitinding geopolitical tensions.
#mnainewsbitesize #netherlands #goldreserves #uk #geopoliticaltensions -
NET25
@NET25TV
Nasangkot sa traffic violation si MMDA GM Nicolas Torre III matapos dumaan sa EDSA Busway ang MMDA patrol car na sinasakyan nito.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #nicolastorre #mmda #edsabusway #trafficviolation
youtu.be/SnU_7qk3RH8 -
NET25
@NET25TV
Isinusulong ni Meta CEO Mark Zuckerberg ang open-source at open-weight AI models para sa mas malawak na inobasyon at transparency sa artificial intelligence.
#mnainewsbitesize #markzuckerberg #meta #ai #opensourceai #openweightai
youtu.be/NxQjxI2TSWM -
NET25
@NET25TV
Umabot sa ilang bahagi ng Pilipinas at Malaysia ang haze mula sa forest fires sa Indonesia, na nagdulot ng mahinang visibility at mababang air quality. #mnainewsbitesize #indonesia #haze #transboundaryhaze #philippines #malaysia #airquality
youtu.be/BUYuITRgHzs -
NET25
@NET25TV
Naka-high alert ang Kuwait matapos tumugon ang air defenses nito sa mga missile at drone threat mula sa Iran. #mnainewsbitesize #kuwait #iran #iranianmissiles #iraniandrones #airdefense
youtu.be/SqXtCyVRUvg -
NET25
@NET25TV
Pinayagan ng Sandiganbayan ang one-day medical furlough ni Sen. Rodante Marcoleta para sa medical examination kaugnay ng kanyang stage 2 hypertension, prostate enlargement at dyslipidemia.
#net25newsandinformation #matangagilaprimetime #rodantemarcoleta #sandiganbayan #medicalfurlough
youtu.be/uZw03ixBK-8 -
NET25
@NET25TV
Narito na ang mga balitang kailangan niyong malaman ngayong Biyernes, Sept. 4, 2026:
- Bank at tax record ni VP Sara, hawak na ng prosekusyon
- Marcoleta, Sinabi umano sa COMELEC na personal na pondo ang P75-M mula sa mga donor
- Torre, mananatili sa MMDA sa kabila ng imbestigasyon sa pagdaan sa EDSA busway
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=ehLvQU4nfsQ
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1082064477703887 -
NET25
@NET25TV
NASA AUTOPILOT LIFE KA BA? 😮💨 #hearmeout!
Gising. School o work. Kumain. Scroll. Uwi. Tulog. Repeat. 🔁 Ikaw, kailan ka huling gumawa ng something new? Kailan ka huling nag-decide dahil gusto mo talaga, hindi dahil “ganito naman lagi?" Share yours sa comment section! 👇🏻 -
NET25
@NET25TV
Hilig sa pagluluto, naging hustle! 👩🍳🔥
Nakilala natin si Arlene Carual, ang #kabarangaycook ng Brgy. Silangan na ginawang pagkakakitaan ang kanyang passion sa pagluluto! 💸 At siyempre, ipinakita niya ang kanyang skills sa pagluluto gamit ang Dodram Luncheon Meat na simple pero siguradong mapapa-“Dagdag kanin!” 🤤🍚 #net25 #net25entertainment #loveañover #tonipetgaba #lte #lteagahansasilangan
youtu.be/-puchnjHnp8 -
NET25
@NET25TV
NAE-EXCITE KA BA 'PAG BER MONTHS O NAPE-PRESSURE KA? 🤔 #mainfeed!
Ikaw, anong BER months mood mo? ✨ Excited or pressured? Comment na! 🫵🏻
youtu.be/iospc-QJHC0 -
NET25
@NET25TV
Mata ng Agila Primetime - September 3, 2026 www.youtube.com/live/ABR3W_-PGbw via @YouTube
-
NET25
@NET25TV
TRAFFIC ADVISORY: As of 2:00 p.m. ngayong Huwebes, Setyembre 3, mabigat pa rin ang daloy ng trapiko sa NLEX San Simon, Pampanga papuntang Manila.
📹: NLEX Corporation
#net25newsandinformation
#nlex #sansimon #pampanga #motoristadvisory #trafficadvisory #pampangaflooding -
NET25
@NET25TV
TORONTO, HINAGUPIT NG BAGYO AT BAHA
PANOORIN: Matinding flash flood ang nararanasan sa Toronto at Greater Toronto Area, Canada matapos ang malakas na bagyo.
Ayon sa mga awtoridad, ilang pangunahing kalsada ang binaha at hindi passable gaya ng Don Valley Parkway, Lake Shore Boulevard, Gardiner Expressway, at bahagi ng Highway 401.
Marami ang stranded na mga motorista at libu-libong residente ang nawalan ng kuryente, habang nakaranas ng malalaking pagkaantala ang public transportation.
📹: RT News
#net25newsandinformation #canada #toronto #heavyrain #rain #flood #flooding -
NET25
@NET25TV
DSWD, iginiit na P797.80 ang halaga ng bawat prepacked Family Food Pack na ipinapamahagi ng ahensya. Taliwas ito sa inilabas na pahayag ng isang netizen na umaabot umano sa P1,500 ang halaga ng bawat food pack.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/4-xG-E2OqlU -
NET25
@NET25TV
MALALAKING ICEBERG, GUMUHO
PANOORIN: Gumuho ang isang napakalaking iceberg sa karagatan malapit sa Ilulissat, Greenland.
Ayon sa mga awtoridad, ang pagguho ng iceberg ay nagdulot ng malalaking alon malapit sa coastal city.
📹: Mona Hansen via BBC News
#net25newsandinformation #greenland #ilulissat #ilulissatgreenland #iceberg #mountains -
NET25
@NET25TV
JUST IN: Pinakakasuhan na ng Department of Justice (DOJ) ang 15-anyos na estudyanteng sangkot sa pamamaril sa San Jose National High School noong Hunyo 22.
Ayon kay DOJ Undersecretary Ian Norman Dato, nahaharap siya sa four counts ng frustrated murder at six counts ng attempted murder.
Matatandaang dalawang estudyante ang nasawi at mahigit 20 ang sugatan sa insidente. | via Earlo Bringas
#net25newsandinformation #schoolshooting #shooting #student #teacher #schoolsafety #socialmedia #violence #onlinesafety -
NET25
@NET25TV
Sinabi ng Department of Education (DepEd) na nasa ₱7.783 bilyon ang kailangang pondo para sa paglilinis, pagkukumpuni at muling pagtatayo ng mga paaralang napinsala ng mga nagdaang bagyo at habagat.
Sa datos ng DepEd, umabot sa 11,167 ang napinsalang silid-aralan sa 2,243 paaralan sa buong bansa. Kabilang dito ang 6,530 silid-aralan na bahagyang napinsala, 2,389 na lubhang napinsala, at 2,248 na tuluyang nawasak.
📷: DepEd
#net25newsandinformation #deped #funds #habagat #monsoonrains #tagulan #rehabilitation #classroom #rebuilding -
NET25
@NET25TV
HANDLE IZNA WITH CARE 💗
TINGNAN: Soft-core at dreamy visuals ang hatid ng K-pop girl group na izna sa bago nilang music video.
Kasabay ng release nito ngayong Huwebes, Setyembre 3, ang kanilang debut Japanese album.
PH NAYAs, ready na ba? Mapapanood nang live ang izna sa “WHO DAT GIRL?” World Tour sa EVM Convention Center sa Oktubre 17!
📷: izna / Youtube
#net25newsandinformation #izna #kpop #whodatgirl #evmconventioncenter #dumbhot #handlewithcare -
NET25
@NET25TV
2 MANGINGISDA, NASAGIP SA LUMUBOG NA BANGKA
TINGNAN: Nailigtas ang dalawang magkapatid na mangingisda matapos lumubog ang kanilang bangka nang hampasin ng malalaking alon sa Barangay Sto. Rosario, Iba, Zambales. | via Gerino Navarro Jr.
#net25newsandinformation #zambales #sink #boat #accident #habagat -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Ipinauubaya na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Office (LTO) ang imbestigasyon sa sasakyang nakitang dumaan sa EDSA Busway na sinasabing pagmamay-ari ni MMDA General Manager Nicolas Torre III kahapon ng Miyerkules, Setyembre 2.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, nakatanggap na ang ahensya ng show cause order mula sa LTO matapos lumitaw na ang plaka ng sasakyan ay nakarehistro sa isang MMDA vehicle.
Isinurrender na rin umano ni Torre ang naturang sasakyan at binigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag.
Samantala, sinabi ni Artes na hindi muna maaapektuhan ang trabaho ni Torre dahil wala pang suspension order o pinal na resulta ang imbestigasyon. | via Earlo Bringas
#net25newsandinformation #𝘔𝘔𝘋𝘈 #lawandorder #trafficviolation #roadrulesThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
PINSALA NG HABAGAT SA TURISMO
TINGNAN: Nawasak ang mga resthouse sa baybayin ng Liwliwa, Zambales kasunod ng malakas na ulan at hangin na dala ng habagat.
📹: Regent Nehru / @regentnehru
#net25newsandinformation #zambales #liwliwa #habagat #monsoonrainsThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Tropical Storm Pilandok, ngunit patuloy na magpapaulan ang Habagat sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas, ayon sa PAGASA.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #pagasa #bagyongpilandok #habagat #par -
NET25
@NET25TV
Posibleng buong araw isagawa ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Oktubre. Kasabay nito, tatalakayin din ng Senado ang panukalang ₱7.2 trilyong national budget para sa 2027.
Ayon kay Presiding Officer Sen. Francis “Chiz” Escudero, maaaring itakda ang buong araw na paglilitis sa Oktubre 1 at 2, 5 hanggang 9, at 12 hanggang 15, mula alas-10 ng umaga hanggang gabi.
Layunin nitong mapabilis ang pagdinig at mapakinggan ang isa hanggang tatlong testigo kada trial date.
Kaugnay nito, walang impeachment trial mula Oktubre 16 hanggang Nobyembre 6 dahil sa budget hearings at holiday break.
📷: Senate
#net25newsandinformation #senate #impeachmenttrial #impeachmentschedule #budgethearing #indaysaraduterte #investigation -
NET25
@NET25TV
Nilinaw ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi siya nag-aapply bilang susunod na Supreme Court Chief Justice.
Sa harap ito ng nalalapit na Mandatory Retirement ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa Nobyembre 6 kasabay ng kaniyang ika-70 kaarawan. | via Mar Gabriel
#net25newsandinformation #ombudsman #supremecourtjustice #retirement #alexandergesmundo #boyingremullaThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
MILF CONVOY, HINARANG SA LANAO DEL NORTE
TINGNAN: Hinarang ng ng Lanao del Norte Police Provincial Office at Philippine Army ang convoy ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) 131st Brigade sa checkpoint sa Barangay Libertad, Kolambugan, Lanao del Norte kahapon, Setyembre 2.
Ayon sa pulisya, walang naipakitang dokumento mula sa liderato ng MILF para sa kanilang biyahe kaya pinabalik ang convoy sa kanilang pinanggalingan sa Picong, Lanao del Sur.
Layunin umano ng mga awtoridad na maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad. | via Ely Dumaboc
📷: PIO-PPO
#net25newsandinformation #lanaodelnorte #philippinearmy #pnp #milf #peaceandorder -
NET25
@NET25TV
MANUEL BONOAN GAGAWING KEY WITNESS?
PANOORIN: Balak gawing key witness ng Office of the Ombudsman si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa imbestigasyon nito sa mga maanomalyang flood control project.
Ito ay matapos alisin si Bonoan bilang akusado sa kasong graft at plunder na kinasasangkutan ni Sen. Jinggoy Estrada.
📹: Mar Gabriel
#net25newsandinformation #keywitness #graft #plunder #floodcontrol #statewitness #floodcontrolprojects #investigation #ombudsmanThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
RELAX LANG KAYO
PANOORIN: Bagama’t sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na iniimbestigahan na ang mga kasong inihain laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, tikom ito sa antas ng imbestigasyon ng ahensya.
📹: Mar Gabriel
#net25newsandinformation #martinromualdez #investigation #ombudsmanThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
NEWS UPDATE: Aprubado na sa committee level ng Senado ang panukalang ₱7.232 bilyong hinihinging budget ng Office of the Ombudsman para sa taong 2027.
Nakapaloob dito ang ₱54 milyong confidential funds na gagamitin umano sa pag-iimbestiga ng katiwalian sa pamahalaan. | via Mar Gabriel
#net25newsandinformation #senate #confidentialfunds #ombudsman #2027nep #officeoftheombudsman #investigation #committeeonfinance -
NET25
@NET25TV
Kahalagahan ng pagiging reservist, binigyang-diin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa #aspn ngayong ginugunita ang 47th National Reservist Week. Tinalakay ng AFP ang mahalagang papel ng mga reservist bilang katuwang ng regular forces, lalo na sa pagtugon sa mga sakuna, krisis at iba pang pangangailangan ng bansa. | Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/mS2EWkbbmn0 -
NET25
@NET25TV
Pinalakas ng DILG ang disaster information at coordination strategy sa mga lokal na pamahalaan bilang paghahanda sa mga sakunang dulot ng nagbabagong kondisyon ng kapaligiran.
#net25newsandinformation #matangagilasatanghali #dilg #lgu #disasterpreparedness #disasterresponse -
NET25
@NET25TV
Umakyat sa 39 ang bilang ng nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng mga bagyong Luis, Maymay at Neneng at Habagat, habang 9.4 milyon naman ang apektado, ayon sa NDRRMC. #net25newsandinformation #matangagilasatanghali #ndrrmc #bagyo #habagat #disasterupdate
youtu.be/IEc0xOJntuY -
NET25
@NET25TV
Pinalalakas ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center at Meta ang kanilang koordinasyon para mapatatag ang seguridad at proteksyon ng kabataan online.
Napagkasunduan din na kikilalanin ng Meta ang kapangyarihan ng National Bureau of Investigation sa mga cybercrime request ng ahensya.
youtu.be/ydV8Rl0tpfc -
NET25
@NET25TV
Patuloy na lumalaki ang isang sinkhole sa Bogo, Cebu na ayon sa Mines and Geosciences Bureau-Central Visayas, naka-classify ito bilang high-risk ground collapse area. #net25newsandinformation #siyentoporsiyento
youtu.be/CeAnJxyx0g4 -
NET25
@NET25TV
MALAKI NGA ANG SAHOD, MALAKI RIN NAMAN ANG GASTOS! 😭💸
#mainfeed!
Naranasan mo na bang magkaroon ng salary increase, pero after a few months parang wala ka pa ring extra money?
You might be experiencing "Lifestyle Inflation." 😱
Ikaw, paano ba ang tamang pagba-budget para 'di kapusin sa gastusin? 🤔
Comment na! 🫵🏻
youtu.be/7runY7SXNjc -
NET25
@NET25TV
BAKA HINDI MO ALAM NA MAY MGA PUNONG PINOY PALANG MADALI LANG PALAKIHIN AT ALAGAAN! 🌱😮
Alamin sa #lovetonipetandeverythaaang ang iba’t ibang Philippine native trees dito sa #toniknows—mga punong likas sa ating bansa na hindi lang magandang pagmasdan, kundi malaking tulong din sa ating kalikasan!🌳
#net25 #net25entertainment #toniknows #kabarangayday
youtu.be/dnQVG_V8JWI -
NET25
@NET25TV
ISANG TV FEATURE, BIGLANG LEVEL UP ANG KABUHAYAN! 😮🔥 Mula nang ma-feature ang Pizi Stringarts sa #lovetonipetandeverythaaang, mas marami ang nakakilala sa kanilang unique creations—at sunod-sunod na rin ang kanilang TV features! 📺✨ Ngayon, mas umuunlad na ang kanilang kabuhayan, kasabay ng pag-level up ng kanilang mga gawa! 🤩 #net25 #net25entertainment #lte #mustanau #pizistringarts
youtu.be/xYgeaZKRIC8 -
NET25
@NET25TV
MENTAL RESET 101 👀✨
#mainfeed!
May moments talaga na feeling natin stuck tayo, paulit-ulit ang negative thoughts, o parang wala nang nagwo-work.
Pero minsan, hindi naman buong buhay ang kailangang baguhin—baka kailangan lang nating huminto, mag-reflect, at tingnan ang situation from a different perspective. 💭
Ikaw, may thoughts ka ba na gusto mong i-reset? 🤔
Comment na! 🫵🏻
youtu.be/f_xIfDArgWo -
NET25
@NET25TV
Alamin na ang mga latest na balita ngayong Huwebes, Sept. 3, 2026:
- PBBM: Flood control masterplan ng bansa, ngayon pa lang ipatutupad
- Poa, itinanggi ang pananagutan sa liquidation ng confidential funds ng DepEd
- Ingay sa politika, nakaaapekto sa tiwala ng mga investor at negosyo
| Ano Sa Palagay N’yo?
#net25newsandinformation
YT: www.youtube.com/watch?v=SiAqg6y6Phw
FB: www.facebook.com/100064813270325/videos/1729097432061495 -
NET25
@NET25TV
Naglunsad ng missile at drone attacks ang Iran sa mga U.S. targets sa Middle East matapos muling atakihin ng Estados Unidos ang Tehran. #net25newsandinformation #matangagilainternational #usiranconflict #middleeastcrisis #worldnewsph
youtu.be/RldCx3ULbwo -
NET25
@NET25TV
OVERNIGHT OATS, ITO NA ANG BAGO MONG GO-TO MEAL! 😁
#girlcode!
Busy mornings? No time to cook? Overnight oats to the rescue! 😭🥣
Ikaw, anong flavor ang gagawin mo para sa iyong overnight oats?
I-share mo naman 'yan! 🤩
youtu.be/L-FfhCuivB8 -
NET25
@NET25TV
SALPUKAN NG KOTSE AT WING VAN
PANOORIN: Wasak ang harapang bahagi ng isang kotse matapos sumalpok sa kasalubong na wing van sa National Highway, Barangay Dabong-dabong, Valencia City, Bukidnon nitong umaga ng Miyerkules, Setyembre 2.
Ayon sa imbestigasyon, nakatulog umano ang driver ng kotse kaya nawalan ng kontrol at bumangga sa wing van. Malaki ang pinsalang tinamo ng dalawang sasakyan.
Samantala, nagtamo ng major injury ang driver ng kotse habang nabalian ng paa ang kaniyang ina. Kapwa dinala sa malapit na ospital ang mga biktima. | via Pepito Artianza
#net25newsandinformation #bukdinon #roadcrash #roadaccident #accident -
NET25
@NET25TV
“THIS IS HEARSAY."
Sinita ni lead defense counsel Atty. Sheila Sison ang misleading na tanong ni prosecution counsel Atty. Benjamin "Jay" Tolosa Jr. kaugnay ng pag-disburse ng confidential funds ni dating OVP special disbursing officer Gina Acosta kay Col. Raymund Lachica.
Iginiit ni Sison na hearsay ang tanong dahil nakabatay ito sa pahayag na hindi umano ginawa ni dating DepEd undersecretary Atty. Michael Poa.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/71d9YSw9Yjw
#net25newsandinformation #michaelpoa #testigo #witness #indaysaraduterte #confidentialfunds #investigation #impeachmenttrial -
NET25
@NET25TV
SASAKYAN NAREKOBER MALAPIT SA NINOY AQUINO BRIDGE
NEWS UPDATE: Natagpuan ng mga awtoridad ang isang sasakyan sa ilog sa Boulevard, Brgy. San Vicente, Tarlac City, malapit sa Ninoy Aquino Bridge, ngayong Miyerkules, Setyembre 2.
Isang gulong lamang ng sasakyan ang nakalitaw sa tubig, ayon sa mga awtoridad. Pinaniniwalaang ito ang SUV na nahulog sa gumuhong Agana Bridge noong kasagsagan ng malakas na pag-ulan at may lulang limang katao.
Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga rescuer upang maihaon ang sasakyan at makumpirma kung ito nga ang hinahanap na sasakyan. | via Jim Tejano
#net25newsandinformation #tarlaccity #ninoyaquinobridge #aganabridge #suv #investigation -
NET25
@NET25TV
Nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Guinayangan sa Quezon Province dahil sa matinding krisis sa supply ng tubig.
Layunin nitong mapabilis ang pagtugon at pagbibigay ng tulong ng lokal na pamahalaan sa mga naapektuhang residente.
Gayunpaman, nanawagan si Mayor Cesar Isaac III sa lahat ng mamayan na makiisa sa pagtitipid ng tubig at manatiling naka-antabay para sa anunsyo at iskedyul ng rasyon ng tubig. | via Allan Llaneta
#net25newsandinformation #watersupply #elnino #watershortage #quezonprovince #guinayangan -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Ni-rescue ang ilang residente na apektado ng malawakang pagbaha sa Brgy. Locos, Calasiao, Pangasinan kasunod ng walang-tigil na ulan. | via Monica Pacleb
📹: Arrjay Pangilinan
#net25newsandinformation #calasiao #pangasinan #rescue #baha #flooding #habagat #monsoonrains -
NET25
@NET25TV
Pumalo na sa 1,050 katao ang nasawi habang 4,000 naman ang nawawala sa Nepal, isang linggo matapos ang flash flood sa bahagi ng Nepal-China border.
Ayon sa United Nations Development Programme (UNDP), nag-iwan ang insidente ng halos 2.2 milyong tonelada ng debris kung saan hirap pa rin ang mga awtoridad na linisin ang mga ito.
Kabilang sa mga napinsala ang mga kabahayan, pangunahing kalsada at ilang gusali.
📷: Reuters
#net25newsandinformation #nepal #dead #casualtycount #nepalchinaborder #flashflood -
NET25
@NET25TV
HINDI MABAGAL ANG PAMAHALAAN? 🤔
PANOORIN: Ito ang naging tugon ni PCO Usec. Claire Castro matapos tanuningin kung hindi ba nakikilos ang Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa galit ng taong-bayan kaugnay ng mga krisis sa bansa.
Ayon kay Castro, hindi mabagal ang pamahalaan. Marami lamang umanong dapat ayusin sa bansa na hindi naiayos sa loob ng apat na dekada.
Ginagamit lamang daw ng ilan ang issue ng baha para tuligsain ang Pangulo. | via Madelyn Villar-Moratillo
#net25newsandinformation #pbbm #bongbongmarcos #marcosadministration #malacañang #palasyo #affidavit #investigation #corruption #floodcontrolThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Sinabi ni Atty. Salvador Panelo na hindi naman kumakampi ang impeachment court sa mga objection ng depensa.
Aniya, nawalan ng kumpiyansa ang prosecution team sa kanilang witness examination kay Atty. Michael Poa ngayong Miyerkules, Setyembre 2.
#net25newsandinformation #salvadorpanelo #impeachmentcourt #witnessexamination #michaelpoa #investigation #indaysaraduterte #confidentialfundsThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
Patuloy na minomonitor ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagtaas ng hospital admissions at medical consultations dahil sa haze na nakaapekto sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas mula sa wildfires sa Indonesia.
Ayon sa DOH, maaaring magdulot ang haze ng ubo, iritasyon sa ilong at lalamunan, hirap sa paghinga, at paglala ng hika. Sa ngayon, wala pang naitatalang pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng naoospital o nagpapakonsulta dahil dito.
Pinapayuhan naman ang publiko na bawasan ang exposure kapag mababa ang air quality at gumamit ng N95 o katulad na mask kung kinakailangang lumabas.
#net25newsandinformation #ncr #makati #unhealthyair #airquality -
NET25
@NET25TV
Itutuloy ng Department of Education (DepEd) ang National Simultaneous School Safety Drill bukas, Setyembre 3, sa kabila ng pagtutol ng ilang mental health group.
Ayon sa DepEd, layunin ng drill na ihanda ang mga paaralan sa posibleng banta nang hindi nagdudulot ng takot o trauma sa mga mag-aaral.
Sa gagawing drill, ipinagbabawal ang paggamit ng totoong baril, kunwaring putok ng baril, pekeng biktima at iba pang sobrang makatotohanang elemento.
Makikipagtulungan din ang PNP sa mga paaralan upang turuan ang mga guro at magulang na makilala ang mga senyales ng marahas na pag-uugali sa mga estudyante.
📷: DepEd DRRMS
#net25newsandinformation #deped #pnp #nationalsimultaneousschoolsafetydrills #safetydrills #activeshootingdrills #schools #learningsafety -
NET25
@NET25TV
Umakyat na sa 39 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng Bagyong Luis, Maymay at Neneng, pati ng habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Pinakamarami ang nasawi sa Benguet na may 15, karamihan dahil sa landslide. Umabot naman sa 20 ang sugatan at tatlo ang patuloy na nawawala. Aabot sa 9.4 milyon katao ang naapektuhan, habang ₱6.27 bilyon ang infrastructure damage at ₱2.84 bilyon naman ang pinsala sa agrikultura.
📷: PNA
#net25newsandinformation #habagat #monsoonrains #heavyrain #rain #flood #flooding -
NET25
@NET25TV
FIRST ROUND SLAY 🎾🔥
SPORTS UPDATE: Uusad si Pinay tennis superstar na si Alex Eala sa ikalawang round ng US Open matapos talunin si Mary Stoiana.
Nanguna si Eala sa dalawang sets na 6-1, 6-2.
📷: WTA
#net25newsandinformation #alexeala #tennis #teamphilippines #usopen #teamalex #sportsnews -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Humingi ng pag-unawa at pasensya si Presiding Officer Sen. Chiz Escudero sa mga senator-judge at sa publiko dahil sa mainit na palitan ng diskusyon ng dalawang panig sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, Setyembre 2.
“Para sa kaalaman din po ng kapwa ko senator-judges at mga sumusubaybay, mahirap na nga po na may dalawang abogado nagkakaroon ng tagisan ng talino, gawin pa nating tatlo. Kaya pag-unawa lang po at pasensya ang hinihiling namin,” saad ni Escudero.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/71d9YSw9Yjw
#net25newsandinformation #michaelpoa #testigo #witness #indaysaraduterte #confidentialfunds #investigation #impeachmenttrialThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
BANGKAY NG 1 SA 3 NAWAWALA SA AGANA BRIDGE, NATAGPUAN
PANOORIN: Nakita na ang bangkay ng isa sa mga nawawala matapos mahulog ang sinasakyan nilang SUV sa gumuhong Agana Bridge sa Tarlac City nitong Sabado, Agosto 29.
Ayon sa mga saksi, nakita ang bangkay na palutang-lutang sa tubig sa Barangay San Vicente, Bayambang, Pangasinan nitong Martes ng hapon, Setyembre 1.
Patuloy naman ang paghahanap ng mga awtoridad sa dalawa pang nawawala. | via Jim Tejano
📹: Rogelio Cabral
#net25newsandinformation #dpwh #roadadvisory #tarlac #aganabridge #bridgecollapse #roadclosures #accidentThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Inalmahan ni Atty. Shiela Sison ang pagtawag ni Atty. Benjamin Tolosa Jr. kay Atty. Michael Poa bilang “abogadong walang alam” sa impeachment trial.
Hiniling ni Sison na alisin sa record ang naturang pahayag dahil hindi ito angkop sa paglilitis.
Iniharap si Poa bilang hostile witness sa pagtalakay sa Article I o alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/71d9YSw9Yjw
#net25newsandinformation #michaelpoa #testigo #witness #indaysaraduterte #confidentialfunds #investigation #impeachmenttrial -
NET25
@NET25TV
LIBRENG TOLL SA PULILAN-SAN FERNANDO, PAMPANGA
TINGNAN: Nag-alok ang Department of Transportation (DOTr) ng libreng toll para sa mga sasakyang bibiyahe mula Pulilan, Bulacan papuntang San Fernando, Pampanga at vice versa, simula ngayong Miyerkules, Setyembre 2.
Layunin nitong maibsan ang kalbaryon ng mga motorista dahil sa matinding traffic sa NLEX bunsod ng pagbaha sa bahagi ng Tulaoc Bridge sa San Simon, Pampanga. | via Earlo Bringas
📷: DOTr
#net25newsandinformation #dotr #librengtoll #nlex #sanfernandopampanga #bulacanpampanga #expressway #motorista -
NET25
@NET25TV
"ABOGADONG WALANG ALAM”
Hiniling ni lead defense counsel Atty. Sheila Sison na burahin sa record ang pahayag ni prosecution counsel Atty. Jay Tolosa Jr. na “abogadong walang alam” si Atty. Michael Poa. Sinabi ni Sison na may karapatan si Poa na maprotektahan laban sa mga tanong na irrelevant, improper at insulting.
Humingi naman ng paumanhin si Tolosa at iginiit na hindi niya layuning mang-insulto. Sa ruling ni presiding officer Sen. Francis Escudero, ipinabura sa record ang naturang pahayag, na tinawag niyang “discourteous” at hindi dapat gamitin laban sa kapwa abogado.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/71d9YSw9Yjw
#net25newsandinformation #michaelpoa #testigo #witness #indaysaraduterte #confidentialfunds #investigation #impeachmenttrial -
NET25
@NET25TV
Tinanggal ng Sandiganbayan Fifth Division si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan bilang akusado sa kasong plunder at graft na isinampa laban kay Senador Jinggoy Estrada.
Pinayagan ng korte ang kahilingan ng Office of the Ombudsman na alisin si Bonoan matapos siyang magpahayag na handa siyang makipagtulungan sa imbestigasyon. Nais ng Ombudsman na maging state witness si Bonoan laban kay Estrada at sa iba pang akusado.
Matatandaang iniimbestigahan sila kaugnay ng umano’y ₱573 milyong kickback mula sa mga flood control project.
📷: Senate
#net25newsandinformation #sandiganbayan #manuelbonoan #dpwh #floodcontrol #graft #plunder #investigation -
NET25
@NET25TV
P14-M HALAGA NG PUSLIT NA SIGARILYO, NASABAT
TINGNAN: Nakumpiska ng pulisya ang 250 master cases ng hinihinalang puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱14 milyon sa isang anti-criminality checkpoint sa Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte, bandang 11:40 ng umaga nitong Martes, Setyembre 1.
Arestado ang dalawang suspek na sakay ng wing van at dinala sila ng pulisya kasama ang mga nakumpiskang sigarilyo para sa kaukulang disposisyon at paghahanda ng mga kaso sa paglabag sa Republic Act No. 12022 at iba pang batas. | via Ely Dumaboc
📷: PRO-BAR
#net25newsandinformation #crimenews #crime #smuggling #illegalactivities #cigarette -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Humarap si Atty. Michael Poa bilang testigo sa day 21 ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, Setyembre 2.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: www.youtube.com/live/71d9YSw9Yjw
#net25newsandinformation #michaelpoa #testigo #witness #indaysaraduterte #confidentialfunds #investigation #impeachmenttrial -
NET25
@NET25TV
TRAFFIC ADVISORY: Kasalukuyang sitwasyon sa NLEX ngayong umaga ng Miyerkules, Setyembre 2. Mabigat pa rin ang daloy ng trapiko sa NLEX San Simon, Pampanga dahil sa pagtaas ng water level ng Pampanga River.
📹: NLEX Corporation
#net25newsandinformation
#nlex #sansimon #pampanga #motoristadvisory #trafficadvisory #pampangaflooding -
NET25
@NET25TV
Pinaalalahanan ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang Filipino tourists na ang 14-day visa-free entry ay para lamang sa turismo at leisure. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatrabaho o pagnenegosyo habang nasa ilalim ng naturang visa-free stay.
Kabilang sa mga ipinagbabawal ang pagtatrabaho bilang paid photographer, pagtulong sa pagbubukas ng negosyo, pag-aalok ng condominium o timeshare, at pagkuha ng Hong Kong driver’s license para makapagtrabaho bilang driver.
Ang lalabag ay pagmumultahin ng hanggang HK$50,000 o pagkakulong ng hanggang dalawang taon.
📷: SCMP
#net25newsandinformation #visa #hk #hktravel #hongkong #touristvisa -
NET25
@NET25TV
Bubuksan ang dalawang gate ng San Roque Dam sa Pangasinan ngayong Miyerkules, Setyembre 2, matapos umabot sa 283.68 metro ang lebel ng tubig nito, ayon sa PAGASA.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga residenteng malapit sa ilog at nakatira sa mga mabababang lugar na mag-ingat dahil sa posibleng pagbaha.
📷: PIA Pangasinan File
#net25newsandinformation #pagasa #sanroquedam #pangasinan #waterrelease #damrelease #overspill #baha -
NET25
@NET25TV
Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pag-release ng P10.38 bilyon para sa pagpapatupad ng Zero Balance Billing (ZBB) program na layong mabawasan ang gastusin sa pagpapaospital ng mga Pilipino.
Sakop ng pondo ang mga piling DOH hospitals sa Metro Manila, mga regional at iba pang government health facilities, pati anim na pilot LGU hospitals.
Hangad ng programa na matulungan ang mga kwalipikadong pasyente na makatanggap ng covered health services nang minimal o walang bayarin sa ospital, alinsunod sa mga umiiral na guidelines.
📷: PNA
#net25newsandinformation #dbm #budget #zerobilling #hospital -
NET25
@NET25TV
TINGNAN: Tinulungan ng SCAN International ang mga residenteng naapektuhan ng abot-beywang na baha sa Brgy. Libtong, Meycauayan, Bulacan kasunod ng malakas na pag-ulan.
📷: Leah De Josef Bantilan
#net25newsandinformation #bulacan #baha #flood #scaninternational #rescue #monsoonrains #habagat -
NET25
@NET25TV
₱6,500 NA AYUDA KAPALIT NG PERSONAL INFO SCAM
TINGNAN: Muling nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa mga online scammer na nag-aalok umano ng ₱6,500 financial assistance kapalit ng personal na impormasyon.
Ayon sa DSWD, hindi bahagi ng kanilang proseso ang panghihingi ng mobile number, address, at iba pang personal na detalye sa pamamagitan ng private messages.
Pinapayuhan ang publiko na huwag basta magbigay ng impormasyon online at tiyakin muna ang mga anunsyo sa official verified social media accounts ng DSWD.
📷: DSWD
#net25newsandinformation #dswd #scammeralert #scamawareness #scam #scammerawareness #ayuda -
NET25
@NET25TV
CLEARING OPS SA MANILA CITY HALL
PANOORIN: Agad nagsagawa ng paglilinis sa Office of the Vice Mayor, na pinagmulan ng sunog sa Manila City Hall kaninang umaga, Setyembre 2.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa unang alarma ang sunog bago ito tuluyang naapula bandang 6:21 a.m.
#net25newsandinformation #bureauoffireprotection #bfp #sunog #fire #maynila #manilacityhall #vicemayor #officefireThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
REOPENING NG BURNHAM LAKE
TINGNAN: Tampok ang ilang makukulay na bangka sa muling pagbubukas sa publiko ng Burnham Lake sa Baguio City nitong Martes, Setyembre 1.
📷: Baguio PIO, Baguio PIA
#net25newsandinformation #baguiocity #burnhamlake #burnhampark #touristattraction #reopening #boatrides -
NET25
@NET25TV
3 BAGYO SA PAR
WEATHER UPDATE: As of 8 a.m., nananatiling nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Pilandok. Patuloy itong kumikilos pa-hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.
Habang ang Bagyong Saudel (dating Obet) ay nasa layong 555 km Kanluran ng Itbayat, Batanes, sa labas ng PAR.
Samantala, nasa labas din ng PAR ang LPA 08m na nasa layong 2,870 km Silangan ng Central Luzon.
📷: PAGASA
#net25newsandinformation #weathersystems #bagyo #pilandokph #obetph #tropicalstorm #saudel #lpa -
NET25
@NET25TV
Nakipag-#kadamustahan sa atin ang 2008 Grand Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy Season 2 na si Laarni Lozada dito sa #kadaumaga! 💖🎤 Ibinahagi niya ang kanyang journey at karanasan sa loob ng dalawang dekada mula nang tanghaling Grand Star Dreamer at kung paano parin niya pinagpapatuloy ang pagningning sa music scene! 🎶✨ #net25 #girlkada #laarnilozada #grandstardreamer #pinoydreamacademygranddreamer #opm
youtu.be/Xq-p4eAOvdE -
NET25
@NET25TV
PANOORIN: Dumating na si VP Sara sa isang forum sa Quezon City bilang pagdiriwang ng World Pandesal Day ngayong Huwebes, Oktubre 16. | via Madelyn Moratillo
#net25newsandinformationThis media couldn't be displayed. See it on the original post. -
NET25
@NET25TV
🎫 Ka-NET25, FREE TICKETS up for grabs!
Spot the Puregold OPM Con logo during NET25 livestreams and get a chance to win 3 tickets to Puregold OPM Con 2025 at the Philippine Arena! 🎶✨
How to join:
1. Watch NET25 livestreams on Facebook/YouTube
2. Subscribe/follow NET25 or NET25 Entertainment
3. Screenshot the logo + your proof of subscription
4. Send via DM to NET25 Entertainment with label ‘NET25 PUREGOLD Entry’
No purchase needed. Valid entries only. Winners will be announced on NET25 Entertainment page!
#net25 #puregoldopmcon2025 #kanet25giveaway #alwayspanalo #opmrise -
NET25
@NET25TV
HORI7ON is inviting YOU 🫵 to go all out this summer at Summer Blast 2025!
From global stage to Philippine Arena stage, handa na silang maghatid ng high-energy P-Pop performance na siguradong mapapa-wow ka! 🌟🔥
Don’t miss this chance to vibe with your ultimate P-Pop idols!
#summerblast2025 #net25years #hori7on -
NET25
@NET25TV
BRUNO MARS IS COMING TO PHILIPPINE ARENA AND THAT’S WHAT I LIKE! 🕺
Vibe check muna at ihanda na ang inyong energy because Bruno Mars is coming back to the Philippines on June 24! 🤩 -
NET25
@NET25TV
Ready na ba kayo sa biritan ng 4th impact?
Makisaya kasama nina Almira, Irene, Mylene, and Celina mamaya sa live performance nila sa Philippine Arena! Brace for impact, mga NETizens!
#letsnettogether2023
#net25newyearcountdown
#pharena2023





































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































































