BASAHIN: "Ang lahat ng teknolohiya ay may kahinaan (vulnerability, kung sa teknikal na salita), gayundin sa anumang sistema—gumagamit man ito ng digital technologies o hindi. Ang unang hakbang sa anumang atake ay pagkalap ng impormasyon tungkol sa target upang malaman ang mga kahinaan nito. Sa gayon, malalaman kung anong klase ng atake ang maaaring mailunsad, at paano ito magagawa nang matagumpay," ani Cantillas mula sa @cpu_ph .
"May iba’t ibang pamamaraan para mangalap ng impormasyon: mula sa paggamit ng teknolohiya (scripts, tools, listening devices, malware, atbp.) hanggang sa publicly available information hanggang sa social engineering (pagsamantala sa mga kahinaan ng tao—hal. panunuhol, panlilinlang, phishing, pakikipagkwentuhan, atbp.).
Sinabi rin ni Cantillas, na walang "blanket" o iisang solusyon, pagdating sa pag-iwas sa cyber-attack.
Read more: pilipinastoday.org?p=4804
#pilipinastoday
#hacking
#cyberattack